BAUTISTA CENTRAL SCHOOL SPED CENTER S.Y. 2021-2022 SUMMATIVE TEST_Q3 ARALING PANLIPUNAN 1 Pangalan:_______________________________________________ Iskor:____________ Petsa:________________________ Pirma ng Magulang:_________________ Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang. ____1. Ano ang pangalan ng iyong paaralan? a. Bautista Central School Sped Center b. Bautista Central School c. Bautista Elementary School ____2. Saan matatagpuan ang iyong paaralan? a. Cabuaan, Bautista, Pangasinan b. Nandacan, Bautista, Pangasinan c. Poblacion East, Bautista, Pangasinan ____3. Ano ang unang pangalan ng iyong paaralan bago ito naging Sped Center? a. Mababang Paaralan ng Bautista b. Bautista Central School c. Paaralang Elementarya ng Bautista ____4. Anong bahagi ng paaralan ang nasa larawan? a. Silid-aralan b. silid-aklatan c. silid-kainan ____5. Saang bahagi ng paaralan ka pupunta kung masama ang iyong pakiramdam? a. hospital b. klinika c. kantina ____6. Kapag nagbabasa ka sa iyong silid-aralan at may naglalarong mga bata sa pasilyo, anong gagawin mo? a. Hahayaan na lamang. b. Pagsasabihan na huwag maglaro sa pasilyo. c. Sisigawan ang mga bata. ____7. Kung malakas ang boses ng kausap mo habang nagsasalita ang iyong guro, ano ang gagawin mo? a. Sisigawan din sya. b. Huwag pansinin. c. Pagsasabihan na hinaan lamang ang boses. ____8. Aling larawan na nagpapakita ng maayos at matiwasay na kapaligiran na nagdudulot ng payapang pagkatuto ng mga mag-aaral? a. b. c. ____9. Tungkulin niya na tulungan ang mga guro upang maging maayos ang kanilang pagtuturo. Sino siya? a. punong-guro b. mag-aaral c. guro ____10. Sila ay tauhan ng paaralan na ang tungkulin ay turuang magsulat at magbasa ang mga mag-aaral. Sino sila? a. mga mag-aaral b. mga guro c. mga dyanitor ____11. Alin sa sumusunod ang matutuhan mo sa loob ng paaralan? a. Pagnanakaw b. pakikipag-away c. pagsusulat ____12. Ang paaralan ay maituturing na ating ikalawang tahanan. a. Tama b. Mali c. Hindi Tiyak ____13. Ang mga alituntunin ay isang patakaran na nakatutulong upang ____________________. a. Mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng iyong paaralan. b. Maging makasarili ang bawat isa. c. Mapalaganap ang pagyayabang. ____14. Marami ang lumahok sa ginanap na paglilinis at pagkukumpuni ng mga sirang gamit ng paaralan bago ang pasukan. Anong programa ng paaralan ito? a. Buwan ng Wika b. Mahal na Araw c. Brigada Eskwela ____15. Paano magiging matagumpay ang programa ng paaralan? a. Ang mga magulang ay masayang sumusunod sa mga programa ng paaralan b. Ang mga magulang ay tumutulong sa bawat programa ng paaralan c. Ang lahat ay nakikiisa sa ikakaganda at ikakaunlad ng paaralan TABLE OF SPECIFICATION Mga Layunin Masasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan nito (at bakit ipinangalan ang paaralan dito), lokasyon, taon ng pagkakatatag at ilang taon na ito Masasabi ang mga bahagi ng paaralan.. Matutukoy ang kahalagahan o gamit ng mga bahagi ng paaralan. Nasasabi ang epekto ng pisikal na kapaligiran sa sariling pagaaral(e.g. mahirap mag-aral kapag maingay, etc) Nailalarawan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga taong bumubuo sa paaralan Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paaralan sa sariling buhay at sa pamayanan o komunidad. Nabibigyang-katwiran ang pagtupad sa mga alituntunin ng paaralan Nakakalahok sa mga gawain at pagkilos na nagpapamalas sa pagpapahlaga ng sariling paaralan ANSWER KEY: CODE AP1PAAIIIa-1 AP1PAAIIIa-1 Bahagdan 20% 13% Bilang ng Aytem Kinalalagyan ng Bilang 3 1-3 2 4-5 3 6-8 AP1PAA-IIIB-3 20% AP1PAA-IIIb-4 13% 2 9-10 13% 2 11-12 AP1PAA-IIIe-10 7% 1 13 AP1PA-IIIh-13 13% 2 14-15 100 15 15 APIPAA-IIIc-5