John Claude L. Viloria GED0116 – Section 47 Pagwaksi sa Nakasanayan Totoo kaya ang kasabihang “History repeats itself”? Isang tanong na maaaring magpakita kung mayroon bang pagbabago na nangyari sa ating bansa – pagbabagong makabubuti hanggang sa hinaharap o pagbabagong ididirekta ulit tayo sa mga gawi ng nakaraan. Sa pagsusuri ng kanta ni Rey Valera na Sa Aking Panahon, makikita natin ang mga pangyayaring naganap sa ating bansa noong sinulat niya ang kantang ito. Marahil laganap parin ang iba sa mga nabanggit sa kanta sa kasalukuyang panahon ngunit hindi ito tulad sa paraan kung pano ito nangyari noon. Kung ating pag-uusapan ang mga problemang nakapaloob sa kanta ni Rey Valera, makikita dito ang ilang mga isyu tulad ng pangingnidnap, pornograpiya, pangre-rape, pagtangkilik ng ibang bansa kaysa sa atin, at kurapsyon sa gobyerno. Totoo naman na ang lahat ng nabanggit ay nangyayari parin magpasahanggang ngayon ngunit may ilan na bumaba ang mga kaso tulad ng pangingidnap na umabot na 0 kada 100,000 populasyon ang naitala nong 2012. Sa mga natirang isyu tulad ng pornograpiya, lumala ang mga kaso natin at mas tumindi ang mga taong sangkot sa gawaing ito. Noong 2017, ayon sa UNICEF ang Pilipinas ay ang may pinakamataas na porsiyento pagdating sa pinagkukuhanan ng pornograpiya (Pasion, 2017). Hindi lang ito bastang pornograpya dahil mga bata ang nagiging biktima dito. Ayon naman sa naging istatistika na ginawa noong 2014, sa kda 100,000 Pilipino, 10 ang nagiging kaso ng rape. Mapapansin na dumarami at lumalaki ang kaso na umabot sa 19.08 porsiyento kada taon simula noong taong 2005. Isa pa sa mga isyung makikita ay ang mas pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga banyagang gawi sa puntong nakakalimutan nilang may mas malalang nagaganap sa ating sariling bansa. Masasabi ko na hanggang ngayon, may ilan paring hindi ginagamit sa wasto ang kanilang pribilehiyo upang makatulong sa maraming nangangailanagang mamayang Pilipino. Mas pinipili nialng isara ang kanilang mga mata at tenga kaysa pagtuunan ng pansin ang mga aghihirap na kababayan. At kahulihan ay ang kurapsyon, na hanggang sa ngayon ay hindi mawala-wala dahil sinasanto ng mga pulitiko ang mga perang bayang napapasakanila. Dito sa kantang ito, kung ating susuriin pang mas mabuti, ang lahat ng problemang ito ay maituturo sa isang problema na lahat tayo ay magkakasundo dahil sa kasalakuyang kondisyon ng ting bansa – ang kapabayaan ng pamamahala ng ating gobyerno. Kung ang gobyerno sana ay nabibigay sa mga taong naghihirap ng kanilang pangangailangan para sa araw-araw nang sa gayo’y malagpasan ang kahirapang kanilang dinadanas, hindi sana nangyari ang pangingidnap at ang pagbebenta ng katawan sa malaswang paraan. Kung ang gobyerno sana ay may parusang matindi para sa mga nangre-rape, hindi sana nauulit ang mga ganitong problema. Kung ang ating gobyerno lamang ay mayroong totoong pakialam at malasakit sa mga mamamayang Pilipino, hindi sana ganito ang nangyayari sa ating panahon. Walang puwedeng gawing lusot ang mga nakaupo sa puwesto dahil alam nila ang bigat ng posisyon at responsibilidad nilang kailangan gampanan para mapabuti ang lagay ng ating bayan. Hanggang salita nalang ba? Hanggang mga pangako nalang ba? Ngayong darating na eleksiyon, nalitaw na unti-unti ang mga baho ng mga politiko dito sa ating bansa. Maaaring nagpapabango lamang ang iba at nagpapaganda ng imahe kaya’t pilit nilang ibinababa ang kanilang mga kalaban. Maganda na rin siguro iyon para malaman ng mga tao ang katiwaliang nangyayari sa ating bansa. Ngunit ang mas mahalaga ngayon ay pagtuunan natin ng pansin ang mga lider na maaaring makapagpabago ng kalagayan ng ating ansa. Suriin natin nang mabuti ang mga kredensyal at mga pagpapatunay na may kakayahan silang mamahala ng isang bansa, hindi tulad ng ibang pulitiko na namemeke ng kredensyal, nagsisinungaling, at nagnanakaw ng pera ng bayan. Dapat tayong pumili ng mga lider na kayang maglingkod para sa bayan, handang makinig sa hinanaing nga mga tao, at magbigay ng tamang serbisyo na karapat-dapat sa mga tao. Ang kantang ito ay tila naging isang panawagan para mamulat ang bawat isa sa mga nagaganap sa ating paligid. Kung ating papakinggan ang kanta, ang tono nito ay malumanay at para bang nananawagan sa bawat isa na “Ito ang nangyayari sa atin, bakit parang walang may pakialam?”. Kapag may gusto siya bigyang diin, hindi niya ito nilalakasan ang musika, sa halip ay tinitigil niya ito para maging malinaw ang pagkakasabi at pagkakabigkas ng liriko. Hindi naman gumamit ang nagsulat ng matitinding salita para ipahiwatig ang kanyang gustong iparating ngunit ang mensahe ng kanyang kanta ay umaalingawngaw na parang nangungumbinsing makinig ang mga tao. Binanggit ko kanina sa simula ang tanong kung totoo nga ba ang pag-uulit ng kasaysayan, at masasabi kong ito ay possible hangga’t ginagawa natin ang tamang desisyon. Ang desisyon na makabubuti para sa lahat at hindi lamang para sa sariling kagustuhan. Mapapansin natin na sa kantang isinulat ni Rey Valera, hindi pa nawawaksi ang mga isyung nakapaloob sa kanta, mayroon mang nabawasan ang kaso, ngunit karamihan dito ay lumala. Ito na siguro ang tamang panahon para ayusin ang gusot na ginawa ng kasalukuyan nang sa gayo’y maging tuwid na ang daang tatahakin ng bawat isa sa hinaharap. Sanggunian: Kidnapping rate. (2012). Crime Statistics. Knoema. https://knoema.com/atlas/Philippines/topics/Crime-Statistics/Assaults-KidnappingRobbery-Sexual-Rape/Kidnapping-rate Pasion P. (2017, December 13). Philippines top global source of child pornography Unicef. Rappler. https://www.rappler.com/nation/philippines-top-global-source-childpornography-unicef Rape rate in the Philippines from 2003-2014. (2021, September 29). Statista Research Department. Statista. https://www.statista.com/statistics/1170674/philippines-raperate/