PAGSUSURING PORMALISMO SA PELIKULANG SEVEN SUNDAYS (Cathy Garcia-Molina) Ano ang masasabi mo tungkol sa pagkakabuo ng pelikula? Sa trailer palang ng palabas ay nakuha na nito ang aking atensiyon dahil minsan mo lang makikita sa panahon ngayon ang kwento na tungkol sa pamilya. Kalimitan kasi kung ating mapapansin ay laging patungkol sa pagibig. Minsan lang magkaroon ng pelikula sa sinehan na patungkol sa pamilya. Napakaganda ng pagkakabuo ng pelikula. Simula sa una ay naipakita nito ang tunay na mga pangyayari sa buhay ng tao. Kada ipapakita na pangyayari sa pelikula ay may kahulugan. Maging ang mga pagkain katulad ng pansit, ice cream, cake at letchon ay nabigyan ng malalalim na kahulugan.