Grades 2 FILIPINO IDEA LESSON EXEMPLAR RM No. 296, s. 2020 Learning Area Learning Delivery Modality School: Teacher: FILIPINO 2 Online Distance Learning San Mateo Municipal College JUSTO SAYSON Teaching Date: Teaching Time: DECEMBER Grade Level: Learning Area: Quarter: No. of Days 2 FILIPINO 3RD 1 I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Natutukoy ang pagkakaiba ng sanhi at bunga sa pang-ugnay 2. Tinatalakay ang sanhi at bunga gamit ang pangugnay 3. Nakakagawa ng pangungusap gamit ang napagugnay na sanhi at bunga A. Pamantayang Pangnilalaman: Nagagamit ang mga kaalaman sa wika B. Pamantayan sa Pangganap: C. Pinakamahalagang Nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang talata at teksto Kasanayan sa Pagkatuto / MELC D. Pagpapaganang Kasanayan II. NILALAMAN III. KAGAMITANG PANTURO A. Mga Sanggunian 1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro NAPAG-UUGNAY ANG SANHI AT BUNGA 2. Mga Pahina sa Kagaitang pang magaaral 3. Mga Pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=ujAhPdWZbTQ Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resouce • Slides presentation B. Listahan nga mga • Canva kagamitang Pangturo para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at pakikipagpalihan IV. PAMAMARAAN A. INTRODUCTION (Panimula) - - Panimulang Panalangin Atendans (sa pamamagamitan ng pag bukas ng kanilang camera at pagsabi ng present sa kanilang gadyet) Kukumustahin ng guro ang mga bata Ipapaalala ng guro ang mga alituntunin ng klase Balik-aral PAGGANYAK: (Magpapakita ang guro ng mga larawan at kanilang iisipin kung ano sapalagay nila ang nangyayari) B. Development (Pagpapaunlad) Paunang Katanungan: (Ipapakita dalawang larawan sa mga mag-aaral at kanila itong susuriin). Ano ang masasbi ninyo sa dalawang larawang ito? Ano ito? - Diskusyon Sanhi at bunga - Ang Sanhi ay dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay. Ang Bunga naman ay ang kinalabasan o resulta ng isang pangyayari dahil sa sanhi. HALIMBAWA: Matagal na naligo sa ulan ang bata kaya nagkasakit siya SANHI: Matagal na naligo sa ulan ang bata BUNGA: kaya nag kasakit siya. Ang salitang ginamit sa pang-ugnay ay kaya. HALIMBAWA: Napagalitan si Juan dahil sa di niya paggalang sa matanda. SANHI: dahil sa di niya paggalang sa matanda BUNGA: napagalitan si Juan. Ang salitang ginamit sa pang-ugnay ay dahil sa. PANG-UGNAY May mga salitang ginagamit na pang-ugnay sa sanhi at bunga upang maiugnay ang mga kaisipan at ideya Mga halimbawa: Mga pang-ugnay na ginagamit sa sanhi: sapagkat dahil sa palibhasa kasi Mga pang-ugnay na ginagamit sa bunga: kaya dahil dito bunga nito tuloy C. ENGAGEMENT (Pagpapalihan) PANGKATANG GAWAIN: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay gagawa ng tatlong pangungusap ng sanhi na kasama ang pang-ugnay. Pangalawang grupo naman ay gagawa rin ng tatlong pangungusap naman ng bunga na kasama ang pangugnay. Paglalahat: - Tatanungin ng guro ang mga bata kung ano ulit ang sanhi at bunga at ang mga pang-ugnay na mayroon sa sanhi at bunga. D. ASSIMILATION (Paglalapat) PAGSUSURI Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang pang-ugnay na angkop sa pangungusap. Isulat ito sa patlang bago ang bilang. ____1. Nanonood ako ng balita sa telebisyon (kaya, kasi) nalaman ko ang nangyaring pagbaha sa Hiligang Luzon. ____2. Bumagsak ako sa aming pagsusulit (dahil, dahil dito) hindi ako nag-aral. ____3. Hindi agad ako nakauwi ng bahay (dahil sa, tuloy) malakas na ulan. ____4. Napuyat ako (sapagkat, bunga nito) may lamay sa aming kalye. ____5. Kaarawan mo bukas (kaya, dahil) mamasyal tayo. SAGOT: 1. kaya 2. dahil 3. dahil sa 4. sapagkat 5. kaya VI. PAGNINILAY Magsusulat ang mga mag-aaral ng dalawang pangungusap na may sanhi at bunga sa kanilang kwaderno. JUSTO P. SAYSON BEED-3