Week 21 Day 3 Chenelyn! Chenelyn! By: Rhandee Garlitos Tuwing umaga sa aming bahay, ang pangalan niya ang una mong maririnig. Kapag binigkas mo ito, mayroong madyik na nangyayari. Biglang magtitilian ang mga kaldero at siyansi sa ibabaw ng kalan. Huhuni ang takore ng mainit na tubig. Maririnig ang kalantugan ng mga pinggan at kalansingan ng mga kutsara at tinidor. Tapos, sa isang iglap, busog na si Tatay. Biglang magsisindi ang ilaw sa loob ng banyo. Dadagundong ang tulo ng tubig sa balde. Maglilitawan ang mga sepilyo, sabon, shampoo, at tuwalya. Tapos, sa isang iglap, mabango at malinis na si Kuya. Biglang iinit ang plantsang nakatago. Tatakbo ang kabayo na tangay ang lukot na palda at blusa. Tapos, sa isang iglap, uunatin ang lahat ng damit ni Ate. Biglang magsisibangon ang basahan at sabon. Magsasayawan ang mga bunot at walis. Tapos, biglang makintab at mabango ang buong bahay. Biglang tatalbog ang bola at magsasalita ang manyika. Magiging nanay ko siya sa bahay-bahayan. Magiging taya siya sa taguan. Tapos, paglingon ko, nakaupo siya. Natutulog. Bago ako matulog, ang pangalan pa rin niya ang maririnig. Kasi, may madyik ang pangalan niya. "Chenelyn! Ang kape ko, akin na!" sabi ni Tatay. Biglang maghahalo ng kape, asukal, at umuusok na tubig. "Chenelyn! Ang sapatos ko, relo ko, nasaan na?" tanong ni Kuya. Magsisilabas ang mga sapatos at relo sa kung saan. "Chenelyn! Ang isusuot ko, ihanda mo na!" tili ni Ate. Magrarampahan naman ang mga pantalon, palda, blusa, at medyas. "Chenelyn! Ang pinagkainan, hugasan mo na!" utos ni Nanay. Magsisiligo na ang mga plato, platito, kutsara at tinidor. Basta tatawagin mo ang pangalan niya, mayron ng iniinom si Tatay sa kuwarto, nakita na ang nawawalang gamit ni Kuya, handa na ang damit ni Ate para bukas, at malinis na ang mga gamit sa kusina ni Nanay. Kapag ako na ang tatawag ng "Chenelyn!" papasok siya sa maliit kong kuwarto. Pagod na pagod. Pawis na pawis. Hingal na hingal. Latang-lata. Pero, kapag mayroon siyang ikukuwento sa akin, ang kuwarto ko, nag-iiba ng anyo. Nagiging dagat ito kapag kami ay mga sirena. Nagiging kastilyo ito kapag kami ay mga prinsesa. Kaming dalawa ni Chenelyn ang laging bida sa marami niyang kuwento. Tapos, tulog na kaming dalawa. Isang umaga, nagkagulo sa loob ng bahay! Ilang beses nang tinatawag ang pangalan niya, pero walang nangyayaring madyik. "Chenelyn! Chenelyn!" sabi ni Tatay. "Chenelyn? Chenelyn?" tanong ni Kuya. "Chenelyn! Chenelyn!" sigaw ni Ate. "Chenelyn! Chenelyn!" sigaw din ni Nanay. "Chenelyn! Chenelyn!" tawag ko. Pero walang nangyari. Bigla kaming nagsisugod sa kuwarto niya. Pagbukas namin, maraming madyik ang nangyayari. Mayroong "Hatsing!" Mayroong "Prssrssrstt!" Mayroong "Brrr!" mayroong "Ubo-ubo!". Naku, si Chenelyn, hindi makapagmadyik. "May trangkaso si Chenelyn . . ." sabi ni Tatay. Dali-dali siyang pumunta sa telepono. Bumulong-bulong si Tatay sa hawakan. Tapos, sa isang iglap, biglang dumating ang doktor. Pumunta naman si Nanay sa kusina. Naghiwa-hiwa siya ng karne, ng manok, at ng gulay, hinugas-hugasan niya ang mangga at dalanghita, at nagtimplatimpla siya ng tsaa at tubig. Sa isang iglap, may pagkain kaagad para kay Chenelyn. "Dapat tayo muna ang maglinis ng bahay!" sabi naman nina Kuya at Ate. Nagbunot nang nagbunot si Kuya. Nagwalis nang nagwalis si Ate. Naglaba nang naglaba si Kuya. Nag-ayos nang nag-ayos si Ate. Tapos, sa isang iglap, biglang natutong maglinis ng bahay sina Ate at Kuya. Para makapagpahinga si Chenelyn, nagkuwento naman ako nang nagkuwento. Biglang nagbago ang kuwarto ni Chenelyn. Naging bughaw na langit ito at naging piloto kami. Naging mananayaw kami. Tapos, sa isang iglap, nakatulog si Chenelyn.Mula non, iba na ang nangyayari sa loob ng aming bahay tuwing umaga. Week 21 Day 1 Ang Kabataan Ang kabataan ngayon ay katulad natin. May matataas, malalakas at matatapang. Sila ay mahilig sa kasiyahan kasama ang kanilang mga kaibigan. Mahilig silang sumayaw at maglaro. At mag-aral nang sama-sama. At pumasok sa paaralan nang sabay-sabay. Pero minsan sila ay nakakaramdam ng kalungkutan at pangamba. Kung minsan kapag ang mga lalaki ay nakakasalamuha ng mga babae sila ay nakakaramdam ng paghanga. Meron ka bang kuya o ate? O kapatid na babaeng pumapasok din sa paaralan? Sila ay ang mga kabataan. Week 21 Day 2 Malaking Mundo, Maliit naMundo Sabado ng umaga, nagising siNanay, gumising na din si Anna. Tiningnan niNanay ang kanyang mukha sa salamin. Si Anna naman ay tiningnan ang kanyang paa. Nagsuot nang damit si Nanay. Isinuot naman ni Anna ang sapatos ni Nanay. Ininom ni Nanay ang kanyang kape habang si Anna ay uminom ng gatas. Dinala ni Nanay ang pocketbook habang si Anna ay bitbit ang kanyang manika. Pinagmamasdan ni Nanay ang traffic lights. Si Anna naman ay nakatingin sa paa ng kanyangNanay. Si Nanay ay tumitingin ng kanyang kailangan.Habang si Anna ay naghahanap ng kanyang gusto. Nagbibilang ng pera si Nanay habang si Anna ay binibilang ang mga paa ng tao. Si Nanay ay kausapa ng kapitbahay habang si Anna ay kalaro ang kanyang aso. Umuwi na sila ng bahay. Hinalikan ni Anna si Nanay. Niyakap naman siya ni Nanay. Week 21 Day 5 May Genie ba sa Bote ng Daddy ni Rocky? Ni: Segundo D. Matias, Jr. Genie?! Oo. Sa mga kuwento ni Rocky sa akin, sinasabi niya na may hinala siyang may kaibigang genie ang daddy niya. Tuwing umaga raw kasi ay may nakikita siyang bote sa kuwarto ng kanyang mommy at daddy. Isang umaga, dahan-dahan daw na pumasok si Rocky sa kanilang kuwarto at sinubukang silipin ang loob ng bote. Nang Makita siya ng kanyang mommy, pinagbawalan siya nito at sinabing galit daw sa mga bata ang genie. Kaya bago raw dumating ang kanyang daddy ay inihahatid na siya ng mommy niya sa bahay ng kanyang Tiya Merlie. “Hayaan mo, Rocky, kakausapin kong mabuti ang genie, ha? Basta huwag na huwag kang papasok sa kuwarto naming ng daddy mo nang hindi ko nalalaman. Ayaw na ayaw kasi ng genie sa mga batang malilikot.” Iyon ang laging sinasabi ng mommy niya kaya hindi na siya nagtatanong pa kahit minsan. “Nakapagtataka naman iyon. Ang alam ko mababait ang mga genie. Hihingi pa nga iyong genie ng tatlong wishes sa iyo at ipagkakaloob ang mga iyon. Bakit hindi ka magsabi ng wishes sa kanya?” tanong ko kay Rocky isang hapon habang naglalaro kami sa playground. “Ewan ko nga, eh. Iyon din ang sinabi ko kay Mommy. Hayaan mo, kakausapin ko uli siya. Darating ang araw na babalitaan na lang kita tungkol sa kaibigang genie ni Daddy.” Isang gabi, mula sa bintana namin, sinilip ko ang bahay nina Rocky para abangan ang pagdating ng daddy niya. Nang dumating ito, nakita kong pasuray-suray, pasipul-sipol, at pasayaw-sayaw pa ito habang naglalakad. Pagkatapos niyon ay hindi na ito tumigil sa pagdaldal habang palakas nang palakas ang boses nito. Pinatitigil ito ng mommy ni Rocky, pero ayaw nitong tumigil hanggang sa parang nag-aaway na ang mga ito. At noon ko napansin ang isang bote! Dala-dala iyon ng daddy ni Rocky. Baka lumabas na ang genie! Pero natigil ako sa pagsilip nang dumating sina Mommy at Daddy. “Mikaela, ano ang ginagawa mo riyan? Hindi magandang Gawain ang pagsilip sa kapitbahay,” bungad na tanong ni Mommy. At sinabi ko sa kanila ang laging ikinukuwento sa akin ni Rocky. Ang daddy niya ay mahilig uminom ng alak.” “Alak? Ano po iyong alak?” Hindi ko alam ang sinasabi ni Mommy. Ngayon ko lamang narinig iyon. Alak? “Ang alak ay isang uri ng inumin. Kapag uminom niyon ang isang tao ay maaari niyang makalimutan ang kanyang sarili. Lalo na kapag napasobra ang kanyang inom. Kung hindi siya agad titigil sa gawaing iyon, maaaring lagi niya iyong hanapin. Iniisip kasi niya na ang alak ay pampalimot sa problema. Nakapagdudulot iyon ng pagkawala ng katinuan at kadalasan ng malubhang sakit.” “Wala talagang genie na nakatira sa loob ng bote ng daddy ni Rocky? “Yong nagbibigay ng katuparan sa tatlong wishes?” “Wala, anak. Walang mga genie sa mga bote ng alak,” sagot sa akin ni Mommy. “Ikaw, Daddy, uniinom ka ba ng alak?” Naisip ko na baka kagaya rin siya ng daddy ni Rocky. “Naku, hindi!” dagling sagot ni Daddy. “Maingat ako sa katawan at wala ako ng kahit na anong bisyo. Kaya naman malusog ako at hindi dinadapuan ng ano mang malubhang sakit.” Matamang nakinig ako kay Daddy. “Para sa akin, higit na mahalaga kayo ng iyong mommy sa kahit na anong bagay sa mundo kaya iniiwasan ko ang kahit na anong bisyo gaya ng pag-inom ng alak. Ang tanging hangad ko ay mapatapos kita ng pag-aaral sa magandang paaralan, lumaki kang mabuting tao, at maabot mo ang iyong pangarap. Lalo na ngayon, malapit ka nang magkaroon ng kapatid,” Nakangiting pagbabalita ni daddy. “Talaga, Mommy? Malapit na akong magkaroon ng kapatid?” Hindi ko napigilang yumakap sa tiyan ni Mommy. Pagkalipas ng ilang araw, nagtaka ako nang hindi ko na nakakalaro sa playground si rocky. Hanggang isang araw, nagulat na lang ako nang makita ko siyang umiiyak sa balkonahe ng kanilang bahay. Nilapitan ko si Rocky. Noong una, ayaw niyang sumagot nang usisain ko siya. “Kaibigan mo naman ako. “Di ba, ang sabi natin, walang iwanan pagdating sa problema? Sige na. ‘Malay mo? Matulungan kita. Nami-miss ko na ang paglalaro natin.” Hindi ko siya iniwan hangga’t hindi niya sinasabi ang dahilan ng kanyang pag-iyak. “Si Daddy, dinala sa ospital. May sakit daw...” mahinang sagot niya sa akin. Nagsimulang msgkuwento si Rocky habang patuloy sa pag-iyak. “Nagtapat si Mommy. Nakakasama raw sa katawan ang laman ng bote na laging iniinom ng daddy ko. Kung hindi raw titigil si Daddy sa pag-inom, baka hindi na kami magsama-sama. Hihiwalayan daw niya si Daddy.” Nagulat ako sa sinabi ni Rocky. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Paano ko siya tutulungan? Nalungkot ako sa mga narinig ko. Hindi na ako nagtanong ng marami sa aking kaibigan dahil alam ko na ang dahilan sa kanyang pag-iyak. Alam ko na rin na tuwing nakakainom ng alak ang kanyang daddy ay nakakalimot ito sa sarili. Iyon ang dahilan kaya nag-aaway ang kanyang mommy at daddy. Naiintindihan ko na rin kung bakit siya dinadala lagi ng kanyang mommy sa kanyang Tiya Merlie. Ayaw nitong Makita niya ang kanyang daddy sa ganoong kalagayan – nagsisisigaw at tila wala sa sarili. Inilalayo rin siya upang hindi niya Makita ang pag-aaway ng mga ito. Kawawa naman talaga si Rocky. Kaya naman, laking pasasalamat ko at nagkaroon ako ng mga magulang na mapagmahal at walang bisyo tulad ng pag-inom ng alak. Sana ay iwasan na ng daddy ni Rocky ang pag-inom ng alak. Gumaling na sana kaagad ito para maging maligaya rin ang kanilang pamilya tulad ng sa amin. Week 21 Day 4 Milly, Molly at si Heidi na Burara Sina Milly at ang kaibigan ni Molly na si Heidi na Burara na nakatira sa magulo sa at maruming lugar. Lumaki at mahilig mag-isa. “Pero saan ako magsisimula” tanong niya sa kanyang nanay at sumagot ang nanay niya “Maglinis ka” “Basta simulant mo” wika ng nanay niya at isinara ang pinto, upang hingi makalabas. Si Heidi ay hindi alam kung saan magsisismula, tumayo siya at nagbasa. Marunong na siyang magbasa Binabasahan niya ang kaniyang Nanay at Tatay Binabasahan niya rin ang kanyang kapatid at kung sino man na nais making. May mas gusto siyang aklat na binabasa sa lahat ng mga aklat niya. “Diba binaon mo at itinapon” sabi ng ina “Pero saan ko sisimulan hanapin?” tanong niya sa ina at sagot ko sisimulan hanapin at linisin mo” “Magsimula ka na” wika ng nanay at isinara ang pinto, upang hindi sila makalabas ng bahay. At sinimulan na niyang maghanap. Hinanap niya ng hinanap hanggang sa matagpuan niya ito. “Nakita ko na , ang paborito kong aklat” umiiyak sa tuwa. “Hiedi naging masinop ka na ngayon” sabi ng ina Kaya simula noon ang kaibigan ni Milly at Molly ay hindi na naging burara uli Week 22 Day 3 Ang Magkaibigan Pamimingwit ang libangan ng magkaibigang Rene at Edil-Ray. Iyon ay matapos tumulong ni Rene sa mga magulang. May kaya sa buhay sina Edil-Ray kaya malayang nagagawa ang paglilibang. “Tiyak na matutuwa sina Inay at Itay,” sambit ni Rene. “Marami tayong nahuling isda.” “Oo nga. May pang-hapunan na kayo,: wika ni Edil-Ray. “Pero dapat ay makatikim ka rin dahil tayong dalawa ang humuli.” “Kahanga-hanga ang samahan ng dalawang iyan,” madalas sambitin ng mga nakakakilala sa kanila. “Magkaibigan silang matalik kahit magkaiba ang antas ng kanilang buhay. Halika muna, Tikman moa ng meryenda ni Yaya Huling,Pagimbita ni Edil Ray sa kaibigan.Sa susunod na lang.Hinihintay ako nina Inay at Itay,sabi ni Rene.Ingat ka sabi ni Edil Ray. Inay, Inay,Tingnan nyo ang mga isdang nahuli naming ni Edil Ray!Ang tataba at ang lalaki!pagmamalaki ni Rene.Aba!Oo nga!Akina at nang mailuto,natutuwang sagot ng ina ni Edil Ray. Nang oras na iyon ay nasa kuwarto niya si Edil-Ray. Nag-iisa siyang anak kaya walang makalaro. Nililibang niya ang sarili sa pagbabasa ng mga libro. Isa siya sa pinakamatalino sa kanilang klase. Madalas namang nauubos ang oras ni Rene sa pagtulong sa ina. Naglilinis siya ng bahay bago pumasok. Pagkagaling sa eskuwela ay tumutulong siya sa ama sa pagpapastol ng mga alagang hayop. Hindi gaanong matalino si Rene sa kanilang klase pero siya ang nangunguna sa mga proyektong nangangailangan ng praktikalidad at natural na lakas. “Kaygandang lalagyan ng magasin!” “Gawa iyan ni Rene!” Tuwang-tuwa ang mga kaklase ni Rene sa kanyang panalo. Masaya silang lahat. “Binabati ka namin, Rene!” sabay-sabay nilang sabi. “Salamat,” tugon ni Rene. Higit ang tuwang nadarama ni Edil-Ray. Niregaluhan pa nito ang kaibigan sa tinamong tagumpay. Pinanonood niya ito tuwing umaakyat ng entablado. “Iba talaga ang bestfriend ko! Ang galing!” Buong galak na sambit ni Edil-Ray. “ Mas magaling ka. Guwapo ka mayaman at matalino pa,” ani Rene sa papuri ng kaibigan. Munting salu-salo ang inihanda ng ina ni Rene. “Wow! Sarap!” ani ni Edil-Ray. Wala sa inyo niyan kaya magpakabusog ka,” wika ni Rene. “ O,hala, magdasal muna tayobago kumain,” sambit ng Ina ni Rene. Hindi iba ang trato ng mag-anak kay Edil-Ray. Sa pamilya ng kaibigan ay dama niya ang pag-aaruga na hindi naibibigay ng mga magulang. Abala kasi ang ama’t ina sa paghahanda ng kanyang bukas. Isinali sa Math Quiz Bee si Edil. Siya ang tinanghal na kampeon. “ Ang talino mo talaga!” ani Jim. “ Dapat ay sa amin ka makipagbarkada. Tulad kasi namin ay matalino at mayaman ka. Hindi tulad ni Rene. “Hindi porke mahina sa klase at mahirap si Rene ay mamatahin ninyo!” Galit na wika ni Edil . Wala kayong karapatang husgahan ang kaibigan ko!” Napahiya ang mga kaklase sa sinabi ni Edil-Ray. Si Rene ay binubuska rin “Kinakaibigan ka ni Edil para umangat ang katalinuhan niya. Pagkasama mo kasi siya ay tiyak mapapansin ang maganda niyang suot at makikinis na kutis.Okey lang iyon. Binabati kita ,Heto may regalo ako sa pinakamatalino kong kaibigan buong pagmamalaking ibinigay ni Rene ang dala,Wow!.Ang paborito kong gatas ng kalabaw!masayang sambit ni Edil .Salamat. Sa kabila ng paninira ng mga tao ay nanatili ang pagmamahalan ng magkaibigan.Matagal na tayong hindi nakaligo sa batis.Gusto mong maligo tayo?tanong ni Rene. Brrr!Ang lamig ng tubig sigaw ni Edil Ray.Yipee!Ang sarap tuwang tuwa rin si Rene.Sa di kalayuan ay namimingwit ang mga kaklaseni Edil Ray na sina Jim at Mimi. Katitingin kina Edil-Ray ay nadupilas si Mimi. “Halpsssss!”singhap ni Mimi na untiunting lumulubog sa tubig. “Tulungan nyo kami!” palahaw ni Jim na Hindi alam ang gagawin. Pinagtulungan sagipin nina Rene at Edil si Mimi. Ilang saglit pa ay maayos na si Mimi. Nakahinga na nang maluwag si Jim. “Salamat. Kung wala kayo ay tiyak na nadisgrasya si Mimi,” pasasalamat ni Jim. Nagpapasalamat si Mimi kay Rene. :Sori din sa pangmamaliit ko sa iyo.” “ Wla iyon” ani Rene. “Nakita nyo?” ani Edil. “Ibang klase ang kaibigan ko!” tunay na may mas mahalaga kaysa yaman at karangyaan. Isa rito ang pakikipagkaibigan. Week 22 Day 4 Ay! May Bukbok Ang Ngipin ni Ani! By: Luis P. Gatmaitan, M. D Patingin nga ng mga ngipin n'yo, mga bata? Sino na sa inyo ang nagkabukbok? Ngiti nga at nang makita kung sino ang bungi. Tungkol sa ngipin ang kuwento ni Tito Dok ngayon. Sige nga, isipin natin. Halimbawa, isang araw sinabi ni Tatay at Nanay, "Kailangan mo nang pumunta sa dentista." Ano ang mararamdaman mo? Matatakot ka ba at iiyak? O magiging matapang? Ano kaya ang nangyari kay Ani ng sabihan siya ng kanyang Tatay at Nanay na dapat nang patingnan sa dentista ang kanyang ngipin? Samahan natin si Ani sa dentista! "Araaay! Aray ko-o-o-o!" Halos umiyak si Ani dahil masakit na masakit ang kanyang ngipin. Ngayon lang nangyari ito sa kanya. Buong maghapon tuloy niyang hawak-hawak ang kanyang nananakit na panga. Sinilip niya ang kanyang ngipin sa harap ng salamin. At talagang nandiri siya sa nakita. Ang itim-itim ng ngipin niya! "Kaya siguro ang sakit-sakit ng ngipin ko," sa isip-isip niya. Nang hapong 'yon, matamlay siyang sumalubong sa kanyang tatay at nanay na kagagaling lang ng opisina. Hindi nga niya halos ginalaw ang pasalubong nilang ensaymada. "Ang hilig-hilig mo kasi sa kendi. Tingnan mo may butas na ang ngipin mo. Kinain 'yan ng mga bukbok," sabi ni Nanay Lyn matapos marinig ang problema ni Ani. "Huwag kendi ang sisihin mo, mahal. Ang totoo, tamad magsepilyo ang anak natin," tugon ni Tatay Viyo. "Oo nga. Bukas ng umaga, sasamahan ko si Ani sa dentista," sabi ni Nanay. "DDentista?" Hindi makapaniwala si Ani sa kanyang narinig. Takot na takot kasi siya sa mga dentista. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Para kasi sa kanya, ang mga dentista ay nagpaparusa sa mga bata. Parang mga kontrabida sa cartoons. "Oo, Ani. Patitingnan natin sa dentista ang ngipin mo. Kung bulok na 'yan, baka kailangan nang bunutin." "Ay, ayoko po, Nanay! Ayokong pumunta sa dentista," iyak ni Ani. "Ani, huwag matigas ang ulo. Ang mga dentista ay nag-aalaga ng mga ngipin natin." "Basta po, ayoko! Baka mamaya lang po, wala na ang sakit ng ngipin ko." "O, hayan ka na naman. Ipinipilit mo nanaman ang gusto mo. Di ba't lagi naming sinasabi ng Tatay mo na magsepilyo ka pagkatapos kumain? Ang hilig mo pa naman sa kendi. Alam mo bang abalang-abala ang mga baktirya kapag may naiiwang asukal sa ngipin mo?" Nabalisa si Ani. Hindi talaga siya papayag pumunta sa dentista. Pagdating ng hapon, pinilit niyang maging masaya. Niyaya niya ang mga kalaro, si Nina at si Joshua, na pumunta sa kanilang bahay. Nagtaguan sila. Nagpiko at naghabulan sa playground. Pero masakit pa rin ang ngipin niya. Naupo na lang siya sa isang sulok at nagmukmok. "Bakit Ani, may sakit ka ba?" tanong ng kanyang mga kalaro. "A-ang ngipin ko . . . ang sakit-sakit." "Patingin nga." "O, hayan, a-a-a-h-h-h-h!" "Naku, Ani, sira na ang ngipin mo," sabi ni Nina, ang bestfriend ni Ani."Sabi ng tiyo kong dentista, dahil daw 'yan sa bukbok. Kaya pala masakit!" "Ganoon ba?" "Oo. Sabi ng tiyo ko, puro mikrobyo raw ang bukbok." "Ano 'yon?" "Mikrob-yo! Kinakain ng mikrobyo ang ngipin natin at gumagawa ng butas papasok sa loob. Dapat pumunta ka na sa dentista." Muli na naman kinilabutan si Ani pagkarinig ng salitang "dentista." ang tingin niya kasi sa mga dentista ay parang monster. Ano nga ba kasi ang itatawag mo sa taong may hawak ng plais at naambubunot ng ngipin? "Oo, kaibigan ng mga bata ang mga dentista. Nilalabanan ng mga dentista ang mga mikrobyo sa ngipin natin. Alam mo, may sirang ngipin din ako noon, eh." "Talaga?" "O, tingnan mo ang bungi ko. Diyan dati nakatubo ang ngipin kong may bukbok. Kailangan ko talaga noong maging matapang," sabi ni Nina. Nang gabing iyon, hindi makatulog si Ani. Masakit pa rin ang ngipin niya. Nanalangin siya na sana'y maalis ang sakit ng ngipin niya. Sinilip niya ulit ang kanyang ngipin sa salamin. "Puro bukbok nga!" At naalala niya ang sabi ni Nanay Lyn. "Ani, kung hindi ka pupunta sa dentista, baka mawala pa ang ibang ngipin mo." Kinabukasan, pagkagising, agad pinakiramdaman ni Ani ang kanyang ngipin. "Hmmm, parang wala na yata ang sakit." Pero matamlay pa rin ang kanyang pakiramdam. Hindi siya bumangon sa kama. Ayaw niyang kumain ng almusal. Ayaw din niyang maglaro. "Anak, bumangon ka na't pupunta tayo sa dentista," bati ng kanyang Nanay. Kinabahan na naman si Ani. "E, Nanay, parang magaling na po yata ang ngipin ko. Hindi na masakit e!" pangatwiran nito."Pero kailangan pa ring tignan ng dentista ang ngipin mo. paghinayaan mo na may sira 'yan,sasakit na naman ulit. Baka lagyan 'yan ng pasta ng dentista. O kung sira na talaga, bubunutin na niya. Halika na.Bilisan mo, Anak!" Pinilit ni ani na huwag umiyak. alam ni Tatay Viyo ang nararamdaman ng anak. "Natatakot ka ba sa dentista ,anak? "maamong tanong nito. "A, e medyo po,"singhot ni Ani. "Kasi po,baka masakit pag binunot ng dentista ang ngipin ko." "Konting sakit lang 'yon anak. At di 'yon magtatagal. At saka mas masakit pa sa bunot ang makirot na ngipin." "Totoo 'yan, Ani. Hindi magtatagal ang sakit ng ngipin mo. At pag nawala na 'yan , lagi naming ipapaalala sa iyo na magsipilyo pagkatapos kumain. Para hindi masira ang mga ngipin mo," dagdag ni Nanay Lyn. Sa wakas ay napapayag din nila si Ani.At saka naisip din ng munting bata, "Kung si Nina nga, kayang - kaya maging matapang at pumunta sa dentista, kaya ko rin maging matapang." Maganda ang loob ng kanilang klinika ni Dr. De Leon. May mga laruang nakabitin sa kisame. Marami ring larawan ng mga hayop na nakadikit sa dingding na panay nakangiti. May matsing. May kuneho. Parang nginingitian nila si Ani. Nagulat si Ani dahil mabait naman pala ang dentista. sumusipol-sipol pa nga ang ito. Hindi parang monster. Si Dr. De Leon ay isang dentista na laging nakangiti. Ang gaganda ng kanyang mga ngipin. Puting-puti! "Ito ba si Ani? Naku, ang cute na bata ," sabi ni Dr. De Leon. at iniupo niya si Ani sa dental chair. "Okey ka ba Ani?" tanong ni Dr. De Leon. " opo. Di po ba ako malulula sa silyang ito?" Biniro ni Dr. De Leon si Ani. " Alam mo, 'yong ibang bata ay nagbabayad pa para makaupo lang dito!" itinaas niya si ani nang mataas na mataas, at pagkatapos ay binababa nang kaunti. Unti-unting nawawala ang takot ni Ani. maya-maya pa'y nilagyan na siya ni Dr. De Leon ng bib sa leeg. "Para hindi marumihan ang maganda mong damit, o kaya'y AKO!" ipinakita sa kanya ng dentista ang mga instrumentong gagamitin. "O, tignan mo ito, may maliit na salaming bilog sa dulo. ipapasok natin ito sa bibig mo para kitang-kita natin ang iyong mga ngipin."Tiningnang mabuti ni Dr.De Leon ang lahat ng ngipin ni Ani. "Kailangang bunutin na natin ang ngipin mo, Ani. Sinira na kasi ito ng bukbok. Ngayon, para hindi ka masaktan ,patutulugin natin ang iyong mga ngipin. kung tulog na ang mga ngipin, hindi na magiging masakit kapag binunot natin..." paliwanag ni Dr.De Leon. "Ha? A, eh sige po, gusto ko pong patulugin muna ang ngipin ko," sagot ni Ani. Pero muling kinabahan si Ani nang makita ang heringgilya. "O heto, meron tayong sleeping juicepara sa ngipin mo." "Pero paano ito iinumin ng ngipin ko?" "Eto ang straw para sa sleeping juice," sabay turo ni Dr. De Leon sa karayom na nakakabit sa heringgilya na may lamang anesthesia. Paiinumin na natin ngayon ang sirang ngipin mo para makatulog ito." "Baka masakit..." "Makararamdam ka ng sakit mula sa injection, Ani. Pero madaling mawawala ito. okay, now open your mouth." "Aaaaa-aaaahhhhh..."Ngumanga nang mabuti si Ani habang pinaiinom ni Dr. De Leon ng pampatulog ang kanyang ngipin. Maya-maya pa'y wala nang nararamdamang kirot si Ani. "Siguro, nakatulog na ang ngipin kong bulok," naisip niya. Habang nakapikit ang mga mata, naalala ni Ani ang kanyang alagang pusa na si Poochie. Naalala rin niya nang maglibot sila nina Tatay at Nanay sa Manila Zoo. At nang mag-piknik sila sa park. Nang unang sumakay siya sa eroplano papuntang iloilo. At nang bumili siya ng malaking cotton candy sa karnabal. Parang nakita pa nga niya ang kanyang lolo at lola sa probinsya. Maya-maya, tinapik ni Dr. De Leon si Ani, "Tapos na Ani." " Mabilis lang po pala . . ." sabi ni Ani habang pinakikiramdaman ang gilagid. Ipinakita sa kanya ni Dr. De Leon ang nabunot na ngipin."Ngiii! Ang dami palang butas ng ngipin ko!" "Ganyan ang ginagawa ng bukbuk sa ngipin. At pag nasira ang mga ngipin mo, madali kang dadapuan ng kung anu-anong sakit. Kaya lagi kang magsipilyo para mapangalagaan ang iyong ngipin, at kalusugan. Alam mo Ani, ang ating ngipin, tulad ng ibang bahagi ng ating katawan, ay regalo sa atin ng Diyos. Kaya dapat nating alagaang mabuti. " " Babawasan ko na po ba ang mga kendi , tulad ng sabi ni Nanay?" " Tama! O kailan mo ulit ako dadalawin, Ani?" nakangiting tanong ni Dr. De Leon. Nagustuhan na ni Ani ang dentista, pero nahihiya pa rin siya. Kaya sunod-sunod na tango na lamang ang naging tugon niya. " Sa susunod, aalisin naman natin ang ibang tartarkapag nalinis natin ang ngipin mo," dagadag ni Dr. De Leon. " Doc, maaari bang iiskedyul mo rin kami? Balak po naming magpa-cleaning na mag-asawa sa susunod na linggo," sabi ni Nanay Lyn. Bago bumaba si Ani sa dental chair, may ipinakitang kahon si Dr. De Leon. punong-puno ito ng king ano-anong makukulay na bagay. " O, Ani, pumili ka ng isang laruan. premyo mo 'yan dahil ang tapang mo kanina." " Bagong toy po, para sa akin? Salamat po." Palabas na lamang sila nang bumulong pa si Ani kay Dr. De Leon. Nakangiting ibinigay ng dentista ang hiningi ng bata. " Bakit, anak? Aanhin mo ba ' yang bulok mong ngipin?" Tanong ni Tatay ng sinundo nito si Ani at Nanay Lyn. "itatago ko po. Para di ko makalimutang magsipilyo!" sabay kindat at ngiti ni Ani. Week 22 Day 5 Ang Araw ni Bong Ika-anim na ng umaga, oras na para bumangon sa kama. Ika-pito ng umaga, si Bong ay kumain na ng kanyang masustansiyang almusal. Ika-walo ng umaga, sinabihan ni Nanay si Bong na husayan sa kanyang klase. Ika-siyam na ng umaga, si Bong ay nakipagtalakayan sa klase. Ika-sampu ng umaga, nauna na sa pagmimiryenda si Bong. Ika-labing isa ng umaga, nag-aral magbasa si Bong. Ika-labing dalawa ng tanghali. Uuwi na sa bahay si Bong. Ika-isa ng hapon. Sinabihan ng Lola si Bong na magaral muna ng aralin bago manood ng telebisyon. Ika-dalawa ng hapon, si Bong ay naidlip. Ika- apat ng hapon nang siya ay nagising at nakipaglaro ng taguan. Ika-anim ng gabi, nang dumating si Tatay at may dalang pasalubong sa kanya. Binasahan ni Ate si Bong ng kwento sa ganap na ika –pito ng gabi. Ika-walo nang gabi ng si Bong ay nakatulog nang mahimbing. Week 22 Day 1 Earthquake Maaga pa lamang eksayted na si Marie. Tuwing araw kasi ng Linggo ay nakukumpleto ang pamilya nila. Dumaratingang kanyang ate at mga kuya, kasama ng tatay nila na sa Maynila nagtatrabaho. “Tutulungan ko po kayo sa paghahanda ng pagkain,” sabi niya kay Aling Ana. Mainam at nang makaluto agad ako bago sila dumating,” anng ina. Panay ang kuwentuhan nina Aling Ana at Marie habang nagluluto. Nang bigla ay tumigil sa ginagawa si Aling Ana. “Nahihilo ako,” sabi nito. “Nahihilo rin ako, Inay!” sambit ni Marie. Noon lang naisip ni Aling Ana kung bakit siya nahihilo at maging si Marie din. “Lumilindol!” Takot na takot si Marie. Ramdam niya na umuugaang bahay nila. “Inay ! Inay!” iyak niya. “Sa ilalim tayong mesa, dali!” ani Aking Ana. Hindi gaanong malakas at hindi rin nagtagal ang lindol. Dumating ang Tatay at mga kapatid ni Marie. “Salamat sa Diyos at ligtas tayong lahat,” ani Mang Dan, Tatay niya. Unang pagkakataong makaranas ng Lindol kaya hindi agad nakatulog si Marie ng gabing iyon.Panay ang dasal niya. Kinabukasan ay ang lindol ang naging paksa ni Mrs.Cruz guro ni Mari. “Ano ang Lindol?” tanong ng guro sa klase. “Ang lindol ay ang pagyanig ng Lupa” paliwanag ng guro. “Ang episentro nito ay ang lugar na direktang sentro nang pagbuka ng lupa.” Idinagdag pa ng guro na ang lindol ay maaring magdulot ng pagguho ng mga gusali, pagkawasak ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay. “Kaya dapat ay lagi tayong alisto, handa at magsiguro sa ating kaligtasan sakaling magkaroon ng lindol,” paalala ni Mrs.Cruz. Tinuruan din ng guro na kailangan ay alam nila kung anong bahagi ng kanilang bahay ang ligtas na tigilan sa oras ng lindol. “Lumayo sa mga kasangkapan na maaring bumagsak tulad ng kabinet,aparador o lalagyan ng mga libro. Lumayo sa mga bintanang salamin.” “Patayin kung may apoy ang kalan at isara ang de-gaas na kagamitan. Isara rin ang pangunahingswitch ng gas at ng kuryente.” “Tiyaking makakalabas ng bahay kaya buksan ang mga bintana at pintuan. Dumapa at magtago sa ilalim ng mesa. Takpan ng unan ang ulo upang maprotektahan.” “Kung abutan ng lindol sa paaralan, magtago sa ilalim ng upuan o kalmanteng lumabas at dumapa sa palaruan.” “Kung sa labas ng bahay ay inabutan ng pagyanig, humanap ng lugar na malayo sa mga gusali, mga puno at poste ng kuryente. Dumapa at hintaying matapos ang lindol. “Kung abutan ng lindol sa loob bg sasakyan, manatili sa loob nito. Hintaying matapos ang pagyanig. Hindi rin ligtas sa overpass kaya lumayo sa mga ito.” “Pagkatapos ng lindol, suriin ang sarili at mga kapamilya kung may nasaktan at bigyan agad ng pang-unang lunas.” “Sa panahin ng Lindol at iba pang sakuna, ang mga pampublikong paaralan at mga gusali ay nagiging evacuation center.Alamin kung saan naroon ang mga ito.” “Mahalaga rin na making sa transistor radio upang makatanggap ng balita at impormasyon kung ano ang nararapat gawin. Maging kalmante.” Bagama’t hindi makaiwas sa lindol, alam ni Marie na malaking tulong ang mga tinuro ni Mrs.Cruz, kaya nasambit niyang mahalaga talaga ang nag-aaral Gayunman ay nagdarasal siya na huwag na sanang lumindol pa. Week 22 Day 2 Ingatan at Tipirin Sina Avy at Marian ay magkaibigan. Sila ay nasa kindergarten. Oras ng pagguhit at pagkukulay nila sa klase. Napansin ng mga kaklase nina Avy at Marian naputul-putol ang kanilang mga krayola at maikli ang lapis na ginagamit nila. Nagbulungan ang mga bata at ang iba naman ay nagtawa pa. Narinig ng guro ang mga batang nagtatawa. Tinanong ng guro kung bakit sila nagtatawanan. Halos sabay-sabay na sumagot ang mga kindergarten ng “ kasi po mam nakakaawa naman ang magkaibigang Avy at Marian. Putul-putol na ang kanilang krayola at maiikli pa ang kanilang mga lapis.” Pagkapasa ngmga bata sa kani-kanilang mga ginawa, nagsalita muli ang guro. ”Natutuwa ako sainyong mga ginawa. Lahat ay magaganda. Mas natutuwa ako dahil iniligpit at itinago ng iba ang mga krayola nila kahit na puto lang ang mga ito. Ibig sabihin ay iniingatan ninyo ang inyong mga gamit. Nalulungkot naman ako para sa iba dahil napansin kong ang mga putol na krayola ay iniwan na lamang sasahig at ang iba naman ay itinapon sa basurahan. Mga anak, kung na putol man ang inyong mga krayola ay maaari pa itong gamitin. Sa ganitong paraan, tayo ay makakatipid. Matutuwa rin ang ating mga magulang.” Mula noon ay nagiging maingat at masinop na ang mga bata sa klase ni Avy at Marian. Week 23 Day 3 Pasko sa Klasrum Malamig ang simoy ng hangin. Malapit na talaga ang pasko. Huling araw nina Susana sa paaralan bago magbakasyon. Ang sabi ni Ms. Garcia, mga ilang araw din daw hindi sila papasok dahil sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon. Chrismas Party daw nila ngayon. Maraming mga palamuti sa silid-aralan iba’t iba ang kulay. May pula, asul, dilaw, lila at kahel. May mga regalo ding iba’t iba ang hugis. May parisukat, bilog, parihaba at tatsulok. Maski saan ka lumingon makikita mo ang mga maliliit at malalaking parol. Ang saya talaga dito sa paaralan. Pero hindi masyadong masaya si Susana. Iniisip niya kasi ang sinabi ng guro nila kahapon. “ Magdala kayo ng kahit na anong regalong maaari ninyong ibigay sa mabubunot ninyo” ang sabi ni Ms. Ablian. Ikinahihiya ni Susana ang panyong binili ng nanay niya para sa kris kringle nila. “ Mga bata, bumuo kayo ng bilog at sisimulan na natin ang ating mga laro,” sigaw ni Ms. Ablian. Tuwang-tuwa si Susana. Masaya silang naglaro ng kanyang mga kaklase. Dumating ang bigayan ng regalo. Natatakot si Susana sa maaaring mangyari. Magugustuhan kaya ng kaklase niya ang regalo nito? Hindi umiimik si Susana noong regalo na niya ang bubuksan ni Lina, ang nabunot nito. “ Wow, kulay rosas na panyo”, wika ni Lina. “Ang ganda ng natanggap kong handog. Maraming salamat Susana. Maligayang Pasko!” Masayang-masayang umuwi si Susana. Week 23 Day 5 Sa Araw ni Titser Maagang nagising si Ana. Siniguro niyang handa na ang kanyang uniporme papasok sa paaralan. Kagabi pa niya iniisip ang maaring mangyari ngayong araw na ito. “ Nanay, papasok na po ako!, tuwang-tuwang sabi ni Ana. Agad namang iniayos ni nanay ang bag at iba pang gamit. “Bakit ba maaga kang naghanda ngayon Ana?” tanong ng kanyang nanay. Ngumiti lang si Ana, sabay yaya na lumakad na. Nadaanan ni Ana si Mario na nagaayos ng mga kwintas na bulaklak. “Halika ka na Mario!, yakag ni Ana. “Sigurado ka bang maganda ang mga ginawa mo?” tanong nito. “Oo Ana, siniguro ko talagang matutuwa si Ms. Dela Cruz.” sagot ni Mario. Masayang pumasok sa paaralan ang dalawa. Sa kanilang pagdating, nakita nila ang ibang mga kaklaseng abala na rin sa paghahanda ng ilang mga bagay na ihahandog sa kanilang guro. May mga nag-alay ng bulaklak. May mga yumakap at bumati. May mga ilan ding naghandog ng sayaw at awit sa kanilang paaralan. Napaluha sa tuwa si Ms. Dela Cruz. Tunay na mahal na mahal siya ng mga bata sa kanilang paaralan. Tuwang-tuwa din ang mga bata. Sabay-sabay nilang binati ang kanilang guro, “Maligayang araw ng mga guro, Ms Dela Cruz.” Week 23 Day 1 Sampung Magkakaibigan May sampung magkakaibigan. Si Karlo at siyam niyang kaklase. Si Ben na kay Bagal, Si Susie na madungis, si Leo, si Lara, si Karen, si Joo-Chan na Koreano, ang kambal na sina Eric at Ella, at ang antuking si Anton. Mahilig silang maglaro, mag-aral at magtulungan. Pero minsan si Karlo ay hindi masayang kasama. “Belat! Ang tukso ni Karlo, nang maunahan niya sa pila ang babagal-bagal na si Ben. Umiling na lang si Ben at lumayo kay Karlo. “Kadiri ka, hindi kita bati! Sambit ni Karlo nang mapatabi siya kay Susie na madungis. Di napansin ni Karlo ang mataas na tore ng bloke ni Leo. Bumagsak ang toreng gawa ni Leo. “Hahaha! Buti nga! Sabi niya kay Leo. “Akin na ‘ yan! Biglang agaw ni Karlo sa laruan ni Lara. “Akin rin ‘to,” sabi ni Karlo, sabay agaw ng suman na kinakain ni Karen. Nasagi rin ni Karlo ang kinaing mami ni Joo-chan na Koreano pero hindi siya nag-sorry. “Hindi ba kayo marunong sumunod sa laro? Huwag na nga kayong sumali” ang sabi ni Karlo kina Eric at Ella pagkatapos siyang matalo sa pompiyang at siya na ang susunod na taya sa taguan. Sinubukang gisingin ni Karlo si Anton para makipaglaro. “Hoooooooyyyy! Gising ka! Ang sigaw ni Karlo sa antuking si Anton. Pero hindi nagising si Anton, “Hindi kita bati! Sabi ni Karlo kay Anton kahit hindi siya naririnig nito. Nag-iisa na lamang si Karlo. Isang araw, pagdating ni Karlo sa paaralan, hinanap niya ang kanyang mga kaklase. Gusto sana niyang makipaglaro pero walang bata sa silid nila. Wala ring bata sa canteen. Takang-taka si Karlo. Nakita ni Karlo na masayang naglalaro ang kanyang mga kaklase sa bakuran ng kanilang paaralan. Nakita nila si Karlo pero di nila ito inimbitang makipaglaro sa kanila. “Ikaw, gusto mo bang makipaglaro sa akin?” Naiyak si Karlo nang maisip niya na walang gustong makipaglaro sa kaniya. Ganito siguro kasama ang nararamdaman ng mga kaklase niya kapag inaagawan nila sila ng laruan at baon. Ganito siguro kasakit ang pang-aaway at panunuksong ginagawa niya sa kanila. Noon naisip ni Karlo na maging mas mabuting kaklase. Kinabukasan, lumapit si Karlo kay Ben na kaybagal sa pila. “Mauna ka na sa akin sa pila.” Sabi ni Karlo kay Ben. “Mahal kita, sabi niya kay Susie na madungis, sabay halik dito. “Hati tayo sa baon ko.” sabi ni Karlo kina Karen at Joo-Chan noong recess. Ipinahiram ni Karlo ang kaniyang bagong laruan kay Lara. Inanyayahan niya si Leo na gumawa ng mataas na tore ng bloke. “Paano ba ‘yang laro ninyo? Puwede ba akong sumali? Pakiusap ni Karlo kina Eric at Ella. “Shhhh…. Huwag kayong maingay, magigising si Anton,” paalala ni Karlo. May sampung magkakaibigan. Si Karlo at siyam niyang kaklase. Week 23 - Day 4 Si Emang Engkantada at ang Tatlaong Haragan By: Rene Villanueva Ito si Emang Engkantada. Siya ay may pambihirang galing. Maganda ang kaniyang bakuran. Maraming prutas at gulay. Maraming ibon at hayop. Malinis ang hangin at tubig. Ito naman ang tatlong haragan. Si Pat Kalat ay hari ng basura. Kalat dito, tapon doon. Ito ang ugali niya. Si Pol Putol ay kaaway ng mga halaman. Putol dito, bunot doon. Ito ang libangan niya. Si Paz Waldas ay reyna ng aksaya. Aksaya sa tubig. Waldas sa kuryente. Ito ang gawain niya. "Mga salbahe!" "Wala na kayong ginawang mabuti!" Galit na galit ang mga tao sa tatlong haragan. at hinabol ng mga tao ang tatlong haragan. Nakarating ang tatlong haragan sa magandang bakuran ni Emang Engkantada. "Ang sarap sirain," sabi ni Pol. "Sige, sirain natin," sabi ni Pat. "Sirain natin ng todo," sabi ni Paz. Dumating si Emang Engkantada. Binawalan niya ang tatlong haragan. Tumawa lamang sila ng tumawa habang sinisira ang magandang bakuran. Nagalit si Emang Engkantada. "Dapat kayong bigyan ng aral," sabi ni Emang Engkantada. May dumating na malakas na hangin sa tatlong haragan. Nahilo ang tatlong haragan. Napunta si Pol sa isang lugar na puro buhangin. Walang halaman sa paligid at mainit ang sikat ng araw. Ang lugar ay parang isang disyerto. Naghanap ng puno si Pol para sumilong. Walang puno sa paligid. "Ganito pala pag walang halaman," sabi ni Pol. Nauhaw si Pol at naghanap ng tubig. Walang tubig sa paligid. "Ganito pala pag walang puno at tubig," sabi ni Pol. "Gusto ko ng puno. Gusto ko ng tubig. Maawa kayo," sabi ni Pol. Napunta si Pat sa tambakan ng mga basura. Mabaho at madumi sa tambakan ng mga basura. Maraming langaw, ipis, at daga. Malalaki ang langaw, ipis, at daga. Hinabol si Pat ng maraming langaw, ipis, at daga. Takot na takot si Pat. "Ganito pala pag masyadong marumi," sabi ni Pat. "Ayokong kainin ng daga. Ayokong magkasakit. Iligtas ninyo ako," sabi ni Pat. Napunta si Paz sa isang madilim na siyudad. Puro usok sa siyudad. Payat na payat ang mga tao. Naghanap ng ilaw si Paz. Walang kuryente. Naghanap ng gripo si Paz. Walang tubig. "Mamamatay ako sa usok at dilim. Mamamatay ako pag walang ilaw at tubig. Maawa na kayo," sabi ni Paz. "Hindi na po ako magkakalat," sabi ni Pat. "Hindi na po ako maninira," sabi ni Pol. "Hingi na po ako mag-aaksaya," sabi ni Paz. "Maawa na po kayo," sabi ng tatlong haragan. Naawa si Emang Engkantada sa tatlong haragan. "Kailangang matuto kayong maglinis. Kailangang matuto kayong magtanim. Kailangang matuto kayong magtipid," sabi ni Emang Engkantada sa tatlong haragan. Tumulong ang tatlong haragan kay Emang Engkantada. Naglinis ng bakuran si Pat. Nagtanim ng halaman si Pol. Nag-igib ng tubig si Paz. Tuwang-tuwa si Emang Engkantada sapagkat nagbago ang tatlong haragan. Week 23 Day 2 Si Tembong Mandarambong Sa isang malayong lugar, may isang baryon a ubod ng linis. Masipag at masaya ng mga tao rito. Lahat sila ay lagging naglilinis. Lahat sila ay lagging nawawalis. Kaya tinawag nila itong Baryo Walis. Si Tembong ay taga Baryo Walis. Pero kaiba siya sa mga tao rito. Tamad na tamad si Tembong. Ayaw na ayaw niyang maglinis. Ayaw na ayaw niyang magwalis. Pero gustong gusto niya ng walis. Kaya lagi siyang naiingit sa mga taong may hawak ng walis. Isang araw, may naisip si Tembong. “Kapag kinuha kong lahat ang kanilang walis, makapagtatayo na ako ng isang palasyo na yari sa walis,” sabi nni Tembong. “Isang magandang magandang palsyo ang aking gagawin”. Kaya isang araw, naghanada si Tembong. Hinhintay niyang makatulong ang lahat ng tao sa Baryo Walis. Nang tulog na ang lahat ang tao. Ninakaw ni Tembong ang lahat ng walis sa lahat ng bahay sa buong baryo. At mabilis siyang umalis. Umakyat si Tembong sa tutok ng bundok. “Doon ko itatayo ang aking palasyo,” sabi ni Tembong. “Doon makikita ng lahat ang aking palasyo na gawa sa walis.” Sinimulan niyang itayo ang maganga niyang palasyo. Pero walang anu-ano, biglang lumakas ang hangin at tingay ang palsyong ginawa niya. Nilipad sa malayo ang mga walis niya na ninakaw niya sa mga tao sa baryo. Masamang masama ang loob ni Tembong. Umiyak pa siya ng umiyak. Hindi na siya makapagtatayo ng palasyo. Pero biglang may naisip na naman siya. “Babalik uli ako at magnanakaw sa baryo,” sabi ni Tembong. Nagulat si Tembong pagbalik sa baryo. Napakarumi na ng paligid. Bigla siyang nalungkot sa kanyang nakita. Bigla siyang nagsisi sa kanyang ginawa. Gumawa agad siya ng maraming walis! Kay ganda ng ginawa niyang mga walis! At pinamigay niya ang mga walis na ginawa sa lahat ng tao sa buong baryo. Di nagtagal, napakarami na niyang walis. Nagkaroon na rin siya ng maraming kaibigan. Nabalita maging sa ibang baryo ang magagandang walis ni Tembong. Marami tuloy gustong bumili ng ginawa niyang walis. Kaya isang araw, ang itinayo ni Tembong ay hindi isang palsyo kundi Tembong’s sari-saring walis. Week 24 Day 5 Ang Ngipin ni KATKAT Si Katkat ay kyut at malusog na bata. Marami ang natutuwa sa kanya dahil masarap siyang kumain.Wala siyang tinatanggihan. Lahat ay kinakain niya. Isda,petsay,kalabasa,litson,sinigang,lumpia,mangga,saging,ubas,mansanas,salad, kendi,tsokolate,keyk,sorbetes at kung anu-ano pa. Malakas rin siyang uminom. Umiinom siya ng tubig, ng gatas, ng sopdrinks, ng juice, ng tsokolate at kung anu-ano pa. “O, di ba sabi ko’y huwag kang iinom ng kape. Hindi pa pwede ‘yan sa iyo,” sabi ni Mommy Bing. “Gusto ko rin ito, Mommy!” sabi ni Katkat. “Mayroon naman pong gatas,eh”. “Naku,ikaw talagang bata ka. Lahat ay iniinom mo,” Sambit ni Mommy Bing. Masarap kumain si katkat. Minsan ay inaawat pa siya para tumigil sa pagkain. Isa lang ang ayaw niya. Ayaw niyang magsepilyo. “Kailangan sa bata ay nagsisepilyo ng ngipin matapos kumain,” sabi ni Mommy Bing. “Ayaw ko, Mommy. Mag mumumog na lang ako,” sabi niya. “Ikaw talagang bata ka. Matigas ang ulo mo, wika ng ina. Araw-araw, kain ng kain si Katkat. Inom din siya ng inom. Pagdating ng gabi ay natutulog siya ng hindi nagsisepilyo. Paggising naman sa umaga ay kakain agad siya at iinom ng kung anu-ano. Minsan habang naglalaro sila ni tintinay tinakpan ni Tintin ang ilong nito. “Bakit?” tanong ni Katkat. “Ang baho ng hininga mo,” sabi ni Tintin. “Hindi ka kasi nagsisepilyo ng ngipin.” Maging ang ibang bata ay iniwasan si Katkat. “Ayaw naming makipaglaro sa iyo!” sabi ng mga bata. “Mabaho ang hininga mo! Balewala lang ang mga iyon kay Katkat. “Kung ayaw n’yong makipaglaro, di huwag!” sabi nya. “May manika naman ako. Iyon na lang ang kakalaruin ko.” Lingid kay Katkat ay may mga natutuwa dahil hindi siya nagsesepilyo ng ngipin.Sila ang mga bakterya. “Kaibigan talaga natin si Katkat”,sabi ni Bakto,ang sabi ni Bakto,ang lider ng mga bakterya. “oo nga ang sabi ng daming dumi!pakli ni Terya ang bunsong bakterya,habang pinagmamasdan ang makapal na dumi sa mga ngipin ni KatKat. “Mayroon na naman tayong bagong tirahan sabi naman ni Germo. Ano, hindi ka na naman magsesepilyo?tanong ni mommy Bing kay Katkat. “Inaantok na po ako Mommy” sagot ni Katkat at nagmumog naman ako.Tama na yon.Ay naku Katkat!Bakit ba ang tamad tamad mong magsepilyo!Bulalas ni mommy Bing. “Ikaw rin. Baka isang araw ay magsisi ka”Peron a narinig ni Katkat ang paalala ni Mommy Bing dahil tulog na ito. Isang umaga ay narinig ni Mommy Bing na umiiyak si Katkat.Pinuntahan nya ang bata sa kwarto nito “Bakit ka umiiyak?usisa ni mommy Bing. “Masakit po kasi ang ngipin ko.Masakit din pati ulo ko,reklamo ni Katkat. Nagulat si Mommy Bing nang makita ang pisngi ni Katkat. “Naku! namamaga ang pisngi mo baka dahil sa ngipin yan” anang ina. Pinanganga siKatkat ni mommy Bing.Tiningnan nito ang bibig nya.Naku!may butas na pala ang ngipin mo!Bulalas ni mommy Bing. “Iyon ang dahilan kung bakit sumasakit ang mga ngipin mo. “Ano po ang gagawin natin,Mommy?Ang sakit po talaga.Umaakyat ang sakit hanggang sa ulo ko.naiyak na si Katkat. Hindi na rin makakain si Katkat. Kahit anong pagkain ay ayaw niya.Wala siyang gana. Para kasing sinusundot ang loob ng mga ngipin niya .Para ring pinupukpok ang kanyang ulo. “ Ayokong kumain, Mommy !” sabi niya. “Wala akong Gana.” “Ang Mabuti pa ay dalhin kita sa Dentista,” sabi ni Mommy Bing. “Ipapa-tsek natin ang mga ngipin m.” “Ayoko, Mommy! Takot po ako sa Dentista!” tanggi niya. Marami na kasing kwentong narinig si Katkat tungkol sa dentist. Sinasaksakan daw nito ng malaking karayom ang gilagid. Pagkatapos ay binubunot daw nito ng porsep ang ngipin. Ayaw niya ng ganoon,Pero disidido si Mommy Bing na dalhin sa dentista . “Kailangang matingnan ng dentista ang ngipin mo. Huwag matigas ang ulo.” Sabi nito. Napilitan siyang sumama sa ina sa klinika ni Dr. De Guzman. “Magandang umaga po, doctor!” bati ni Mommy Bing kay Dr. De Guzman. “Magandang umaga po,” bati rin ng dentista. “Ipatsitsek-ap kop o ang ngipin ng anak ko,” sabi ni Mommy Bing . “Namamaga kasi. Hindi siya makakain.” Pinanganga ng dentista si Katkat. “Naku ,may sira na ang ngipin mo,” ang sabi ng dentista. “Marumi kasi ang mga ngipin mo kaya pinamahayan ng mga bakterya,” paliwanag ni Dr. De Guzman. “Ang maruruming bibig at ngipin ang gustung- gusto nilang tirahan. Kapag marami na, sila ang tinatawag na plak. Lumilikha sila ng asido na bumubutas sa ngipin. Kapag hindi naagapan, ang mga plak na ito ang nagpapasakit sa ngipin at maaaring maging sanhi para bunutin ang ngipin. “Bubunutin po ba ninyo ang ngipin ko, Doc?” usisa ni Katkat. “ Hindi maaaring bunutin ang ngipin kapag namamaga,” sagot ni Dr. De Guzman. “ Riresetehan na lang muna kita ng antibiotiko. Pag nawala na ang maga ay tsetse-apin ko kung kailangang bunutin. Baka pwede pang pastahan o root canal ang gawin.” “ Ayoko pong bunutin ang ngipin ko,” naiiyak na si Katkat. “ Kaya kailangang alagaan mo rin sila at mahalin,” sabi ng dentista. Matapos suriin at bigyan ng reseta si Katkat ay umuwi na ang mag-ina. “ Ano raw ang huwag mong kalilimutang gawin?” tanong ni Mommy Bing. “ Lagi raw po akong magsisepilyo pagkatapos kumain,” sagot ni katkat. “Pero talaga pong hindi ko na kalilimutang magsepilyo, Mommy. Mahirap kasi ang masakit ang ngipin. Hindi na ako makakain ay baka mawalan pa ako ng ngipin.” Isang umaga pagpasok nya sa eskwelahan nila maraming mga bata ang nagiiyakan sa klinika.sinilip nya kung ano ang meron sa klinika laking gulat nya ng Makita nya naroon ang dentistang tumingin ng ngipin nya.at iba pang mga kasamang dentista.me medical mission pala sa kanilang eskwelahan na ang tanging hangarin ay ang mailigtas ang mga ngipin ng mga batang tulad nya.kaya dali dali nyang kinausap ang kanyang kamag aral at sinabing “Hwag kayong matakot mabait sila at ililigtas nila ang ngipin nyo.maniwala kayo gaya nyo rin ako pero ngayon gusto ko na.at lagi na akong nagpapakunsulta sa dentista.Kaya mula nuon tuwing me mga dentistang tumutulong sa kanilang paaralan katulong na din si Katkat .Dahil isa na din siyang dentista sa kanilang paaralan. Week 24 Day 1 Ang Paaralan Malinis ang paligid ng paaralan na pnapasukan ni Rey. Ang kantina ay laging malinis. Maayos ang mga aklat sa aklatan. Sa klinika ay may higaan para sa may sakit na mag-aaral. Sa palaruan ay sea saw, monkey bar, padulasan at mga duyan. Maaaring malaro ang mga batabg mag-aaral kpag walang klase. Malinis din ang paligid ng palaruan. Doon ay masayang nakapaglalaro ang mga bata Week 24 Day 4 Evacuation Center Rowena V. Dela Cruz Isang gabi, umuulan ng malakas at hindi namin namalayan na mabilis na pala ang pagtaas ng tubig. “Niko! Niko!, kunin mo na ang lahat ng gamit natin. Bilisan mo mataas na ang tubig at lilikas na tayo” nagmamadaling wika ni Inay. “Sige po Inay” at mabilis akong sumunod. Maya-maya ay may dumating ng Bangka upang isakay kami. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. Pinili ko na lamang na ‘wag ng magtanong at hitayin na lamang na makarating kami sa ligtas na lugar. Sa wakas! Wala ng baha sa pinupuntahan namin pero laking gulat ko ng maisip ko bigla na eskwelahan ko pala ang tutuluyan namin. “Nanay, bakit po tayo andidito sa school ko?” nagtataka kong tanong kay Inay. “Kasi anak dito muna tayo pansamantala habang hindi pa humuhupa ang baha” sagot ni nanay “Ahh ganon po ba? Ano nga po pala ang tawag sa lugar na tinutuluyan ng mga nabaha? E-V-aaaacccuu?” “Evacuation Center ang tawag doon anak.” ”Ahh ganon po ba? Salamat na lang po at ang school ko ay sya pong nagamit na Evacuation Center po natin. Week 24 Day 3 Paaralan ng Muslim Rowena V. Dela Cruz Ako si Mossalem, nag-aaral ako sa paaralan ng mga Muslim na kagaya ko. Napakalaki ng pagkakaiba ng isang ordinaryong paaralan kumpara sa aming paaralan. Pagpasok ko sa eskwelahan ang unang klase ko ay kung paano magdasal kay Allah. Hindi kung paanong magsulat ng aking buong pangalan. Susunod ko namang klase ay ang pagbabasa. Katulad ng sa ordinaryong eskwelahan tinuturuan din kaming magbasa kaso ay magbasa ng Koran. Banal na aklat naming mga Muslim. Tinuturuan din kami ditong maglaro, maglaro ng espada na magagamit naming sa pakikipaglaban. At kung kami ay may kahilingan ay hindi kami kumakain. At ito ay tinatawag naming pag-aayuno. Madami man itong kaibahan sa iba ay masaya pa din ako na magaral dito dahil dito nabibilang ang isang Muslim na tulad ko Week 24 Day 2 Pasukan sa Eskwelahan! Rowena V. Dela Cruz Isang umaga ay narinig ko si Nanay at Tatay na nag-uusap. “Mira, 5 taon na si Lisa sa Mayo naisip ko na baka pwede na natin syang ipasok sa paaralan?” sabi ni tatay “uhm, pwede na din , siguradong magiging masaya siya kapag nalaman niya.” Ani ni nanay. “Kaya mag iipon na ako ng pampa-aral sa kanya at ihanap mo na siya ng papasukang paaralan.” Sabi ulit ni tatay. Nang marinig ko ito ay naging excited ako. Kinakabahan, masaya, natutuwa at madami pang ibang feelings ang naramdaman ko. Sabi kasi ni Ate sa akin na sa paaralan daw ako matututong magsulat ng pangalan ko. Doon din daw ako matututong magbasa ng tagalog at English. At sabi pa ng iba,magkakantahan daw, Magsasayawan at marami pang iba.Magkakaroon din daw ako ng maraming kaibigan. Kaya ang gagawin ko ay ihanda ang aking sarili at hintayin ang pasukan! Week 25 Day 2 Ang mga Unang Paru-paro Sa tabi ng isang ilog ay may isang malaking halamanan, ito ay punong puno ng magaganda at mabangong bulaklak, mga bulaklak na hindi natin nakikita sa ibang halamanan. Ang may-ari ng magandang halamanang ito ay isang matandang babae na ubod ng bait, ang kanyang halaman ay hindi niya pinagdadamot, kahit sino ang may kailangan ng bulaklak ay maaaring humingi sa kanya, ang gusto lang ng matanda ay siya ang pipitas ng bulaklak. Sa kabila ng magandang halamanang ito ay may isang maliit na nayon. Doon ay tahimik at mababait ang mga tao, lahat ng naninirahan dito ay may mga kanya kanyang hanapbuhay. Silang lahat ay magkakaibigan at kaibigan naman sila ng matandang babae na may-ari ng halamanan. Dinadalhan ng mga tao ang matanda ng isda, gulay at mga punongkahoy upang makabayad sila sa kagandahang loob ng matanda, ang matanda naman ay pumipitas ng mababangong bulaklak upang ibigay naman sa mababait na kaibigan. Ang mga tao sa nasabing nayon ay may katakatakang nakikita sa halamanan at ang nakikita nila ay isang magandang dalaga at hindi mabilang na mga duwende. Ang duda ng mga tao ay yong babaeng maganda kung gabi ay yon din ang matandang babae pag araw at yon mga duwende ay ang nag-aalaga sa mga bulaklak. Isang umaga ay napasyal ang mag-asawang mayabang sa kanayunan, nakarating sila sa magandang halamanan ng matandang babae. Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa nakitang napakagandang halamanan at mababangong bulaklak. Hinahalikan nila ang mga bulaklak at pagkatapos ay kanilang pinipitas ang kanilang maibigan. Tamang tama naman na dumarating ang matandang babae, nakita ng matanda ang mag-asawa na yakap-yakap ang mga bulaklak. Pinakiusapan ng matanda ang mag-asawa na tigilan ang pagpitas ng bulaklak. Patuloy pa rin sila sa pagpitas ng bulaklak at hindi nila pinansin ang matanda. Narinig ng matanda ang sabi ng babaeng mayabang. Kaya dali-dali tumakbo pauwi ang matanda at kinuha ang kanyang patpat at bumalik sa kanyang halamanan, at inabot pa niya ang mag-asawa. Hindi pa rin natakot ang mag-asawa sa matanda at tuloy pa ring ang pagkuha ng mga bulaklak. At yong iba ay kanila ng sinisira. Sa galit ng matanda ay idinikit ang patpat sa kanilang mga ulo at laking gulat ng mag-asawa sa kanilang naramdaman. Ang mag-asawang mayabang ay lumiit ng lumiit. Nawala ang kanilang mga paa at ang mga kamay ay napalitan ng pakpak na may magagandang kulay, dahil sa hilig nila sa makukulay na damit. “ Kayo ngayon ay ang mga paru-paro” wika ng matandang babae, “ Gustong gusto ninyo ang magagandang damit, bibigyan ko kayo ng magagandang pakpak, mahilig kayo sa bulaklak, ngayon lilipad kayo ng lilipad sa mga bulaklak, ngunit hindi kayo makakapitas nito, hahalikan ninyo ng hahalikan lamang ang mga bulaklak.” Week 25 Day 1 Ang Pambihirang Sumbrero by:Jose Miguel Tejido Mahilig mangolekta ng kakaibang mga gamit si Mia. Isang araw, naghalungkat si Mia sa lumang baul ng kaniyang lola. Laking tuwa niya nang makatagpo siya ng sombrero. Kakaiba ang itsura nito! Humarap si Mia sa salamin para sukatin ang sombrero. Sinubukan niyang isuot ito sa iba’t ibang paraan. Ngunit naisip niya, bakit parang may kulang? Lumabas ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan sa tapat. “Magandang umaga, Manang Sol,” bati ni Mia. “Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo, Mia, pero mas maganda kung lalagyan pa natin ng alkansya,” sagot ng tindera. Nagulat si Mia sa handog sa kaniya. “Salamat po, Manang Sol!” sabi ni Mia. Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya. “Mang Rico!” tawag ni Mia. Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo ,Mia, pero mas maganda Kung palalamutian pa natin ng kandelabra,” sagot ng panadero. “Salamat po, Mang Rico!” sabi ni Mia, Nagdaan din si Mia sa klinika. “ Doktora Dulce, maganda po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo, Mia, pero mas maganda kung papatungan natin ng mga prutas,” sagot ng doktora. “ Salamat po, Doktora Dulce!” sabi ni Mia. Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero. “Mang Ador, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo, Mia, pero mas maganda kung dadagdagan natin ng akwaryum,” sagot ng bumbero. “Salamat po, Mang Ador!” sabi ni Mia. Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis. “Mia, kakaibang sombrero iyan, a!” bati ni mang Kalor. “Pero mas maganda kung sasabitan pa natin ng hawla.” “Salamat po,Mang Kalor!” sabi ni Mia. Umabot si Mia sa hardin ng plasa. “Mang Lito, Maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia.”Oo, pero mas maganda kung kakabitan pa natin ng mga bulaklak,” sagot ng hardinero. “Salamat po, Mang Lito!” sabi ni Mia. Pagdating sa palaruan, napakarami nang palamuti sa sombrero ni Mia! “Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang diyan!” sabi ng kanyang kalaro. “Sandali lang, Toto!” sigaw ni Mia. Ngunit naitali na ni Toto ang saranggola. Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Kumapit si Mia sa kanyang sombrero at natangay siya paitaas. Nakarating si Mia sa mga ulap! Biglang lumobo ang kanyang sombrero at naging isang napakalaking parasiyut! Nang tumapat ito sa araw, nakita ng lahat ang angking ganda ng sombrero! Week 25 Day 5 Sandosenang Sapatos By: Luis P. Gatmaitan M.D Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang Marikina. Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos. "Paano mo ba naiisip ang ganyang mga istilo? Kay gaganda!". "Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas . . ." "Parang may madyik ang iyong kamay!" Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita. Lumaki ako sa piling ng mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas na kinaiingitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag Pasko, kapag bertdey ko, o kung nakakatanggap ako ng honors sa klase. Ginagawan pa ako ng ekstrang sapatos ni Tatay kapag may mga tira-tirang balat at tela. "Buti ka pa, Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng Ate ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagliitan n'ya." himutok ng isang kaklase. Nasa Grade 2 na ako nang muling mabuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng lola ko, sinagot na raw ang matagal na nilang panalangin na masundan ako. "Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero hindi bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon." Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap si Tatay at Nanay. "Nagpa-checkup ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!" "Talaga? Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaroon ng anak na ballet dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang-ballet," sabi ni Tatay. Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita ang bago kong kapatid. Wala itong paa! Ipinanganak na putol ang dalawang paa! Nakarinig kami ng kung anu-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika. "Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?" "Nagkaroon kasi ako ng impeksyon, anak. nahawa ako ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At . . . iyon ang naging epekto," malungkot na kuwento ni Nanay. Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganu'n naiisip ko kapag nakikita ko na walang mga paa si Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw mag-ballet). Pero . . . "Misis, bakit hindi n'yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talaga para sa kanya ang pagsasayaw," sabi kay Nanay ng titser ko sa ballet. Nalungkot ako. Hindi para sa akin, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap. Saksi ako kung paano minahal si Susie nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mamang nakakita kay Susie. "Tingnan n'yo o, puwedeng pangkarnabal 'yung bata!" At tinuro nito si Susie. Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. "Ano'ng problema mo, ha?" Muntik na niyang suntukin ang lalaki. Mabuti't napigilan siya ni Nanay. Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, narinig kong kinausap ni Tatay si Susie, "Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mahal na mahal ka namin ng Nanay mo. Alam naming espesyal ka sa mata ng Diyos. Mas mahalaga sa amin na lumaki kang mabuting tao . . . at buo ang tiwala sa sarili." Masuyo niya itong hinalikan. Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntong-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna. "Sayang, Bunso, hindi mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay . . ." bulong ko kay Susie. Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isat-isa. Hindi naging hadlang ang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na hindi nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone, scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanunukso sa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay! Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong mas magaling ang aming mga kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya! Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. napakaganda raw nito sa kanyang mga paa. May paa siya sa kanyang panaginip? gulat na tanong ko sa sarili. "Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!" Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos. "Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran." Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri ng paa niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa mga maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos - ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins, beads, o buckle. Inaangkin niya ang mga sapatos na'yon. "Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdo-drowing, ha?" Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paggawa ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking hindi matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer. "Pinasaya n'yo ang Tatay n'yo," sabi ni Nanay. Pagkatapos noon, naging sakitin na si Tatay. Labindalawang taon si Susie ng pumanaw si Tatay. Isang araw, hindi sinasadya'y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan. Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan! Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver? tanong ko sa sarili. Pero nang masdan ko ang mga sapatos na'yon, nagulat ako. Taglay ng mga pares ng sapatos amg pinakamahusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat ng mga ito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pampasyal. May pampasok sa eskuwelahan. May pansimba. May sapatos na pang-dalagita. Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel: Para sa pinakamamahal kong Susie, Alay sa kanyang unang kaarawan Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos? Para kay Susie, lugod ng aking buhay, Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie. Sandosenang sapatos lahat-lahat!! Handog sa mahal kong bunso, Sa kanyang ika-12 kaarawan Napaiyak ako nang makita ko ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu'n pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at Susie. "H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa'yo, Susie." Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. "Inilihim niya sa akin ang mga sapatos . . ." "A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko . . ." Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos. "Ha?" Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie. Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap. Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos? Hindi ko tiyak. Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nililikha ni Tatay ang mga pinakamagagarang sapatos para kay Susie. Week 25 Day 3 Si Eman May isang bata ang ngalan ay Eman. Siya ay anim na taong gulang. Minsan siya ay sumamang mamasyal. Kasama ang kanyang Nanay at Tatay. Walang anu-ano mga tao'y nagtakbuhan. Bata, matanda, lahat nagpulasan. Ang kawawang si Eman, naiwan ng magulang sa gitna ng kaguluhan, Sa gitna ng takbuhan. “Inay, Itay nasaan na kayo? Mama, para na ninyong awa, tulungan ninyo ako, ako po'y nawawala”. “Naku, amang, kawawa ka naman, sumama ka't ikaw ay aking tutulungan”. Sa isang tindera sa gilid ng daan. Lumapit agad at siya'y pinagtanungan. Ngunit naging sagot pawang iling lamang kaya sina Eman, umalis, nagpaalam. Isang nars, nasa di kalayuan agad nilapitan at pinagtanungan. Sila'y itinuro sa silid-gamutan kaharap ng doktor kanyang Nanay at Tatay. Sa naganap na takbuhan Nanay niya'y nasaktan, agad isinugod sa pagamutan. Nang itong si Eman masulyapan ni Tatay agad na niyakap at sinabihan "O, Eman, sori, ikaw ay naiwan. Salamat sa Diyos, ikaw ay naiwan. Salamat po sa inyo, mga tao Week 25 Day 4 Tuwing Sabado ni: Rusell Molina Isang pares na tsinelas. Dalawang puting kamiseta. Tatlong latang sardinas. Apat na labakara. Busog na ang bag ni Nanay. “Kompleto na po ang lahat!” Handa na ang aming dala-dalahin. Abala kami ngayong umaga. Sabado kasi, espesyal ang araw na ito. Tuwing Sabado’y nagiging batingaw ang boses ni Nanay. “Gising na, anak! Umaga na! Umaga na!” Nag-iinat-inat pa lang ang araw ay dilat na ako. Maagang gumugulong ang aking banig sa sulok. Maaga ring nagtatawag ng “almusaaaaaaal!” ang kaldero’t sandok. Maliligo. Magsisipilyo. Magbibihis. Mag-aalmusal. Magpapakain ng aso. Tuwing Sabado’y nagiging kidlat ako. Sa sobrang bilis ko, di makahabol ang aking anino. Tuwing Sabado ay masaya kami ni Nanay. Wala akong pasok sa eskuwela. Si nanay naman ay hindi tumatanggap ng labada. Tuwing Sabado kasi ay pumupunta kami sa bahay ni Tatay. Tuwing Sabado ko lang siya nakikita. Tuwing Sabado lang nabibisita. Sabado lang kami nagkakasamang pamilya. “Handa ka na ba? Malayo pa ang biyahe,” yan ang laging paalala sa akin ni Nanay. “Opo-opo-opo!” ang mabilis ko namang sagot. May kalayuan ang bahay ni Tatay. Tatawid pa kami ng ilog, sasakay ng bus, aangkas sa pedicab at maglalakad nang maglalakad. Bilang ko ang mga hakbang papunta sa tarangkahan ng bahay ni Tatay: isa, dalawa, tatlo....hanggang tatlumpu’t walo. Layo ‘no? Minsan nga’y tagaktak ang pawis ni Nanay. Pero ako, hindi napapagod. Alam ko kasi na may malaking ngiti na naghihintay sa akin. Isa, dalaw, tatlo....isa, dalawa, tatlo. Tig-tatlong halik ang itinatanim ni Tatay sa magkabilang pisngi ko. “Ang laki-laki mo na, iho!” Ang higpit ng yakap niya. Isa, dalawa, tatlo....apat! Dumarami ang kanyang linya sa noo. “Hagdan ‘yan ng mga duwende,” pabiro niyang sinasabi, “kinukulayan kasi nila ang buhok ko ng puti pag gabi. “Marami na rin siyang puting buhok. Mahirap bilangin. “Ang tangkad mo na! Nagbabasketbol ka ba? Kumusta ang mga grado mo? Number wan ka ba sa eskuwela?” Hindi ako makasagot sa dami ng kaniyang tanong. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang ikuwento ang nangyari sa akin sa buong linggo. Sa iisang sulok kami laging nagkukumustahan ni Tatay. Dito kami madalas maglaro. Dito kami nagtatawanan. Dito kami nagtataguan. Dito rin niya ako madalas turuan. Alam mo ba na ang tatay ko ang nagturo sa akin na magbilang? Nagsimula sa hinliliit hanggang hinlalaki, ngayo’y kaya ko nang bumilang lagpas sandaan. Salamat sa kanya. “Magpraktis ka pag-uwi mo ha,” ang laging bilin niya, “subukan mong bilangin ang mga bituin mam’yang gabi. Naku, sigurado ako, puti na rin ang buhok mo’y di ka pa tapos magbilang,” sabay tawa. “Tatay mo ang nagturo sa ‘yo ‘ka mo?” ang tanong ni Miss Malou. “Titser din ba siya na kagaya ko?” Binalak kong sagutin ang tanong ni Ma’am. Pero ngumiti na lang ako. Pag sinabi ko kasi ang totoo ay baka hindi siya maniwala at palabasin pa ako. Pambihira kasi ang tatay ko. Kapag nakikita ko siya tuwing Sabado ay laging nag-iiba ang kaniyang anyo. Laging may handing sorpresa sa bawat bisita ko. “Ako si Maestro Mahikero! Sikat na salamangkero!” ang bati sa amin ni Tatay noong nakaraang Sabado. May suot siyang pulang ka pa (mukhang kumot yata niya) at sombrerong gawa sa diyaryo. “Walang kukurap! Walang kokontra! Manood, manood... heto na!” “Isa, dalawa....gumamela!” Foom! Biglang may umusbong na malagong palumpong ng bulaklak sa kanyang palad! “Tatlo, apat...lima!” Foom! Biglang may piñatas na barya mula sa aking tainga! “Anim, pito...walo!” Foom! Biglang nawala ang mga bulaklak at barya na parang bula! Nagpalakpakan ang lahat. “Ang galing ng power niya!” Ang tatay ko, hindi lang titser, mahikero rin siya. “Ituturo ko sa ‘yo ang madyik na ‘yan,” ang bulong niya, “para pag malungkot kayo’y mayroong mapaglilibangan.” Isang Sabado ay ginulat muli kami ni Tatay. Sa harap ng kalan ay yari sa lata ng biskwit, nagpakita siya ng kakaibang madyik. Putol-tadtad-halo! Gisa-buhos-kulo! Si Tatay, nagluluto! Parang nagsisirko ang mga rekado sa kada kumpas ng kaniyang sandok. Napapaindayog ang apoy sa kaniyang kanta: “La-la-la-la-langis, Si-bu-yas, ka-ma-tis, San-dakot na ma-is, So-pas! Pas-pas! Bi-lis!” sa isang iglap, may mainit na ginarep na akong kaharap. Higop-ihip-higop-ihiphigop. Ssssaraaaaaaaap! Ang tatay, hindi lang titser at mahikero, kusinero rin pala. “Ituturo ko sa ‘yo ang pagluto niyan,” ang sabi niya, “para pag may sakit si Nanay ay mayroon kayong mainit na sabaw na mapagsasaluhan.” Noong natapat sa Sabado ang Pasko, tuwang-tuwa ako. Kakaibang sorpresa kasi ang mga regalo ng tatay ko. Alam n’yo ba kung anu-ano? Isang usa. Dalawang pla-pla. Tatlong balyena. Apat na agila. Lahat ay gawa sa lata! Lahat ay hinubog niya! Manghang-mangha ako sa kaniyang mga likha. “Ngayon lang ako nakakita ng ganito! Kumikinang pag hinaplos ng araw! Salamat po!” Inggit na inggit nga ang aking mga kaklase noong dinala ko sa eskuwela. “Wow! Ganda ha! Walang ganyan sa mall,” ang paghanga nila. “Gawa ng tatay ko ang mga ‘yan,” ang pagyayabang ko. Di lang siya titser, mahikero, kusinero...iskultor din pala. “Ituturo ko sa ‘yo kung paano gumawa niyan,” sabi ni Tatay habang hawak ang isang lata ng sardinas, “kahit na kapos sa pera, may mapaglalaruan ka.” Tuwing Sabado, bago ako umuwi, ang paborito naming sulok ay nagiging entablado. Sa bawat kuwento, si Tatay ay muling nagpapalit ng anyo. Minsan siya’y prinsipe, astronot, o higante. Minsan nama’y pintor, kutsero, o kapre. Pambihira talaga ang tatay ko. “Saan ka galing?” ang salubong ng mga bata sa kanto. “Sa bahay ng tatay ko,” ang pabulong na sagot ko. “Ang tatay kong titser, mahikero, kusinero, iskultor, prins...” “Ha-ha-ha-ha!” Nalunod ang boses ko sa lakas ng kanilang tawanan. “Anong pinagsasabi mo?!” ang bungisngis ng isa, “Eh di ba, bilanggo ang tatay mo!” “At anong bahay?!” sabat ng may hawak ng bola. “Di ba, sa preso siya nakatira?!” Kabi-kabilaan ang kanilang mga kutya. Sinubukan kong magbingi-bingihan, pero malakas at malutong ang kanilang halakhakan: “Isa, dalawa, tatlo...Tatay mo’y bilanggo! Lima, anim, pito... bahay niya ay preso! Bilang-go! Bilang-go! Bilang-go!” Tuwing Sabado, kapag naririnig ko ito, nagiging bulkan ako. Nagbabaga ang ulo ko. Nagiging bato ang kamao ko. Gusto ko sana silang suntukin kaya lang naalala ko ang bilin ni Tatay sa akin: “Iwas sa gulo, lumayo sa basag-ulo. Walang nagagawang maganda ang pagpatol sa mga nanunukso. “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...nagbilang na lang ako at humakbang papalayo. “Anim, pito...walo!” Sayang at hindi tumatalab ang madyik sa kanila. Hindi ko sila mapawala na parang bula. “Magsasawa rin ‘yan,” ang sabi ni Nanay sa akin. “Huwag mo na lang patulan.” Di kasi nila kilala si Tatay na gaya ng pagkakilala ko. “Kelan ba ang uwi mo? hanggang kelan ka rito? ilang Sabado pa? Ilang linggo?” Di nakasagot si Tatay sa dami ng tanong ko. Napapikit siya (napuwing yata sa hangin) sabay yakap sa akin. Parang ayaw na niyang bumitaw. Siguro ilang Sabado pa siya rito, naisip ko, hindi kayang bilangin ng mga daliri ko. “Tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes at Linggo,” ang sabi ng tatay ko, “ikaw muna ang bahala, iho. Alagaan mo’ng nanay mo. “Wag maging sakit ng ulo. Gamitin mo ang lahat ng itinuro ko sa ‘yo,” sabay kindat sa akin. “Ikaw muna ang tatay habang wala ako.” napangiti siya. Pati ang mga linya niya sa noo ay parang ngumingiti rin. Tuwing Sabado ng gabi, bago matulog, ay binibilang ko ang mga bituin na sumisilip sa bintana. Isa, dalawa, tatlo.... Sabi nila puwede ka raw humiling sa mga bituin. Ewan ko kung totoo. Apat, lima, anim... Wala naman sigurong masama kung susubukan ko. Isa lang naman talaga ang gusto ko. Pito, walo, siyam... Sana, bukas paggising ko... Sabado nang muli. Sampu. Week 26 Day 2 Alamat ng Atis Sa isang malayong kaharian noong araw, may isang prinsesa. Sita ang kanyang pangalan. Mahilig siyang mangako ng kung anu-ano makuha lamang ang gusto.Isang araw,malambing na hiling niya sa kanyang biyudo amang hari na gawin siyang pansamantalang reyna. “Susubukan ko po lamang, Ama.” Pinalambing pa ni Prinsesa Sita ang boses,saka nangakong pagkaraan ng isang lingo, “Ibabalik ko rin po sa inyo ang korona at trono.” Sa kakalambing ng prinsesa,napapayag naman ang hari. Isang magarang pagsasalin ng kapangyarihan ang ginanap sa kaharian. Ang Prinsesa ay naging reyna. Kinabukasan, Inutos ng reyna na dalhin sa pagamutan ang kanyang ama. “Pero wala akong sakit!” tutol ng hari. “Kailangang alagaan ang kalusugan ng matatanda,” matamis na ngiti ng reyna. Kaagad na dinala ang hari sa pinakamalayong ospital at pinabantayang mabuti sa maraming kawal. Kaya pagkaraan ng isang lingo, at maraming buwan, patuloy ang reyna sa pagiging pinuno ng kaharian. “Kung ibibigay mo yan sa akin, magkakaroon ka ng kalaro araw-araw!” matamis na sabi ni Reyna Sita. “Huwag kang mangako ng hindi mo kayang tuparin,” babala ng palaka. “Ang mga salita ay hindi mga salita lamang. Maaring bumaon ang mga salita sa katawan, na baka pagsisihan mo balang araw.” Lalong pinatamis ng reyna ang kanyang ngiti at lumapit pa siya sa palakang nagpapatalbog ng bola sa hangin. “ Wala ka bang tiwala sa salita ng isang reyna? Bakit kita lolokohin kapalit ng isang gintong bola lamang?” Sabi ng Reyna. “ Ayoko lamang na mag-iisa ka sa buong buhay mo.” Muntik nang mapahiyaw ang reyna sa pagkabigla nang ihagis sa kanya ng palaka ang gintong bola. “Kung gayo’y iyo na yan!” Nasalo ng reyna ang bola. Bago pa makakokak ang palaka, nakabalik na ang reyna sa palasyo. Kinabukasan, nag-aalmusal ang reyna nang itrumpeta ng kawal ang pagdating ng isang palaka na gustong sumalo sa almusal. Bago pa makasagot ang reyna, nakalundag na sa mahabang mesa ang palaka. “Sasabayan kitang mag-almusal!” sabi ng palaka. Lumundag pa ang hayop malapit sa mantekilya. Hinimod ng mahabang dila ng palaka ang mantekilya, saka inalok na pahiran ng palaman ang tinapay ng reyna. Sa labis na pandidiri, nawalan ng gana ang reyna. Habang nag-aalmusal ang palaka, mabilis na pumuslit sa silid niya ang reyna. Pero mas madulas ang makulugong palaka. Bago pa maisara ng reyna ang pinto, nakalusot na ang madulas na palaka sa nakaawang na pinto at nakapasok sa marangyang silid ng reyna. Buong araw na nakatanghod sa reyna ang palaka, lagi siyang niyayayang maglaro. Naisip ng reyna na hulihin ang palaka, pero laging nakakahulagpos ang madulas na hayop sa palad niya. Sa wakas, naisip ng reyna na yayain ang palaka sa lutuan ng palasyo. Habang palundag-lundag ang palaka sa mahabang hapag ng mga lutong pagkain, palihim na nagkikiskis ang reyna sa mga kamay niya ang abo mula sa isang malamig na kalan. Kapagkuwan, dinakma ng reyna ang palaka. Nahawakan niya ang hayop sa dalawang paa nito. Bigla niyang inihampas ang hayop sa gilid ng kalan. Naghihingalong sabi ng palaka: “Bumaon nawa sa katawan mo ang lahat ng pangakong hindi mo tinupad!” Napangisi lamang nang matamis ang reyna. Hindi pa siya nagkasya sa walang-buhay na katawan ng hayop, inihagis pa niya ang palaka sa hurnuhan. Tumilapon sa gitna ng hinuhurnong keyk ang palaka. Nang ilabas ng mga dama ang keyk, napasigaw sila nang Makita nila ang nakatihayang palaka sa gitna ng keyk. Muli,tumawa lamang nang pagkatamis-tamis ang reyna. Saka siya nagbiling ipadala ang espesyal na keyk sa ama na nasa pinakadulong ospital sa kaharian. Nang nag-iisa na lang si Reyna Sita sa kanyang silid, nagtaka siya nang unti-unti siyang pumunggok habang naninikip ang kanyang hininga. Naramdaman din niyang parang maraming umiigkas na buto sa loob ng kanyang katawan. Kinaumagahan, Takang-taka ang dama nawawala ang reyna sa kanyang silid.nagpatulong siya sa mga kawal na hanapin ang reyna. Pero ang nakita lamang nila ay isang kakaibang prutas sa harap ng tokador ng reyna : isang maliit at bilog na berdeng prutas na nang biyakin nila ay pagkarami-raming buto. Nang tikman nila ang prutas,natuwa sila dahil napakatamis nito-pero mahirap kainin. Sa dami ng buto,Kailangang ibuga ang mga buto ng sinumang kumain. Sa katagalan, ang prutas ay nakilalang “atis” pabaligtad na baybay sa “Sita.” Matamis ang atis,gaya ng reynang walang isang salita o hindi marunong tumupad sa pangako. Ngunit maraming buto, gaya ng sumpa ng mahiwagang palaka. Kaya tuwing kakainin ang atis,ang kinakain lamang ay ang matamis na laman. Ibinubuga ang buto, gaya ng pagkamuhi sa maitim na ugali ng reyna. Week 26 Day 5 Alamat ng Durian Ang ninuno ng Tribo ng Bagobo na ngayo’y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duri ay tinik pagka’t siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway. Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata’y pinangalanang Durian na ang gustong sabihi’y munting tinik. Nagpakita sa Datu ang dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kaniyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang. Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalina ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan. Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya’y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad. Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libingan ni Durian na may halamang sumisibol. Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman. Yumabong ang sanga hanggang sa ito’y namulaklak at namunga. Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod ang mga kawal sa palasyo pati ang lahat ng nasasakupan. Nakita nilang ang balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at matamis. Naniwala ang mga taong ito’y ibinigay ni Bathala bilang isang alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya. Si Datu Duri matandang-matanda na. Isang taksil ang mga nanggulo sa mga alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan. Ito’y si Sangkalan. Sa huli’y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos. Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya n’ya itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok ang narinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag na nakabalot sa punungkahoy na nakatayo sa libingan ni Durian. Siniyasat ni Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang kanyang karunungan. Noon di’y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punung-kahoy at natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at nalamog ang buong katawan. Noon di’y itinanghal na bangkay si Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa mga nangyari. Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punung-kahoy, kanilang nakita na ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman nama’y manipis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy. Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian. Week 26 Day 4 Ang Alamat ng Kasoy Noong unang panahon, katulad ng ibang prutas, nasa loob din ng bunga ang buto ng kasoy. Subalit ayon sa sabi-sabi mainipin daw ang buto. “Ang lungkot naman dito. Nakakainip. Gusto kong lumabas. Gusto kong makita ang kagandahan ng kapaligiran”, wika ng buto ng kasoy. Narinig ito ng diwata ng kagubatan. “Nais mo ba talagang makita ang kariktan ng kapaligiran? Gusto mo bang lumabas sa iyong bunga?” ana ng diwata. “Opo, Inang Diwata, gusto ko po sana kung iyong mamarapatin.” Pahayag ng mainiping buto. “Maganda nga sa labas, ngunit ito’y mapanganib. Kaya mo bang harapin ang init at lamig sa labas? Mababasa ka ‘pag bumuhos ang ulan. Mahihirapan kang makakita pagsapit ng gabi. Mas kumportable at tahimik sa loob ng iyong bunga”, paliwanag ng Inang Diwata. “Opo, kakayanin ko po, basta’t makita ko lamang ang nasa labas,” paninindigan ng makulit na buto. “O siya. Maaari kong pagbigyan ang iyong hiling, subalit hindi ko na maari pang bawiin ang aking mahika. Hindi ka na maaari pang bumalik sa loob,” kundisyon ng diwata. “Sige po, hindi ko hihilinging makabalik pa ulit sa loob ng bunga ko,” pangako ng buto. Kumumpas ang Inang Diwata. Namulat ang buto ng kasuy sa kagandahan ng kapaligiran. Galak na galak ang buto sa kanyang nakita. “Hindi ko akalaing ganito pala kaganda ang mundo. Salamat Inang Diwata, pinasaya mo ako nang lubos,” tuwang sambit ng buto. “Walang anuman, mahal na buto. Tandaan mo lang ang iyong pangako,” sambit sa Diwata at naglaho. Magdamag na nagmasid ang buto habang nakatungko sa ulunan ng kanyang bunga. Nang unti unting dumilim ang paligid, nakaramdam ng pangamba ang munting buto. Nangutim ang mga ulap, nagbabadya ng mabigat na pag-ulan. Nagpalitan ng galit ang kulog at kidlat. ‘Inaykupo. Bakit naging ganito? Nakakatakot pala dito. Gusto ko nang bumalik sa loob. Brrrr. Nanlalamig na ako,” nanginginig na saklolo ng buto. Naisip niyang tawagin ang Inang Diwata upang humingi ng saklolo. Subalit naalala niya ang pangako sa diwata na hindi na maaari pang humiling na makabalik sa loob. “Tama nga ang Inang Diwata. Sana’y hindi na ako nagmatigas na masunod ang gusto ko,” malungkot na wika ng nanlulumong buto. Week 26 Day 3 ANG PUNO NA MAPAGBIGAY Sa bakuran ng isang malaking paaralan, may dalawang puno na nakatanim. Sila ay si punong mapagbigay at si punong matayog. Si punong mapagbigay ay hitik sa dahon at laging namumunga kapag panahon. Samantala si punong matayog ay hindi namumunga, puro tinik pa ang kanyang mga sanga. Kapag naglalabasan na ang mga bata sa paaralan sila ay naglalaro sa ilalim ng puno na mayabong. Sumisilong sila sa ilalim ng madahon nitong sanga. Naghahabulan pa ikot—ikot sa mataba nitong katawan. At namimitas din ang mga bata ng hinog na bunga. Masayang masaya si punong mapagbigay tuwing kapiling ang mga bata. Samantalang si punong matayog ay galit na galit sa Batang Masaya na naglalaro. Ito ang dahilan kaya ayaw niyang mamunga. At pinabayaan na niyang gapangan siya ng halamang baging na tinutubuan pa ng tinik. “Ayokong pakinabangan ng mga tao!” ang galit na wika ni punong matayog. “Pero nilikha tayo ng Diyos,para sa tao,”ang paliwanag ni punong mapagbigay. “Hindi marunong tumanaw ng utang na loob ang mga taong iyan. Kahit ano ang ibigay mo hindi parin sila masaya”. “Tingnan mo at darating din ang panahon na puputulin ka rin nila.” “Kaya ako kahit putulin nila patas lang kami, kahit minsan wala naman silang pakinabang sa akin.” Isang araw dumating ang mga taong naka-kontrata na gagawa ng gusali. “Doon sa may nakatanim na punong mayabong tayo magtatayo ng gusali.” Sabi ng kontraktor.“Kaya lahat ng nakatanim sa lugar na iyan ay simulan ng alisin, at yong punong mayabong ay putulin na rin. Nang minsan malaman ng mga bata na puputulin si punong mapagbigay ay dalidali silang pumunta at sila ay nagpaalam sa puno. “Nakita mo na, kaibigang puno” ang wika ni punong matayog.” matapos mong pasayahin ang kanilang mga anak, puputulin ka pa rin nila, diba wala silang utang na loob, iyan pa ang igaganti nila ang aking katawan, hindi nila kayang maputol ang kabutihan na itinanim sa puso ng mga bata”. Kaya kahit pinutol na ang punong mayabong, marami pa rin batang pumupunta sa puno. Karamihan sa mga bata ay naging malungkutin dahil hinahanap nila ang awit ng mga ibon, at ilalim na doon sila naglalaro. Nakadama ng sobrang galit si punong matayog sa pagputol kay punong mayabong. Kahit hindi man siya ang pinutol at hindi rin siya ang naapektuhan, alam niya ang sakit na ginawa ng mga tao sa kanyang kaibigang puno. Lumipas ang mga araw at panahon sa daigdig ni punong matayog siya ay naging matahimik.Wala na siyang naririnig na ibong umaawit at batang nagtatawanan. Dahil wala narin ang kaibigan niyang puno na mapagbigay. Isang umaga, nagulat nalamang si punong matayog ng makita niya ang mga bata na masayang-masayanang nag aawitan, at nagtutulungan na magbunot ng damo at may guro pa. Ang lahat ng mga kamag-aral ay nagkaroon ng isang proyekto na sila ay magtatanim ng mga halamang umuusbong mula sa buto ni punong mayabong. Hindi makapaniwala si punong matayog sa kanyang mga nasaksihan. At noon niya naalala ang sinabi sa kanya ng kaibigang puno. Noon pa lamang nalaman ni punong matayog ang kapangyarihan ng kabutihang asal Tunay nga pala ang kasabihan na, “ KUNG ANO ANG TINANIM AY SIYA RING AANIHIN”. Pareho lang naman ang binigay samin ng lumikha. “Bakit ako naging maramot?” ang wika ni punong matayog. Dahil sa kanyang mga nasaksihan nakadama siya na magbabago. Pinaalis na nya ang mga sagabal na halaman na baging na maraming tinik sa kanyang katawan. At pinilit niyang pagyamanin ang kanyang katawan at pagyabungin ang kanyang mga dahon. Simula noon sa pamamagitan ng pag-ayos sa kanyang sarili siya ay namulaklak. Week 26 Day 1 Ang Tambo at Roble Sa pampang ng isang ilog kung saan tumutubo ang mga tambo ay may isang matayos at matipunong roble. Isang araw,isang ipu-ipo ang umihip. Ang munting tambo na pinakamalapit sa roble ay umindayog at umikot sa lakas ng hangin. Tinawanan ng roble ang mahagaway at maliit na tambo. “Tingnan moa ng sarili mo,Tambo,” aniya. “Yumuyuko ka maski sa pinakamahinang ihip ng hangin.kahit kalian ay hindi ka makakaagapay sa akin.Hindi ako mabubuwag ng pinakamalakas na hangin. Pagkaraan ng ilang araw ay may dumating na bagyo.Malakas ang ulan at matindi ang ihip ng hangin.Kahit kalian ay hindi pa nakakakita ang roble ng ganoong kalakas na unos.Ang munting tambo at ang mga kasamahan nito ay umindayog at namaluktot sa bawat haplit ng malakas na hangin. ‘Di naglaon, isang pagkalakas –lakas na ihip ng hangin ang pumalibot sa katawan ng roble at hinila ito ng kasama ang mga ugat nito mula sa lupa. Kinabukasan,sumikat ang araw. Nakahandusay ang roble sa gitna ng mga tambo.Ang munting tambo at ang mga kasamahan nito ay nakatirik pa rin sa lupa, umiindayog sa mabining pag-ihip ng hangin. Napahimutok ang roble. “Paano naigupo ng bagyo ang isang matayog na punong katulad ko samantalang ang mga patpating tambo ay hindi man lang natinag sa kinatitirikan nila?” “Kahit kailan kasi ay hindi mo inisip na mas malakas ang bagyo kaysa sa ‘yo, Roble,” anang munting tambo. “Kung naging mapagkumbaba ka lang noon pa man at yumuyuko sa puwersa ng hangin, siguro’y nakatayo ka pa rin hanggang ngayon.” Week 27 Day 5 Ang Agila at ang Maya Isang agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay naksalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito “Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa nag mabilis na lumipa?” buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon niya para maturuan niya ng leksyon. “ Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. “Kailan mo gustong magsimula tayo?” Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. “ Aba, nasa sa iyo iyan. Kung kailan mo gusto.”buong kayabangan na sagot ni Agila. Napatingin ang maya sa kalawakan. Nakkita niyang nagdidilim ang kalangitan, natityak niya ang kasunod niyon ay malakas na pag-ulan. “Sige Agila, gusting umpisahan natin nag karera nagyon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangan g bawat isa sa atin ay mgadadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak. Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ng Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulal na dadalhin niyakumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. “O ano, Agila payag kaba?” untag ni Maya. “ Aba oo, payag na payag ako.” “Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na iyon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi na siya nagpahalata. At sismulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na daladala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila, kaya bumagal ang lipad niya. Samantalng ang mabigat na asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ng ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni mata Week 27 Day 5 Ang Agila at ang Maya Isang agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay naksalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito “Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa nag mabilis na lumipa?” buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon niya para maturuan niya ng leksyon. “ Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. “Kailan mo gustong magsimula tayo?” Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. “ Aba, nasa sa iyo iyan. Kung kailan mo gusto.”buong kayabangan na sagot ni Agila. Napatingin ang maya sa kalawakan. Nakkita niyang nagdidilim ang kalangitan, natityak niya ang kasunod niyon ay malakas na pag-ulan. “Sige Agila, gusting umpisahan natin nag karera nagyon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangan g bawat isa sa atin ay mgadadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak. Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ng Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulal na dadalhin niyakumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. “O ano, Agila payag kaba?” untag ni Maya. “ Aba oo, payag na payag ako.” “Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na iyon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi na siya nagpahalata. At sismulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na daladala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila, kaya bumagal ang lipad niya. Samantalng ang mabigat na asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ng ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni mata Week 27 Day 4 Ang Isang Mayang Uhaw May isang basong tubig at limang ibon na uhaw na uhaw. Unang uminom si Lawin at nabawasan ang tubig sa baso. Pangalawang uminom si Kalaw at nabawasan ang tubig sa baso. Pangatlong uminom si Tagak at nabawasan ang tubig sa baso. Pang-apat na uminom si Tikling at nabawasan ang tubig sa baso. Panlimang iinom si Maya pero kakaunti na ang tubig sa baso. Maliit si Maya. Maikli ang kaniyang tuka. Mataas ang baso at mababa ang tubig sa loob. Paano makakainom si Maya ng tubig sa baso? Kumuha siya ng limang bato. Inihulog niya ang unang bato at tumaas ang tubig sa baso Inihulog niya ang ikalawang bato at tumaas ang tubig sa baso. Inihulog niya ang ikatlong bato at tumaas ang tubig sa baso. Inihulog niya ang ikaapat na bato at tumaas ang tubig sa baso. Halos umapaw na ang tubig sa baso. Sa wakas, nakainom din si Maya. . Week 27 Day 1 Miss Moo Goes to the Zoo Si Miss Moo ay isang baka na nakatira sa isang malawak na bukirin. Lahat ng mga hayop na kasama niyang nakatira doon ay masayang magkakasama. Ngunit, si Miss Moo ay hindi na masaya sa kanilang tahanan. Nagpasya si Miss Moo na maghanap ng bagong matitirahan. Isang araw, kinausap ni Miss Moo ang kanyang mga kasamang hayop “Hindi ko na kayang magtagal pa dito, hindi na ako masaya sa lugar ditto, panahon na siguro upang ako ay humanap ng bagong makakasama at matitirahan” Huwag kang umalis Miss Moo, mahal ka naming lahat. Ngunit umiling si Miss Moo “Aalis na ko mga kasama” sabi ni Miss Moo. Habang siya ay naglalakad papalayo sa bukid na iyon nakita niya ang palakaibigan si Kabayo kasama si Tupa. Si Manok at ang kanyang mga sisiw, ang mag asawang baboy. Lahat sila ay masayang masaya. Nagpalakad-lakad si Miss Moo hanggang siya ay makarating sa isang Zoo. Ito ang zoo ng bayan. Zoo para kay Miss Moo? Pumasok si Miss Moo para makita kung ano ang nasa zoo.nakarinig si Miss Moo ng hindi pamilyar na tunog at paglinga niya, nakita niya si Elepante. “Sino ka? At ano ang gingawa mo dito?” pagalit na tanong ng elepanate. “Ako ay isang baka. Nakakapagbigay ako ng gatas, maaari ba akong tumira kasama ninyo? Ang sabi ni Miss Moo. “Hummpphh!” “Hindi ka espesyal, hindi ka naming kailangan dito. Ayaw naming makasama ang isang matandang bakang katulad mo” sabi ni Elepante. Malungkot na umalis si Miss Moo at naglakad lakad. Nakita niya ang mga giraffe. “Sino ka at ano ang gingawa mo ditto?” tanong ng giraffe sa hindi magandang tono. “Ako si Miss Moo, nakakapagbigay ako ng gatas maaari ba akong tumira kasama ninyo?” sagot ni Miss Moo. “Hummpphh!” “Hindi ka espesyal, hindi ka naming kailangan dito. Ayaw naming makasama ang isang matandang bakang katulad mo” sabi ng giraffe. Malungkot na umalis muli si Miss Moo at nakita niya ang mga leon. “Sino ka at ano ang ginagawa mo dito” tanong sa kanya ng leon. “Ako ay isang baka, nakakapagbigay ako ng sariwang gatas, maaari ba akong tumira kasama ninyo” sagot muli ni Miss Moo. “Hummpphh!” “Hindi ka espesyal, hindi ka naming kailangan dito. Ayaw naming makasama ang isang matandang bakang katulad mo” pasigaw na sabi ng leon. Nagsimulang umiyak si Miss Moo. Nakita siya ng mga zebra “Sino ka at ano ang ginagawa mo dito” tanong ng zebra sa kanya. “ ako ay isang matandang baka lamang, nakakapagbigay lamang ako ng gatas” “Hummpphh!” sabi ng zebra “Kami na walang ginawa kung hindi tumayo sa init ng araw buong maghapon. Pinapakain lamang kami ng taong taga bantay. Alam niya ang gagawin sa katulad mong baka. Tamang tama padaan ang taga-bantay, “sino ka at ano ang ginagawa mo dito?” tanong sa kanya ng taga-bantay. “Hindi ako isang elepante, isang giraffe at hindi din ako isang leon. Ako ay isa lamang matandang baka na nagbibigay lamang ng gatas” malungkot na sagot ni Miss Moo. Niyaya ng taga-bantay na maglakd-lakad si Miss Moo sa buong lugar. Nabigla si Miss Moo sa kanyang mmga nakita. Maraming mga bata ang nandoon pinapakain ang mga hayop. At ang mga hayop ay hindi elepante, giraffe at leon kundi mga baboy, tupa manok at mga kabayo! “Miss Moo” wika ng taga-bantay. “Kung nais mo ay dito ka na lamang tumira kasama namin at maging isa naming kaibigan. Tinignan ni Miss Moo ang mga bata, mga hayop na nasa zoo. Ngumiti sya at ngumiti din ang mga ito sa kanya. Sa wakas ay nalaman na din ni Miis Moo ang kanyang dapat gawin at saw akas mayroon na rin siyang bagong tahanan Week 27 Day 3 Ang Uwak na Nagpanggap Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba’t ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ang kanyang pinulot isa- isa at saka idinikit sa kanyang katawan.. Iyon lang at dali- dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito. Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, Kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba’t ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa’y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan. Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. “Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!” Week 28 Day 4 Ang Kalabaw at ang Baka Mahilig sa gimik sina Kalabaw at Baka. Pero problema nila ang mahigpit na amo, na si Mang Leoncio. Madisiplina kasi ang lalaki. “Ano kaya at minsan ay hindi tayo gumawa,” panukala ni Baka. “Naku, eh baka gulpihin tayo ni amo,” takot na sambit ni Kalabaw. Ang gusto ni Mang Leoncio ay lagi silang handa basta may iuutos ito. “Dali, Kalakian! Ayoko nang babagal-bagal. Maraming tao ang umaasa sa ating aanihin.” Naaawa kina Baka at Kalabaw ang ibang mga hayop sa bukid. Hindi naman nila alam kung paano makakatulong. “May magandang balita ako,” wika ni Aso. Ani Aso ay may pagtitipon na gaganapin sa plasa. Para lang daw sa mga baka at kalabaw iyon. Eksayted ang magkaibigan. “Naku, tiyak na masaya iyan!” wika ni Baka. May awitan, sayawan at palabas sa pagtitipon. May costume party pa. Hindi makatulog sina Baka at Kalabaw sa tindi ng pananabik. Ngayon pa lang kasi sila makadaranas ng gayong pagtitipon. Naging doble ang sipag nina Baka at Kalabaw. Talagang lahat ng ikatutuwa ni Mang Leoncio ay ginagawa nila. Gusto kasi nilang payagan sila ng amo na dumalo sa pagdiriwang. Nagpaalam sila sa amo. “Gusto po sana naming dumalo sa pagtitipon,” ang sabi ni Kalabaw. “Payagan n’yo sana kami,” ang samo ni Baka. “Tatapusin po naming nang mas maaga ang trabaho,” pangako ni Baka. Nag-isip si Mang Leoncio. “Sige, pumapayag ako.” Tuwang-tuwa ang magkaibigan. “Hindi na ako makatulog sa pananabik,” ani Baka. “ako rin,” ang sabi ni Kalabaw. Dahil sa hinihintay na pagtitipon ay naging magaan ang loob ng magkaibigan sa pagtatrabaho. Biyernes ng gabi. Panay ang kuwentuhan ng dalawa. “Tiyak na marami tayong makikilala bukas. Magkakaroon tayo ng iba pang kaibigan.” Sabado ng umaga. Galit na galit si Mang Leoncio. “Mataas na ang araw ay tulog pa kayo, mga tamad! Bilisan n’yo ang kilos at marami tayong tatapusin!” ang utos ng amo. Alas singko ng hapon ay nasa bukid pa sina Baka at Kalabaw. “Paano ba ‘yan? ni hindi pa tayo nakapapaligo at nakapagpapahinga,” anas ni Kalabaw. “Kung may ninang lang akong engkantada ay tinawagan ko na,” ani Kalabaw. Nagulat pa siya nang biglang lumitaw ang isang engkantada. “Ako ang iyong ninang,” ang sabi nito. Pinatulog ng engkantada si Mang Leoncio. “Isang hiling pa po,” wika ni Kalabaw. “Kailangan po kasing ibang damit ang isuot naming para hindi kami makilala.” Pinagbigyan ang hiling nila. “Bago maghating-gabi ay bumalik kayo rito,” anang engkantada. “Pag hindi kayo nakabalik ay magigising ang inyong amo. Hindi na rin ninyo mahuhubad ang mga damit ninyo.” Marami ang nagwapuhan kina Kalabaw at Baka. Nagpakitang gilas sila sa pagsayaw. Pinalakpakan at pinuri sila ng lahat. Dahil sa labis na saya ay nalimutan nila ang oras. Nagulat ang lahat nang marinig ang tinig ng galit na si Mang Leoncio. “Sabi ko na at narito kayo!” galit nitong sigaw habang hawak ang isang mahabang pamalo. “Hala, umuwi kayo!” Naalala nila ang bilin ng engkantada. Hindi sila dapat magpaabot ng hatinggabi. Dinala sila ni Mang Leoncio sa kural. “Mula ngayon ay hindi na kayo basta makakaalis,” ang wika nito. “Huhubarin ko na ang damit mo. Masyadong maluwag,” sabi ni Baka. “Masikip naman itong damit mo,” ang pakli ni Kalabaw. Ngunit kahit anong hubad ay hindi nila maalis ang mga damit. Naalala nila ang sabi ng engkantada. Hindi sila dapat magpaabot ng hatinggabi sa pagtitipon. Nalungkot sina Kalabaw at Baka. Huli na para magsisi. Mula noon, ang naging damit ni Baka ay ang damit ni Kalabaw. Ang naging damit naman ni Kalabaw ay ang damit ni Baka. Week 28 Day 3 Bakit may Ilaw sa Buntot ang Alitaptap Nang unang panahon,sinasabing nakakapagsalita ang mga hayop. At paminsanminsan, tumatawag ng miting si Bathala sa mga hayop upang pag-usapan nila kung paano maiiwasan ang kalupitan sa kanilan mga tao. Isang araw, ipinatawag ni Bathala ang isang puting kalapati. “Ikaw rin lang ang isa sa pinakamabilis sa aking mga tauhan,kaya ikaw ang lumibot at sabihin mo sa mga kapwa mo hayop na magkakaroon tayo ng miting dalawang araw mula ngaun.” “Kailangan po bang sabihin pati sa mga pinakamaliliit na hayop?” tanong ni kalapati “Syempre!” sagot ni Bathala. “Maaaring maliliit sila ,pero marami silang maitutulong sa ating kaharian”. Lumipad si kalapati sa lahat ng dako at sinabi ang tungkol sa miting. “Nagpapatawag ng miting si Bathala dalawang araw mula ngayon,” sigaw ni kalapati. “Lahat kayo ay kailangang dumalo”. Nalaman ng maliit na may pakpak,kay Putakti.” Sinabi ni Kalapati na kailangang lahat tayo ay dumalo sa miting,” pagbabalita ni Putakti kay Alitaptap. “Gusto kong pumunta, sabi ni Alitaptap, “pero na pakalayong bulwagang pulungan, “reklamo ni Alitaptap kay Putakti. “Alam na mang lahat na hindi na ko makakalipad sa madilim.” “Hindi problema ang paglipad sa dilim,” sagot ni Putakti.” Magdadala ng lampara si Bubuyog at maaari tayong sumabay sa kanya” “Aba, magandang balita yan!” sagot ni Alitaptap.”Anong oras tayo lilipad para sa miting?” Ipinaliwanag ni Putakti ang iba pang detalye tungkol sa kanilang magiging byahe. Nang sumunod na umaga, masayang lumipad ang magkakaibigan patungo sa bulwagang-pulungan. Nagkwentuhan sila habang lumilipad at tumigil ng dalawang ulit upang magpahinga at kumain. “Alam mo, Alitaptap,” pagkatapos ay sabi ni Bubuyog’”talagang hindi ko maintindihan kung bakit na tatakot ka sa dilim”. “Hindi naman ako talagang dating takot sa dilim,” paliwanag ni Alitaptap, “hanggang no’ng minsan ay naraanan akong isang lalaki at halos ay mapisa ako!” “Ba’t di ka magdala ng lampara gaya ni Bubuyog?” tanong ni Putakti “Hindi ko kaya ‘yon,”sagot ni Alitaptap.”Hindi naman ako kasinlakas at kasinlaki ni Bubuyog. Hindi ko kaya ang bigat ng lampara. Siguradong babagsak lang ako sa lupa.” “Tigilan na natin ‘tong kwentuhan,” sabi naman ni Bubuyog. ”Malapit nang dumilim , kaya dapat na tayong magpatuloy,” kayag pa ni Bubuyog. Nagpatuloy ang tatlong magkakaibigan samantalang palubog na ang araw. Nang lumipad sila sa ibabaw ng isang ilog, nakarinig sila ng isang boses na humihingi ng tulong. Nang tumingin sila sa ibaba, nakita nila ang isang langgam na nalulunod. Bumaba tayo para matulungan ang langgam,” sabi ni Alitaptap. “Hindi tayo makabababa,” sagot ni Bubuyog. “Ang langis ng lampara ay tama lang para sa isang tuwirang biyahe sa bulwagang-pulungan. Kapag nagkaroon ng anumang dagdag na biyahe,lilipad tayo sa dilim.” “Pero hindi ko matitiis na malunod ang langgam!.” Sagot ni Alitaptap. “Tutulungan ko siya”. Lumipad na pababa sa ilog si Alitaptap upang sagipin ang langgam. Sina Bubuyog at Putakti ay nagpatuloy naman sa miting “Pa’no kita mapapasalamatan ng husto? “sabi ng langgam kay alitaptap samantalang nagpapahinga sila sa tabing-ilog.” Pihong patay na ako kung hindi mo ako tinulungan.” “Alang kwenta iyon.” sagot ni Alitaptap. “Basta nangangailangan ng tulong, tinutulungan ko kahit sino pa. Kaya lang, may malaking problema ako ngayon.” “Sabihin mo... baka matulungan naman kita!” “Kapag walang ilawan, hindi ko makikita ang daan patungo sa bulwagangpulungan. Kailangang makarating ako ro’n bukas ng umaga para sa miting na tinawag ni Bathala.” “Do’n din ako pupunta,” sabi ng langgam.‘ Pero hihintayin ko na ang pagsikat ng araw, at kung gusto mo, sabay na tayo.” Tanghaling tapat na nang dumating sila sa bulwagan..Ilang hayop na lamang ang naiwan at nag-uusap-usap. Nakita ni Kalapati sina alitaptap at langgam,lumipad siyang palapit sa dalawa. Kinagalitan niya ang mga ito. “Hinihintay kayo ni BATHALA sa bulwagang-pulungan!” Nagtuloy ang dalawa sa bulwagang-pulungan at dinatnang palakad-lakad si Bathala. “Magandang hapon po, Bathala!” bati ni alitaptap at langgam. “Bakit ngayon lang kayo?” tanong ni Bathala.”Kapag hindi kapani-paniwala ang inyong dahilan ay parurursahan ko kayo!” “Mahal naming Bathala,” mahinang sagot ni alitaptap,” nakita ko po kasi siya,” at itinuro si langgam,” na nalulunod, at sinagip ko po!” “Totoo po yo’n Bathala,” ayon ng langgam. Matapos makinig si Bathala ay hinatulan si Alitaptap. “Alitaptap, napakabuti ng iyong ginawa...maipagmamalaki kita! Dahil d’yan, bibigyan kita ng gantimpala. Mula ngayon, magkakaro’n ng ilaw sa’yong buntot para maituro sa’yo ang daan sa mga biyahe mo sa gabi.”Gayon nga ang nangyari. Mula noon ay may sariling ilaw sa buntot si alitaptap. At isa siyang magandang tanawin kung gabi, sa kanyang mamatay- mabuhay na ilaw habang lumilipad. Week 28 Day 1 Si Aling Oktopoda at ang Walong Pugita Bukod sa pugitang may walong galamay, Si Aling Oktopoda ay may walong panganay. Pero bilang inang-pugita, tamad at pabaya si Aling Oktopoda. Pag nawili, arawgabi siya na kasugal ng mga pugitang amiga. Kapag umuwi naman ng bahay, tulog siya sa buong araw. Kaya ang walong munting pugita ang nagtatrabaho kahit bata pa. Sila ring walo ang naghahanap ng pagkain nilang mag-anak. Minsan, ang munting si Walo, biglang napalayo sa grupo. Hinanap ng pitong kapatid si Walo. Pero talagang napalayo ito. Agad silang umuwi at nagsumbong kay Aling Oktopoda na kagigising lang noon. Siyempre, si Aling Oktopoda ay kinabahan at dagling ginalugad ang karagatan. Isinama pa ang walong kaibigang tapat para may katulong siya sa paghahanap. At laking gulat ng walong pugita nang si Walo’y makitang hinahabol ng walong barakuda. Agad binomba ng tinta ni Aling Oktopoda ang dalawang nauuna sa walong barakuda. Sinugod naman ng mga kaibigang pugita ang natira sa walong barakuda. Mula noon, tumigil si Aling Oktopoda sa pagsusugal at paglalakwatsa. Araw-gabi, ang walong munting pugita ang tangi at laging laman ng kaniyang mata. Week 28 Day 2 Si Pagong at si Kuneho Isang araw nagtipon tipon ang mga hayop upang maghanap ng pagkain. Sina baboy, aso, ahas, pusa, kuneho at pagong. Sinabi ni Kuneho, “Pagong, bilisan mo naman! Ang kupakupad mo talaga.” “Hindi ah, sadyang mabagal lang ako.” sagot ni pagong “Gusto mo patunayan ko sa iyo” ani pa ni pagong “Paano naman?” tanong ni kuneho. “Sa pamamagitan ng isang karera!” sagot ni pagong “Karera? hahahaha” tumatawang tanong ni kuneho “oo, mula dito hanggang sa dulo ng ilog” Nagsimula na ang kanilang karera. Nauna si kuneho pero ng siya’y nasa kalagitnaan na at hindi pa nya natatanaw si pagong ay naisipan nyang matulog muna dahil alam naman nyang makupad si pagong. Hindi nagtagal ay dumaan si pagong at nakita nyang natutulog si kuneho kaya sya ay nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Nang dapit hapon na ay nagising na si kuneho. Tinignan nya ang daan at hindi pa nya nakikita si pagong kaya sya ay dahan dahang naglakad. Pagdating nya sa ilog ay nagulat sya ng makita nyang nagkakatuwaan na sina pagong at iba pang mga hayop. Napagisip isip ni kuneho na hindi nya dapat hinamak at minaliit si pagong. Tinanggap ni kuneho ang kanyang pagkatalo at nagpatuloy ang kasiyahan ng mga hayop kasama si kuneho. Week 28 Day 5 Sino ang Nakatira sa Bukid Sino ang nakatira sa bukid? Ang manok at sisiw ay nakatira dito. Ang tandang na nasa bakod ay tumitilaok. Ang inahing manok ay nangingitlog sa pugad nito. Sino ang nakatira sa bukid ? Ang mga bibe at gansa ay nakatira din ditto. Ang mga ito ay mahilig sa tubig, kaya parati silang nasa palaisdaan. Sino pa? Mayroon baka sa bukid na nangangain ng sariwang damo na walang kasamang tagabantay. Mayroon ding mga kabayo. Malalakas, malalaki, malulusog ang mga ito at tumutulong sila sa gawaing bukid. Ang mga kabayo ay natutulog sa mga mesa at ang mga inahing kabayo naman ay kasama ng kanilang mga anak. Sino pa ang nakatira sa bukid? Ang mga mabalahibo at mapuputing tupa ay kasama din ang mga tatay na tupa ay binabantayan ang kanilang maliit na anak upang walang mawala. Mayroon ding kambing, ang mga batang kambing ay dumedede pa sa kanilang mga nanay hanggat hindi pa nila kayang kumain ng damo. Ang mga baboy naman ay mahilig kumain. Kapag mainit ang panahon sila ay nagpapagulong gulong sa may putikan. Samantala ang mga pabo naman ay palakadlakad na nakabukadkad ang mga balahibo. Ang pamilya ng pusa ay nanghuhuli ng daga na kumakain ng mga tanim ng magsasaka. Ang mga mababangis na hayop naman ay nakatira sa kagubatan. Dumarating sila para maghanap ng makakain habang natutulog ang mga hayop na nasa bukid. Sino ang nakatira sa bukid? Ang lahat ng hayop ay maaring tumira sa bukid. Week 29 Day 2 Ang Alamat ng Butiki Nagdadalantao si Marina nang mamatay ang asawa. Ilang buwan makaraan ay nagsilang siya ng isang sanggol na lalaki. “Tatawagin kitang Iking tulad ng tawag ko sa iyong ama”. Pinalaki ni Marina ang anak na busog sa pagmamahal. Ibinigay niya rito ang lahat ng maibigan. Pinagsilbihan rin niya ito ng labis. Ang sobrang pagpapalayaw ay hindi nagdulot ng maganda. Si Iking ay lumaking masama ang ugali. “Bigla na lang hong sinuntok ang anak ko!” sumbong ng isang nanay. Binata na si Iking ay lagi pa ring nakikipag-away. “Anak, magbago ka na,” ang pakiusap ni Marina. Malakas ang loob ni Iking. Alam kasing kahit ano ang gawin ay tatanggapin pa rin ng ina. Nakadama ng takot si Iking nang minsang magkasakit si Marina. “Paano na ako kung wala si ina?” naisip niya. Matapos ang pangyayaring iyon ay nagbago ang binata. Natuwa si Marina. Pero wala pang isang buwan ay nagbalik sa dating ugali si Iking, Nakikipagbarkada at nakikipag-away. Aalis ng walang paalam at linggo na ang nakaraan ay hindi pa umuuwi. Minsan ay may pasayaw sa plasa. Halos tumigil sa pagtibok ang puso ni Iking nang masilayan ang isang dalaga. Ibang-iba ang ganda nito sa karamihan. Umibig agad siya sa babae. Hindi siya makakapayag na maunahan ng iba. Tinakot niya ang mga lalaking gusting makipagsayaw sa dalaga kaya siya nakalapit dito. “Ako si Iking,” pagpapakilala niya. “Maaari ba kitang isayaw?” Hindi maitago ni Iking ang paghanga sa dalaga na nagpakilalang Mika. “Pwede ko bang malaman kung saan kayo nakatira?” usisa ni Iking. “Sa Barangay ng Bunsuran, ikatlong barangay mula sa hangganan ng Santol’” ani Mika. Matapang si Iking pero sa harap ni Mika ay naging maamong tupa siya. “Sabihin mo kung ano ang gusto mo. Ibibigay ko kahit ano ibigin mo lang ako,” ang wika ni Iking. May nakakilala kay Iking. Ikinuwento nito sa mga magulang ni Mika ang pagkatao ng binata. Ipinagtapat ng dalaga sa ama’t ina na wala itong pagtingin sa binata kaya walang dapat ipag-alala. Naging matapat kay Iking ang dalaga. Sinabi niya kay Iking na humanap ng lang ng ibang maliligawan. “Ikaw ang gusto ko’” anang binata. “Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo.” Naging malungkutin si Iking. Napansin ni Marina ang ikinikilos ng anak. Nag-alala ito. “Ayoko na,” ani Iking at binitawan ang kutsara’t tinidor.” Kakaunti pa ang nakain mo. Kumain ka pa, pilit ni Marina. “Sabihin mo sa akin ang problema mo? Baka makatulong ako,” ani Marina. “Wala kayong magagawa!” sambit ni Iking. Nagtanong-tanong si Marina. Natuklasan niya ang tungkol kay Mika. “Umiibig na ang anak ko,” sabi niya. Pinuntahan ni Marina si Mika. “Mahal ka ng aking anak. Sabihin mo sa akin kung paano mo siya matututuhang mahalin.” “Paumanhin po pero may mahal na ako,” wika ng dalaga. Umuwing malungkot si Marina. Wala siyang nagawang solusyon sa problema ni Iking. Naawa siya sa anak. “Malungkot na naman siya,” bulong ng babae. Hindi masabi ni Marina kay Iking na tigilan na ang panunuyo kay Mika. Hindi niya masabing wala itong aasahan. “Iking....” tawg ni Marina sa paalis na anak. “Mag-iingat ka.” Umisip ng paraan si Mika upang tigilan na ni Iking ang panliligaw. Naisip niyang hingan ito ng isang bagay na imposible nitong maibigay. “Kung maibibigay mo sa akin ang hihilingin ko, pakakasal ako sa iyo.” Mayabang na mayabang ang pakiramdam ni Iking. Sigurado siyang makakaya ang pagsubok ni Mika. “Ibigay mo sa akin ang puso ng iyong ina,” seryosong sabi ng dalaga. Baliw sa pag-ibig si Iking. Noon din ay umuwi siya. Dumiretso siya sa kusina. Naghanap siya ng matalas na kutsilyo. Hindi niya bibiguin si Mika kapalit man ay buhay ng ina. Sa pagmamadali ay natapilok si Iking. “Anak, nasaktan ka ba?” waring narinig niya ang nag-aalalang tinig ng ina. Kinilabutan ang lalaki. “Inaaay!” hagulgol niya. “Patawad, Inaaaay!” Sumama ang panahon. Matapos iyon ay hindi na nakita si Iking. Isang maliit na hayop na humahalik sa lupa ang nakita sa kinadapaan niya. Pinaniniwalaang siya ang maliit na hayop na nang lumaon ay tinawag na butiki. Week 29 Day 3 Kain, Kumain, Kinain By: Mile L. Bigornia Natisod ni Islaw ng batong may lumot. Mula sa batong gumulong at lumubog, ang lumot ay lumutang-lutang. May kiti-kiting nakatanaw. Kinain ng kiti-kiti ang lumot. May munting hipong sumulpot. Ang kiti-kiti’y kanyang nilulon. Natulog sa busog ang hipon. May dalag palang nanunubok. Kinain ng dalag ang hipong natutulog. Bumigat ang tiyan ng dalag, Kaya hindi nakaiwas sa lambat. Week 29 Day 5 Ang Dalawang Palaka May dalawang palakang nakatira sa tubigan. Pangarap nila ang makarating sa kapatagan. Minsan ay naglakas loob sila na pumunta sa kapatagan. Nagandahan sila sa lugar. Namasyal sila maghapon. Pauwi na sila ng madaanan ang isang balon. Ibig sana nilang tingnan ang nasa loob noon pero gabi na. Nagalit ang pinuno nila nang malamang pumunta sila sa kapatagan. Pinagbawalan sila nito na wag nang uulit dahil baka mapahamak sila. Ngunit naging matigas ang ulo ng dalawang palaka. Sinuway pa din nila ang utos ng kanilang pinuno na huwag na pumunta ulit sa kapatagan. Sa pamamasyal nilang sa kapatagan ay nalibang silang muli sa kagandahan na kanilang nakita. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman at may nag-aambang panganib sa kanilang daraanan. May nakakita sa kanilang lalaki. Tumawag ng kasamahan ang lalaki. Sandali pa ay hinabol na nila ang dalawang palaka. Pagod na pagod ang dalawa ng makarating sa tubigan. Sinalubong sila ng kanilang pinuno at mga kaibigang palaka. Ikinuwento nila ang nangyari. Humingi sila ng tawad sa pinuno sa pagsuway sa utos nito. Pinarusahan sila upang huwag pamarisan. Naging masaya muli ang palaka sa tubigan. Wala ni isa sa kanila ang naghangad na makipagsapalaran pa sa kapatagan. Week 29 Day 4 Kayo ba ang Nanay ko? by: Rodolfo Desuasido “Nasaan ang nanay ko?” Naglakad si Bibe. Nasalubong niya si Manok. “Kayo ba ang nanay ko?” tanong ni Bibe. “Hindi ako ang nanay mo,” sagot ni Manok. Nasalubong niya si Pabo. “Kayo ba ang nanay ko?” tanong ni Bibe. “Hindi ako ang nanay mo,” sagot ni Pabo. Nasalubong niya si Paboreal. “Kayo ba ang nanay ko? Tanong ni Bibe. “Hindi ako ang nanay mo,” sagot ni Paboreal. Nasalubong niya si Pugo. “Kayo ba ang nanay ko?” tanong ni Bibe. “Hindi ako ang nanay mo,” sagot ni Pugo. Nasalubong niya si Itik. “Kayo ba ang nanay ko?” tanong ni Bibe. “Hindi ako ang nanay mo,” sagot ni Itik. Nasalubong niya si Gansa. “Kayo ba ang nanay ko? tanong ni Bibe. “Hindi ako ang nanay mo,” sagot ni Gansa. Nasalubong niya si Tagak. “Kayo ba ang nanay ko?” tanong ni Bibe. “Hindi ako ang nanay mo,” sagot ni Tagak. “Kwaaak! Kwaak!” ang sabi ng tinig. Napalingon si Bibe. Nakita niya si Inahing Bibe kasama ang mga kapatid niyang bibe. “Kayo ba ang nanay ko?” tanong ni Bibe. “Oo, ako ang nanay mo,” sagot ni Inahing Bibe. Masayang lumangoy si Bibe. Week 29 Day 1 Lester, Ang Matabang Pusa May isang matandang babae na nakasumbrerong itim ang may alagang matabang pusa. Walang kinakain ang pusa araw-araw maliban sa kendi na pagkain para sa pusa. Ang matandang babae ay sinusubukang pakainin ang kanyang alaga ng almusal, pananghalian at hapunan, pero ang kinakain pa rin ng pusa ay ang kendi. Isang araw, sabi ng babae,”Ikaw pusa, masyado kang mataba, kailangan nating maglakad para makapag-ehersisyo.” Sinuot ng matandang babae ang kanyang itim na sombrero at naglakad kasama ang alagang pusa. Sa kanilang paglalakad, ang matabang pusa ay naipit sa pagitan ng puno at pader. Ang matandang babae ay umiyak. “Tulong! Tulong! Ang pusa ko ay naipit.” Meow! Meow! Ang iyak ng matabang pusa. Dumating ang bumbero para tumulong. Sila ay nakatayo sa paligid at nag-iisip ng paraan kung paano makukuha ang matabang pusa. Marami kaming hose sa trak, maaari nating gamitin ang malakas na tubig para makaalis ang pusa, sabi ng bumbero. “Naku, hindi! Wika ng matandang babae. Hindi! Hindi! Sabi ng matabang pusa. Kaya lahat ng bumbero ay tinulak ng tinulak ang pusa, pero hindi pa rin ito makaalis. Hanggang sa naisip ng isang bumbero, na gumamit ng langis kaya naman gumamit sila ng mantikilya at ipinahid nila ito sa pusa. Itinulak nila ang pusa hanggang sa ito ay makaalis. “Maraming salamat,” wika ng matandang babae. “Salamat! Salamat!” sabi ng matabang pusa. Umuwi na ang matandang babae at ang pusa sa kanilang bahay. Ang sabi ng pusa sa matandang babae, “Ayoko ng maipit ulit.” Kaya mula noon kinain na niya ang kanyang pagkain sa almusal, pananghalian at hapunan at hindi na muling kumain ng kendi na para sa pusa. At ang matabang pusa ay hindi na mataba at hindi na siya naipit ulit. Week 30 - Day 1 Ang Batang si Jose Isang mabait na bata si Jose magalang, matalino, at higit sa lahat, masunurin. Isang araw habang naglalaro siya sa loob ng kanilang bahay ay nakita niyang papalabas ng pintuan ang kanyang ina... Jose : ‘Nay, san po kayo pupunta? Nanay : Bibili ako ng asin at mantika anak... Jose : Ako na lang po ‘nay.. Nakangiting ibinigay ng nanay ang pambili ng asin at mantika kay Jose... Masayang lumabas ng bahay si Jose patungong tindahan, palundag-lundag pa ito habang kumakanta... Jose: Magandang umaga aling Nena! Masayang bati ni Jose... Aling Nena: Oh Jose, magandang umaga naman, ano ang kailangan mo? Jose : Bibili po ako ng asin at mantika... Iniabot ni Jose ang pambayad sa binibili niya... Aling Nena: Eto na ang binibili mo Jose, at eto na rin ang sukli mo... salamat... Bago umalis si Jose ay nagpasalamat siya kay Aling Nena... Habang pabalik siya ay masaya pa rin siyang kumakanta habang lumalakad... Pagdating ni Jose sa bahay nila ay napansin niyang sobra ang sukli ni aling Nena... iniabot niya ang kanyang binili sa kanyang ina... Jose: ‘Nay ito na po ang binili ko, sandali lang po ha ‘nay... Mabilis na lumabas si Jose sa kanilang bahay.. Jose: Anak!! San ka pupunta?? Sigaw ng kanyang ina na labis na nagtataka kung bakit nagmamadaling umalis ang kanyang anak... Jose: Aling Nena! Aling Nena: Oh bakit Jose? May nakalimutan ka bang bilhin? Jose: Wala po, napansin ko lang po na sobra ang sukli ninyo sa akin, ibabalik ko po sana... Aling Nena: Ay naku... hindi ko pala nabilang mabuti, buti na lang at mabait kang bata Jose, maraming salamat... Hindi masukat ang sayang nararamdaman ni Jose habang pauwi siya... Pagdating niya sa kanilang bahay ay tinanong siya ng kanyang Ina kung saan siya galing at kung bakit siya nagmamadaling umalis matapos niyang ibigay ang pinamili niya... ikinuwento ni Jose ang buong pangyayari... Tuwang-tuwa ang kanyang ina... Niyakap siya nito ng mahigpit at pinaghahalikan sabay sabing... Nanay: Isang tunay na anghel ka anak, salamat at sobrang bait mo at sa pagiging matapat mo, tunay na bigay ka ng Panginoon sa amin... Sabay silang mag-ina na pumasok sa kanilang bahay na may matatamis na ngiti sa kanilang labi. Week 30 -Day 5 Ang Batang Salbahe Si 0scar ay isang bully at may hindi kaaya-ayang ugali. Nilalayuan siya ng kanyang mga kaklase at wala siyang kaibigan. Lahat ng mga bata ay takot sa kanya. Isang araw bumili siya sa panadirya malapit sa kanilang bahay. Oscar: Hoy tanda, bigyan mo nga ko ng pandesal 10 piso. Matandang babae ( nagtitinda ): Heto na. Nakalimutan hingin ng tindera ang bayad sa tinapay at hindi na yon pinaalala ni Oscar. Ang hindi niya alam, nakikita ng kanyang guro ang kanyang mga masamang gawain. Kinabukasan, kinausap siya ng kanyang guro. Nag-usap sila tungkol sa mga ginagawa niya at ipinaintindi sa kanya na mali iyon. Pagkatapos noon, nanghingi siya ng tawad sa kanyang mga kaklase at mga guro. Nang uwian, dumiretso si Oscar sa panadirya upang manghingi ng tawad sa tindera. Sinabi niya sa tindera ang totoo. Pinatawad naman siya nito. At sa huli, nakangiti siyang naglalakad sa daan habang inaalala ang mga pangyayari Week 30 Day 4 Ang Matapat na mga Bata Lunes ng umaga, nagpunta ang magkakaibigang Joshua, Gerard at Elizer sa kantina upang magmiryenda. Pagkabili nila, umupo sila sa may lamesa at nagkwentuhan. Nang pabalik na sila sa kanilang silid aralan, nakita ni Elizer ang isang wallet. “uy wallet oh! ,” sabi ni Elizer. “Tara dalhin natin ito sa Lost and Found!,” wika naman ni Joshua.“Oo nga. Tara dalhin na natin iyan doon”pagsang-ayon naman ni Gerard. Nang makarating na sila sa Lost and found, saktong nanduon naman ang may-ari ng wallet. Pinasalamatan silang tatlo sa kanilang kabaitan at sa kanilang katapatan . Week 30 - Day 2 Isang Aral Isang araw, pumunta si Miguel sa tindahan ni Aling Rosa. May nakita siyang bata na bumili ng kendi. Pagkatapos balatan ng bata ang kendi, itinapon lang niya ito sa kung saan. Naalala ni Miguel ang bilin sa kanya ng kanyang ate. Ate: Miguel, kapag may nakita kang dumi, pulutin mo na kaagad dahil pag dumami yan, ito ay magiging sanhi ng baha. Pinulot ni Miguel ang basura saka kinausap ang bata. Miguel: hello! Ako si Kuya Miguel. Gusto ko lang sana sabihin sayo na dapat mong itapon ang iyong basura sa tamang basurahan, kasi kapag dumami iyan at naipon, magiging sanhi iyan ng baha. Bata: opo Kuya. Sorry po. Nakita ni Aling Rosa ang buong pangyayari. Aling Rosa: Miguel! Hanga ako sayo. Dapat ay tumulad sayo ang mga batang katulad nila. Miguel: Salamat po. Umuwi si Miguel sa bahay nila ng masaya. Week 30 - Day 3 Isang Araw Isang araw, nagising si April ng maaga. Inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng ulam sa may karinderya malapit sa kanilang bahay. Mahaba ang pila ng makarating si April sa karinderya. Ilang sandali biglang may dumating na matandang babae na kagagaling lamang sa simbahan, at biglang sumingit sa harapan. Pagkakuha niya ng kanyang pinamili, may mag-inang pulubi ang lumapit sa kanya at nanghingi ng pagkain. Matandang babae: Umalis nga kayo dito! Ang babaho niyo! Nakakaperwisyo lang kayo. Nang makaalis ang matandang babae, nalungkot at biglang inisip ni April ang nangyari. Inilagay niya sa sitwasyon ang kanyang sarili at ang kanyang Ina. Naawa siya sa mga ito at ng pagkabili niya ng kanyang pinamili, ibinigay niya ito sa mag-ina. Laking tuwa nila at nagpasalamat sila sa batang si April. Nang maka-uwi si April, tinanong siya ng kanyang ina kung bakit kulang ang kanyang binili. Ipinaliwanag ni April ang mga pangyayari. Nasiyahan ang kanyang ina sa ginawa ni April at niyakap siya ng kanyang ina. Nanay: anak proud na proud ako sayo! Mahal na mahal kita. Niyakap ulit siya ng kanyang Ina at kumain sila ng masaya. Week 31 Day 1 Ang Sapatero at ang mga Duwende by: Maryl Tamayo May isang mabait at mapagkawang gawa ng sapatero. Nang tumanda ay lumabo ang kanyang mga mata. Nahirapan na siyang gumawa ng sapatos. Palibhasa ay matanda na kaya kakaunti na rin ang nagpapagawa ng sapatos sa kanya. Sa pangarap na lang siya nakakakain ng masarap. Nagulat silang mag-asawa nang makita ang magandang pares ng sapatos sa ibabaw ng mesa. Iyon ang katad na tinabas ng lalaki ng nakaraang gabi.. Nagustuhan ng isang nagdaraang lalaki ang pares ng sapatos. Agad nitong binili iyon.Tuwang –tuwa ang mag-asawa. Nakakain muli ng masasarap na pagkain ang mag-asawa. Kinagabihan ay nag-iwan ulit sila ng katad sa mesa. Nasorpresa sila nang makita ang mas maraming magagandang pares ng sapatos kinaumagahan. “Sino kaya ang may gawa nito?”tanong ng sapatero. Nag-iwan muli sila ng katad sa mesa. Hindi sila natulog buong magdamag upang malaman kung sino ang tumutulong sa kanila. Gulat na gulat sila nang makita ang dalawang duwende. Ang mga ito ang gumagawa ng mga sapatos gamit ang mga katad na kanilang iniwan.. Nagpasya ang mag-asawa na igawa nila ng damit at sapatos ang dalawang duwende. Pumili sila ng pinakamagagandang tela at katad para sa mga ito. Tuwang-tuwa ang dalawang duwende nang makita ang mga damit at pares ng mga sapatos. Isinuot nila ang mga iyon.Sa isang iglap ay naglaho ang mga ito. Labis-labis ang napagbilhan ng mag-asawa sa mga sapatos . Namuhay silang masagana at nakatulong muli sa mga nangangailangan. Week 31 Day 4 Si Ella at Si Ana Sina Ella at Ana ay gumising ng maaga. Naligo sila at naghanda sa pagpunta sa palengke. Isinama ni Ella si Ana sa palengke. Namili si Ella ng isda at mga gulay. Pagkatapos mamili ay may nakitang manika si ana na katulad ng napanood niya sa telebisyon. Nagsabi si Ana sa kanyang ate Ella kung puwede nilang bilhin ang manika dahil talagang gusto niya iyon magmula pa noong una niya itong mapanood. Pinagbigyan naman siya ng kanyang ate Ella. Pinuntahan nila ang tindahan kung saan nakita ni Ana ang manika at binili ito ng kanyang ate Ella. Masayang-masaya si Ana sa kanyang bagong manika. Niyakap niya ang kanyang ate Ella at nagpasalamat. Week 31 Day 5 Karanasan ni Tino May sakit si Nanay Tilde. Hindi niya kaya ang mamalengke. “Tino, tayo na sa talipapa. Mamamalengke tayo,” ang sabi ni Tatay Tirso. “Sige po, Tatay. Ngayon lang ako makakapunta sa talipapa,” tuwang-tuwang sabi ni Tino. Itinuro ni Tatay Tirso ang mga isda sa isdaan. “Tilapia ito. Iyon ay tanigue. Tulingan naman ito.” Bumili sila ng isang kilong tilapia at kalahating kilong tahong. Nagpunta sila sa gulayan. “Mang Tirso, bili na kayo ng gulay. Sariwang-sariwa po ang mga ito,” ang sabi ng tinder. “Bigyan mo kami ng talbos ng sili at talong.” Masayang-masya si Tino pag-uwi nila sa bahay. Week 31 Day 2 Sa Palengke Sa palengke, maraming tao ang makikilala. May mga tinder ng mga gulay, karne, delata, damit, isda, tinapay, mantika, bagoong at mga prutas. Maraming taong tumatawad dito at doon. May mga taong nakikipagkuwentuhan, nagtatanong kung magkano, kung sariwa ang gulay o hinog ang prutas. Sina Mang Ben at Aling Mila ay dalawa sa mga masisipag na tindero at tindera. Nagtitinda sila ng mga sariwang gulay at matatamis na prutas. Ito ang kanilang kabuhayan. Sikap at tiyaga ang kanilang gabay sa pagtitinda. Ayon sa kanila, kung may tiyaga, may ginhawa. Sa mga taong namamalengke araw-araw, alam nilang sa palengke lamang mabibili ang mga sariwa at murang sangkap. Hindi bale nang mainit ang paligid, nakakatawad ka naman at nakikita mo pa ang iyong mga kaibigan. Week 31 Day 3 Ulam, Gulay, Kanin at Iba Pa Galing sa palengke si Nanay. Bumili siya ng maraming gulay at prutas. May sitaw, kamatis, bawang, patatas, kalabasa, talbos ng kamote, pinya, sibuyas, kamatis, papaya at marami pang iba. Bumili rin siya ng limang kilong karne ng baboy at manok, at apat na kilong isdang bangus. Darating ang mga lolo at lola at mga kaibigan ng pamilya. Magluluto si Nanay ng adobong manok na may gulay. Ilalaga rin niya ang karne ng baboy. Ipiprito niya ang bangus. Magluluto rin siya ng pinakbet na may talbos ng kamote. Kung may panahon, mag-iihaw din si Tatay ng isda at karne ng baboy. Para sa panghimagas, gagawa si Ate ng “fruit salad” at lalagyan niya ito ng yelo. Masarap na naman ang hapunan ng pamilya. Siguradong masaya ang lahat sa pagkaing ihahain ni Nanay. Week 32 - Day 3 Ang Ambisyosong Istetoskop Ni: Luis P. Gatmaitan, M.D. Mahigit nang isandaang taon nang likhain si Istet, mamahaling istetoskop na yari sa pinakamahusay na materyales. Nang panahong iyon, ang mga istetoskop ang itinuturing na pinakabagong imbensyon sa daigdig ng panggagamot. Sila ay sadyang ginawa para sa mga doctor. Si Istet ay kakaiba sa lahat. May pagkasuplado siya sapagkat ayon sa kanya, siya ay gawa sa bayan ng mga Kastila. Mataas na agad ang pangarap ni Istet. Gusto niyang sumikat at makilala sa buong daigdig. Isang araw, may dayuhang nagkagustong bumili sa kanya. Pero hindi niya ito nagustuhan. Tinanong siya ng kasama niyang istetoskop kung bakit siya nakasimangot. “E paano, tingnan mo naman ang dayuhang bumili sa akin. Isang lalaking maliit ang tindig at kayumanggi ang balat.” “Ang selan mo naman! Doctor din naman siya a,” tugon ng kasama. “A, basta, hindi siya ang gusto kong magmay-ari sa akin. Gusto ko ay kagaya rin nating Espanyol!!” Inis na inis si Istet. Wala siyang magawa kundi sumama sa dayuhan na kung tawagin nila ay Pepe. Nagging bugnutin tuloy siya. Madalas ay pinagtataguan niya si Pepe. Pero matiyaga ang doctor. Maingat siyang isinasabit nito sa kanyang balikat pagkatapos gamitin. Matiyagang nililinis pag narumihan. Minsan sa loob ng bag na itim ni Pepe, narinig niyang sinabi ni Teroy Termomiter na kahanga-hanga daw si Pepe. “Mahusay gumamot ang kayumangging doktor!” pahayag ni Popoy Posep. “Kahit ang mga walang pera ay ginagamot niya!” sabi ni Gringga Heringgilya. “At magaling din siyang manunulat!” tugon ni Iskong Iskalpel.” Biglang sumingit si Istet sa usapan. “Si Pepe, manunulat?” Natuwa si Istet sa narinig niya. Sabi niya “Kung totoo ngang magaling na manunulat si Pepe, bukod sa doktor pa siya, may pag-asa ngang matupad ang mga pangarap ko. Pag sumikat si Pepe, pati ako!” Nagpupugay pa si Istet sa mga kasamahan. Akala mo’y sikat na sikat na. Nainis ang mga instrumento sa loob ng bag na itim nang marinig ang kanyang kayabangan. Pinaligiran nila ang ambisyosong istetoskop at sabay-sabay sinabing: “Angpagsikat di dapat hangarin, Kusa itong dumarating, Ano ang dapat gawin?, Trabaho’y paghusayin!” “Bata pa si Istet, pagpasensiyahan n’yo na!” pagtatanggol ni Pen-Pen. Isang umaga, nagtaka si Istet nang hindi siya kinuha ni Pepe. Akala niya’y wala lang pasok sa ospital si Pepe. Ngunit kinabukasan, at nang sumunod pang mga araw, hindi pa siya ginagamit ni Pepe. Sumilip siya mula sa bag na itim at laking gulat niya nang Makita niyang si Pen-Pen ang hawak-hawak ni Pepe. Pumasok ang matinding selos at inggit sa puso ni Istet. “May bago nang paborito si Pepe,” bulong niya. Mabait na nagpaliwanag si Pen-Pen. “Istet, balang araw maiintindihan mo rin kung bakit kami sumusulat ng akalat. Huwag ka nang magtampo. Halika ipapakilala kita kana Aklat Noli at Aklat Fili.” “Hmmmmmmmmmmmmppp!” umismid lang si Istet. Inawat ni Gringga Heringgilya ang dalawa. “Naku Istet, hindi mabuti para sa iyo ang lagi kang bugnutin. Itigil mo na ang pagkukumpara sa inyong dalawa. Bawat nilikha’y may kanya-kanyang galing!” Pinagdudahan pa rin ni Istet si Pen-Pen. Kaya isang gabi, sinubukan niyang silipin kung ano ang laman ng aklat na pinagkakaabalahang sulatin ni Pepe. “Aba, masama pala ang mga Fraileng Kastila!” “Bakit laging nakikialam ang mga Kastila?” “Magkatuluyan kaya si Ibaraa at Maria Clara?” Marami pa siyang natuklasan sa aklat na iyon. Mula noon, kapag tulog na ang lahat, dahan-dahan siyang bumabangon upang buklatin ang aklat at subaybayan ang nangyayari sa mga tauhan ni Pepe. Hindi nagtagal, at nagbalik si Pepe sa kanyang bayan at dito’y nakaharap ni Istet ang mga taong kayumanggi. Noong una’y umiral ang selan niya. Pero naisip niyang ito marahil ang mga aping tauhan sa aklat ni Pepe. Kaya pinagbuti niya ang pakikinig sa mga tunog, tibok at hininga ng mga kababayan ni Pepe. “Magaling ang doktor galing sa Madrid!” sabi ng mga taong nagpapagamot. Pero napansin ni Istet na minsa’y may mga lalaking nagpupunta sa kanila pero hindi naman nagpapakonsulta. Nagrereklamo ang mga ito sa pagmamalabis ng mga kastila. Narinig ni Istet nagalit ang mga Kastila kay Pepe. Bigla niyang naalala ang mga aklat na sinulat nito. “Alam mo Istet, may sakit an gating lipunan. Kaya lang, ang sakit na ito any di simpleng ubo, sipon at tigdas, TB at pagtatae lamang. Gustong gamutin ni Pepe ang sakit na ito kaya nagagalit ang mga kastila. Kasabay ng pagkamulat ay sinabi ni Istet, “Pen-Pen, gusto ko ang mga ginagawa ni Pepe, Kakampi niya ako.” Hindi sukat akalain ni Istet na dahil lamang sa mga sinulat na aklat ay ipadadakip sila ng mga Kastila. Napadpad sila sa Dapitan, isang bayang malayo sa siyudad. Galit na galit si Istet. Halos itatwa niya na siya ay gawa sa Espanya. “Wala na sa katwiran ang mga Kastila. Sobra na ang pakikialam nila!” reklamo niya kay Gringga heringgilya na agad namang sumang-ayon at nagsabing “tutusukin ko sila.” Nalito si Istet sa mga pangyayari. Sa harap ni Pen-Pen at Gringga ay hiyang hiya siya. Halos itatwa niya ang kanyang pinagmulan. “Kayo ba ay nagagalit sa akin?” “Bakit mo naitanong yan Istet?” “Kasi’y Kastila rin ako. Di ba’t sa Espanya ako nilikha?” maluha luha na si Istet. “Hiyang hiya ako kay Pepe at sa kanyang mga kababayan.” “Wala kang kasalanan, Istet. Hindi naman ang lahing Kastila ang inaayawan ni Pepe kundi ang pamamalakad nila sa ating bayan.” “Wala nang mas marangal pa sa kanya kaysa sa taong nagmamahal sa kanyang bayan” paliwanag ni Pen-Pen. “Ah basta, tutusukin ko sila!” sabad ni Gringga Heringgilya. Dahil sa mga nangyari, lalong napalapit ang loob ni Istet kay Pen-Pen at Gringga. Hinanap niya ang mga kaibigan. Ipinagtanung-tanong niya, subalit walang makapagsabi kung nasaan sila. “Siguro’y nakakita na ng bagong istetoskop si Pepe. Mas bago, makintab at siguro’y mas malakas ang pandinig. Iniwanan na niya ako.’ Lumipas ang maraming taon. Isang araw, may mga panauhing dumating sa lumang klinika ni Pepe sa Dapitan. Bagama’t luma na si Istet ay malinaw pa rin niyang naririnig ang usap-usapan ng mga lalaking ito. Binabanggit nila si Pepe. Ipinapasundo na siya. Dadalhin sa Maynila. “Saan na naman kaya maglilibot si Pepe? Kasama kaya nila sina Pen-Pen at Gringga?” Nakatulugan na niya ang pag-iisip. Idinuduyan siya sa pagkakahimbing ng mahabang paglalakbay. Nagulat si Istet nang makita ang maraming pares ng matang nakatunghay sa kanya doon sa kuwadrong sisidlan na napaliligiran ng salamin. “nasaan ako?” “Sino kayo?” tanong ni Istet. Noong una’y natakot siya at nabahala. Pero nang titigan niya ang mga mata nito, ang nakita niya roon ay paghanga. “Teka teka, ano itong naririnig ko? Ako na raw ang pinakasikat na istetoskop sa balat ng lupa dahil inari raw ako ni Pepe. Aba’y bakit? Ano bang nangyari kay Pepe?” Iginala niya ang kanyang paningin. Sa isang sulok ay nakita niya sina Penpen at Gringga na nahiga rin sa kamang katulad ng sa kanya. Marami ring mata ang nakasilip doon. Hindi sinasadya’y napatingala si Istet sa katapat na dingding. Doo’y nakita niya ang isang malaking kuwadro ni Pepe. Nakaharap ito sa direksyon niya at nakangiti. Noon lamang napagtanto ni Istet na ang dayuhang muntik na niyang isnabin ang hinirang na pinakadakilang bayani sa bansang Pilipinas. Natupad na rin ang pangarap ni Istet. Ngunit para sa kanya, sikat man o hindi, ang higit na mahalaga’y magkasama silang muli ng kanyang mga kaibigan. Week 32 - Day 2 Ang Batang Ayaw Maligo By: Beng Alba Si Popong ang batang ayaw maligo. Masayang-masaya siya kapag nakakatakas siya sa kuskos ng labakara, dulas ng sabon, at higit sa lahat, sa lamig ng tubig. "Popong, maligo kana. Naghihintay na ang tubig mo sa banyo," sasabihin ng Nanay niya. Tuwing maririnig ni Popong ang salitang 'ligo,' para itong binubuhusan ng isang balding malamig na malamig na tubig. Kung anu-anong dahilan ang ibinibigay ni Popong para makaiwas lang sa pagligo - "Nay, parang may sakit po 'ata ako." "Nay, tatapusin ko lang po itong paboritong palabas ko." O di kaya'y, itatago niya ang sabon at sasabihing, "Nay, wala na pong sabon." Minsan ay umalis ang mga magulang ni Popong para tumulong sa tatlong-araw na medical outreach sa kabilang bayan. Iniwan nila si Popong sa kanyang lola. Laking tuwa naman ni Popong! "Apo, naligo kana ba?" tanong ni Lola Erlinda. "Opo, Lola," sagot naman ni Popong. "Tingnan po ninyo, basa pa nga po ang buhok ko. At bagong palit pa ang sando ko." Pero ang totoo'y binasa lang niya ang kanyang buhok at pinalitan lang niya ang kanyang sando. "Aba, oo nga.Pero ano ba iyong naaamoy ko na parang amoy araw?" tanong ni Lola Erlinda. "Si Blackie po yun, Lola." At tinuro ni Popong ang alagang aso. Sa unang araw nawala ang mga magulang niya, libreng-libre si Popong. Wala silang ginawa kundi maglaro sa loob ng bahay. Inilampaso niya ang katawan sa sahig. Isiniksik ang sarili sa ilalim ng kama! "Yipee! Walang pasok! Wala sina Nanay at Tatay! At syempre, walangligo!!" Sa pangalawang araw, sa bakuran naman naglaro si Popong. Umakyat siya sa punong bayabas at hinabol ang mga alagang pato! "Yipee! Walang pasok! Wala sina Nanay at Tatay! At syempre, walang ligo!!" Dumating ang ikatlong araw.Wala pa rin ang Nanay at Tatay ni Popong. At tatlong araw na siyang hindi naliligo. Nanlilimahid na siya sa dumi. Magulong-magulong buhok. Nanlalagkit ang katawan. At ubod nang sama ang amoy! "Apo, gumising kana! Aba'y mahuhuli ka sa klase!" sigaw ni Lola Erlinda. Bumangon si Popong at dali-daling isinuot ang kanyang uniporme. Hindi na siya na kapag suklay. Hindi na rin siya nakapag sipilyo ng ngipin."Aba, Apo, bakit parang di ka 'ata naligo? Ang dungis ng mukha mo!" "Eh, Lola, pag-uwi na lang ako maliligo. Tanghali na kasi ako nagising e." Masayang pumasok sa eskuwela si Popong dahil muli niyang makakasama ang kanyang mga kaibigan. Maglalaro sila ng holen at patintero. Ngunit habang nagpapatintero ay di mapakali si Popong. Kamot sa ulo, kamot sa braso. Kamot sa binti, kamot sa pisngi. Kamot sa tiyan, kamot sa puwit. Kaya naman . . . "Popong, hindi mo nataya si TJ!" "Popong, hindi mo nataya siTintin!" "Kamot ka kasi ng kamot, eh! Siguro hindi ka naligo, no!" Pagkatapos magpatintero nang tatlong beses, hindi na isinali si Popong ng mga kaibigan niya. Naiwang nag-iisa si Popong.Malungkot niyang pinanood ang mga kalaro mula sa malayo. Bakit kaya ayaw nila akong makasama? Malungkot na malungkot si Popong. Marami nga siyang pagkain para sa merienda, wala na man siyang kasalo. Gusto nga niyang makipagtakbuhan, wala naman siyang kalaro.Muli niyang nilapitan ang mga kalaro. "Puwede bang sumali ulit sa inyo?" "PuwedePopong, . . .pero kung nakaligo kana!" sigaw ng mga kalaro niya, sabay nagtawanan. Tiningnan nang maigi ni Popong ang kanyang mga kaklase. Napansin niya na ibang-iba nga ang itsura nila sa kanya! Maayos ang kanilang buhok. Malilinis ang kanilang mga mukha.At mapuputi ang mga ngipin. Samantala, siya nama'y ubod ng gusgusin at kamot ng kamot. Dali-daling umuwi si Popong. Agad niyang hinanap ang pinakamabangong sabon, pinakamalaking labakara, at nagsimulang magkuskos . . . Kuskos dito, kuskos doon. Isa, dalawa, tatlong buhos ng tubig. Kuskos dito, kuskos doon. Isa, dalawa, tatlong buhos ng tubig. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ni Popong na masarap palang maligo. Masarap pala ang pakiramdam ng katawan kapag nililinis ng sabon at hinuhugasan ng tubig. Ni hindi niya napansin na malamig pala ang tubig. Pagkalabas ng banyo, may isang sorpresa ang naghihintay kay Popong! "Wow! Ang bangu-bango naman ng anak ko!" sigaw ng kanyang Tatay." 'Nay! 'Tay! Bumalik na kayo!" bulalas ni Popong. Hinagkan niya silang dalawa. "Oo, anak. Sa katunayan, nag-aalala kami sa iyo habang nasa kabilang bayan kami," sagot ni Nanay. "Maraming bata kasi duon na kung hindi may bungang-araw ay may galis-aso naman," dagdag ni Nanay. "Nagkasugat-sugat na nga ang mga balat nila dahil siguro kamot sila nang kamot." Napaisip si Popong sa sinabi ng Nanay at Tatay niya. Naalala niya na muntik na ring magkasugat-sugat ang balat niya dahil sa kanyang pagkakamot. Tiningnan ni Popong ang kanyang mga magulang. "Nay, 'Tay, sori po. Kasi po, mula nang umalis kayo ay ngayon lang ulit ako naligo. Nagsisinungaling po ako kay Lola tuwing tinatanong niya kung naligo na ako. Pero mula ngayon, susundin ko na po ang lahat ng sinasabi ninyo. At kahit na si Lola lang po ang kasama ko dito, maliligo pa rin ako." Matapos mangako ni Popong ay bigla itong napaisip, "Hmm . . . eh si Blackie kaya?" Week 32 Day 4 Ang Dalawang Takuri Isang malakas na bagyo ang dumaan sa isang bayan. Lumaki ang tubig sa ilog at tinangay ng baha ang ilang bahay na nakatayo sa pampang. Dalawang takuri ang hindi nakaligtas sa baha. Ang isa ay yari sa luwad at ang isa ay yari sa pilak. Ngayon ay palutang-lutang sila kasama ang mga layak habang inaanod sila ng rumaragasang tubig ng ilog. “Kaibigan,” wika ng takuring yari sa pilak sa takuring yari sa luwad, “alam kong natatakot ka. Kapag nabundol ka ay mababasag ka.” “Dito ka pumuwesto sa likuran ko, magiging pananggalang mo ako,” wika ng takuring yari sa pilak. “Hindi ako mababasag dahil yari ako sa pilak.” “Salamat kaibigan,” wika ng takuring yari sa luwad. “Pero hindi na kailangan.” Sa halip na lumapit ay lalong lumayo ang takuring yari sa luwad sa takuring yari sa pilak. “Bakit ka lumayo?” nagtatakang tanong ng takuring yari sa pilak. “Ayaw mo bang maprotektahan kita habang hindi pa lumilipas ang panganib?” “Salamat kaibigan,” wika ng takuring yari sa luwad. “Alam kong mabuti ang iyong layunin pero kapag lumapit ako sayo at nagkabungguan tayo, tiyak na mababasag ako.” Hindi nakaimik ang takuring yari sa pilak. Pinagmasdan na lamang niya ang takuring yari sa luwad na ilayo pa ang sarili sa kanya. Week 32 Day 1 Ang Diyos na Si Merkuryo at ang Mangangahoy Kinaumagahan pagkatapos ng isang malakas na bagyo, nagtungo sa gubat ang isang mangangahoy dala ang kanyang palakol. Nakita niyang ilan sa mga puno ay nabunot mula sa kinatatayuan at nakatumba. Nagpasya ang mangangahoy na sa sibakin ang mga natumbang puno para matanggal ang mga nakahalang sa paligid. Nagbalak siyang magtanim ng mga punla bilang kapalit ng mga nakatumbang puno. Sinisibak ng mga mangangahoy ang isang natumbang puno sa tabi ng ilog nang dumulas ang palakol mula sa kanyang pagkakahawak. Dumausdos ang palakol sa rumaragasang ilog at lumubog. Nanlumo ang mga mangangahoy sa pagkawala ng kanyang palakol. Bigla, lumitaw ang diyos na si Merkuryo sa kanyang harap. Nagkataong ang ilog ay pag-aari ng diyos. “Huwag kang mag-alala, sisisirin ko ang iyong palakol,” sabi ng diyos sa mangangahoy. Sinisid ng diyos ang ilalim ng ilog. Lumitaw uli ito pagkaraan ng ilang saglit tangan ang isang palakol na yari sa ginto. “ Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa mangangahoy. “Hindi po,” sagot ng mangangahoy. Muli, sumisid si Merkuryo sa ilalim ng ilog at lumitaw na tangan ang isang palakol na yari sa pilak. “Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa mangangahoy. “Hindi po,” tugon ng mangangahoy. Sa pangatlong pagkakataon ay inilubog ng diyos ang sarili nito sa ilalim ng ilog. “Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa mangangahoy nang lumitaw ito tangan ang palakol na nabitawan ng mangangahoy. Labis na katuwaan ang naramdaman ng diyos sa katapatan ng mangangahoy. Nagpasya siyang ibigay ang dalawang palakol na yari sa ginto at pilak bilang mga regalo. Nagpasalamat ng labis ang mangangahoy sa diyos. Kinagabihan, ibinalita ng mangangahoy sa isang kapwa mangangahoy ang tungkol sa magandang kapalarang natamo niya habang nagsisibak siya ng natumbang puno sa tabi ng ilog. Kinabukasan, nagtungo ang pangalawang mangangahoy sa tabi ng ilog upang magsibak ng natumbang puno. Hinayaan niyang kusang dumulas ang kanyang palakol mula sa kanyang kamay at hinayaan din niyang lumubog iyon sa ilalim ng ilog. Pagkatapos ay naghintay siya. Pagkaraan ng ilang saglit, nagpakita si Merkuryo at inalok ang pangalawang mangangahoy na sisirin ang nawalang palakol. Lumitaw si Merkuryo na tangan ang isang palakol na yari sa ginto. “Ito ba ang iyong palakol?” tanong niya sa mangangahoy. “Opo, iyan nga po ang nawawalang palakol ko! bulalas ng pangalawang mangangahoy. Labis na nanlumo si Merkuryo sa pagsisinungaling ng pangalawang mangangahoy. Nagpasya siyang huwag ibigay sa mangangahoy hindi lamang ang palakol nito kundi maging ang nawalang palakol nito. Week 32 Day 5 Filemon Mamon by: Christine Bellen “ SUGOD MGA KAPATID! “ sigaw ni Filemon. Umuumbok ang mga pisngi niyang kasingkulay ng makopa. Nangining ang mataba niyang braso sa pagtaas ng kamao. Ensayo ito ni Filemon para sa awdisyon. Talagang napakahilig niyang umarte sa dulaan. Kahit sa paglalaro, umaarte siyang tatay sa bahay bahayan at kaaway naman sa barilan. Gustuhin man niyang maging kuya, ipinagpipilitan ng mga kalaro niya, “ Mukhang matanda kapag mataba. Mukhang bata kapag payat.“ naisin man niyang maging bida, sasabihin ng mga ito sa kanya, “ Mataba ang mga kaaway, mapapayat ang mga bida. “ Tuwing pasko lamang siya bidaa. Laging si Santa Klaus si Filemon sa paaralan. At ang puna ng lahat, parang puputok ang pulang damit niya.“ Naka tight-fit yata si Santa! “ isang kaway at hinga nga ni filemon dalawang butones ang tumilapon. Umaalog alog naman ang tiyan niyang bilog habang naglalakad at bumabati ng “ Merry Christmas! “ sabi nga ng nanay at mga yaya, “ Naku, parang keso de bola. “ Para naman maiba, gusto ni Filemon na maging si Andres Bonifacio sa dula. Siya ang matapang na lider nng Katipunan. Kaya, “ Sugod, mga kapatid!” ang sigaw niya. Lalo na nang makitang nakahain na ang mesa. Parang fiesta! Nilanghap niya ang amoy ng nagmamantikang adobo at lechong paksiw. Naglaway siya sa manggang hilaw at bagoong. Umikot ang mga mata niya sa sari saring minatamis na nilunod sa arnibal. Matapos naman ang kainan, sasalampak si Filemon sa harap ng tv. Sasali rin ang kanyang nanay at tatay. Dala nila ang maraming kutkutin, popocorn, mani, kornik, chicharon at isang litro ng softdrinks. “ Ganyan talaga ang lumalaking bata, “ hihimasin ni tatay ang ulo ni Filemon habang nginagasab ng anak ang mga kutkutin. Kaya tuloy walang pakialam si Filemon kahit pa tawagin siyang baboy, Bola, Bundat, Biik, Bilog, Tabachoy, at Filemon Mamon.Mahal naman siya ng kanyang nanay at tatay. At mahal din siya ng kanyang mga kaeskwela. Kapag nadikit ang mga ito sa kanya: Parang mammon, nakakapanggigil kagatin. Parang unan, mainam yakapin. Parang pader, malapad na sandalan. Nang dumating ang araw ng awdisyon, handing handa na si Filemon. “ Sugod, mga kapatid.” Parang kulog ang kanyang sigaw. Nagpalakpakan ang kanyang mga kaeskwela,. Bida si Filemon! “ hiyawan ng mga ito. Tumaba pati puso ni Filemon sa kanyang narinig. At nagkatotoo nga! Siya ang hinirang na Andres Bonifacio. Bigay na bigay si Filemon sa mga ensayo. Ngunit wala pa sa kalagitnaan, hingal-kabayo na ang bida. Hindi na marinig ang “ Sugod mga kapatid!”. Kaya lagi itong ipinapaulit.Mabilis mapagod si Filemon kaya nagpasya si Direk.“ May mas bagay na kilos sa mga kagaya mong bilog.” Ginawa siyang prayleng mataba., ang kaaway sa dula. “ Patayin ang mga Indios!’ pang gigil pa rin ni Filemon. Lalo nang makita niya ang bagong Andres Bonifacio. Hindi ito bilugan, hindi mukhang mammon ang katawan. Maliksi ito sa takbuhan at hindi hinihingal sa sigawan. Sumugod pauwi si Filemon.“ Kailangan ko bang pumayat? Kailangan ko bang maging patpat? Gusto kong maging Andres Bonifacio sa dula! “, hikbi ni Filemon. “ Ayoko nang maging mammon.” Hindi na sumugod sa mesa si Filemon noong kainan. Hindi na rin siya bumangon nong hatinggabi upang higupin ang kondensada o kaya’y manginain ng mga tiring yema na tinda ni Nanay. Sa pag-alalala sa kakaibang ikinikilos ni Filemon, isinugod siya ng kanyang nanay at tatay sa doctor kinabukasan. “ wala pong ganang kumain si Filemon. Mangangayayat po ba siya, Doktor?” nangingilid ang luha ng kanyang nanay.Naninikip naman ang paghinga ng tatay.Sa tingin ni Filemon, pwedeng artista sa dula ang kanyang nanay at tatay. “Maayos po ang anak ninyo, “ sabi ng doctor. “ Ngunit kailangan ninyong bantayan ang kanyang kalusugan dahil mabilis pong kapitan ng sakit ang matataba tulad po ng sakit sa puso at diyabetes. Mabilis din po siyang mapagod. “ Napatingin ang nanay at tatay ni Filemon sa kanilang kabilugan ng katawan. Hinikayat sila ng doctor na maging halimbawa ng mabuting kalusugan para kay Filemon. Nabawasan ang panonood ng tv nina Filemon. Naglalakad-lakad sila sa parke tuwing hapon. Nakatuwaan din nila ang paghahalaman bilang libangan. Bagong putahe na rin ang niluluto ni Nanay. Karaniwan mga isda at gulay. Prutas na rin ang paborito nilang ngatain habang nagkkwentuhan. Week 33 Day 1 Ang Dagang Taganayon at ang Dagang Tagalungsod Dinalaw ng dagang tagalungsod ang kaibigang dagang taganayon. “Masama ang lagay ng lugar na tinitirhan mo, kaibigan,” aniya. “Marumi at wala akong nakikitang bagay na magaganda.” Nadismaya ang dagang taganayon. Pagdating ng magkaibigan sa lungga ng dagang taganayon, muling nagkomento ang dagang tagalungsod. “Sa siyudad, ang mga sahig ay nangingintab sa kalinisan.” Hinainan ng dagang taganayon ang kanyang kaibigan ng pagkaing galling sa bukid: mga butil ng bigas, mais, gisantes, trigo at pira-pirasong keso. “Hindi pagkain ang mga ito kompara sa mga kinakain namin sa siyudad,” anang dagang tagalungsod at agad na nagpaalam sa kaibigan. Napagkasunduan ng magkaibigan na dadalawin ng dagang taganayon ang dagang tagalungsod sa susunod na linggo. Sa sumunod na linggo, sinalubong ng dagang tagalungsod ang kaibigang dagang taganayon sa kalsada. Ninerbiyos ang dagang taganayon nang muntik na silang masagasaan ng isang trak. Dinala ng dagang tagalungsod ang kaibigan sa isang marangyang bahay. Inakyat nila ang hapagkainan kung saan nakalatag ang hamon, litson at iba’t ibang putahe. Pero bago sila makakain ay biglang pumasok ang katulong. Hinataw ng katulong ng walis ang magkaibigan at saka hinabol. Takot na takot ang dagang taganayon. Akala niya ay katapusan na ng kanyang buhay. Pagbalik sa kalsada, inalok ang dagang tagalungsod ang kaibigan na kumain sa ibang bahay ngunit tumanggi ang dagang taganayon. “Hindi ko isusugal ang buhay ko makakain lang ng masarap na pagkain, kaibigan,” aniya. Bumalik ang dagang taganayon sa payak ngunit mapayapang pamumuhay sa bukid. Week 33 Day 3 Bulsa Para kay Conduroy Isang hapon, dinala ni Lisa at ng kanyang nana yang kanilang labada sa labahan. Dala ni Lisa ang kanyang laruang oso na si Conduroy. Maraming tao sa labahan nang mga oras na iyon. “Conduroy, maupo ka rito at hintayon mo ako, sabi ni Lisa. “Tutulong muna ako kay nanay sa paglalaba.” Naghintay si Conduroy nang biglang tumaas ang kanyang mga tenga. “Lisa, siguraduhin mong walang laman ang iyong bulsa. Kung hinsi mababasa ang iyong mga gamit’ sabi ng kanyang nanay. “Bulsa? Wala akong bulsa.” Sabi ni Conduroy sa kanyang sarili. Bumaba si Conduroy sa kinauupuan niya. “Hahanap ako ng telang gagamitin kong bulsa.” At inikot ni Conduroy ang paligid. Una siyang pumunta sa isang bag na puno ng tuwalya, ngunit walang kasya sa kanya at walang gusto niyang kulay. Sunod niyang nakita ang isang bag na puno ng makukulay na damit. “Siguro meron dito na magagamit kong pang gawa ng bulsa ko,” sabi ni Conduroy sa kanyang sarili.walang anu-ano, inakyat niya ang bag na puno ng basang damit. “Mayroong kweba rito, gusto kong tumira sa isang madilim at malamig na kweba,” sabi ni Conduroy sa kanyang sarili. Maya maya pa, hinanap nan i Lisa ang kanyang laruang oso, ngunit hindi niya ito natagpuan. “Nanay, nawawala si Conduroy.” Paiyak na sabi ni Lisa. “Anak malapit nang magsara ang labahan, at kailangan na nating umuwi.” Sabi ng kanyang nanay. Ayaw umuwi ni Lisa nang hindi kasama si Conduroy ngunit. “Kailangan nating umuwo. Balikan na lang natin siya bukas” ang sabi ng kanyang nanay. Pag alis ng mga ina, may isang lalaking naglabas ng bag na may lamang mga labada. Iyon ang bag na natgapuan ni Conduro. Bago pa siya makaalis napasama na si Conduroy sa mga damit na inilagay ng lalaki sa loob ng washing machine. Nang ialis ng lalaki ang mga damit niya sa washing machine, nagulat siya nang Makita si Conduroy kasama ang kanyang mga basing damit. Tinanggal ng lalaki ang mga basing damit ni Conduroy at inilagay ito sa loob ng dryer upang matuyo. Tinulungan niya si Conduroy na isuot ang kanyang mga damit. “ Magsasara na po kami,” ang sabi ng may-ari ng labahan. “Sino kaya ang may ari sa osong ito?” tanong ng lalaki. “Dapat mayroon kang pangalan sa iyong damit para hindi ka mawawala” ang sabi pa niya at maingat na nilagay si Conduroy sa ibabaw ng washing machine. Nang patayin ang mga ilaw sa loob ng mga labahan, nagumpisa muling maghanaop si Conduroy. Nakakita siya ng mga puting kumikislap sa dilim. “Siguro ito ay snow! Matagal ko nang gustong maglaro sa snow! Sabi ni Conduroy sa kanyang sarili habang naglalakad nang masipa niya ang isang kahon na puno ng kumikislap na pulbos. Natabunan siya ng maliliit na puting pulbos at nang siya ay maglakd, napadulas si Conduroy sa sahig. “Wow! Ang say nito!” sabi ni Conduroy sa kanyang sarili. Nakarating siya sa isang basket na walang laman, “Ito yata ay isang kulungan, ayaw kong tumira sa loob ng isang kulungan.” Maya maya pa, ay inantok na si Conduroy at siya ay nakatulog na. Kinabukasan, nang dumating na ang may ari ng labahan, nakita niya si Lisa na naghihintay sa labas ng labahan. “May naiwan po ako sa loob ng labahan ninyo, pwede po bang hanapin ko siya?” tanong ni Lisa sa may ari ng labahan. “Siyempre nama.” Nakangiting sagot ng may ari. Naghahanap si Lisa sa ilalim ng mga upuan at likod ng ga washing machine nang lapitan siya ng may ari ng labahan, “Ito ba ang hinahanap mo?” “Opo, opo,! Siya ang aking matlik na kaibigan!” sigaw ni Lisa habang inaabot si Comduroy. “ Ikaw talaga, halika at uuwi na tayo”. Nagapasalamat si Lisa sa may ari ng labahan at masayang naglakad pauwi sa kanilang bahay. Habang kayakap niya si Conduroy, tinanong niya ito, “ Sabi ko sayo, hintayin mo ako, bakit ka biglang nawala, saan ka nagpunta”” “Naghanap ako ng bulsa” sagot ni Conduroy. “Hay, Conduroy, bakit hindi mo sinbi sa akin na gusto mo pala ng bulsa?” tanong ni Lisa. Nang umagang iyon, itinahi ni Lisa ng bulsa si Conduroy sa damit nito, at narito ang iyong pangalan para sa sususnod, hindi ka na mawawala, sabi ni Lisa. “Gusto ko ng ginawa mong bulsa sa akin, Lisa. Salamat” masayang sabi ni Conduroy Week 33 Day 4 Dagat sa Kama ni Troy BY Rene O. Villanueva Si Troy ay pitong taong gulang na. Siya ang panganay na kapatid nina Elena at Dodong. Limang taon na si Elena at tatlong taon naman si Dodong. Mahilig maglaro sina Troy, Elena at Dodong. Sa iisang kama natutulog sina Troy, Elena at Dodong. Magkakatabi sila kung matulog sa gabi. Isang gabi, nanaginip si Troy. Kapitan siya ng isang barko. Malakas ang hangin at malaki ang alon. Bumuhos ang malakas na ulan. Kasama niya sa barko sina Elena at Dodong. Panay ang hampas ng malalaking alon. “Nababasa tayo!” sigaw ni Elena at Dodong. Paulit- ulit ang sigaw nina Elena at Dodong. Pakiramdam ni Troy, may malaking alon na humahampas sa kanilang barko. Dahil sa malakas na sigaw nina Elena at Dodong, bigla siyang napabangon at nagising. “Basa ang kama! Sino’ng umihi?” sigaw ni Elena. Biglang umiyak si Dodong dahil ngulat siya nang mabasa ang kanyang likod. Sumugod sa silid ang tatay at nanay nila. Naihi si Troy sa kama. Tinulungan sila ng tatay na ayusing muli ang kanilang higaan. Tinulungan naman si Troy ng nanay na patuyuin ang katawan at magpalit ng damit Hiyang- hiya si Troy sa nangyari. Pitong taon na siya pero naiihi pa siya sa higaan. Pero sabi ng nanay niya, talagang may mga batang kahit malaki na ay naiihi pa rin sa higaan. Kailangan nilang pag- aralan kung paano maiiwasan ang ganoong pangyayari. “Maraming puwedeng gawin para maiwasan ang pag- ihi sa kama,” sabi ng nanay ni Troy. “Kailangan umihi bago matulog.” Ganoon nga ang ginawa ni Troy. Gabi- gabi bago siya matulog, hindi niya kinakalimutan ang bilin ng nanay niya. Hindi rin siya umiinom ng tubig bago matulog. Sabi kasi ng nanany niya, kapag uminom ng tubig bago matulog mas malamang ang maihi sa kalagitnaan ng gabi. Natuto rin si Troy na pakiramdaman ang sarili sa gabi, kapag siya’y naiihi. Kapag nararamdaman niyang naiihi na siya, bumabangon siya agad at pumupunta sa palikuran para doon umihi. Mula noon, hindi na umiihi sa kama si Troy. At kapag nananaginip siya na isa siyang kapitan ng barko… Hindi na siya kinakabahan kapag naririnig ang sigaw nina Elena at Dodong: “Nababasa tayo! Nababasa tayo!” Alam ni Troy na iyon ay panaginip na lamang dahil hindi na siya umiihi sa kama. Week 33 Day 5 Kapag Tumatawid Ako ng Kalsada By: Lin Acacio Flores Kapag naglalakad ako pauwi mula eskwelahan tuwing Lunes, nakakita ako ng puno ng sampalok sa kabila ng kalsada. Nakakita ako ng duwende na nakaupo sa mga sanga, kumakain ng hilaw na prutas at may sawsawang sandakot na asin. Tumatawid ako ng kalsada nang hindi tumitingin sa kaliwa at hindi tumingin sa kanan, para umupo sa puno ng sampalok. Kaya pinasasama ni Nany si Kuya para alalayan pauwi mula eskwelahan tuwing Lunes. Kapag naglalakad ako pauwi mula ng eskwelahan tuwing Martes, nakakaita ako ng tulay at batis sa kabila ng kalsada. Nakakakita ako ng dugong na iwinawasiwas ang butot at humuhila ng vintang may layag na makulay. Tumatawid ako ng kalsada nang hindi tumitingin sa kaliwa at hindi tumitingin sa kanan, para makipaglaro sa dugong.. Kaya pinasama ni Tatay si Ate para alalayan ako sa paguwi mulang eskwelahan tuwing Martes. Kapag naglalakad ako pauwi mula eskwelahan ng Miyerkules, nakakakita ako ng malaking anino sa kabila ng kalsada. Iato ang tikbalang na kumikindat sa akin, at lilim ko ang kanyang anino. Tunatawid ako ng kalsada nang hindi tumitingin sa kaliwa at hindi tumitingin sa kanan, para kilitiin ang tikbalang. Kaya pinasasama ni Lola si Lolo para alalayan ako sa pag uwi mula eskwelahan tuwing Miyerkules. Kapag naglalakad ako pauwi mula eskwelahan tuwing Huwebes nakakakita a ko ng lihim na kuweba sa tuktok ng burol sa kabila ng kalsada. Kinayawan ako ng mangkukulam at naamoy ko ang kanynag sinigang o ang kanyang madyik gayuma. Tumatawid ako nang hindi lumilingon sa kaliwa at hindi lumilingon sa kanan, para humigop ng sabaw ng mangkukulam. Kaya sinamahan ako ni Tatay sa paguwi mula eskwelahan tuwing Huwebes. Kapag naglalakad ako pauwi mula sa eskwelahan tuwing Biyernes, nakakkita ako ng parade sa kabila ng klasada. Nakakita ako ng pagong na may rubi sa berdeng talukab at isang ahas na pakiwal kiwal sa kanilang pagitan. Tumatawid akin g kaldas ng hindi tumitingin sa kaliwa at hindi tumitingin sa kanan , para sumama sa parada. Kaya sinamahan ako ni Nanay sa paguwi mula eskwelahan tuwing araw ng Biyernes. Isang araw, sinabihan ako ni Tayay, “Malaki kana at kaya mo nang imuwing magisa. Isipin ang gagawin at gamitin ang mga mata.” Nagyon, tumitingin ako sa kaliwa at tumitingin ako sa kanan bago tumawid ng kalsada. Wala na akong nakikitang dwendeng kumakain ng sampalok,. Nawala na ang mga dugong at pagong. Umalis ang tikbalang. Naglaho ang lihim na kweba. Walang ahas na humaharang sa akin. Sa halip, mga kotse, dyip, mga trak at bus, mga pusang tumatakbo, mga asong sumisibad at mga taong nagmamadali….Ito lamang ang aking nakikita tuwing Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernes. Ngunit pagdating ko sa bahay, doon at noon ko nakikita. Sina pagong, dugong, ahas at iba pa…kasaa ko silang lahat maghapon, buong Sabado at Linggo Week 33-Day 2 Ang Maliit na Pulang Sapatos Minsan, may maliit na pulang sapatos. Sila ay nakatira sa tindahan. Nakatira sila dito nang matagal na panahon. “Hindi na ito nakakatuwa,” ang sabi ng isang sapatos. “Gusto kong tumakbo,” ang sabi ng isa. Kaya naman umalis sila sa tindahan. Tumakbo sila sa daan. Nakakita sila ng manok. “Hinto!” ang tawag ng manok. “Gusto ko kayong isuot.” Lumundag siya sa sapatos. “ngayon, kumalahig kayo.” sabi ng manok. “Hindi naming kaya. Ang sabi ng maliit na pulang sapatos. “Kung ganon hindi ko kayo maaaring isuot. Tumakbo na kayo.” Nakita nila ang bibe. “Hinto! Gusto ko kayong isuot! Lumundag siya sa maliit na pulang sapatos. “Ngayon, lumangoy kayo,” sabi ng bibe. “Hindi namin kayang lumangoy,” ang sabi ng sapatos. “Kung ganon, hindi ko kayo maaaring isuot. Tumakbo na kayong muli. “ Nakita nila si Asong Nero. “Hinto! Gusto ko kayong isuot,” ang sabi ng aso. Lumundag siya sa maliit na pulang sapatos. “Ngayon, tumakbo kayo!” “Dalawa lang kami, ang kailangan mo ay apat na sapatos.” “Kung ganon, hindi ko kayo maaaring isuot.” “Tumakbo na kayo.” Nakita nila ang maliit na babae. Wala siyang sapin sa paa. Umiiyak. Lumundag ang maliit na pulang sapatos patungo sa maliit na babae. Nakita niya ang sapatos. Huminto siya sa pag-iyak. “Isusuot mo ba kami? Tatakbo kami para sa iyo.” Ang sabi ng maliit na pulang sapatos. “Tatakbo ba kayo papunta sa paaralan?” Tanong ng maliit na babae. “Oo,” ang tugon ng maliit na pulang sapatos. “Tatakbo kami papunta sa paaralan arawaraw. “ “Oh, salamat sa inyo, Salamat!” ang sabi ng maliit na babae. “Ngayon makakapasok na ko sa paaralan.” At ang maliit na pulang sapatos ay masaya. Ang maliit na babae ay naging masaya rin. Week 34 Day 2 Ciriaco ang Malupit na Kapitan ng Barko Si Ciriaco ay kapitan ng barko. Malupit siya, kaya’t takot sa kaniya ang mga tao. Agad niyang pinarurusahan ang nagkakamaling tauhan. Walang mahalaga kay Ciriaco kundi ang presyo ng kargamento. Minsan, sa kanilang paglalayag, biglang dumating ang bagyong malakas “Mabigat ang laman ng barko baka kami lumubog,” naisip ni Ciriaco Nang magsimulang pasukin ng tubig ang sasakyan, ipinatapon ni ciriaco ang ibang kasangkapan Pero patuloy sa paglakas ng bagyo. Muli niyang ipinatapon ang ibang gamit sa barko. “Lulubog po tayo kundi babawasan ang ating kargamento!” sigaw ng isang tauhan. “Kayo ang dapat itapon!” sigaw ni Ciriaco Pero biglang sinalpok ng alon ang barko. Kahit nagkakagulo ang lahat, may nakaisip na ang kapitan ay iligtas. Nang makaahon, nag-utos si Ciriaco. “Sige itapon ang mga kargamento.” Dahil sa ginawa sa kaniya ng mga tauhan nasabi niya sa sarili ng kapitan: “Maaring gawin at palitan ang kargamento, pero hindi maaring gawin at palitan ang tao. Week 34 Day 3 Jeff, Ang Mabait na Jeep Si Jeff ay isang mabait na jeep. Magalang siya sa mga pasahero, bata man o matanda.Marami ang natutuwa sa kanya. “Ligtas ang pakiramdam ko kapag kay Jeff ako nakasakay”,sabi ng isang nanay.Siyempre,ang mga bata ay gustung-gusto ring kay Jeff sumakay. “Ingat kayo sa pag-akyat, mga bata!” Sino ba naman ang hindi gustong sumakay sa isang mabait na jeep? Kaya naman laging maraming pasahero si Jeff…Ito ang dahilan kaya asar sa kanya si Saro. Si Saro ay isang jeep na barumbado.”Umalis ka sa daraanan ko!” sigaw niya kay Jeff. “Ano ka ba naman,Saro? Hindi iyo ang kalsada,”sabi ni Jeff.”Bakit,kakasa ka ba sa akin? Karera na lang tayo!” ang hamon ni Saro. Alam mong hindi kita papatulan,’ani Jeff. Responsableng sasakyan si Jeff. Ang lahat ng mga batas-trapiko ay sinusunod niya. Mabuti na ang sumunod sa tama.”Hindi siya nakikipag-unahan kapag pula na ang ilaw. Tinitiyak din niyang nakatawid na lahat ang mga tao bago siya umandar. Gustunggusto ng mga pasahero si Jeff. Malinis kasi siya. Bago mamasada ay naliligo pa siya. Lalong nainis at nainggit si Saro kay Jeff. “Wala ka namang binatbat sa akin!Buti pa ay laban na lang tayo!”hamon niya.Minsan ay nagyabang na mabuti si Saro. Uminom pa ito ng alak bago namasada. Napakabilis ng pagpapatakbo nito.Iskriiits!Braaang!Ang malakas na pagsalpok ng dyip ni Saro sa puno ay talaga namang nakakabingi. Marami ang tumulong para madala si Saro sa pagawaan ng sasakyan. Masakit na masakit ang lahat ng piyesa niya. Dinalaw siya ni Jeff.”Magpagaling kang mabuti.Sana ay maging aral sa iyo iyan para hindi ka na muling mapahamak.”Nauunawaan na ni Saro si Jeff. Sa bawat paglabas sa kalye ay buhay niya at buhay ng mga pasahero ang nasa kamay niya kaya dapat maging masunurin sa batas at awtoridad. Week 34 Day 5 Kuwentong Kotse Broom! Bagabag! Sus! Grabe namang magmaneho itong si Jack!Halos tumalsik na ang mga gulong ko. Wala siyang pakialam kahit dumaan pa siya sa lubak-lubak na kalsada. Sige rito,sige roon! Lagi pang gabi kung umuwi siya. Lasing pa lagi,kaya…..Broom!Ay naku po! Magdahan-dahan ka naman,Jack! Parang mawawasak na ang katawan ko. Hindi rin siya marunong mag-alaga ng kotse. Ang tagal na nang huling ipa-tune up ako. At ang langis ko, maitim na,di pa rin pinapalitan. Kaya ang laki ng pasasalamat ko nang ibenta ako ni Jack kay Sylvia. Isa siyang stewardess. Bukod sa sexy at dahan-dahan kung magmaneho, pinananatili niya akong malinis. Lagi niya akong dinadala sa car wash. Lagi pa akong mabango. Kaya lang, nakakainip ang buhay ko rito kay Sylvia. Nababagot ako lagi. Lagi akong nakakulong sa garahe ng condo unit niya at hindi nagagamit. Iba-iba ang oras ni Sylvia. Minsan nga, sa isang linggo, wala kaming biyahe. Bukod sa napakalapit ng pinupuntahan ng amo kung sexy, madalang na madalang pa kaming umalis. Nang magpasya ang amo kong maganda na ialok ako sa kapatid niyang si Rico, hindi na nagdalawang-isip pa ang kanyang kapatid na bilihin agad ako. Mura lang kasi ako ibinenta ni Sylvia. “Wow, may kotse na tayo!” bulalas ni John Carlo, ang anak ni Rico, habang nakayakap sa akin. Kung kaya ko lang kausapin ang batang ito ay sasabihin ko, “Ang sarap naman.” Ngayon lang ako nakaranas ng yakap. Mangiyak-ngiyak ako sa kaligayahan. Kinaumagahan, dinala ako na pamilya ni Rico sa talyer. Kinausap niya ang tatlong mekaniko roon. “Tingnan ninyo lahat ng sira nito. Ayusin n’yo ha? At palitan ninyo ang pintura.” “Color red! “sigaw ni John Carlo. “ O,pula daw sabi ng anak ko.” Iniwan nila ako sa talyer at dinig ko’y isang buwan akong mamamalagi roon. Ayos dito, ayos doon. Palit ng piyesa rito, palit doon. Langis dito, langis doon. Masilya rito, masilya roon. Pintura dito, pintura doon. Linis dito, linis doon. Wow ang gwapo ko na! Pagkabayad at pagkakuha sa akin sa talyer ay saka ako minaneho ni Rico. Suwabeng mag-drive ang daddy ni John Carlo---dahan-dahan lang. Ay, ang sarap tumakbo kapag kagaya niya ang nagda-drive sa akin; nakakondisyon pa ang mga piyesa ko! “ Asensado kana talaga, Rico. Ang ganda ng bagong kotse mo,” sabi ng kapitbahay nila sa apartment na tinitirhan nila. Mula noon, ako na ang naghahatid at sumusundo kay John Carlo sa school na pinapasukan niya. “Wow, may bago na pala kayong kotse!” sabi na isa niyang kaklase. “Oo, at kabibili lang iyan ng daddy ko. Ako ang namili ng kulay niyan,” pagmamayabang niya. Ahente ng mga gamot ang daddy ni John Carlo. Sa likod ko lagi nakalagay ang kahon-kahon ng samples niya sa mga ospital. Masaya ako kina John Carlo, kaya susunod ako lagi sa gusto ng daddy niya sa pagdadrive niya sakin. Laking gulat ko nang pagkalipas lamang ng isang taon, bumili na ng sarili nilang bahay sina John Carlo. Isa iyong town house. “ Umaasenso talaga itong si Rico, ah. Napansin ko, mula nang bilhin mo ang kotseng ito, tuluy-tuloy na ang swerte mo.” Nakakataba ng puso ang magandang sinabi ng mommy at daddy ni John Carlo. “ Kaya kung ako sa iyo, huwag na huwag mo ibebenta ito.” Naniniwala ba kayo roon? Nasa tao iyon,” sagot ni Rico. “ Hindi, Daddy, huwag mong ibenta ang kotse,” pagtatanggol sa akin ni John Carlo. Kaya naman tuwing mamasyal kami sa mall o ‘ di kaya maisipan nilang mag-outing sa Tagaytay, ginagalingan ko ang pagtakbo. Takbo rito, takbo roon, Kurba rito, kurba roon. Preno rito, preno roon! Hay, hindi ako dapat palitan! Ayokong mawala sa akin si John Carlo. Lumipas ang mga araw, buwan at taon, nagkaroon na ng sariling negosyo si Rico. At bumuli na siya ng malaking bahay sa isang sikat na subdivision. Tuwang-tuwa na naman ako, dahil marami ang nagsasabi sa kanila na ako raw ang suwerte sa buhay nina Rico.” Rico, malaki ka na. hindi na bagay sa iyo ang ganitong klaseng kotse. Luma na. Pogporogpog . kailangan’yong brand-new at magandang klase,” isang gabi ay sabi ng isang kaibigan niyang mahangin. Nakita kong napaisip si Rico. Isang araw, nagkaroon ng importanteng meeting si Rico sa probinsiya. Tatlong araw din kami roon. At gabi na nang magpasya siyang umuwi. Napansin ko, parang wala sa kondisyon si Rico. Medyo gumigiwang ako. Aba, inaantok siya. Dahan-dahan lang! Nagpatuloy si Rico sa pagpapatakbo sa akin. Hindi niya napansin ang truck na sumasalubong sa amin. Bigla niyang kinabig ang manibela para makaiwas. Pero gumiwang-giwang ako sa highway hanggang tumama ako sa puno! Si Rico! Ano na kaya ang nangyari sa kanya?! Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nakaramdam ako ng panghihina hanggang sa magdilim ang aking paligid. Si Rico…. Ang daddy ni John Carlo…. Umaga na nang maramdaman kong hinihila ako---hinihila ng isang truck at hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Nasaan na kaya si Rico? Naku, wasak ang mukha ko. Basag ang mga salamin at ilaw ko. Ano na kaya ang hitsura ko? Ilang araw din akong nakaparada sa tabi ng kalsada. Walang pumapansin sa akin kahit arawin at ulanin ako. Ilang araw pa ang nagdaan nang makita ko si John Carlo, kasama ang mommy niya. Humahangos na nagtungo siya sa akin at pinagtatadyakan niya ako. “I hate you! Kung’ di dahil sa iyo hindi naaksidente si daddy! I hate you!” Pinigilan siya ng kanyang mommy pero patuloy ang pagtatadyak niya sa akin. Pagkaraan ng ilang saglit ay dumating si Rico. May benda ito sa ulo. “ John Carlo, huwag. Huwag anak, ako ang may kasalanan. Nag-drive ako nang inaantok.” “ Tama ang sabi ng iba, dapat ibenta na iyan. Luma na!” nanlumo ako sa aking narinig. Nagbingi-bingihan ako sa mga masasakit na sinabi ni John Carlo. Napaiyak ako. Hanggang sa isang araw, nagising na lamang ako sa isang talyer. Ayos dito, ayos doon. Palit ng piyesa dito, palit doon. Langis dito at langis doon. Masilya rito, masilya roon. Pintura dito, pintura doon! Nasa car show ako? At bakit ako naririto? Pinaganda pa akong lalo ng daddy ni John Carlo! “ daddy, bakit inayos mo pa iyan? Napaganda mo nga lalo baka maaksidente ka pa.” “Wala siyang kasalanan, tulad ng sabi ko. Itong pilat na ito ay magsisilbing tanda na dapat akong mag-ingat.” Ang gara ko sa paligsahan na iyon. May iba’t ibang kulay pa na ipinalagay si Rico sa aking katawan. Inaanunsiyo kung sino ang nanalo: walang iba kundi ako! At nanalo ng napakalaking premyo ang daddy ni John Carlo. May trophy rin siyang natanggap. At ipinagmayabang pa niya ako. Picture taking dito, picture taking doon. Nang gabing iyon, pinuntahan ako ni John Carlo sa garahe. Dahan-dahang binuksan niya ang pinto sa gawi ng driver, umupo sa harap ng manibela at… “ Broom…” pinagpa-practice-an ako. “ Ikaw nga siguro ang swerte sa amin,” bulong niya. Kinaumagahan ay saka ko lamang napansin na bago pala ang aking garahe. At may dumating na isang kotse: bago at napakaganda. Nang iwan kami sa garahe, nagtanong ang bagong kotse. “Ano’ng pangalan mo?” “ George, and what about you?” “ Georgia,” malambing na sabi niya. “Okay ba sina John Carlo at ang kanyang mommy at daddy?” “Okay! Okay na okay!” Week 34 Day 1 Maxie, Ang Matulunging Taksi Si Jak ay isang bagong modelong kotseng pangarera. Si Maxie ay isa namang taksi. Magkapitbahay silang dalawa. Mayabang si Jak, lagi niyang ipinagmamalaki na maraming tagahanga ang mga kotseng pangarera. Mababang loob naman si Maxie. Tuwing aalis si Jak ay tiyak na magigising ang lahat ng mga kapitbahay niya. Napakaingay kasi ng kanyang sasakyan. “ Ang yabang talaga ng Jak na iyan!” sabi ng isang kotse. “ May ipagmamalaki naman siya. Nanalo na siya sa karera,” pagtatanggol ni Maxie kay Jak. Bago pumasada ay naliligo si Maxie. Ibig niyang maging malinis na malinis para mabango siya. Laging pinupuri ng mga pasahero si Maxie. “Sana lahat ng taksi ay tulad mo, mabait at magalang,”sabi ng pasahero niya.”At mabango pa….” Hindi rin tumatangging maghatid si Maxie sa kanyang pasahero. Kahit malayo o malapit ang pupuntahan nito ay inihahatid niya.Nagtataka si Jak kung pappano nabubuhay nang maayos si Maxie. “Ang liit lang ng kinikita mo,” sabi nito. Matipid naman ako. Kung ano ang aking kinikita ay pinagkakasya ko,sabi ni Maxie kay Jak. “Magkaiba tayo. Sanay akong makihalubilo sa mga sikat at mayayaman.”sabi ni Jak. Natutuwa ako para sa iyo,ani Maxie.Napakalakas ng ulan. Sandali pa ay binabaha na ang mga kalsada. Nagmamadaling umuwi si Jak para hindi maipit sa trapik.Nakauwi si Jak bago lalong lumakas ang ulan. Agad niyang binalutan ng makapal na damit ang katawan. Noon ay tulog na tulog si Maxie sa garahe niya. Buong araw kasi siyang bumiyahe nang nakaraang araw. Nagising si Maxie sa malakas na bagsak ng ulan sa bubong ng kanyang garahe. “Ang lakas ng ulan!” sabi niya. Agad naghanda si Maxie. Alam niyang kailangan siya ng maraming mga pasahero. Nakita ni Jak si Maxie. Sumigaw siya para makuha ang pansin nito. “Huwag ka nang umalis! Baha na ang mga kalye!”. Nginitian ni Maxie si Jak. Nagpasalamat siya sa pagmamalasakit nito.”Kailangan ako ng mga pasahero,”wika niya. Sinabi ni Maxie kay Jak na tungkulin niyang tulungan ang mga pasahero. “Kailangang ligtas ko silang maihatid sa bahay nila. Kahit masama ang panahon? Tanong ni Jak. Ani maxie ay mas kailangan siya ng mga pasahero dahil masama ang panahon.Matapang na sinugapa ni Maxie ang malakas na ulan at bahang kalsada. Inihatid niya ang maraming pasahero sa mga bahay nila.Gayon na lang ang pasasalamat ng mga pasahero kay Maxie. “Pagpalain ka ng Diyos,”sabi nila. Pagod si Maxie.Hindi rin siya nakatulog,pero Masaya siya dahil marami siyang natulungan. Para sa kanya,ito ang pinakamahalaga. Week 34 Day 4 Tapayan ni Ollie Si Ollie ay isang higat. Gusto niya ang kanyang bahay sa tapayan. Kapag siya ay lumalabas, palagi lamang siyang lumalangoy sa kanyang tapayan. Paitaas, paibaba at paikot-ikot lamang sa kanyang tapayan. Kapag siya ay pagod na, muli siyang babalik sa loob ng tapayan. Ngayon dalawa na silang higat…Si Ollie at si Izzy. Magkasabay na silang lumalangoy paitaas, paibaba at paikot-ikot sa kanilang tapayan. Kapag sila ay pagod na, muli silang babalik sa loob ng tapayan. Week 34 Day 4 Tapayan ni Ollie Si Ollie ay isang higat. Gusto niya ang kanyang bahay sa tapayan. Kapag siya ay lumalabas, palagi lamang siyang lumalangoy sa kanyang tapayan. Paitaas, paibaba at paikot-ikot lamang sa kanyang tapayan. Kapag siya ay pagod na, muli siyang babalik sa loob ng tapayan. Ngayon dalawa na silang higat…Si Ollie at si Izzy. Magkasabay na silang lumalangoy paitaas, paibaba at paikot-ikot sa kanilang tapayan. Kapag sila ay pagod na, muli silang babalik sa loob ng tapayan. Week 35 Day 1 Ang Barumbadong Bus “Ako ang hari ng kalsada” sabi niya. Takot ang lahat ng jeep at kotse sa kaniya. “Sa daan, ako ang tunay na bida.” Walang kinakatakutan si Kas. Hindi siya takot sa jeep at sa kotse. Hindi rin siya takot sa taksi. Kahit a pulis at sa pasahero, hindi rin takot si Kas. Ang bilis bilis ng takbo ni Kas. Kaya takot na takot ang mga pasahero. “Para! Paraa-a-a! sabi nila. Pero humihinto lang si Kas kung saan at kung kailan lang niya gusto. Pagbaba ng mga pasahero, nerbiyos na nerbiyos sila. “Dahan dahan lang ang takbo,” sabi nila kay Kas. Hindi sila pinansin ng barumbado. Kahit pulis ay walang magawa. “Ayan na! ayan ni si Kaskasero!”. Unahan ang lahat sa pagtakbopara iwasan ang bus na barumbado. Tlagang walang mgawa ang lahat kay Kas. Kahit ilang ulit siyang pagsabihan, talagang matigas ang ulo. “Ako ang hari ng kalsada,” lagi niyang sinasabi. “Gagawin ko ang lahat ng gusto ko!” Walang pinakikinggan si Kas. “ Dahan dahan lang, Kaskasero,” sabi ng mga halaman sa daan. Binugahan lang sila g usok ni Kas. Saka nagtatawanag humarorot ng husto. Inubo ng inubo ang mga halaman. Pero hindi man lang lumingon si Kaskasero. Sa loob niya, “Yan ang mabuti sa pakialamero.” At muli siyang kumaripas ng takbo. Minsa’y kinausap siya ni Ulap. “Wag ka namang buga ng buga ng usok” sa dumi ng usok muntik na siyang mapaiyak. “Salabahe talaga si Kaskasero! Siya ay bus na walang modo.” Kahit ang buwan at ang araw ay walang nagawa kay Kas. Wala siyang pinakikinggan kahit na sino. “ Ako ang hari ng kalsada,” ang katwiran niya. “Magagawa ko kahit anong gusto ko!” Isang araw, naglasing si Kas. “Glug-glug-glug-.” Inom ng inom si Kas. “Glug-glugglug” Pinigilan siya ng ulap at ng araw. Pero hindi nakinig si Kaskasero. Kahit lasing na lasing, naisip parin niyang magyabang. Kahit paekis ekis ang mga gulong, pumaspas parin siya sa gitna ng daan. “Ako ang hari ng kalsada,” sabi niya, saka bumusina ng bumusina. Mabilis na mabilis ang takbo ni Kas. Mabuti na lang at wala siyang sakay. Lasing na lasing ang bus na walang modo. Ang bilis bilis ng kaniyang takbo. Mas mabilis pa sa jeep. Mas mabilis pa sa taksi. Mas mabilis pa sa kotse. Pero hindi parin siya nasiyahan. Ang takbo’y lalo pa niyang binilisan! Nabangga si Kas. Bali bali ang bakal at tubo. Wasak ang makina at baluktot ang tambotso. Parang napisang lata si Kaskasero. Hindi na ulit nakalabas ng daan si Kaskasero. Siya ay itinapon sa tambakan ng mga lumang sasakyan. Doon sa libingan ng walang mga modo. Hindi na makapagyavang si Kaskasero. Week 35 Day 4 Ang Bisikleta ni Momon By Rebecca T. Anonuevo Ayaw nang gamitin ni Momon ang luma niyang bisikleta. Nahihiya siya sa mga kalaro. Ang gilas ng mga bisikleta nila! Sari sari ang mga nakasampay na kulay, naksisilaw, tumatalon, umiikot, humaharurot, at pag bumusina tabi ang poporma-porma. E, si Momon may bisikletang galing pa kay kuya. Maliit lang, kinkalawang, at umiingit ang gulon. “Momon Moomoo! Momom Moomoo!” tukso ng mga bata sa bisikletang luma. “ Diyan ka muna!” ang sabi tuloy ni Momon, saka isinandal ang bisikleta sa may kama at hinarap ang mga kalaro. Pero pinaligiran lang nila si Momon at pinakain ng alikabok. Mabuti nalang at sumunod sa kaniya ang bisikletang bulok. Humihikbing naglakad si Momon sa plasa, walang malay na kasunod ang lumang bisikleta. “ Kung bago lang sana ang bisikleta ko, baka nakarating na ako ng Antipolo” sabi ni Momon sa sarili. “ Nakarating ka naman sa palengke ah, hatid ko,” ang pabulong na sabi naman ng bisikleta. “Kung bago lang sana ang bisikleta ko, uunahan ko ang mga kalaro ko,” sabi ulit ni Momon sa sarili. “Tignan mo inuunahan nila yung matanda. Muntik nng masagasaan,” pabulong ulit na sabi ng bisikleta. “Kung bago lang sana ang bisikleta ko. Tiyak na kahit baha, lalampasan ko.” Wika ulit ni Momon sa sarili. “Ow? Tumingin ka ulit. Ni hindi makatawid sa kabilang kanto ang mayayabang. Ayaw maputikan. Magpapahinog ang mga iyan sa paghihintay sa hindi matapos tapos na kalyeng hinuhukay.” Ang sabi ng bisikleta. “Pero hindi bago ang bisikleta ko. Napakinabangan na ni kuya. Napagpraktisan ng pinsan kong si rona. Ginagamit ko araw-araw sa eskuwela. Hanggang nagyon buhay pa!” “Nangolekta nga ako ng peklat sa tuhod at braso pero mabilis akong natuto. Kung dati’y hinihika ako at nahihilo, nagyon magaan at maginhawa ang paghinga ko.” “Noong una’y alangan ako at natatakot. Nang magtagal ay alam kong kaya ko ring umikot.” Salamat sa aking bisikleta! Patakbong bumalik si Momon sa bahay pero wala naman ni anino nito. Nasaan ang bisikleta ko?! Sigaw ng isip ni Momon. “Heto ang bisikleta mo, inayos ko, nilangisan at pinintahan ng bago. Nahihiyang nilapitan ni Momon ang bisikleta. Yayakapin sana pero walang anu ano’y tumalikod at nagkulong sa kuwarto. (“Ano ba talaga, Momon?” nabubuwisit na ang bisikleta.) Lumabas si Momon ng silid, liyad ang dibdib, nakasuot ng bagong medyas bagong sapatos, bagong salawal pati bagong gora. Tamang-tama para sa bagong bihis niyang bisikleta. Week 35 Day 3 Molly, Milly and Mipper Si Mipper ay may motorbike na pwedeng pang-angkas para sa dalawa. Palagi niyang ginagamit ang kanyang motorbike. “Milly, Molly,aalis muna ako para makasanghap ng sariwang hangin” sabay suot ng kanyang helmet at sapatos. “Kami din” sagot ni Molly at Milly. Sumakay si Milly at Molly sa motor ni Mipper. Masaya silang namasyal sakay nito. Namasyal sila sa mga halamanan sa nayon, napadaan din sila sa mga bukirin na may ibat-ibang tanim na mga puno. Huminga ng malalim si Milly “Hmmmp , ang sarap ng hangin dito, sariwang sariwa”. “ Oo, tama ka Milly” sagot nila Mipper at Molly. Nadaanan nila ang isang makitid na ilog na puno ng mga halaman na walang mga bulaklak. Huminto sila dalampasigan,naglakad lakad sila sa mabuhangin at maalat na tubig. Napahinto sa paglalakad si Mipper, napag isip siya sa kanilang gingagawa…. Milly, Molly panatilihin natin malinis ang hangin tulad ng sariwang hangin na nalalanghap natin ngayon. Simula bukas, hindi na natin gagamitin ang aking motorbike sa pamamasyal. Lumilikha tayo ng usok na nakakasama sa hangin. Umuwi sina Milly, Molly at Mipper na nagkakantahan mapapanatiling malinis at sariwa ang hangin. kung paano nila Week 36 Day 1 Ang Halaman ni Tina Si Tina ay anim na taong gulang pa lamang ngunit mahilig na siya sa halaman. Tuwing umaga at hapon ay dinidiligan niya ang mga halaman sa kanilang bakuran, inaalisan din niya ng uod ang mga ito. Isang hapon, papauwi na siya galing sa paaralan ay may nakita siyang kakaibang halamang tumubo sa ilalim ng puno ng makopa. Walang katulad ang halamang iyon. Walang kamukha. Noon lamang siya nakakita ng ganoong klaseng halaman. Maingat na kinuha ni Tina ang halaman nang walang naputol na ugat. Itinanim niya ito sa tabi ng gumamela. Nakalipas ang limang buwan, ang halaman ay bahagya lang lumaki ngunit nagbago ang kulay ng mga sanga at dahon nito. Nagging kulay ginto. Takang-taka ang bawat makakita sa halamang iyon. Maging si Tina at mga magulang nito at takang-taka rin. Isang matandang bababeng dayuhan sa lugar na iyon ang biglang nakakita sa halaman. Ipinaliwanag niyang mtagal na niyang hinahanap ang ganoong klase ng halaman. Sinbi niyang ang halamang ito lamang ang tanging lunas sa lumalalang sakit ng kanyang apo. Pinakiusapan niya si Tina at ang kanyang mga magulang nito na ipagbili na ito sa kanya. Malaking halaga ng pera ang iniabot ng matanda kay Tina. Natuwa sina Tina at ang kaniyang mga magulang. Naahon sila a kahirapan. Week 36 Day 1 Ang Halaman ni Tina Si Tina ay anim na taong gulang pa lamang ngunit mahilig na siya sa halaman. Tuwing umaga at hapon ay dinidiligan niya ang mga halaman sa kanilang bakuran, inaalisan din niya ng uod ang mga ito. Isang hapon, papauwi na siya galing sa paaralan ay may nakita siyang kakaibang halamang tumubo sa ilalim ng puno ng makopa. Walang katulad ang halamang iyon. Walang kamukha. Noon lamang siya nakakita ng ganoong klaseng halaman. Maingat na kinuha ni Tina ang halaman nang walang naputol na ugat. Itinanim niya ito sa tabi ng gumamela. Nakalipas ang limang buwan, ang halaman ay bahagya lang lumaki ngunit nagbago ang kulay ng mga sanga at dahon nito. Nagging kulay ginto. Takang-taka ang bawat makakita sa halamang iyon. Maging si Tina at mga magulang nito at takang-taka rin. Isang matandang bababeng dayuhan sa lugar na iyon ang biglang nakakita sa halaman. Ipinaliwanag niyang mtagal na niyang hinahanap ang ganoong klase ng halaman. Sinbi niyang ang halamang ito lamang ang tanging lunas sa lumalalang sakit ng kanyang apo. Pinakiusapan niya si Tina at ang kanyang mga magulang nito na ipagbili na ito sa kanya. Malaking halaga ng pera ang iniabot ng matanda kay Tina. Natuwa sina Tina at ang kaniyang mga magulang. Naahon sila a kahirapan. Week 36 Day 3 Si Banong Putol At Ang Mahiwagang Gubat By: Kathyrin Arma Malaki ang problema ni Impong Puno, unti-unti na kasing nauubos ang mga puno sa gubat. Walang awa itong pinuputol ng isang grupo ng mga “illegal Loggers” na pinamumunuan ni Banong Putol, isang mabagsik at walang-pusong tao na umaabuso sa kagubatan. “Walang makakapigil sa akin! Uubusin kong lahat ang mga puno’t halaman sa gubat na ito! Ha, ha,ha!”. Sigaw na sabi ni Banong Putol. Nanginginig sa takot ang mga natitirang puno at pati na rin ang mga maliliit na hayop, halaman at mga bato. Dahil sa sobrang takot, sumangguni ang mga natitirang puno’t halaman kay Impong Puno, ang pinakamatandang puno sa kagubatan. “Anong ating gagawain Impong Puno? Unti-unti na pong nasisira ang kagubatan.” Wika ng isang puno. “Putol ng putol pero hindi naman sila nagtatanim ng panibagong puno” malungkot na sabi ng bato. “Ano bang nagyayari sa mg tao, para na silang mga halimaw na sumisira sa kalikasan? Tuluyan na ba silang naging makasarili? Tila nakalimutan na nilang magtanim upang mapalitan ang mga pinutol nilang puno. Nakalimutan na ba nila na kami ang pumipigil sa pagdausdos ng malakas na tubig-ulan upang di bumaha sa kabayanan? Saan pa sila sisilong sa init ng tag-araw? Ano pa ang kakaining prutas kung kami’y wala na? wala na rin ang sariwang hangin kung kami’y putol na.” Lumuluhang wika ni Impong Puno. Pinulong ni Impong Puno ang lahat, “Makinig kayo kailangana mapigilan na ang paglapastangan sa kagubatan, magkaisa tayo at magtulungan upang mapakita natin sa kanila ang kahalagahan natin sa tao at sa mundo.” Pinagplanuhan na nga ng lahat ang kanilang gagawin. Isang umaga habang gigil na gigil na putulin ni Banong Putol ang isang malaking punong mangga, “Ha, ha, ha, , lagot ka sa akin puputulin na kita.” ‘ Huwag po, maawa na kayo. Saklolo!!,” sigaw ng puno. Iyon na ang hudyat kina Impong Puno at nang iba pa na simulat ang kanilang plano. Mula sa punong mannga ay lumabas ang galit nag alit na si Ahas. Pumulupot ito sa kanyang braso hanggang mabitiwan niya ang hawak na itak. Lumabasa ng mabangis na Leoon at kinalmot siya nito. Pinuntirya naman ni Uwak ang kanyang puwit. Sa kanyang pagtakbo ay pinatid din siya ni Bato. Tumayo si Banong Putol at muling takot na nagtatakbo palayo. Sinalubong siya ni Hangin at galit na hinipan siya nito ng malakas. Pagulong gulong si . Banong Putol sa damuhan at nagkabukol-bukol. “Aray naku, “ sabi ni Banong Putol. Dahil sa wala na itong makapitang puno ay nagtiyaga nalang itong kumapit sa mga maliliit na nakausling ugat sa lupa. Sinabayan pa ni Ulan si Hangin sa pagbuhos ng malakas na tubig-ulan. Tuluyan nang dumausdos pababa si Banong Putol kasabay ng pagdaudos ng malakas na tubig mula sa itaas ng kagubatan. “Aaaaaahhhhh…..sigaw ni Banong Putol Tuluyan ng bumaha sa ibaba ng bundok dahil sa matinding buhos ng ulan. “Saklolo, saklolo, hindi ako marunong lumagoy!”takot na sigaw ng nalulunod na si Banong Putol Isang putol na puno ang lumapit kay Banong Putol upang may makapitan ito hanggang makarating ito sa ligtas na lugar. “ Higit pa riyan ang mangyayari sa kapatagan kung hindi ninyo titigilan ang paglapastangan sa kagubatan,” paalala ni Impong Puno. “ “ Pangako hindi ko na basta na lang puputulin ang mga puno’t halaman at magtatanim ako ng kapalit ng bawat napinsalang puno.” Pangako ni Banong Putol. Simula noon ay masayang namuhay si Impong Puno at ang lahat ng mga puno., halaman at hayop sa kagubatan. Samantalang si Banong Putol naman ay masaya na rin sa kanyang bagong gawain, ang magtanim ng mga bagong halaman at puno Week 36 Day 5 Ako si Kaliwa, Ako si Kanan by: Russell Molina Ako si Kaliwa. Kapatid ko si Kanan. Hinubog kami mula sa iisang goma. Iisa ang aming hitsura. Magkasinggaan. Magkasinlaki. Ako si Kanan. Kapatid ko si Kaliwa. Sabay kaming binili ng nanay ni Carlo sa Divisoria.Iisa ang aming porma. Magkakulay.Magkasintibay. Maghapon ay nag uunahan kami ni Kanan. Ako ang laging nauuna. Kaya ako ang paborito ni Carlo. Sa tumbang preso, ako ang bida niyang pamato. Maghapon ay nag-iiwanan kami ni Kaliwa. Ako ay hindi nahuhuli. Kaya ako ang paborito ni Carlo. Sa karera sa sapa, ako ang bangkang pambato. Ako si Kaliwa. Sa akin nakatali ang lubid ng kaniyang saranggola. Ako si Kanan. Sa akin umaasa kapag namumukol ng mangga. Ako…Ako..Ako talaga ang paborito niya.Ayaw ko si Kanan. Sana’t di ko na siya makasama. Ako.. Ako.. Ako talagaang paborito niya. Ayaw ko si Kaliwa. Sana’y di ko na siya makita. Isang umaga, pagkagising ko ay narinig ko si Carlo, “Nay, nakita po ba ninyo ang kanang tsinelas ko?” Nawala na si Kanan sa tabi ko! Tuwang tuwa ako. Nakita ko si Carlo na paikot-ikot sa kuwarto. Pinuntahan amg bawat sulok, silong, at kanto. Maghapong hinanap niya si Kanan. Maghapong hindi niya ako isinuot. Maghapong hindi niya ako isinuot. Maghapong hindi niya ako dinampot. hindi kami naglaro ng tumbang preso. Mali pala ako, si Kanan pala ang kaniyang paborito. At pagdating ng gabi, isinilid pa niya ako sa aparador ng mga pinaglumaanag sapatos. “Bakit ka nandito?” ang tanog ng matandang bota. “Mukha ka pang matibay at may ibubuga?” “Nawala ho kasi ang kapatid kong si Kanan”. “Ay ganiyan talaga!” ang sabi ng isang bakya. “Ako ri’y nawalan ng kapareha at ngayo’y nag-iisa. Di tuloy ako makaalis kahit na isang hakbang. Dito nakapirme, nakatago’t nakalimutan”. Nasaan na kaya si Kanan? Bigla ko tuloy siyang hinanap. Isang umaga, pagkagising ko ay nasa labas na ako ng bahay. Dinala ako rito ng asong bantay. Nawala na si Kaliwa sa tabi ko! Tuwang tuwa ako. Natanaw ko si Carlo na paikot-ikot sa kuwarto. Pinuntahan ang bawat sulok, silong at kanto. Siguro’y naglalaro sila ng taguan ni Kaliwa.Maghapon hindi niya ako isinuot. Maghapong hindi niya ako dinampot. Mali pala ako, si Kaliwa pala ang kaniyang paborito. At pagdating ng gabi, mag-isa ako sa kalsada. “Bakit ka nandito?” ang tanong ng lumang gulong ng bisikleta. “Mukha kapang matibay at may ibubuga”. “Nahiwalay kasi ako sa kapatid kong si Kaliwa”. “Ay ganiyan talaga!” ang sabi niya. “Ako ri’y nawalan ng kapareha at ngayo’y nagiisa. Di tuloy makalayo kahit na isang dipa. Dito nakapirme, naiwan, at nakalimutan”. Nasaan na kaya si Kaliwa?. Bigla ko tuloy siyang hinanap. “Nandito lang pala yung isang tsinelas mo, iho!” ang hiyaw ng nanay ni Carlo. Dali-dali akong kinuha ni Carlo mula sa aparador. “Ang paborito mong kaliwang tsinelas”. “Nandito lang pala ang isang tsinelas mo, iho!” sabay pulot sa akin ng nanay ni Carlo. Dali- dali akong sinalubong ni Carlo sa labas.”Ang paborito kong kanang tsinelas!” “Sa wakas ay magkasamang muli! Napatalon si Carlo sa tuwa. Sabay kami ni Kanan na lumipad sa ere. “Sa wakas ay magkasamang muli!” Napatalon si Carlo sa tuwa. Sabay kami ni Kaliwa na tumapak sa lupa. Buong umaga ay naglaro kami sa may sapa. Buong hapon ay nag palipad ng saranggola. Sabay kaming naglaro ng tumbang preso. Sabay kaming namukol ng mangga sa kanto. Sa tuwing hahakbang kami’y naghihintayan. Siya si Kanan. Saan man mapunta mag kasama kaming dalawa. Sa tuwing tumatakbo, walang iwanan. Siya si Kaliwa. Saan man magpunta, magkasama kaming dalawa. Week 36 Day 2 May Pera sa Basura by: Lamberto Antonio Ang basura ay hindi suliranin…Kung alam ninyo ang dapat gawin. Kung ang dumi ng hayop at dahon ay iipunin, puwede itong maging pataba sa pananim. Kung ang bao ay di basta titisurin, puwede itong sandok, butones, suklay, at uling.Kung ang basyong bote ay di basta babasagin, puwede itong plorera, lalagyan ng lapis o bolpen, Kung ang basyong lata ay di basta yuyupiin puwede itong taniman o laruan ng tsikiting. Kung ang tirang tabla’y di basta sisibakin,puwede itong laruan ng chess, sangkalan, at panghasa ng patalim. Ang lumang gulong ay di dapat sunugin. Puwede itong sandalyas, dormat, o kainan ni Muning. Kung ang retasong tela ay di basta pupunitin, puwede itong kurtina, kumot, laso, at punda ng unan ni Martin. Kung ang butas na timba’t kaserola ay di basta wawasakin, puwede silang gawing gasera, daspan o dekorasyong nakabitin. Kung ang lumang supot at bag ay di basta tatastasin, puwede itong muling pagsidlan kung pakalilinisin. Kung ang patapong bakal, karton, at papel ay lilikumin, puwede itong bolhin, tunawin sa pabrika, at muling gamitin. Kung ang mga ito ay inyong gagawin, malalaman ninyong ang basura ay may pakinabang din. Week 37-Day 1 Ang Isda na Nangarap na Lumipad Minsan, may isda na lumalangoy sa buong paligid. Nais niyang lumangoy paitaas. Nais din niyang lumangoy paibaba. Lumalangoy siya sa ibabaw ng tubig at humaharap sa kalangitan. Gustung-gusto niyang mapanood ang mga ibon na lilipad-lipad. Oh, sana ay nakakalipad din siya. Kaya naman muli siyang lumangoy pailalim at lumangoy paitaas nang mabilis. Habang nasa ibabaw ng tubig, tinamaan siya ng malakas na hangin. Sa wakas, inakala niya na siya ay nakakalipad. Pero sa halip na siya ay nakakalipad unti-unti siyang bumagsak sa tubig. Paikot-ikot. At sa huli, nahulog siya sa kanyang tahanan sa dagat na kung saan siya nararapat. Hindi na muling nangarap ang isda na lumipad. Week 37 Day 5 The Little Tree that Longed for Other By: Friedriech Rucket Mayroong isang munting puno na nakatayo sa kakahuyan na may magandang panahon at minsan maulan na panahon, na natatkluban mula sa itaas hanggang ibaba ng mga tinik sa halip na mga dahon. Ang mga tinik ay matalim at nakakatusok kaya sabi sa sarili ng munting puno. “ Lahat ng aking sanga ay may luntiang mga kulay at magagandang dahon.At meron ding matatalim na tinik. Walang puwedeng humawak sa akin . Kung puwede ko lang hilingin ay gusto ko ng purong gintong mga dahon”Dumating ang gabi, nakatulog ang munting puno at maaga siyang nagising. Nakita niya ang sarili niya na balot na balot ng nga kumikinang na gintong dahon. “Ah, ah! Sabi ng munting puno”. “Nakakatuwa naman walang ibang puno sa kakahuyan na nababalutan ng ginto”Pero isang gabi, dumating ang isang ibong may mahabang tuka. Nakita niya ang kumikislap na gintong dahon. Tinuka lahat ang dahon hanngng sa maubos at umalis. Alas! Alas! Malungkot na umiiyak ang munting puno. “Hu! Hu! Hu!. Lahat ng ginto kong dahon ay nawala.Nakakahiya naman sumama sa iba kong kasamang puno na may magagandang dahon” hinagpis ng munting puno. “Kung puwede lang sana akong humiling muli, gusto ko sana ng kristal na dahon. Muling nakatulog ang munting puno. Paggising niya kinabukasan ay nakita niya ang sarili na nababalutan ng mga dahong Kristal. “ Ngayon ay masaya na ako dahil walang ibang puno sa kakahuyan na kasing kinang ko. Pero may dumating na malakas na bagyo sa kakahuyan at tinamaan amg mga kristal na dahon at sa isang iglap kumalat sa kakahuyan ang mga bahagi ng mga nabasag na Kristal. “Ang mga dahon ko! Ang mga Kristal kong dahon! ! tangis ng munting dahon. Kumalat sa buong kakahuyan pero ang ibang puno ay nakatayo pa rin at may mga dahon. Oh! Kung puwede lang sana akong humiling muli. Gusto ko ng mga luntiang mga dahon.” Muling nakatulog ang munting puno. At nagising na nababalutan ng sariwa at luntiang mga dahon. Tuwang- tuwa at sinabing hindi na ako mahihiya kahit kalian. Tulad na ako ng mga kasamahan ko sa kakahuyan. Pero dumating ang inahing kambing na naghahanap ng sariwang dahon para sa kanila ng kanyang mga anak. Nakita niya ang mga sariwang mga dahon ng munting puno. Kinain nila nang kinain ang mga dahon, sanga hanggang sa maubos ang munting puno. Hu! Hu! Hu! Iyak ng kaawa-awang munting puno. Ayoko na ng kahit na anong dahon, ginto man o Kristal , berde, pula o dilaw. Gusto ko magkaroong muli ng tinik. Kahit kalian hindi na ako magrereklamo Week 37 Day 4 Mabuting Binhi “Magandang umaga!” bati ng bubot na manga mula sa pagkakagising sa matagl na pagkakaidlip sa lupa. “Magandang umaga rin” tugon ng hardinero. “Sino ka?” tanong ng manga “Ako ang hardinero” Kinusot ng bagong sibol na manga ang kanyang mga mata, inaninag ang daigdig, ang makulay na langit, makapal na alapaap, ang matatayog na puno. “Sino ako” pagtatanong niya sa hardinero “Isa sa kang mabuting binhi” “Mabuting binhi?” “Oo, isa kang mabuting binhi gaya nila matamis at uusbong na sintayog nila” “Talaga, lalaki akong sintayog nila? Ano nga pala ang kahulugan ng mabuti?” “Mabuti ikaw ay kalulugdan ng marami, magdudulot ka ng kasiyahan sa iba, magiging kapaki-pakinabang ka” “Paano mo nasabing ako ay mabuti” “Dahil bat aka plang, bago ditto sa hardin, tandaan mo lokas kang mabuti. Kaya pag may nagtanong say o kung sino ka, ano ang isasagot mo? Ako ay si mabuti Week 37 Day 2 Si Pilandok, ang Bantay ng Kalikasan By Virgilio S. Almario Galit na galit si Datu Usman. Nagsumbong kasi ang kanyang mga alagad na nakatira raw ngayon si Pilandok sa gubat at binabawal ang sinuman sa pagputol ng mga punongkahoy kapag wala siyang pahintulot. “Ano siya!” sigaw ni Datu Usman. “Sino ang nagbigay sa kaniya ng kapangyarihan para maging bantay-gubat. Kaya inutusan noon din si Sabandar ang matapang at mabagsik na si Sabandar para hulihin si Pilandok. Nakarating kay Pilandok ang utos ni Datu Usman kay Sabandar. Mabilis siyang nag-isip. Tinakpan niya ng panyo ang kaliwang mata saka naupo sa lilim ng sanga na may natutulog na malaking sawa. At dumating ang mandirigma ng datu. Pagkakita kay Pilandok ay agad na nagtanong. “Ikaw ba si Pilandok?” “Opo,” mahinahong sagot ni Pilandok. “Ngunit marami po kaming Pilandok dito ako po si Pilandok na bulag ang isang mata baka ang hinahanap ninyo ay dalawa ang mata.” “Kung ganoon,” asik ni Sabandar. “Bakit ka nakaupo sa lilim na ito?” “Bantay po kasi ako ng maharlikang sinturon,” sagot ni Pilandok. At itinuro ang natutulog na sawa sa itaas. “Magagalit ang Sultan ng Gubat kapag iniwan ko ang maharlikang sinturon.” Kumislap ang mata ni Sabandar pagtingin sa sawang nakapulupot sa sanga. “Akin na ngayon ang maharlikang sinturon,” nasasakim na wika niya at kinuha ang sawa para isuot sa kaniyang baywang. “Huwag po! Huwag po! Tutol ni Pilandok. “Papatayin po ako ng Sultan ng Gubat kapag nawala ang maharlikang sinturon. Ngunit tumawa lamang si Sabandar sa pagmamakaawa kunwa ni Pilandok. Mayamaya, biglang nagising ang sawa at nilingkis ang mandirigma. Nadurog ang buto ni Sabandar sa lingkis ng maharlikang sinturon. Lalong napoot si Datu Usman. “Magsama ka ng mga kawal,” utos ng Datu sa magilas na si Somusun. “Patayin ninyo ang bantay-gubat!” Dinatnan nina Somusun si Pilandok sa ilalim ng isang punongkahoy. Muli, ipinagkaila ni Pilandok na siya ang pilandok na kaaway ng Datu. “Bakit ka narito?” usisa ni Somusun. “Bantay kasi ako ng maharlikang gong ng Sultan ng Gubat,” sagot ni Pilandok. At itinuro ang malaking pukyutan. “Ano ang maharlikang gong?” sabik na tanong ng magilas na si Somusun. “Pag pinalo ito,” paliwanag ni Pilandok, “lalabas ang magandang alipin at ibibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo.” “Ha?” nanlaki ang mata ni Somusun at inagaw kay Pilandok ang pamalo ng gong. “Naku, huwag po!” samo ni Pilandok. Magagalit po ang Sultan ng Gubat. Papatayin po ako pag may gumamitng kanyang maharlikang gong!” “E, bakit ka pahuhuli sa kaniya?’ payo ni Somusun. “Magtago ka.” Ngunit ayaw pa ring pumayag ni Pilandok. Hindi niya binitiwan ang pamalo ng gong. “O sige, sa wakas,” alok ni Somusun “narito ang sansupot na salapi kapalit ang pamalo ng maharlikang gong.” Noon lamang pumayag si Pilandok at dali-daling tumakbo paalis. Agad pinalo ni Somusun ang “gong.” Tulad ng dapat asahan, nabiyak ang malaking pukyutan. At naglabasan ang sanlibong galit na pukyot. Namaga ang katawan nina Somusun sa masasakit na kagat ng sanlibong pukyot. Week 37-Day 3 Ang Tigre sa Kulungan Noong unang panahon, may isang batang lalaki ang naglalakad sa kagubatan. Nadaanan niya ang malaking kulungang kahoy na may tigre sa loob. “Maaari mo ba akong tulungan,” ang sabi ng tigre. “Pakiusap maaari mo ba akong tulungang makalabas sa kulungang ito?” Naawa ang lalaki sa tigre, kaya binuksan niya ang kulungan. Nang makawala ang tigre, hinila niya ang lalaki papunta sa kagubatan. “Saan mo ako dadalhin?” umiiyak na sabi ng lalaki. “Dadalhin kita sa aming bahay para sa hapunan,” sabi ng tigre. “Pero hindi ka patas,” sabi ng lalaki. “Tinulungan kitang makawala sa iyong kulungan. “Oo, gusto kong maging patas pero gusto ko ring kumain ng batang lalaki. Anong gagawin ko?” ang sabi ng tigre. “Bakit hindi ka humingi ng ibang opinion sa iba?” sagot ng lalaki. “Sige,” sabi ng tigre. At naupo sila sa habang naghihintay sa ibang tao na dadaan. At isang batang babae ang dumaan. Pinatigil ng tigre ang babae at ipinaliwanag ang tungkol sa pagkawala niya sa kulungan at kung ano ang nangyari at hindi niya alam ngayon kung ano ang patas. Kakainin ba niya ang lalaki o pakakawalan ito. “Pasensya na,” sabi ng babae, “Pero hindi ko nakita ang kulungan.” Paano ko masasabi kung ano ang patas, kung hindi ako sigurado na mayroon ngang kulungan. Kaya naman bumalik sila kasama ang babae na kung saan doon matatagpuan ang pinagkulungan kay tigre. “Paano ka napunta sa loob ng kulungan?” tanong ng babae. Ipinaliwanag ng tigre na noong gabi na nahuli siya na nagnanakaw ng batang tupa ay ikinulong siya dito ng isang magsasaka. “Ang kulungang ito ay hindi mukhang malaki para magkasya ka dito,” sabi ng babae. “Di ako naniniwalang nagkasya ka dito.” “Hayaan mong ipakita ko sayo,” sabi ng tigre at lumakad siya papasok sa kulungan. “Pero madali kang makakaalis sa kulungan na ito,” sabi pa ng babae. Sa pagkakataong ito, naiinis na ang tigre sa babae. “Ang kulungan ay may kandado. Nakalagay diyan sa lupa. Kinuha ng babae ang kandado. “Tingnan natin kung talagang naiikandado,” sabi ng babae. Mabilis na ikinandado ng babae ang tigre sa loob. “Nakita mo na, nagsasabi ako ng totoo. Ngayon sabihin mo sa akin kung ano ang patas. “ “Ang patas ay itigil mo na ang pagkain ng tupa at mga batang lalaki.” At dahil doon, umalis ang dalawa at naglakad papalayo habang iniwang nakakulong ang tigre. Week 38 Day 5 Sa Bagong Planeta by: Feny de los Angeles at Elmer L. Gatchalian Tuwang-tuwa ang mga Bugabu nang lumapag ang kanilang higanteng spaceship sa Planeta Sabandaron. Sa wakas, natagpuan na nila ang kanilang bagong tahanan.“Alamin muna natin kung ligtas na lugar ang Planetang Sabandaron,” sabi ng matatandang Bugabu. Nilanghap ng matatandang Bugabu ang hangin. Nagtampisaw sila sa ilog. Tinikman nila ang mga bunga sa puno at halaman. Nang masiguro nilang maayos ang lahat, sinimulan na nila ang pagtatayo ng siyudad. Nagpulong-pulong ang mga ekspertong Bugabu. May eksperto sa tulay. May eksperto sa gusali. May eksperto sa kalsada. May eksperto sa sasakyan. May eksperto sa bahay. Gumawa sila ng plano para sa itatayong siyudad. Pagkatapos konsultahin ang lahat ng eksperto, sinimulan na ng matatandang Bugabu ang konstruksyon.Nang mabuo ang bagong siyudad, lahat ay namangha.Lahat ay humanga.Lahat ay natuwa.Maliban sa mga bata. Bakit kaya? Kakaunti kasi ang mga paaralan para sa mga bata. Bukod sa matataas at masisikip ang mga ito, kay layo pa nito sa kanilang mga tirahan. Kulang na kulang din ang mga palaruan ang lapit-lapit pa nito sa daanan ng sasakyan. Sa dami ng naglalakihang gusali, halos hindi na nasisikatan ng araw o kaya’y nauulanan ang mga batang Bugabu. Wala ng saya ang paglalaro ng patintero at taguan dahil sa kompyuter na lang nila ito ginagawa. Hindi na rin sila nakapamimitas ng mga bunga sa puno dahil may makina nang gumagawa nito.Hindi magawa ng mga batang may kapansanan ang gusto nilang gawin. Lagi kasi silang nasa loob ng bahay o paaralan. Higit sa lahat, ang daming bawal!“Saan tayo nagkamali?”tanong ng mga eksperto sa tulay, gusali, kalsada, sasakyan at bahay. Nagdiwang ang mga bata at matatandang Bugabu nang “Buti pa’y kausapin natin ang mga bata,” naisip nila.Sa pakikipag-usap sa mga bata, maraming natutuhan ang mga eksperto..May plano at ideya pala ang mga bata para sa bagong siyudad.Higit sa lahat, natutuhan ng mga eksperto na pakinggan at isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga bata sa kanilang pagpaplano. Katulong ang mga bata, inaayos ng mga eksperto ang siyudad. Mula noon, naging Masaya at matiwasay ang buhay sa Planeta Sabandaron. Kung may kinalaman sa mga bata ang gagawing proyekto, lagi silang kinokonsulta ng mga eksperto. Week 38 Day 4 Ang Buhay ng Isang Bumbero ( Isang Pakikipanayam) Para sa guro: Kinakailangan ang mga kaukulang paghahanada ay naisagawa tulad ng pag-iimbita ng panauhing tagapagsalita. Uupo ang panauhin sa gitna habang ang mga bata ay uupo sa kalahating pabilog na ayos. Sabihin sa panauhin ang iyong paksa. Maaring magbigay ng gabay na tanong sa panauhin para sa kanyang paghahanada sa mga tanong na maaring ibigay ng mga bata. Abisuhan din ang panauhin na isuot ang kanyang uniporme at magdala ng kanyang mga karaniwang gamit sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Maari namang maghanda ng mga larawan ang guro. Ipakikilala muna ng guro ang kanilang panauhin. Magpapakilalala din ang panauhin sa mga bata. Ipakikita niya ang kanyang mga ginagamit. Magbabahagi din siya ng ilan sa mga karanasan niya sa kanyang trabaho. Magtatapos ito sa pagbibigay babala sa mga bata upang maiwasan ang sunog at mailigtas sila sa kapahamakan. Week 38- Day 3 Si Kapitan Ding PinunongMagiting Sa baryo Malilim, magaganda ang tanawin. Mga tao’y mapagmahal, masisipag at matulungin. Sila’y pinamumunuan nitong si Kapitan Ding. Matapat sa tungkulin, tunay ngang siya’y magiting. Isang araw angbaryo ay biglang nagulantang Super bagyo daw sa Malilim ay dadaan. Kaya’t mga tao, pinulong niKapitan. Upang sa sakuna, sila’y maingatan. Mag-ipon tayong tubig at pagkain Takpan ng butas, bubong ng bahay natin. Maghanda ng kandila, flashlight o gasera Ganun din ng gamut at iba pang mahalaga. Ang mga bata, ating ingatan Ang mag laro salabas, sila muna ay pagbawalan. Kung tubig ay tumaas, kailangan nang lumikas. Unahin ang mga bata, siguraduhing sila’y ligtas. Wooossshhh! Woooosssssh! Ayan na ang malakas na hangin! Buhos ng ulan ay malakas na rin! Ngunit si Kapitan Ding laging nakabantay Upang sa amin ay umalalay. Ilang oras pa, bagyo ay lumisan na, Araw ay ngumiti na, paligid lumiwanag na. Salamat kay Kapitan Ding, pinuno naming magaling. Laging handang tumulong sa amin. Week 38- Day 1 Tiktaktok at Pikpakbum Magkapatid sinaTiktaktok at Pikpakbum. Pero magkaiba ang ugali nila kaya madalas silang nag-aaway. Maraming kalaro si Tiktaktok. Marami naming kagalit si Pikpakbum. Marunong magbilang si Tiktaktok, “Isa, dalawa, tatlo Sagot naman nipikpakbum, “Ang tatay mong kalbo!” Malusog si Tiktaktok dahil sa gatas, gulay at itlog. Pero sakitin si Pikpakbum dahil mahilig sa soft drinks, tsokolate at kendi. Tumutulong si tiktaktok sa kanilang tatay at nanay. Pero si Pikpakbum, laging naglalaro sa lansangan. Isang araw, may napulot na karne si tiktaktok .“ Tingnan mo ito,” sabi pa niya kay Pikpakbum. Kinuha ni Pikpakbum ang karne at tinikman “Ang sarap,” sabi ni pikpakbum. Mabilis na tumakbo si Pikpakbum at tinangay ang kapirasong karne. “Pahingi naman,” sigaw si Tiktaktok.“ Bigyan mo ako kahit konti.” Sumagot si Pikpakbum “Kainin mo ang paa mo!” At nagtawa nang nagtawa habang mabilis na tumakbo. At nag habulan angdalawa. Nakapagtago agad si Pikpakbum. Hingal na hingal naman si Tiktaktok. Nang hindi makita ang kapatid, naupo na lamang si tiktaktok. Habang nagpapahinga si tiktaktok, may dumating na isang matadero.. “May nakita ka bang mananakaw na may dala dalang karne?”tanong sa kanyang matadero. “Wala ho,” sagot ni Tiktaktok. Ninakaw pala ang karne sa palengke, naisip ni tiktaktok. “Masamang kainin ang karneng iyon dahil bulok na at may lason pa sa daga sabi ng matadero. Tumakbo agad si Tiktaktok at sumigaw nang sumigaw , “ Pikpakbum! Pikpakbum! Huwag mong kainin ang karne !may lason pala yan!” Nang makita nila sa isang sulok si Pikpakbum ay umiiyakito. “Aray ko po! Ang sakit ng tiyan ko!” sabi ni Pikpakbum. Pinahiga agad ng matadero si Pikpakbum. Diniinan niya ito sa tiyan hanggang magsuka nang magsuka. Pagkatapos, kumuha ng tubig si tiktaktok at pinainom ang kapatid niya. Saka pa lamang nawala ang sakit ng tiyan nito… WEEK 39 DAY 4 Ang Maliit na Patak ng Ulan Isang araw, ang Inang Ulap ay nasa tuktok ng bundok. “Ina, maaari ba akong bumaba?” tanong ng maliit na patak ng ulan. “Kami din po!” sabi ng iba pa. “O, sige mga anak” sagot ni Inang Ulap. “Bumaba kayo at tulungan ang mga tao, hayop at mga halaman.” Ang maliit na patak ng ulan ay nalaglag sa dahon kasama ang kanyang mga kapatid. Bumigat ang dahon at nalaglag sa lupa ang mga patak ng ulan. Ang maliit na patak ng ulan ay kumapit ng mabuti sa dahon habang pinapanood ang iba na nasisipsip ng lupa at ugat ng mga puno. Nang mapagod ang maliit na patak ng ulan, ay nagtago siya sa ilalim ng dahon at doon natulog. Lumipas ang ilang araw at ginising siya ng kanyang kapatid. “Halika aking kapatid, tulungan natin ang mga ilog.” Ang maliit na patak ng ulan at ang kanyang mga kapatid ay napunta sa ilalim ng lupa. Kahit madilim, ang maliit na patak na ulan kasama ang kanyang mga kapatid ay masaya pa ring umaawit. Umaawit sila habang naglalakbay pababa ng bundok patungo sa batis, patungo sa ilog hanggang sa lawa. Nakipaglaro sila sa mga isda at sumakay pa ang maliit na patak ng ulan sa isang isda. Dinala sila ng mga isda sa gitna ng karagatan. At doon ay nakita nila ang kanilang Inang Ulap. Kumaway sila sa kanilang ina. “Gusto na naming umuwi, Inang Ulap.” Sabay-sabay na sabi ng magkakapatid. Tinangay ng hangin ang magkakapatid pabalik sa piling ng kanilang Ina. Week 39 - Day 3 Wag Magtiwala sa Hindi Kakilala by: Ofelia E. Concepcion Sa wakas ay papasok na sa paaralan si Karla. Eksayted siya dahil matagal na niyang pangarap na mag-aral tulad ng mga kaibigan. " Hintayin mo ako sa uwian. Huwag kang sasama kahit kanino. Maraming nangingidnap ng mga bata ngayon," bilin ni Aling Cora, nanay ni Karla. Naging masaya si Karla sa paaralan. Marami siyang natututunan. Marami rin siyang nagiging kaibigan. Isa sa naging kaibigan si Tatti. May sumusundong serbis kay Tatti. Mas una itong sinusundo kaysa kay Karla. " Babay!" sabi ni Tatti. " Babay!" sabi naman ni Karla. Habang hinihintay si Aling Cora ay nagbabasa ng aklat si Karla. Minsan ay nakikpagkuwentuhan siya sa guwardiya ng paaralan. Mabait na bata si Karla. Marami ang natutuwa sa kanya. " Anak mo pala si Karla. Kaibigan siya ng anak ko," sabi ng nanay ni Tatti kay Aling Cora. Walang problema si Aling Cora kay Karla. Ang inaalala lang niya ay napakabata pa ni Karla para makilala kung sino ang mabuti at ang masamang tao. " Mamang Guwardiya, salamat sa pagbabantay kay Karla," ani Aling Cora. "Okey lang ho," sabi ng guwardiya. Ang guwardiya ang nagbabantay kay Karla habang wala si Aling Cora. Isang araw ay nagpaalam si Mang Gino na mawawala ito ng ilang linggo. "Idedestino ako ng kompanya sa probinsya pansamantala," sabi ng tatay ni Karla. Sanay si Karla na laging kasama si Mang Gino. Lagi niya itong naaalala. "Bakit? Nasaan ba ang tatay mo?" tanong ni Tatti. "Nasa malayo, eh. Matagal pa siya uuwi," kuwento ni Karla sa kaibigan. "Tiyak namang marami siyang pasalubong sa iyo pag-uwi," ani Tatti. Hindi dumatin g si Mang Gino sa araw ng paguwi nito. Nag-alala si Aling Cora. Si Karla man ay nag-alala rin. Kinabukasan ay muling inihatid ni Aling Cora si Karla sa paaralan. "Hintayin mo ako mamaya," sabi ng ina kay Karla. "Opo, Inay," sabi niya. Nasa mga ginawang aralin ang isip ni Karla. Hindi niya napansin ang paglipas ng oras. Uwian na pala. "Babay, Titser!" sabi ng mga bata sa kanilang guro. Maagang dumating ang serbis ni Tatti. Nasundo na rin ang ibang mag-aaral. Naiwang mag-isa si Karla sa hintayan ng mga tagasundo. Nagsimula na siyang mainip nang may lumapit na babae sa kanya. "Ikaw si Karla, hindi ba?" tanong ng babae. "Opo," magalang na sagot ni Karla. "Ipinasusundo ka kasi sa akin ng nanay mo," anang babae. "Sabi po ng nanay, siya ang susundo sa akin," katwiran ni Karla. "May nangyari kasi kaya hindi ka masusundo," paliwanag ng babae. Naniwala si Karla. Naisip niya na baka may nangyari sa Tatay niya dahil hindi nakauwi gaya ng pangako. Sumama siya sa babae dahil tingin niya ay mapagkakatiwalaan ito. Sasakay na siya ng kotse ng babae nang habulin ng guwardiya ng paaralan. Ang nanay pala ni Karla ang kausap nito sa telepono. Nalaman nila na kasapi pala ng sindikatong nangingidnap ng mga bata ang babae. Mabuti at hindi nito natangay si Karla. Naging aral kay Karla ang nangyari. Hindi na basta nagtitiwala si Karla sa hindi niya kakilala kahit mukha pa itong mabait. Week 39 Day 1 Isang Mundong Makabata by: Feny De Los Angeles Bautista Bawat bata ay dapat na magkaroon ng sapat na pagkain at malinis na tubig para maging malusog. Ngunit minsan, kulang ang pagkain at walang tubig na malinis. Bawat bata ay dapat na magkaroon ng tahanan at pamilya na mag-aalaga at magmamahal sa kanila. Ngunit minsan, may mga batang walang bahay o walang pamilya. Bawat bata ay dapat na makapaglaro at makapag-aral upang matuto at umunlad. Ngunit minsan, kulang ang mga paaralan, libro at gamit o walang guro. Minsan, may mga bata rin na kailangang magtrabaho nang mabibigat o maghanap-buhay. Ngunit minsan, may digmaan o kalamidad. Bawat bata ay dapat na mapakinggan, at maging malaya sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan at damdamin. Ngunit minsan hindi lahat ng bata ay pinakikinggan. Minsan, hindi sila malaya. Kailangang magtulong-tulong ang bata at matanda sa ating bayan upang mabigyan ang bawat bata ng lahat ng kailangan nila. Wee 39 Day 5 Si Linggit at Barakuda Si Linggit ay isang maliit na isda na nakatira sa ilalim ng dagat. Napakaganda ng tirahan ni Linggit. May mga kuweba na nagtatago ng napakaraming sorpresa, may mga damong dagat na nagbibigay ng ibat-ibang sustansiya kay Linggit at sa mga kasamahan niya, at ang kanilang batuhan ay parang palasyo na nagiiba –iba ang kulay sa tuwing mag iiba ang panahon. Kung tag-araw ay parang makinang nag into, at kung kulimlim naman ay parang nagkukulay na bughaw. Isang araw, ay nabalitaan nila Linggit na nagkakagulo na sa ibang batuhan. Pero ang batuhan nina Linggit ay maaliwalas at malinis. Araw- araw ay kalaro ni Linggit ang maliliit na isda, sila ay masaya at tuwng tuwng na sila ay malaya. Sabay- sabay silang lumalangoy upang masagap ang init ng araw at saka sumisid pababa upang masilip ang ilalim ng dagat. Kay bilis nila! Kay sarap ng buhay nila na wala silang iniintindi. Ngunit, isang araw, may dumating na sagabal sa kanilang mapayapang mundo. Siya ay si Barakuda. Isang dambuhalang isda! “ Nyaha! Ngasab. Ngasab, ngasab! Nguya! Nguya! Nguya! Aking kakainin mga munting isda. AAhahahaa! Sabi ni Barakuda. Kay talim ng ngipin ng salbaheng Barakuda. Ngasab! Ngasab! Ngasab! Nguya! Nguya!Kinain ni Barakuda ang maraming malilit na isda. “Kay sarap ng buhay dito sa damuhan, dito muna ako maninirahan nang mabusog nang lubusan.” Mula nang dumating si Barakuda, natakot na silng maglaro at lumangoy paitaas ayaw na nilang sumisid pababa. “Ano kaya ang mabuti nating gawin? Kung hindi natin siya pipigilan, tayo ay kanyang uubusin,” sabi ng isda. “Ngunit, napakalaki niya at napakaliit natin. Mabuti pa siguro ang ating batuhan ay ating lisanin.” Ang sabi ng isa pang isda. “ Huwag, huwag, at bakit tayo aalis sa ating tirahan?” “Oo nga naman, maghanap na lang tayo ng paraan para si Barakuda ay ating palayasin.” Tugon ng isa isang mallit na isda. “Ngunit, anong paraan ang pwede nating gawin?” Nag-isip nang nagisip si Linggit. Naghanap sila ng sagot sa mga aklat at lumang kasulatan. Nagtanong sila ng nagtanong sa mga matatanda at dalubasa. At, may naisip si Linggit! Ting!. Ipinatawag niya ang kaniyang mga kasama at sila ay nagtulong-tulong ng kanilang gagawin, upang ang kanilang mga kasamang isda ay maligtas sa panganib! Maya- maya, sila ay natuwa. “Lagot ka, Barakuda! Lagot ka, salbaheng isda! Katapusan mo na, Barakuda” paulit ulit na sigaw ng maliit na isda. Tahimik na tahimik sa batuhan nang si Barakuda ay dumating. At siya ay nagtaka, “ Ngasab! Ngasab! Nguya! Nguya! “Nasaan na ang mga malilit na isda?” tanong ni barakuda. Anong gulat ni Barakuda nang biglang lumitaw ang higanteng isda na pula ang mga mata! “Ngasab! Ngasab! Ngasab! Nguya! Nguya! Nguya!” at natakot ang salbaheng isda! Mahina pala ang loob ni Barakuda. At napalayas nila ang salbaheng si barakuda. “ yehey! Napalayas natin si Barakuda!!! Ligtas na tayo sa kanya! Yehey!” Tuwang tuwa si Linggit at ang kanyang mga kasama na sila palang nagpanggap na isang malaking isda. Naitaboy nila si Barakuda ang salabaheng isda. At mula noon ay wala nang gustong sumakop sa maliliit na isda. Ang laks ng kanilang pag-kakaisa ay siyang naging daan upang sila ay nagging malaya Week 39 Day 2 Zia, Ang Munting Guro By Dudi Gamos & Cathy Gamos Si Zia ay may alagang aso, si Aro, na palagi niyang kasama saan man siya magpunta. Isang umagang maganda ang sikat ng araw, niyaya niya si Aro na mamingwit. Dala ang kanilang pamingwit, agad silang nagtungo sa ilog. Tuwang-tuwang inihagis ni Zia ang kanyang pain sa tubig at tahimik na naghintay ng isdang kumagat sa pain. Bigla ay may nabingwit si Zia… ngunit hindi isda… kundi isang plastic na balutan na punong-puno ng basura. Walang tigil ang ginawang pamimingwit ni Zia ng samut-saring basura mula sa ilog. Maya-maya, isang isda ang lumitaw sa ibabaw ng tubig at nagsalita, “ Salamat, munting Zia at Aro, sa pagsisikap ninyong linisin ang ilog.” “Walang anuman, munting kaibigan,” tugon ni Zia. Sinabi sa kanila ng isda na may ilang taong walang pakundangang nagtatapon ng basura sa ilog, dahilan para masalaula ito at maging marumi. Isa si Bobby mapanupil sa mga sumasalaula sa ilog, at napakinggan nito ang kanilang pag-uusap. Galit itong sumabad, “Walang sinumang maaaring magbawal sa aking magtapon ng kahit na ano sa ilog.” Nagsumamo si Zia kay Bobby na tigilan na nito ang pagtatapon ng basura sa ilog. “Parang awa mo na, Bobby, baka mapatay mo hindi lamang ang mga isdang naninirahan sa tubig kundi pati na ang ilog kapag hindi mo itinigil ang mga pinaggagagawa mo.” Ngunit naging bingi si Bobby, nagpatuloy siya sa masamang gawain sa ilog. Habang nagtatapon si Bobby ng basura sa ilog ay isang malahalimaw na bulto ang lumitaw sa tubig. Nasindak si Bobby. Ang Halimaw sa Tubig ay umahon mula sa ilog at hinabol siya. Galit na galit na sinungaban ng Halimaw sa Tubig si Bobby, na nagsisisigaw sa paghingi ng saklolo. “SAKLOLO! MAAWA KAYO SA AKIN, TULUNGAN NINYO AKO!” ngunit walang nakarinig sa kaniya. “Hoy, Bobby, gising! Nananaginip ka ng masama,” sigaw ni Zia. nahihintakutang ipinagtapat ni Bobby kay Zia ang tungkol sa panaginip nito. “Walang Halimaw sa tubig Bobby,” wika ni Zia. “Pero siguro ay napagtanto mo nang maaaring ipahamak ka ng maruming tubig.” “Maraming salamat Zia, at itinanim mo sa aking isipan ang kahalagahan ng malinis na tubig. Nangangako akong mula ngayon ay tutulungan na kita sa paglilinis ng ilog,” wika ni Bobby. Mula noon ay lagi ng nakikipagtulungan si Bobby kay Zia para makumbinsi ang ibang taong panatilihing malinis ang ilog. “Ikinalulungkot ko kaibigan, pero hindi ka maaaring magtapon ng basura dito sa ilog. Mahalaga ang malinis na tubig. Dapat ay lagi nating panatilihing malinis ang tubig,” ani Bobby. Naging matalik na magkaibigan sina Bobby at Zia at silang dalawa ang hinirang na pinakamahusay sa pangangampanya ng “Malinis na Ilog”. At lahat sila ay namuhay ng maligaya. Ang tubig ay mahalaga sa lahat ng nilalang sa mundo. bawat araw ay umiinom tayo ng tubig. Dapat tayong maging matipid sa paggamit ng tubig. Iba-iba ang pinagmumulan ng tubig: ulan, balon, ilog at batis. Ang malinis na tubig ay iniinom at ginagamit sa pagluluto. Ginagamit din ito sa paliligo at paglalaba ng mga damit at paghuhugas ng plato. Ang mga halaman ay nangangailangan ng tubig upang umusbong. Kapag walang tubig ay wala ring halamang magbibigay ng mga bunga o prutas, bulaklak at gulay. Ang mga hayop ay nangangailangan din ng tubig upang mabuhay at lumaki. Kapag ang tubig ay sinalaula, ito ay nagiging marumi at mapanganib inumin. Maraming paraan para masalaula ang tubig. Ang mga basurang itinatapon sa ilog, batis at dagat ay nakakapagparumi sa tubig Ang mga basurang nanggagaling sa pabrika at itinatapon sa ilog at dagat ay nagpaparumi rin sa tubig. Ang langis o grasa na lumigwak sa tubig ay nakakapagparumi rin dito. Patak… patak… bawat patak ng tubig ay mahalaga. Marami kang pwedeng gawin para magamit ng wasto ang tubig. Isarang mabuti ang gripo pagkatapos gumamit ng tubig. Ang tumutulong gripo ay maaaring magsayang ng limamgpung gallon ng tubig sa loob ng isang araw. Isara ang gripo kapag nagsisipilyo. Gumamit ng palanggana kapag naghuhugas ng plato at iba pang kubyertos. Ipunin ang tubig-ulan para pandilig sa mga halaman. Muling gamitin ang tubig. Ang tubig na ginamit sa paglalaba ay maaaring gamitin sa pagbomba sa kubeta at paglilinis sa mga sementadong lugar gaya ng garahe o daanan. Week 40 Day 3 Ang Batang Masipag Si Sara ay masipag. Masipag siya sa mga gawaing bahay. Pagkagaling sa eskwela, tumutulong muna si Sara sa kanyang nanay sa pagtitinda sa palengke.Inaayos niya ang mga paninida ng kanyang nanay sa palengke. Pagkatapos ay tutulong siya sa mga gawaing bahay. Tutulong siya sa paghuhugas ng mga kasangkapan at sa paglilinis ng kanilang bahay. Mag-aaral muna si Sara ng kanyang mga aralin bago makipaglaro sa kanyang mga kapatid. Tuwang tuwa ang mga magulang ni Sara sa kanyang kasipagan. Tunay na masipag na bata si Sara. Week 40 Day 4 Ang Kaharian ng Kawayan May apat na magkakaibigan sa kuwentong ito, sila Malikh Malikhain, Lino Matalino, Sinang Usisera, at si Kaloy Makakalikasan. Si Malikh, ay kilala sa paggawa ng mga bagay na mapakikinabangan, kaya nga lang ay nasasayang ang ilang bahagi ng mga bagay na ginagamit niya, halimbawa: kung nais niyang gumawa, pumuputol siya ng isang buong puno para makabuo ng isang kuwaderno. At hindi niya pinapalitan ang mga punong kanyang pinuputol. Si Lino naman ay marunong gumawa ng paraan sa mga bagay bagay, ngunit madalas siyang mag aksaya ng tubig, katulad ng sa paglilinis, ay hinahayaan lang niyang umaapaw ang tubig sa kanyang baso, o ang kanyang balde at nasasayang ang mga ito.Kilala sa pagiging matanong si Sinang, mahilig siyang mag usisa sa mga bagay na ginagawa ng kanyang mga kaibigan o kahit sinong tao na gusto niyang makaalam ng bagong impormasyon.At si Kaloy naman ay nakilala sa kanyang pagiging masinop, at mapag-alaga sa kalikasan. Isang araw, may isang diwata ang nagpakita sa apat na magkakaibigan. “Kailangan ko ang inyong tulong!!!” wika niya, “Ako si Diwatang Pina mula sa Kaharian ng mga Kawayan, sa aming kaharian, ay mayroong nagbabadyang panganib! -Si Bondoy, ang isang halimaw mula sa karagatan ay nagbabadyang atakihin ang aming mumunting bayan.“Maari ba kayong tumulong para mapaghandaan namin ang mangyayaring pag-atake ni Bondoy?” ito ang pagmamakaawa ni Diwatang Pina.“Maaari akong gumawa ng mga sasakyan at kasangkapan, upang makatulong sa inyong paghahanda.” wika ni Malikh.“Ako naman ay tutulong sa pag-iisip ng mga paraan para makaiwas tayo sa mga posibleng panganib.” alok ni Lino.“Ako naman ay kakalap sa ng mga impormasyon tungkol kay Bondoy, at sa mga kaya niyang gawin upang mapaghandaan natin.”, sabi naman ni Sinang.“Tutulong na lang ako, kung anu pang mga kailangang gawin”, ito na lang ang itinuran ni Kaloy, nang maisip niyang wala na siyang halos maitutulong, dahil kayang gawin ng kanyang mga kasama ang lahat. Natuwa ang diwata sa apat na magkakaibigan kaya sa isang senyas lang ng kanyang mga kamay, ay napunta na sila sa isang mahiwagang kaharian, ang Kaharian ng Kawayan. Doon sa kanila tumambad ang isang napakalawak na lupain, mayroon maliit na pamayanan, at sa paligid nito ay maraming malalaking puno ng kawayan, at hindi pangkaraniwan ang mga laki at tibay ng mga ito.Ipinakilala ng diwata kay Reynang Pili ang kanyang mga kasama, at nangako naman ng gantimpala ang reyna sa apat na magkakaibigan, sakaling malampasan ng kanyang mga sinasakupan ang darating na pag-atake ni Bondoy. “Maari ninyong gamitin lahat ng mga yamang likas ng aming kaharian, upang magawa ang lahat ng dapat gawin. Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, upang sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.” ito ang utos ng Reyna ng Mahiwagang Kaharian. Agad namang kumilos ang apat na magkakaibigan.Si Sinang ay agad lumikom ng impormasyon tungkol kay Bondoy at sa kaniyang mga kawal, “Napag-alaman kong hangin at tubig pala ang kapangyarihan ng halimaw na si Bondoy! Bumubuga siya ng malakas na hangin, upang matangay ang sino mang haharang sa kanya, at nagdadala rin siya ng maraming na tubig upang agusin lahat ng makikita niya sa daan.” ito ang kanyang inulat sa mga kaibigan. “Magaling!” sabi ni Malikh. “Ngayun ay alam na natin ang dapat gawin. Gagawa tayo ng malalakas na bubong, at mga bangka, upang mapaghandaan ang lakas ng hangin at tubig na dadalhin sa atin ni Bondoy. Agad na humingi ng tulong si Malikh sa mga kawal ng Reyna, at nagpuputol kaagad sila ng maraming mga puno ng kawayan, upang gawing mga bubong at bangka. At katulad ng dating ugali ni Malikh, maraming mga puno ng kawayan ang nasayang. “Huwag mong putulin ang puno!” tutol ni Kaloy kay Malikh. “Kapag pinutol mo ang mga kawayan, mawawalan ng puno ang poprotekta sa lupa, at maaring gumuho o bahain ito pag dumating ang maraming tubig. “Huwag mo nang intindihin yun!” wika ni Malikh, “Marami naman tayong gagawing bubungan at mga Bangka, mas makakatulong ang mga kasangkapan ito para sa atin. “Kung tubig ang kapangyarihan ni Bondoy, mas makabubuti yatang patuyuin natin ang ating mga ilog!” ito ang itinuran ni Lino. “Sa ganitong paraan, ay walang magagawa ang kapangyarihan ni Bondoy, dahil wala siyang makukuhang tubig para ipanlaban sa atin! Magtira na lamang tayo ng sapat upang inumin.” Agad namang kumuha nang pansalok ang mga kawal at sinimulang itapon ang tubig na laman ng kanilang mga batis, at ilog. “Huwag ninyong tanggalan ng tubig ang mga ilog!”, mariin ulit tumanggi si Kaloy sa plano ni Lino, kapag nawalan ng daluyan ang mga tubig sa mga ilog at batis, maaring kumalat ang tubig na dadalhin ni Bondoy kung saan saan, at maaaring bumaha sa buong bayan.”“Kapag walang tubig sa buong bayan, walang tubig na babaha, Kaloy.” Iyan naman ang sinagot ng matalinong kaibigan niya. Maraming nasayang na puno at tubig sa dahil sa paghahanda ng kanyang mga kaibigan. At bagamat hindi sang-ayon dito si Kaloy, ay pinili na lamang niyang lumagi sa isang lugar sa gubat na, at iningatan na lamang niya ang ilang mga puno ng kawayan, at hindi niya hinayaan na masama ito sa ginagawang bubong at bangka nila Malikh. Nagipon din siya ng tubig mula sa mga ilog at batis, bago pa man ito matuyo, at ang naipong tubig ang kanyang gagamitin na pandilig sa mga iniingatang kawayan. Nakita ito ni Sinang, ngunit dahil sa akala niyang wala itong halaga, ay hindi niya iniulat sa ibang kasama. Lumipas ang isang linggo, at dumating na ang araw na kanilang pinaghahandaan. Malaking bahagi ng kanilang gubat ang nakalbo, dahil sa mga punong pinutol nila Malikh upang gawing mga bubungan, at mga bangka. Natuyo na rin ang kanilang mga batis at ilog dahil sa ginagawang pagtatapon nila Lino at ng mga kawal sa tubig. At dito nagsimulang sumalakay si Bondoy. Tama nga ang mga bagay na inulat ni Sinang: Isa siyang napakalaking at napakalakas na halimaw, bumubuga siya ng pagkalakas-lakas na hangin, sa sobrang lakas ng hangin ay natangay kaagad ang mga matitibay na bubong na ginawa nila Malikh at ng mga kawal ng Reyna. Nanlumo si Malikh, dahil kahit na sobrang tibay ng kanyang mga ginawang bubungan, ay nabuwag pa rin ito ni Bondoy, hindi nagawang proteksiyonan ng mga bubungan ni Malikh ang mga naninirahan sa Kaharian ng Kawayan.Mas nagulat sila sa mga sumunod na ginawa ni Bondoy. Humila siya ng mga tubig mula sa dagat, at hinatak niya ang mga ito upang bahain ang buong kaharian. At dahil sa maraming puno ang mga naputol nila Malikh, wala nang mga puno ang sumipsip ng tubig. Wala na ring dadaluyan ang mga tubig baha na ito, dahil isinara na rin nila Lino ang daluyan ng tubig, tulad ng ilog at batis.Lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Kaharian ni Reynang Pinas, ngunit hindi ang bahagi ng gubat na inaalagaan ni Kaloy. Hindi ito tinablan ng hanging ibinubuga ni Bondoy, dahil yumuyuko lang ang mga kawayan sa mga malalakas na hangin. Maging ang tubig-baha ay sinisipsip lamang ng ugat ng mga punong ito. “May isang bahagi sa gubat ang inaalagaan ni Kaloy!” ito ang naalala ni Sinang, “Hindi iyon aanurin ng tubig baha.”Agad nag-utos ang Reyna na dalhin ang lahat sa bahaging iyon ng gubat.Agad namang nagsipuntahan doon ang lahat ng naninirahan ng kaharian. Ang malaking bahagi ng bayan na nawalan ng puno ay nakita nilang lumambot ang lupa, dahil wala na ang mga ugat ng puno na sumusuporta dito. Wala na din ang mga ilog na dating daluyan ng tubig, inagos ng tubig baha ang lahat ng mga bahay. At dahil na din sa malambot na lupa, ay nadulas sa kanyang tinatapakan si Bondoy, at tumilapon siya pabalik sa dagat kung saan siya nanggaling. Laking tuwa ng mga naninirahan sa kaharian ng makita nilang nawala na ang higanteng halimaw. Ngunit nalungkot sila ng makita ang kinahinatnan ng malaking bahagi ng kanilang kaharian. Marami sa mga bahay ay inagos ng tubig baha, ang ilan naman ay nababad sa putik. Ang maliit na bahagi ng gubat na iyon ang tanging nagligtas sa kanila mula sa kapahamakan, at iyon ay ang bahaging inalagaan ni Kaloy.Nagpasalamat ang Reyna sa ginawang iyon ni Kaloy, at binigyan silang apat ng mga ginto bilang gantimpala. Ngunit higit sa mga gantimpalang kanilang tinanggap ay ang mga aral na kanilang natutunan mula sa nangyari: “Hindi na ako ulit magpuputol ng puno, at papalitan ko na ang mga punong pinutol ko.” Lubos na nagsisi na sinabi ni Malikh.“Hindi ko na rin hahayaang mag-aksaya ng tubig, upang hindi masira ang tamang pinagdadaluyan nito.” ito naman ang sinabi ni Lino.“Higit sa paglilikom ng impormasyon, ako’y kikilos na lamang para mas makatulong sa pag-aalaga ng likas na yaman.” ito naman ang natutunan ni Sinang sa mga nangyari. At nang makabalik na sila sa tunay na mundo, doon nila naalala ang mga katagang sinabi ng Reyna ng Kaharian ng Kawayan: “Inalagaan namin ang mga yamang likas na nandito, para sa pagdating nang panahon, ay kami naman ang kanilang alagaan.” Week 40 Day 2 Kahel na Okta By: Joy Ceres Pista sa mga lugar ng mga pugita. Ang matandang ougita ay abala sa lahat ng Gawain. Marami sa mga batang pigita ay naglalaro habang ang iba naman ay nanonood ng mga palabas. “Kahel na Okta! Tara maglaro tayo!” ang sigaw ng mga batang pugita. Pero hindi lumabas ng bahay si Kahel na Okta. Siya ay bata at mahiyaing pugita. Mas gusto niyang makipaglaro sa ibang hayop sa dagat. At hindi sa ibang batang pugita. Narinig ng inang pugita ang pagtawag ng mga bata at sabi, “Okta , anak ko, pumunta ka at makipaglaro sa kanila.” Subalit ang kumikislap na kahel na okta ay tumingin lang sa kanyang ina at ang sabi, “Ayoko po, Inay.” “Pero bakit mahal ko?” ang tanong ng inang pugita. “Panahon na para lumabas ka at makihabilo sa kanila”. “Ayoko po. Iba ako sa kanila,” ang malungkoy na sabi niya. “ Sige na anak. Siguaradong masisiyahan ka sa pagsama mo sa kanila. “Hindi ninyo po ba nakikita, inay? Tignan n’yo po ako. Kulay kahel. Subalit sila ay hindi. Ang katawan ko ay kumikislap ang sa kanila ay hindi. Naalala pa ng makislap na okta ang panunuksong ginawa sa kaniya. “ Kahel na Okta, Kahel na Okta! “Pagnakikita ka naming, lumalabas ang t..i..n..t..a..! Sobra!” Niyakap lang ng inasi Kahel na okta at ang sabi, Espeyal ka anak. Mayroon kang matalinong pag-iisip at malambot na puso. Mahal kita kahit na ano pa ang sabihin nila. Nanatili pa rin si Kahel na OKta sa kanilang tahanan. Nagbasa siya ng maraming aklat. Nagpinta siya ng maraming larawan. Nagsulat siya ng maraming tula. Nagpatutog din siya ng kaniyang piano. Isang araw, habang abla ang lahat sa trabaho at mga bata ay naglalaro, isang malaki, malakas at nakakatakot na tunog ang kanilang narinig. Bruuuummmm! Bruuummm! Bruuumm! Mga takot na tinig ang maririnig sa buong lugar ng mga pugita. Ang mga batang pugita ay tumatawag sa kanilang mga magulang. “Inay! Itay! Inay! Itay! Tulonggggggg! Mas natakot ang mga pugita nang magdilim ang dagat dahil sa buhangin. Ang ibang mga hayop ay natakoy narin. Nanginginig sa takotnilang hinahanap ang bawat isa. Hinahanap ng mga magulang ang kanilang mga anak at hinahanp ng mga bata ang kanilang mga magulang. Ang inang pugita na nawala sa kanilang koral ay sumisigaw,” “Okta, anak! Hindi ko makta ang daan pauwi!” Hindi rin makita Makita ng ibang pugita ang kanilang daan pabalik sa kanilang lugar. Narinig ng Kahel na OKta ang boses na nanginginig ng kaniyang ina sa malayo. Nagmamadaling lumabas ng bahay si Okta. “ Sa labas, makikita nila ang kumukislap, ang kahel kong katawan. Gagabay ito sa kanila para makabalik dito. Sa di kalayuan , nakita niya at ibang pugita ang nagniningning kong ilaw. Sabik silang sumigaw. “Iyon si Kahel na Okta, sa banda doon. Ngayon alam na natin ang daan pauwi.” Nng sumunod na araw, ang buong lugar ng pugita ay nagkaroon ng selebrasyon. Inilugar nila si kahel na kta sa itaas ng pyramid ng mga pugita. “Mabuhay! Mabuhay! Si Kahel na Okta!”, ang pagmamalaki nilang sigaw. Ngayon ang makinang na si Kahel ay hindi na mahiyain. Siya na ang paborito ng lahat. Masaya na siyang nakikipaglaro sa ibang pugita. Ang makislap na Kahel na Okta ay nagsabing, “Ako si Makinang at Kahel na Okta. Masaya akong maging kakaiba.” Week 40 Day 5 Kwento Tungkol kay Palaka at Uwang Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala. Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang. Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa. Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka. “Payag ako,” sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. “Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin.” Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon. niyang "Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis maikakampay ang kanyang pakpak. Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa. Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos. "Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang. Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong. "Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang hindi na matanaw si Uwang. Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon Week 40 Day 1 Si Mila At Ang Nuno Nag-lalaro si Mila sa bakuran ng kanilang bahay isang hapon na iyon. Kahit magisa lamang siya at walang kalaro masaya pa rin siya. Wala kasi siyang kapatid na pwede nyang makalaro at makasaya. Subalit sabi ng kanyang ina ay hindi na siya mag kakaroon ng kapatid dahil wala na siyang ama. Ang ama niya ay pumanaw noong siya ay sanggol pa lamang. Inatake daw ito ng mabangis na hayop kaya hindi na niya ito naabutan ng siya ay lumalaki na. Tanging ang mga halaman at hayop na alaga nila ang mga nakakalaro niya arawaraw. Araw-araw din ay nag umaalis ang kanyang ina para magtrbaho sa bayan. Tanging siya lamang ang naiiwan na mag-isa sa kanilang bahay para mag bantay at mag asikaso dito. Nakatira sila sa gitna ng kabundukan, madalang ang mga bahay pati na rin ang mga tao na naninirahan doon. "Mila anak, huwag na huwag kang lalabas ng ating bakuran kapag umaalis ako. At huwag kang pupunta sa mataas na bahagi ng kabundukan marami kasing hayop na mababangis ang nandoon at baka saktan ka nila." Laging paalala ng kanyang ina bago ito umalis. Ng hapong habang siya ay nakaupo sa harap ay isang maliit na boses ang kanyang narinig galing sa mga halaman na nasa harapan niya. Dahil sa murang isip niya, hinanap niya ang maliit na boses na nag salita at tumawag sa pangalan niya. Hinawi niya ang mga halaman na nandoon at nagsimulang igala ang kanyang paningin. Bigala siyang napaatras ng bumungad sa kanya ang isang maliit na taong kasinlaki lamang ng kanyang hintuturong daliri sa kamay. Naksuot ito ng kulay pulang maliit na damit, maliit na kulang itim na sapatos, at maliit na sumbrerong matulis sa dulo na kulay pula din. "Wag Wika kang ng maliit matakot. na Ako nilalang si sa kanyang Berto" harapan. "Ako ay matagal ng nag babantay sa iyo dito, lagi kita pinapanuod habang ikaw ay naglalaro. " Dugtong pa nito. Imbis na matakot ang bata. Ay hinarap nya pa ito. Inuri niya na parang tumitingin ng isang di kilalang maliit na bagay. "Ako si Mila. sampung taong gulang." "Kilala na kita. Matagal na kitang kilala. Subalit ako ngayon mo lang ako nakilala, dahil ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Ako ay isang nuno. Naawa kasi ako sa iyo. Wala kang kalaro. Nais ko sanang makipag laro sa iyo." Nakangiting wika ng nuno. "Sabi ng nanay ko wag daw akong makipag usap sa mga estranghero. Baka daw kasi mapahamak ako kung hindi ko kilala ang tao." "Subalit hindi naman ako isang estranghero. Matagal na kitang kakilala. Kahit ako ay ngayon mo lamang nakilala. " Naglaro ang bata kasama ang nuno. Tuwang-tuwa siya habang ang maliit na tao ay nag ku-kwento sa kanya ng mga nakakatawang bagay, Nagtatalon talon ito sa harapan niya at umaarteng gaya ng isang artista sa entablado. Natapos ang araw na iyon ni Mila na masaya, nag karoon siya ng bagong kaibigan at kalaro. Ilang saglit pa'y dumating na ang kanyang ina, sinalubong niya ito at sabay humalik sa kamay. Ganoon lamang ang kanilang buhay sa araw-araw ng dumadaan sa kanila. Kinabukasan ay maagang nagising ang ina ni Mila para mag-luto ng kanilang agahan sa umagang iyon. Maaga kasing aalis ito paara mag punta sa bayan at maghanap buhay muli. Ginising na nito si Mila at sabay na silang kumain sa hapag. Ilang saglit pay nag paalam na ito sa kanya at lumakad na. Maya-maya'y sumulpot si Berto sa kanyang harapan. Nakangiti ito at nakatingin sa kanya. "Kamusta ka Mila. ? Halika't bilisan mong kumain. Maglaro na tayo sa labasan. " "Naku mag lilinis pa ako ng bahay, binilin nya kasi iyon sa akin. Bago daw ako mag-laro, huwag ko daw kakalimutan ang binilin nya. " "Naku! Mamaya kana mag linis. Dapat ang ginagawa mo ay nag lalaro lamang. Maglaro ng maglaro.!" Sambit ng nuno sa kanya. "Halika na Mila. Bahala ka mamaya aalis na ako at wala kang makakalaro. Pupunta ako sa taas ng bundok para duon mag-hanap ng ibang kalaro. " Sa pagpupumilit'y napapayag din nito ang bata. Hangggang sa mawaglit na dito ang mga bilin ng kanyang ina. Naglaro sila ng naglaro . Tuwang-tuwa si Mila, hanggang mag salita ang nuno sa kanya. "Halika Mila sumama ka sa akin." Anyaya nito. "Saan tayo pupunta?" "Sa lugar namin. Duon tayo mag lalaro maraming pwedeng laruin doon. Marami pa tayong makakalaro." "Naku hindi pwede. Huwag daw akong aalis sa kulob namin sabi ni inay sakin. " "Sandali "Baka lamang kasi naman magalit ang iyom. inay Bababalik ko at din tayo. pagalitan " ako." "Naku hindi naman natin sasabihin. Huwag kang mag alala. Masaya sa amin. Walang kaungkutan. " Sinundan ni Mila ang nuno. Sa likod ng kanilang tahanan ay may isang punso . "Paano tayo makakapasok diyan? Wala namang lagusan ? Tanong ni mila. "Yumuko ka at ilagay mo ako sa iyong mga palad. Sabay tayong papasok sa loob at sabay tayong papasok doon." Sabay turo sa punso. Nakapasok na sila sa loob isang madilim na daanan at kakaibang amoy ang nalanghap ng bata. Hanggang isang liwanag ang kanyang naaninag. Parang isang kweba na may tumutulong tubig sa itaas na galing sa hamog, at maliliit na nilalang ang nabungaran ni Mila. Lahat ay kasing laki ni Berto. Nakaitim na kasuotan ang iba at ang iba naman ay naka pula. Natakot si Mila ng tumingin sa kanya ang mga ito.. "Tinitignan nila ako Berto. Ang sasama ng tingin nila sa akin." Lumayo ang katabing nuno ng bata Humalo ito sa mga kauri nitong mga nuno. Tinignan din siya nito at tumawa ng malakas. Lalong natakot ang bata. Tatakbo sana ito sa palayo sa mga ito subalit bigla siyang napaupo, tumama kasi ang kanyang paa sa batong nasa paanan niya. "Hindi kana makakaalis dito!" Sigaw ng maliit na boses na katabi ni Berto. "Dito ka na lamang Umiyak habang buhay." Dugtong na "Gusto ko pa ng isa ang ng doon. bata. umuwi sa amin." Iyak niya. Tumawa ng tumawa ang mga nuno, Akmang lalapit na ang isa na may dalang manipis na animoy sinulid. Ng biglang marinig ni Mila ang boses ng kanyang ina. Pagabi na nga pala noon at umuwi na ang kanyang ina. Subalit hindi siya nito makikita. Huminto sa pag lapit ang nuno. Sabay nito ang pag sigaw ng malakas ni Mila. "Inay Mula "Anak huhuh. sa labas ng Tulungan punso narinig nasan ninyo iyon ng ako!" ina ni Mila. ka!" "Nandidito po ako sa loob ng punso! Tulungan ninyo ako sasaktan nila ako!" Nataranta ang nanay ng batang babae. Maya-maya pa'y nawala na ang boses ng ina ni Mila. Lalong umiyak ang bata. Mula sa ilalim ay itinali ng nuno ang paa ng bata. "Niloko mo ako Berto. Sabi mo kaibigan kita pero hindi mo ako tinutulungan makaligtas dito! huhuhu! Gusto ko ng umuwi sa amin. " Iyak niya "HAHAHA! "Hindi Hindi kana totoo iyan.! makakauwi iniwan Babalikan kana nya ng ina mo! ako " huhuhu!" Tuwang tuwa ang mailiit na nilalang habang ang batang si Mila ay iyak ng iyak. Isang boses ang narinig ng lahat mula sa itaas ng punso ang nakapag pagimbal sa lahat ng nuno. Isa kasi sambit ang isinasagawa nito. Para silang sinaksaktan sa bawat salita na kanilang naririnig. Ilang saglit pa'y nawalan ng malay ang bata. Hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Nagising si Mila sa kanlungan ng kanyang ina, sa tabi nito ay si Mang Tino ang kilalang albularyo sa kanilang lugar. Ito pala ang tumulong sa kanya mula sa punso. Yumakap siya sa kanyang ina. "Hindi ko na po uulitin ina. Hindi na ako sasama sa hindi ko kakilala. Susundin ko na ulit ang bil;in ninyo sa akin." Niyakap siya nito at nagpasalamat sa matandang tumulong sa kanila. At mag mula noon hindi na nag pakita ang maliit na nilalang sa kanya. Lumipat na rin ng bahay sila Mila sa bayan kung saan nakatira ang kanyang lola. Ito na ang mag babanaty sa kanya habang wala ang kanyang ina.