BAHAGI 4 Kabanata 31: Unang Pagsubok ni Haring Salermo Jann Rossel L. Rambac Nagising si Haring Salermo at nakita si Don Juan sa hardin. Nalaman ng hari ang pakay ni Don Juan. Pinatuloy siya ng hari sa loob ng palasyo subalit magalang na tumanggi ang prinsipe at naghintay nang ipag-uutos. Nagpakuha ang hari sa utusan ng isang salop ng trigong kaaani pa lamang at ibinigay kay Don Juan para itanim. Tuwang-tuwa ang hari nang makaalis na si Don Juan sapagkat madadagdagan ang mga prinsipe, konde, at kabalyero na naging bato. Malungkot na nakipagkita si Don Juan kay Maria Blanca sapagkat hindi matutupad ang ipinag-utos ng hari. Pinawi ni Maria Blanca ang pag-aalala ng prinsipe. Pinagpahinga at pinatulog niya ng mahimbing si Don Juan sa loob ng tinutuluyang bahay. Ginamit ng prinsesa ang mahika blangka para tupdin ang utos ng hari. Malalim na ang gabi at napatag na ni Maria Blanca ang bundok. Isinabog niya ang trigo at iglap na namunga. Noong oras ding iyon ay inani ni Maria Blanca ang mga bunga para dalhin sa lutuan ng tinapay. Nagalapong at namasa ng mga Intsik ang trigong inani ni Maria Blanca. Kinabukasan ay inihain sa hari ang tinapay. Natupad ang unang kahilingan ng hari na almusalin ang iba't ibang hugis at makukulay na tinapay mula sa isang supot ng trigo.