Uploaded by Danica Joy Escober Namoc

LAS-AP9-week-1-2

advertisement
MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
ARALING PANLIPUNAN 9
Ikatlong Markahan, Ika- 1 at 2 Linggo
Pangalan: _________________________________________
Lebel/Seksiyon:_____________
Petsa:_______________
I.
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan
tungo sa pambansang kaunlaran.
II.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung
papaanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
III.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa
paikot na daloy ng ekonomiya.
IV.
Layunin
Nasusuri ang ugnayan sa isa’t-isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot
na daloy ng ekonomiya.
V.
Mahalagang Konsepto
Sa araling ito ay matututunan ng mga mag-aaral ang paikot na daloy ng
ekonomiya at ang ugnayan nito sa isa’t-isa.
VI.
Mga Gawain
Gawain 1: Sino ito? Ano ito?
PANUTO: Tukuyin ang ipinapahayag ng mga sumusunod na pangungusap.
_______1. Katuwang ng bahay-kalakal at sambahayan sa mga desisyong
panghinaharap.
_______2. Tagapaglikha ng pampublikong paglilingkod para sa sambahayan at
bahay-kalakal mula sa buwis na nakolekta nito.
_______3. Ginagamit ng bahay-kalakal upang mahatid sa sambahayan ang mga
nalikha nitong produkto at paglilingkod.
_______4. Tanging may kakayahan na lumikha ng kalakal at paglilingkod
_______5. Nakikipag-ugnayan sa bahay-kalakal at sambahayan sa pamamagitan
ng pagluluwas (export) at pag-aangkat (import).
_______6. Dito natutugunan ng bawat bansa ang kani-kanilang pangangailangan
sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
_______7. Nagmamay-ari at tagatustos ng mga salik sa produksyon.
_______8. Katuwang ng sambahayan upang maihatid ang mga salik sa produksyon
sa bahay kalakal.
_______9. Tumutukoy sa halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o
serbisyong kanilang ibinibigay.
_______10. Pera o kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o hindi ginastos sa
pangangailangan.
Gawain 2: Tama o Mali
PANUTO: Isulat ang TAMA kung tama ang ipinapahayag ng pangungusap at MALI
kung mali ang ipinapahayag ng pangungusap.
1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa gawain ng buong ekonomiya.
2. Ang pag-aaral ng makroekonomiks ay binubuo ng sambahayan at bahay
kalakal lamang.
3. Iisa ang bahay-kalakal at sambahayan sa unang modelo ng paikot na daloy ng
ekonomiya.
4. Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang
ekonomiya – ang sambahayan at bahay-kalakal.
5. Sa ikaapat na modelo lumalahok ang pamahalaan sa sistema ng pamilihan.
6. Ang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan ng
iba’t-ibang sektor sa buong ekonomiya.
7. Ang sambahayan ang nagdedemand sa gawa ng bahay-kalakal.
8. Tataas ang antas ng produksyon kung ibababa ang kapital ng produksyon.
9. Ang interes ay kita para sa bahay-kalakal.
10. Sa factor market makabibili ng mga yaring produkto.
Gawain 3: Fill it Right
PANUTO: Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor at pamilihan sa paikot
na daloy ng ekonomiya.
Mga Aktor sa Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
1.
2.
3.
4.
Bahaging Ginagampanan
Mga Uri ng Pamilihan
1. Product Market
2. Factor Market
3. Financial Market
4. World Market
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ugnayang namamagitan sa sambahayan at bahay-kalakal?
Ipaliwanag.
2. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa
ekonomiya?
3. Bakit kailangan ng ekonomiya ang panlabas na sektor?
Gawain 4: Iguhit Mo!
PANUTO: Iguhit at ipaliwanag ang ikalimang modelo ng paikot na daloy ng
ekonomiya.
VII.
Repleksyon
Mahalagang matutunang mapahalagahan ang kaugnayan ng mga
bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.
VIII.
•
Mga Sanggunian
Hango sa Ekonomiks, Grade 9 Learners Materials
Download