Uploaded by Leslie Joy Yata-Montero

AP8 Q3 W3

advertisement
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Pangalan
Baitang o Antas
Seksiyon
Petsa
Kuwarter/Linggo
:
:
:
:
:
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
Ikatlong
Kuwarter/Ikatlong Linggo
______________________________________________
Araling Panlipunan 8
Ang Rebolusyong Amerikano at Pranses
Tiyak na Layunin
Ang mga kaganapan noong panahon ng transpormasyon ay may malaking epekto
sa ating kasalukuyan. Ito ang naging batayan natin ng ating kaalaman at pangaraw-araw na pamumuhay. Ang lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan at
pagpapaliwanag.
Sa araling ito, tatalakayin ang mga kasanayan, kaalaman at kaganapan sa
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal. Naglalayon
itong maunawaan ng mga mag-aaral ang isa sa mga mahalagang pangyayaring
naganap sa kasaysayan ng daigdig na may malaking epekto sa kasalukyang
panahon. Naglalaman din ito ng mga nakatakdang pagkakasunod-sunod ng
leksyon para lubusang maunawaan at maintindihan ng mga mag-aaral.
MELC:
Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano at French
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:
1. Natatalakay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong French at
Amerikano.
2. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong French at Amerikano.
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
1
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos
nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong sa iyong magulang o taga pag-alaga, o sinomang mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya
mo ito!
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
2
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Gawain
Gawain 1: Fill-me
Panuto: Punan ang nawawalang letra sa patlang upang mabuo ang katangian ng
A. Gawain:Larawan-suri
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
Sangunian:
https://cdn.voxcdn.com/thumbor/f0NdGDsXBbVPrPOrT_iBbXt0sj8=/0x66:5340x4071/12
00x800/filters:focal(0x66:5340x4071)/cdn.voxcdn.com/uploads/chorus_image/image/4
6689262/GettyImages-121321782.0.0.jpg
Pamporosesong Tanong
1. Sa iyong palagay anong kaguluhan ang nangyayari sa larawan?
2. Magbigay ng isang maaring maging epekto ng pangyayaring ito?
3. Sa kasalukuyan may ganito bang nangyayari sa ating bansa?
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
3
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Pamamaraan
ANG DIGMAAN PARA SA KALAYAAN SA AMERIKA
Ang Digmaan para sa kalayaan sa Amerika ay lalong kilala sa katawagang
Himagsikan sa Amerika. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga English ay
nagging mga migrante sa South America at nagrebelde sa labis na pagbubuwis na
ipinataw sa kanila ng English Parliament nguni’t wala naman silang kinatawan sa
parliament upang sabihin ang kanilang mga hinanaing. Nagdeklara sila ng paglaya
sa mga Ingles noong 1776 at pagkatapos sila’y nagbuo ng isang malakas na hukbo
na magiging tagapagtanggol nila sa mga hinaharap na alitan o sigalot sa Great
Britain. Ang Digmaan para sa kalayaan ay naging dahilan sa pagbubuo ng Estados
Unidos ng Amerika.
Ang Labingtatlong Kolonya
Ang malaking bilang ng mga British ay
nagsimula nang lumipat at manirahan
sa North America noong pang ika-17
siglo.
Karamihan
sa
kanila
ay
nakaranas ng mga persekyusyon dahil
sa
kanilang
mga
bagong
pananamplataya na nagresulta ng
Repormasyon at Enlightenment sa
Europe. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo
ay
nakabuo
na
sila
ng
13
magkakahiwalay na kolonya na ang
https://alphahistory.com/americanrevolution/thirteen-colonies/
hangganan
sa
Hilaga
ay
ang
Massachusetts at sa Timog ay ang Georgia. Bawa’t isa sa kolonya ay may mga
sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halaga ang
Great Britain laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang
13 kolonya. Ito ang dahilan kung bakit nais ng Great Britain na ang mga kolonya
ay mag-ambag sa naging gastusin ng Great Britain at ito’y nais nilang kunin sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis.
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
4
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Mga Dahilan ng Pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano
1. Stamp Act. Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag
ng buwis para sa pamahalaan ng Great Britain. Naisagawa ito sa pamamagitan
ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Great Britain
mula sa mga kolonya.
2. Walang pagbubuwis kung walang representasyon. Ang mga kolonya ay walang
kinatawan sa Parliamento ng British sa London kaya sila ay nagprotesta sa
pagbabayad sa labis na buwis na ipinapataw sa kanila.
3. Boston Tea Party. Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot
ng kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang
pangkalakal na bapor ng mga British. Kanilang itinapon ang mga tonetoneladang tsaa sa pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y
nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya.
Ang Pagsisimula ng Digmaan
Noong Abril 1775 nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sundalo sa Boston
upang kunin puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord.
Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging
kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong
British. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong
bayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya
mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang
humadlang sa mga sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington.
Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang
napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano.
Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na magorganisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na
nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad.
Ikalawang Kongresong Kontinental
Nagpulong ang Kongresong Kontinental sa ikalawang pagkakataon noong Mayo
1775 at idineklara nila ang pamahalaang tinawag na United Colonies of America.
Tinawag na Continental Army ang hukbo ng militar at inatasan si George
Washington bilang comamnder-in-chief nito.
Sinubukan nilang angkinin ang Boston, ngunit sila ay natalo sa Digmaan sa
Bunker Hill. Natalo rin sila sa kanilang pagnanais na makubkob ang Canada. Sa
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
5
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
kabila ng sunod-sunod na pagkatalo, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga
Amerikano.
Ang Deklarasyon ng Kalayaan
Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang
Great Britain sa Atlantiko upang tuluyang durugin at
pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan
ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong
Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan
noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni
Thomas Jefferson, isang manananggol at binigyang diin ng
dokumento na ang dating mga kolonya ay di na sa
kasalukuyan teritoryo ng Great Britain. Sila sa panahong
iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa
katawagang Estados Unidos ng Amerika.
https://www.thoughtco.com/thmb
/_qfA10PYFQSo_q8mXvJxViLoeg=/1
977x1977/smart/filters:no_upscale
()/Thomas-Jefferson-2955-3x2gty58b984f33df78c353cdf1fdc.jpg
Buwan na ng Agosto ng tuluyang nakadaong ang hukbo
ng Great Britain at sinakop nila ang New York. Napilitan ang puwersa ni George
Washington na umatras sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na
halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na
pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang.
Nagkaroon ng pag-aaral at pag-paplano si Washington kaya noong ika-25 ng
Disyembre,1776 ay naglunsad siya ng isang hukbo at sorpresang inatake ang
British. Ginamit ng hukbo ni Washington ang Delaware River upang
maisakatuparan ang kanyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila
napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay
sa pagkuha sa New York.
Ang Labanan sa Yorktown
Sa pamumuno ni General Charles Cornwallis, tinangka ng Britain na sakupin ang
South Carolina ngunit hindi sila nagtagumpay sa pinagsamang lakas ng France at
Amerika. Natalo ang mga Briton sa Labanan sa Kings Mountains noong huling
bahagi ng 1780 at 1781 sa Labanan sa Cowpens.
Sa karagdagang puwersa ng mga sundalong French na dumating sa Amerika,
nakayanang talunin ng hukbo ni Washington ang mga Briton na pansamantalang
nakahimpil sa Yorktown. Sumuko si General Cornwallis noong Oktubre 19,1781
at tuluyan nang nakamtan ng Amerika ang kanilang kalayaan.
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
6
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Ang Pagwawakas ng Digmaan
Sa isang kumprensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na kinilala ng Britain ang
kalayaan ng Amerika. Ang mga Ingles na nasa Amerika na nagnanais paring
pamunuan ng hari at reyna ay lumipat sa Canada na nanatiling kolonya ng Britain.
ANG REBOLUSYONG FRENCH
Ang French Revolution na nagsimula noong 1789 at nagwakas noong 1799 ay nagiwan ng dalawang pangunahing epekto sa France, ang pagpapaalis ng isang
absolutong hari at nagtatag ng isang republika. Maraming bilang ng mga tao ang
pinutulan ng ulo sa pamamagitan ng guillotine na nangyari sa panahon tinawag
ng mga French bilang Reign of Terror. Ang rebolusyon ding ito ang naglatag ng mga
digmaang pinamunuan ni Napoleon sa Europe.
Noong 1774, umupo sa trono ng France si Haring Louis XVI. Minana niya ang isang
kaharian na pinatakbo ng makalumang patakaran, isang sistemang walang
ipinagbago sa loob ng mahabang panahon.
Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran
Taong 1789 ng ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa National
Assembly ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-batas. Ang pambungad na
pananalita ng saligang-batas ay ukol sa Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao
at Mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang French ay kinakailangnang
nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Makalipas
ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si Louis XVI na
pamahalaan ang France sa pamamagitan ng bagong saligang-batas. Ang
kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at
ang halalan para sa Asembliyang bubuo ng mga batas ay idinaos.
Ang Pagsiklab ng Rebolusyon
Maraming mga monarko sa Europe ang naapektuhan ng malaki sa pagsiklab ng
Rebolusyon sa France. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay
lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay
nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang pulbusin ang
mga rebolusyonaryong French. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo
ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. Ang
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
7
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng
isang abogadong nagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga
rebolusyonaryo na posibleng ang mga nobilidad ng France ay nakikipagbuo ng
alyansa sa iba pang mga bansa sa Europe upang muling ibalik ang kapangyarihan
ng hari at tapusin ang rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari
at daan sa mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit
ng guillotine. Tinawag ang pangyayaring ito sa France bilang September Massacres.
Noong Enero 1793 ay napugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI mga ilang
araw lang ay sinunod naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunudsunod nitong pangyayari ay idineklarang isang French Republic.
Ang Pagiging Popular ni Napoleon
Kailangan ng France ng isang malakas
na lider matapos ang rebolusyon kaya
noong 1799 ang pinakapopular at
matagumpay na heneral, si Napoleon
Bonaparte ay nahirang na pinuno. Sa
panahon ng kanyang pamumuno ay
nasakop niya ang malaking bahagi ng
Europe at kinilalang Emperor Napoleon
I noong 1804. Ang kanyang hukbo sa
kanilang pananakop ay naging mga
disipulo ng mga ideya ng French https://www.thoughtco.com/thmb/FmEX9rtePc2xvzz7rT9BwP0X8k
=/1514x1009/filters:fill(auto,1)/NapoleonBonaparte1c288065ba4e
Revolution, ang kalayaan, pagkapantay- 042d8a1123a17c4903ff5.jpg
pantay at kapatiran. Ang mga ideya na
ito ng rebolusyon ay lumaganap sa Europe. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa
iba pang mga ideyang pampultika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na
ideya gaya ng paggamit ng sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang
maghangad ng mga pagbabago sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang
Republikang pamahalaan.
TIMELINE NG REBOLUSYONG FRENCH
1789
Sinalakay ng mga French ang Bastille at pinakawalan ang
mga bilanggong nakakulong dito.
Agosto 21, 1789
Inilabas na ang Declaration of Rights of Man na naghahayag
sa
karapatan
ng
mga
French
sa
kasarinlan,
pagkakapantay- pantay at kapatiran.
Naitakda ang pamahalaan limited Constitutional Monarchy
at nasa Legislative Assembly na ang gumawa ng batas.
Setyembre 1791
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
8
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Enero 21, 1793
Abril 1794
Nilitis si Haring Louis XVI at Reyna Marie Antoinette at
pinugutan ng ulo gamit ang guillotine
Binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang
pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety.

Hulyo 28,1794
1795
Ang pinakamabisa at aktibong miyembro rito ay ang
isang manananggol na si Maximilien Robespierre, isang
masidhing republikano.
Nagwakas ang Reign of Terror na mismong si Robespierre
ay isalang din sa guillotine sa utos ng National Convention
Ang Republika ng France ay gumamit ng bagong SaligangBatas na ang layunin ay magtatag ng isang Direktoryo na
pamumunuan ng limang kataong ihahalal taon-taon.
Gawain: Atbash Cipher
Panuto: Gamitin ang Atbash Cipher upang masagot ang mga hinihinging salita.
Isulat ang sagot sa sa sagutang papel. Maaring gamiting batayan ang tekstong
binasa at mga kahon ng karagdagang kaalaman.
Gabay sa paggamit ng ATBASH CIPER: Ang bawat letra ay may katapat na
letra (itaas at ibaba) na nagsisilbing panghalili niya.
Halimbawa ang mga titik na UIVMXS ay katumbas ng FRENCH
1. HGZNK ZXG - ________________________
2. TFROOLGRMV-_____________________
3. YZHGROOV - _______________________
4. MZKLOVLM YLMZKZIGV- __________________
5. IVRTM LU GVIILR- ______________________
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
9
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
?
Mga Katanungan
Ano-ano ang ginampanan ng rebolusyong pangkaisipan sa paghubog ng
pamahalaan?
Pagtatapos
Gawain : : 3.. 2.. 1.. Go!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Tatlong (3) konsepto na natutunan ko mula sa Aralin:
1. __________________________________________________________________.
2. __________________________________________________________________.
3. __________________________________________________________________.
Dalawang (2) mahalagang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa
Aralin:
1. __________________________________________________________________.
2. __________________________________________________________________.
Isang (1) gawain na gusto kong subukan mula sa aking natutunan sa araling ito:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________
Salamin Ng Aking Sarili Sa Lipunang Aking Ginagalawan!
Makinig ng mga balita sa radyo o telebisyon o mga babasahin sa diyaryo o internet
tungkol sa mga pangyayari na may kinalaman sa pamamahala ng bansa. Sa iyong
palagay, nagagawa ba ng pamahalaan ng kanyang tungkulin sa mga mamamayan?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
10
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Susi sa Pagwawasto
TERROR
5. REIGN OF
Pagyamanin
1. STAMP ACT
2. GUILLOTINE
3. BAASTILLE
4. NAPOLEON
BONAPARTE
Sanggunian
Aklat
Department of Education- Modyul ng Mag-aaral. Kasaysayan ng Daigdig
Mateo, Phd. et al. Kabihasang Daigdig: Kasaysayan at Kultura. Manila. Vibal
Publishing House, Inc.
Soriano, C. et al (1999). Pana-panahon. Manila, Philippines. Rex Book store
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
11
HINDI IPINAGBIBILI
Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Lungsod ng Koronadal
Pabatid - Liham
Ang Gawaing Pampagkatutong Papel (GPP) na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng GPP na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng Dibisyon ng Koronadal simula
sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng GPP na ito. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.
Mga Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatutong Papel
Manunulat
Tagawasto
Tagalapat
Tagasuri
:
:
:
:
Tagapamahala
:
Leo P. Hurtada Jr.
Fernando L. Nequinto
Michelle Ann C. Caras
Evelyn C. Frusa, PhD. and
Antonio V. Amparado Jr., PhD
Crispin A. Soliven Jr., CESE - SDS
Levi B. Butihen – ASDS
Prima A. Roullo – CID Chief
Antonio V. Amparado Jr., PhD – EPS-Araling Panlipunan
Evelyn C. Frusa PhD – EPS-LRMDS
Para sa mga katanungan o puna sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon– Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Learning Resource Management System (LRMS)
Corner Rizal Street- Jaycee Avenue, Brgy. Zone IV, Lungsod ng Koronadal
Telepono Blg.: (083) 877-5362
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 8
12
Download