Uploaded by Jan Gonzales

PARTICIPANT-5

advertisement
PARTICIPANT #2
INTERVIEW QUESTIONS
SOP #1: What are the challenges encountered by the STEM students in the implementation of Modular Distance
Learning in the school year 2020-2021?
a. Paano mo maisasalarawan o maikekwnto ang unang linggo ng first semester noong natanggap mo ang mga
modules mo?
Answer: Noong unang araw, binabasa ko ung mga modules na ibinigay masyado itong marami kaya
hindi ko muna sinagutan lahat. Nung pangalawang araw naman sinagutan ko yung iba. Nung
pangatlo naman doon nako nag sagot ng modules diretso sa ikaapat na araw naman hindi ko pa din
ito matapos tapos dahil sa sobrang dami at mahirap kaya nagpuyat pa ako. Sa ikalimang araw
naman, si mama ko ung nagpapass ng answersheets ko kasi hindi ako pwedeng lumabas dahil
mahigpit ang protocols
Follow up questions: 1. sinunod moba ang WHLP?
Answer: Hindi ko nasunod ung whlp na binigay kasi may roon pa akong ibang ginagawa tulad ng
gawaing bahay at pagtulong sa mga kapatid ko sa modules nila
b. Gaano ka-stress ang pag-aaral ng modular para sa iyo sa panahon ng pandemya? (How stressful is modular
learning for you during the pandemic?)
Answer: Ako ay sobrang na stress dahil madaming modules ung binibigay tapos may mga
performance task pa na dapat gawin at may mga gawaing bahay pa akong dapat tapusin
c. Ano-ano ang mga naging salik na naranasan mo sa implementasyon ng Modular Distance Learning? (What
are the challenges you encountered with the implementation of modular distance learning ?)
Answer: Ang mga naging salik na naranasan ko ay yung pagkawala ng ibang answersheets ko kahit
nagpasa naman ako at internet connection dahil minsan mahina ung signal kaya nahihirapan akong
ipass ung mga performance task tulad ng pag bidyu ng iyong talumpati
d. Ano-ano ang mga naging epekto ng mga salik na ito sa buhay mo bilang isang estudyante at bilang isang
anak?
( What effect have these factors had on your life as a student and as a child?)
Answer: Nawawalan ako ng oras para sa sarili ko, lagi nalang akong nagpupuyat at nahihirapan
akong ipagsabay ung pag sagot ng modules at pag gawa ng mga gawaing bahay.
2. SOP #2 What are the strategies developed and adopted by the participant students to cope with the demands
of modular learning?
a. Ano ang mga paraan na ginawa mo para kayanin ang mga demands ng modular learning? (What are the
strategies you made to adopt the demands of modular learning?)
Answer: Gumagawa ako ng paraan tulad ng panonood sa Youtube kung pano isolve ganon tapos
nagsesearch ako sa google para madagdagan ung kaalaman ko tungkol sa lesson para na din masagutan
ko ung mga modules ko. Minsan nagtatanong ako sa mga teacher para gabayan nila ako at
maipaliwanag nila ito sa akin. Kapag talaga walang load o hindi ko maintindihan ang lesson
kumokopya na lng ako
b. Sa lahat ng ginawa mong paraan, natutuhan mo ba ang lahat ng aralin o sapat na makapagpasa lamang at
makapasa?
Answer: Sa tingin ko hindi lahat, dahil tulad ng ibang kapwa ko mag aaral ang target namin ay
makapag pasa ng module sa itinakdang araw ng pasahan nito
c. Kumusta ang naging grado mo sa unang semester? ( How was your grade in the first semester?)
Follow up questions: - Are you satisfied with your grades?
Answer: Ayos lang naman dahil pinag hirapan ko yun at kahit ano man ang maging
grado ko dpt maging masaya ako kasi un ung bunga ng puyat at pagod ko.
3. SOP #3: How do they ascribe meaning to why they needed to cope with the challenges of modular learning?
a. ) Hindi ba sumagi sa isip mo na magdrop o huminto muna sa pag-aaral kaysa magkahirap sa modular
learning?
( Doesn’t it cross your mind to drop or stop learning first rather than struggle with modular learning)
Answer: Hindi sumagi sa aking isipan
b.1(Kung ‘Oo’ o ‘Sumagi sa isip ko na huminto o magdrop muna”ang tugon o sagot sa unang tanong, ito ang
tanungin: Anu-ano sa iyong palagay ang pwedeng kinahinatnan nito sayo? )
Answer:
b.2. kung ang sagot ng kinakapanayam sa unang tanong ay ‘Hindi’, lagpasan ang tanong sa titik ‘c’ at sa halip
ay tanungin na lamang ang tanong sa titik ‘d’ (‘Para sa iyo….’)
Answer:
c. Ano ang nagkumbinsi sa iyo upang ipagpatuloy ang ang pag aaral sa senior high school kahit ang paraan ay
modular learning? (What convinced you to continue studying in senior high school even though the method was
modular learning?)
Answer:
d. Para sa iyo, bakit mahalaga ang pagpapatuloy ng pag aaral kahit sa modular na paraan?( For you, why is it
important to continue learning even in a modular way?)
Answer: Alam natin na lahat tayong mga mag aaral ay nahihirapan sa bagong sistema ng
pagtuturo pero hindi dpt ito maging rason para huminto ka sa pag aaral. Isipin natin ung
pagpapakahirap ng mga magulang natin para lang mapag aral tayo at itatak natin sa ating
kaisipan na ginagawa natin ito para sa ating mga pangarap.Lahat ng pagod, puyat, efforts at
hirap na pinagdadaanan sa pag aaral kahit modular ito ay mag bubunga yun ay ang
makakapagtapos tau ng pag aaral at makakahanap ng disenteng trabaho.
Download