Uploaded by Mariel Maraquilla

story-week-1-20

advertisement
Week 1 Day 1
Ayokong Pumasok sa Paaralan
Gustung-gusto ni Bzzz ang maglaro. Maglaro nang maglaro araw-araw. Kasama
ng kanyang mga kaibigan, masayang-masaya sila sa taguan. “Ayokong pumasok sa
paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang gusto ko’y maglaro ng taguan.” Pinayagan naman si Bzzz
ng kanyang nanay. Sabi ng kanyang nanay, darating din ang araw, magiging handa si
Bzzz sa pagpasok sa paaralan.
Mas gusto ni Bzzz na kumanta. Kumanta nang kumanta araw-araw. Kasama
niya ang kanyang mga kaibigan. Ayoko pang pumasok sa paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang
gusto ko ay magkantahan kami ng aking mga kaibigan.” Pinayagan naman si Bzzz ng
kanyang nanay. Nilakasan nila ang pagkanta. Natulig pati mga gagamba. Sabi ng
nanay niya darating din ang araw na magiging handa si Bzzz sa pagpasok sa paaralan.
Mas gusto ni Bzzz na magbasa. Kahit hindi pa siya nakababasa, mahilig siyang
tumingin sa mga larawan sa aklat niya. Kung minsa’y nagpapakuwento siya sa nanay
niya. “Ayoko pong pumasok sa paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang gusto ko’y magbasa at
makinig sa mga kuwento. Yon po ang gustong-gusto ko!” Pinayagan naman si Bzzz ng
kanyang nanay. Binasahan niya si Bzzz ng sari-saring kuwento. Sabi ng nanay niya
darating din ang araw na magiging handa si Bzzz sa pagpasok sa paaralan.
Mas gusto ni Bzzz na gumuhit at magpinta. Kasama ang mga kaibigan,
gumuguhit siya ng bulaklak, bundok, hayop at sari-saring bagay na kanilang nakikita.
“Ayoko pang pumasok sa paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang gusto ko’y gumuhit at magpinta
kasama ng aking mga kaibigan.” Pinagayan naman si Bzzz ng nanay niya.
Pero isang araw, kinausap si Bzzz ng nanay niya. “Panahon na para pumasok ka
sa paaralan.” Sinamahan si Bzzz ng nanay niya sa paaralan. Ayaw pa sanang pumasok
ni Bzzz sa paaralan. Pero sabi ng nanay niya, panahon na para sa pag-aaral niya.
Naisip ni Bzzz na sundin ang kanyang nanay. Baka nga magustuhan din niya sa
paaralan. Sa paaralan, naglaro sila ng kanyang mga bagong kaibigan. Nag-aral silang
kumanta. Nagbasa ng kuwento ang guro. At nagkaroon si Bzzz ng maraming kakilala.
“Ang sarap pala sa paaralan,” sabi ni Bzzz.
“Gusto kong pumasok sa paaralan araw-araw!”
Week 1 Day 2
Bakit Matagal ang Sundo Ko
by: Kristine Canon
“Kriiiiiiing-kriiiiiiing-kriiiiiiing!”
Haaaay salamat, tapos na ang klase, pwede na kaming umuwi! Mabilis kong niligpit
ang aking gamit para makapila ako agad palabas. Ang ingay ng sabay-sabay na pagikot ng mga gulong ng mga stroller namin. At ang lalakas ng boses ng mga kaklase ko
habang nagpapaalaman. Nagtakbuhan kami para salubungin ang mga nanay at tatay
namin sa labasan.
Siguradong nandyan na si Nanay! Dumeretso ako sa bangko kung saan laging
naghihintay si Nanay.
Laking gulat ko nang makita kong wala pa si Nanay sa bangko! Nanlaki ang mga mata
ko. Kinabahan ako. Pero bago ako maiyak, sinabi ko sa aking sarili na hindi ako dapat
matakot.
Sinubukan kong hanapin si Nanay sa nagkakandikit-dikit na mukha ng mga magulang
sa labasan. Sa dami ng nanay at tatay dito, talagang nakakalito! Pinalaki ko ang mga
mata ko para hanapin si Nanay,
Pero di ko siya makita.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa bangko katabi ng aking bag at baunan. Untiunting nabawasan ang mga batang naghihintay at mga magulang na sumusundo. Ilang
kaklase ko na at kanilang stroller ang dumaan, pero wala pa rin si Nanay. Lahat ng bata
ay nasundo na, maliban sa akin.
“O maghintay ka lang dito ha. Natrapik lang siguro ang nanay mo,” ang sabi ng
guwardiya sa labasan. Kaya naghintay ako nang naghintay nang naghintay. Halos
nagpaikot-ikot na ako sa bangko. Pero wala pa rin si Nanay. Ano kaya ang nangyari kay
Nanay?
Baka nasiraan ng sasakyan si Nanay!
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maalala ko na may sira nga pala ang
sasakyan namin. Siguradong naghahanap pa si Nanay ng paraan para masundo ako!
Siguro sumakay siya sa isang pagong. Maliit at mabagal ang hakbang nito kaya ang
tagal-tagal bago ako masundo.Pero alam kong nagmamadali si nanay kasi sabik na rin
siyang makapiling ako! Hindi siya aasa sa isang pagong.
Siguro sa isang elepante siya sumakay! Higante ang mga hakbang nito kaya
siguradong mas mabilis niya akong masusundo.
Pero, hindi kakasya ang elepente sa daan na may napakaraming sasakyan! Siguro,
matagal pa talaga bago ako masundo.
Siguro isang agila ang kinaibigan ni Nanay. Mabilis silang makalilipad para masundo
ako.
Pero, di kaya lalong magtagal si Nanay sa paghahanap sa akin? Masyadong mataas
ang lipad ng agila. Puro ulap, bilding at tuktok ng puno lang ang makikita niya. Di niya
matatanaw ang aking pagkaway.
Siguro … nakipagsabayan si Nanay sa mga unggoy na naglalambitin mula sa isang
puno papunta sa isa pa. Ay! Sandali lang nandito na siya!
Pero, oras na sa puno ng saging sila kumapit, hindi na ipagpapatuloy ng mga unggoy
ang pagsabit-sabit. Siguradong matatagalan si Nanay sa pagdating.
Siguro… naisip ni Nanay na makiangkas sa likod ng isang balyena, sisisid sila sa
malalim na dagat hanggang ako’y marating.
Pero, sa gitna ng karagatan matatagpuan ang balyena at di nito kayang lumangoy sa
mababaw na baybayin. Naku! Matatagalan si Nanay sa pagsagwan papunta sa akin.
Hay, Nanay! Paano mo nga ba ako susunduin?
Napagod ako sa kaiisip. Isang malalim na buntong-hininga sabay ngalumbaba ang
tangi kong nagawa.
Lalong napakunot ang noo ko sa aking mga naisip.
Siguro nalimutan na ako ni Nanay.
Siguro di na niya ako mahal.
Siguro, napagod na siya sa pagsundo sa akin araw-araw.
Siguro…
Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Sumikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga.
Itinago ko na lamang ang nalugi kong mukha sa aking mga kamay, nang biglang…
Nanay! Buti dumating ka. Akala ko nilimot mo na ako.”
“Maaari ba kitang makalimutan, e ikaw ang pinakamahalaga sa akin?” ang amo ni
Nanay, sabay yakap sa akin.
“Nasiraan ka ba ng sasakyan Nanay?”
“Hindi, natrapik lang kami sa haywey.”
Napawi ang lungkot at luha ko at napalitan ng ginhawa’t tuwa. Tama nga pala ang
guwardiya. Natrapik lang si Nanay
Week 1 Day 4
Si Paula Oink-Oink
by: Rene O. Villanueva
Si Paula Oink-oink ay isang biik. Kahit maliit pa, marunong na siyang kumaing
mag-isa. Marunong siyang gumamit ng tinidor at kutsara. Marunong siyang magsubo
ng pagkain. Marunong siyang ngumuya ng maayos. Nag-aaral na si Paula Oink-oink
kahit maliit pa. Marami siyang kaibigan at kamag-aral. Ang guro niya ay si Terry
Elepante. Marami silang ginagawa sa paaralan. Naglalaro sila. Nagbabasa ng kwento.
Nagkakantahan. Tumutula. Naghahabulan. Sumusulat. Nagbabahay-bahayan.
Nagbibilang. May naging kaibigan si Paula Oink-oink sa paaralan. Ang kanyang
pangalan ay Anna Ngiyaw. May isang problema si Anna. Hindi pa siya marunong
kumaing mag-isa. Kaya sa oras ng pagkain, umiiyak si Anna. “ Ngiyaw-ngiyawngiyaw!”Alam ba ninyo kung ano ang ginagawa ni Paula Oink-oink? Lumapit siya kay
Anna Ngiyaw dala ang kanyang pinggan, tinidor at kutsara. “Oink-oink”, sabi ni Paula
kay Anna Ngiyaw. “Wag kang umiyak. Madali namang matutong kumaing mag-isa.
Tuturuan kita!” Tinuruan nga ni Paula Oink-oink si Anna Ngiyaw na kumaing magisa.“Oink-oink-oink! Gamitin ang kutsara Oink-oink-oink! Bibig ay inganga Oink-oinkoink! Ngumuya ng mabuti Oink-oink-oink”. Huwag magtitira! Oink-oink-oink!”Sinunod ni
Anna Ngiyaw ang sabi ni Paula Oink-oink. Kaya ngayon, kapag may maliliit na bata na
hindi pa marunong kumaing mag-isa, alam ba ninyo kung sino ang nagtuturo sa kanila?
Si Paula Oink-oink! “Oink-oink-oink! Gamitin ang kutsara Oink-oink-oink. Bibig ay
inganga Oink-oink-oink. Ngumuya ng mabuti Oink-oink-oink. Huwag magtititra Oinkoink-oink!”
Week 1 Day 3
Si Inggolok at ang Planetang Pakaskas
Ito ang Planetang Pakaskas.
Nakakain ang lahat sa Planeta Pakaskas. Ang mga bundok ay matamis na
gulaman. Ang mga bahay ay gawa sa tinapay. Ang mga kalsada ay gawa sa sapinsapin. Ang mga ilog ay masarap na gatas. Ang dagat ay matamis na tsokolate.
Nguyamyam ang tawag sa mga nakatira sa Planeta Pakaskas. Mahilig kumain
ang mga nguyamyam. Wala silang tigil sa kangunguya.
Kinakain nila ang mga bundok. Kinakain nila ang mga bahay at kalsada. Iniinom
nila ang mga ilog at dagat.
Malapit nang maubos ang Planeta Pakaskas.
Napansin ito ni Inggolok.
Sabi ni Inggolok, “Mga kaibigang Nguyamyam, tigilan na natin ang sobrang
pagkain. Bawas tayo ng bawas sa ating planeta, hindi naman ito nadadagdagan”
Ngunit walang nakinig kay Inggolok.
Natakot si Inggolok.
Mauubos na ang planeta.
“Wala na tayong magagawa, kailangan na nating iwan ang ating tahanan,”
malungkot na sabi ni Inggolok sa kaniyang mga anak.
Lumapag sila sa isang maliit na planeta.
Kitang-kita nila Inggolok ang Planeta Pakaskas.
Ito ay patuloy na lumiliit.
Si Inggolok ay napaiyak nang maglaho ang planetang Pakaskas.
“Wala na ang Planetang Pakaskas.” Malungkot na wika ni Inggolok.
Nag-isip nang mabuti si Inggolok.
“Ang planetang ito ay hindi mauubos tulad ng Planetang Pakaskas,” sabi ni
Inggolok sa kaniyang mag-anak. Ang planetang ito ay ang ating tahanan. Ang
planetang ito ay ating alagaan,” ang pangako ni Inggolok.
Week 1 Day 5
Si Monica Dalosdalos
Si Monica Dalosdalos ay maaga kung magising. Ang dahilan niya’y para
maraming matapos na gawain.
Tuwing umaga, sa halip na pumutak, pagwawalis ang kanyang hinaharap.
Totoong si Monica’y masipag, pero siya’y walang ingat.
Nang makita niyang marumi ang pugad ito’y kanyang nilinis agad. Sa kalilinis
niya, nabutas ang pugad. Sampung itlog ang nahulog at nabasag.
Nang makita naming nagkalat ang mga dahon sa bakuran, winalis din niya ang
mga ito, saka sinindihan. Pero biglang lumaki ang apoy. Muntik pang masunog ang
ginikang nakabunbon!
Galit na galit ang lahat ng manok. Hinabol si Monica na nangangatog sa takot.
Nakarating siya sa kusina ng isang bahay. At nakita sa lababo ang maruming
pinggan. Hinugasan niya ang mga pinggan at binuhat. Pero dahil sa bigat, si Monica ay
nadulas.
Pagpasok niya sa salas, nakita ni Monica ang maalikabok na mesita. Nang linisin
naman niya, natabig ang plorera! Habang pinupulot ang basag na kasangkapan,
biglang dumating ang may-ari ng bahay.
At si Monica Dalosdalos ay hinabol ng taga. Habang lumilipad ay kanyang winika
“Gumagawa ka na ng mabuti’y ikaw pang masama!”
Week 2 Day 3
Ang Kamatis ni Peles
by: Virgilio S. Almario
Sawa na si Peles sa araw-araw na pagliliwaliw at maghapong paglilibot kahit
walang makain. Kaya naisip niyang magpatulo ng pawis at gamitin naman ang lakas at
bisig.
Napadaan siya sa bukid ni Hugong langgam at humanga siya sa ganda at tanim na
halaman.
“Ang ganda ng mga tanim mo,” bati niya kay Hugo. “Ano ba ang iyong sikreto?”
“Wala akong sikreto,” sabi ni Hugo, “kundi sipag, tiyaga at konting banat ng buto.”
“Ganoon lang?” tanong ni Peles. At nanghingi siya ng mga buto ng kamatis para
masubukan naman ang maghalaman bilang pagbabagong buhay.
Linggo na noon at kahit na Linggo, hindi nagbulakbol ang bagong hardinero; Linggo
noon at kahit Linggo, pagbubungkal at pagtatanim ang inasikaso.
At sa gabing iyon, hindi makatulog si Peles sa pagbibilang ng tumutubong kamatis.
Lunes. Maaga pa’y bumangon na siya at mabilis na dinalaw ang kamatisan niya. Pero
anong lungkot! Sa lupang malambot, wala ni isang sumupling na sungot.
Halos maiyak siyang nagsumbong kay Hugo. Pero tumawa si Hugo at ang sabi,
“Huwag kang apurado. Talagang ang magtanim ng kamatis ay di biro. Konting dilig pa
at tiyak na tanim mo’y tutubo.”
Martes. Matapos magdilig si Peles, maghapon siyang nagbantay sa tanim na kamatis.
Sa gabi, nagsindi pa ng maraming kandila para daw hindi matakot sa dilim ang mga
punla.
Miyerkules. Matapos magbudbod ng pataba, inimbita ni Peles ang kabarkadang mga
palaka. At kahit umuulan, maghapon silang umawit para raw sumigla ang mga punlang
kamatis.
Huwebes. Matapos magbunot ng tumubong damo, nagdala si Peles ng maraming libro.
At maghapon siyang nagbasa ng kuwento at tula para daw hindi malungkot ang mga
punla.
Biyernes. Matapos magdilig at magdamo si Peles, maghapon uli siyang tumula,
sumayaw at umawit. Naglagay pa siya ng mga kumot na pantabing para daw hindi
mainitan ang kaniyang tanim.
Sabado. Laking tuwa ni Peles nang Makita ang tumubong mga kamatis.
Ilang araw pa ang lumipas, mga kamatis ni Peles ay lumaki at namulaklak.
“Kaibigan, ang lulusog ng kamatis mo,” ang bati kay Peles ng dumalaw na si Hugo. “Oo
nga,” sabi ni Peles na balot ng kumot. “Pero sakit at ubo naman ang aking inabot.” “Sa
umpisa lang yan,” sabi ni Hugo. At, naiwan si Peles na uubo-ubo. Pero, masayang
hinahagod ng titig ang lumalaking mga bunga ng kamatis.
Week 2 Day 5
Ang Mabait na Kalabaw
by: Virgilio S. Almario
Ang mabait na kalabaw ay tahimik na kumakain. Ang mabait na kalabaw ay
tahimik na natutulog. Ang mabait na kalabaw ay malinis. Ang mabait na kalabaw ay
mahilig sa maganda. Ang mabait na kalabaw ay maraming kaibigan. Kaibigan niya pati
aso at pusa! Ang mabait na kalabaw ay masipag. Ang mabait na kalabaw ay
matulungin. Ang mabait na kalabaw ay mapagmahal. Minamahal din siya ng kanyang
tagapag-alaga. At laging masaya ang mabait na kalabaw.
Week 2 Day 2
Ang Palaaral na si Celia at ang Pusang Si Conrad
by: Regina Fernandez
Tuwing umaga, pinanonood ng pusang si Conrad si Celia habang naglalakad tuwing
papasok sa paaralan. Nakikinig siya sa pag- tok-tok-tok ng itim na sapatos ni Celia sa
daan.
Naaamoy niya ang pandesal at grape juice na nasa baunan. Tinitingnan niya ang
pulang bag na nasa likod ng palaaral na si Celia.
Sa wari ni Conrad ang bag ni Celia ay punung-puno ng mga babasahing aklat. Kung
titingnan mo si Celia, siya ay walang ibang ginawa kundi mag-aral.
“Si Celia kaya ay hindi nagkakaroon ng pagkakataong magsaya?”, ang naisip ng
pusang si Conrad.
Isang umaga, naisip ni Conrad ang isang bagay.
Naglalakad si Celia araw-araw katulad ng kanyang nakagawian. Sa Pulang kalye,
sumabay sa kanya si Conrad.
“Kumusta,” sabi ni Conrad. “Gusto mo ba kong samahan ngayon? Gusto mo bang
sumamang magsaya at maglaro? Maglalaro ako ng sipa hanggang sa paglubog ng
araw. Sisipain ko ang pompom na ito ng mataas. Sisipain ko ito ng isang daang beses
hanggang sa marating nito ang kalawakan!”
“Ang paglalaro ng sipa ay masaya!” ang sabi ng palaaral na si Celia. “ Mabuti na niyaya
mo ako subalit papunta na ako sa paaralan.”
At umalis na nga si Celia.
Sa Dilaw na kalye, sumabay muli si Conrad. Mula sa sanga ng mangga naglambitin ang
pusa dito.
“Kamusta muli!” sabi ni Conrad. “Gusto mo bang sumama sa akin ngayon? Gusto mo
bang sumamang magsaya at maglaro? Patutugtugin ko ang aking gitara hanggang
paglubog ng araw. Kakanta ako at sasayaw. Ikaw ang magtambol gamit ang iyong
lunchbox, kutsara at tinidor.”
“Ang pagkanta ay masaya,” sagot ng palaaral na si Celia. “Mabuti at niyaya mo ako
pero papasok na ako sa aking paaralan.” At naglakad na nga paalis si Celia.
Sa asul na kalye, sumabay muli si Conrad. Nakasakay siya sa bisikleta na nagsisirkus.
“Muli na naman tayong nagkita!”, sabi ni Conrad. “Kailangan mo na talaga akong
samahan ngayon! Kailangan mo na kong samahang magsaya at maglaro! Maglalaro
ako bilang isang hari; ikaw ang magiging reyna na natutulog. Ililigtas kita sa kunwaring
dragon, yuyuko tayo sa mga manonood at papalakpakan nila tayo! Pagkatapos ng
palabas, magpipiknik tayo. Mauupo tayo sa pula-dilaw-at berdeng kumot, kakain tayo
ng puto, pansit at hotdog na nasa sticks! At hahabulin natin ang mga tutubi hanggang
sa paglubog ng araw!”
Ang pagkakaroon ng picnic at maglaro bilang isang hari at reyna ay lubhang masaya,”
sabi ng palaaral na si Celia. “Pero, pasensya ka na, hindi ako makakasama sayo
ngayon. Pupunta na ako sa eskwelahan.
At naglakad na ngang muli si Celia at iniwan si Conrad.
“Si Celia ay hindi man lang nagsasaya,” ang pabuntong hininga niyang sabi.
Napatingin ang pusang si Conrad sa palaaral na si Celia na nakatayo sa harapan niya.
“Kamusta,” ang sabi ni Celia. “Gusto mo bang sumama sa akin? Papunta ako sa aking
paaralan. Maaari mo kong tulungan sa seremonya ng bandila. Aawit tayo ng
Pambansang Awit sa unang linya. Kukumpas tayo sa tugtog. Sa klase, mauupo tayo sa
tabi ni Tembong, tatawa tayo sa mga biro at nakakatawa niyang mukha. Magkukulay
tayo ng mga aklat at makikipagpalitan ng krayola, lapis, at pambura kay Luz.” “Gugupit
tayo ng mga karton ng mga bituin at itatali sila at isasabit. Makikinig tayo sa kuwento ni
Titser Bing tungkol sa paglalakbay ng upuan na may magic, sa sirena na may dekorteng asul na buhok at tungkol sa palaka na ang kaibigan ay langaw!”
“Kapag tumunog ang bell, iyon na ang oras natin para sa miryenda. Kakain tayo ng
biskwit na may tsokolate at melon juice. Maglalaro tayo ng habulan at hahabulin natin
ang mga tutubi kasama sina Rosita, Juan, Tembong at Luz!”
Naisip ni Conrad ang sitwasyon ni Celia habang nasa eskwelahan na puno ng kabibe at
bituin! Sa isip niya, nakita niya si titser Bing na nagkukuwento. Naririnig niya si Celia at
ang dalawa pa nitong kaibigan. Nakikita rin niya ang kanyang sarili na
nakikipagtawanan sa kanila.
“Mukhang Masaya sa eskwelahan!” ang sabi ni Conrad. “Mabuti at niyaya mo ako,
Celia!” Magugustuhan kong sumama sa iyo!”
At gayon nga ang nangyari.
Week 2 Day 1
Si Mimi at ang Tatlong Bilog
Labing dalawang taong gulang na ang batang si Mimi at nasa ika-Limang baitang
na siya sa kanyang pag-aaral. Siya ang pinaka mahusay sa kanilang klase. Bata pa
lamang kasi siya ay tinuturuan na siya ng kanyang mga magulang para mag-basa,
sumulat at bumilang. Kaya naman naging mahusay na siya sa kaniyang unang pagpasok sa paaralan. Ipinag-mamalaki siya ng kanyang magulang kahit kanino.
"Ang anak ko ang pinaka mahusay sa kanilang klase."
Pag-mamalaki ng kanyang ama sa kasamahan nito sa bukid.
Kahit mahirap ang buhay ng batang si Mimi ay nag tatiyaga siya sa kanyang
eskwela. Araw-araw niyang tinatawid ang dalawang ilog sa kanilang lugar upang siya
ay makapasok lamang sa kanyang paaralan. Kahit ganoon man ay pinipilit parin niyang
mag-sumikap upang marating niya ang nais niyang kurso pag tapak niya sa kolehiyo.
Marami siyang kaibigan, mabait kasi si Mimi. Magalang sa matatanda at
masunurin sa mga utos nito. At sa mura niyang edad ay alam na niya ang dapat niyang
gawin sa araw-araw. Katulong siya ng kanyang ina sa sa pag-hahatid ng pag-kain ng
kanyang ama sa bukid, sa tuwing wala siyang klase. Tumutulong din siya sa gawaing
bahay at pagluluto tuwing siya ay libre.
Ngunit ng araw na iyon ay mag isa lamang siyang mag hahatid ng lutong pagkain sa kanyang ama. Naglalaba kasi ang kanyang ina ng araw na iyon. Linggo ng
tanghali ang araw na iyon, may dalang basket si Mimi upang dalhin sa kayang ama sa
bukid. Masaya siyang nag-lalakad sa pilapil ng bukid at paawit-awit pa, ng bigla siyang
matapilok at mawalan ng balanse. Nalag-lag sa bukid ang bata. Naputikan ang kanyang
mga kamay at paa, subalit hindi iyon ang kanyang ikinagulat ng sandaling iyon. May
nakita kasi siyang tatlong bilog sa kanyang pinag bag-sakan. Hindi niya alam kung
anung uri ng bagay ang mga iyon. Kulay pula, asul at puti ang mga kulay nito.
"Itlog ba ang mga ito? "
Pag tatanong niya sa sarili.
"Hindi naman siguro malaki ito sa normal na itlog at iba ang kulay nitong
dalawa."
Inilapit pa ng bata ang isang bilog na bagay sa kanyang tainga. Para
pinakikinggan nito kung anu man ang nasa loob ng bagay na iyon. Inalog alog pa at
sinuring mabuti.
"Naku! Baka magalit na si itay ang mga pag-kain niya . "
Naalalang bigla ni Mimi. Dali-dali siyang tumayo at inilapag ang mga itlog sa loob
ng kanyang basket.
"Ama! Nandito na po ako. Andito na po ang inyong tang-halian. "
Masaya nyang bungad sa ama habang tintawag niya ito mula sa bukid.
"Anong nang-yari sa iyo anak?"
May halong pag-tataka niya sa anak.
"Naglaro kaba sa putikan?"
"Naku! Hindi po, nalalag-lag po ako sa bukid."
Natatawang sabi ni Mimi.
Dahil sa pagkukwento ng bata sa kanyang ama ,nalimutan niya ang mga itlog na
napulot niya sa putikan ng siya ay mahulog dito. Pauwi na siya at pabalik na sa
kanilang tahanan ng ma-alala ulit niya ang mga bagay na napulot niya. Napag
pasyahan niyang huminto muna at umupo sa ilalim ng punong mangga na nadaanan
niya. Tahimik siya umupo at kinuha ang isang bilog sa kanyang bitbit na basket.
"Ano kaya ito?"
Muli niyang tanong sa kanyang sarili.
Habang pinag mamasdan ay naisip niyang ilagay sa kanyang harapan ang
dalawa pang nasa kanyang lalagyan. Humiga siya sa damuhan at humarap sa kanyang
nasa harapan. Hanggang sa makatulog siya sa kanyang posisyon.
Pahapon na ng siya ay magising,pag mulat niya ay nasa harapan pa rin niya ang
tatlong bagay sa kanyang harapan.
"Hinahanap na ako ng ina sigurado."
Pag-aalala niyang sambit.
Iiwanan sana niya ang makukulay na bilog na natagpuan niya kanina. Subalit
naisip niyang kunin na lamang ito at gawing palamuti sa kanyang silid. Nadatnan niyang
na-nanahi ng sirang bao ang kanyang ina sa harap ng pintuan. Agad siyang nag mano
at pumasok sa kanyang silid. Kasama niyang inakayat ang tatlong bilog at inilagay iyon
sa lamesita nasa tabi ng kanyang higaang kawayan. Matapos niyon ay bumaba n siya
at nagluto ng kanilang hapunan, pag-dating ng kanyang ama ay sabay sabay silang
nagsalo-salo sa hapag.
Matapos non ay nag-linis siya ng kanyang katawan at pumanhik na muli sa
kanyang silid. Nag-basa ng aklat at nag-aral sa kanyang mga aralin. Nananalagin na
siya para sa kanyang pag-tulog ng mapansin niyang muli ang tatlong bagay na napulot
sa bukiran.
Pinagmasdan niyang muli ang bagay na iyon. Inilagay sa kanyang mga kamay at
ipinatong ang isa sa kanyang sikmura. Hanggang sa mahimbing na siya.
Kalagitnaan iyon ng tulog ng bata ng magising siya. Nakarinig kasi siya ng hindi
kilalang ingay. Para iyong isang pagaspas ng malaking ibon sa tabi ng kanyang silid.
Dudungaw sana siya sa binatana ng mapansin niyang may-kakaiba sa mga bagay na
nakuha niya sa bukid. Maya liwanag kasi na nang-gagaling sa paligid nito. Animoy
parang mabibiyak. Lalong lumakas ang ugong sa labas ng kanyang silid, kasunod nito
ang isang huni na parang pito sa pandinig niya ng malaking ibon.
Napaupo siya sa isang sulok ng kanyang kwarto ng makita niya na isang
dambuhalang ibon ang sumungaw sa kanyang bintana.
"Inay! Itay!"
Sigaw ni Mimi na may halong takot at kaba. Subalit parang hindi siya naririnig ng
mga ito. Napansin ni Mimi na nakatuon ang pansin ng malaking ibon sa mga bagay na
nasa kanyang higaan. Umiilaw ang mga ito na parang may lalabas mula sa loob ng
tatlong bagay na iyon. Humuhuni rin ang ibon. Lakas loob na lumapit ang bata sa
kanyang higaan dahan-dahang hinawakan ang umiilaw na bagay. Para namang nagalit
ang malaking ibon at sumigaw ito ng malakas. Napaatras si Mimi, subalit muli siyang
sumulong sa pag-lakad. Hinawakan niya ang mga ito at kinuha ng dahan-dahan.
Ganoon din ang ginawa niyang pag-lakad papunta sa ibon. Marahan niyang inaabot
ang bagay na pinagtutuunan ng pansin ng malaking ibon nkatoon ito sa hawak niya.
Para namang nakaintindi ang ibon. Mula sa kanyang mga tuka ay binit-bit ng ibon.
Mula sa kanyang silid ay marahang lumabas ng bahay ang batang si Mimi
naroroon kasi ang bata .Muli pa'y nakita ni Mimi ang napakalaking ibon na maaring
sumakop sa kanilang munting tahanan.
Tatlong maliliit na huni ang narinig ng bata. Mula sa tatlong bagay pala na
napulot niya ay may mga munting ibon na magmumula sa loob nito mabuti na lamag at
hindi niya naisipang pag-laruan ang mga iyon. Sa kanyang kinalalagayan ay muling
humarap sa kanya ang malaking nilalang at humuni ito ng marahan paharap sa kanya.
Natuwa ang bata, ilang saglit pa'y muling kumampay ang pak-pak nito at
marahang inisakay ang tatlong maliliit pang ibon sa likuran nito. Umangat na ito sa lupa
marahang-marahan. Para namang nag papasalamat ang malaking ibon sa kanya.
Nginitian niya ito hanggang sa lumipad ito palayo ng palayo.
Naging maganda ang kinabukasan ni Mimi ng sumunod na araw ,hindi maalis sa
isipan niya ang mga pangyayari sa kanya ng nagdaang gabi. Umaasa siya na makikita
pa niyang muli ang mga nilalang na hindi nawala sa isipan niya.
Week 2 Day 4
Sumunod sa Panuto
Unang araw ng klase. Handa na sa pagpasok si Tuta. “Sa wakas. Papasok na ako sa
eskwela,” ang masayang sabi ni Tuta.
Ganito rin ang ginawa ni Kuting. Bago matulog handa na ang kanyang bag.
“Sinu-sino kaya ang magiging kaklase ko?” tanong ni Kuting sa sarili.
Masaya ang mga mag-aaral ng umagang iyon. Maya-maya, dumating na si
Kuwago, ang kanilang guro. Lumapit siya sa mga mag-aaral.
“Pumila kayo nang maayos. Pumasok kayo sa silid-aralan nang tahimik,” ang
mahinahong wika ni Kuwago.
Sinunod ng mga mag-aaral ang sinabi ng guro. Umupo sila nang maayos at
tahimik. Nagsimula na ang klase. Nagpakilala ang bawat isa.
“Ako si Kuwago. Sino naman kayo?” ang sabi ng guro.
“Ako si Tsonggo.”
“Ako si Ibon.”
“Ako si Itik.”
“Ako naman si Sisiw.”
Isa-isang tumayo ang mga mag-aaral. Nagsalita sila nang may katamtamang
lakas. Nakinig ang lahat habang nagsasalita ang guro. Lahat ay sumunod sa panuto.
Tahimik at maayos ang klase. Tuwang-tuwa si Kuwago. Tuwang-tuwa si Tsonggo, Ibon,
Itik, Sisiw at iba pa.
Week 3 Day 5
Ang Kaibigan ng Dilim
by:Renee O. Villanueva
Kaya na ni Anton na matulog nang mag-isa sa kanyang silid. Pero isang gabi,
bigla siyang nagising. Nauuhaw siya. Gusto niyang lumabas ng silid at uminom. Pero
natatakot siya sa dilim. Naramdaman siguro ng nanay niya ang paggising ni anton.
Pumasok ang Nanay niya sa silid.
Binuksan nito ang ilaw sa silid. At biglang nawala ang dilim. Uminom si Anton ng
tubig, saka muling natulog nang mahimbing.
Ayaw na ayaw ni Anton sa dilim. Kahit araw, ayaw niyang pumasok sa madilim
na silid na taguan ng mga lumang gamit. Kahit naroon ang isang lumang bisikleta na
gustong-gusto niyang sakyan.
Kinuha ni Anton ang lumang bisikleta. Dinala niya ito sa bakuran. At doon niya
sinakyan ang lumang bisikleta. Isang gabi, hawak ni Anton ang flashlight sa hardin.
Iniilawan niya ang mga dahon sa puno.
Isang araw, binigyan si Anton ng nanay niya ng flashkight. Ang lugar na tamaan
ng isang sinag nito ay magiging maliwanag.
Pumunta si Anton sa madilim na silid ng mga lumang gamit. Pinindot niya ang
flashlight. At ang malaking dilim ay biglang lumiit!. Nakita miya ang mga lumang
gamitna nakatago roon. Nakita niya ang lumang bisikleta ng tatay niya. Inilawan niya ng
mga dahon sa puno, inilawan niya ang mga bulaklak sa bakuran.
Naisip ni Aton “Ano kaya kaya kung hindi ko sindihan ang flashlight?”
Madilim. Madilim na madilim. Nakiramdam si Anton. Narinig niya ang mga
kuliglig. Nasanay ang mga mata ni Anton sa dilim. “Masarap din pala sa dilim”, sabi ni
Anton.
Nakakakita pa rin siya sa dilim! Nakikita niya ang mga puno at dahon. Nakikita
niya ang mga bulaklak.
Nang tumingala si Anton, nakita niya ang maraming bituin. Nakita din niya ang
ulap at ang buwan. “Puwede din palang maging kaibigan ang dilim.”
Week 3 Day 1
Ang Bata sa Basket
By: Augie Rivera Jr.
Sa isang malayong gubat naninirahan ang tatlong magkakaibigang palaka. Parepareho silang mahilig umawit. (kahit na ang toto’y hindi maganda ang kanilang mga
boses.)
Minsan, naisip ng tatlo na mag-ensayo sa may tabing-ilog.
“Kokak-kak-kwak-kak-kak!” banat ng unang palaka.
“kowek-kak-kwek-kokaaaak!” bira ng pangalawa.
“kokwiik-kokweko-kokwaaaaaak!” hataw ng pangatlo.
Pero bigla silang napatda nang marinig nila ang ------“U-haaaa! U-haaa! U-haaa!”
Isang basket na palutang-lutang sa ilog ang nakita nila. Nang lapitan nila ang
basket, lahat sila’y namangha. Sa loob ng basket “ ay mayroong bata.
“Bata! Bata! Ba’t ka umiiyak”, tanong ng unang palaka.
“Bakit ka nasa basket?” urirat ng pangalawa.
“Nasaan ang pamilya mo?” usisa pa ng pangatlo.
“U-haaaa! U-haaaa! U-haaaaaaaaa! Ang sagot ng bata.
“Wala siyang pamilya?” napakamot ng ulo ng unag palaka.
“Kailangan niya ng pamilyang mag-aaruga sa kaniya,” buntung-hininga ng
pangalawa.
“Hindi problema iyon! Maghanap tayo ng pamilya para sa kaniya.” Pasya ng
pangatlo.
Nagkaisa ang tatlo na tulungan maghanap ng pamilya ang bata sa loob ng
basket. Isang mag-asawang kambing ang una nilang nilapitan.
“Meeeeee! Meeeeee! Meeeeee-ron kaming sariwang damo para sa kaniya!” sabi
nila.
“Hindi ho kumakain ng damo ang bata,” iling ng tatlong palaka.
“Aakk! Aaak! Siguradong ligtas ang bata kung matitira siya sa aking matibay na
pugad,” alok ng isang babaeng uwak.
“Hindi puwedeng tumira sa pugad ang bata,” paliwanag ng tatlong palaka.
“Grrr! Grr! Mas ligtas siya sa akin!” pagyayabang ng isang matandang leon.
“Lahat ng panganib at sakuna ay takot sa akin!”
“Kung kami ang mag-aalaga sa kaniya, magiging matalino siyang tulad naming.”
Sabad ng mag-asawang kuwago. “Babasahin namin sa kaniya ang lahat ng aming libro”
“Sssssss!sssssss!sssssige na naman. Kami na ang mag-aalaga sa batang ‘yan!”
sabi ng tatay ahas. Ssssssss! Mamahalin naming siya na parang tunay na anak.”
“Puwede bang mayakap ang malusog na bata na iyan?” ang nanggigigil na sabi
ng nanay ahas sabay lingkis sa leeg na bata.
“Sandali! Bitiwan mo nga ang bata!” bulyawa ng mga palaka. “Nakakasakal
naman iyang pagmamahal ninyo, e!”
Nagdataingan pa ang ibang mga hayop sa gubat. Matiyaga silang pumila. Bawat
isa ay may handog para sa pangangailangan ng bata. Lahat ay nagalok na alagaan ang
bat. Pero hindi pa rin maisip ng tatalong palaka kung sino ang dapat mag-alaga sa bata.
“May dumarating !” biglang nanlaki ang mga mata ng tatlo. May mag-asawang
papalapit sa ilog.
Mabilis na nagtago ang tatlong palaka. Tahimik silang nagmasid. Lumusong sa
ilog ang mag-asawa papalapit sa basket.
“May bata nga! May bata sa loob ng basket!”
“U-haaaa! Uhaaaaa! Uhaaaaa!”
“Kailangan niya ng pamilyang mag-aaruga sa kanaya. Amupnin natin siya.” Sabi
ng mag-sawa sabay yakap sa bata.
Sinundan ng tatlong palaka ang mag-asawa hanggang makarating sila sa isang
dampa. Sa isang siwang na dingding, kitang-kita nila kung paano nagtulungan ang
dalawa mula sa pagtatali ng duyan, pag-aayos ng damit, at pagpapatulog sa bata
“Anong itatawag natin sa kaniya? Bigyan natin siya ng pangalan.”
“Tawagin natin siyang Noel!”
Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigang palaka, sa wakas, may pamilya na rin ang
bata. Sa kasiyahan, sabay-sabay silang napakanta habang pabalik sa ilog.
“Kokak-kokak-kqak-kak-kak” banat ng unang palaka.
Week 3 Day 4
Limang Taon na Ako
by :Melinda G. Sinio
Sa isang malawak at mapunong paligid may isang pamilyang naninirahan dito.
Tahimik at masagana ang pamumuhay nila rito masasabing maunlad at malulusog ang
mga anak ng mag-asawa.
Kabilang na rito si Lorna na simple pagsilang ay nahilig na sa pakikinig ng awit.
Isa sa paborito niyang napapakinggan at ang parating sinasabayan ay ang “patalastas
sa telebisyon” Isang taon pa lang ako sinundan na ni Toto ngayon ay labingdalawa na
ako sindami na ng pamilya ko”
Nagagandahan siya sa awiting ito ngunit naisip niyang Ilan taon na ba ako?
Lumapit siya sa kangyang nanay at itinanong kung ilan taon na siya. Sinagot siya ng
kanyang nanay na limang taon gulang ka na anak.
Ha! Ilan po ba ang limang taon? Nabibilang po ba ito sa kamay? Ngumiti ang
kanyang ina at sinabing “ Oo, Anak sindami ito ng daliri sa kanang kamay mo at
kinuha ni Lorna ang kanyang kanang kamay binilang ang daliri nito ngunit sa hilig
niyang manood at makinig ay nalimutan niya kung paano bumilang. Bigla siyang
nalungkot. Hay! Sabi ni nanay limang taon na daw ako subalit paano ko malalaman ang
idad ko? At kung paano bumilang ng isa hanggang lima.
Naisip niyang pumasok sa paaralan at doon matutoto siyang bumasa , sumulat,
at makihalubilo sa kapwa niya mag- aaral. Muli siyang lumapit sa kanyang ina.
Nanay , Ngayon naintindihan ko na po na ang batang kaidad ko na 5 taon gulang
nararapat na nasa loob ng paaralan. Dahil sa paaralan natuto akong bumasa,
bumilang, at sumulat
Nagulat ang kanyang nanay , narinig niyang bumabasa si Lorna.
Pangalan: Lorna R. Cruz
Araw ng kapanganakan: Hunyo 03, 2009
Edad: 5 taon gulang
“ Aba! Marunong na talagang bumasa si Lorna . Wika ng kangyang ina na tuwang-tuwa.
Mula noon hindi na nalilimutan ni Lorna ang kanyang edad. Taon- taon
hinihintay niya ang kanyang kaarawan at ipinagdiriwang ito kasama ng kanyang buong
pamilya……
Week 3 Day 2
Masasayang Bata
Flor B. Conopio
Masasaya ang mga batang matitiyagang naghihintay sa Diyos; sila’y dadalhin sa langit.
Masasaya ang mga batang mababait at mabubuting makipagkaibigan, sapagkat
tatamuhin nila ang gantimpala ng langit.
Masasaya ang mga batang naliligayahan sa kabila ng malulungkot na karanasan; sila’y
aaliwin at mamahalin ng Diyos.
Masasaya ang mga batang nagsisikap gumawa ng matuwid; mayroon silang
kapayapaan.
Ang masasayang bata ay tulad sa asin. Kung mawawalan ng lasa ang asin,
mawawalan din ito ng kapakinabangan.
Ang masasayang bata ay tulad sa maliliwanag na ilawan.
Kung sinisindihan ang ilawan ay hindi itinatago, kundi inilalagay sa mataas na dako
upang lumiwanag ang buong paligid.
Masasayang bata, mangagalak kayo kung kayo ay kinukutya, sinasaktan
at pinagtatawanan sa dahilang mahal ninyo ang Diyos.
Mangagalak nga kayo at ipagmalaki ang katuwiran; may tanging gantimpala ang Diyos
sa inyo.
Masasaya ang mga batang nakauunawa ng damdamin ng kanilang kapuwa;
Mauunawaan din sila ng Diyos.
Masasaya ang mga batang mabubuti ang isinasaisip;
Makikita nila ang Diyos.
Lumiwanag nga kayo sa buong paligid sa pamamamagitan ng inyong mabubuting
gawa.
Masasaya ang mga batang kinukutya sa paggawa ng mabuti, sapagka’t bibigyan sila ng
gantimpala.
Masasaya ang mga batang tumutulong sa kapuwa at nagbibigay ng mabubuting
halimbawa ng pagsasamahan, sapagka’t tatawagin silang mga anak ng Diyos.
Week 3 Day 3
Si Digong Dilaw
By: Victoria Anonuevo
Gustong-gusto ni Digo ang kulay dilaw. Pagpasok niya sa paaralan, dilaw ang
kanyang damit. Dilaw din ang kulay ng kanyang bag at iba pang mga gamit.
Dilaw ang paboritong pagkain ni Digo. Gusto niya ng saging, mangga, papaya,
kasoy, at iba pang dilaw na prutas. Gusto rin niyang uminom ng katas ng kalamansi.
Pero ayaw niya ng berdeng gulay. Madalas nagagalit ang kanyang ina dahil ayaw
kumain ni Digo ng pagkaing hindi dilaw. “Hayaan mo na,” sabi ng kanyang ama.
“Pampalusog naman ng mata ang dilaw na pagkain.” “Pero masama rin ang puro dilaw
na pagkain lamang,” sabi ng kanyang ina. “Kailangan din ng katawan ang ibang uri ng
pagkain, gaya ng berdeng gulay..”
Bago matulog, nag-aaral muna si Digo. Tinutulungan siya ng kanyang ina sa
pag-aaral. Tinutulungan siya ng kanyang ina sa pagbabasa ng libro. Dilaw ang kulay ng
takip ng libro ni Digo. Pati ang kulay ng kama, kumot at punda ng unan. Dilaw din ang
kulay ng kanyang padyama at tsinelas.
Isang araw, nagising si Digo na iba ang pakiramdam. Nagulat siya dahil dilaw
ang kulay ng kanyang mga kamay at paa. Dali-dali siyang bumangon at humarap sa
salamin. Nakita niyang dilaw ang kanyang buong mukha. Dilaw pati ang kanyang
buhok, pilikmata at kilay.
Umiiyak na lumabas sa kanyang silid si Digo. “Nanay! Tatay!” Tinawag niya ang
kanyang ina at ama. Nagulat ang kanyang ina ng makita ang kulay ni Digo.
Yumakap si Digo sa kanyang ina. Biglang naging dilaw ang kanyang ina.
Yumakap din siya sa kanyang ama. Biglang naging dilaw din ang kanyang ama.
Nahinto ang pag-iyak ni Digo, nagtawa siya nang Makita niyang kulay-dilaw na rin ang
kanyang ama at ina. Natawa din kahit nagtataka ang kanyang ama at ina.
Tumakbo nang tumakbo sa loob ng bahay si Digo. Hinawakan niya ang kurtina at
dingding. Naging kulay dilaw ang kurtina at dingding. Hinawakan niya ang mesa at mga
silya. Ilang sandali pa, dilaw na ang lahat ng buong bahay.
Lumabas ng bahay si digo. Hinawakan niya ang mga bulaklak at halaman.
Naging dilaw ang lahat ng mga bulaklak at halaman. May nakita siyang pusa. Hinabol ni
digo ang pusa. Nang mahuli ni Digo naging dilaw ang pusa.
Kumalat ang balita tungkol sa kapangyarihan ni Digo. Pumunta ang maraming
tao sa bahay nina Digo. May mga reporter na kumukuha ng balita at retrato. Pero
walang gustong lumapit kay Digo. Natakot silang maging dilaw. Tuwang-tuwa naman si
Digo dahil sikat na sikat siya.
Pero ng pumasok sa paaralan si Digo, lumalayo ang mga kaibigan niya sa
kanya. Natatakot silang lahat na maging dilaw. Nalungkot ngayon si Digo. Araw-araw,
wala siyang maging kalaro. Lagi siyang nag-iisa sa kanyang silid. “Di pala masaya kung
puro dilaw ang lahat.” Sabi niya sa kanyang ama at ina. Napaiyak sa lungkot si Digo.
Napaiyak din sa awa ang kanyang ina.
Biglang nagising si Digo. “Panaginip lang pala,” sigaw niya. “Mula ngayon, gusto
ko na rin ang ibang kulay. Malungkot din pala kung puro dilaw ang mundo. Kailangan
ang ibang kulay para sumaya ang mundo. At tama si Nanay, masama sa katawan kung
iisang klase lang ang pagkaing kinakain ko. Kailangan ko rin ang ibang pagkain bukod
sa dilaw.
Week 4 Day 3
Alamat ng Daliri
Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang mga daliri natin.Noong
unang panahon magkasasama ang limang daliri ng tao. Dahilan sa isang di inaasahang
pagtatalo ay nagkaroon ng aberya ang grupo.
Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan ni Hinliliit kaya
nagmamakaawa itong lumapit sa Palasingsingan.”Parang awa mo na,gutom na gutom
lang ako.Maaari bang makahingi ng pagkain sa iyo?Ano? Manghihingi ka ng pagkain?
Heto nga at walang-wala rin ako. Paano kita mapagbibigyan sa hinihiling mo?”
“May awa ang Panginoon,”sabi ng Gitnang Daliri.”BIbiyayaan tayo ni Bathala ng
ipangtatawid gutom natin. Ang mababait ay lagi ng pinagpapala Niya. Huwag kayong
mawawalan ng pag-asa. Pero kapatid,giit ng Hintuturo,Paanokung hindi tayo pakinggan
ng Diyos at walang dumating na anumang pagkain? Magugutom tayo at maaaring
manghina at magkasakit at mamatay.”
Huwag ninyong hintaying mamatay kayo. E di ngayon pa lang ay magnakaw na
tayo,sigaw ni Hinlalaki. “Ano ika mo,magnakaw?”galit na tanong ng Palasingsingan.
“Masama iyon kapatid”, protesta ni Hintuturo., ang pagnanakaw ay isang malaking
kasalanang di dapat gawin ninuman. Ang lahat ay nagsisikap mabuhay. Kung
nanakawin mo ang naimpok ng iba, hindi naman ito makatarungan.
“Hindi bale nang mamatay ako sa gutom, huwag lang kumuha ng hindi
akin.”pagmamatigas ni Hinliliit na bagama’t maliit ay may ipinakikipaglabang malaking
prinsipyo sa buhay. Isang krimeng panlipunan ang pagnanakaw,sabi ng Gitnang
Daliri.Hindi lang siguro krimeng panlipunan. Ito ay magiging kasiraan din n gating
angkan na nagsisikap mapanatili ang kalinisan ng pangalan.! Paliwanag ni
Palasingsingan.
“Ano bang angkan at lipunan ang pinagsasabi ninyo! Mamamatay kayo sa
gutom kung hindi tayo magnanakaw. Gumawa na lang tayo ng kabutihan matapos
busugin an gating mga tiyan. Masamang mamatay na dilat ang mga mata sa gutom!”
“Aba! Aba!” giit ng Hintuturo, “Hindi baleng walang laman ang sikmura, huwag
lang parusahan at ipakagat sa mga langgam!”
“O ipaglubluban ang ulo sa ilug-ilugan!” dugtong ni Hinliliit.
“O itali sa puno at painitan sa matinding sikat ng araw!” dagdag ng
Palasingsingan.
“O ipiit sa kulungan at tanggalan ng kalayaan!” diin ni Hinliliit.
“Ano ba naman kayo,” paglilinaw ni Hinlalaki, “ sa simpleng pagnanakaw ay pinahahaba
pa ninyo ang istorya. Talagang mga duwag kayo. Mamamatay na kayo sa gutom ay
wala pa kayong maisip na solusyon sa problema ninyo. Isang malaking katangahan
yan!”
“Kung gusto mong magnakaw, ikaw na lang at huwag mo na kaming idamay!”
sabay-sabay na sagot ng apat na daliri.
Magmula noon, nagsama-sama na ang Hintuturo, ang Gitnang Daliri, ang
Palasingsingan at ang Hinliliit.
Namuhay na mag-isa ang Hinlalaki na lagging kasamaan ang pinupuntahan.
Iyan ang alamat ng mga Daliri.
Week 4 Day 4
Hinlalaki
Sa limang anak ni Inang kamay, Si hintuturo ang panganay. At dahil mahilig magturo
kaya laging guro sa paglalaro.
Kung may hinahanap o naliligaw, Si hintuturo din ang pinagtatanungan.
Si hinlalato naman ang pinakamatangkad kaya sa larong basketbol ay sikat.
Pinakamalakas pa sa supling kaya laging pinakamagaling.
Ang Pustoryosong si palasingsingan, siya naming taga ingat ng yaman. At si bunsong
kalingkingan ang masipag nilang utos-utusan kahit tinutuksong “Hinliliit” bawat butas
nililinis.
Pero itong si hinlalaki ang walang tiyak na silbi kaya salaro ay di kasali at palaging nasa
tabi-tabi.
Dahil punggok at iba ang tabas,Tinutukso pang “Anak sa Labas!” Minsan, ang lakas ni
hinlalato sa pagbubuhat ng poste ay napasubo.
Tumulong ang tatlong magkapatid at naligo na silang apat sa pawis pero ang poste’y di
matinag tinag at talaga yatang pagkabigat-bigat!!
Sumaklolo si hinlalaki…
At biglang gumana ang poste!
Kaya ngayon, sinasabi “walang mabigat na poste pagkatulong si hinlalaki.”
Week 4 Day 2
Nagsasabi na si Patpat
Hindi pa marunong magsabi si Patpat kung kailangan niyang magpunta sa
banyo.
Kaya madalas,nagugulat ang nanay niya kapag nagbabawas siya kung saan
saan.
Hindi naman gusto ni Patpat na mangyari iyon. Ayaw niyang mahirapan sa
paglilinis ang nanay niya. Pero hindi niya talaga maiwasang magbawas kung saan
saan.
Minsan, kahit naglalaro sila ng mga kaibigan niya, bigla nalang mapapahinto si
Patpat. Hindi na siya kikilos, patingin tingin lang siya sa paligid. Hanggang sa mapansin
ng mga kaibigan na dumumi na siya sa salawal niya!
Naiinis si Patpat dahil tinutukso siya ng mga kalaro niya.
Ayaw naman niyang mangyari iyon. Pero hindi niya alam kung paano iyon
maiiwasan.
Kinausap si Patpat ng nanay at tatay niya. Sabi ng nanay niya: “Patpat, mga
pusa tayo kaya hindi tayo dapat mag-ugaling baboy.”
Sabi naman ng tatay niya: “Patpat, pakiramdaman mo kung kailangan mong
magpunta sa banyo. Kapag kailangan mong magpunta sa banyo, magsabi ka agad sa
amin o kahit kaninong nakatatanda sa iyo.
Tinandaan iyon ni Patpat. Kailangan pakiramdaman ang sarili sa lahat ng oras.
Kapag naramdaman nang kailangang magpunta sa banyo, kailangang magsabi
agad.
Minsan, naglalaro sila ng kunwa kunwarian ng biglang naramdaman ni Patpat na
kailangan niyang magpunta sa banyo.
“Tatay, tatay”, sigaw ni Patpat. “Kailangan ko pong magpunta sa banyo!”
Narinig siya ng tataya niya. Mabilis niyang sinamahan si Patpat sa banyo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, dumumi si Patpat sa loob ng banyo.
Ang sarap ng pakiramdam ni Patpat dahil hindi siya nagbawas kung saan saan.
Naramdaman niya kung kailan niya kailangan pumunta sa banyo.Nakarating siya
roon dahil nagsabi siya sa kanyang mga magulang.
Araw-araw, pinakikiramdaman ni Patpat ang sarili.Nagsasabi siya agad kung
kailangan niyang magbawas. Mula noon, hindi na siya tinutukso ng kanyang mga
kalaro.
Week 4 Day 5
Nasaan Ang Tsinelas Ko?
By: Rene O. Villanueva
Kapag nasa loob ng bahay si Tanya, lagi niyang nakakalimutang magsuot ng
tsinelas. Kapag naglalaro siya ng bahay - bahayan, palagi siyang nakapaa. Madalas
tanungin ng tatay niya si Tanya. "Bakit ka nakapaa, Tanya? Nasaan ang tsinelas mo?"
Saka lang maaalala ni Tanya ang mga tsinelas nya. Laging ganoon si Tanya. Lagi
niyang nakakalimutang isuot ang tsinelas niya. Kaya laging marumi ang mga paa niya.
Kahit sa labas ng bahay, kapag nakikipaghabulan siya, hinuhubad din ni Tanya ang
tsinelas niya.
Hanggang sa malimutan niya kung saan niya inilagay ang kanyang tsinelas.
Dahil dito, nagtampo ang mga tsinelas ni Tanya. Isang araw, nagtago ang mga tsinelas
niya. "Nasaan kaya ang mga tsinelas ko"? tanong ni Tanya. Hinanap niya ng hinanap
ang mga tsinelas niya. Napagod na siya sa kakahanap pero talagang mahirap makita
ang mga tsinelas na nagtampo kay Tanya.
Hindi alam ni Tanya na nang mga sandaling iyon, maraming di-nakikitang dumi
at mikrobyo sa sahig ang tuwang-tuwa sa nangyari. "Puwede na nating salakayin ang
mga paa ni Tanya! Mwa-ha-ha!" sabi ng mga dumi at mikrobyo. Masayang-masaya sila
dahil ang mga batang laging nakapaa ay puwedeng-puwede nilang lusubin. Didikit sila
sa mga paa ng mga batang walang tsinelas o sapatos at papasok sa loob ng katawan
ng hindi namamalayan. Dahil dito, maaaring magkasakit ang mga batang hindi
nagsusuot ng tsinelas. "Mwa-ha-ha! Mwa-ha-ha!" sabi ng mga dumi at mikrobyo.
Hindi lang ang mga dumi at mikrobyo ang masaya. Sa labas ng bahay, marami
ring kontrabida ang tuwang-tuwa sa mga batang nakapaa. "Lapit pa! Lapit pa! Ngyakngyak-ngyak!" sabi ng mga bubog at tinik. Masayang-masaya sila dahil ang mga batang
laging nakapaa ay puwede nilang masugatan o matibo. Ngyak-ngyak-ngyak!" sabi ng
mga bubog at tinik. Humingi ng tulong si Tanya para hanapin ang mga tsinelas niya.
Sinabi ng tatay ni Tanya na kailangang laging nakatsinelas ang mga bata para
maligtas ang mga paa sa dumi at mikrobyo at saka sa mga bubog o tinik na nasa
paligid. Mabuti na lang, nakita nila ang mga tsinelas ni Tanya. Isinuot ni Tanya ang mga
tsinelas niya. Tinandaan niya kung bakit kailagang laging magsuot ng tsinelas.
Naghugas ng paa si Tanya. Sinabon niyang mabuti ang mga paa niya. Pagkatapos,
kumuha siya ng malinis na pamunas at pinatuyo ang kanyang mga paa. Mula noon,
hindi na niya nalimutang isuot ang kanyang tsinelas.
Muling naglaro si Tanya. Suot na niya ang mga tsinelas niya. Kaya may
proteksiyon na siya laban sa mga salbaheng dumi at mikrobyo at sa mga pilyong bubog
at tinik. Mula noon, inis na inis ang mga dumi at mikrobyo. Bigong- bigo ang mga bubog
at tinik. Pero tuwang-tuwa naman ang mga paa at tsinelas ni Tanya.
Week 4 Day 1
TULDOK: Ang Pinagmulan ng Buhay
by: Ompong Remigio
Maraming bagay ang nagsisimula sa tuldok, tulad ng bilog na paikot-ikot, at mga guhit
na malilikot. Sa tuldok din nagsimula ang tatsulok na nagging bituin na kumikisap-kisap.
Sa tuldok din nag-umpisa ang mga mata nating kumukurap-kurap.
Ako’y nang galling sa tuldok. Tuldok na binuhay ng aking ama’t ina, dahil mahal nila ang
isa’t isa.
Tuldok na nahati sa dalawa. Tapos sa apat. Tapos sa walo at labingdalawa. Hanggang
sa di ko na mabilang pa.
Tuldok na tumitibok-tibok. May pusong pumipintig. May isip at pandinig. At di nagtagal,
nag-umpisa akong kumislot, umikot at umikot, pumaling at gumiling, sumiksik at
tumiwarik.
Nagsimula akong lumaki. May munti akong mga daliring pabaling-baling. May munti
akong mga balikat na kumikiling-kiling. May munti akong mga pang sumisikad-sikad.
May munti akong bibig na humihikab-hikab.
Nang ako’y lalo pang lumaki, lalo nang nakaiintindi. Nakararamdam ako. Nakaririnig sa
mga awit at bulong ng aking ama’t ina. “O, huwag masyadong malikot at malapit na.”
Sa paglaki ko, ang paligid ko ay sumisikip. Pakiramdam ko, ako ay laging kipkip,
inuugoy-ugoy. Dinuduyan-duyan ng tubig na nandoon sa sinapupunan.
Tahimik at may init na nakagiginhawa ang aking kapaligiran. Walang pangamba.
Walang gambala. Walang masakit kahit pa masikip. Parang kalong-kalong kang langit.
Meme na…Meme na… Kain na… Kain na… Mahal na mahal kita… ang humihimig sa
loob ng sinapupunan. At ako’y na busog, sa arugang kailangan.
Pagkalipas ng siyam na buwan, ang aking paligid ay lalong sumikip. Umipit-ipit.
Pumitpit-pitpit. Walang tigil. Parang gigil na gigil. May tumutulak. May humihila. Saulo’t
balikat at munti kong mga paa.
Ako ay pumiglas. Nagpilit akong umalpas. At umu-haa-uhaa nang makita ko ang labas.
Nakasisilaw. Nakabibingi. Maingay, magulo, nakaririndi. Hinahanap-hanap ko ang
dating sinapupunan.
Ako’y nagambala, nabahala at natakot. Samalat nalang at bumalik ang dating himig at
init nang sabihin ng ina… “Baby… si Mommy, nandito na.”
Naramdaman kong kipkip ako sa dibdib na pumipintig. Parang awit sa pandinig. May
kasamang haplos at himas, yakap at halik. Kiliti at ugoy na pabalik-balik. Tumahan.
Ngumiti. Ako’y natahimik at umidlip. Sa aking panaginip, ako ay tuldok muli na
dinuduyan-duyan sa langit ng sinapupunan.
Week 5 Day 5
Ang Kuya ni Katrina
By: Feny Delos Angeles- Bautista
Ako si Katrina. Limang taon na ako. Mahilig akong magbisikleta mula noong
matuto ako.
Tinuruan ako ni Kuya Miko. Magaling siyang magbisikleta. Magaling din siyang
maglaro ng basketball. Kayang kaya niyang magdribol ng bola.
Marami kaming ginagawa ng kuya ko. Naglalaro kami ng bahay-bahayan. Siya
ang tatay at ako ang nanay. Naglulutu-lutuan kami. Nag-aalaga kami n gaming mga
anak.
Mahilig din kaming gumuhot at magpinta. Binibnigyan kami ni tatay ng mga
lumang papel na sinusulatan namin sa likod. Paborito ni kuya ang gumagawa ng
ibat’ibang hayop. Ako naman, gustung-gusto kong gumuhit ng mga tao, kami ng kuya at
ng mga kaibigan ko.
Sabay kaming pumasok ni kuya sa aming eskuwelahan. Masaya kami roon.
Minsan, nagkikita kami sa palaruan. Kilala ni kuya ang mga kaibigan ko. Kilala ko
din ang mga kaibigan niya.
Nag-aaral magsalita si kuya. Kaya pagkatapos ng klase niya , may speech
therapy pa siya.
Pag-uwi namin sa bahay. Nagkukwentuhan kami tungkol sa mga ginawa namin
sa eskwela.
May alagang bibe si kuya at mga kaklase niya sa kanilang klase.
Nag-aaral naman kami tungkol sa iba’t ibang sasakkyan mga bus, kotse, at trak
na may panghalo ng semento.
Minsan, hindi ko maintindihan ang sinasabi ni kuya. Hindi kasi siya malinaw
magsalita.
Nagalit siya sa akin at umiyak ng umiyak. Pinunit niya ang larawan ng pato na
ipinakikita niya sa akin.
Masama ang loob ko. Tinulungan kami ng nanay sa aming problema.
Sabi ni nanay, “Pasensya ka na, nahihirapan ang kuya mo kapag hindi natin siya
maintindihan”.
“Hindi ba siya nakakarinig? At nag-aaral pa lamang siyang magsalita at gumamit
ng senyas”.
“Kapag hindi natin siya maintindihan, nahihirapan siya. Tayo din nahihirapan
diba?”
Minsan, itinuro niya ang larawan o iginuguhit niya ang gusto niyang sabihin.
Kapag, nahihirapan kaming magkaintindihan ni kuya, humihingi kami ng tulong
kay nanay o kay tatay.
Dahan-dahang magsalita si tatay at nanay para mabasa daw ni kuya ang
kanilang bibig.
Ako rin, dahan dahan kung makipag –usap kay kuya.
Minsan, nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok sa paaralan sa loob ng
maraming araw. Minsan kasama ko si tatay sa bahay minsan si nanay. Si kuya ang
pumapasok sa paaralan.
Isang araw, pag-uwi ni kuya galing eskwela may sopresa siya sa akin. Isang
munting bibe! Nangitlog na pala ang alaga nilang bibe!
Pagkabigay niya sa akin nito, sabi ni kuya, “Kwak! Kwak! Mahal kita Katrina”.
Malinaw na malinaw, sabi sa akin ng kuya ko! At kwak, kwak, kwak, kwak, mahal ko rin
siya.
Week 5 Day 4
Ang Matapang na si Dan
Si Dan ay isang batang paslit.
Isang araw, habang siya ay natutulog sa kanyang kuna. Nagising siya sa narinig
na “TWEET…….TWEET ..TWEET!” ang huni ng dilaw na ibon.
Naghikab si Dan at narinig niya ang “NGIYAWAAW!..NGIYAWWW!
NGIYAWWW” ang iyak ng matabang pusang puti.
Ang batang si Dan ay inaantok pa, pagpikit ng kanyang mga mata ay narinig niya
ang “ ARF!ARF!ARF” ang tahol ng kayumangging aso.
Iginalaw ni Dan ang kanyang mga paa at kamay, narinig niya ang
POT!..POT!...POT! ang tunog ng bisikletang dumaan.
Ang mumunting si Dan ay tuluyan ng nagising. Narinig niya ang tunog nang
mabilis na kotse “BROOM!...BROOM! BROOM!” “ BEEP!...BEEP!...BEEP!.. ang tunog
naman ng makulay na dyip.
“TWEET..TWEET..NGIYAW..NGIYAW..POT-POTPOT…BROOOMMM..BROOOOMM,…BEEP…BEEP…BEEP…ARF..ARF..ARF..”
Kawawang batang Dan. Siya ay umupo at malapit ng umiyak.
Si Nanay ay pumasok sa silid, at nakitang gising na si Dan, “ Kanina ka pa gising
anak?” tanong ng kanyang ina.
Kinuha ni Nanay si Dan sa kuna at niyakap, “ hindi ka umiyak Dan. Ang tapang
mo anak.”
“Ang matapang kong si Dan” wika ng kanyang ina.
Week 5 Day 2
Ang Mukha ni Bitoy
Alam ni Bitoy na umaga na pero wala siyang makita. Hindi rin niya naririnig ang
tunog ng orasan na gumigising sa kanya.
Hindi rin niya maamoy ang masarap na luto ni Nanay.
Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa.
Dahan-dahan niyang itinaas ang dalawa niyang kamay. Hinawakan ang
kanyang mukha. Nagpapadyak siya at nag-iiling. Para bang sinasabi, Nasaan ang
mukha ko? Nasaan ang mga mata ko? Nasaan ang tainga ko? Nasaan ang ilong ko?
Nasaan ang bibig ko?
“Naririto kami,: ang sabay-sabay na wika ng mga bahagi ng mukha. Hindi mo
kami nililinis! Pinababayaan mo kami!
Umiling-iling si Bitoy na para bang sinasabi na “Mula ngayon hindi ko na kayo
pababayaan. Lilinisin ko na kayo.”
Maya-maya pa nagtakbuhan sa mukha ni Bitoy ang dalawang mata, ang
dalawang tainga, ang ilong at ang bibig.
Tuwang-tuwa si Bitoy ng humarap sa salamin.
Nakakakita na siya. Nakakarinig na siya at naamoy na niya ang masarap na
niluluto ni Nanay. Tuloy-tuloy si Bitoy sa banyo, para linisin ang kanyang mukha.
Week 5 Day 1
Bilog na Itlog
by: AL SANTOS
Malungkot na naman si Bilog na itlog ng manok. Tinutukso na naman siya ng mga
kalarong itlog. Sabi ni inahing manok, bilog ang buwan ng isilang siBilog, kaya ibang-iba
ang kaniyang ayos. Hindi matulis ang tuktok. Hindi malaki ang batok. Madalas iparis sa
bola, lobo, at holen si Bilog. Kaya minsan umalis siyang masama ang loob.“Pupunta
ako sa malayong pook,” sabi niyang nagpagulong-gulong at nagpaikot-ikot.Sumisikat na
noon ang araw sa Silangan. Nakitang araw si Bilog sa isang taniman. “Bakit ka
malungkot?” tanong ng araw kay Bilog. “Tinutukso nila ako dahil sa aking ayos.”
“Walang masama sa pagiging bilog,” sabi ng araw. “Masdan mong mabuti ang aking
magiging ayos.” “Bilog! Pareho pala tayong bilog!” tuwang-tuwang sigaw ng itlog.“Oo.
Tulad ng mga planeta sa kalawakan. Tulad ng iyong mundong ginugulungan,” anang
araw. Sa paglaganap ng liwanag ng araw, nagigising ang mga tanim sa paligid ni Bilog.
“Bakit ka malungkot?” tanong ng pakwan sa itlog. “Tinutukso nila ako dahil sa aking
ayos,” sagot ni Bilog. “Ang mga paris namin,” sabing pakwan, “ay lalong tumatamis
kapag namimintog. Kaya walang masama sa pagiging bilog!” Maya-maya’y nag daan
ang gulong ng dyip. “Bakit ka malungkot?” tanong nito sa itlog. “Tinutukso nila ako dahil
sa pagiging bilog,” sagot ni Bilog. “Isipin mo, batang itlog,” sabi ng gulong, “kundi ako
bilog, paano ako aabot sa sasakyan para mapalitan ang gulong na pumutok? Kung
wala ako, may kotse bang haharurot?” Ginabi na sa pag-iisip si Bilog. “Wala naman
yatang masama sa aking ayos. Babalik ako sa mga kapatid ko’t inahing manok!”
Nasalubong ng buwan si Bilog.“Ginabi ka yata sa paglilibot?” bati ng buwan.“Ihahatid
kita sa pag-uwi, batang itlog.”Kahit pagod, masayang nag paikot-ikot si Bilog.
Week 5 Day 3
Si Dilat Si Kindat, Si Kurap at Si Pikit
Sina Dilat,Kindat, Kurap at si Pikit ay nangisda minsan sa sambasong tubig. Ang
sinakyang Bangka ay bakyang bulilit, sagwan ay palito at layag ay punit.
May munting ilawan na bitbit si Dilat. May tatlong pandesal na dala si Kindat. May
espadang bali sa baywang si Kurap, At si Pikit naman ay may buslong butas.
Sumikat ang Buwan at sila’y inusig “Ano’ng hanap Dilat,Kindat,Kurap,Pikit?” Ang sagot
ni Kindat sa masayang tinig “Hahanapin namin ang Talang Marikit.”
Walang ano-ano, dumating ang ulap. Nawala ang buwan, dilim ang
kumalat.“Kindat,Kurap,Pikit!” ang sigaw ni Dilat. At saka binuksan ang ilaw na hawak.
Kaya kahit biglang alon ay pumihit. Sa hanging malakas layag ay napunit. Naligtas ang
Bangka sa batong matulis. Sakay sina Dilat,Kindat,Kurap,Pikit.
Isang Barakuda ang biglang pumusag. Ang palitong sagwan ay pinagngangasab.
Nang muling lumitaw, ang sabing malakas. “Ako ay gutom pa, lagot kayong apat!”
Pero pumagitna si Kindat, mabilis, Inalok ang isda nang buong pang-akit “Pare,
pandesal ko’y masarap nang higit. Kaysa buhay naming mga magkapatid.”
Sa tamis ng alok, Barakuda’y nayag. Tanggapin ang tatlong pandesal ni Kindat.
Pero nang kainin, isda’y nagkakabag. Ang pandesal pala ay puno ng amag!
Lumuhod sa takot si Dilat at Kindat. Nagsuklob si Pikit ng buslo n’yang butas;
Subalit si Kurap,kahit umiiyak. Espada’y hinugot,Pugita’y sinaksak.
Dahil may kalawang kahit walang tulis. Pugita’y natakot sa tetano’t sakit;
Noon din, umurong kahit walang gurlis. Ligtas sina Dilat, Kindat, Kurap,Pikit.
Walang anu-ano, biglang nagliwanag. At ang magkakapatid ay halos mabulag, “Ang
Talang Marikit!” ang sigaw ni Dilat. Pero lahat sila’y hindi makadilat.
Nabulag ang tatlo,maliban kay Pikit..Kaya dahan-dahan, ang Talang Marikit ay kanyang
dinaklot, saka isinilid sa hawak na buslo’t nilagyan ng takip.
Umuwi ang apat na puspos ng galak. Dahil kanila na ang Talang pangarap. Pero
ano’ng lungkot! Pagdaong sa dagat, tala’y nawawala, buslo pala’y butas!
At magmula noon ang magkakapatid. Naghahanap lagi sa Talang Marikit.
Naging mga MATA na ang mga gamit
Dumilat, Kumindat, Kumurap, Pumikit.
Week 6 Day 4
Chubby Chin-Chin
by: Nina Enriquez
Si Chin-Chin ay isang kyut, maganda pero napakatabang bata. Siya ay solong anak
kaya sinusunod ng ama’t ina ang lahat ng gusto niya.
“Gusto kong tsiken!” sabi niya. Sanay na ang ama’t ina ni Chin-Chin sa kapritso niya.
Lagi kasing pritong manok ang gusto niyang kainin.
“Hmm! Ang sarap!” pumapalakpak si Chin-Chin nang makita ang pritong manok. Ilang
sandali pa ay maganang kumain si Chin-Chin.
Mahilig siyang kumain ng pritong manok, hamburger, ispageti, tsokolate, sorbetes at
mga sitsirya. Habang nanonood ng telebisyon ay panay ang kanyang kain.
Minsan ay tumakas pa siya sa ina para bumili ng gustong pagkain. “Pabili pong
dalawang iskup, Manong!” aniya sa suking sorbetero.
Marami ang nakapansin sa patuloy na pagtaba ni Chin-Chin. “Tingnan mo ‘yung bata,
o! Parang anak ng Buddha!” Marami na ang nagtatawa sa kanya pero wala siyang
pakialam.
Ang totoo, kahit matutulog nalang ay kumakain pa si Chin-Chin. Dahil dito ay patuloy
ang kanyang pagtaba.
Nag-aalala na ang nanay ni Chin-Chin. “Gusto ko pa ng tsiken, Inay!” sabi niya “Ang
dami mo nang kinain. Tama na,” tugon ng ina.
Kapag hindi napagbigyan sa gusto ay iiyak si Chin-Chin. Magdadabog din siya.
Dismayado na ang nanay niya pero wala naming magawa.
Nag-usap ang nanay at tatay ni Chin-Chin. “Ang mabuti pa ay huwag nating ibigay ang
gusto niya. Kapag na gutom ay tiyak namang kakain siya,” suhestiyon ng ama.
Buong araw na umiyak si Chin-Chin. Hindi rin siya kumain. Naawa sa kanya ang ama at
ina. Ibinigay rin sa kanya ang hinihinging ispageti at hamburger.
Patuloy ang pagtaba ni Chin-Chin. Halos hindi na siya makatayo sa katabaan. Lagi na
lang siyang nakaupo at panay lang ang kanyang kain.
Dahil sa sobrang taba, tinukso siyang Taba-Chin-Chin ng mga bata. “Uy, si Taba-Chin
Chin, nakatingin sa atin!” sabi ng isang bata.“Mataba! Mataba! ” panunukso nila.
Nalulungkot din naman si Chin-Chin. Gusto rin naman kasi niyang makipaglaro sa
kapwa niya bata. Kaso ay ni hindi siya makalakad sa katabaan.
Ang naging libangan ni Chin-Chin ay ang pagkain. Lahat na lang yata ay kinain na niya.
Kaya naman, patuloy siyang tumaba ng tumaba.
Isang umaga ay nagising si Chin-Chin na masama ang pakiramadam. Nagsisikip
ang dibdib niya. Hirap na hirap siya sa paghinga.
Alalang-alala ang nanay at tatay ni Chin-Chin. Hindi nila alam kung ano ang gagawin.
“Dalhin na natin siya sa doctor!” sabi ng ina.
Hindi kayang buhatin ng tatay niya si Chin-Chin. Sobrang bigat kasi niya. Humingi ng
tulong sa kanilang mga kapitbahay ang ama.
Agad na binigyan ng paunang lunas ng mga doctor si Chin-Chin. Nilagyan siyang
oxygen mask para makahinga nang maayos.
Kinakailangang manatili si Chin-Chin sa ospital. Natuklasan ng doctor na dahil sa sobra
niyang taba ay nahihirapan sa pagbomba ng dugo ang kanyang puso.
Ang sabi ng doktor, dapat magpababa ng timbang si Chin-Chin. Dapat ding baguhin
niya ang nakaugalian niyang pagkain. Hindi raw mabuti iyon sa kalusugan niya, anang
doktor.
Nagsisisi Chin-Chin dahil sumuway siya sa tatay at nanay niya. Nang gumaling ay
kumain na siya ng wastong pagkain. Nag-ehersisyo din siya para bumaba ang timbang
at sumigla ang katawan.
Week 6 Day 3
Gusto ko nang Pansit
by: Rene O. Villanueva
Tuwing kakain sina Diding, tinitiyak ng nanay at tatay niya na masustansya ang
kanilang pagkain. May gulay at prutas, may isda at kanin. At may katas ng sariwang
prutas para sa inumin. Laging maganang kumain si Diding, Pero isang araw, nang
maghain ng pansit ang nanay ni Diding ,ayaw na niyang kumain ng ibang pagkain.
“Pansit!Pansit! Mahahabang pansit. Ikot-ikot sa tinidor. Dugtong-dugtong, di maputol.
Pansit! Pansit! Gusto kong pansit! Araw-araw akong kakain ng pansit. ‘Yon ang sabi ni
Diding at ganoon nga ang kanyang ginawa. Humihingi siyang pansit sa umaga, sa
tanghali, sa gabi, pati sa meryenda. Kahit ano ang ihain ng nanay niya, pansit lang
talaga ang gusto niya! Pero isang araw, nag bagong hilig si Diding. Longganisa naman
ang na gustuhan niya.“Mataba, mahaba at mapula. O kay sarap- sarap ng longgganisa.
Paborito ko sa umaga, tanghali o gabi. Kahit sa meryenda, gusto ko’y longganisa!”
‘Yon ang sabi ni Diding, at puro longganisa ang kanyang kinain. Kahit alukin siya ng
gulay ng kanyang Tatay. Kahit alukin siyang isdang kanyang Nanay. Longganisa lang
ang gusto niyang tunay. Minsa’y nag-uwing siopao ang kanyang Tatay. Mula noo’y puro
siopao ang hinahanap ni Diding. “Siopao ang gusto ko sa almusal. Siopao din sa
tanghalian. Kahit sa hapunan, gusto ko’y siopao. Pati baon ko, puwede po bang
siopao?” ‘Yon ang sabi ni Diding at puro siopao lang ang kanyang gustong kainin. Pero
hindi tama ang gayon, di ba? Kung ano ang nakahain, ‘yon ang dapat kainin. At ganon
ang sinabi ng Nanay at Tatay niya kay Diding. Pinatulong nila si Diding sa paghahanda
ng pagkain. Nalaman ni Diding na pinag-iisipan palang mabuti ng Nanay at Tatay niya
kung ano ang kakainin nila. “Kailangan, iba-iba,” sabi ng Tatay niya. “Kailangan,
masustansiya ,” sabi ng Nanay niya. Nalaman din ni Diding na pinaghihirapan nila ang
paghahanda ng pagkain nila. Kaya kapag hindi kinakain ni Diding ang pagkaing
nakahanda sa mesa, nasasayang ang pagod ng Nanay at Tatay niya. Hindi rin sapat
ang sustansiyang nakukuha niya para maging malakas at masigla. Mula noon, hindi na
mapili sa pagkain si Diding. Kung ano ang nakahain, ‘yon ang kanyang kinakain.
Sinasabi rin niya ‘yon sa bunso nila. Pero ang sabi nito: “Pansit! Pansit! Pansit ang
gusto ko!” Matagal pa siguro bago matuto ang bunsong kapatid ni Diding. Kailangan
pang ipaliwanag nang ipaliwanag ni Diding na hindi maaaring puro pansit ang kainin
araw-araw.
Week 6 Day 5
Papel de Liha
By: Ma. Corazon Remigio
Ang nanay ko ang linis - linis. Pag may duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon. Pag
may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon. Pag may sebo sa kawali, kaskas dito,
kaskas doon. Dadako siya sa sala at mag - aayos. Pag may diyaryong nakakalat, ligpit
dito, ligpit doon. Pag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon. pag may
maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon. Papasok siya sa kusina at magbubusisi.
Pag may ulam na malamig, salang dito, salang doon. Pag may isdang sariwa, sigang
dito, sigang doon. Pag may kalang tabingi, kalang dito, kalang doon.
Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit. Pag may sintas na maluwag,
tali rito, tali roon. Pag may tastas na laylayan, tahi rito, tahi roon. Pag may butas na
pundilyo, tagpi rito, tagpi roon. Gagawi siya sa paliguan at mag - uusisa. Pag may ihi na
nakita, buhos dito, buhos doon. Pag may dumi na naiwan o sumingit, buhos dito, buhos
doon. Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan. Pag may dahong naglaglagan, walis
dito, walis doon. Pag may ipot ng ibon, palis dito, palis doon. Pag may uod na naipon,
alis dito, alis doon. Yan si Nanay. Ang linis - linis. Maghapon at magdamag, kiskis kuskos, higpit - ligpit, salang - sigang, tali - tagpi, walis - palis.
Isang araw, dumating si Tita Maring. Ang sabi niya: "Ano ba naman, Milagring!
Kaskas - kiskis - kuskos ka nang kaskas - kiskis - kuskos kaya kumapal at gumaspang
ang mga palad mo. Parang papel de liha na pang - isis. Hinay - hinay ka lang at
magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo." Hindi na
hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay? Bakit? Ano ba ang papel de liha?
Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko.
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha. Magaspang ito.
Mahapdi sa balat. Gasgas ang kahoy sa isang kaskas. Nisnis ang damit sa isang isis.
Ganito nga ba kagaspang ang mga kamay ni Nanay?
Minsan nilagnat ako at napilitang mahiga. Si Nanay, tumabi sa akin. Nang
tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon. Nang sumama ang pakiramdam ko,
lunas dito, lunas doon. Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon. Pero
bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay? Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang
humimas at humaplos siya sa akin? Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay.
Mali si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.
Noong magaling na ako, nakita ko naman si Nanay na umiikot ng bahay. Pag
hindi pantay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon. Pag may palay sa bigas, tahip
dito, tahip doon. Pag may laruang nakakalat, kipkip dito, kipkip doon. Pag nabukulan
ako, kapkap dito, kapkap doon. Pag may ligaw na kuting, kupkop dito, kupkop doon.
Noong nakita kong magkahawak - kamay sina Nanay at Tatay. Ang sarap tingnan. Mali
talaga si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay. Hindi papel de lihang
isis dito, isis doon. Kiskis dito, kiskis doon. Kaskas dito, kaskas doon. Pero di ko pa rin
natiis na tanungin si Nanay kung bakit nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga
palad niya. "Anak, makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil sa katatrabaho,"
ang sabi niya. Inisip ko, pinalambot ng magagaspang na kamay ni Nanay ang unan sa
ulo ko. Ang manok na nilaga . . . ang kutson sa upuan . . . ang mga medyas at kamiseta
ni Tatay . . . ang lupang batuhan . . . pati lumang pandesal lumambot din. Pumunta ako
kay Nanay at humawak sa mga kamay niya. Pakiramdam ko, kahit kailan, ayaw ko
nang bumitiw pa.
Week 6 Day 2
Pinocchio
Noong unang panahon may isang matandang manlililok ang nakatira sa
payapang bayan ng Leyos. Napakahusay ng kanyang kamay kaya dinarayo siya ng
mga tao. Popular ang matanda sa kanilang lugar kaya madaling ipagtanong kung
nasaan ang talyer niya.
Si Tandang Geppetto ay eksperto sa paglilok ng mga laruan,dekorasyong
pambahay at maging mga kasangkapan. Mabait siya at magiliw sa mga bata. Madalas
ay pinanonood siya ng mga ito habang nagtatrabaho lalo na si Chezka. “Basta’t
magpapakabait kayo ay may regalo kayo sa akin.” Sabi niya sa mga bata.”Yeheeey!
bulalas ng mga ito.
Mahilig si Tandang Geppetto sa mga bata. Natutuwa siya kapag masaya ang
mga ito. Gusto rin sana niyang magkaaanak ngunit matanda na siya. Madalas tuloy,
bago matulog ay nauusal niya,” Sana’y may anak rin ako.”
Minsan, habang gumagawa ng laruan ay may naisip na ideya si Tandang
Geppetto. Nagsara siya ng pagawaan pero araw at gabi ay mapapansing nakabukas
ang ilaw noon at halatang mayroon siyang nilalamay,”Nasisiraan na yata ng ulo si
Tandang Geppetto,” sabi ng isang kapitbahay.”Kawawa naman.Wala pa naman siyang
pamilya”. Sabi ng isa pa.
Akala ni Tandang Geppetto ay pinaghimalaan siya. Napaiyak siya sa
tuwa.”Tatawagin kitang Pinocchio,”sabi nito sa puppet saka niyakap itong
mahigpit.Ipinakilala ng matanda si Pinocchio sa mga batang pumupunta sa
pagawaan.Ipinakilala rin niya ito sa kanyang mga kostumer.”Anak ko siya!” buong
pagmamalaki niyang sabi.
Naging magkaibigan sina Pinocchio at Chezka. Kapag hindi tinutulungan si
Tandang Geppetto sa mga gawain nito ay nakikipaglaro siya sa mga batang
babae.”Sabay tayong pumasok sa eskwela ha?” minsan sabi sa kanya ni Chezka.
Narinig iyon ni Tandang Geppetto. Naisip niyang dapat na ngang pumasok sa eskwela
si Pinocchio.
Nagkaroon ng bagong mga kaibigan si Pinocchio sina Ledon at Mido ay
parehong makulit at gumagawa ng gulo.”Iwasan mo ang mga iyon”,sabi ni
Chezka.”Puro kalokohan ang ituturo sa iyo ng mga iyon.”
Tama si Chezka.Dahil kina Mido at Ledon ay natutong lumiban sa klase si
Pinocchio.Kung saan- saan siya isinasama ng mga ito- sa bilyaran, sa sugalan, sa
perya. Isang araw ay natuto na rin siyang humitit ng sigarilyo.
Sinumbong ni Chezka ang mga ginagawa ni Pinocchio kay Tandang Geppetto.
Hinintay siyang dumating nito at tinanong kung san galing.” Gumawa po kami ni Chezka
ng project”,sabi nito. Ngunit habang siya ay nagsisinungaling ay humahaba din ang
kanyang ilong.
“Hindi po ako nagsisinungaling!” sabi ni Pinocchio na nakadarama na ng takot sa
walang tigil na paghaba ng ilong.Noon biglang lumabas ang engkantada. Seryoso ang
anyo nito.”Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa iyo noon?” tanong ng engkantada.
Tumango si Pinocchio. Hiyang-hiya siya.
Inutusan ng engkantada si Pinnochio na sabihin ang totoo.”Sumama po ako kina
Mido at Ledon.”amin niya. Unti-unting bumalik sa dati ang kanyang ilong.”Hindi nap o
ako uulit, Ama!”naiiyak niyang hingi ng tawad kay tandang Geppetto.”Patatawarin kita
ngunit hwag ka na uling magsisinungaling,”anang matanda.
Tinupad ni Pinocchio ang kanyang pangako. Iniwasan niya sina Mido at Ledon at
nag-aral na siyang mabuti. Gusto niyang patunayan kina tandang Geppetto at
engkantada na nagbago na siya at mapagkakatiwalaan.
Isang gabi,pinasok ng tatlong magnanakaw ang pagawaan. Itinali ng mga ito si
Tandang Geppetto habang hinahakot ang lahat ng gamit sa pagawaan. Patalilis na
tumakas si Pinocchio ng mapansin siya ng isang magnanakaw.”Hoy! Tigil!sabi nito sa
kanya. Hindi siya tumigil.Binilisan pa nito ang takbo. Inasinta sya ng
magnanakaw.Naramdaman niya ang pagbutas ng kanyang katawan. Tumagos ang
bala ng baril sa tagiliran niya,sa binti,sa bisig pero mabilis pa rin siyang
tumakbo.”Saklolo!Saklolo!”, ang sigaw niya nang marating ang bahayan. Naligtas si
Tandang Geppetto sa kamay ng mga magnanakaw. At dahil sa kadakilaang ipinamalas
ni Pinocchio ay ginantimpalaan siya ng engkantada. Matapos ayusin ni Tandang
Geppetto ang mga bahagi ng katawan niyang tinamaan ng bala,naging totoong bata na
siya.
Week 6 Day 1
Si Roy at ang Pabango ni Nanay
Masipag na bata si Roy. Kahit wala si Nanay. Masaya siyang gumagawa ng gawaingbahay.
Sa di inaasahang pangyayari natabig ni Roy ang mesa. Nasa ibabaw ng mesa
ang plastic na lalagyan ng mamahaling pabango ni Nanay. Napansin niya kanina na
bukas iyon. Nalimutan ni Nanay na takpan iyon.
Kinabahan siya, “Matatapon ang pabango ni Nanay”, ang bulong niya sa sarili.
Dali-daling inangat ni Roy ang kanyang mga binti at gumawa ng malaking
hakbang. Pilit niyang hinabol ang pagbagsak ng lalagyang plastic. Umupo siya sa sahig
at padausdos na hinabol ang lalagyan sabay taas ng dalawang kamay.
Swak! Bagsak ang lalagyan sa magkasalukob na kamay ni Roy.
Nakahinga ng maluwag si Roy.
Kinuha niya ang takip ng lalagyan at maingat na inilagay muli sa mesa.
Week 7 Day 2
Alamat ng Ampalaya
By: Augie D. Rivera
Noong araw, sa bayan ng Sariwa, naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito
makikitang naghahabulan sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang,
Sibuyas, Upo, at Patola. Nagtataguan sina Singkamas, Talong , at Luya, habang
nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y siAmpalaya. Maputlangmaputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga! Dahil dito,
unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging
bugnutin siya at mainitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay
binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin! Hindi ko kayo kailangan! Layas!
"Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa.
Isang maalinsangang gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya.
"Kailangang magkaroon din akong lasa, kulay, at ganda tulad ng ibang mga gulay!"
bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni
Ampalaya ang kaniyang balak.
Dahan-dahan, gumapang siya papalapit sa mga balag ng mga walang kamalay-malay
na biktima. Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid niya sa isang bayong ang
asim ni Kamatis, patina ang anghang ni Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana
ang kaputian ni Labanos. Agad niya itong kinuha. Sinaklot din niya ang lilang balat ni
Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang
malasutlang kutis ni Kamatis, at maging ang gaspang ni Patola. "Ha! Ha! Ha! Ha!
SaWakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiing-gitan ako
ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
Kinabukasan, umalingaw –ngaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipontipon ang lahat ng gulay. Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang
isang di-inaasahang bisita, isang dayuhang gulay. Ibat-iba ang kulay ng balat niya at
kaya pa niyang mag iba-ibang lasa! Kahanga-hangang gulay talaga! Ngunit para kay
Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang
mga kasamahang gulay at sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang
hinuhubad ang mga lasa, kulay, at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang
tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay, ang bugnuting si Ampalaya!
Isinakdal sa harap ng kalunti-luntiang, kasari-sariwaan, kasusta-sustansiyang hukuman
ng mga gulay si Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng
Sariwa. Naroon din bilang hukom ang mga diwatang Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.
"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at gandang
Kalikasan!" sigaw ng diwatang Araw. "Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas
ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng diwata sa Lupa. "A-Ampalaya, ikaw
ay parurusahan . . ." hikab ng diwatangTubig. "Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong
lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay mapapasaiyo na," ugong ng
diwatang Hangin.
"Parusa ba iyon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwata na ibabalik nila ang mga lasa, kulay,
at ganda ng mga gulay na ninakaw ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagilagilalas na nangyari kay Ampalaya. Nag-away ang lahat ng lasa, kulay, at gandang
ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang magsuntukan ang puti, luntian,
lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat. Nang
magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang
magsigawan ang tamis, asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.
Mula noon, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat
niya. At naging mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya,
marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong
pinggan, subukan n'yo siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.
Week 7 Day 5
Ang Lihim ni Kokoy Unggoy
Ito si Kokoy Unggoy. Mabait at matalino. Lagi siyang nangunguna sa klase.
Paborito siya ng guro at mga kaklase.
Ang asong s iDober lang ang inis kay Kokoy. “Tsamba lang kaya mataas ang marka
niya!” pang-aasar ni Dober. “Tama na iyan, Dober. Maupo kana,” saway ni Gng. Porky.
Anang guro ay mag aral na mabuti s iDober para matalo s iKokoy. Humingi ng payo si
Dober kay Bobowaya.“Simple lang ‘yan. Alamin mo ang sikreto kung bakit matalino si
Kokoy,” anang buwaya.
Nang gabing iyon ay palihim na nagpunta si Dober sa bahay nina Kokoy. Determinado
siyang malaman ang dahilan ng katalinuhan ng kaklase.
Hindi nainip si Dober. Nakita niya si Kokoy na may dalang isang piling ng hinog na mga
saging. “Aha! Saging pala ang sikreto niya!” bulalas niya.
Inilagay ni Kokoy ang saging sa mesa. Pagkatapos ay iniabot niya ang kanyang bag at
may kinuha. Nagulat siya ng paglingon ay wala na ang saging.
Gabi-gabi ay ninanakaw at kinakain ni Dober ang saging ni Kokoy. “Siguradong
matatalo ko na si Kokoy,” pagyayabang ni Dober kay Bobowaya sa araw ng kanilang
pagsusulit.
Nagyabang din si Dober kay Gng. Porky na mangunguna siya sa eksamin. “Talaga?
Okey iyan, a,” ang wika ng guro.Tumahimik na ang klase nang magsimula ang
mahabang pagsusulit.
Gayon nalang ang gulat ni Dober ng lumabas ang resulta ng eksamin. Si Kokoy pa rin
ang nanguna sa klase nila.“Papaanong nangyari ‘yon? Ninakaw ko na ang saging na
pampatalino mo, a!” sabi ni Dober.
“Hindi naman saging ang nagpapatalino sa akin. Gabi-gabi akong nagbabasa ng ating
mga aralin para maging handa ako sa pagsusulit,” ang pakli ni Kokoy. Sa inis ay si
Bobowaya ang binalingan ni Dober.
“Ang akala ko pa naman ay tataas na ang marka ko,” inis na wika ni Dober. “Ang
kailangan mo ay mag-aral na mabuti. Iyon ang sikreto para manguna sa klase,” payo ni
Kokoy kay Dober.
“Pagbubutihin ko na ang pag-aaral mula ngayon,” pangako ni Dober sa guro at mga
kaklase. Humingi rin siya ng tawad kay Kokoy sa ginawa niya rito. Pinatawad naman
siya ni Kokoy at nagging magkaibigan sila.
Week 7 Day 4
Ayoko Na
Anim na taong gulang si Roy. Nag-aaral siya sa paaralang malapit sa kanyang
bahay.
May ugaling hindi maganda si Roy. Ayaw na ayaw niya ang malinis na katawan.
Bihira siyang maligo. Palaging marumi ang kanyang damit. Mahilig siyang maglaro sa
putikan. Madalas din siyang nakakatulog na hindi nagsisipilyo ng ngipin.
Isang gabi, nagising na umiiyak at sumisigaw si Roy.
“Ayoko na, tama na. Maawa kayo sa akin. Hindi! Hindi na ako uulit. Mula ngayon,
maglilinis na ako ng katawan!”
Kaya pala ganoon, may masamang panaginip si Roy. Nanaginip siyang
hinahabol at pinapalo siya ng malaking sipilyo.
Binubuhusan siya ng tubig ng malaking timba.
Mga Tanong:
1. Ano ang ayaw ni Roy? Pareho ba kayo ng ayaw?
2. Anu-ano ang mga gusto mong pagkain? Ano naman ang mga ayaw mo?
3. Ano ang mga gusto mong laruan? Ano naman ang mga ayaw mo?
Week 7 Day 1
Haring Midas at ang Ginintuang Haplos
by: Alfred Nolasco
Minsan ay namasyal si King Midas sa hardin ng palasyo. Nagulat siya ng makakita ng
isang matandang lalaking natutulog sa ilalim ng puno. Kung tulad ng iba ay kagagalitan
ni Haring Midas ang matanda.
Sa halip, pinasamahan pa siya nito sa mga kawal para makauwi.Ang matanda pala ay
isang engkantada. Nang mapatunayan nitong mabait si Haring Midas ay binigyan niya
ito ng isang kahilingan. Hiniling ng hari na maging ginto ang bawat hawakan niya.
Sinubukan ni Haring Midas kung magkakatotoo ang kahilingan.
Tuwang-tuwa siya nang maging ginto ang hinawakan niyang bulaklak.Isang estatwa
ang hinawakan ng hari.“ Naging ginto rin,” masaya niyang sambit. Kung anu-ano pa
ang hinawakan niya na pawang naging mga ginto.
Makaraan ang ilang sandali ay napagod ang hari.Pumasok siya ng
palasyo.Nagpahanda siya ng pagkain. Gayon na lang ang pagkadismaya ni Haring
Midas. Naging ginto kasi ang bawat pagkaing hawakan niya.
Napatingin siya sa may pinto nang may marinig na tinig. “Papa!.” Tawag ni Prinsesa
Armida, ang kaisa-isa niyang anak. Biglang nanlaki ang ulo ni Haring Midas. Iniwasan
niya ang kanyang anak pero biglang yumakap sa kanya ang prinsesa.
Hindi malaman ni Haring Midas ang gagawin. Sa huli ay naisip niyang hanapin ang
engkantada sa hardin ng palasyo. Nagmakaawa si Haring Midas sa engkantada. Ibig
niyang alisin nito ang ipinagkaloob na kahilingan. Naawa sa kanya ang engkantada.
Naiyak sa pasasalamat si Haring Midas nang magbalik sa dati ang lahat. Natuklasan
niyang hindi mabuti ang maghangad ng sobrang yaman.
Week 7 Day 3
Ang Prinsesa At Ang Gisantes
Edited by:Bob Williams
Sa sandaling unang panahon doon nanirahan ang isang gwapong prinsipe na
naghahanap ng mapapangasawa. Pero hindi ito madali para sa kanya, kasi gusto
nyang makasiguro sa kaibuturan ng puso nya na totoong prinsesa ang mapangasawa
nya!
Maraming Prinsesa ang nakadaupang palad ng prinsipe na mula sa mabubuting
pamilya, pero paano kaya siya makakasiguro na totoong prinsesa ang mga ito?
Kailangan niyang gumawa ng paraan para makasiguro sya na ang babae ay isang
tunay na prinsesa. Hindi siya puwede magpakasal kahit kanino hanggat hindi niya
ginagawa ito.
Isang gabi merong matinding bagyo na may kasamang kulog at kidlat at
malakas na malakas na ulan. Katatapos lang maghapunan ng Reyna at ng Prinsipe ng
may marinig silang kumakatok sa pinto.
Binuksan ng Prinsipe ang pinto at siya ay nagulat sa nakita niya may magandang
babae na nakatayo sa pinto natulala siya sa taglay nitong ganda, hanggang sabihin ng
Reyna na patuluyin ang panauhin sa loob dahil malakas ang ulan sa labas.
Nakita ng Reyna kung gaano kaganda ang kanilang panauhin, kahit pa basang
basa ang babae mula ulo hanggang sa kanyang sapatos. Binigyan ng balabal ng
Prinsipe at siya ‘y tinanong ng Reyna kung sino siya.
Sumagot ang babae sinabing siya ay dating Prinsesa, subalit namatay na ang
mga magulang niya sa paglalakbay sa karagatan nung siya ay bata pa. Naging
interesado ang Reyna kaya inimbitahan siyang doon na magpalipas ng gabi sa kanila.
Masayang masaya ang Reyna sa naiisip niya para malaman niya kung tunay
ngang Prinsesa ang babae.Para ang kanyang anak na Prinsipe ay hindi na magtatagal
ang paghihintay na makapagasawa.
Sa wakas nakaisip din siya ng paraan.Sinabihan niya ang mga kasambahay na alisin
lahat ng kutson ng kama at inilagay niya ang isang maliit na gisantes sa kama.
Nagpahanap ang Reyna ng dalawampung kutson at ipinalagay niya ito sa kama.
Sabi ng Reyna sa babae mga mahahalagang panauhin lang ang nahihiga sa
kamaganun katas..Naisio ng babae kakaiba ang kamang iyon. Dahil siya ay masunurin
nagpasalamat na lang siya ng marami sa Reyna dahil sa kabaitan nito sa kanya.
Nang sila ay nagaalmusal Tinanong siya ng Reyna kung siya ba ay nakatulog ng
mahimbing .Kinukusut ng babae ang kanyang mata na halatang puyat at di nakatulog
bago siya sumagot.
Pasensiya na po kayo kamahalan pero ngayon lang po ako di nakatulog na maayos
sagot nito.” Pakiramdam ko po nakahiga ako sa batuhan!”
Muli humingi ng paumanhin ang dalaga sa Reyna, sinabi niya kung paano siya
pabiling biling lang sa higaan sa buong gabi. Pagod na pagod siya sa bagyo pero ni
hindi niya magawang kumurap sa pagkakahiga sa kamang iyon.,
Isang pangit na gabi ang nangyari. Kinusot niyang muli ang kanyang mga mata
at naghikab na tinakpan ang bibig ng kanyang kamay na antok na antok.
Hindi maintindihan ng babae kung bakit nakangiti sa kanya ang Reyna habang
sinasabi niya na hindi siya nakatulog ng gabing iyon.
Ngunit masaya ang Reyna kasi nakakasiguro siya na isang tunay na prinsesa
ang dalaga ang makakaramdam ng isang maliit na gisantes sa ilalim ng kama?
Sa tulong ng kanyang ina sa wakas natagpuan ng Prinsipe ang kanyang tunay na
Prinsesa! Sila’y ikinasal.. Sisiguruhin ng Reyna na wala ng maiiwan na gisantes sa
kama ng Prinsesa
Week 8 Day 5
AHA! May Allergy Ka Pala!
by: Luis P. Gatmaitan, M.D.
Minsan isang taon, nagpupunta ang buong angkan nina Lolo Bayani at Lola Ada sa
isang lugar para sa kanilang family reunion. Ngayong taong ito, sa isang beach resort
sa Batangas nagyaya si Lola Ada. Excited ang magpipinsang Joshua, KC, Patrick,
Tricia at Julia. Noon lamang sila ulit magkakasama nang matagal-tagal.Sa iba-ibang
lugar kasi sila nakatira. Ang magkapatid na Joshua at KC ay balikbayan mula sa
Amerika. Ang magkapatid naman Patrick at Tricia ay taga Nueva Ecija. Si Julia naman,
na nag-iisang anak, ay nakatira sa Maynila.
At tuwing nagre-reunion sila, may kanya-kanyang dalang pagkain ang bawat pamilya.
“Potlock ang tawag nila sa ganitong handaan, apo,” sabi ni Lola Ada.
Nagtataka kasi si Julia kung bakit dalawang klaseng ulam lang ang dala nila.
“May dalang pagkain ang bawat pamilya para ipatikim sa iba.Pagsasaluhan natin ang
lahat ng dalang pagkain. Pero higit sa pagkain, ang higit na mahalaga ay kakain tayong
sama-sama!.
“Yehey!Parang piknik!”
“Tama. Ang Tita Leah mo, may dalang kare-kare at fried chicken. Ang Tita Tessie mo
naman, naglalakihang alimango at mapipintog na sugpo ang dala. Ang mommy mo,
macaroni salad at spaghetti ang dala.”
“E di marami rin po tayong handa?”
“Aba, kapag pinagsama-sama lahat yun, marami talaga! Takot ka yatang magutom, apo
ah!” biro ni Lolo Bayani na tumutulong din sa paghahanda.
Sa beach resort, habang nagkakasayahan ang lahat, abalang-abala naman sa pagiihaw ng barbeque at porkchop si Tito Bong. Kay Tito Bill napunta ang pagbabalat ng
pinya at paghiwa ng pakwan.Si Daddy Dexter naman ang masigasig magbukas ng
buko.
Maya-maya pa ay nakahanda na ang lahat ng pagkain sa isang mahabang-mahabang
dulang.
“Kainan na!” tawag ni Tita Tessie sa mga bata.
“Mga apo, ahon na kayo! Huwag paghintayin ang pagkain! Parine na!” segunda ni Lola
Ada.
Ilang saglit pa at nakapila na sila sa nakahandang pagkain. “O, puwedeng bumalik ulit
kapag gusto pa,” paalala ni Tita Tessie.
Siyempre pa, nagsama-sama sa isang sulok ang magkakaedad. At dahil halos
kasinggulang ni Julia sina Patrick at Tricia, yun ang naging kagrupo niya.
“Wow, ang lalaki naman ng mga hipon! Ang sarap siguro niyan!” sabi ni Julia.
“Sugpo ang tawag diyan,” hirit naman ni KC.
Tinikman nilang lahat ang mga pagkaing inihanda sa potluck. Makalipas ang 30 minuto,
may kakaibang naramdaman si Julia. Parang nag-iinit ang pakiramdam ng kanyang
mukha.Parang nagsisimulang magpantal at mangati ang kanyang balat.
“O, Julia, okay ka lang ba? Ang pula-pula mo ah! Pansin ni Joshua.
“Di ko alam eh. Nangangati na nga ako!”
Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Julia nang banggitin ni KC na baka may allergy ito
sa mga kinaing ulam.
“Sabihin natin sa mga tito at tita agad, dali!” payo ni Tricia.
Natigil ang pagkain ng lahat. Nagmamadaling dinaluhan nina Daddy Dexter at Mommy
Mavee si Julia. Mabuti na lamang at laging may dalang gamot si Tita Leah na isang
nurse. Kinuha nito sa bag ang isang maliit na tablet kontra-allergy.
“O, Julia, inumin mo ito agad…” sabay abot ni Tita Leah ng isang baso ng tubig.
Makalipas ang 15 minuto, muling bumalik sa dati ang hitsura ni Julia. Kung kanina’y
kasingkulay ng kanyang balat ang mapupulang alimango, ngayo’y maayos na ulit.
Parang himala! Parang walang nangyari!
“Wow, ang galing po ng gamot na ipinainom ninyo sa kanya!”
“Pangontra yun sa allergy, Joshua,” paliwanag ni Tita Leah.
“E, saan po may allergy si Julia?”
“Mukhang sa hipon. Mas maraming tao ang nagkaka-allergy sa hipon, pusit at
alimango,” dagdag pa ni Tita Leah.
Matapos kumain ng pakwan at humigop ng buko juice, muling nagbalikan sa
dalampasigan ang mga bata. Nagsimulang gumawa ng sand castles sina KC, Tricia at
Julia. Nag-swimming naman ulit sina Joshua at Patrick.
“Mga bata, magdagdag kayo ng sunblock! Mahirap magka-sunburn!” dagdag pang
paalala ni Tita Tessie.
Malapit ng lumubog ang araw sa beach pero nakababad pa rin sa tubig ang
magpipinsan. Muling napag-usapan ang nangyaring allergy kay Julia.
“O, paano Julia, dapat ay huwag ka munang kakain ng hipon…” bilin ni Patrick.
“Oo nga, natakot kami kanina para sa iyo…” sabi naman ni Tricia. “Mas mapula ka pa
sa alimango!”
Naikwento na rin tuloy ni Joshua ang nangyari noong minsang nagbubuklat sila ng
lumang magasin ng kanyang Tita Yna.
“May project kasi kami sa iskul noon. Tapos, ginugupit naminni Tita Yna ang ilang
pictures sa magasin para sa scrap book. Tapos, biglang bumahing ako ng bumahing!
Sunod-sunod!”
“Siguro, puro alikabok na ‘yung magasin!” sabad ni Tricia.
“Oo nga. Sabi mo, luma na ‘yung mga magasin. Naipon na ang mga alikabok dun!”
paliwanag ni Julia.
“At hindi lang ako bumahing! Parang sinipon ako at nagluha-luha rin ang mata ko.
Sabay nga kaming bahing ng bahing ni Tita Yna.”
“Naku, allergic ka pala sa alikabok!” dagdag pa ni Julia.
“May ipinainom ding tablet si Tita Yna sa akin, tapos okay na kami. Biglang nawala
yung parang sipon na tulo lang nang tulo. Natigil rin ang pagluluha ng mata ko.”
Kahit nakahiga na sila sa loob ng inuupahang kuwarto sa resort, tungkol pa rin sa
allergy ang pinag-uusapan nila. Doon naikuwento ni Tricia ang nangyari sa kanya
noong minsang sumakit ang kanyang ngipin at may ipinainom na gamot ang kanyang
Nanay Tessie.
“Pero sa halip na maalis ang sakit ng ngipin ko, biglang namantal ang buong katawan
ko! Tapos, namaga ang paligid ng mga mata ko, muntik na akong di makakita! Kumapal
pa ang labi ko. Magang-maga. Ampangit ko nun! Matatakot ka sa naging itsura ko!”
Napaupo ang apat na magpipinsan na nakikinig at sabay-sabay na nagsabing, Yuck! O,
anong nangyari?”
“May allergy pala ako sa ininom kong gamot para sa sumasakit kong ngipin! Hindi ko
‘yun alam!”
“Ha? Puwede rin palang may allergy sa gamot?” gulat na tanong ni Julia.
“Oo, puwede raw sabi ng mga doktor.”
“Tapos…?” Hindi na makahintay si KC.
“Tapos, dinala ako sa clinic.Ininjectionan ako nung doktor. Ang galing nga kasi parang
nagmadyik yung pakiramdam ko. Pagkatapos ng injection, maya-maya lang ay nawala
na ang maga sa paligid ng mata ko. Nawala na ung mga pantal saka pangangati.
Tapos, bumalik na ulit sa dati ang hitsura ko!”
“Masakit ba yung injection?” tanong ni Julia.
“Medyo masakit pero mas masakit yata yung pagtawanan ako dahil sa hitsura ko!”
matapang na sagot ni Tricia.
Nauwi sa malakas na tawanan ang usapan ng magpipinsan.
Hindi na rin nagpatalo sa usapan si Patrick. Bigla niya kasing naalala nung minsang
nabulabog niya ang bahay ng mga putakti. Namimitas daw sila ni Lolo Bayani ng mga
hinog na chico ng masundot niya ang bahay ng mga putakti.
“Naku, kinagat ba kayo ng mga putakti?” nahihintakutang tanong ni KC.
“Oo. Hinabol kami! Pati si Lolo Bayani ay nakagat din sa mukha! Ang bibilis lumipad
nito.”
“Naku, kung nakita mo ko, matatakot ka rin sa hitsura ko. Umalsa ang labi ko. Sumara
ang mga mata ko. At biglang-bigla nahirapan akong makahinga….”
“Ang sakit sigurong makagat ng putakti…”sabad naman ni Julia.
“Oo, pero kahit pareho kami ng kinagat ni Lolo Bayani ng putakti, ako lang ang namaga
ang mukha.”
“Walang nangyari kay Lolo?” gulat na tanong ng lahat.
“Ganon na nga!Ako lang ang nahirapang huminga at pumangit ang mukha!”
“O, anong nangyari pagkatapos?”
“Dinala ako sa Emergency Roomng ospital. Tapos ininjectionan ako! Kasi nahihirapan
akong huminga noon.Puwede raw akong mamatay sa matinding allergy, sabi nung
doktor kay Lolo.”
“E, bakit si Lolo, hindi nagka-allergy sa kagat ng putakti? Pareho lang kayong kinagat,
di ba?” takang tanong ni KC.
“Hhmmm…oo nga ano? Itanong natin kina tito at tita bukas.”
Nakatulog na ang magpipinsan. Presko ang hanging pumapasok sa loob ng beach
house kaya mahimbing ang tulog ng lahat.
Umaga na. Ginising silang lahat ng paulit-ulit na pagbahing, pagsinga at pagsinghotsinghot ni KC.
“Hatsinggg! Hatsinggg! Prrrrrtttt!
“Naku, sinisipon ka ba, Ate KC?” tanong ni Tricia.
“Ewan ko ba, Tricia. Kagabi, okay lang naman ako bago tayo matulog. Ngayon,
paggising ko, tumutulo na ang sipon ko. Prrrrrrt! Prrrrrrt! Prrrrrrt! Parang mainit ang
pakiramdam ko sa mukha. Nangangati ang mata ko at parang nagluluha…Hatsingggg!”
“A, kaya pala mapula ang mga mata mo!”
Siya namang pagpasok ni Tito Bill sa kuwarto ng mga bata. “O, gising na pala kayong
lahat. Masarap ang breakfast natin!”
“Hatsing! Hatsinggg! Ha-ha-hatsinngggggg!”
“Aba, sinisipon ba si KC? Kagabi, okay ka lang naman ah. Teka…” Nagpalinga-linga si
Tito Bill.“Hmmm…Isinara nyo ba ang bintana nyo kagabi?”
Iling ang naging sagot ng grupo.
“Mukhang may allergic rhinitis si KC! Kay rami kasing punong mabulaklak rito sa resort.
May mga nahuhulog na pollen mula rito. Sumasama ito sa hangin. At baka nalanghap
ito ni KC habang siya’y natutulog.”
“Haaa? May allergy din si Ate KC?”
“Akala ko, kami lang may allergy. Pati pala si Ate KC!”Nagtawanan ang lahat ng mga
bagong gising.
“Aha, kayo palang magpipinsan ay may allergy sa kung anu-ano. Talagang
magkakamag-anak nga kayo,” biro pa ni Tito Bill. Inisa-isa pa nito ang allergy ng
magpipinsan:
“Si Julia, may allergy sa pagkain. Si Joshua, may allergy sa alikabok. Si Tricia, may
allergy sa ilang gamot. Si Patrick, nagka-allergy sa kagat ng putakti. Si KC, may allergic
rhinitis dala ng pollen. E, meron kayang may allergy sa inyo sa ice cream?”
“Wala po!” ang malakas na sagot ng magpipinsan.
“Sige, mamaya bibili ako ng ice cream. Pero ngayon, iinom muna ng gamot laban sa
allergy si KC,” pahayag ni Tito Bill.
“May ilan pa akong natirang tableta sa bag ko,” pagpiprisinta ni Tita Leah.
Habang kumakain ng ice cream, ipinaliwanag ni Tita Leah sa buong angkan kung ano
ang nangyayari sa katawan ng taong may allergy. Kung bakit si Julia lang sa
magpipinsan ang allergic sa hipon. Kung bakit namaga ang mukha ni Tricia sa ininom
na gamot. Kung bakit si Patrick lang, at hindi si Lolo Bayani, ang nahirapang huminga
nang makagat ng putakti. Kung bakit sina Joshua at KC lang ang sensitibo sa mga
alikabok at pollen mula sa puno at mga halaman.
Di ba’t bawat katawan ng tao ay magkakaiba?Walang eksaktong magkamukha. Agree
ba kayo ru’n?” tanong ni Tita Leah.
“Agree!” hiyaw ng lahat.
“At sa loob ng ating katawan, inilagay ng Diyos ang tinatawag na Immune System.”
“Im-yun Sistem? Ano pong ginagawa ng Im-yun Sistem?” tanong agad ni Julia.
“Ito ang sistemang panlaban ng katawan sa pumapasok na sakit at mikrobyo.Kakampi
natin ito. Kaya nitong alamin kung aling cells ng katawan natin ang may taglay na
mikrobyo.”
“E, ano po ang kinalaman ng Immune System sa allergy namin?” pangungulit ni Patrick.
“Ganito ‘yan.Minsan, nalilito ang ating Immune System, nagkakamali rin ito. Kapag
nakakain tayo ng isang uri ng pagkain, akala ng Immune System, napasok na ito ng
kaaway. Sobra itong nagre-react!”
“E, hindi naman po kaaway ang hipon o gamot, di po ba?”
“Oo nga, pero napagkakamalan itong kalaban ng ating Immune System. Alam nyo, may
taglay kasing PROTEIN ang hipon, itlog, gamot, pollen, at pati na ‘yung lason mula sa
kagat ng insekto. Dun sobrang nagre-react ang ating Immune System.”
“Pro-tin? Ayaw pala ng Immune System sa pro-tin na ito,” pagwawari ni Julia.
“Dahil dito, agad na magpupundar ang Immune System ng katawan ng mga sundalong
ipanlalaban sa protein ng hipon, gamot o pollen. Bubuksan ng mga sundalo ang mga
cells upang maglabas ng kemikal na HISTAMINE bilang panlaban…” paliwanag pa ni
Tita Leah.
“Ay, bad po pala ang histamine…” agaw ni KC.
“Hindi naman. Kakampi nga ng ating katawan ang histamine sa paglaban sa
impeksyon. Kaso, dahil sa maling impormasyon na nasagap nila na kesyo napasok sila
ng kaaway, nagre-react nang matindiang mga ito at sumosobra ang dami ng
napupundar na histamine.”
“Delikado po ba pag maraming lumabas na histamine?”
“May masasamang epekto ang paglabas ng histamine sa ating katawan. Isa na dito,
lahat na maliliit na ugat ay pinalolobo nito. Kaya mapulang-mapula ang balat ng taong
may allergy. Namamaga rin siya.Namamantal.Nangangati.Nagluluha ang
mata.Nagkakaroon ng malabnaw na sipon.”
“A, kaya po pala ang pula-pula ko nang makakain ako ng hipon!” sabi pa ni Julia.
“Kaya po pala, nagluluha ang aking mga mata noong nakalanghap ako ng alikabok,”
sabi naman ni Kuya Joshua.
“Kaya po pala namantal at namaga ang buong katawan ko!” sabi ni Tricia.
“Kaya po pala tulo ng tulo ang sipon ko paggising ko kanina,” sabi ni KC.
“Ganun nga.Ang gagaling nyo ah.
Pero may isa pang masamang epekto ang paglabas ng maraming histamine sa
katawan. Ito kasi ay nagdudulot ng pagkitid o pagsasara ng mga daluyan ng hangin sa
baga.”
“A, kaya pala ako nahirapang huminga nang makagat ako ng putakti!” ang sabi ni
Patrick.
“Oo. At kung tuluyang sumara ang daanan ng hangin mo noon, puwedeng mauwi ito sa
kamatayan. Anaphylactic Shock ang tawag dito!”
“Ha! Puwede akong mamatay dahil sa allergy lang?” gulat na sabi ni Patrick.
“Oo! Hindi biru-birong bagay ang magka-allergy!” paliwanag ni Tita Leah.
“A-na-pi-lak-tik shak?” bulong ni Julia sa sarili.
“Mabuti po pala at naagapan akong dalhin sa doktor ni Mommy para mainjectonan
agad! E pero bakit po si Lolo Bayani, hindi nagka-allergy sa kagat ng putakti?”
pangungulit pa ni Patrick.
“Maaaring mas maayos ang takbo ng kanya Immune System kaysa sa’yo!”
Sa narinig ay agad tumayo si Lolo Bayani at nagmamalaking ipinakita ang malalaki
niyang masel sa braso. O, e, sino bang matanda rito, ha?”
Malakas na tawanan ang sumunod.
Naubos na ang ice cream pero hindi pa rin matapos-tapos ang kuwentuhan. Isa-isang
binigyan ng bagong ihaw na barbeque ang lahat ng nasa dulang. Pabiro namang
nagtanong si Tito Bong, “O, sino ang allergic sa barbeque at ako na lang ang kakain ng
share niya?”
“Aba naku, wala yatang taong allergic sa ice cream at barbeque!” kumumpas pa ang
kamay ni Lola Ada nang magsalita.
“Ano, kung gayon, anong pangontra sa allergy?” tanong ni Tita Leah sa mga bata.
“E di, dapat po ay pigilan ang pagdami ng histamine!” mungkahi ni KC.
“Tama!” At dinampot ni Tita Leah ang isang banig ng tablet. Sinenyasan niya si KC na
basahin ang nakasulat sa kulay-pilak na sisidlan ng gamot.
“An-ti His-ta-min. Anti-Histamine? Kontra sa histamine?”
“Korek! Ang tawag sa gamot na pangontra sa allergy ay…anti-histamine!” natutuwang
sagot ni Tita Leah.
“Naku, ang gagaling talaga ng mga apo ko,” nasisiyahang tugon ni Lolo Bayani.
“O, tandaan nyo ha, sa susunod na magbibiyahe tayo o mag-a-outing, huwag
kalilimutang dalhin ang maliit na tabletang ito,” singit pa ni Tito Bong.
Matapos maglaro ng badminton sa beach, humirit pa ng tanong si Kuya Joshua kay Tita
Leah. “Yun po bang alikabok, may protein din?”
“Alam mo, kapag sinilip natin sa microscope ang mga alikabok, magugulat ka kasi
makakakita ka ng mga maliliit na insektong gumagalaw. Dust mite ang tawag dun.
Kapag nalanghap mo ito, ‘yun ang may taglay na protein.”
“Ha?! May lamang mga organism din pala ang mga alikabok!” hindi makapaniwalang
sabi ni Lola Ada habang pinapagpag ang suot niyang daster.
“Sa taong hindi allergic sa alikabok, walang kaso kung malanghap man nila ito. Pero
ibang usapan na kung allergic sa alikabok ang taong nakalanghap nito!”
“Dapat po pala ay umiwas kami kung saan kami allergic!” sabi ni Joshua.
“Oo nga po, para hindi na ulit malito ang aming Immune System!”
“At paano kung hindi makaiwas?” paniniyak na tanong ni Tita Leah.
“Dapat po’y may baon kaming gamot laban sa histamine!” At sabay-sabay na
nagtawanan ang magpipinsan.
Bago tuluyang naghiwa-hiwalay ang magpipinsan ay pinangalanan pa nila ang kanilang
grupo: “D” Allergic Company!”
Nasa van na ang lahat nang magspray ng pabango sa sarili si Tita Mavee. Di nagtagal
ay biglang nakarinig sila ng sunod-sunod na pagbahing sa dakong likuran ng sasakyan.
Sino kaya ‘yun?
“Naku, Lola Ada, huwag nyong sabihing may allergy po kayo sa perfume?” gulat na
tanong ng mga apo.
Puro tango na lamang ang naisagot ni Lola Ada habang inaapuhap ang isang kahon ng
tissue paper upang punasan ang tumutulo niyang sipon.
Week 8 Day 3
Ang Prinsesang Ayaw Matulog
by:Feny delos Angeles-Bautista
Sa isang malayong kaharian, tiyak na maririnig ang reklamo ni Prinsesa Aya
kapag oras na ng pagtulog.
“Ayaw kong matulog!”
Naihanda na ng Hari at Reyna ang malambot na higaan ni Prinsesa Aya.
Kinantahan at ipinaghele pa siya. Pinaypayan din siya para huwag mainitan.
Pero habang pinapatulog si Prinsesa Aya, lalo siyang tumututol at lumuluha.
Humingi ng tulong ang Hari at reyna. Nanawagan sila sa buong kaharian. Unang
dumating ang isang mangagamot. “Patutulugin ko siya sa pamamagitan ng gamot.”
Pero ayaw ibuka ng munting prinsesa ng kanyang bibig. Ni ayaw niyang tikman
ang gamot. At nanatili siyang nakaismid.
“Tingnan mo, mahal na prinsesa,” sabi ng mangagamot. “Titikman ng inyong
Reyna ang gamot.”
Tumikim nga ang Reyna. “Uhmmm, ang sarap!” At ang Reyna ay mabilis na
nakatulog.
Kinabukasan, mga mananayaw naman ang dumating. Pasasayawin daw nila si
Prinsesa Aya hanggang sa mapagod. Pagkatapos, ang munting prinsesa ay tiyak na
makakatulog.
Nagsayaw sila ng singkil, tinikling, pandanggo, maglalatik, at kung anu-ano pa.
Hindi nagtagal, pagod na pagod na ang mga mananayaw. Pero si prinsesa Aya
ay gising na gising pa. “Sayaw pa tayo!” ang masiglang anyaya ng umiindak na
prinsesa.
Kaya ang mga mananayaw ang bumagsak sa pagod. At mabilis silang
nakatulog. May dumating ding isang salamangkero. “Vavajing! Fafazung!” sabi niya.
Sampung kalapati ang lumipad-lipad! Sampung inahin ang pumutak-putak. Pati
sina Ibong Adarna at Sarimanok ay nagbuka ng pakpak!
Punong-puno na ng balahibo ang palasyo. Pero gising pa rin si Prinsesa Aya.
Gabi-gabi, iba-ibang paraan ang sinubukan ng Hari at Reyna para patulugin si
Prinsesa Aya. Pero walang kahit anong umubra.
Hanggang isang gabi, may dumating na isang lola. “Kakanta ba kayo? O
sasayaw kaya?” tanong ng Hari. “Anong lunas ang dala ninyo para sa aming
problema?” tanong ng Reyna.
Ngumiti ang lola. Pinahiga niya si Prinsesa Aya. Sumunod naman ang prinsesa.
Naupo ang lola sa tabi niya. Saka kumuha ng aklat mula sa kanyang balutan. Binuklat
ng lola ang aklat at nagbasa.
“Sa isang malayong kaharian, tiyak na maririnig ang reklamo ni Prinsesa Aya
kapag oras na ng pagtulog.”
“Nasaan po ang larawan? Gusto ko pong makita ang larawan!” sabi ni Prinsesa
Aya.Pumikit ka. Makikita mo ang larawan sa isip mo,” sabi ng lola.”
Ipinikit nga ni Prinsesa Aya ang kanyang mga mata. Nagpatuloy sa pagbasa ang
matanda. Di nagtagal, mahimbing nang natutulog si Prinsesa Aya. Mula sa bintana,
sinisilip siya ng buwan at mga bituin. At lahat sila ay natuwa dahil mahimding na
mahimbing ang tulog ng kanilang munting kaibigan.
Mula noon, alam na ng Hari at Reyna kung paano patutulugin si Prinsesa Aya.
Week 8 Day 4
Ha-Ha-Hatsinggg!
by: Luis P. Gatmaitan, MD
Mabilis na nag-uunahan ang mga paa ni Patrick galing sa eskwelahan. Kabuntot niya
ang kaniyang nanay na halos tumakbo na rin dahil sa biglang pagdilim ng paligid.
“Mukhang malakas ang ulan na ‘yan!” sabi ni Nanay Teresita.
“Kung bakit ngayon ko pa nakalimutang dalhin ang payong ko. Di ko akalaing uulan e.”
“Naku, Nanay, nakalimutan ko rin ang aking kapote!”
“Naku, kabata pa’y ulyanin na. Bilis-bilisan mo pa ang lakad, Patrick!”
Hindi pa man sila nakakalayo ay narinig na nila ang malalakas na patak ng ulan sa
yerong bubungan. Nag-aamoy alimuom ang paligid. Mabuti na lamang at agad silang
nakasilong sa isang waiting shed. At gaya ng inaasahan, hindi lamang sila ang tao
roon. Punong-puno iyon ng mga taong ayaw magbitbit ng payong pero ayaw namang
mabasa.
“O, umusog ka rito, Patrick at naaambunan ka na…
Habang hinihintay ang pagtila ng ulan, sari-saring tunog ang narinig ni Patrick sa
waiting shed.
“Prowk! Frotth!” May sumisinga ng sipon sa panyo.
“Zhrok! Zhingh!” May sumisinga sa paligid ng walang panyo. Hawak lamang ng hinlalaki
at hintuturo ang namumulang ilong!
“Hatsing!” bahin ng isang matandang mama.
“Aaaa-chuuuu!” bahin ng isang dalagang sosyal.
“Ubo! Ubbbo!” hirit ng isang payat na lolo,
“Ehemm! Krakkk! Krakkk!” Naglabas ng plema ang isang binatang may tatu.
Kinilabutan si Patrick sa mga narinig na tunog. Sabi ng titser niya, dapat daw ay
nagtatakip ng panyo sa ilong at bibig ang mga binabahin at inuubo. Bakit ang mga
kasama niya sa waiting shed ay parang ipinagmamalaki ang iba-ibang nagagawang
mga tunog?
“HA-HA-HATSING! Haaaaatsingggg!”
“Naku pu, bata ka! Takpan mo nga ng panyo ang bibig mo kapag bumabahin. Kakalat
ang mikrobyo!” Pinagsabihan ng matabang ale ang kanyang apo na mataba rin. Pero
huli na ang lahat. Nang humatsing ang batang tabatsoy doon sa waiting shed, nagaapurang sumamang palabas ang sangkaterbang virus na tagapagdala ng sipon.
Nagpasirko-sirko ang mga ito sa hangin. Lumipad-lipad. Dumayb-dayb.
“Ay, ang sarap pala makipaglaro sa hangin,” sabi ng Unang Pulutong ng virus.
“O, baka kayo mawili,” paalala ng Ikalawang Pulutong. “Kailangang makapasok tayo
agad sa katawan ng isang tao para hindi tayo mamatay!”
“Oo nga. Sige, mag-unahan tayong pumasok sa katawan ng mga nandito sa waiting
shed,” tugon ng Ikatlong Pulutong ng mga virus.
Saglit munang nagpulong ang mga ito bago sumalakay.
“Doon kami papasok sa ilong ng nobyo ng dalagang sosyal!” deklara ng Unang
Pulutong.
“Doon naman kami kay Lola!” pahayag ng Ikalawang Pulutong.
“At syempre, iwan nyo sa amin ang pinakaespesyal, si Patrick, ang batang tamad
magdala ng panyo at magbaon ng kapote!” Nagkekembutan pa ang mga virus ng
Ikatlong Pulutong.
Kumalat sa hanging umiikot sa waiting shed ng mga mikrobyo. Nagpasirko-sirko
habang naghihintay ng pagkakataong malanghap ng mga taong pinupuntirya nila.
“Atake na! Sugod, mga kapatid!” hiyaw ng pinagsama-samang puwersa ng mga virus.
At sumama na sila sa hininga ng mga biktima!
Sa paligid, lalong tumindi ang ulan. Kumikidlat pa at kumukulog nang malakas.
“Aba, mukhang delubyo na yata ito a!” sabi ng isang natatakot na matandang babae.
Nang tumila ang ulan, nag-uunahang naglabasan mula sa waiting shed ang mga tao.
Baon-baon ang mga mikrobyong tagapagdulot ng sipon. Walang kamalay-malay si
Patrick na pati siya ay may virus na sa loob ng katawan.
“Bilisan mong lumakad, anak. Magluluto pa ako ng hapunan natin.”
Wala pang nararamdamang kakaiba sa katawan si Patrick. Noon pa lang kasi
nakapasok ang mga mikrobyo. Nagpaparami muna sa loob.
“Ganito ang gagawin natin,” plano ng lider ng pulutong. “Kakalat tayo sa buong katawan
ng batang ito. May pupunta sa ulo, sa mata at tenga, sa dila, sa lalamunan, sa sinus o
sa kweba-kweba sa ulo, sa baga, sa mga kasu-kasuan, sa kamay, sa paa at sa mga
lamang loob. Walang bahagi ng katawan na ipupwera!”
Agad silang nagtungo sa mga parte ng katawan na binanggit. Doon muna sila
mananatili habang nagpaparami.
Pagkalipas ng tatlong araw, Makati na ang lalamunan ni Patrick. At parang kinikiliti ang
kanyang ilong ng isang puwersang di niya matiyak kung ano. At maya-maya, siya ay
napapa-ha-ha-hatsinggg! Nang umagang iyon, tinatamad maligo si Patrick. Matamlay
siya, nanghihina, at parang mainit ang katawan pero hindi naman siya nilalagnat. Pati
ang paborito niyang ulam ay di niya halos ginalaw.
“May sakit ka ba, anak?” tanong ni Nanay Teresita. “O, parang may sinat ka, a.”
“Makati po ang lalamunan ko. Barado din po ang ilong ko! Saka po, mabigat ang ulo
ko.”
“Ay, bakit ngongo ang boses mo? Naku, may sipon ka na!”
“E, Nanay, ano po ba ang may dala ng sipon?”
“Dala ‘yan ng ulan. Naulanan ka kasi noong isang araw,” paliwanag ng nanay niya.
Hindi na nakatiis ang Ate Sofia ni Patrick na kanina pa pala nakikinig. Nasa kolehiyo na
ang ate niya at kumukuha ng kursong nursing.
“Nanay, hindi po dala ng ulan ang sipon,” pagwawasto ni Ate Sofia.
“Kasi kung talagang dala ito ng ulan, bakit ‘yung ibang nababasa ng ulan ay di nman
sinisipon? At saka, “yung ibang naliligo sa ulan, di naman sinisipon.”
“E, bakit nga ba nagkakasipon ha, Sofia?”
“Mikrobyo, Nanay. Mikrobyong virus ang may dala ng sipon o common cold. Kapag
nakapasok ang mikrobyong ito sa katawan, at nagkataong mahina ang resistensya
natin, agad itong magpaparami sa loob ng katawan natin,” sagot ni Sofia.
“Ay, ganun pala ‘yun, Ate. E, bakit may tumutulong uhog?”
“Alam mo, Patrick, nagre-react ang ating katawan sa mga nakapasok na virus. Dahil
dito, nagpupundar ang ating katawan ng mucus o malapot na uhog para hulihin at
tanggalin ang mikrobyo sa katawan. Habang nasa loob natin ag mikrobyo, walang
katapusan din ang pagpupundar ng katawan natin ng uhog. Parang iyon ang depensa
ng ating katawan laban sa sipon.”
“Ibig mong sabihin, Sofia, lahat ng inilalabas na uhog ay may taglay na mikrobyong
virus?” tanong pa nang nanay.
“Kapag impektado ng virus ang sipon, opo. Kasi’y nakakapit sa uhog ang mga
mikrobyong virus. Pero kung allergy ang dahilan, walang nakahalong mikrobyo sa uhog.
Kaya hindi tayo nahahawa sa sipon ng taong may allergy.”
“Wow, Ate, ang galing galing mong magpaliwanag! Magiging magaling kang nars,”
pagpuri ni Patrick.
“E, anak, paano ba nakakahawa sa ibang tao ang sipon?”
“Sa hangin po, ‘Nay. Kung nag-iipon-ipon sa isang lugar ang mga tao, at nagkataong
may isang sinisipon doon, pwede tayong mahawa kundi tayo mag-iingat. Kaya ang
dapat, kapag may bumahin, tatakpan natin ng panyo ang ilong. Masyado kasing maliliit
ang mikrobyong virus kumpara sa iba pang mikrobyo kaya madali natin itong
malanghap sa hangin.”
Naalala ni Nanay Teresita ang eksena sa waiting shed ilang araw na ang nakakalipas.
Hindi lang iisa ang sinisipon doon. Dinig na dinig nila ni Patrick ang ubo, singhot, singa,
halak, hatsing, ehem at dahak ng mga tao roon. Doon nahawa si Patrick, hindi sa ulan.
“Ate, narinig ko rin kay Ma’am na bukod sa pagtatakip ng ilong, ang dapat daw ay
laging maghugas ng kamay kapag nahawakan ang may sipon. Bakit?” pangungulit ni
Patrick.
“E, kasi kapag humawak sa ilong niya ang taong sinisipon, kakapit ang virus sa kamay
nito. Ngayon kung mahawakan ka nito sa kamay, naipasa na niya sa kamay mo ang
virus. At pag di-sinasadya’y nahawakan mo ang ilong mo, ayun, nakapunta na sa ilong
mo ang mikrobyo! Kaya dapat din ay laging maghugas ng kamay.”
“Sunod-sunod na napatango ang mag-ina sa paliwanag.
“Hindi ko alam na ganyan pala nakukuha ang sipon, anak. Ako nga, mula noong bata
pa ako, napakaraming beses na akong sinipon. Pero ngayon lang may nagpaliwanag
sa akin ng ganyan kalinaw,” natutuwang sabi ni Nanay. “Halika, kumain na tayo.”
Nang mga sumunod na araw, hindi muna pinapasok ni Nanay Teresita si Patrick.
Natatakot itong mahawahan ni Patrick ang mga kaklase niya. Gaya nung nangyari sa
kanila isang hapon sa waiting shed. Pinagpahinga lang siya ni Nanay Teresita sa bahay
para lumakas ang resistensiya niya. Pinainom siya ng maraming tubig, fruit juice, at
iced tea. Kapag nangangati ang lalamunan niya, pinagkekendi siya ng mga lozenge at
pinagmumumog ng maligamgam na tubig na may konting asin. At dahil masakit ang
kanyang ulo, binigyan siya ng gamot kontra pananakit ng ulo. Ipinaalala rin ni Ate Sofia
sa kanila na ang sipon ay di ginagamot ng antibiotiko kahit kailan. Kasi nga raw, virus
ang may dulot ng sipon, hindi bacteria. At ang mga antibiotiko ay para lamang sa
mikrobyong bacteria. Saka, ang common cold ay kusang gumagaling basta’t hindi
pinabayaan.
Samantala, sa loob ng katawan ni Patrick…
“Nakakainis naman ang batang ito. Malapit na tayong mamatay s katawang ito eh ayaw
pa tayong ilabas o iubo sa hangin. Kailangan na nating lumipat. Peste talaga ‘yang ate
niyang nars, ha! Pulos kalokohan ang ikinukwento sa batang ito,” reklamo ng Unang
Pulutong ng virus.
“Paano tayo makapagkakalat ng sipon sa bahay na ito? Kapag nakadapo tayo sa
kamay ni Patrick, huhugasan tayo agad sa gripo! Kapag kating-kati na ang kanyang
ilong at gustong humatsing, sa halip sa hangin tayo mapunta, hinuhuli tayo sa kanyang
panyo. At doon na tayo nabubulok!” inis na sumbong ng Ikalawang Pulutong.
“Mukhang hanggang dito na lamang tayo,” sabi ng Ikatlong Pulutong. “Pero hindi tayo
dapat malungkot. Kasi, mawala man tayo, ‘yung ibang mga kasama natin na nakahalo
sa hangin ang magpapatuloy na ating misyon!”
“Tama! Marami pa namang bata dyan na hindi maingat sa katawan! Sila ang dapat
puntiryahin!” Kahit nanghihina na ay nagkembutan pa at naghalakhakan ang mga
mikrobyong virus.
Hindi nagtagal at tumigil na ang pagsi-seesaw ng uhog sa magkabilang butas ng ilong
ni Patrick. Hindi na rin siya ngongo kung magsalita.
Iwasang pumunta sa mga lugar na maraming tao.
Laging magdala ng panyo sa bulsa.
Ugaliing maghugas lagi ng kamay.
Huwag kalimutang magdala ng payong o kapote, lalo na kung tag-ulan.
Umulan man o umaraw, handa na si Patrick na labanan ang mga pesteng mikrobyo.
“Nanay, nakahanda na po ba ang sandwich ko? Papasok na po ako sa iskul. Tuturuan
ko ang mga kaklase ko kung anong gagawain para hindi magkasipon,” pagmamalaki ni
Patrick.
“Aba, at gusto pa yatang maging doktor ng anak ko!” sagot ni Nanay Teresita na
yumakap sa bunsong anak.
Week 8 Day 1
Ang Prinsepeng Ayaw Maligo
by: Rene O. Villanueva
Sa isang malayong kaharian, may isang munting prinsepe. Ang pangalan niya’y
Prinsipe Tsikiting. Araw-araw, tuwing umaga, pinaliligo siya ng kanyang amang hari at
inang reyna. Pero ang laging sagot niya’y “ Ayoko po-o-o!” Laging may dahilan si
Prinsipe Tsikiting para huwag maligo. “Maligo ka na, Prinsipe Tsikiting,” sabi ng
kanyang amang hari. “Nagbabasa pa po ako,” sabi ni Prinsipe Tsikiting. At nagbasa
siya ng nagbasa para lang makaiwas sa paliligo. Minsan naman, paglalaro ang
ginagawang dahilan ni Prinsipe Tsikiting. Tinatagalan niya ang paglalaro para hindi siya
makapaligo. Naglalaro siya ng bahay-bahayan. Naglalaro siya ng holen. Sumasakay
siya sa kabayo-kabayuhan. Larong laro si Prinsipe Tsikiting. Tuwing oras nang paliligo,
ang sagot niya’y “Ayoko po-o-o!”
Isang araw, namasyal sa hardin ng palasyo ang prinsipeng ayaw maligo. Biglang
lumipad palayo ang mga tutubi at paru-paro.“ Ang baho-o-o!” sabi nila. Biglang yumuko
ang mga rosas at gumamela. “Ang baho-o-o!” sabi nila.“Ang baho ng prinsepeng ayaw
maligo!” Hindi pa rin naligo si Prinsipe Tsikiting. Iniwasan nalang niyang pumunta sa
hardin. Hindi nagtagal, naramdaman ni Prinsipe Tsikiting na nangangati siya. Hindi siya
makatulog. Kamot siya ng kamot sa ulo at katawan niya. Nang gabing gabi na,
dumalaw sa silid ang mga ipis, daga at langaw. “Ang baho ng prinsipeng ayaw maligo!
Kaya kaibigan natin siya!”sabi nila. Ayaw ni Prinsipe Tsikiting na maging kaibigan ang
mga ipis, daga, at langaw. “Marurumi sila. Ayoko sa kanila,” sabi niya. Alam ba ninyo
kung ano ang ginawa ni Prinsipe Tsikiting? Pagkagising, agad nagpunta sa banyo si
Prinsipe Tsikiting. Naligo siya. Sinabon niyang mabuti ang kanyang buhok at katawan.
Nagbuhos siya ng nagbuhos ng tubig para luminis ang kanyang katawan. Mula noon,
araw-araw na siyang naliligo. Ngayon, kapag dumadalaw sa hardin si Prinsipe Tsikiting,
hindi na lumalayo ang mga tutubi at paru-paro. Hindi narin yumuyuko ang mga rosas at
gumamela. At hindi na rin siya nangangati. Laging naliligo si Prinsipe Tsikiting.
Week 8 Day 2
RUMPELSTILTSKIN
Noong unang panahon, sa kaharian ng Jamzala ay may isang mayabang na
lasinggero. Minsan, sa sobrang kalasingan ay binato nito ang dumaraang karwahe ng
hari. Nang arestuhin ito ng mga sundalo ay saka lang natauhan ang lalaki. Humingi ito
ng tawad sa hari.
“Ano sa palagay mo ang dahilan para kita patawarin?” galit na tanong ni Haring
Alido. “D-dahil mabibigyan ko po kayo ng maraming ginto,” pagyayabang nito. “May
anak po akong marunong gumawa ng sinulid na ginto mula sa mga dayami.”
Nagkainteres si Haring Alido. “Dalhin mo sa akin ang anak mo,” makapangyarihan
nitong utos.
Dinala ng lalaki sa palasyo ang anak nitong si Reverie. “Palalayain ko ang iyong
ama pero gawin mong gintoang mga dayaming ito,” utos ng hari at ipinasok si Reverie
sa isang silid na puno ng mga dayami. Hindi malaman ng dalaga ang gagawin.
Napaiyak siya. Nagulat na lang siya nang biglang lumabas sa harap niya ang isang
dwende.
“Kaya kong gawing sinulid na ginto ang mga dayaming iyan,” sabi ng dwende.
Pero gagawin ko lang kung may kapalit.” “Wala akong maaaring ibigay sa iyo,” sabi ni
Reverie. “May kwintas ako pero bigay pa ito ng nasira kong ina.” “Ano ang gusto mo?
Kwintas o kalayaan ng iyong ama?” Napilitang ibigay ng dalaga ang kwintas.
Namangha si Haring Alido ng makitang naging sinulid na ginto ang mga dayami.
Dinala uli nito ang dalaga sa isa pang silid na puno ng dayami. “Gusto kong bukas ng
umaga ay ginto lahat ang mga iyan,” sabi nito. Napaiyak muli ang dalaga. Ngunit tulad
ng nakaraang gabi ay biglang nagpakita ang dwende. Hiningi nito ang singsing niya.
Magdamag na nagtrabaho ang dwende. Nagising si Reverie kinabukasan na
wala na ito at gintong sinulid na ang lahat ng dayaming nasa silid. Natuwa ang hari
nang dumating. Dinala siya nito sa isang mas malaking silid. “Pag naging gintong
sinulid ang mga iyan ay gagawin kitang reyna,” wika ni Haring Alido.
Hindi malaman ni Reverie ang gagawin. Nag-iiyak siya ng muling nagpakita ang
dwende. “Wala na akong maaaring ibigay sa iyo,” naiiyak na sabi ni Reverie. “Kung
gayon, ibigay mo na lang sa akin ang magiging una ninyong anak ng hari,” sabi ng
dwende.
Kahit imposible ang hinihiling ng dwende ay pumayag si Reverie. Magdamag na
nagtrabaho ang dwende kaya ng dumating ang umaga ay gintong sinulid na ang lahat
ng mga dayami. Sa tuwa ng hari ay tinupad ang pangakong pakakasalan si Reverie
kaya naging reyna siya.
Isang taon makaraan ay nagsilang si Reyna Reverie ng isang napakagandang
sanggol na babae. Mahal na mahal ito ng hari. Nalimutan na ni Reverie ang tungkol sa
pangako sa dwende ngunit isang gabi ay bigla itong nagpakita sa kanya.
“Kumusta, aking reyna?” bati ng dwende. “Narito ako para kunin ang anak mo.”
Nakiusap at halos lumuhod ang reyna sa pagmamakaawa ngunit matigas ang dwende.
“Tinupad ko ang pangako sa iyo, kailangang tuparin mo rin ang pangako sa akin,” sabi
ng dwende.
“Maawa ka,” sabi ni Reyna Reverie. “Hindi ko kayang mawala ang aking anak.”
“Sige, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Kapag nahulaan mo ang pangalan ko ay
hindi ko na kukunin ang iyong anak,” pahayag ng dwende. Lumakas ang loob ng reyna.
Bumanggit siya ng maraming pangalan ngunit walang tumugma sa pangalan ng
dwende.
“Bigyan mo ako ng kaunting panahon,” pakiusap ni Reyna Reverie. “Isang
buwan, mahal na reyna. Kapag natapos ang isang buwan na hindi mo nahulaan ang
pangalan ko ay akin na ang iyong anak,” seryosong wika ng dwende. “Pero bawat
linggo ay darating ako para dalawin ang bata.” Bigla na lang naglaho ang dwende.
Napansin ni Haring Alido na naging malungkot at galing sa pag-iyak ang reyna.
“Ano ang problema, mahal kong asawa?” tanong ng hari. Ipinagtapat ni Reyna Rverie
ang tungkol sa usapan nila ng dwende. Ang ginawa ng hari ay nagpalista ng maraming
pangalan sa mga tauhan sa palasyo.
Nang muling sumulpot ang dwende ay sinabi lahat ng reyna ang mga pangalan
sa kanyang listahan. “Baltimew, Bebonzki, Janmi, Chezkau…” wika ng reyna. Umuling
ang dwende. “Nikkolau, Emandago, Klowking, Othef, Marvieux…” hula uli ng babae.
Lumalapit ang takdang araw ay nauubusan ng naiisip na pangalan ang reyna at
ang mga taga palasyo. Hanggang maisip ng hari na utusan ang mga kawal na
magmasid sa kaharian ng mga dwende.
Maraming pangalan ang nakuha ng mga kawal pero wala pa ring tumugma sa
pangalan ng dwende. “Sa loob ng tatlong araw at hindi mo pa maibibigay ang totoo
kong pangalan, hindi mo na makikita ang iyong anak,” sabi ng dwende kay Reyna
Reverie.
Dalawang araw bago kunin ng dwende ang sanggol, isang kawal ang naligaw sa
pusod ng gubat. Inabot ito ng gabi roon. Nang may makitang kislap ng liwanag mula sa
isang maliit na bahay ay nagtungo roon ang sundalo para magtanong. Gayon na lang
ang gulat nito nang makita ang isang dwende na panay ang sayaw at kanta.
“Dalawang araw na lang at makukuha ko na, anak ng ryna na isang prinsesa.
Kasi ay hindi mahulaan. Rumpelstiltskin ang aking pangalan.”
Nang makabalik ng palasyo ang kawal ay agad itong nagpunta sa reyna.
Ikinwento nito ang tungkol sa dwende. Nang ilarawan nito ang dwende ay natiyak ng
reyna na iyon ang dwendeng kausap niya. “Rumpelstiltskin,” paulit-ulit na wika ng
reyna. “Rumpelstiltskin ang pangalan niya.”
Nang lumitaw ang dwende ay yakap ni Reyna Reverie ang anak.
“Napakagandang bata,” bulalas ng dwende. “Ngayon ay magiging akin na siya.”
“Nagkakamali ka,” sabi ng reyna. “Hindi mapupunta sa iyo ang aking anak.” “At paano
mo natiyak?” nakangisi ang dwende. “Alam mo na ba ang aking pangalan?”
“Rumpelstiltskin! Ikaw si Rumpelstiltskin!” bulalas ng reyna. Biglang naiba ang
anyo ng dwende. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at sinabunutan ang buhok.
“Rumpelstiltskin! Rumpelstiltskin!” paulit-ulit na sabi ng reyna. “Aaaah! Sigaw ng
dwende at bigla itong naglaho. Nagkatotoo ang sumpa na kapag may nakaalam ng
kanyang pangalan ay maglalaho siya magpakailanman.
Nagkaroon ng malaking pagdiriwang ang palasyo. Pinagkalooban ng gantimpala
ang kawal na nakatuklas sa pangala ng dwende. At mula rin noon ay ang pagpapalaki
lang sa prinsesa ang pinag-ubusan ng panahon ng hari at reyna.
Week 9 Day 2
Ang Inahing Manok
Sa silong ng isang puno ay mayroong isang inahing manok na nagli-limlim sa 5
itlog. Masayang-masaya ang inahing manok dahil malapit na ang pag-sapit ng pag-pisa
ng kanyang mga itlog. Ilang araw na lang ang kanyang hihintayin ay makikita na niya
ang kanyang mga sisiw. Maging ang mga katabi niyang hayop na naninirahan din sa
malaking punong iyon ay tuwang tuwa para sa kanya.
"Sa saglit na araw na lamang ay makikita mo na ang iyong mga sisiw manok."
Masayang pa-alala ng katabi niyang bibi na nag aalaga ng sampung kiti. Ito na
rin ang kanyang naging kaibigan simula ng siya ay mapunta sa ilalim ng punong iyon.
Ito rin ang naging katulong niya sa pag babantay sa kanyang mga itlog tuwing siya ay
nag hahanap ng makakain.
"Naku bibi napaka-saya ko sa aking mga itlog sana ay malulusog silang sisiw at
walang karamdaman sa kanilang mga katawan. "
Tuwang-tuwa namang sagot ng inahing manok.
Isang araw habang nag lalakad ang inahing manok sa bukid ay nakita niya na
may isang ahas na papunta sa malaking puno na tinitirhan niya kasama ang ibang mag
hayop na nandoon. Nakaramdam ng kaba ang inahing manok. Alam niya kasi na
kaaway ng lahat ang ahas na iyon. Marami na kasing tinakot na mga hayop ang ahas.
Dali dali siyang bumalik sa kanyang pugad upang tignan ang mga naiwan niyang mga
itlog, na binabantayan naman ng bibi ng mga sandaling iyon.
Tahimik naman niyang dinatnan ang ibang mga nakatira doon. Mga maliliit
lamang na uri ang mga hayop na kasama ng inahing manok. Pumasok siya sa kanyang
pugad, nakita niyang natutulog ang bibi kasama ang kanyang mga kiti na nakapalibot
sa inahing bibi.
Lulukuban na sana ng inahing manok ang kanyang mga itlog ng makita niyang
nasa likuran pala niya ang malaking ahas at nakangiting nakalabas ang matatalim na
ngipin nito. Natakot ang manok at nag-puputak ito. Nagising ang hayop na naroroon na
mga tahimik na nag papahinga. Naalarma ang lahat. Maging ang bibi ay natakot din.
Agad nilubukan ng inahing bibi ang mga kiti niyang takot na takot din sa malaking ahas.
Takot na takot ang lahat. Alam nilang wala silang laban sa malaking ahas na naroroon.
Hindi alam ng manok ang kanyang gagawin. Natatakot siya para sa kanyang mga itlog,
nag isip ng maigi ang manok.
Habang nag i-isip itoy biglang nag sungit ang panahon. Bumuhos ang malakas
na ulan. Lalong natakot ang inahing manok habang ang ahas naman na kanina pa
lumiligid sa kanila ay lumapit pa sa pugad ng inahin. Hindi naman hinayaang makalapit
ng inahin ang ahas, Sa halip ay hinampas niya ito ng pakpak sabay ng pag kahig.
Maging ang bibi ay tumulog din sabay nilang pinag tulungan ang ahas na nais kainin
ang itlog ng inahing manok.
Nasaktan naman ang ahas, dahilan upang mag wala ito doon. Hindi naman
sinsadya nitong matamaan ang pugad ng manok. Lumabas na ang ahas subalit nataob
ang pugad. Gumulong ang mga itlog ng manok. Kumalat ang mga ito sa kulob ng
kanilang tahanan.Habang ang isa naman ay gumulong patungo sa labas . Nabasa ito
ng tubig, sa takot ng manok ay nag mamadali itong lumabas ng pugad at hinabol ang
gumugulong na itlog. Oras na hindi iyon huminto ay malalag-lag ang itlog sa ilog at hindi
na makukuha pa ng inahing manok . Nataranta ang ibang hayop para sa itlog, nag
labasan din ang ibang hayop na tutulong sa manok upang masagip ang itlog nito.
Subalit walang umabot ng makita nilang nahulog na ang itlog papunta sa ilog.
Para namang nawalan ng pag-asa ang inahing manok sa pang-yayari iyon .
Nalungkot ang lahat para sa manok. Sumilip ang manok kasama ng ibang hayop na
naroroon sa ilog. Para namang nabuhayan ang manok ng makita niyang nakasala-lak
pa pala ang itlog niya sa mga ugat ng kahoy na naroroon. Nakasalalak ito doon at
malapit ng malaglag. Nag mamadali namang bumaba ang ibang naroroon. Nandoon
pala sa puno ang matsing na nag mamasid , agad itong bumaba sa puno at patalon ng
inabot ang itlog sa pag kalaglag sa ilog.
Nakahinga ng maluwag ang lahat. Masaya sila sa ginawang pag-tulong ng
matsing sa manok. Ang manok nama'y kinuha agad ang kanyang itlog sa nag
magandang loob na kapwa niya hayop.
"Maraming salamat kaibigang matsing sa ginawa mong pag-tulong sa aking
itlog."
Walang humpay na pasasalamat nito sa matsing.
Masaya namang dinala ng matsing ang itlog sa pugad ng manok. Tumulong na
rin ito upang ipunin ang itlog na gumulong kanina sa iba pang bahagi ng kanilang
pugad. Ng maipo'y masayang pinag masdan ng manok ang knayang mga itlog. Nagulat
naman ito ng dahan-dahang napipisa ang itlog. Napatingin ang lahat dito, Inabangan
nila kung ano ang mga susunod pang manyayari.
Isang maliit na tuka naman ang sumilay sa itlog. Tinulungan naman ng inahing
manok ang kanyang itlog sa pag-pisa nito. Lumabas na ang unang sisiw. Masayang
nag hiyawan ang mga hayop, sunod sunod naman na ang pag pisa ng mga itlog.
Limang malulusog na sisiw ang lumabas sa itlog. Gaya ng hiling ng inahin para dito.
Masayang nilukuban ng manok ang kanyang mga bagong pisang sisiw at nagpasalamat sa lahat ng mga naroroon
Week 9 Day 4
Ayan na si Bolet Bulate
By: Lius B. Gatmaitan, M.D.
Sina Joshua at Kc ay lagi nalang nakayapak. Sawang –sawa na sa kakabawal
sina Tatay Bilyo at Nanay Lea pero talagang matigas ang ulo ng magkapatid. Kapag
nakaharap ang kanilang mga magulang. Isinusuot nila nag kanilang mga tsinelas na degoma. Pero kapag tumalikod na ang mga ito, nag-uunahan sina Joshua at Kc sa pagiitsa ng kanilang tsinelas .
“Yippe! Mas mabilis tumakbo kapag nakapaa!” hiya ni Joshua.
“Ako rin, mas masarap maglaro ng piko pag nakapaa!” sang-ayon ni Kc.
At sa halip na sa paa isuot ang tsinelas, sa kamay nila ito isinusuot. Saka sila
tatakbo nang pagkabilis-bilis. Kapag nagsawa na. aalisin nila ang tsinelas sa kamay at
gagawin nila itong pamato sa pagtutumbang preso. Ubod lakas nilang babatuhin ng
tsinelas ang mga nakahilerang lata. Tuwang-tuwa ang magkapatid habang
nadedeporma ang mga kaawa-awang sapin sa paa.
Hindi lang iyan. Nasanay narin ang magkapatid na humarap sa hapag-kainan
nang hindi man lamang naghuhugas ng kamay. Nagkukunwari sila sa kanilang Tatay at
nanay na malinis ang kanilang mga kamay. At basta rin lang makakalusot, kakain sila
nang nakakamay. Tingin kasi nila sa kutsara at tinidor ay mga kontrabida sa pagkain.
“Mas ganado akong sumubo kapag nakakamay” sabi ni KC habang punong puno
ng kanin at ulam ang kanyang bibig.
“Oo nga, ayoko ring nagkukutsara!” sang ayon ni Joshua.
Isang araw, dinatnan ni Nanay Lea na naghahabulan ang ang dalawa. Kay
dungis-dungis, pawis na pawis, parehong nakayapak at kay dudumi ng mga kuko sa
paa.
“Hindi ba’t sinabi kong huwag kayong magyayapak? At bakit puro lupa na naman
ang mga kamay nyo? Papasukin ng bulate ang tiyan ninyo! Ikaw Joshua, mas matanda
ka kay KC pero ikaw ang pasimuno!”
Nang tumalikod na si Nanay Lea, bumulong si Joshua kay KC. “Paano kaya
makakapasok ang mga bulate sa tiyan natin, eh malalaki iyon, hindi ba?”
“Hmmmp! Hindi naman kayang gawin ng bulate iyon. Sa lupa naktira ‘yon, diba
kuya?”
“Oo nga!”
Kung may natutuwa sa ugali ng magkapatid, ito ay si Bolet Bulate. Walang
kahirap hirap siyang nakapasok sa katawan ni Joshua. Nangyari ‘yon isang araw nang
si Joshua ay kakain ng tanghalian at tinamad na naming naghugas ng kamay. Nagtago
si Bolet sa mahahabang kuko ni Joshua na noo’y nangingitim sa dumi. Walang
nakahalata na dumikit siya sa duming nandoon sa kuko. Paano’y itlog pa lamang siya
noon. At napakaliit niya kaya ‘t hindi siya basta-basta makikita ng mga mata natin.
Nang isubo ni Joshua ang kanin at pansit, kumapit nang mabuti si Bolet sa
pansit. Hindi siya bumitaw kahit nginuya-nguya ito ni Joshua. Maya-maya’y kasabay na
siya ng pansit na nahulog sa mahabang tubong ang dulo pala ay ang sikmura ni
Joshua. At nasa loob na siya ng bituka.
Doon kapansin-pansin ang pagbabago ni Bolet. Araw-araw nagiiba ang kanyang
anyo!. Mula sa isang napakaliit na itlog, si Bolet ay naging bulate na parang isang
sinulid. Araw-araw siya ‘y lumalaki hanggang siya’y naging isang matabang bulate.
Nagulat ang mga laman-loob ni Joshua sa naging hitsura ni Bolet. Hindi nila
akalaing ang maliit na itlog ay magiging isang bulateng mataba at mapanganib.
“Ako si Bolet Bulate! Ako ang unang bulate sa tiyang ito! Sisimulan ko na ang
pagpaparami!” hiyaw ni Bolet Bulate. Sinundan ito ng tawang nakakilabot. “Hik-hik-hikhik!”
Takot na takot ang mga laman-loob sa kanilang narinig. Ngayon nalang sila
nakakita ng nilalang na ganon kapangit. Lahat sila ay nangingnig sa takot. “Naku,
magsisimula na ang salot!” kabang-kaba si Bing Bituka. “A-anong gagawin natin?”
naiiyak si Apendikiko Apendiks. Kinikilabutan ako sa hitsura niya! Para akong
masusuka!” hiyaw ni Sebyong Sikmura.
Taas-noong umikot si Bolet Bulate sa buong tiyan. Isa-isa niyang ininspeksyon
ang mga naroroon.
“Kay babaho ninyo talaga!” At tinakpan pa ni Bolet ang kanyang ilong. Gigil na
gigil ang lahat ng laman-loob sa bulateng ubod ng yabang. Pero wala silang magawa.
Nakapasok na si Bolet sa kanilang teritoryo.
“Kakampi ko talaga yang si Joshua! At lahat ng mga batang matigas ang ulo.
Kung naging masunurin siya, eh hindi sana ako nakapasok dito. Buti nalang, hindi niya
alam na ibang-iba ang anyo ko bago nagiging malaking bulate. “Hik-hik-hik!’
Sa gitna ng laman-loob na takot na takot, si Bolet ay nagtalumpati. Pagkatapos,
siya’y nagbigay ng palaisipan sa lahat:
“Sino kaya ang makahuhula kung saan ako nagmula?
Sa una,. itlog ako na hindi nakikita.
Kapag ako’y nakapasok sa tiyan ng isang bata mula sa itlog, ako’y naginging
larva parang sinulid na kikibot-kibot, kembot-kembot, iikot-ikot.
Hindi makahintay na makapaglakbay sa apdo, baga, apendiks at atay.
At pagdating sa bituka, ako na dating larva nagbabagong anyo, bulateng malaki
na. At siyempre pa…..
Ang sustansiyang nasa inyo, sa akin na mapupunta! “Hik-hikhik-hik-hik-hik-hikhik-hik-hik”
Diring-diri sina Atoy Atay. Bing Bituka, Apeng Apdo at Apendikiko Apendiks.
Nagmukang tambakan ng basura ang kanilang daigdig. Nangitlog ng nangitlog ng
nangitlog si Bolet Bulate. At ang mga itlog ay nagging larvae na ubod nang dami. At ang
mga ito’y naging mahahaba at mapanganib na bulate
Nagkalat ang mga itlog, larvae at mga bulate sa buong bituka. Ang iba ay
nagkumpol-kumpol pa na parang mga bola! Ang dating malinis na tiyan ni Joshua,
ngayon ay puro bulate na.
Isang araw, napansin ni Nanay Lea na hindi makakain si Joshua. Maputla ito at
nanghihina. Si KC naman na nagrereklamo na masakit ang kanyang tiyan.
“Ano kaya ang problema ng mga anak natin?” tanong ni Nanay Lea kay Tatay
Bilyo na alalang-alala rin. “Dati-rati’y napakalikot ng dalawang iyan. Bakit nagyo’y
napakatamlay nila?”
“Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa doctor, baka kung ano na yan,” sagot ni
Tatay Bilyo.
Nang gabing iyon, nasa toilet si Joshua. Maya-maya? Bigla itong sumigaw.
“N-nananaaayyyy! May bulate sa aking pu-pu!” Dali-daling pinuntahan ni Tatay
Bilyo at Nanay Lea ang kanilang anak.
“Bulate pala ang dahilan kung bakit ka nanghihina.” Sabi ni Nanay Lea.” Siguro,
may bulate rin ang kapatid mong si KC.”
“Huwag kang mag alala, pupurgahin natin sila,” sagot ni tatay Bilyo sa kanyang
asawa. At inihanda niya agad ang gamot-pampurga.
Walang kamalay-malay si Bolet Bulate at ang kanyang angkan sa susunod na
mangyayari sa kanila. Kasalukuyan siyang natutulog nang mahimbing habang ang
kanyang mga kasamahang bulate ay ngalalaro nagpapagulonggulong,naghahatakan,nagpapadulas, at nagkekembutan.
“Nganga! O sige, lunukin mo agad.”
Mabilis na pumasok sa bituka ni Joshua si Purico Purga. Handang ipagtanggol
ang kawa-awang si Joshua sa mga nanggugulong bulate. Katakot-takot na labanan ang
nangyari.
Suntok dito hampas doon. Hila dito, tulak doon. Sipa dito, tadyak doon. Natalo
ang mga batang bulate sa labanan. Nagising si Bolet Bulate sa hiyawan. Noon niya
nakitang maraming bulate na ang naninigas ang katawan. At ang iba nama’y
naghihingalo at nangigisay. Marami sa kanila ang namatay.
Nagmamadaling tumakas si Bolet Bulate. Nagtago-tago siya sa mga sulok-sulok
at gilid-gilid ng bituka para hindi sila makita ni Purico Purga. Kumapit pa siya ng
mahigpit kay Apendikiko Apendiks na halos himatayin sa takot. Pero inabutan din siya
ni Purico Purga.
“Saan ka pupunta Bolet Bulate? Katapusan mo na ngayon! Ikaw at ang iyong
mga itlog at larvae!”
“Eeeeeeeee! Ayan na ang kontrabida!” Hiyaw ni Bolet.
“Aba, at ako pa ang tinawag na kontrabida. Umm! Hindi ka na nadala!”
Ilang sandali pa, ang mapanganib na si Bolet na nagpakitang gilas, ngayo’y isa
nang bulateng matigas. Nagwakas na ang panggugulo niya sa tiyan ni Joshua.
Sa wakas ay natuto na rin sina Joshua at KC. Lagi na silang naka tsinelas. Lagi
na rin silang naghuhugas ng kamay bago kumain at hindi na nila pinapahaba ang
kanilang mga kuko, dahil ayaw na nilang mgakroon ng bulate sa tiyan.
Samantala, patuloy pa rin nagaabang ang marami pang itlog ng bulate sa lupa.
Naghihintay sila ng mga batang ayaw magsuot ng tsinelas at maghugas ng kamay.
Papapasukin niyo ba sila?
Week 9 Day 1
May Lihim Kami ni Ingkong
By: Luis P. Gatmaitan MD
Ako ang paborito ni Ingkong. Sa lahat kasi ng kanyang mga apo, ako lang ang
pasikreto niyang inaabutan ng singkwenta pesos. At saka ako ang may
pinakamaraming marka ng nganga sa pisngi dahil sa kanyang kakahalik. At sa tuwing
dadalaw kami ng aking pinsan sa kanyang lumang bahay na bato, ako ang una niyang
hinahanap.
“Paano kasi, para kayong pinagbiyak na buko,” laging biro ni tatay.
Isang hapon,pagkatapos kong maglaro sa plasa,nadatnan ko si Ingkong na nasa
bahay namin. Suot niya ang paboritong sombero at dala-dala ang kanyang bunga,
apog, at ikmo. Sa amin muna daw siya titira, sabi ni nanay. Akala ko’y nagbibiro lang si
Ingkong pero binulungan ako ni tatay. Nagtampo pala ito sa aking tita dahil
napagsabihan siya.
“O, Peping, kayo ni Ingkong ang magkasama sa kwarto, ha!” Agad kong
tinanggal sa ulo ni Ingkong ang kanyang sombrero. Tuwang-tuwa ako dahil kasama ko
na sa bahay si Ingkong. “Naku, mapupuyat na ako sa maraming kwento ni Ingkong! At
hindi lang kwento tungkol sa mga engkanto at mga alamat. Paborito niyang ikuwento
ang panahon ng Hapon. Noong ginawang eskuwelahan ng mga Hapon ang ibaba ng
bahay na bato ni Ingkong nung giyera.
“Ingkong, magaling po ba mag-ingles ang mga Hapon?” “ Hu, mas magaling ang
mga kababayan natin apo..hindi nga nila mabigkas ang letrang L,” sagot ni Ingkong.
Pagkagaling ko sa eskuwelahan, magkasama na kami ni Ingkong nang buong
maghapon. Nasa trabaho pa kasi sina tatay at nanay. Sabay kaming nanonood ng
“Pera o Bayong” sa telebisyon. Sabay kaming kumakain ng inilalakong taho. Sabay
kaming nagpapakain ng alagang aso at bibe. At tabi kaming nahihiga sa duyang yantok
sa ilalim ng punong mangga kapag hapon na, inuugoy kami ng hangin hangang sa
makatulog.
Pero nitong huling araw. Parang may kakaiba kay Ingkong. Minsa’y basta na
lamang siya nakatitig sa malayo. Minsan parang naliligaw. Itinatanong kung paano
babalik sa aming kuwarto mula sa banyo. Minsan, nalilimutan niya ang karugtong ng
kanyang kuwento.
Simula nang mga araw na yon, nagkaroon na kami ng maraming lihim ni
Ingkong. Nang dumulas ang platito mula sa nanginginig niyang kamay, itinago naming
kay nanay. Nang madulas si Ingkong at muntik nang mahulog sa hagdan, wala akong
sinsabi kay nanay tungkol doon.
Nang maihi siya sa salawal, hindi ko sinabi kay nanay n anabas ni Ingkong ang
aming sofa (pinatuyo ko na lang iyon sa bentilador)
Nang nagkalat siya ng kanin sa sahig, agad ko itong winalis. Nang maiwan ni
Ingkong nna bukas ang gripo sa banyo, munik nang bumaha sa loob ng bahay. Nagisip ako ng maikakatwiran para hindi mapagalitan. Pero nalaman din ni nanay ang lahat.
Isang araw, habang naliligo ako, narinig kong pinagsabihan ni nanay si Ingkong. “Itay
naman! pag naiihi kayo, magsabi kayo agad. Tignan nyo nagkalat sa sahig ang ihi”
Nangilid ang luha sa mga mata ni Ingkong. Kilala ko si Ingkong. Madali siyang
magtampo. Kahit malitong siyang humalakhak,madali siyang ,maiyak.
“B-buti pa kaya lampinan nyo nalang ako.” Lampin, diaper? Hindi ba para sa mga
baby lang iyon? Bakit magsusuot ng diaper si Ingkong? Naisip ko.
Minsan, inutusan ako ni nanay na bantayan ang adobong manok na niluluto niya.
Pero dahil gusto kong madaig sa tumbang preso ang pinsan kong si Ramil, ipinagbilin
ko kay Ingkong ang adobo.
“Pepingggg! Pambihira ka! Sunog na ang adobo!” piningot ako ni nanay!
Nakakasuya naman si Ingkong. Oo siya nan goo, tapos nakalimutan naman niyang
bantayan ang addobo. Buti pa yung sombrero niya, hindi niya nalilimutang isuot.
Hindi ko maisip si Ingkong na hindi naksombrero. Bago umalis ng bahy, hindi
pupwedeng hindi niya suot-suot iyon. Pagdating sa hapon. Iyon ang pinakahuling
aalisin niya sa ulo. Siguro, kung pwede lang siyang naksumbrero ginawa na niya.
Isang hapon, pagdating ko galing sa aming fieldtrip, hinanap ko si Ingkong dala
ang pasalubong kong lansones. Tinawag ko siya ngunit nang Makita ko, nagulat ako
hindi na niya ako makilala!
“ E…hijo..sino k aba? Kanino …ka bang anak?” Dinilaan niya ako, ngumiting
parang bata, at ibinukas ang kanyang palad, “ Pengeng limang piso” “Ingkong, hindi nyo
ba ko kilala. A-ako po si Peping”
“Peping? Sinong ….”
Tinignan lang niya akong mabuti. Akala ko, naninibago lang siya sa hitsura ko
(bagong gupit ako). Aba ako yata ang paborito niyang apo! Inisip ko, nakakalimutan ba
ang paborito?
Pero tumawa lang si Ingkong, saka ginulo niya ang aking buhok. At ipinatong
niya sa ulo ko ang sombrero buli!
“Si Ingkong naman, binibiro ako.”
“Peping anak ulyanin na si Ingkong….” Paliwanag ni Nanay.
“Ano pong ibig sabihin ng ulyanin?” tanong ko.
“Masyado nang matanda si Ingkong. Marami na siyang nakakalimutan. At nagiisip bata ba siya,” sabi ni tatay.
Sobra ang naramdaman kong lungkot. Hindi ako makapaniwalang
makakalimutan ako ni Ingkong. Napaupo ako sa isang sulok at napaiyak. Ako ang
kasama niya araw-araw. Alam ko ang kaniyang mga lihim. Ako ang nakakakita tuwing
nagtatampo si Ingkong kay nanay. Ang daya-daya talaga ni Ingkong! Umalis lang ako
saglit, pagbalik ko, hindi na niya ako kilala. Kung anu-anu na ang sinasabi. Bulong nang
bulong. Kakaiba na ang mga ikinikilos. Nang umagang ‘yon. Pakiramdam ko’y iniwan na
ako ni Ingkong.
“Ingkong, apo n’yo po ako,” paalala ko sa kanya nang minsang pinulbusan ko
ang kanyang likod.
Tinitigan niya ulit ako, sinalat ang aking mukha, parang may pilit na inaalala.
“Eh…sino bang… mas matanda sa ating dalawa, ha? Magkapatid ba tayo? I-ikaw ba..
ang panganay?”litaw ang iilan niyang ngipin habang nakangiti sa akin.
“Paanong nangyari yon na nandiyan pa ang kanyang katawan pero burado na
ako sa kanyang isip?. Hindi ko naman isinumbong si Ingkong sa nabasag niyang plato,
sa nasunog na adobo, sa sofa na naihian niya, sa gripong naiwan niyang
bukas…”tuluyan na akong naiyak.
Nang maging ulyanin si Ingkong, nalimutan na niyaa ng lahat ng aming pinag
samahan, ang gaming mga sikreto at mga pustahan, ang aming tuwa, at mga hapon sa
duyang yantok sa ilalim ng punong manga.
Nang mga sumunod na araw, nakita ko kung paanong nakalimutan kaming lahat
ni Ingkong. Hindi na niya kami nakikilala. Para siyang taga ibang planeta. Pero kahit
ganoon, hindi ko siya pinabayaan.
Kapag naiihi siya, tinatawag ko agad si nanay para palitan ang kanyang lampin,
kapag kakain, sinusubuan ko siya at nang hindi makalat, kapag naglalakad, lagi ko
siyang hawak para hindi madulas, kapag nagkukuwento siya tungkol sa kabataan niya,
kunwari naiintindihan ko at kapag isinusuot ko sa kanya ang kanyang paboritong
sombrero, natatahimik siya. Parang may pilit inaalala.
Natutuhan ko nang tanggapin na nakalimutan na ako ni Ingkong. Hanggang
isang gabi na mataas ang lagnat ni Ingkong, narinig kong umuungol siya habang
natutulog. Para yatang tinatawag ang pangalan ko.
“Peping….Peping…habulin mo ang mga paru-paro…Dali!!”. Kilala pa pala ako ni
Ingkong! Bumangon agad ako! Niyakap ko siya ng mahigpit. “Nandito po ako Ingkong.
Hindi ko po kayo iiwan. Gagaling na po kayo.” Mula noon, ipinalangin ko si Ingkong,
tulad ng sabi ng nanay at tatay.
Isang umaga, natutulog pa si Ingkong, niyaya ako ni tatay sa bakuran.. dala-dala
niya ang sombrerong buli ni Ingkong. Nahiga kami sa duyan yantok kung saan kami
nagpapahinga ni Ingkong tuwing hapon. Nagkuwento si tatay ng kung anu-ano. Mayamaya, itinuro niya ang punong manga na matandang matanda na.
ito. Dati, kay raming bunga nito, pero nagyon, ayaw ng mamulaklak. Lagas na ang mga
dahon, marupok na rin ang mga sanga…panahon na para magpahinga ang puno.”
Tinitigan ko sa mata si tatay. “Bakit po, tatay, mamamatay na bas i Ingkong?”
Hindi agad sinagot ni tatay. Sa halip ay itinuro niya ang mga mumunting
manggang tumubo sa paligid ng matandang puno.
“Hindi po ba galing ang mga yun sa mga bunga ng matandang manga?” tanong
ko. “Oo, Peping, sa lugar ng matndang puno, may mga bagong puno ng manga na
pumapali. Ganun talaga ang buhay. Sa pag-alis ni Ingkong, ikaw ang maiiwanan niyang
kapalit.
“Sa langit po ba pupunta si ingkong, tatay?”
“Oo, anak. Doon na siya magpapahinga kasama ng ating Diyos. At doon, hindi
na siya magiging ulyanin. Maaalala ka na niya.”
“M-magkikita po ba kami ulit ni Ingkong?” Pumapatak na ang luha sa aking mga
mat.
Tumango si tatay. “Oo, Peping, magkikita tayong lahat sa langit. Pero
pansamantala, mami-miss muna natin si Ingkong.”
Niyakap ko nang nahigpit si tatay. Alam kong malapit na kaming iwan ni Ingkong,
mahina na ang kanyang katawan. Matandang-matanda na siya.
Pero, dito sa aking puso, ramdam ko hanggang sa ngayon, kahit nakalimutan na
niya ang aking pangalan, ako pa rin ang paboritong apo ni Ingong.
Nang pabalik na kami sa bahay, isinuot ni tatay sa akin ang sombrero ni Ingkong.
Week 9 Day 5
Naku! ang Pula ng Mata ko!
by: Luis P. Gatmaitan, MD.
Dit-dit-dit-dit! Dit-dit-dit-dit!
Tinatamad na inabot ni Tricia ang alarm clock. Pinindot para patigilin ang tunog
na nakakairita sa tenga. Sa isip-isip niya ala sais na. Oras na para gumising at
maghanda para sa eskuwela. “Tricia! Tricia! Aba’y bangon na, anak!” gising ng nanay
niya. “ Tatangahaliin ka!”sabad ng Lola.
Sa kusina, naririnig n Tricia ang kumakaskas na siyanse sa kawali. Naamoy na
rin niya ang pritong daing at sinangag. Naririnig rin niya ang pagtimpla ng kape ng mga
matatanda. Sa banyo , panay na ang buhos ng tubig ni Kuya Patrick mas maaga itong
nagigising kay Tricia.Pilit na idinilat ang isa pa. Ayaw! Magkadikit ang talukap at
pilikmata niya! Napaano?
“Nannnnaaaayyyy!!”
Nagmamadaling sumugod sa kuwarto ni Tricia si Nanay Tessie. “bakit Tricia,
anong nangyari?”
Nanay, ayaw dumulat ng isang mata ko. Tignan mo o, nakapikit!” Naiiyak na sabi
ni Tricia.
Tinignang mabuti ni Nanay Tessie ang namamagang mata. “Naku, anak, matindi
ang pagmumuta ng mata mo kaya nagkadikit ang mga pilikmata. Sore eyes yata!”
Nanlambot si Tricia sa narinig. Paano ngayon siya papasok sa eskuwela? Baka
pauwiin lang siya ng titser niya. Naalala niyang bigla si Boyet, ang kaklase niyang
nagka-sore eyes at kung paanong ayaw nilang lapitan ito sa takot na mahawa. At saka,
paano kung tuksuhin siya?
“Naku, may sore eyes si Tricia! Bilasa ang mata!” anunsyo ng Kuya Patick niya
sa buong bahay. “Baka tayo mahawa!”
Natapon ang iniinom na kape ng mga matatanda na kasalo ng tatay niya sa
mesa. Agad pumunta kay Tricia sina Lola Ada,Lolo Bayani, at Tatay Bong. Kanyakanya silang bigay ng payo.
“Sore eyes ba ka mo? Hilamusan ng ihi para mawala ang pamamaga!” payo ni
Lola Bayani.
“Mas mainam kung papatakan ng gatas ng ina ang mata!” payo naman ni Lola
Ada.
“Huwag kayong makikipagtitigan kay Tricia, baka kayo mahawa!’ gayon naman
ang sabi ni Tatay Bong. Napasimangot si Tricia sa narinig. Parang maiiyak.
“Kayo talaga, niloloko nyo pa si Tricia,” natatawang sagot ni Nanay Tessie. “Lolo,
baka pumanghi ang mukha ng apo ko kapag hinilamusang ng ihi. Lola, huwag n’yo
nang ihati sa gatas ng mga sanggol ang mga mata ni Tricia. At ikaw Bong, binibiro mo
pa ng bunso mo!”.
“Huwag kang mag-alala anak, at papatakan ng gamot ang mata mo. Gagaling
din iyan. konting tiis muna,” sabi ng Tatay Bong na ngayon ay seryoso na.
Namroblema si Tricia kung paano papasok sa eskuwela. Parang nakikita na niya
ang mga eksena sa eswkuwela. Bubuskahin siya ng lahat. Lalayuan na parng hindi
naliligo. Kaya ba niya iyon. Parang kailan lang ,siya ang nangungunang mambuska sa
kaklaseng dinapuan ng sore eyes. Wala palang puwera sa sore eyes!
Sa harap ng salamin, nag-isip ng paraan si Tricia para itago ang kanyang
namumulang mata. “Ilulugay ko itong buhok ko sa gawing kaliwa, pati ang mahaba
kong bangs, para matakpan ng kaliwang mata ko. Itong kanang mata naman ay hindi
namumula. “Ay hindi bagay. Para akong mangkukulam!”Lagyan ko kaya ng benda ang
isang mata ko. Kunwari ay nasugatan. “Ngii! para akong pirata!
“Hmmm, ano kaya kung mag suot ako ng magandang sombrero, yung malapad
para matakpan ang noo ko? “Hindi pwede, tiyak na mgatataka ang mga kaklase ko.
“Ano kaya ang magandang remedy? “ O anak, ingatan mo ang shades mo ha, “bilin ng
kanyang ina.
Suyang- suya si Tricia habang pasakay ng school bus. Halatang-halata tuloy na
may sore eyes siya. Sino ang maniniwalang nasisilaw lang siya sa araw eh
kasalukuyang umaambon? “ Randy Santiago. puwedeng patabi?” bukas pa ng kanyang
Kuya Patrick.
Sa eskuwela, pinayagan si Tricia na kumuha ng eksamen ng kanyang titser.
Pagkatapos ay pinayuhan siyang magpahinga na lamang sa bahay hanggang sa
gumaling. Habang naglalakad sa pasilyo, narinig niyang pinag-uusapan siya ng mga
estudyante roon.
Pustahan tayo, may sore eyes ang batang iyan kaya naka-shades!” “Oo naman,
ang sabi ko nga: Ang batang naka shades, asahan mo’t bilasa ang mata!”
Ikinukwento niya kay Nanay Tessie ang naging reaksyon ng mga malamang may
sore eyes siya. “Alam mo kasi, Tricia, madaling makahawa ang sore eyes. Lahat ng
bagay na hahawakan mo ay puwedeng pagsimula,” sabi ni Nanay Tessie. “Paano po
yun. Nay?
“Kunwari, nakusot mo ang mata mo nang hindi sinsadya. Kumapit na sa kamay
mo ang mikrobyo. Kung naipahid mo ito sa tuwalya, titira doon ang mikrobyo. Eh kung
aksidenteng nahawak nila ang tuwalyang yun, at pagkatapos ay nakusot nila ang
kanilang mata, tiyak na hawa sila!”
“Ay ganun po ba ? Ibig sabihin, may nahawakan ako na madumi?
“Oo, kaya dapat mag-ingat ka sa mga bagay na hahawakan mo. Kapag sore
eyes, ang dapat ay lagi kang maghuhugas ng kamay. Mahawakan mo man o hindi ang
mata mo, hindi mo maikakalat sa iba ang mikrobyo”.
“Eh, mahahawakan po ba ang kaliwaang mata ko ng kanang mata ko?”
pangungulit pa ni Tricia. “Depende kung ikukusot mo sa kabilang mata ang daliring
ipinangsalat mo sa matang may sore eyes.” “ Ay,oo nga po pala! Maghuhugas po ako
ng kamay palagi para isang mata ko lang ang may sore eyes. Ang hirap kasi ng may
sore eyes, Nanay, parang may buhangin sa loob!”
Maya-maya, pumasok si Kuya Patrick sa kuwarto ni Tricia. May kailangan siya
sa kanyang nanay. Nang makita nito ang namumulang mata ni Tricia,agad itong
nagpanic. “Ay. Tricia, may sore eyes ka nga pala! Huwag mo akong titigan! Ayokong
magka-sore eyes!” hiyaw ni Partick at nagmamadaling tumakbo.
“Naku Kuya, mali ka. Hindi nakahahawa ang sore eyes kapag tititigan lang.
Halika dito, ikukuwento ko sa iyo yung ikinuwento ni Nanay sa akin. Basta’t lagi kang
maghuhugas ng kamay, hindi ka magkaka-sore eyes!” paliwanag ni Tricia.
Nang hapong iyon, dala na ni Tatay ang gamot pamatak sa mata. Inalog-alog
muna niya ang mailit na botelya.Tapos ay hinatak niya pataas ang talukap ng mata ni
Tricia upang mailagay na ang gamot. “Tingin sa itaas….”Isa, dalawang patak..
Lumabong saglit ang paningin ni Tricia. Tapos marahan niyang pinalaro sa lawa
ng mata ang likidong ipinatak, iniiwasang matapon ito. Tapos ay dahan-dahan niyang
ikinurap ang mga mata.
“Ok ba ang pakiramda mo, anak?” “Opo, malamig pala yan sa mata. At mahapdi
nang konti. Siguro po, ganito ang ipinapatak sa mata ng artista para maiyak sa TV”,
sagot ni Tricia. “Hindi lamang minsan kundi maraming beses ka pa naming patakan ng
gamot sa mata hanggang mawala na ang pamumula.” paalala ng kanyang Tatay.
Kinabukasan, nang magising si Tricia, agad niyang pinakiramdaman ang
kanyang mata. Baka maiwang nakapikit ulit yung isa. Pero sabay nag dumilat ang mga
ito. At ang tignan niya ito sa salamin, napansin niyang parang nabawasan na ang
pamumula nito. Nagulat si Tricia nang biglang pumasok ang kanyang lolot’lola sa
kuwarto niya. “ Apo, may dala akong gatas ng ina. Hiningi ko sa ating kapitbahay na si
Aling Ason na kapapanganak lang. Pamatak sa mata,” bungad ni Lola Ada. “Ako
naman, apo, may nakulekta na akong ihi ni Patrick para pamahid sa iyong mata,” sunod
naman ni Lolo Bayani.
“Salamat po, Lolo, Lola, pero hindi ko na po kailangan ang mga iyan. May
ipinapatak na pong gamot si Tatay. Gagaling na po ako. At saka nga pala, naghugas na
po ba kayo ng inyong kamay?”
Nagkatinginan sina Lolo Bayani at Lola Ada.
Week 9 Day 3
Si Hugo
By: Charles Funk
Ang hunyango ay may pambihirang katangian. Nagiging kakulay ito ng bawat
makapitan. Dahil dito, ang hunyango ay mahirap makita ng kanyang kalaban. Pero
itong si hugo ay naiiba sa mga kasamang hunyango.
Sa halip maging kakulay ang kanyang makapitan, ang kulay ni Hugo ay magiging
kabaligtaran, kaya kitang kita siya ng iba.
Minsan, nagtago sa berdeng dahon si Hugo. Sa halip na maging berde, naging
pula ang kulay ni Hugo, kaya siya’y nabisto.
Iniligtas ng mga kasama si Hugo. Pero nagreklamo ang mga ito. “muntik ka ng
mapahamak, Hugo. Bakit kabaligtaran ang nagiging kulay mo?”
Muling nagtago sina Hugo sa bayan ng naging asul ang damit. Naging asul ang
kulay ng kanyang mga kasama, pero si Hugo ay naging kahel. Kaya si Hugo ay agad
napansin ng uwak na naghahanap ng pagkain.
Iniligtas ng mga kasama si Hugo. Pero nagreklamo ang mga ito. “ bakit naging
baligtad ang kulay mo, Hugo? Muntik na tuloy mapahamak ang ating grupo!”
Nagtakbuhan sila sa dayaming dilaw. Ang lahat ay naging kulay dilaw maliban
kay Hugo na naging biyoleta ang kulay. Nakita siya ng naistorbong kalabaw at si Hugo
ay bigla nitong sinlakay.
Iniligtas ng mga kasama si Hugo. Pero nagreklamo ang mga ito. “ Talagang
pahamak ka Hugo? Anong klase kang hunyango?
Umuwi sa tiraha sa gubat ang grupo. Pagod na pagod sila sa kaliligtas kay Hugo.
Galit na galit sila kay Hugo dahil sa maling pagpapalit kulay nito. Nang gabing iyon,
hindi makatulog si Hugo.
Walang anu- ano’y naka amoy ng usok si Hugo. “ nasusunog ang gubat!”
nagising at nalito ang lahat ng hunyango. Dahil itim ang kulay ng usok. Naging itim ang
kulay ng lahat ng hunyango.
Pero hindi naging itim ang kulay ni Hugo. Pagkat naging puti ang kanyang
naging kulay, si Hugo ay agad nakita ng mga kasamahan. Sinundan siya ng mga ito sa
ligtas na daan, palabas sa nasusunog nilang tirahan.
Si Hugo ay biglang naging sikat na Hunyango. “Maraming salamat sa iyong
ginawa, Hugo,” sabi ng kanyang mga kasama. “ kung hindi naging puti ang kulay mo,
baka napahamak ang buong grupo
Week 10 Day 5
Alamat ng Saging
Noong unang panahon ay may isang magandang dalagang hindi natatakot sa
mga kababalaghang tulad ng multo,tiyanak,kapre,aswang at kung anu-ano pang
maligno.
Sa paninirahan nilang mag-anak sa gitna ng kabukiran ang dalagang ito na ang
pangala’y SORINA ay hindi natatakot sumalok ng tubig sa balon kahit malalim na ang
gabi.Bagaman nang panahong yaoy talagang may mga malignong gumagala kung
gabi.
Nagkataon naman na may isang matagal-tagal na rin palang sumusubaybay kay
Sorina.Ang pangalan nito ay Kablot, anak ng isang engkantada. Si Kablot pala’y
matagal-tagal na ring humahanga at umiibig nang lihim kay Sorina. Kaya isang araw, sa
bias ng taglay niyang engkanto. Si Kablot ay naging isang makisig na binate na husto
sa tindig.
At sa bisa pa rin ng kanyang engkanto ay nakalapit siya kay Sorina nang hindi
namamalayan ng dalaga.
Sa mga sandaling iyon, sa bisa at kapangyarihan ng sinasabing pag-ibig sa
unang pagkikita. Ang pagmamahal ni Kablot ay tinugon ni Sorina ng kanyang pag-ibig.
Nang di alam ng dalaga kung sino at ano ang tunay na katauhan ng binata.
Walang kamalay-malay si Sorina. Dumating na ang araw at takdang oras upang
ang makisig na si Kablot ay mag-balik na sa pagiging engkantado.
Tumutulo ang luha ni Sorina. Lumuluhang yumakap nang buong higpit si Sorina
sa binata.
Subalit laking hindi makapaniwala si Sorina. Nakahulagpos sa pagkakayakap
niya ang binata. Ang nalabi na lamang na hawak-hawak niya’y ang isang kamay ng
binata.
At si Sorina’y nakarinig ng tinig.
Tinupad ng dalaga ang huling habilin ng kaniyang katipan.
Araw-araw,ang nakalibing na kamay ay dinidilig niya ng kanyang luha…luha ng
pangungulila sa kanyang pinakamamahal.
Di naman gaanong nagtagal,sa mismong lugar na iyon, sa kinabaunan ng kamay
ng binata.
Sumulpot ang puno ng saging na ang bunga ay may pagkakahawig sa mga daliri
ng kamay ng tao.
Week 10 Day 4
Isang Aral Mula Kay Juana
by: Becky Bravo
Minsan ay may munting isla sa isang malawak at malaking dagat, at napakalayo nito
kahit saan mang lugar. Ang kalalakihan sa isla ay nanghuhuli ng isda gamit ang mga
karaniwang Bangka na yari sa kahoy ng isang mahagway na puno na masaganang
tumutubo roon.
Samantala, ang kababaihan ay nag-iikid ng sinulid mula sa hibla ng isang ligaw na
halaman. Tinitina at hinahabi nila ito sa makukulay na tela, na ginagamit nila sa
paggawa ng damit at makakapal na kumot bilang pamawi ginaw na dala ng malamig na
simoy ng hangin.
Ang mga kabataang lalaki sa isla ay tinuturuan ng kanilang mga tatay na mangisda.
Ang mga kabataang babae ay tinuturuan ng kanilang mga nanay na maghabi at
manahi. Sa paglipas ng maraming taon ay walang idinulot na kaguluhan ang ganitong
kaugalian na pinahalagahan nan g panahon, hanggang sa dumating ang panahong
kailangan ng matutunan ni Juana ang Gawain ng kanyang nanay.
Nagsikap si Juana hanggat sa abot ng kanyang makakaya, ngunit ang paghahabi at
pananahi ay sadyang mga gawaing hindi nababagay sa kanyang mga kamay. Ang mga
kumot na hinahabi niya ay laging maiksi, makitid, at punong-puno ng mga butas kung
saan lumulusot ang mga tuhod at siko sa gabi at pinangingikig ng panggabing simoy ng
hangin.
Ang mga blusang ginagawa ni Juana ay laging masikip sa bandang dibdib, mas mataas
kaysa pusod ang laylayan, masyadong maluwag sa leeg, o mas maigsi ang isa sa mga
manggas. Nagagawa lamang ng kanyang tatay na isuot ang pantalon nito na kapag
tumatalon ito at sabay na ipinapasok ang dalawang paa, at ang kanyang nanay naman
ay naisusuot lamang ang palda nito kapag pinipigil nito ang hininga.
Kahit kailan ay hindi dumaing ang mga magulang ni Juana. Pinagtitiyagaan ng mga ito
ang mga di-maayos na kumot, at isinusuot ang mga damit na hindi tama sa sukat. Kahit
ano ang gawin ng anak ng mga ito ay puwede na sa mga ito. Ngunit ang kaawa awang
Juana ay hindi masaya. Tiyak, may iba pang kayang gawin ang kanyang mga kamay na
mas maigi?
“Tatay, tuturuan mo ba akong mangisda?” tanong ni Juana sa kanyang tatay isang
umaga.
“Ano?” tanong ng kanyang tatay, na may kahinaan ang pandinig.
“Huwag kang hangal, Juana. Ang pangingisda ay para sa mga lalaki! Ang mga babae
ay sa bahay, naghahabi at nananahi,” wika ng kanyang nanay.
“Pero, Nanay, hindi ko talaga kayang maghabi at manahi ng matino. Siguro mas
magiging mahusay ako sa pangingisda,” paliwanag ni Juana.
“Ano?” tanong uli ng kanyang tatay.
“PANGINGISDA, mahal ko!” sigaw ni Nanay. Pumasok sa kukote niya na dapat ay
turuan mo siyang MANGISDA!”
“Turuan kang mangisda!” humalakhak na sabi ni Tatay. Tinapunan ito ni Juana ng
nagmamakaawang tingin, habang si Nanay ay kunot ang noong nakapamaywang.
Tumingin si Tatay sa labas ng bintana sa dagat na payapa sa umaga, at naapuhap nito
ang sagot sa mga alon na marahang gumugulong. “Puwede tayong magsimula
ngayon,” wika nito.
Panay ang tutol ni Nanay buong almusal, ngunit desidido si Tatay na turuan si Juana na
magisda, kung iyon ang gusto niya. Sa sandaling nasumpungan ni Juana ang sarili sa
laot, naramdaman niya ang pagiging mas maginhawa sa matibay na bangka ng
kanyang Tatay kaysa nakakalitong habian ng kanyang Nanay at sa mga kahon nito ng
mga karayom at sinulid. Sa paggabay ni Tatay, sumagwan si Juana palaot sa dagat.
Pinainan niya ang kanyang mga taga, inilawit ang kanyang mga pamingwit, hinatak at
hinapit ang umaalagwang huli, at nag-uwi ng tatlong maliliit at matatabang isda para sa
hapunan.
Kumalat ang balita sa isla na tinuruan na si Juana na mangisda. Pumalatak ang mga
ginang at inutusan ang mga babaeng anak na atupagin ang pananahi; umigik ang mga
lalaki at nagpahayag na kahit kailan ay di-hamak na mas mahusay na mangisda ang
mga anak ng mga lalaki kaysa kay Juana. Sinalubong si Juana ng palatak at pag-igik
saanman siya magpunta, ngunit sa halip na masiraan ng loob sa pangingisda, hinangad
niya lalo na maging mas mahusay pa siya sa gawaing iyon.
Isang araw, nagsagwan si Juana papunta ng laot hanggang sa ang mga tao sa paligid
ng dalampasigan ay naging kasinlaki na lamang ng kanyang kamay. Hanggang doon
lang siya makapagsagwan bago mapagod ang kanyang mga braso. Pagtingin niya sa
paligid, nakitang niyang sa mas malayo ay higit na mas maasul ang dagat.
“Tatay, sa tingin mo ba’y mas malalaki ang mga isda roon?”tanong niya sa kanyang
Tatay, at itinuro ang bahagi ng tubig na kasingtingkad ng tina na ginagamit ng
kababaihan sa pagkukulay ng sinulid para maging asul na katulad ng tinta.
“Oo,” sagot nito. “Kapag mas asul ang tubig, mas malalaki ang mga isda.”
“Paano ninyo nalaman? Wala ni isa sa isla ang nakapagsasagwan ng ganyan kalayo,”
wika ni Juana.
Noong bata pa ako, pumalaot minsan ang iyong Lolo hanggang sa ang mga tao sa
dalampasigan ay kasinlaki na lamang ng kanyang hinlalaki,” sagot nito. “Wala na siyang
lakas para magsagwan pauwi, kaya nagpaanod-anod siya sa dagat nang ilang araw
bago siya natagpuang natutulog sa kanyang bangka, yakap ang pinakamalaking isda
noon lang nakita sa isla. Wala nang iba pang nakarating sa pinakaasul na bahagi ng
laot mula noon.”
Habang pauwi sila ng araw na iyon, pinag-isipan ni Juana kung magagawa niyang
dalhin ang isang bangka sa pinakaasul na bahagi ng tubig. Tiyak na may iba pang
paraan upang makarating doon na hindi mapapagod sa paggaod? Nilingon niya ang
dagat at nakita niya ang sagot sa isang malakas na ihip ng hangin. Hinipan iyon ang
kanyang buhok palayo sa kanyang mukha, at pagkatapos ay umihip sa isang makulay
na hilera ng mga bagong-labang kumot na nakasabit mula sa isang sampayan.
Hinagupit niyon ang mga kumot sa banda rito at sa banda roon, halos hugutin na ang
mga ito mula sa sampayan at tangayin sa himpapawid.
Pagkaraan ng ilang araw, pumalaot si Juana at ang kanyang tatay lulan sa isang
bangkang kakaiba sa lahat. Iyon pa rin ang bangkang laging ginagamit nila, pero sa
gilid niyon ay nakalaylay ang anim na kumot na pinagtagni-tagni, nakasabit sa isang
balangkas na umiikot ng pakaliwa at pakanan. Ito iyong mga kumot na gawa ni Juana,
iyong mga masyadong maigsi at makitid; at ang mga butas ay tinagpian ang mga
pirasong galing sa mga pantalong tinatalon ng kanyang tatay at sa mga wala sa tamang
sukat na palda at blusa ng kanyang nanay.
Pinaikot ni Juana ang balangkas para masalo nito ang umiihip na hangin. Malakas na
sumalpok iyon sa mga kumot at itinulak ang kanilang maliit na bangka sa laot. Hindi
nagtagal, natagpuan ni Juana at ng kanyang tatay ang kanilang mga sarili sa
pinakaasul na bahagi ng tubig, malayong-malayo sa dalampasigan kaya ang mga taong
nakatayo roon ay tila mas maliit pa sa hinlalaki ni Juana.
Sunod-sunod na nakahuli si Juana at ang kanyang tatay ng napakalaking isda. Nang
mapuno ang bangka, naglayag na sila pauwi. Naghihintay sa kanila sa dalampasigan
ang nanay ni Juana. Gayundin ang mga babaeng pumapalatak dati, at ang mga
lalaking umigik ng pagkayamot. Nagulat ang mga ito sa laki ng mga isdang nahuli nila,
at namangha sa kagila-gilalas na makinaryang kanyang nilikha na pamigil sa hangin.
Tinanong ng mga ito kung paano makagagawa ng ganoong aparato, at buong lugod na
tinuruan naman ni Juana ang mga ito.
Hindi nagtagal, ang malalim na asul na dagat sa palibot ng kanilang isla ay
napapalamutian na mg kahanga-hangang maliliit na bangka na may matitingkad na
layag. Mula noon, mga ngiti na lamang ang sumasalubong kay Juana saan man siya
magpunta. Ang mga kabataang babae ay pinayagang matutong mangisda, at ang mga
kabataang lalaki ay pinayagang matutong maghabi at manahi kung iyon ang gusto ng
mga ito.
Week 10 Day 2
Nang Magkakulay ang Nayon
By: Susan Dela Rosa Argon
Noong araw, laging malungkot si Juanito. Kasi, malungkot sa nayon ni Juanito.
Malungkot ang nayon ng Alikabok. Walang kulay ang mga bahay. Walang kulay ang
mga hayop at halaman.
Walang araw sa nayon ng Alikabok. Lahat ng bagay ay may Alikabok. Tamad
maglinis ang mga tao. Mahilig maglasing ang mga lalaki. Mahilig matulog ang mga
babae.
Isang araw, dumating ang isang lalaki. Nakita ni Juanito ang lalaki. Ibang-iba ang
dumating na lalaki.Mas mabilis lumakad ang lalaki. Masaya ang mukha at may kulay
ang damit nito!
Nagpunta ang lalaki sa isang tindahan. Sumunod si Juanito sa lalaki. Nayuyulog
ang may ari ng tindahan. Puro alikabok ang tindahan. Puro alikabok ang mga garapon
sa tindahan. Puro alikabok ang mga estante sa tindahan.
Ibig maupo ng lalaki. puro alikabok ang mga upuan sa tindahan. Nilinis ng lalaki
ang isang upuan. Nilinis niya pati ang sandalang ng upuan. Nagulat si Juanito. May
kulay pala ang upuan. Kulay pula ang upuan!
Nilinis din ni Juanito ang isang upuan. kulay asulang upuan niyang nilinis.
Tuwang-tuwa si juanito sa paglilinis.
May dumating na ibang mga bata. Nilinis din nila ang isang upuan. Kulay dilaw
naman ang upuan nilang nilinis. Tuwang-tuwa sila sa paglilinis.
Kumuha ng panlinis ang mga bata. May kumuha ng walis. May kumuha ng
basahan at tubig. May kumuha ng eskoba at bunot. Nilinis nila ang mga dingding ng
bahay. Tuwang-tuwa sila sa mga kulay ng dingding. May dingding na kulay pula. May
dingding na kulay asul. may dingding na kulay dilaw.
Nilinis nila ang mga halaman. Kulay berde ang mga dahon ng halaman. Sumigla
ang mga halaman. Nilinis nila ang mga bulaklak. Iba-iba ang kulay ng mga bulaklak.
May bulaklak na kulay lila. May bulaklak na kulay kahel.
Kumuha ng hagdan ang lalaki. Umakyat siya sa hagdan at nilinis ang langit.
Lumitaw ang kulay ng ulap. Lumitaw ang kulay ng araw. Lalong sumaya ang paligid.
Lalong lumitaw ang mga kulay sa liwanag ng araw. Nagising ang mga tao sa nayon ng
Alikabok. Nahinto sa paglalasing ang mga lasenggo. Nagulat sila sa nakitang mga
kulay. Tulong-tulong silang naglinis sa paligid.
Pagkatapos, nilapitan nila ang lalaki. Gusto nilang magpasalamat sa lalaki. “
Maraming salamat Ginoo,” sabi ng mga taga Alikabok sa lalaki. “ Ako si pintor,” sabi ng
lalaki. “ Gusto kong pintahan ang inyong nayon. Gusto ba ninyo akong tulungan sa
pagkukulay ng inyong paligid? Sagot ng mga tao, “ Oo, halina’t kulayan an gating
paligid!”
“Kulayan natin ang mga kalabaw at kabayo.”
“Kulayan natin ang mga bungang kahoy.”
Mula noon, Masaya na si Juanito. Masaya na rin ang buong nayon. Hindi na
tamad ang mga tao. Binago nila ang pangalan ng kanilang nayon. Ngayon, Bahaghari
ang bagong pangalan ng kanilang nayon. Malinis at Masaya ang nayon ng bahaghari.
Week 10 Day 1
Si Pagong at si Matsing
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong,
subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng
isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni
Pagong
“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing
“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang
lason ang pagkain” dagdag pa nito.
“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain
si Aling Muning” sabi ni Pagong
“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing
Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan.
Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.
“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira.Sa
susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing;
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa
kaibigan.
Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.
“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo.
Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito”
masayang sabi ni Pagong
“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni Matsing
“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”
“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?”
nakangising sabi ni Matsing
“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong
“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang
ang itaas na parte”sabi ni Matsing
Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat.
Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan
ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang
linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.
Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng
saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.
Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.
“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at
natuyo”sabi ni Matsing
“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang
tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong
“hmp kaya pala nalanta ang aking tanim”nanggigil na sambit ni Matsing
“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito
“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang
akyatin.”sabi ni Pagong
“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga.
Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing
Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas
ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno.Wala itong itinira para kay Pagong.
“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin.
Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing
Nanatili sa itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.
Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng
mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik
kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.
“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at
mukhang uulan ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing
“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako.mukhang
malakas ang ulan.Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni
Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning
Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang
nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.
“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng
tusong matsing
“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin”bulong nito sa sarili
Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si
Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan.
“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.
“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong
“Tatadtarin kita ng pinong pino”sabi ni Matsing
Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.
“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay
dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi
ni Pagong
Nag-isip ng malalin si Matsing
“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka” sabi ni Matsing
“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang
makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama
dito” pagyayabang ni Pagong
Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa
dalampasigan.
“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang
sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing
Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.
“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako
marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong
Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas
niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si
Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay
parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.
“Hahaha.Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang
lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi
ni Pagong
Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang
kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.
Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.
Sabi nga:
Tuso man ang matsing, naiisahan din
Week 10 Day 3
Si Wako
Ibang-iba si Wako sa lahat ng kuwago.
Nauupo sa sanga ang mga kuwago.
Nagbibitin sa sanga si Wako.
Natutulog kung araw ang mga kuwago.
Naglalaro kung araw si Wako.
Daga at insekto ang pagkain ng mga kuwago.
Kendi at sopdrinks ang gusto ni Wako.
Mahilig magbasa ang mga kuwago.
Natutulog sa klase si Wako.
Madalas mapagalitan ng titser si Wako.
Madalas isumbong sa Nanay na si “Wako’y pilyo.”
Minsan, naglakwatsa si Wako.
Isang aso ang kinalaro ni Wako.
Pero hinabol siya ng kagat ng aso.
Isang kabayo ang sinakyan ni Wako.
Pero sinipa siya ng kabayo.
Umuwi si Wako.
Ginamot siya ng Nanay habang sinasabing, “Bakit ka nakipaglaro sa aso at kabayo?
Talagang iba ka nga sa lahat ng kuwago!”
Nang maglagi sa bahay si Wako, kumain nang husto. Kaya naempatso.
Nang gumaling, nangako sa Nanay si Wako. Nangako siyang mag-aaral at
magbabago.
Natutulog si Wako tulad ng ibang kuwago. Sa klase’y laging aktibo. Kahit nasa bahay
ay nagbabasa si Wako. Kaya ang kuwagong pilyo ay lumaking matalino.
Week 11 Day 1
Ang Apat kong Mukha
Marahil nagtataka kayo kung bakit naging apat ang mukha ko. Nag-iiba-iba kasi ang
aking mukha ayon sa nararamdaman ko. Minsan ako ay masaya, kapag di ako masaya,
ako ay malungkot, hindi naman ako laging malungkot, hindi rin ako laging masaya.
Minsan ako ay nagagalit din. Galit na pabigla, para bang nabigla. Iba naman kapag galit
na galit ako, hindi talaga ako masaya. Kapag ako ay nabigla, may halo itong masayang
mukha, minsan naman kapag ako’y nabigla, may kahalo itong malungkot na mukha.
Apat rin ba ang inyong mukha? May mukha ba kayong masaya, malungkot, galit at
nabigla? O lagi ka bang malungkot? Lagi ka na lang bang masaya? Sa bawat
nadarama iba’t-ibang mukha ang makikita- masaya, galit, malungkot at nabigla.
Week 11 Day 2
Ang Malungkot na Kuneho
Minsan, may isang Kuneho na malungkot na malungkot dahil sa napakahaba at
napakanipis niyang teynga. Kadalasan, sa haba at nipis ng kanyang teynga
natatapakan na niya ito.
Isang araw, may isang diwata na bumagsak sa ulo ng kuneho. Iniangat ng diwata ang
teynga ni Kuneho at itinali niya ang dalawang teynga at gumawa ng tila hugis ekis.
Itinali niya uli ito at gumawa ng isa pang hugis ekis na animo’y parang tali, at isa pa, at
isa pa, hanggang sa lumiit ang kanyang teynga.
Tinandaang mabuti ni Kuneho kung paano itali ang kanyang teynga. Simula noon,
naging masaya na si Kuneho.
Mga Tanong:
1. Bakit malungkot si Kuneho?
2. Sino ang tumulong sa kanya?
3. Ano ang ginawa ng Diwata?
Week 11 Day 3
Ang Tatlong Lalaking Kambing
Noong unang panahon, may tatlong lalaking kambing ang nakatira sa isang
malawak na bukirin sa paanan ng bundok. Sila ay sina Malaking Lalaking Kambing,
Gitnang Lalaking Kambing, at Maliit na Lalaking Kambing.
Sa tabi ng bukirin, ay may ilog na dumadaloy.
Isang araw, napagkasunduan ng tatlong lalaking kambing na tumungo sa
kabilang ilog upang makakuha ng pagkain. Ngunit bago sila makarating sa kabilang ilog
ay kailangan muna nilang tumawid sa may tulay na may nakatirang pangit at
nakakatakot na matandang lalaki.
Naunang nagtungo ang Maliit na Lalaking Kambing sa tulay, trip…trap..trip..trap
ang tunog ng kanyang mga paa. “Sino ang dumaraan sa aking tulay?” ang sabi ng
nakakatakot na lalaki. “ Ako lamang ito, ang maliit na lalaking kambing” sabi ng Maliit
na Lalaking Kambing. “Ayan na ako at kakainin na kita” wika ulit ng nakakatakot na
lalaki. “ Maawa kana, huwag mo akong kainin, ako ay maliit lamang. Hintayin mo
nalamng na dumaan ang susunod na kambing. Mas malaki siya kaysa sa akin.” wika ng
Maliit na lalaking Kambing. “ Sige maari ka nang dumaan” wika ng nakakatakot na tinig.
Maya-maya, daraan na ang Gitnang Lalaking Kambing. Trip..trap…trip..trap ang
tunog ng kanyang mga paa. “Sino ang dumaraan sa aking tulay?” sigaw ng nakakatakot
na lalaki.
“ Ako lamang ito, ang Gitnang Lalaking Kambing. Makikiran lamang po
ako para kumain ng damo upang maging mataba” wika ng Gitnang Lalaking Kambing. “
Oh hayan na ako at kakainin na kita” sabi ng nakakatakot na tinig. “ Huwag mo akong
kainin, hintayin mo ang susunod na daraang kambing, higit siyang malaki sa lahat.”
“Talaga! Sige maaari ka nang dumaan” wika ng nakakatakot na lalaki.
At hindi nagtagal, dumaan ang Malaking Lalaking Kambing. Trip..trap..trip..trap
ang tunog ng kanyang mga paa. “Sino ang dumaraan sa aking tulay?”sabi ng
nakakatakot na lalaki. “Ako ang Malaking Kambing” sagot ng Malaking Lalaking
Kambing sa malakas at matapang na boses. “Hayan na ako at kakainin na kita”sabay
lundang ng nakakatakot na Lalaki sa Malaking Kambing.
Ngunit, ang Malaking Lalaking Kambing ay mas malakas at matapang. Sinuwag
niya ang nakakatakot na matandang lalaki at nahulog ito sa gitna ng ilog at inagos ng
tubig. At hindi na nakita pa kailanman ang nakakatakot na lalaki mula noon.
Simula noon, palagi nang nagpupunta ang tatlong lalaking kambing sa kabilang
ilog upang kumain.
Week 11 Day 5
Ang Uwak na Uhaw
Si Uwak ay masipag lumipad nang lumipad. Masipag siyang maghanap ng
pagkain para sa kanyang mga inakay.
Isang araw, habang siya ay naghahanap ng makakaiin, nakaramdam siya ng
pagka-uhaw.
Doon niya namalayan na malayo na pala ang kanyang nararating. Naghanap ng
tubig si Uwak ngunit wala siyang makita. Nagpalipad-lipad ito, wala talaga siyang
makitang tubig maliban sa tubig na nasa loob ng bote.
Dumapo dito si Uwak upang uminom, ngunit hindi umabot ang kanyang tuka sa
tubig. Nagpalinga-linga ulit si Uwak para humanap ng makakatulong sa kanya.
Nag-isip si Uwak kung paano siya makakainom sa bote. “ Aha! Alam ko na!”,
sabi ni Uwak at lumipad siya sa may batuhan. Kumuha ng isang bato si Uwak at nilagay
sa may bote.
Sinubukan ulit ni Uwak na uminom sa bote ngunit hindi parin abot ang tuka nito.
Lumipad muli si Uwak at kumuha ng maraming bato at inilagay sa bote
hanggang sa mapuno ng bato ang bote at tumaas ang tubig sa loob nito.
Ipinasok ni Uwak ang kanyang tuka at uminom ng tubig. Halos maubos ni Uwak
ang laman ng bote sa sobrang uhaw at pagod
Nang maubos na ang tubig, muling nagpatuloy sa paghahanap ng pagkain si
Uwak.
Week 11 Day 4
Prinsepeng Malungkot
by: Dudi E. Gamos
May isang prinsipeng malungkot, sa buhay niya ay bagot na bagot. Madalas siya
ay nakasimangot. Kaya ang kanyang Amang Hari ay madalas mapakamot sa ulo nitong
panot.
“Bakit ka nga ba malungkot? Bakit lagi kang nakasimangot? Gayong ang palasyo
ay maraming payasong nagpapasaya sa iyo.”
Inang Reyna ay aburido, hindi mapakali sa kanyang trono. Madalas tuloy ay
sumasakit ang kanyang ulo. Wika ng Inang Reyna’ “Ginto at pilak, laruang iba-iba, mga
ito ba ay hindi pa sapat? Hay naku! Mawawalan pa yata ako ng ulirat.”
“ Kamahalan, ako ay may naisip na paraan, kung ako ay inyong pahihintulutan.”
Biglang singit ng mensaherong maliit. “Sige nga at aking pakinggan, suhestiyon mong
dapat ay aking mapakinabangan.”
“Bakit hindi tayo magkaroon ng paligsahan? Kung sinuman ang
makapagpapasaya sa ating prinsipe kahit sa anumang paraan ay ating
gagantimpalaan.”
“Maganda ang iyong ideya, sa lalong madaling-panahon iparating iyan sa masa.”
“Lahat kayo ay making! Ang ating Hari’y humiling- Kung sinuman ang
makapagsasaya sa prinsipeng malulungkutin, ginto at pilak ay kanyang bibitbitin.
Huwag lang kalilimutan, balato para sa akin.”
Marami ang sumubok… malungkot na prinsipe ay hinimok… Ngunit lahat ay
naghimutok. Lahat sila ay nabigo, hindi napasaya ang prinsipeng malungkot. Ang
prinsipe ay nagmumukmok sa ituktok ng palasyong nalulugmok sa lungkot.
Kaharian ay nagdurusa. Amang Hari ay nag-alala. Ang Inang Reyna, tila
nawawalan na ng pag-asa. “Wala na tayong magagawa, kailanman ay hindi na siya
sasaya.”
Mula sa tumpok, isang bata ang sumulpot. May kasama itong asong putol ang
buntot. “Ano ang magagawa ng isang batang maliit? Tila naliligaw ang bubuwit na ito!”
“Halika, Mahal na Prinsipe, tayo ay maglaro sa labas ng palasyo, siguradong
lungkot mo ay maglalaho.”
“Ako nga pala si Mario, at ang aso ko naman ay si Pondo. Halika na, sinisiguro
ko sa iyo, sasaya ang mundo mo.” Ang prinsipe ay naengganyo. Sumama siya kay
Mario at kay Poldo, tumakbong palabas ng palasyo.
Ito ang unang pagkakataong siya ay nakalabas ng palasyo. Sila ay tumakbo…
masayang humabol si Poldo, kumakaway ang putol na buntot nito. Sila ay umakyat sa
puno ng abokado, lalambi-lambitin sa mga sanga nito. Kakahul-kahol si Poldo
makaakyat din kaya ito?
Masaya silang naligo sa ilog na mabato. Ang galing-galing lumangoy ng asong si
Poldo! Masayang-masaya ang tatlo. Tuwang-tuwa ang palasyo, binuksan ito sa publiko.
Buong bayan ay dumalo.
“Sa iyo, Mario, tanggapin mo ang pabuyang ito. Tiyak, kabuhayan mo ay
magbabago.”
“Salamat po, Mahal na Hari. Ngunit ang ginto at pilak na ito ay hindi lamang para
sa akin, ito’y nararapat sa katulad kong dukha ipamahagi.”
Ginto at pilak na pabuya ay ipinamahagi ni Mario sa ipinamahagi ni Mario sa
tulad niyang dukha. “Maging kaibigan lang ng Mahal na Prinsipe ay isa nang
kayamanan.”
“Salamat Mario, at sa iyo rin, Poldo. Tunay nga kayong mabubuting kaibigan.”
Pagpapasalamat ng batang prinsipe.
At magmula noon, nagbago nang ganap ang batang prinsipe na dati ay
malungkot, nakasimangot at bagot na bagot. Ngayon, ang kaligayahan niya ay hindi
mag-abot-abot.
Week 12 Day 2
Alamat ng Bawang
by: Segundo D. Matias Jr.
Noong unang panahon sa isang barangay sa Ilokos ay may isang datu na
nagngangalang Na-dong. Siya ay may tatlong anak na binatilyo.
Pagdating sa pagsasaka, ang turing ng datu sa kanyang mga anak ay kapantay ng mga
ordinaryong mamamayan sa barangay na pinamumunuan niya. Binigyan niya ang
kanyang mga anak ng tig-iisang malawak ng lupaing sasakahin upang makaugalian ng
mga ito ang kasipagan at hindilaging umaasa sa kanya.
Kaya nailing na lamang ang datu tuwing nakikita niya si Sakwel- ang anak niyang
bunso-na nakikipagkwentuhan sa mga hayop at namamasyal sa kagubatan o sa
parang. Kapag nawiwili ito ay napapabayaan nito ang lupang ibinigay nito.
Isang araw ay pinagsabihan ng datu si Sakwel. “Natitiyak kong ikaw na naman ang may
pinakakakaunting ani sa darating na anihan,” babala nito. “ Lagi ka na lang bang
pahuhuli sa iyong mga kapatid?”
Kahit kailan ay hindi naramdaman ni Sakwel na ipinagmalaki siya ng kanyang ama. Sa
tuwina ay sinasabihan siya nitong dapat daw ay gayahin niya ang kasipagan ng
kanyang dalawang kapatid.
“Sakwel, aking anak, ang kasipagan ay isang napakagandang katangian ng isang tao.
Ang tagumpay at pangarap ay matatamo lamang kung may ganito kang pag-uugali,”
paalala nito sa kanya.
Matamang nakikinig lamang si Sakwel sa pangaral ng amang datu.
Pero may isang pangyayari sa barangay na nananatiling misteryo sa mga tao. Tuwing
anihan, napapansin nilang nababawasan ang kanilang inaani.
“Mahal na Datu, may nakakita na may mga taong-puti na umaaligid sa ating barangay
at kinukuha ang ating mga ani tuwing gabi,” sabi ng isa sa mga naninirahan doon.
Natawa ang datu.“Taong-puti?”Kalokohan.Sa lugar na ito’y walang taong-puti.”
Sa kanilang bayan, kilalang masisipag ang mga tao. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng
mga naninirahan doon kaya hindi alintana ng mga ito ang sikat at init ng araw. Iyonang
dahilan kaya ang mga balat ng mga tao sa lugar na iyon ay pawang kayumanggi.
“Magmanman lamang kayo sa paligid. Kung sakaling may mga taong nagsasamantala
sa atin, kailangan mahuli ang mga ito at dapat na maparusahan,” dagdag niya.
Isang gabi, habang pinagmamasdan ni Sakwel ang mga alitaptap sa kanilang bakuran
ay may nakita siyang kakaibang anyong nangunguha ng mga aning palay at gulay sa
kamalig. Maputing-maputi ang mga balat nito at ito’y isang lalaki. Kung ‘di siya
nagkakamali ay kasinggulang niya ito.
Pagkuwa’y umalis ang lalaking maputi. Sinundan ito ni Sakwel. Nakarating siya sa
kalagitnaan ng kagubatan at nakita niyang pumasok ito sa isang yungib. Naisip niyang
iyon marahil ang taong-puti na narinig niya sa kanyang ama.
Dahil madilim na nang mga oras na iyon, bumalik na lang siya sa kanilang bahay.
Nang sumunod na gabi, inabangan ni Sakwel ang taong-puti sa kamalig. Sa
pagkakataong iyon, may mga kasama na itong tatlong bata.
Naglakas loob na si Sakwel, binulyawan niya ang mga ito. “Kayo! Kayo pala ang mga
nangunguha ngaming mga ani!”
Mabilis na tumakbo ang tatlong bata. Nasukol ni Sakwel ang pinakamatanda sa tatlong
bata.
Huwag, huwag mong sasaktan ang mga kapatid ko! Ako na lamang…” pagmamakaawa
ng taong puting una niyang nakita nang nakaraang gabi.“ Ako si Baw-ang. Isa akong
kaibigan.Kailangan namin ng pagkain, kaya namin ginagawa ito.Maawa ka sa amin,
huwag mo kaming isusumbong,” pagsusumamo uli nito.
Naawa si Sakwel habang nagkukuwento sa kanya si Baw-ang. Matagal na panahon na
raw na nakatira ang mga ito sa yungib na iyon sa gubat dahil sinakop ng isang pangkat
na dayuhan ang kanilang barangay. Doon sa gubat nakakita ang mga ito ng ligtas na
lugar. Minsan daw ay hinabol ang buong pamilya nito ng mababangis na hayop kaya
namatay ang ama nito. Mula noon ay hindi na lumabas ng yungib ang mga kaanak nito.
Tuwing tahimik ang gabi lamang naghahanap ang mga ito ng pagkain.
Dahil sa narinig ay binigyan na lamang ni Sakwel ng pagkain si Baw-ang.
Mula noon, lagi na nagkikita sa gabi sina Sakwel at Baw-ang sa kamalig.
“Doon lamang kayo nakatira sa loob ng yungib?” usisa ni Sakwel.
“Sa loob ng malaking yungib na iyon na ako nagbinata. At mula noon ay naging ganito
na ang aming balat dahil hindi kami nasisikatan ng araw,” pgkukuwento ni Baw-ang. “Sa
piling ngaming mahal na ina ay nawiwili kami sa magagandang kuwento niya sa amin.
Kung minsan naman, tuwing sasapit ang gabi ay naglalaro kami sa gubat.”
Kami nama’y laging pinapaalalahanan ng aming amang datu tungkol sa kahalagahan
ng pagtatrabaho at ang matutuhang tumayo sa aming sariling mga paa. Kailangan daw
maging masipag kami upang maging matagumpay sa ano mang aming mithiin sa
buhay,” sabi ni Sakwel.
Mula noon, nakakita ng matalik na kaibigan si Sakwel sa katauhan ni Baw-ang at gayon
din naman si Baw-ang kay Sakwel.
“Sakwel, balang araw, sana’y masuklian namin ng kabutihan ang pinsalang nagagawa
namin sa inyo,” minsan ay nasabi ni Baw-ang sa kanya.
Hanggang sa isang gabi, habang nagkukuwentuhan ang magkaibigan ay nahuli ang ina
at mga kapatid ni Baw-ang. Nakita ni Sakwel na hinahabol ang pamilya nito ng ilang
taong-bayan.
“Baw-ang, kailangan mong tumakas, bago ka nila mahuli!”
“Saan ako magtutungo?” May takot sa tinig ni Baw-ang.
“Magpakalayu-layo ka, kung hindi’y mapapahamak ka!Sa kabilang bayan, doon ka
pumunta! Hinahabol nila ang iyong ina at iyong mga kapatid!”
Walang nagawa si Baw-ang kundi sundin ang sinabi niya.
Dagling pumasok sa yungib ang mga kaanak ni Baw-ang. Pagkatapos niyon ay basta
na lang tinabunan ng mga taong-bayan na humahabol sa kanila ang bunganga ng
yungib. Tiniyak ng mga ito na hindi makalalabas ang mga kaanak ni Baw-ang, habang
dinig sa kagubatan ang paghiyaw ng mga taong-puti.
Pero huli na ng makarating si Sakwel sa kinaroroonan ng yungib. Naglaho na ang mga
hiyaw at pagmamakaawa ng mga kaanak ng matalik na kaibigan…
Kinabukasan ay naging usap-usapan ang mga pangyayari. Inilahad ni Sakwel ang
kanyang pagkapoot sa mga taon may pananagutan sa pagtabon sa mga kaanak ni
Baw-ang. “Hindi sila dapat hinusgahan nang gayun-gayon lamang, aking ama.Hindi
makatarungang parusa ang ginawa nila sa mga taong-puti.”
Naunawaan ni Datu Na-dong ang katwiran ng kanyang anak kaya itinali sa punong may
mga langgam ang mga taong salarin.
Mula noon, walang araw na hindi pinupuntahan ni Sakwel ang kinaroroonan ng ina at
mga kapatid ni Baw-ang. Nag-aalay siya ng mga bulaklak sa mga ito. Hanggang sa
makakita siya ng isang kakaibang halaman na sumulpot sa bahaging pinagtabunan sa
mga taong-puti.
Ang halaman ay may kumpul-kumpol na kulay-puting mga bunga na nakabigkis, waring
nagyayakapan tulad ng pagiging malapit sa isa’t isa ng mga kapatid at ina ni Baw-ang.
Ang kulay ng halaman ay malaki ang pagkakatulad sa mga balat ng mga taong-puti.
Binuksan niya ang isang bunga at may naamoy siyang anghang mula roon.
Dumami ang halaman na nakatabon sa yungib. Naisip niyang nagsisilbing alaala iyon
ng kanyang kaibigang si Baw-ang.Kinuha niya ang mga halaman at inalagaan.
Hindi naglaon ay natuklasan ng ilang mga kababayan na ang halamang iyon ay
nakagagamot ng maraming karamdaman kapag kinakain o ipinapahid sa balat. At higit
doon ay naging paboritong sangkap din ito sa mga lutuin.
Mula noon, itinanim ni Sakwel sa lupang sinasaka ang nasabing halaman na nagmula
sa mga taong-puti. Inalagaan niya ng mabuti ang mga halaman. Dahil sa kanyang
kasipagan ay naging malusog ang mga iyon. Dumami ng dumami ang mga iyon at pati
sa karatig-barangay ay itinanim na rin ang mga halaman.
Natuwa si Datu Na-dong para sa kanyang anak, lalung-lalo na ng dagsain ng mga
dayuhan mula sa mga karatig-bansa ang kanilang barangay upang bumili ng mga
halamang puti.
Hindi naglaon, si Sakwel ang kinilalang nakatuklas sa halamang iyon.
Nagdaan ang maraming taon, hindi inaasahan ni Sakwel ang pagdalaw ng isang lalaki.
Laking gulat niya nang magpakilala ito sa kanya. Ito ay walang iba kundi si Baw-ang.
Hindi niya ito nakilala dahil tulad niya ay kayumanggi na rin ang balat nito.
“Matalik kong kaibigan, kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito na ikaw ay makita
muli, maligayang sabi ni Sakwel.
Inihalahad ni Baw-ang kung ano ang nangyari ditto mula nang umalis ito. “Nagbalik ako
rito upang magpasalamat sa iyo. Nang magtungo ako sa ibang lalawigan ay pinairal ko
ang sinabi mong kasipagan. Dahil sa katangiang ito, isa na akong tanyag na
magsasaka at nabubuhay nang matiwasay. Dahil dito’y natupad ang aking mga
pangarap. Ako’y may sarili na ring bahay at nakalikom nang sapat para sa aking
kinabukasan.”
Ako rin ay dapat magpasalamat sa iyo.” Ipinakita ni Sakwel ang malawak na lupaing
puno ng halamang natuklasan mula sa mga kaanak nito.
“Upang manatli ka sa aking alaala, isinunod ko sa pangalan mo ang mga halamang
iyan. Kaya kahit minsan ay hindi kita nakalimutan, aking kaibigan…”Niyakap niya nang
mahigpit ang kaibigang si Baw-ang.
Week 12 Day 3
Ang Dagang Mahilig sa Keso
By: Ofelia E. Concepcion
Si Bubwit ay isang kyut na daga. Mahilig siyang kumain ng keso. Ito ang paborito
niyang pagkain.Malaki ang sweldo ng tatay ni Bubwit. Sa isang pabrika ng keso ito
nagtatrabaho. Ang keso ay murang ipinagbibili sa mga manggagawa ng pabrika. Ito ang
dahilan kaya laging may pasalubong na keso ang ama kay Bubwit.
Marami ang naiinggit kay Bubwit. Lagi siyang may baong keso sa pagpasok sa
eskwela. “Heto, tikman ninyo,” alok niya sa mga kaklase.
“Mahal na mahal si Bubwit ng ama at ina. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng mga ito.
“Isukat mo. Binurdahan ko ito para sa iyo.” Ang sabi ng kanyang ina.
“Inay, ang ganda po ng sumbrerong ito. Salamat po,” sabi naman ni Bubwit.
“Isuot mo ito sa kaarawan mo ha?” sabi ng nanay niya..
Masarap ang buhay ni Bubwit. Hindi problema ng pamilya niya ang pera. Nakakain niya
ang lahat ng kesong gusto niya.
Natutuwa naman ang mga magulang ni Bubwit sa kanya. Nag-aaral kasi siyang mabuti.
Matataas ang kanyang marka.
Ang akala ni Bubwit ay walang katapusan ang kanyang ligaya. Hanggang iusang araw
ay umuwing malungkot ang kanyang ama... Natanggal ito sa trabaho...
Kailangan nilang magtipid. Iyon ang sabi ng ina ni Bubwit. Paunti-unti na rin sila kung
kumain ng keso.
Nahirapang humanap ng bagong trabaho ang tatay ni Bubwit. Minsan ay inabutan pa ito
ng malakas na ulan at nababad sa basa. Nang gabing iyon ay nagising si Bubwit sa
tawag ng ina. “Gisingin mo ang kapitbahay natin. Dadalhin natin sa doctor ang tatay
mo.”
Nagkaroon ng pulmonya ang tatay ni Bubwit. Ang natitira nilang
sa doctor at pambili ng mga gamot nito.
pera ay ipinambayad
Ubos na ang keso nila. Wala na silang pagkain. Wala na ring pambaon sa eskwela si
Bubwit. “Okey lang po kahit wala akong baon inay.” Ang sabi ni Bubwit
Maraming kaibigan ang naawa kay Bubwit. “ Talagang ganyan ang buhay. Minsan
naman ay naranasan kong kumain ng mga masasarap na keso,” aniya sa kaibigan.
Madiskarte ang nanay ni Bubwit. Tumanggap ito ng mga buburdahing damit upang may
mapagkakitaan habang inaalagaan ang asawa.
Pagkatapos naman ng klase ay umuuwi agad si Bubwit. Siya ang nagluluto ng kanilang
hapunan. Siya ang nagpapainom ng gamut sa tatay niya.
Sinikap naman ng tatay niya ang gumaling agad.” Kaya ko na ang katawan ko, anak.
Maraming salamat sa pag-aalaga mo, pasensya na at hindi ka na nakakakain ng keso.”
Ang sabi ng kanyang ama. “Mas mahalaga po sa akin ang gumaling kayo. Pwede
naman po akong mabuhay ng walang keso.” Tugon ni Bubwit
Nang gumaling ang tatay ni Bubwit ay muling naghanap ng trabaho. Suwerte naming
natanggap ito. “ Magsisimula ka na sa Lunes.”
Maayos na muli ang buhay nina Bubwit. Nalampasan nila ang mabigat na pagsubok.
“Inuwian kita ng keso,” ang sabi ng tatay ni Bubwit. “Salamat po itay.”
Pinatunayan nila na anumang problema ay makakayang malampasan ng isang
pamilya kung sama-sama at magtutulungan ang mag-anak..
Week 12 Day 4
Ang Maliit na Pulang Inahing Manok
Noong unang panahon, mayroong isang maliit na pulang inahing manok na nanirahan
sa isang bukid. Siya ay may kaibigan, isang tamad na aso, isang inaantok na pusa, at
isang maingay na dilaw na pato.
Isang araw ang maliit na pulang inahing manok ay natagpuan ang ilang mga buto sa
lupa. Ang maliit na pulang inahing manok ay nagkaroon ng isang ideya. Gusto niyang
itanim ang buto.
Ang maliit na pulang inahing manok ay nagtanong sa kanyang mga kaibigan, "Sino ang
makakatulong sa akin na itanim ang buto?"
"Hindi ako," tumahol ang tamad na aso.
"Hindi ako," humikab ang inaantok na pusa.
"Hindi ako," humuni ang maingay na dilaw na pato.
"At ako," sabi ng maliit na pulang inahing manok. Kaya ang maliit na pulang inahing
manok ay tinanim lahat ng buto sa pamamagitan ng kanyang sarili.
Kapag ang buto ay lumago, ang maliit na pulang inahing manok ay nagtanong sa
kanyang mga kaibigan, "Sino ang makakatulong sa aking kunin ang mga trigo?"
"Hindi ako," tumahol ang tamad aso.
"Hindi ako," humigab ang inaantok na pusa.
"Hindi ako," humuni ang maingay na dilaw na pato.
"At ako," sabi ng maliit na pulang inahing manok. Kaya ang maliit na pulang inahing
manok ay inani ang lahat ng trigo sa pamamagitan ng kanyang sarili.
Kapag ang lahat ng trigo ay naani, ang maliit na pulang inahing manok ay nagtanong sa
kanyang mga kaibigan, "Sino ang makakatulong sa aking gawin ang mga trigo sa
kiskisan upang maging harina?"
"Hindi ako," tumahol ang tamad na aso.
"Hindi ako," humikab ang inaantok na pusa.
"Hindi ako," humuni ang maingay na dilaw na pato.
"At ako," sabi ng maliit na pulang inahing manok. Kaya ang maliit na pulang inahing
manok ay dinala ang lahat ng trigo sa kiskisan sa pamamagitan ng kanyang sarili, at
dinala ang mabibigat na sako ng harina pabalik sa bukid.
Kapag ang harina ay ginawang tinapay , tanong ng inahing manok sa kanyang mga
kaibigan, “Sino ang makatutulong sa akin upang gawin itong tinapay?”
"Hindi ako," tumahol ang tamad aso.
"Hindi ako," humigab ang inaantok pusa.
"Hindi ako," humuni ang maingay na dilaw na pato.
“At ako,” sabi ng maliit na pulang inahing manok. Kaya ang maliit na inahing manok ay
ginawa ang harina na tinapay sa pamamagitan ng kanyang sarili.
At nang maluto na ang tinapay umamoy ang isang mabangong amoy na nagmula sa
nalutong tinapay.Ang maliit na pulang inahing manok ay nagtanong. “Sino ang may nais
na tumikim ng aking ginawang tinapay?.”
“Ako,” tahol ng aso..
“Ako,” sabi ng inaantok na pusa.
“Ako,” sabi ng maingay na dilaw na pato.
“Wala sa inyo ang makatitikim ng aking ginawang tinapay, sapagkat ito ay tinanim ko
magisa, inani ko magisa, pinakiskis ko magisa at iniluto kong magisa.” Sabi ng maliit na
pulang inahing manok. “Kaya ako lang ang magisang kakain nito.” Dagdag ng maliit na
pulang inahing manok.
Nang sumunod na makakuha ang maliit na pulang inahing manok ng buto ay tinulungan
na siya ng kanyang mga kaibigan. Ang aso ang nagtanim. Ang pusa ang nagdilig araw
araw . Ang dilaw na pato ang umani. At ng ang trigo ay nakiskis ginawa nila itong
tinapay. At sama sama nila itong pinagsaluhan. Simula noon magkakasamang
namuhay ng may pagkakaisa ang mga hayop sa bukid. 
Week 12 Day 5
Ang mga Mangagawa ni Vilma
by: Purificacion C. Balingit
Isang umaga, habang suot ang kanyang malapad na sombrero, binisita ni Vilma ang
kanyang taniman. Masayang-masaya siya! Ang kanyang taniman ay punung-puno ng
mga hinog na ubas.
“Kailangan ko ng mga taong tutulong sa akin para anihin ang mga ubas!” ang sabi niya.
Kaya naman inimbitahan ni Vilma ang pitong kalalakihan upang tumulong sa kanya na
anihin ang makatas at mapulang mga ubas. Pinaghati-hati nila ang kanilang sarili sa
pitong hanay ng mga ubasan.
Nagmadali sila sa pagkuha ng mga ubas. “Tandaan ninyo,” sabi ni Vilma, “ang unang
makapagdadala ng basket sa sasakyan ang siyang makakakuha ng papremyo.”
Tinawag ni Vilma si Ver para dalhin ang sasakyan malapit sa taniman.
“Kailangan natin ng sasakyan para madala ang mga ubas sa pagawaan ng alak.”
Nagmaneho si Ver papunta sa malapad na taniman ng ubas. Iginarahe niya ang
sasakyan sa gilid habang naghihintay sa mga ani.
Hindi nagtagal, nagdilim ang langit.
“Uulan na,” sigaw ng mga lalaki.
“Magmadali tayo bago pa bumuhos ang ulan!”
Nagmamadaling dinala ng mga manggagawa ang mga basket sa sasakyan. Pero isa sa
kanila ay nadulas at tumapon lahat ang ubas sa lupa.
“Naku! Ang mga ubas ko, ang mga ubas!” paiyak na nasabi ng ikapitong lalaki. “Tulong!
Tulong!”
Palapit na si Vilma upang tumulong nang bumuhos ang malakas na ulan.
Tinawag ni Vilma ang iba pang mga lalaki. “ Tara, Tulungan nyo kami!”.
Kaya naman ang mga lalaki ay nangagmadaling tumakbo at tumulong sa pagkuha ng
mga ubas.
Pero bumagsak na ang malakas na ulan. Naging madulas at maputik ang daan.Subalit
si Vilma at ang pitong kalalakihan ay narating pa rin ang sasakyan.
Di nagtagal nakarating din sila sa pagawaan ng alak.
Lahat ay masaya dahil sa wakas ang mga ubas ay handa na upang gawing alak.
Ngayon iniisip ni Vilma ang tungkol sa papremyo. “Sino kayang makakakuha ng
malaking basket na ito na puno ng mga pagkain?” ang mahina niyang tanong.
At ibinahagi ni Vilma ang papremyo sa pito niyang manggagawa.
Week 12 Day 1
Hipon at Biya
by Carla Pacis
Sa maputing buhangin ng isang bahayang isda nakatira si Hipon at si Biya. Kahit
hindi magkauri, magkasama silang nakatira sa isang lunggang binungkal sa buhangin ni
Hipon. Masaya sila sa ganitong pamumuhay.
Trabaho ni Hipon na panatilihing malinis ang kanilang lungga. Hindi niya
hinahayaang pasukin ito ng buhangin dala ng mga alon. Dahil sa sampu nitong
mahahaba at matitinik na binti, hindi ito problema. Kaniya ring sinisigurado na kumakain
ng maayos si Biya.
Si Biya naman na binabantayan ang lungga mula sa mga nais mang- abala.
Kaniya ring tinitiyak na ligtas si Hipon mula sa malalaki’t gutom na isda na sarap na
sarap sa manipis nitong balat. Tuwing may papalapit na malaking isda, agad na
ipipilantik ni Biya ang buntot ng ilang beses. At si Hipon, na malabo ang mata, ay
nagmamadaling pumasok sa lungga upang makaiwas sa panganib.
Kapag bumabagyo, hinaharangan ni Hipon ng bato ang bungad ng lungga. Dahil
dito ligtas si Hipon at si Biya mula sa mga along humahampas sa bahayang isda.
Ganitong panahon ng magsimula ang kanilang alitan.
Ilang araw na ring bumabagyo at pagod na si Hipon sa pagtutulak ng buhanging
pumapasok sa kanilang lungga. “Wag ka ngang lumangoy- langoy lang! Kumilos ka
naman diyan!” sigaw ng pagod na pagod na si Hipon. “Ano naman magagawa ko?”
sagot ni Biya. “Wala namang makapapasok sa lungga para tayo’y kainin.” Alam ni
Hipon na tama si Biya. Pero bakit kailangan siya lang ang laging magtrabaho?
“Ikuha mo ako ng pagkain!” utos ni Hipon. “Kamutin mo ang likod ko!”
“Pero mga palikpik lang ang mayroon ako!” sagot ni Biya, na gustuhin ko man ay
di magawa ang mga utos ni Hipon. Alam ni Hipon na tama si Biya ngunit patuloy pa rin
nitong kinulit si Biya.
Hindi na matiis ni Biya ang nangyayari. Kaya pagkatapos ng bagyo, lumangoy
siya palabas ng lungga. “Saan ka pupunta?” tanong ni Hipon. “Maghahanap ako ng
ibang lungga!” sagot ni Biya. Sa isang pilantik ng kaniyang buntot, siya’y nawala.
“Bllb,” sambit ni Hipon at gumapang siya pabalik sa lungga. “Kung sa kaniyang
palagay ay kailangan ko siya, nagkakamali siya.” Di nagtagal, lumabas si Hipong
malabo ang mata. Isa pa lang pindangga ang naghihintay sa kaniya sa labas ng lungga!
Buti na lang at bago siya manguya ng matutulis at baku- bakong ngipin ng pindangga,
nakapasok sa lungga si Hipon, na bahagi lang ng isang binti ang nawawala.
Bago pa man lumubog ang araw sa bahayang isda, ang takot na Hipon ay
muntik ng makain hindi lamang ng pindangga, kundi pati ng isang lumba- lumba at
isang pawikan. “Siguradong magiging pakaing isda ako ngayong wala si Biya,” iyak ng
kawawang si Hipon.
Hindi naman nalalayo si Biya. “Kailangan mo ba ng isda para magbantay ng
lungga?” tanong niya sa lahat ng Hipon na makasalubong. Ngunit ang bawat lungga ay
may sariling Biya at hindi na nangangailangan ng isa pa. “Saan ako matutulog?” tangis
ni Biya na walang lungga, habang takot na takot na nagtatago sa likod ng isang
malaking bato, umaasang di siya mapansin ng dumadaang maming.
Pagsikat ng araw, nagbungkal si Hipon palabas ng lungga. At sino pa nga ba
ang naghihintay sa labas kundi ang napakarumi at gutom na gutom na si Biya!
“Nagbalik ka!” sigaw ng napakasayang Hipon, na akmang yayakapin si Biya gamit ang
kaniyang siyam at kalahating binti. “Kailangan kita upang bantayan ako! Ipinapangako
kong magpapakabait na ako at hindi na ipagaagawa ang alam kong hindi mo kayang
gawin.
“Mabuti naman,” sabi ni Biya, na masayang- masaya rin dahil siya’y nakauwi na.
“Kailangan naman kita para ipagbungkal ako ng bahay. Lahat ng ibang Hipon ay may
kapares na at ang bahayang isda ay isang mapanganib at malungkot na lugar para sa
isang Biyang walang tirahan,” dagdag ni Biya, sabay pilantik ng buntot ng tatlong beses
bilang babala na may isang gutom na gatasan na gumagala sa di kalayuang lugar.
Kaya’t magkasamang namuhay sina Hipon at Biya sa isang lunggang binungkal
ni Hipon.
Sila’y masaya sa ganitong pamumuhay.
Week 13 Day 1
Ang Alamat ng Palay
by: Virgilio S. Almbario
Noong araw, hindi nagtatanim ng halaman at hindi nag-aalaga ng hayop ang mga tao
para may makain. Umaasa lamang sila sa kalikasan.
Kaya tumitira sila kung saan may pagkain.
May tumitira sa mga kuweba sa bundok at nabubuhay sa bungangkahoy at nahuhuling
hayop. May tumitira sa tabing ilog at dagat at nabubuhay sa pangingisda. Tumitira sila
sa isang lugar hanggang may makakain.
Kasama ng iba ang mag-asawang Banag at Danas sa paghahanap ng bagong lugar na
matitirahan. Dati silang nakatira sa tabing dagat. Ngunit sinira ng malakas na bagyo ang
kanilang mga bahay sa tabing dagat.
Natatakot silang muling abutin ng bagyo. Bakit lagi tayong lumilipat ng tirahan?” tanong
ni Banag kay Danas.”Pagod na ako sa ganitong buhay,Hindi tuloy tayo magkaanak.”
Gusto ni Banag na humiwalay sila sa iba at mamalagi sa isang magandang pook.
“Gusto kong isilang doon ang ating anak.” Sinunod ni Danas ang hiling ng asawa.
Pumili sila ng isang magandang pook sa bundok at doon nagtayo ng munting bahay.
Tahimik ang napili nilang pook sa bundok at sagana sa prutas at hayop na makakain.
May malinaw na batis sa malapit, at maraming isdang nahuhuli si Danas. Ngunit biglang
dumating ang tagtuyot. Matagal na hindi umulan,at natuyo ang lupa. Namatay ang mga
halaman at punongkahoy, at nawala ang mga hayop at ibon. Namatay ang mga isda sa
natuyong batis. Naghanap ng pagkain sa malayo si Danas,ngunit malawak ang
dumating na tagtuyot.
Naglakad siya ng naglakad at nakarating sa kabilang bundok. Ngunit wala pa rin siyang
makitang pagkain. Inabot ng matinding pagod si Danas sa gitna ng isang malapad na
parang. Nahiga siya sa damuhan at nakatulog.
Noon biglang humihip ang hangin, at sumayaw at umawit ang mga damo. Nagising at
nagulat si Danas.Pinakinggan ni Danas ang awit ng mga damo.”Kami ang pag-asa ng
tao, Danas. Pulutin mo ang aming mga bungang butil.
Masarap na pagkain ang aming mga butil.” Noon napansin ni Danas ang mga uhay ng
damo. Hitik sa mga gintong butil ang bawat uhay.Pumitas siya ng isang butil at kinagat.
“ Bayuhin mo ang aming mga butil para maalis ang gintong balat,” muling awit na
masaya ang mga damo. “Iluto mo ang puting laman ng butil para lumambot at maging
masarap na pagkain.” Pumitas ng maraming uhay si Danas hanggang mapuno ang
kaniyang sisidlan at nagmamadaling umuwi kay Banag. “May pagkain na tayo ngayon,”
tuwang-tuwang balita niya kay Banag.Tulad ng utos ng mga damo, inalisan nila ng balat
ang mga butil at iniluto bago kainin.Kinabukasan, nagbalik sa parang si Danas.”Itanim
mo ang aming butil,”awit ng mga damo “Itanim mo sa lupang pinalambot ng ulan.
Alagaan mo ang mga butil na tutubo.Tuwing ma-aani ka’y maglaan ka ng mga butil para
muling itanim at alagaan. Matuto kang magsaka’t mag-alaga ng halaman.Sa pagsasaka
ka aasa ng ikabubuhay.”
Biglang naramdaman ni Danas ang patak ng ulan. Nagdidilim ang langit nang
tumingala siya.“Palay ang itawag mo sa iyong pananim,” awit ng mga damo na lalong
sumigla ang pagsayaw pagbuhos ng malakas na ulan.”Ibalita mo sa ibang tao ang
lahat. Ituro mo sa kanila ang pag-aalaga ng palay.” .Sinunod ni Danas ang mga utos ng
damo. Gumawa siya ng bukid sa paligid ng bahay at pinag-aralang mabuti ang pagaalaga ng palay. Itinuro niya sa ibang tao ang natutuhan. Lumawak ng lumawak ang
mga bukid na taniman at mula noon,naging magsasaka ang mga tao. Hindi na rin sila
palipat-lipat ng tirahan.
Week 13 Day 4
Ang Pangit na Bibe
Natuwa ang itik nang isa-isang mapisa ang kanyang mga itlog. Mula sa nga itlog ay
lumabas ang tatlong maliliit na mga bibe. May natirang isang itlog na ayaw mapisa .
Matiyagang naghintay ang inang itik. Isang umaga ay sumilip ang mukha ng isang
pangit na bibe mula sa itlog. Ang pangit na bibe ay naging malaking katatawanan.
Nawalan tuloy siya ng tiwala sa sarili.
Lagi siyang nagtatago kapag may mga bibeng dumadalaw sa kanilang bahay. Maging
ang mga kapatid ay lagi siyang inaasar dahil sa kapangitan. Madalas tuloy ay
nakakagagalitan ang mga ito ng kanilang ina. Iniwasan tuloy siya ng mga kapatid.
Alam ng pangit na bibe na mahal siya ng ina .. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang
malungkot. Hanggang magdesisyon siya ng maglayas na lamang. Inabutan ng sama
ng panahon ang pangit na bibe. Wala siyang masilungan kaya basang-basa siya.
Gininaw siya at nilagnat dahil sa pagkababad sa basa. Napulot ng isang magsasaka
ang pangit na bibe. Iniuwi siya nito.Inalagaan siya ng asawa ng lalaki. Pero
Isang araw ay narinig niya na gagawin siyang litson nito. Natakot siya.Nagpasya siyang
muling tumakas.Hinabol siya ng aso ng magsasaka kaya binilisan niya ang
pagtakbo.Sa pagtakas ay nakarating ang bibe sa isang lugar na pinamumugaran ng
maiilap na mga gansa.
Naging kaibigan niya ang nga ito. Isang umaga, ginising siya ng walang tigil na mga
putok na baril. Marami agad mga gansa ang napatay. Nagsiksik siya sa damuhan na
takot na takot. Nang umalis ang mga mangangaso ay nagmamadali suyang lumayo
doon.
Hanggang lumipas ang maraming panahon… Isang gabi, may grupo ng mga ibong
dumating sa kinaroroonan ng pangit na bibe. Magigilas ang mga ito kaya hanganghanga siya. Naisip niya kung anong uri ng ibon ang mga iyon.
Ibig niyang sundan ang mga ibon. Matibay na ang kanyang mga pakpak at nakalilipad
na rin siya nang matagal.. Minsang lumilipad ay may nakita siyang dalawang
magagandang ibon habang lumalangoy.
Naalala niya ang grupo ng mga ibon na hinahangaan niya. Laking gulat niya nang
sabihin ng mga ito na napakaganda niya. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita
ang repleksyon.
Isa na nga siyang kaakit-akit at magandang gansa.
Week 13 Day 3
Si Goldilocks at ang Tatlong Oso
Noong unang panahon ay may isang pamilya ng mga oso na nakatira sa gubat.
Sila ay sina Tatay Oso, Nanay Oso, at Baby Oso. Tahimik silang namumuhay sa loob
ng gubat.
Palakaibigan si Nanay Oso. Kapag dumadalaw ang mga kaibigan ay nagdadala
siya ng mga nilutong pagkain. Taliwas ang ugali ni Baby Oso sa mga magulang. Hindi
siya palakaibigan.
Nakilala ni Baby Oso si Goldilocks. Inanyayahan niya ito na pumunta sa kanila.
Ayaw naming sumama ni Goldilocks.
Isang araw, gumawa ng keyk si Nanay Oso. Dahil mainit pa ang keyk ay naisip
nilang dalawin ang isang kaibigan.
Sa panghuhuli ng paruparo ay nakarating si Goldilocks sa gubat. Nang makakita
siya ng bahay ay pumasok siya roon.
Nagutom siya nang makita ang keyk. Kinain niya iyon. Inupuan din niya ang
upuan ni Baby Oso pero nasira niya iyon.
Inantok si Goldilocks nang mabusog. Natulog siya sa kama ni Baby Oso. Nang
umuwi ang mag-anak na oso ay napansin nila na bukas ang pintuan ng bahay. Nagulat
sila nang makita si Goldilocks. Nagulat din si Goldilocks nang magising dahil naisip na
mali ang ginawa. Pinatawad ng Pamilya Oso si Goldilocks. Naging malapit na
magkaibigan sina Goldilocks at Baby Oso mula noon.
Ang Diyos na Si Merkuryo at ang Mangangahoy
Kinaumagahan pagkatapos ng isang malakas na bagyo, nagtungo sa gubat ang
isang mangangahoy dala ang kanyang palakol. Nakita niyang ilan sa mga puno ay
nabunot mula sa kinatatayuan at nakatumba.
Nagpasya ang mangangahoy na sa sibakin ang mga natumbang puno para
matanggal ang mga nakahalang sa paligid. Nagbalak siyang magtanim ng mga punla
bilang kapalit ng mga nakatumbang puno.
Sinisibak ng mga mangangahoy ang isang natumbang puno sa tabi ng ilog nang
dumulas ang palakol mula sa kanyang pagkakahawak. Dumausdos ang palakol sa
rumaragasang ilog at lumubog.
Nanlumo ang mga mangangahoy sa pagkawala ng kanyang palakol.
Bigla, lumitaw ang diyos na si Merkuryo sa kanyang harap. Nagkataong ang ilog
ay pag-aari ng diyos. “Huwag kang mag-alala, sisisirin ko ang iyong palakol,” sabi ng
diyos sa mangangahoy.
Sinisid ng diyos ang ilalim ng ilog. Lumitaw uli ito pagkaraan ng ilang saglit
tangan ang isang palakol na yari sa ginto. “ Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa
mangangahoy.
“Hindi po,” sagot ng mangangahoy.
Muli, sumisid si Merkuryo sa ilalim ng ilog at lumitaw na tangan ang isang palakol
na yari sa pilak. “Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa mangangahoy.
“Hindi po,” tugon ng mangangahoy.
Sa pangatlong pagkakataon ay inilubog ng diyos ang sarili nito sa ilalim ng ilog.
“Ito ba ang iyong palakol?” tanong nito sa mangangahoy nang lumitaw ito tangan ang
palakol na nabitawan ng mangangahoy.
Labis na katuwaan ang naramdaman ng diyos sa katapatan ng mangangahoy.
Nagpasya siyang ibigay ang dalawang palakol na yari sa ginto at pilak bilang mga
regalo.
Nagpasalamat ng labis ang mangangahoy sa diyos.
Kinagabihan, ibinalita ng mangangahoy sa isang kapwa mangangahoy ang
tungkol sa magandang kapalarang natamo niya habang nagsisibak siya ng natumbang
puno sa tabi ng ilog.
Kinabukasan, nagtungo ang pangalawang mangangahoy sa tabi ng ilog upang
magsibak ng natumbang puno. Hinayaan niyang kusang dumulas ang kanyang palakol
mula sa kanyang kamay at hinayaan din niyang lumubog iyon sa ilalim ng ilog.
Pagkatapos ay naghintay siya. Pagkaraan ng ilang saglit, nagpakita si Merkuryo
at inalok ang pangalawang mangangahoy na sisirin ang nawalang palakol.
Lumitaw si Merkuryo na tangan ang isang palakol na yari sa ginto. “Ito ba ang
iyong palakol?” tanong niya sa mangangahoy.
“Opo, iyan nga po ang nawawalang palakol ko! bulalas ng pangalawang
mangangahoy.
Labis na nanlumo si Merkuryo sa pagsisinungaling ng pangalawang
mangangahoy. Nagpasya siyang huwag ibigay sa mangangahoy hindi lamang ang
palakol nito kundi maging ang nawalang palakol nito.
Ang Dalawang Takuri
Isang malakas na bagyo ang dumaan sa isang bayan. Lumaki ang tubig sa ilog
at tinangay ng baha ang ilang bahay na nakatayo sa pampang.
Dalawang takuri ang hindi nakaligtas sa baha. Ang isa ay yari sa luwad at ang
isa ay yari sa pilak.
Ngayon ay palutang-lutang sila kasama ang mga layak habang inaanod sila ng
rumaragasang tubig ng ilog.
“Kaibigan,” wika ng takuring yari sa pilak sa takuring yari sa luwad, “alam kong
natatakot ka. Kapag nabundol ka ay mababasag ka.”
“Dito ka pumuwesto sa likuran ko, magiging pananggalang mo ako,” wika ng
takuring yari sa pilak. “Hindi ako mababasag dahil yari ako sa pilak.”
“Salamat kaibigan,” wika ng takuring yari sa luwad.
“Pero hindi na kailangan.”
Sa halip na lumapit ay lalong lumayo ang takuring yari sa luwad sa takuring yari
sa pilak.
“Bakit ka lumayo?” nagtatakang tanong ng takuring yari sa pilak.
“Ayaw mo bang maprotektahan kita habang hindi pa lumilipas ang panganib?”
“Salamat kaibigan,” wika ng takuring yari sa luwad. “Alam kong mabuti ang iyong
layunin pero kapag lumapit ako sayo at nagkabungguan tayo, tiyak na mababasag ako.”
Hindi nakaimik ang takuring yari sa pilak. Pinagmasdan na lamang niya ang
takuring yari sa luwad na ilayo pa ang sarili sa kanya.
Ang Dagang Taganayon at ang Dagang Tagalungsod
Dinalaw ng dagang tagalungsod ang kaibigang dagang taganayon. “Masama
ang lagay ng lugar na tinitirhan mo, kaibigan,” aniya. “Marumi at wala akong nakikitang
bagay na magaganda.”
Nadismaya ang dagang taganayon.
Pagdating ng magkaibigan sa lungga ng dagang taganayon, muling nagkomento
ang dagang tagalungsod. “Sa siyudad, ang mga sahig ay nangingintab sa kalinisan.”
Hinainan ng dagang taganayon ang kanyang kaibigan ng pagkaing galling sa
bukid: mga butil ng bigas, mais, gisantes, trigo at pira-pirasong keso. “Hindi pagkain
ang mga ito kompara sa mga kinakain namin sa siyudad,” anang dagang tagalungsod
at agad na nagpaalam sa kaibigan.
Napagkasunduan ng magkaibigan na dadalawin ng dagang taganayon ang
dagang tagalungsod sa susunod na linggo.
Sa sumunod na linggo, sinalubong ng dagang tagalungsod ang kaibigang
dagang taganayon sa kalsada. Ninerbiyos ang dagang taganayon nang muntik na
silang masagasaan ng isang trak.
Dinala ng dagang tagalungsod ang kaibigan sa isang marangyang bahay.
Inakyat nila ang hapagkainan kung saan nakalatag ang hamon, litson at iba’t ibang
putahe.
Pero bago sila makakain ay biglang pumasok ang katulong.
Hinataw ng katulong ng walis ang magkaibigan at saka hinabol. Takot na takot
ang dagang taganayon. Akala niya ay katapusan na ng kanyang buhay.
Pagbalik sa kalsada, inalok ang dagang tagalungsod ang kaibigan na kumain sa
ibang bahay ngunit tumanggi ang dagang taganayon. “Hindi ko isusugal ang buhay ko
makakain lang ng masarap na pagkain, kaibigan,” aniya.
Bumalik ang dagang taganayon sa payak ngunit mapayapang pamumuhay sa
bukid.
Week 13 Day 5
Si Pilandok at ang mga Buwaya
by: Virgilio S. Almario
Isang umaga, inutusan si Pilandok ng kanyang ina na mamitas ng mangga sa nayon ng
Mabunga. Kailangan niyang tumawid ng malaking ilog para makakuha ng mga mangga
sa Mabunga. Ngunit, Nasira ang tulay sa malaking ilog at maraming buwaya sa ilog.
Kinausap ni Pilandok ang pinunong buwaya para humingi ng pahintulot na makatawid
sa ilog.” Hindi puwede.” Ungol ng pinunong buwaya.“ Kinakain naming ang sinumang
tumawid sa ilog,” Mukhang gutom na gutom ang mga buwaya kaya nag-isip si Pilandok
ng paraan upang ligtas na makasunod sa utos ng ina. “ Ilan ba kayong lahat?” tanong ni
Pilandok. “Dalawampu,” mabilis na sagot ng pinunong buwaya. Nagkunwari si Pilandok
na isa-isang binilang ang mga buwayang nakalutang sa ilog. “Bakit sa tingin ko’y
sampu lang kayo?” “ Hindi dalawampu kami,” giit ng pinunong buwaya.” Pero sampu
lang ang nakikita ko,” ulit ni Pilandok. “Imposible,” sigaw ng buwaya. “dalawampu
kami.” “Teka ,” malumanay na sabi ni Pilandok, “ Mabuti pa, humilera kayong lahat
para mabilang ko at baka may nawawala.” Sumunod naman sa kaniyang mungkahi ang
mga buwaya at humanay nang magkakadikit. “ At para matiyak ko,” patuloy ni Pilandok,
“ tutungtong ako sa bawat bilangin ko.” “Isa,” bilang ni Pilandok at tumuntung sa
pinunong buwaya sa tabi ng pampang. “ Dalawa,” at lumipat siya sa ikalawang buwaya.
“ Tatlo, apat, lima, anim, pito, walo. Siyam, sampu, labing-isa,labindalawa, labintatlo,
labing-apat, labinlima, labing-anim, labimpito, labingwalo, labinsiyam….” At lumundag
siya sa kabilang pampang bago isinigaw ang “ Dalawampu!” Dali-daling namitas ng
manga si Pilandok. Napuno ang kanyang dalang bayong ng mga malalaki, hinog at
matatamis na manga. Kumain pa muna siya at nakatulog sa busog. Hapon na ng
magising si Pilandok. Anong tuwa niya nang makitang tahimik at walang buwaya sa
ilog. “ Nainip siguro sa paghihintay sa akin,” at nakangiti siyang lumusong sa ilog.
Ngunit, nag- aabang pala ang mga buwaya. Nang nasa gitna na siya ng ilog ay biglang
naglitawan ang mga buwaya. Huli na para makatakbo pabalik sa pampang ang
kawawang si Pilandok.”Naku.mabuti’t naparito kayo,” nakangiti kahit takot si Pilandok.
“Tulungan naman ninyo akong tumawid dahil ang bigat ng mga dala kong mangga at
baka malunod ako sa gitna ng ilog.”“Kakainin ka naming,” ungol ng pinunong buwaya.“
Itong mga manga ko na lang ang kainin ninyo,” alok ni Pilandok. “ Masarap ito.” “Ikaw
ang gusto namin,” ungol ng mgs buwaya. “Teka,” mabilis na nag-isip si Pilandok. “Bakit
ba gusto ninyo ako kainin?”
“Dahil masarap ang iyong atay,” sagot ng naglalaway na pinunong buwaya. “ Naku ,
sayang!” at nalungkot kunwari si Pilandok. “At bakit?” nagtatakang tanong ng pinunong
buwaya. “Kasi masamang mabasa ang aking atay,” paliwanag ni Pilandok. “ Kaya
iniwan ko sa bahay.
Pero kung iyon ang gusto ninyo ay kukunin ko.” Bago nakapag-isip ang mga buwaya ay
sumakay siya sa likod ng pinunong buwaya. “Sige,” sabi niya.“ Ihatid mo ako sa kabila
at kukunin ko ang aking atay sa aming bahay.” At iyon nga ang nangyari.Sakay ng
pinunong buwaya si Pilandok pagtawid ng ilog pabalik. Pagdating sa pampang, agad
siyang lumukso at tumakbo pauwi kasabay ang pagsabi ng, “ Hintayin ninyo ako at
kukunin ko ang aking atay.” Dalawang beses nalinglang ni Pilandok ang mga gutom na
buwaya sa ilog. Napakahina ng mga buwaya dahil naniwala silang puwedeng iwan ng
isang tao ang kaniyang atay.Napakahina ng mga buwaya dahil umasa silang babalik pa
si Pilandok para ibigay ang atay. Ngunit pagkaraan ng ilang sandal ay bumalik nga si
Pilandok at may dala-dalang isang putol na kahoy. Natuwa ang mga buwaya pagbalik ni
Pilandok. “Nasaan ang atay mo?” sabik na tanong nila . “Teka muna,” paliwanag ni
Pilandok. “lumaki ang atay ko nang iwan ko sa bahay. Gusto kong sukatin kung sino sa
inyo ang may pinakamalaking bunganga para siya ang bibigyan ko ng aking malaking
atay,” “Ako iyon,” sigaw ng pinunong buwaya at ibinuka nang todo ang kaniyang
bunganga. “Tingnan natin,” sabi ni Pilandok sa pinunong buwaya at saka itinukod sa
nakabukang bunganga nito ang hawak na kaputol na kahoy. Pagkatapos, mabilis
siyang lumayo sa pampang. Huli na nang maisip ng pinunong buwaya na nalinlang na
naman siya ng tusong si Pilandok. “Haaak! Haaak!” sigaw ng pinunong buwaya ngunit
hindi na niya maisara ang bunganga dahil sa nakatukod na kahoy.
Week 13 Day 2
Ang Tatlong Biik at ang Lobo
Ulila na ang tatlong biik. Sila ay sina Bob,Bobby at Boy. Ang panganay na si Bob
ang nag-aalaga sa dalawang kapatid.
Responsable si Bob. Tinuturuan niya sina Bobby at Boy ng mga gawaing bahay.
“Pagpasok ko sa trabaho, kayo na ang bahala sa inyong sarili.”
Masipag si Bob. Iniipon niyang mabuti ang kinikita. Nang lumaon ay nagtayo siya
ng maliit na karinderya.
Ilang panahon pa ay nagpagawa ng malaking restoran si Bob. Agad umasenso
iyon dahil sa mahusay niyang pamamahala.
Marami ang nainggit sa tatlong biik. “Mga bata pa ay asensado na. masisipag
kasi” anang mga kakilala nila.
Isa sa mga naiinggit sa magkakapatid si Woffie isang lobo “Kaya lang sila
maunlad ay dahil nagkakaisa” aniya sa sarili.
“Kaya yumaman si Bob ay dahil tinulungan ninyo. Kung wala kayo wala rin siya”
sulsol ni Woffie kina Bobby at Boy.
“Iwan ninyo siya. Magtayo kayo ng sariling bisnes” sabi pa niya. Naisip ng
dalawang biik na tama si Woffie.
“Gusto naming magpundar ng sariling negosyo. Ibigay mo na ang parte namin
sa yaman mo para makapagsimula kami agad,” ani Boy.
Ibinigay ni Bob ang hiling nina Bobby at Boy. Itinuro din niya ang sikreto niya ng
pag-unlad –kasipagan at wastong pag-iingat ng pera.
Nagtayo ng sariling tindahan sina Bobby at Boy. “Dapat ay pautangin ninyo ako.
Ako lang ang nagturo sa inyo !” ani Woffie.
Umuwi sa kanila sina Bobby at Boy. Ipinagtapat nila kay Bob ang ginawang
pagsasamantala ni Woffie.
Naisip nina Bobby at Boy na mali ang ginawa nilang pakikinig kay Woffie. Galit
na galit naman si Bob sa lobo.
Hindi na nagpakita si Woffie. Natakot siya sa maaaring gawin ng tatlong biik dahil
sa kalokohan niya
Week 14 Day 3
Ang Mahiwagang Banig
Isang tahimik ang mapayapang gabi.
Si Fidel ay maagang nagtungo sa kanyang silid para matulog. Mabilis na
nakatulog si Fidel at nanaginip.
Pakiramdam ni Fidel na gumagalaw ang kanyang kama. Lumipad ito ng lumipad
habang siya ay nakasakay. Lumipad sila sa simbahan, lumipad sila sa mataas at
makinang na mga ilaw sa mga malalayong lugar. Sumisid din sila sa ilalim ng
karagatan.
Lumipad sila sa kagubatan at nakita ni Fidel ang mga hayop na nasa gubat.
Nagpunta rin sila sa malamig na lugar. Lumipad sila ng lumipad, nilipad nila ang
buong mundo.
At umuwi sila ng kanyang banig sa bahay nang masayang masya, at nagising si
Fidel na masayang masaya din.
Week 14 Day 1
Ang Bagong Damit ng Emperador
by: Ofelia Conception
Matagal nang namumuno si Emperador Andino sa kaharian ng Bardimus. Mahilig siya
sa magagandang mga damit kaya mahuhusay na mga sastre ang nananahi ng mga
terno niya. Si Ministro Edru ang kanang kamay ng Emperador. Lingid sa kanya ay
niloloko siya nito. Malakas ang loob ng ministro dahil malaki ang tiwala niya rito.Isang
bagong sastre ang ipinakilala ng ministro. “Igagawa niya kayo ng kakaibang terno.
Bukod sa napaka elegante, ay mga tao lang na malilinis ang kalooban ang makakakita.”
Tiyak na hahangaan kayo sa maraming kaharian,” ang sabi ng sastre. “Kayo pa lang
ang magsusuot ng damit na may palamuting ginto, pilak at mamamahaling bato.” Lihim
na nagdiwang si Ministro Edru. Lahat kasi ng ibigay na mamahaling hiyas ng
emperador ay sa kanya napupunta. Hinahatian niya ang sastre upang huwag
magsumbong.”Isusukat ko ang damit,” ani Emperador Andino nang malamang yari na
ang terno. Pero nagtaka siya nang walang makitang damit sa kamay ng sastre.
Naalala ng hari na tanging mabubuting tao lang ang makakakita sa damit. Ayaw niyang
malaman ng ministro na may ikinukubli rin siyang pangit na ugali. “Ipaparada ko ito.”
Anang emperador na kunwari ay nasisiyahan sa magarang damit. “ malalaman ko tuloy
kung sino sa aking mga tauhan ang may mabubuting kalooban.” Nagtaka ang mga tao
nang pumarada ang emperador. Nang kumalat na mabubuting tao lang ang nakakakita
ng damit nito ay natakot silang malaman ng bawat isa na hindi sila tunay na mabubuti.
Lahat ay pumuri sa damit. Tuwang-tuwa naman si Emperador Andino. Napalitan lang
ng galit ang tuwa niya nang pagtawanan siya ng isang bata. “Ay, walang damit ang
emperador!” Natuklasan ng emperador ang totoo. Ipinahuli niya ang ministro at ang
sastre. Nagsisi siya dahil sa kagustuhang itago ang kapintasan ay nagpauto sa mga
taong mapanlinlang.
Week 14 Day 4
Bakit Sunong ng Pagong ang kanyang Bahay?
Isang masayang balita ang kumalat nang umagang iyon. “Napisa na raw ang
mga itlog ni Pawikan!” ang sabi ni Kuneho. “Siguradong kyut ang kanyang mga anak!”
“Sigurado iyon. Maganda si Pawikan, eh!”pakli ni Pabo. Maganda at kyut ang mga anak
ni Inang Pawikan.
Isa si munting pagong sa mga naging anak ni Inang Pawikan. Tulad ng mga
kapatid ay mabagal siyang kumilos pero matiyaga. “Kailangang humanap kayo ng
sariling pagkain. Ang ikabubuhay ninyo ay pawis ninyo manggagaling,” pangaral ni
Pawikan sa sa mga anak. “Ang mga bahay lang ninyo ang ibibigay namin ng inyong
ama.”
Sa magkakapatid, si Munting Pagong ang pinakamatiyaga. Hindi siya tumitigil
hanggang walang nakikitang pagkain. Tuwang-tuwa si Inang Pawikan sa anak.
“Inuwian kop o kayo ng pagkain, Ina,” ang sabi ni Munting Pagong. “Naku,salamat,
anak!”ang wika ng ina. Iba talaga si Munting Pagong dahil maalahanin din siya.
Maraming mga hayop ang natutuwa kay Munting Pagong. Siya ang ginagawang
halimbawa ng mga magulang sa kanilang mga anak. “Mabagal nga si Munting Pagong
pero matiyaga. Natatapos niya ang anumang gawain. Hindi katulad mo,” sermon ni
Amang Usa.
“Wala kang ginawa kung di pagmasdan ang maganda mong sungay sa tubig.”
Kung natutuwa ang matatandang hayop , naiinis naman ang mga batang hayop
kay Munting Pagong. “Ang liit-liit na ay ang kupad kupad pa!” asar na wika ng isang usa
sa kaibigan. “Ano ba ng nakakatuwa sa kanya? Ang pangit din naman!” “Kung gusto mo
ay gantihan natin. Masyado kasing mapapel ang munting Pagong na iyan!” Sambit ng
pangalawang usa.
Humanap sila ng mga kakampi. Natuklasan nila na marami palang mga batang
hayop ang naiinis din kay Munting Pagong. “ Laging siya na lang ang bida!” ang sabi ni
Baboy Ramo. “Tama pero Hindi naman niya nagagawa ang kaya nating gawin! Pakli ni
Unggoy. “Kung gayon,bigyan natin siya ng dahilan para hindi matapos ang kanyang
mga Gawain! Bigyan natin siya ng problema!” ni Usa.
Nag-isip sila Isip.Isip. Nagulat ang lahat nang biglang mapalundag si Usa. “Alam
ko na! sigaw niya. “Nakawin natin ang kanyang bahay at dalhin sa malayo! Tingnan ko
lang kung di siya mataranta sa paghanap.” “Oo nga. Mauubos ang oras niya sa
paghahanap kaya hindi niya matatapos ang kanyang mga gawain!” pakli ni Kabayo.
Tinokahan nila ang bawat isa. Araw-araw ay may naghihintay sa pagtulog ni
Munting Pagong. Kapag tulog na ito ay nanakawin ang kanyang bahay. Dadalhin iyon
sa malayo para matagalan si Munting Pagong sa Paghahanap. Palibhasa ay pagod sa
maghapong paggawa kaya mahimbing ang tulog ni Munting Pagong.
Gulat na gulat si Munting Pagong nang magising. “Nasaan ang bahay ko?”
tanong niya sa sarili. Nahilo siya sa kahahanap pero hindi niya Makita ang bahay. “
Ibong, tulungan mo naman ako,” pakiusap ni Munting Pagong. “Nawawala ang aking
bahay. Tulungan mo sana akong hanapin.” “Iyon lang pala, eh! Ako ang bahala,” ani
Ibon.
Nakita ni Ibon ang kinaroroonan ng bahay ni Munting Pagong. “Sinu kayang
mabait ang nagbiro sa akin?” ang wika niya habang sunong ang kanyang bahay pauwi.
“Tiyak na gagabihin ako sa pagtatrabaho dahil tanghali na ako makakapagsimula.
Ibinalik ni Munting Pagong sa dating kinalalagyan ang bahay. Pagkatapos ay lumakad
na siya para magtrabaho.
Gabing-gabi na nakatapos ng trabaho si Munting Pagong. Dahil sa pagod ay
agad siyang nakatulog Sinamantala iyon ni kuneho. Ninakaw nito ang kanyang bahay.
Nang magising si Munting Pagong Kinabukasan ay wala na naman ang kanyang bahay.
Ilang beses nangyari ang gayon hanggang malaman ni Inang Pawikan. “Masamang biro
ang ginawa nilang ito,” galit na sabi ng ina.
Ipinaalam ni Inang Pawikan sa ibang mga magulang ang ginawa ng kanilang
mga anak. Nalaman kasi niya mula kay ibon kung sinu-sino ang gumagawa ng
kalokohan kay munting pagong. Napahiya ang mga magulang kaya kinagalitan ang
mga anak. Dahil doon ay lalong nagalit ang mga munting hayop kay Munting Pagong.
Isang araw ay nagpatawag ng pulong si Inang Kalikasan. Matatagalan raw itong
mawawala kung kaya ibig makausap ang mga hayop. Nang kumalat ang balita, ang
lahat ay naghanda. Tinapos agad nila ang kanilang mga Gawain. Inayos nila ang
isusuot nilang mga damit. Isang malaking okasyon ang makaharap ang Inang
Kalikasan. Sabik ang mga hayop na Makita siya.
Nakaisip ng kapilyuhan si Usa at ang kakampi niyang mga hayop. “ Ito na ang
tamang pagkakataon para lubos tayong makaganti kay Munting Pagong,” ani Usa.
“Itatago nating mabuti ang bahay niya para hindi siya makadalo sa pulong. Tiyak na
kagagalitan siya ni Inang Kalikasan.” “Magandang ideya!” sambit ng lahat.
Maagang umalis si Pagong nang umagang iyon. Kinabukasan ang ipinatawag na
miting ni Inang kalikasan. Kailangang matapos niya ang mga gawain dahil isang araw
siyang hindi magtatrabaho kinabukasan. Pagod na pagod na si Munting Pagong pero
hindi siya tumigil. Nang umuwi siya nang gabing iyon ay hindi na siya nakakain ng
hapunan. Nakatulog agad siya sa matinding pagod.
Sinamantala nina usa ang kahimbingan ni Pagong. Agad nilang kinuha ang
bahay ni Pagong. Tinulungan siya ng ibang hayop para itago ang bahay. “Ayos na !
Mabuti ang pagkakatago! Tiyak na hindi agad makikita !” saad ni Kuneho. “Parang
nakikita ko na ang itsura ni Munting Pagong bukas!” at nagtawa si Usa.
Wala si Ibon dahil maaga itong tumungo sa miting. Walang tumulong kay
Munting Pagong para hanapin ang bahay niya. Hindi siya makapunta sa pulong dahil
baka tanungin siya ni Inang Kalikasan ay wala siyang maisagot. Ibig nang maiyak ni
Pagong. Makalipas ang ilanpang oras ay nakita ni Pagong ang kanyang bahay.
Minabuti niyang dalhin na iyon sa lugar ng miting.
Hingal na hingal si Pagong sa pagmamadali. Halos hindi niya mailakad ang mga
paa. Mabigat ang kanyang bahay pero hindi naman niya basta maiwan. Ang nangyari
ay tapos na ang pulong nang dumating siya. Nalungkot siya. Nanghinayang siya sa
pagkakataon. Dapat sana ay nakita at nakausap niya si Inang Kalikasan. Nagulat pa
siya nang may magsalita mula sa likuran. “Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Inang
Kalikasan.
“Paumanhin po Inang Kalikasan! Nahihiyang sabi ni Pagong. “Hindi po ako
umabot sa pulong. Hinanap ko pa po kasi ang bahay ko.” “Bakit? Nasaan ang bahay
mo?” tanong ng diyosa. “Biniro po kasi ako ng mga kaibigan kong hayop. Itinago nila,”
sabi ni Pagong. “Pero wala naman po silng hangaring masama. Nagbibiro lang talaga.”
Walang maaring ipaglihim kay Inang Kalikasan. Alam nito ang lahat ng
nangyayari sa mga kabundukan, karagatan at kagubatan. Humanga siya kay Pagong .
Sa halip kasing isumbong ang mga nanloloko sa kanya ay pinagtakpan pa. “ Mula
ngayon ay wala nang maaring magbiro sa iyo,” wika ni Inang kalikasan.
Nagulat si Pagong nang maramdaman ang pagbabago sa katawan. Dumikit sa
katawan niya ang bahay. “Kahit saan ka magpunta ay susunungin mo ang iyong bahay.
Mula ngayon ay walang maaring magnakaw niyan sa iyo. Bibigyan din kita ng
kakayahang lumangoy para maari kang mabuhay sa tubig at sa lupa biglang regalo sa
iyong kabutihan.”
Pinarusahan naman ni Inang Kalikasan ang mga hayop na nagkaisa laban kay
Munting Pagong lalo na si Usa. Hinayaan niyang hantingin ito ng mga mangangaso.
Week 14 Day 2
Espesyal na Araw ni Mario
Ngayon ay mahalagang araw para kay Mario.
Ngayong hapon, si Mario at ang kanyang mga magulang ay pupunta sa zoo.
Mahilig kasi siya sa mga hayop.
Tumunog ang orasan, oras nang gising ni Mommy at Daddy.
Dali-daling nagpunta si Mario sa silid ng kanyang mga magulang upang tingnan
kung ang mga ito ay gising na.
“Mario, ang aga mong nagising ngayon?” sabi ng kanyang ina.
Hindi makapaniwala si Mario sa kanyang nakikita, may isang elepante at
dalawang tigre sa loob ng kwarto ng kanyang ama’t ina.
“Tayo nang kumain ng almusal” wika ng kanyang ama.
Masayang kinain ni Mario ang kanyang pagkain. May nakita siyang tatlong
giraffes at apat na pagong sa itaas ng mga lababo. “Paki-abot nga ang sabaw,” sabi ni
Mario sa giraffe na malapit sa kanya.
Pagkatapos mag almusal nagpahinga si Mario sa sala. Naupo siya sa pagitan ng
limang baboy na nasa sofa na nababasa, maya-maya tumabi din sa kanila ang anim na
unggoy.
“Mario, maligo ka na” sabi ng kanyang ina. Nagmamadaling umakyat sa itaas si
Mario, at dumiretso sa banyo.
“Oh, may limang bibe at walong isda akong kasamang maliligo. Ngayon lang ako
maliligo nang ganito” ang sabi ni Mario.
Pagkatapos maligo tinulungan si Mario ng kanayang ina sa pagbibihis.
Ngumiti si Mario sa siyam na aso at sampung pusa na nasa loob ng kanyang
silid.
Bumaba si Mario sa silid kainan at tinulungan ang kanyang ama na ayusin ang
kanilang dadaling pagkain.
“Sabik ka na ba na magpunta sa zoo?” tanong ng kanayang ama.
“Opo!” ang sagot ni Mario.
Week 14 Day 5
Si Langgam at si Tipaklong
By: Virgilio S. Almario
Ito si masipag, masikap na Langgam. Maghapong ang gawa ay
maghanapbuhay; Matipid at ayaw na may nasasayang. Kaya iniipon kahit munting
bagay. Ito si tipaklong, tamad at bulakbol. Walang ginagawa sa buong maghapon;
Pasayaw-sayaw lang at patalon-talon. At hindi iniisip ang lungkot at gutom.
"Kaibigang Langgam, halika't maglaro," Sabi ni Tipaklong na pabiro-biro. "Kung
puro trabaho, para kang bilanggo, Di mo nasusunod ang gusto ng puso."
Tag-ani nga noon, maraming pagkain. Sagana ang bukid sa palay at tanim. Sabi
ni Tipaklong, "Ang sarap mag-aliw! Langgam, ang buhay mo ay huwag sayangin."
Ngunit nagpatuloy sa kaniyang paggawa. Si Langgam na kahit isang bisyo'y
wala; "Mainam na ito," ang kaniyang wika, "Kaysa magsisi pag ikaw ay tumanda." Kaya
araw-araw, si Langgam, patuloy sa pagtatrabaho at sa pag-iipon. Araw-araw naman
itong si Tipaklong ay pakanta-kanta at patalon-talon.
Isang araw, biglang bumuhos ang ulan. "Naku, bagyo yata!" ang sigaw ni
Langgam. Noon lang tumigil na maghanapbuhay saka dali-daling umuwi ng bahay. Si
Tipaklong naman ay nalito, nahinto sa kaniyang pagkanta at paglukso. Nagpayong ng
dahon at saka tumalon; Dahil walang bahay, nagsiksik sa damo. Lumakas ang ulan at
hindi tumigil. Nakatatakot pa ang lakas ng hangin. Maraming nasirang kahoy at
pananim at waring babaha sa buong bukirin. Dahil giniginaw at tiyan ay masakit, itong si
Tipaklong ay hindi nakatiis; Ang bahay ni Langgam, niluksong mabilis at saka kumatok
na naghihinagpis. Narinig ni Langgam ang tawag sa labas kaya ang pintuan ay
binuksan agad. Pasok si Tipaklong na hirap na hirap at mahahalatang mataas ang
lagnat. Naawa si Langgam sa kaniyang nakita. Ngayon, pobreng-pobre ang dating
masaya. Binigyan ng bagong damit ang bisita saka pinakain nang muling sumigla.
"Ako'y hiyang-hiya," sabi ni Tipaklong nang makalipas na ang ginaw at gutom. "Huwag
mag-alala," sagot ng tumulong, "Maraming pagkain ang aking naipon." At magmula
noon, Tipaklong na tamad ay hindi na nag-isip magsayang ng oras; natuto kay
Langgam na maging masikap para makaligtas sa anumang hirap.
Week 15 Day 2
Ang Nawawalang Kuting
Isang araw, naisipan ni Kuting na mamasyal na nag-iisa. “Ang ganda ng mga bulaklak.
At ang bango-bango pa! Pipitas ako para kay Inang,” wika ni Kuting. Tuwang-tuwa si
Kuting. Hindi niya napapansin na malayo na ang kanyang narating.
Maya-maya’y, “Naku, tila uulan. Uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Inang, wika
niya sa sarili.
Lumakad siya ng lumakad. Ngunit, hindi na niya alam ang daan pabalik sa kanilang
bahay. Takot na takot si Kuting.
Nakita siya ni Paruparo.
“Bakit ka parang takot na takot?” tanong ni Paruparo.
“Naligaw po ako. Hindi ko alam ang daan pabalik sa aming bahay,” sagot ni Kuting.
“Kung gayon, hindi kita pwedeng ihatid,” wika ni Paruparo.
“Diyan ka na, marami pa akong gagawin.’ sabi ni Paruparo.
Nagpatuloy si Kuting sa paghahanap ng kanilang tirahan. Nasalubong naman niya si
aso.
“Bakit ka umiiyak” tanong sa kanya
“Hindi ko makita ang bahay namin?” sagot ni Kuting.
“Saan ka ba nakatira? tanong ni aso.
“Hindi ko nga alam,” tugon ni Kuting.
“Kawawa ka naman. Dapat ay alam mo kung saan ka nakatira, para matulungan kita.
Mabuti pa ay sumama ka na lang sa aming bahay.”
“Ayaw ko po. Gusto ko po sa aming bahay.” paiyak na sabi ni Kuting.
“Diyan ka na kung ayaw mong sumama,: wika ni Aso.
Nagpatuloy sa paglakad si Kuting. Nakasalubong naman niya si Inahing Manok.
“Bakit ka umiiyak?” tanong sa kanya.
“Hindi ko po makuha ang daan pabalik sa aming bahay,’ sabi ni Kuting.
“Saan ka ba nakatira?” tanoong ni Inahing Manok.
“Hindi ko po alam.”
“Paano kita maihahatid sa bahay ninyo? Hindi mo naman masabi kung saan ka
nakatira?
Nakita naman niya si Ibon. Pero hindi rin siya matulungan. Kasi, hindi niya alam ang
tirahan. Kaya naiwan si kuting na nag-iisa.
Mga Tanong:
1. Sino ang namasyal nang nag-iisa sa kuwento?
2. Anong naramdaman niya habang namamasyal? Gayun din ba ang nararamdaman
ninyo habang namamasyal?
3. Bakit bigla siyang nalungkot? Ganun din ba ang mararamdaman ninyo kung nangyari
rin sa inyo iyon?
4. Ano ang dapat na ginawa ni Kuting?
Week 15 Day 5
Ang Palaka sa Balon
May isang batang palaka na nakatira sa ilalim ng luma at napabayaang balon.
Sa balon siya isinilang at lumaki. Kahit kailan ay hindi niya nilisan ang lugar na kanyang
sinilangan at wala rin siyang balak na umalis doon.
“Ang alam ko’y mabubuhay rito ang kahit sino,” wika ng batang palaka. “ Sagana
ito sa panustos. Bukod sa mga itlog ng isda ay may mga insektong napapadpad dito.
May lupa, tubig at hangin, pumapasok ang sikat ng araw, gayundin ang patak ng ulan.
Kapag araw ay nakikita ko ang mga nilalang na lumilipad at sa gabi, ang buwan at mga
bituin…
“ Nililibang ko ang aking sarili sa pag-talun –talon sa mga nakausling bato, at
kapag napapagod ako’y nakakapagpahinga ako sa mga siwang ng ladriyo.
Nakalalangoy ako sa tubig na ang ulo at ilong ko lamang ang nakalitaw, kung hindi ay
nakakapamasyal ako sa latian…
“ Naiinggit sa akin gang mga talangka at uloulo dahil ako ang panginoon dito.
Bakit hindi ka bumaba para mapatunayan mong napakaganda ng lugar na ito? “
Nagpaunlak ang batang pagong. Humakbang siya palusong ngunit sumabit ang
isang paa niya sa isang nakausling ugat. Umatras siya at sinimulan niyang ilarawan ang
dagat sa batang palaka.
“Hindi mo pa nakikita ang dagat,” wika ng batang pagong. “ di hamak na mas
malawak at mas malalim ang dagat kaysa balong ito ng kinalalagyan mo. Kung
gugustuhin naming mga pagong na languyin ang dagat mula sa isang dulo hanggang
sa kabilang dulo ay maiikot namin ang buong mundo, at aabutin kami ng maraming
araw at gabi…
Week 15 Day 3
Ang Biskwit na Hugis Tao
by: Mike Tiria
Minsan may isang lola ang nagbasa sa kanyang mga apo ng isang magandang
kuwento na may aral, “ Tandaan ninyo, mga bata, huwag kayong lalayo sa bahay ninyo
at baka mapahamak kayo….. Sandali lamang, magluluto ako ng biskwit para sa inyong
minindal.. Abala ang lola sa pagluluto ng mga biskwit nang biglang marinig nito ang isa
sa mga bata sa sala ay nagsimulang magbasa ng panibagong kuwento: “Minsan may
taong luya ang umalis sa kanilang tahanan. Naibigan niya ang tumakbo at maglaro
maghapon” patuloy ang pagkukuwento. Nagulat ang lola nang makitang tumalon ang
isa sa mga biskwit palabas ng pugon! Tumakbo ang taong luya sa bukid at nakita niya
ang matikas na baka..Inamoy sya nito at sabi’y, ‘Ibig kitang nguyain!’ Ang taong luya ay
tumakbo palayo” Ang taong luya ay umakyat ng puno at nakita niya ang mabirong
unggoy. Inihagis siya paitaas nito at sabi’y, ang bango mo!” Bumaba ng puno ang taong
luya at tumakbong muli. Sumakay siya sa likod ng gansa at tumawid sila ng lawa.
Niyakap niya ang magandang gansa at hinagkan sa pisngi..Namula ito!”” Ibig kong
tumawid sa lawa. Tulungan mo ako, magandang gansa. Alam kong mabuti kang
kaibigan.” Naglarong mag-isa ang taong luya, naghahanap ng kaibigan. Hanggang
sinapit niya ang tahimik na lawa at nakilala ang magandang gansa.”“ Tingnan mo , may
lobong nag-aabang sa akin!’ Nagmakaawa ang taong luya sa magandang gansa.
Natakot siyang makain ng lobo.” Pinagaspas ng gansa ang kanyang mga pakpak,
natilansikan ang lobo! “Maraming salamat, magandang gansa; sabi ng taong luya,
“Ngayon makakatakbo na ako at hindi na muling uuwi kahit kailan!” “Bago pa
nakatakbo uli ang taong luya, tinuka siya ng gansa mula sa likuran.Nagkadurug-durog
ang taong luya sa lupa.” Wala na ang taong luya at di na muling makakauwi pa,”isinara
na ng batang tagapagkuwento ang libro. Galing sa kusina si lola na dala ang plato ng
biskwit. “ Hindi kayo maniniwala sa ikukuwento ko sa inyo, tungkol ito sa nangyari sa
kusina!”
Week 15 Day 4
Ang Kwento ng Unang Palaka
Noong unang panahon, may isang tamad at matabang bata na ang pangalan ay
Juan. Nag iisang anak siya ng magsasaka at mananahi. Napakatamad ni Juan. Hindi
siya tumutulong sa mga gawaing bahay. Hindi rin siya tumutulong sa bukid. Kumain at
matulog lamang ang alam niyang gawin.
“ Juan, bumangon ka na. Kug mag bubuhos ng grasya ang Diyos ay siguradong
hindi ka makakakuha. “ ngunit hindi pinakinggan ni Juan ang kanyang nanay.
Bumabangon siya kapag oras na ng tanghalian at babalik din kaagad sa kama
pagkatapos kumain. Hindi din niya tinutulungan ang nanay sa paghuhugas ng mga
pinggan. Ginigising siya ng kanyang nanay tuwing umaga. Ngunit babalik din sa
pagtulog kapag tumalikod na ito.
Mas malaki si Juan sa kanyang mga kalaro. Lagi siyang tinutukso ng mga kalaro
tungkol sa kanyang malaking tiyan. Ngunit hindi ito pinapansin ni Juan. Marami pa rin
siyang kinakain.kaya, tumaba nang tumaba si Juan. Sinlaki na ng pakwan ang kanyang
tiyan, ngunit wala pa rin siyang pakialam.
Napapansin na ng kanyang nanay na palaki nang palaki si Juan, kaya nakiusap
ito na tulungan siya ni Juan sa mga gawaing bahay. Hindi lamang mababawasan ang
trabaho ni nanay, mababawasan din ang timbang ni Juan, ngunit, napakabigat ng
katawan upang magtrabaho sa bahay.
Isang hapon, kinausap ni Juan ang kanyang nanay. “ Maari po ba tayong
pumunta sa bayan sa isang linggo? Pista po roon at napakaraming masasarap na
pagkain. “ Ayaw pumunta ng kanyang nanay sa pistahan ngunit alam niyang hindi titigil
si Juan sa pangungulit sa kanya hanggat hindi siya pumapayag.
Noong araw ng pista, pumunta si Juan at ang kanyang nanay sa bahay ng
kanyang tiyahin. Napakasaya ni Juan nang makita ang mga pagkain na nakahain sa
mesa. Kumain siya nang kumain. Lahat ng nakahain ay tinikman ni Juan. Kinain niya
ang paborito niyang lechon at lahat ng matatamis na naroon. Kumain nang kumain si
Juan. Kumain siya nang kumain hanggang sa maubos ang lahat ng pagkain.
Nang oras na ng pag uwi, hindi na makagalaw si Juan sa dami ng kanyang
kinain. Sobrang dami ng kanyang kinain sa pistahan kaya di niya maigalaw ang
kanyang mga binti. Walang magawa ang kanyang nanay kundi buhatin si Juan pauwi
sa kanilang bahay. Nang malapit na sila sa kanilang bahay, dumaan sila sa isang sapa.
Dahil sa sobrang katabaan at bigat ni Juan, nadulas ang kanyang nanay at nabitawan
niya si Juan.
Bubuhatin ulit ni Nanay si Juan ngunit sa kanyang pagtayo, ay wala na si Juan.
Hinanap niya si Juan ngunit hindi niya ito nakita. Hindi alam ng kanyang nanay, si Juan
ay kinuha ng isang diwata. Hindi nagustuhan ng diwata ang pagiging tamad ni Juan
kaya nais niyang turuan ito ng leksyon. Ginawa niyang maliit na hayop si Juan na may
malaking tiyan. Kapag hindi pa tinulungan ni Juan ang kanyang mga magulang sa
gawaing bahay ay hindi niya ibabalik ito sa dati nitong anyo.
Nalungkot nang husto ang mga magulang ni Juan. Kahit na tamad si Juan ay
mahal na mahal naman nila ito.
Samantala, sa sapa kung saan nakatira si Juan, mahal siya ng maraming hayop
na nakatira roon. Nagbago si Juan. Naging matulungin siya. Tuwing umaga, tumutulong
siya sa mga kaibigan niyang butiki sa pag iigib ng tubig.
Natuwa ang diwatang nagparusa kay Juan kaya ibinalik niya ito sa dati nitong
anyo. Pero dahil gusto niyang dumami ang matutulunging hayop na may malaking
tiyan, gumawa ang diwata ng marami nito.
Isang umaga, habang nananahi ang nanay ni Juan sa ilalim ng puno, nagulat
siya nang bigla siyang yakapin ni Juan. Nagbalik si Juan! Niyakap niya nang mahigpit
ang kanyang anak.
Napakasaya ni Juan nang makita ang kanyang mga magulang. Humingi rin siya
ng tawad sa hindi niya pagtulong sa mga ito sa mga gawaing bahay. Nangako si Juan
na tutulong na siya sa mga gawaing bahay. Mula noon, naging masunuring bata si
Juan. Sa tuwing makakarinig siya ng tunog ng mga palaka, naalala niya ang kanyang
nagging kaparusahan sa sapa at natuto siya mula sa parusang iyon.
Week 15 Day 1
Lila Diwata
Si Lila ay mabait na diwata. Mahal niya ang kalikasan. Inaalagaan niya ang lahat
ng yamang galling sa lumikha.
May tatlo naming makukuit na bata. Sila ay sina Ambet, Nonoy, at Anya
Si Ambet ay mahilig manghuli ng mga insekto at maliliit na hayop. “Ang kyut ng
gagamba, may laruan na naman ako”
Si Nonoy ay mahilig manira ng mga halaman.
Si Anyan naman ay walang pakundangan sa pagtatapon ng mga bagay-bagay.
Ipinatawag sila ni Lila Diwata” Mahlin ninyo ang kalikasan .iisa alang ang ating
mundo.
Pinagtawanan lang nila si Lila Diwata. Nagpatuloy sila sa kanilang kalokohan.
Nagalit si Lila Diwata” Tignan ninyo ang inyong ginawa, ang dapat sa inyo ay
parusahan”. Biglang naglaho si Lila Diwata.
Ilang buwan pa ay damang-dama ng ng tatlong bata ang maga mali nilang ginawa.
Nawala ang mga matututlunging insekto at namatay ang mga maliliit na mga
hayop.
Namatay ang mga halaman. Naubos din ang tubig.
At dumami ang mga basura.
Maraming mga tao at mga hayop ang nagkasakit.
Iisa ang sinisisi nila ang tatlong makukulit ng mga bata.
Isang mapait na aral ang natutunan nila.
Nagsisisis na ako, kaya lang ay marami na tayong nasira kung anarito lamang
sana si Lila Diwata.
Natuwa sila nang bumalik si Lila Diwata. Ibinalik kasi nito ang lahat s adati.
Mula noon, nagging mabait na nag tatlong batang makukulit sa kalikasan.
Week 16 Day 3
Ang Aming Titser
by: R. M. Custodio
Si Binibining Cruz ay aming titser. Tinuturuan niya kaming magsulat at magdrowing.
Magbasa at magbilang. At umawit ng masasayang awitin. Binabasahan din kami ni Bb.
Cruz ng mga kuwento. Lagi-lagi siyang may magandang kuwento para sa amin. Minsan,
May bago kaming kaklaseng dumating. Hiyang-hiya siya! Niyaya siya ni Bb. Cruz na
makipaglaro sa amin. Pero ayaw naming pumayag! Nagalit sa amin si Bb. Cruz. Mali kasi
ang ganoong pag-uugali. Dahil dito, nakipaglaro na rin kami sa bago naming kaklase. At
siya nga ay aming naging kaibigan.Masayang titser si Bb. Cruz. Kahit pagod na siya sa
pagtuturo, nagagawa pa rin niya ang ngumiti. Kaya naman paglaki, nais kong maging titser
kagaya ni Bb. Cruz! Pero ang sabi ng kuya, hindi raw maganda ang maging titser. Kasi
mababa lang daw ang ‘suweldo’ ng mga titser. At kapag naging titser daw ako, hindi raw
ako makakabili ng malaking bahay. Hindi raw ako makakabili ng magarang sasakyan. Hindi
raw ako makakapagbakasyonsa mga magagandang lugar. Nalungkot ako sa sinabi ng
kuya. Kasi, pangarap ko rin ang magkaroon ng malaking bahay at sasakyan, at ang
makapunta sa mga magagandang lugar!
Magmula noon, naging matamlay na ako sa eskwela. Hindi ko na hinahangaan si
Bb. Cruz. Sa halip siya’y aking kina-aawaan. Minsan, dinalhan ko si Bb. Cruz ng mansanas.
Tinanong niya ako kung bakit daw ako matamlay. Napayuko ako.Hindi ako nakasagot.
Pero noong uwian na, sinabi ko rin sa kanya ang totoo. Ipinagtapat ko ang tungkol sa sinabi
sa akin ng kuya na mababa lang daw ang ‘suweldo’ ng mga titser na tulad niya. Hindi
nagalit sa sinabi ko si Bb. Cruz. Sa halip ay nginitian lamang niya ako. Isang araw, niyaya
ako ni Bb. Cruz sa kanilang bahay. Maliit lang ang bahay na tinitirahan ni Bb. Cruz.
Ipinakilala niya ako sa kanyang tatay at nanay at dalawang kapatid. Niyaya ako ni Bb. Cruz
sa kanyang silid. At laking gulat ko sa aking nakita sa loob niyon. Punong-puno ng mga
papel na may drawing ang mga dingding ng kanyang silid. Gawa iyon ng mga batang
naging mag-aaral niya.Isa-isa naming pinagmasdan ang bawat drowing. Tandang-tanda pa
ni Bb. Cruz ang bawat isang batang may gawa niyon. Masaya pa nga niyang ikinuwento sa
akin ang mga ito. Ganoon pala kahalaga kay Bb. Cruz ang bawat batang nagiging magaaral niya. Kaya pala kahit pagod na siya sa pagtuturo’y lagi pa ring masaya! Inihatid din
ako ni Bb. Cruz pauwi sa aming bahay. Naglakad lang kami at saka sumakay ng traysikel.
Wala kasing sasakyan ni Bb. Cruz gaya ng sabi ni kuya. Pero kahit wala siyang magarang
sasakyan, kahit wala siyang malaking bahay, masaya naman at kuntento sa kanyang
trabaho si Bb. Cruz. “At iyon ang mahalaga, Minnie,” ang sabi niya sa akin. “Ang maligaya
ka sa iyong trabaho. Kaligayahang higit pa sa anumang materyal na bagay!” Paglaki ko,
gusto kong maging titser! Mga bata, igalang natin at mahalin ang ating mga guro. Dahil sila
ay ating mga kaibigan.
Week 19 – Day 1
Ang Sapatos ni Mommy
by: Segundo D. Matias Jr.
Wow! Ang ganda ng T-shirt ng kalaro kong si Totet! Si Spider-man ang nakadikit doon.
Nagpabili nga ako kay Mommy. Siyempre, dahil mahal ako ni Mommy, ibinili niya ako.
At mas maganda pa dahil kumikinang iyon, hindi kagaya ng kay Totet.
Teka, Linggo na naman. It’s mall time! At siyempre sa Timezone muna kami. Zoom!
Beng! Beng! Kung hindi iyong kotse na animo ako ang nakasakay ay iyong baril na
malaki ang gusto ko! Si Ate naman, wala nang ginawa kundi magsayaw nang
magsayaw sa dance machine. At laging mataas ang score niya. At siyempre, ako rin!
Nauubos naming ang perang ibinibigay ni Mommy, kasi sinusulit naming ang paglalaro
naming.
Siyempre, kakain kami pagkatapos sa Jollibee! Yehey! Chickenjoy ang paborito naming
ni Ate. Kain kami nang kain hanggang sa mabusog kami. Pero bakit itong si Mommy,
hindi umoorder ng sarili niyang pagkain? “Sige lang, kumain lang kayo. Busog pa ako,”
lagi niyang katuwiran sa amin. Pero teka, bakit ‘pag tapos na kaming kumain ay
kinakain naman niya ang natira naming ni Ate Chie? Itong si Ate, kung ikokompara sa
akin ay mas mausisa. “Bakit iyong tira naming ang kinakain mo, Mommy? ‘Yong ayaw
naming parte ng chicken ang kinakain mo?‘Yong wings na puro buto pa?” tanong niya
minsan. “Ito kasi ang masarap,” sagot ni Mommy. Biglang tumawa itong si Ate Chie,
bumulong pa sa akin. “Masarap daw iyon, eh, puro buto naman. Walang lasa” Hindi ko
naman naiwasan ang pagtawanan din si Mommy.
Ewan ko ba, tuwing magtutungo kami sa mall, lagi na lang dumadaan si Mommy sa
isang tindahan. Kung anu-ano ang itinatanong. Hindi ko na maintindihan ang iba.
Minsan, Magsusukat, pero hindi naman pala bibili. Hay, at naiinis na yata ang saleslady
sa kanya. Kaya hayun, kung ‘di sa ukay-ukay ay sa Divisoria siya bumibili. Walang
aircon sa ukay-ukay; masikip ang mga daan at maraming tao sa Divisoria, kaya hindi na
niya kami isinasama roon. Magulo raw at maingay. Pero bakit nagtitiyagang magtungo
ang mommy ko roon? Bakit hindi na lang siya sa mall mamili? Dahil napakapihikan ni
Mommy, naisip ko. Wala siyang nabibiling damit o sapatos. Kasi isang pares lang ang
sapatos niya at tatlo lang yata ang blusa niya!
Linggo na naman! Siyempre, sa mall ang pasyal naming. Nagpabili ang ate ko ng mga
bagong damit ng Barbie doll niya. Ako naman, iyong helicopter na kagaya ng sa
kaklase ko – de remote! Lipad ditto! Lipad doon! Ang gara! Zoom! Beng! Beng!
Timezone uli! Chickenjoy uli! Itong si mommy talaga, hindi na naman um-order at ‘yong
mga tira lang naming ang kinain niya. Dumaan na naman kami sa tindahan ng mga
sapatos. Hindi na naman siya bumili. Hihintayin daw niyang mag-sale.
Wow! Tatlong araw na lang at birthday ko na! “Mommy, ang gusto ko sanang iregalo
mo sa akin para sa birthday ko, ‘yong PSP. Maraming-maraming games iyon,” pakiusap
ko kay Mommy. “Luigi, anak, sobrang mahal yata n’on,” tugon niya. Siyempre,
nalungkot ako. Pero mahal na mahal talaga ako ni Mommy, dahil ibinigay niya ang
hiling ko! Yeheyy!!! Nakangiting ibinigay sa akin ni Mommy ang PSP at niyakap pa niya
ako. Ang gara ng PSP ko. Bagung-bago. Ipinagyabang koi to sa mga kalaro at mga
kaklase ko.
Isang araw, matutulog na sana kami ni Ate nang marinig naming kausap ni Mommy si
Tita Letty. “Bakit kasi hindi ka bumibili ng bagong blouse at sapatos? Lagi na lang iyan
ang suot mo. Baka akala ng mga tao, hindi ka nagpapalit,” sabi ni Tita Letty. “Naku,
Letty, hindi ka pa kasi nagkakaanak,” tugon ni Mommy. “Kapag mommy ka na, ‘yong ,
‘yong mga gusto at mga ipinabibili ng mga anak mo ang uunahin mo, hindi iyong para
sa sarili mo.” “Ha?” bulalas ni Tita Letty. Pareho kaming napanganga at nagulat ni Ate
Chie. “Minsan, kahit gusting-gusto ko nang kumain, sila na muna ang pinapauna ko.
Mas masaya ako kapag nakikita kong masaya sila. ‘Di bale na ako. Sila ang
kaligayahan ko” Hindi ako nakaimik.Hindi rin nakapagsalita si Ate Chie.
Linggo na naman. Timezone at Jollibee uli. Muli, dumaan kami sa nagtitinda ng
sapatos. Natuwa si Mommy nang Makita niya ang karatulang “SALE” sa bintanang
salamin ng tindahan. Kaya kaagad siyang pumasok doon at iniwan kami sa labas.
“Naku, Misis, wala na pong stock ‘yong lagi ninyong isinusukat, eh, salubong ng
saleslady kay Mommy. Mula sa pinto, nakita kong nalungkot ang mommy. Paglabas
niya, sumalubong kami ni Ate Chie sa kanya. “Mommy, Mommy” tawag ko sa kanya.
Hindi niya yata ako narinig. Humarap ako sa kanya. Marahan kong iniabot ang isang
kahon sa kanya. “Mommy, happy birthday” Nabigla ang mommy ko. Ang hindi niya
alam, hindi naman kami naglaro sa Timezone. Binili naming ni Ate Chie ang sapatos na
gustung-gusto niya. “Birthday?” “Mommy,” sagot ni Ate Chie,” ‘di ba, birthday mo
ngayon?” napayakap sa amin si Mommy. Mahigpit. Ewan ko, pero narinig ko siyang
suminghot. Umiiyak siya. “Mommy, bakit?” tanong ko. “Nakalimutan ko. Birthday ko
nga pala” Ano? Nakalimutan ni Mommy ang birthday niya? “Salamat. Salamat, mga
anak” Noon ko naisip, kami nga ang number one sa kanya – kaming mga anak niya.
Dahil kami ang laging laman ng kanyang isipan. Minu-minuto, oras-oras, araw-araw sa
lahat ng panahon.
Week 18 – Day 5
May Magic si INAY!
by: Segundo D. Matias Jr.
Isang umagang hindi makabangon, kasukasuan ko’y di mawari ang sakit. Katawan ko’y
nanghihina at sa ginaw ay nanginginig. Hininga ko naman ay mainit parang inaapoy
pati bibig.
Ang ate ko’y nataranta, ako ay binuhat; agad akong dinala sa malapit na klinika.
Nagbigay ang doctor ng gamut sa lagnat. Payo nito’y uminom daw ng tubig maya’t
maya.
Tatlong araw ang nagdaan, katawan ko pa ri’y mainit. “Nasaan ka na ba, Inay?Sana’y
narito ka.”
Pero si Inay, sa Maynila naglalagi. Trabaho niya’y ‘di maiwan; hindi raw pwedeng
lumiban.Gusto niya raw mahusto ang kanyang sasahurin. Para din daw sa amin ang
perang kikitain.
Ngunit laking gulat ko nang si Inay ay dumating, may dala pang prutas para ako
raw ay gumaling. Pinainom niya ako ng gamut at ipinaghehele; sa masuyo niyang tinig,
ako’y nakatulog nang mahimbing. Sa kanyang mga yakap na napakahigpit, paggising
ko sa umaga, pagbangon ay walang sakit. Kirot ng kasukasuan agad ding nawala.
Hindi ko na nadama ang mainit na hininga.
Nagdaan ang ilang araw, ngipin naman ang sumakit. Aruuy, naku! Buong ulo
ko’y walang tigil sa pagpintig. “Inay!Inay!” aking sinasambit. “Nasaan ka , Inay? Sana
ay narito ka at aking kapiling.”
Nataranta si Tatay, sa dentista’y lumapit, upang ipabunot ngipin kong sumasakit.
Ngunit ang magang ngipin kailangan daw paghilumin. Dentista’y nagreseta lang upang
kirot ay pawiin. Hindi ko mapigilan ang iyak sa sakit; kaya si Inay niyakap na muli.
Hinaplus-haplos niya ang namamagang pisngi, ipinaghele-hele hanggang sa ako’y
mahimbing.
Aba! Parang magic! Nawala ang sakit! Kaya ako ay nagtanong, “Bakit mga
gamot ay walang bisa, kapag si Inay ay wala pa?”
Nagdaan ang mga araw – naku, tigdas naman! Napuno ng pantal ang aking
katawan. Mga kasama ko sa bahay, lahat ay nabahala; tinawag uli si Inay sa Maynila.
Kahit nasa malayo, dumating si Inay, dahil kailangan ko uli ang magic niyang tangan.
Doktor na tinawag at gamut na ininom, hindi matanggal nakakapit na pantal.
Ilang araw lang, sa aking palagay; itong tigdas sa katawan ko’y mawawalay. At
ako’y tumpak! Ako ay gumaling.Sa yakap at haplos ni Inay na magaling. Siya ba’y may
magic wand? O ‘di kaya’y anting-anting? Anong mayroon ka, Inay, mga sakit ko’y
gumagaling?
Kayo ay aking hahamunin na inyong hanapin, magic wand ni Inay pati na antinganting. Kung iyon ang kanyang lihim, ipakita sa akin. Dahil ang kanyang magic ‘di ko
alam kung saan galing. At kung hindi n’yo Makita, pinanggalingan ng mahika; kung
saan man niya nakuha, hindi na siguro mahalaga. Basta hiling ko lang lagi huwag
mawawala si Inay, dahil ang makapiling lang siya ang kailangan kong tunay.
Week 37 – Day 5
The Little Tree That Longed for Other
by: Friedriech Rucket
Meron isang munting puno na nakatayo sa kakahuyan na may magandang
panahon at minsan maulan na panahon, na natatakluban mula itaas hanggang ibaba ng
mga tinik sa halip na mga dahon. Ang mga tinik ay matatalim at nakakatusok kaya sabi
sa sarili ng munting puno.
Lahat ng aking puno ay may luntiang mga kulay at magagandang dahon. At
meron ding matatalim na tinik. Walang puwedeng humawak sa akin. Kung puwede ko
lang hilingin ay gusto ko ng purong gintong mga dahon.
Dumating ang gabi, nakatulog ang munting puno at maaga siyang nagising.
Nakita niya ang sarili niya na ballot na ballot ng mga kumikinang na gintong dahon.
“Ah, ah!Sabi ng munting puno.”“Nakakatuwa naman walang ibang puno sa
kakahuyan na nababalutan ng ginto.”
Pero isang gabi, dumating ang isang ibong may mahabang tuka. Nakita niya
ang kumikislap na gintong dahon. Tinuka lahat ang dahon hanggang sa maubos at
umalis.
“Alas! Alas! Malungkot na umiyak ang munting puno. Hu! Hu! Hu! Lahat ng ginto
kong dahon ay nawala. Nakakahiya naman sumama sa iba kong kasamang puno na
may magagandang dahon, hinagpis ng munting puno. Kung puwede lang sana akong
humiling muli, gusto ko sana ng kristal na dahon.
Muling nakatulog ang munting puno. Paggising niya kinabukasan ay nakita niya
ang sarili na nababalutan ng mga dahong kristal. “Ngayon ay masaya na ako dahil
walang ibang puno sa kakahuyan na kasing kinang ko.
Pero may dumating na malakas na bagyo sa kakahuyan at tinamaan ang mga
Kristal na dahon at sa isang iglap kumalat sa kakahuyan ang mga bahagi ng mga
nabasag na Kristal.
Ang mga dahon ko! Ang mga Kristal kong dahon!! tangis ng munting puno.
Kumalat sa buong kakahuyan pero ang ibang mga puno ay nakatayo pa rin at may mga
dahon. Oh! Kung puwede lang sana akong humiling muli. Gusto ko ng mga luntiang
dahon.
Muling nakatulog ang munting puno. At nagising na nababalutan ng sariwa at
luntiang mga dahon. Tuwang-tuwa at sinabing hindi na ako mahihiya kahit kailan.
Tulad na ako ng mga kasamahan ko sa kakahuyan.
Pero dumating ang inahing kambing na naghahanap ng sariwang dahon para sa
kanila ng kanyang mga anak. Nakita niya ang mga sariwang dahon ng munting puno,
kinain nila ng kinain ang mga dahon, sanga hanggang sa maubos ang munting puno.
Hu! Hu! Hu! Iyak ng kaawa-awang munting puno. Ayoko na ng kahit anong
dahon, ginto man o Kristal, berde, pula o dilaw. Gusto kong magkaroong muli ng tinik.
Kahit kailan hindi na ako magrereklamo.
Week 16 Day 2
Kagila-gilalas na Kahon
by: Rene O. Villanueva
Mamasyal ang gusto ni Didang. Gustung-gusto ni Titoy ang magtaguan. Mahilig
magbasa ng kuwento si Dondi araw-araw. Kaya madalas malito si Lola Felisa.Bawat
isa’y gusto siyang makasama. Gusto siyang kasabay ni Didang sa pamamasyal.
Gusto siyang kalaro ni Titoy sa taguan. Gustong siyang katabi ni Dondi sa pagbabasa
ng kuwento. Minsan may nagregalo kay Lola Felisa ng isang kahong katakataka. Ito’y
kahong umiilaw. Kumakanta. Sumasayaw. Nagpapaiyak. Nagpapatawa. Nanggugulat.
Nagpapasigla. Nagpapakilala sa kung sinu-sino. Nagpapaliwanag ng kung anu-ano.
Lagi na silang sama- sama mula noon. Mula umaga hanggang gabi, nakababad sila sa
harap ng mahiwagang kahon. Pero ang sumusunod na pangyayari’y tunay na katakataka. Dilat lagi si Didang at laging nakanganga.
Lahat ng mapanuod ni Titoy ay kanyang ginagaya. “Bili tayo niyan! Bili tayo niyan!” Ang
gusto ni Dondi’y gumasta nang gumasta.
Lalong nalito si Lola Felisa nang ang mga apo niya ay nag-away-away na. Bawat isa’y
gustong solohin ang kahong kagila-gilalas. Bawat isa ay may gustong palabas. Di pa
sana matitigil ang gulo....
Kung hindi nag-brown out! Nagsindi ng kandila si Lola Felisa. Sa gitna ng dilim, nagtabitabing muli ang maglolola. Muli silang nag-usap-usap. Nagkuwentuhan. Nagtawanan.
Sa gitna ng dilim, sumambulat ang katuwaan. At natuklasan nilang kahit wala ang
mahiwagang kahon, Masaya sila dahil sama-sama.
Kaya nagkasundo silang piliin na lamang ang panunoorin sa mahiwagang kahon. Yaon
lamang may-aral at nakaaaliw. Nagkasundo rin silang manunood lamang...
Matapos mamasyal sa hardin, maglaro ng taguan o magbasa ng kuwento. Mula noon,
hindi na nalilito si Lola Felisa sa kanyang mga apo.
Week 16 Day 1
Sa Ilalim ng Dagat
By: Augie Rivera Jr.
Kagila-gilalas ang mundo sa ilalim ng dagat. Iba’t ibang nilalang ang naninirahan dito.
Maliit at malaki. Bata at matanda. May kaliskis at wala.
Magkakaiba man ang anyo at kulay, namumuhay sila ng payapa at may
paggalang sa isat’ isa.
Isang umaga, nagulat ang lahat sa balita ni Pating, “May sakit si Dilis!”
“Baka mahawa tayo” pag-aalala ni Barakuda.
“Huu! Sakit lang iyan ng maliliit!” sabi ni Pugita.
Ngunit paglipas ng mga araw, nangayayat si Balyena, nagpantal ang katawan ni
Lumba-lumba. Walang humpay sa paghahatsing si Dugong.
Kumalat ang pangamba sa buong karagatan.
Natakot ang lahat na mahawa ng misteryosong sakit.
Dahil dito, nagkanya-kanya ang mga taga-dagat.
Hindi na sila naglalaro nang sama-sama. Hindi na sila nagtutulong- tulong sa mga
gawain.
Isang araw, namutla ang makukulay na Korales. “Baka sakit lang iyan ng makukulay!”
sabi ni Pugita.
“Kung gayon, ligtas kami”! pagmamalaki ng mapuputlang sina Igat, Hipon, Ulang at
Dikya.
Ngunit kinabukasan, nilagnat si Igat. Sinipon si Hipon. Inubo si Ulang. At hinika si Dikya.
Nang manghina si Manong Pawikan, napahagikgik si Pugita, “Baka sakit iyan ng mga
tumatanda.”
Pero nanghina rin ang mga batang Etkelya, kaya lalong nalito ang mga taga dagat.
Dumami nang dumami ang may sakit sa karagatan. Parang ospital ang ilalim ng dagat.
Nagpulong ang lahat upang pag-usapan ang lumulubhang kalagayan ng mga tagadagat. “Palayasin natin ang mga maysakit para huwag tayong mahawa sa kanila”,
sigaw nina Pugita, Pating at Barakuda.
“Pero hindi natin tiyak ang pinagmumulan ng sakit,” katuwiran ng mga maysakit.
Halos bumula ang buong karagatan sa pagtatalo ng lahat. Hindi sila magkasundo kung
ano ang dapat gawin.
Pero nanaig ang mayayabang na sina Pugita , Pating, at Barakuda. Itinaboy nila ang
mga maysakit. Binakuran nila ang lugar. Nilagyan pa nila ito ng karatula: BAWAL
LUMAPIT SA MGA MAYSAKIT.
Isang gabi, biglang nanigas si Pugita. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga galamay.
“Naku! May sakit ka na rin!” tarantang sigaw nina Pating at Barakuda.
“Hindi! Hindi ako pwedeng dapuan ng sakit!” tanggi ni Pugita.
Pero dahil may sakit na rin si Pugita, agad siyang dinala sa bakuran ng mga maysakit.
Hiyang-hiya si Pugita nang salubungin siya ng mga kasama niyang maysakit.
Nagsisi siya sa ginawa niyang pagtataboy sa mga ito.
“Kailangan nating alagaan ang mga maysakit. Kailangan nating alagaan ang isa’t isa”,
ang sabi ni Dilis.
“Kausapin natin uli ang ating mga kasama” sabi ni Pugita. Marami akong dapat
ipaliwanag sa kanila.”
Nang gabing iyon, muling nagpulong ang mga taga-dagat.
“Nagkamali tayo,” sabi ni Pugita. “Hindi natin dapat iniwasan ang mga maysakit. Dapat
inalagaan natin sila.”
Dapat pinag-aralan natin ang sakit na ito,” sabi ni Dilis.
“Kailangang matuklasan natin ang dahilan para mailigtas natin ang iba pa,” sang ayon
ng lahat.
Ganoon nga ginawa ng mga taga-dagat. Inalagaan ng mga malalakas ang mahihina.
Pinag-aralan nila kung paano nagsimula ang misteryosong sakit at paano ito lumala.
Kung sino ang dinadapuan nito at bakit.
At hindi man nagbalik agad ang dating lakas ng mga maysakit, muli naming lumusog
ang tiwala, pagkakaisa at at pagmamahalan ng mga taga-dagat.
Muling naghari ang kapayapaan at pagkalinga sa isa’t isa sa karagatan.
Week 17 Day 2
Ang Tsinelas ni Inoy
by: Renato C Vibiesca
"Inoy , baliktad ang tsinelas mo. Kailan ka ba matututo? "Inay, hayaan nyo na pong
baliktad ang tsinelas ko." "Inoy baka matalisod ka sa paglakad mo." "Inay mag-iingat po
ako nang hindi ako madapa kahit sa pagtakbo." Kahit saan, kahit kailan, ang tsinelas ni
Inoy ay baliktad. Para sa kanya ay mas masarap at masayang isuot ang tsinelas na
baliktad. Madalas, ang mga kaibigan niya'y nakangiti sapagkat mga daliri niya sa paa'y
nakausli.
Isang araw, tinawag siya ng kanyang itay. "Inoy, ibili mo ako ng pomada at itama
mo muna 'yang tsinelas mong baliktad kung ayaw mong ang sinturon ko ang tumama
sa puwit mo." "Opo, Itay." Lukot ang mukha ni Inoy papalabas ng bahay. Paa niya'y
nangangati dahil tsinelas niya'y hindi gaya ng dati. Sampung hakbang pa lang, siya'y
hindi na mapakali. Ang lakad niya'y paika-ika, ang pakiramdam niya'y daan ay sira-sira.
Huminto siya sa paglakad. Tumingin sa kaliwa. Tumingin sa kanan. Pagkatapos,
mabilis na binaliktad niya ang tsinelas na kinakaladkad. "Ahhh..." ang sabi niya, sabay
lundag at may kasama pang tadyak. Ang gaan ng pakiramdam, palundag-lundag pa
siya sa daan. Ang tsinelas ni Inoy ay baliktad na naman. Lundag dito, lundag doon.
Hindi niya napansin batong patung-patong. Tsinelas ni Inoy ay sumabit sa isang
bato.Siya'y bumagsak at paningin niya'y umikot bago tuluyang naipikit ang mga matang
marikit. Pagdilat niya'y naalala ang perang hawak na pambili sana ng pomada. Hinanap
niya ang tindahan ni Aling Ising ngunit ito'y nawala. Bahay ng kaibigang si Rosita ay
hindi rin makita. Siya'y kinabahan. Bahay nila'y nasaan?
Iba ang simoy ng hangin, iba rin ang kulay ng paligid. Nagulat na lamang siya
nang isang aso sa harap niya ay nagpakita.
"Sino ka? tanong ng aso. "Aso, nagsasalita? pagtataka ni Inoy." Ako si Inoy."
"Ako si Tayban!" Kasabay niyon, lumipad ang aso papaitaas. Nanginig si Inoy. Lumipad
ang aso kahit walang pakpak, parang ibon sa ulap na malawak.
Mayamaya'y isang maliit na ibon naman ang papalapit sa kanya. "Ano'ng
ginagawa mo rito?" bungad ng munting ibon. "Ha?" ang tanging nabigkas ni Inoy.
Naglakad ang ibon papalayo. Hinintay ni Inoy na lumipad ito. Subalit pakendengkendeng lang itong lumakad. Dumampot ng bato si Inoy at ipinukol sa ibon. Akala niya'y
lilipad na ito ngunit kumaripas lang ng takbo.
Minasdan niyang mabuti ang paligid. Nasa itaas ang mga ugat ng puno. Sayad
naman sa lupa ang mga dahon at bunga ng puno. May mga paruparo, nakadapo sa
sanga. May mga bulaklak dumadapo sa paruparo. Si Inoy ay naglakad-lakad, baliktad
niyang tsinelas siya pa ring kinakaladkad. Siya ay nalilito, makita sana niya kapitbahay
nilang si Pepito. Gusto na niyang umiyak. Patutunguhan niya'y hindi tiyak.
Hanggang sa hindi na niya matiis, siya'y nagtanong sa isang ipis. "Marunong ka
ring magsalita?" "Hi! Hi! Hi! kahit isang kulisap, dito'y puwede mong makausap," tugon
ng ipis na makinis. "Nasaan ako? Paligid ko ay bago!" "Hi! Hi! Hi! Baliktad ang tsinelas
mo kung kaya't ikaw ay naririto." "Gusto ko nang umuwi. Saan ako pupunta upang
bahay namin ay makita?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Inoy. "Hi! Hi! Hi! Maghanap ka
muna ng tatlong bagay rito na hindi baliktad at sa isang iglap, mga kamag-anak mo'y
muling makakausap."
Si Inoy ay nainis sa ipis na makinis. Nagtanong naman siya sa isang manok na
hindi tumitilaok. Ganoon din ang isinagot ng manok. Nagtanong naman siya sa daga na
wala sa lungga, sa pusa na aso ang nilalapa, at pati sa ahas na sa lupa'y hindi
nagpapadulas. Napagod na siya sa pagtatanong dahil pare-pareho ang kanilang
sinasabi. Wala siyang nagawa kundi hanapin ang tatlong bagay na tama.
Sa kanyang paglalakad sa isang ilog siya'y napadpad. "Aha! Isdang nasa tubig!"
sigaw ni Inoy. " Aha ka rin! Marunong akong lumangoy nang matulin!" sabi ng isda na
sa daloy ng tubig lumangoy nang bigla. Ang isda nga'y nasa tubig, palikpik nama'y
pabaliktad na kinabig. Lahat ng isdang nakita niya sa ilog kung lumangoy ay buntot ang
nauuna at ang nguso ang hila-hila. Hanggang sa dulo ng ilog ay kanyang narating.
Bumilis ang agos sa ilog. Sa kanyang paningin, bumulaga ang isang bangin. Ngunit sa
halip na matakot, siya'y biglang natuwa. Nakakita siya ng isda na kung lumangoy ay
tama.
"Bakit tanging ikaw ang lumalangoy nang tama?" sigaw ni Inoy sa isdang nasa
tubig. "Lahat ng klaseng langoy ay aking ginagawa, dahil malakas ang higop ng tubig sa
dulo ng ilog. Kapag ako'y hindi lumangoy nang tama, sa bangin ako'y biglang
mawawala."
Umiba na ng daan si Inoy. Iniisip niya'y dalawa na lang ang hahanapin niyang
tama upang kanyang inay ay muling makasama.
Napunta naman siya sa madamong halamanan. Tulad ng mga puno, ang ugat
ng mga damo sa langit nakaturo. Pagdating sa gitna, siya'y nabigla. Isang kumpol ng
dahon sa harap niya'y patalun-talon. Kitang-kita ni Inoy sa harap ng mga dahon ay may
dalawang mata na napakaganda. Nilapitan niya ang mga matang makislap subalit ang
mga ito'y tumalon. Ang mga matang makislap ay mga mata palang mailap.
Ang kumpol ng mga dahon ay patalun-talon. Si Inoy ay humabol din nang
patalun-talon. Tsinelas niyang baliktad ay parang saranggolang umiigtad. Habol nang
habol, paa ni Inoy ay nagkabuhul-buhol. Sa isang kangkungan ang kumpol ng mga
dahon ay napatungtong. Huminto ito at doon kumain ng kangkong. Naisip ni Inoy na
hindi baliktad ang kanyang pagtalon sapagkat mga mata niya'y nasa unahan ng mga
dahon. "Sino ka at bakit mga mata mo lang ang nakikita?" tanong ni Inoy habang
papalapit. Parang walang narinig, tuloy lang ang kain ng mga dahon sa kangkong na
nakahain. Isang hakbang na lang, tsinelas ni Inoy ay nasa kangkungan na rin. Huhulihin
niya ba ang dahong nanginginain?" Ngunit baka siya'y kagatin. Gusto na niya talagang
umuwi kaya ito'y kanyang huhulihin.
"Huli ka!" sabi ni Inoy sa kanyang pagdakma. Mahigpit ang kanyang kapit, mga
dahon ay naiipit. Pagtanggal ni Inoy ng mga dahon, nakita niya'y mga puting balahibo
ng isa palang kuneho. "Bakit talon ka nang talon, balahibo mo'y nakatago sa mga
dahon?" tanong ni Inoy sa kuneho.
"Nahihiya ako sa iba, talon ko ay naiiba. Baliktad akong tumalon kaya nagtatago
ako sa mga dahon." "Baliktad?" pagtataka ni Inoy. Tinakpan uli ng kuneho ang
maputing balahibo. At saka tumalon. Tumalon uli. Tumalon pa ng tumalon.
Isa na lang, ako’y makakauwi na rin, sabi ni Inoy. Nagpatuloy siya sa paglalakad.
Sanay na siyang masdan mga kabaliktaran sa nilalakaran. Tipaklong na gumugulong,
pagong na ang bilis na tumalon, unggoy na hindi marunong maglambitin, malinis na
baboy at hindi palaboy. Sa kanyang tingin, malayo na ang kanyang nararating. Siya’y
makakauwi na at pagod niya’y mapapawi. Malapit nang dumilim sapagkat paligid ay
kumulimlim. Mayamay’y biglang pumatak ang,ulan na malakas ngunit hindi pababa
kundi paitaas. Sandali lang ang ulan, natuyo agad ang kanyang nilalakaran. Sa
kanyang paghakbang muntik na niyang matapakan, ipis na makinis, ipis na nakakainis.
“Hoy, ipis! Bakit tatlo ang kailangan kong makita? Baka dalawa lang ay pwede
na”
Hi! Hi! Hi1 Masyado kang makulit, kung gusto mong makauwi huwag kang mapilit. Hi!
Hi! Hi! huli niyang narinig sa ipis.
Anong bagay paba ang tama? Kahit madilim na ang paligid, puro baligtad padin
ang nasisilip . Minasdan ni Inoy ang tsinelas niyang baligtad. Dahil sa kanyang tsinelas
siyay nalungkot at sa mundo ng baliktad siya’y nasuot..
“Tama si Inay. Tama rin si Itay. Sa paglalakad, ang tsinelas na baligtad ay hindi
dapat ikaladkad,” sabi ni Inoy at saka naupo sa punong kahoy. Dinampot niya ang
kaliwang tsinelas at isinuot sa kaliwang paa. Dinampot din niya ang kanang tsinelas at
marahan isinuot sa kanang paa. Pagtayo niya pakiramdam niya’y nag-iba. Dahil sa
kanyang tsinelas bigla siyang sumaya at kanyang pinakawalan isang malakas ang
tawa. Naglakad siya ng naglakad. Ang kanyang mga mata ay madalas na nakatingin sa
tsinelas niyang tama sa paningin. At unti –unti si Inoy ay hindi na nakita sa dilim.
“Inoy, Inoy!”
“Inay, Inay!”
“Inoy… Mabuti’t nagising kana, maghapon ka ng tulog sa kama. Sabi ng doktor,
pagimpis na ang bukol mo sa ulo, hindi ka na mahihilo. “ Inay, ang tsinelas ko po?”
tanong ni Inoy at sa kama siya’y umupo. Dahan-dahang isinuot ni Inoy sa kanyang mga
paa ang kanyang tsinelas. At siya’y naglakad patungo sa salas. Ang Inay at Itay niya’y
napatingin, tsinelas niya sa paa’y napansin. Hindi na baligtad ang tsinelas ni Inoy.
Tunay na ligaya kanyang nalasap, sa piling nina Inay at Itay, Siya’ napayakap. Sabi ni
Inoy “ tsinelas na baligtad kaylan may hindi ko na ikakaladkad.
Week 17 Day 4
Eto na si Kulasa
Becky Bravo
Ano ba naman etong si Kulasa? Pinabili lang ng suka ng nanay niya, kung saan-saan
na nagpunta.
“Oy, Kulasa, bumili ka nga ng suka!” utos ng nanay niya. “Para po ba sa tanghalian
mamaya? Ano po ang ulam, adobo po ba?” pangungulit ni Kulasa. Adobo kasi ang ang
paborito niya.
“Eh ano pa nga ba ?” sagot ng nanay niya.
Nakalabas na ang baboy, manok, toyo, bawang, asin at paminta.”Ang kulang na lang ay
suka.” Binigyan siya ni Nanay ng sampung piso, iyong magkaakbay sina Mabini at
Bonifacio.
“Lumakad ka na at malapit na akong magluto. “
Tingnan mo nga naman itong si Kulasa. Bibili lang ng suka, nagbihis pa. Nagpalit na ng
sapatos at bagong kamiseta, nilagyan pa ng laso ang buhok niya. Hayan, masaya na
siya sa kanyang hitsura. Nagtungo na siya sa tindahan ni Aling Chona.
“Aling Chona, pagbilhan nga po ng suka.” Bati niya sa tindera. “ Uy, Kulasa, ikaw pala!”
sagot niya sa kanya. Pusturang-pustura tayo, ah. May party ka ba?
Naman, eh! Hanggang dito ba naman may tumatawag sa kanya ng “Kulasa” gayong
“Nicole” naman ang tunay na pangalan niya?
“Sinuot ko lang po ang bago ko kamiseta,” medyo nahihiyang sagot niya,
Sabay abot ng sampung pisong dala. “Naku, nagdadalaga ka na yata! Parang kailan
lang eh, galisin kang bata! O, eto na ang order mong suka, “sabi ni Aling Chona.
“Ipaplastik ko pa ba?”
“Salamat po, huwag na“ sagot ni Kulasa. Sayang ang plastic kung iisang bote lang ang
dala. Bakit pa?
Hay, Naku! Talaga itong si Kulasa! Imbes na umuwi agad.
Pagkabili ng suka, namasyal pa. Nakinood siya ng TV sa barberya. Nakibasa siya ng
komiks sa bangketa.
Tumingin siya ng mga abubot sa maliit na tindahan ni Magnolia.
At hinabol siya ng aso ni Mang Koy na kapitbahay nila. Tsst! Tawag nito sa maligalig na
alaga. Muntik- muntikan nang mabitawan ni Kulasa ang hawak niyang botelya.
Nakuuu, siguradong lagot siya kung nagkataong nadisgrasya ang suka.
Makauwi na nga! Pero pasaway talaga itong si Kulasa. Pagliko sa kanto, barkadang
nagpapatintero ang nakasalubong niya. “Hoy ,Kulasa! Sali ka? Tanong ng mga ito. Eh ,
ano pa nga ba?
Ilag sa kanan! Ilag sa kaliwa! Gumiwang-giwang, tumaas- bumaba ang katawan ni
Kulasa,na hawak pa ang bote ng suka! Ang bilis niyang nakalusot sa mga taya!
Isa…..Dalawa….tatlo….apat..lima! Pero kung kailan nakalusot na ay saka pa natalisod
bigla. Lumipad ang bote ng suka! Lagot na!
Kasimbilis ng kidlat, kumilos si Kulasa. Walang sinabi si Darna!
Bumulusok sa lupa, sumadsad sa semento ang tuhod, siko at baba, bukas-kamay na
sinalo ang suka. Yehey! Huli ka!
Sa wakas, nagsawa rin si Kulasa. Uuwi na siya.
Sinalubong si Kulasa ng kanyang nakapamaywang na ina. Saan ka ba nagpunta, bata
ka? Nakalag na ang laso sa buhok niya. Puro gasgas ang kanyang tuhod, siko, at baba.
May punit sa laylayan ang bagong kamiseta niya.
“Ah, eh, pasensiya na po, Mama. Nakinood lang ako sandali ng TV sa barberya.
Tapos, nagbasa ako ng komiks sa bangketa. Tapos, sumilip ako sa tindahan ni
Magnolia. Hinabol ng aso ni Mang Koy na si Gloria. Tapos, nagpatintero kami nina Mio,
Teng, Buboy, Effie, Gay, Lyka, Vicky, Nikki, at Joma. Pero huwag po kayo ma-alala,
kasi eto na po yong suka! O, di ba? May sukli pa.
Hindi alam ni Nanay kung sisigaw o tatawa. Umarya na naman itong anak niya. Maliit
pa ito’y ganyan na talaga. Gala. Makailang-beses nang sinubukan nito ang kanyang
pasensiya. Kaya nga binansagan niya itong “Kulasa.”
Naalala niya na noong isang linggo ay nagpabili siya ng mantekilya. Noong isang
linggo naman ay langis na nasa lata. Naku, bago niya nakuha ay tumirik na ang
kanyang mga mata. Hay, nai sip ni Nanay, ganyan talaga, kasi bata.
Pagpasensiyahan mo na. Pero oras na ito’y magdalaga, naku, lagi siya talaga!
Pinaghalo-halo at pinakuluan na ang baboy, manok, bawang, asin, paminta, at suka.
Nang maubos ang tubig ay hinaluan na toyo na pampalasa. Inilabas ni Nanay ang
lutong adobo at ipinatong sa gitna ng mesang kanina pa nakahanda.
“Kainan na!” sigaw ni kulasa, at nagsidating ang iba pang miyembro ng kanilang
pamilya. Si Tatay, si Ate at si Kuya. Tinanggal ni Nanay ang takip ng ulam na niluto
niya.
Mmmm! Mukhang masarap, ah! Tinusok niya ang hita ng manok at inilagay sa plato ni
Kulasa.Paborito kasi ito ng bunso niya.
Week 17 Day 5
Klasmeyt
By: Centeno San Miguel
Unang pasok palang sa klase ay kilala mo na sina Ligaya Gaya-Gaya at si Peter
Drowing. Nasa likod ni Leonor si Gaya-Gaya, iniinis, ginagaya ang lahat ng giangawa ni
Leonor. Nasa blackboard naman si Drowing at inuubos ang stak.
Isa pang kilala ko ay si Rigor. Pinakamalaki kasi sa klase. At ang salba-salbahe.
Gusto niya siya ang laging bida. Masama nag mangyayari sa sinumang kumontra.
Pero tahimik sila pagdating ni Titser Fely.
Pagdating sa leksyon hanga ako kay Leonor. Alam niya ng sagot sa lahat ng
mga tanong ni Titser Fely. Kaya tinutukso siyang Mis Ay Kyu ni Rigor. Siguro dahil
makapal ang kanyang salamin. At mahaba ang kanyang tirintas.
Saka gulat din ako kay Claro. Ang liit-liit- pero ang lakas ng boses.
Namememorya niya ang kahit mahabang tula.
Kaya kapag recess, kina Leonor at Claro ako sumasama. Nauupo kami sa ilalim
ng puno. “Klasmeyt,”ang tawag namin sa isat’isa. Hindi namin tinatawag na klasmeyt si
Rigor, si Gaya-gaya, at si Drowing at kahit si Lakwatsa.
Isang reses, naglaro kami ng harangang-taga. Sina Rigor ang taya. Naku ang
bilis-bilis ni Claro. Kahit si Titser Fely ay pumapalakpak paglusot ni Claro sa bantay nina
Rigor.
Ngunit napikon si Rigor, minsang lumusot si Claro, pinatid si Claro at nadapa ang
aking klasmeyt. Dumugo ang ilong ni Claro.
Pinatigil ni Titser Fely ang laro at pinapunta si Rigor sa kwarto ng prinsipal.
Salbahe talaga si Rigor, biro mo nilagyang ng babolgam ang silya ni Tiser Fely.
Siyempre, pag-upo ni Titser Fely ay nadikit ang kanyang palda.
Noo ko nakitang namula si Titser Fely. Parang sasabog na bomba. Iginala ang
nanliliit na mata sa buong klase. Lahat naman ay yumuko, pati ako, dahil natatakot din
kami kay Rigor.
Ngunit biglang tumayo si Leonor. Ang tapang-tapang ni klasmeyt . itinuro si
Rigor. Napatawag tuloy ang magulang ni Rigor. At sanlinggong suspeneded si salbahe.
Uwian ng harangin kami ni Rigor. Kasama niya si Drowing at si Gaya-Gaya. “ Mis
AY Kyu” biro mo itinulak bigla si Leonor. Natumba syempre ang klasmeyt kong
marunong.
Akala ni Rigor tatakbo kami. Pero bigla siyang sinuntok ni Claro. Sinundan ko
ang klasmeyt ko. Suntok ditto, sipa doon. Ang laki-laki ni Rigor. Pero hindi kami umatras
ng klasmeyt ko.
Napaupo si Rigor. Saka biglang humagulgol. “ Pinagtulungan ako!” sigaw niyang
tumutulo ang sipon at luha. “Ang day ninyo! Pinagtulungan ako!”
Iniwan namin si Rigor. Dumudugo uli ang ilong ni Claro. Masakit ang kanang
tainga ko. Marumi ang uniporme naming tatlo. Pero tiyak naming, hindi na haharangin
ni Rigor ang klasmeyt naming si Leonor.
Week 17 Day 1
Mapagmahal na Anak
Melinda G. Sinio
Sa isang malayong bayan may isang bata na sobra ang kanyang kabaitan. Isa siyang
mapagmahal na bata.
Siya si Mira..Lumaki siya na wala na ang kanyang ina.
Kaya ang kanyang madrasta ang kanyang kasama sa bahay..Pero malupit ito sa
kanya.
Lagi siya nitong pinagmamalupitan…utos dito…. utos doon… Siya lahat ang
gumagawa sa bahay..
Isang araw nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang madrasta. Isang mahiwagang
halamang gamot lang daw ang maaaring makagamot sa kanyang kinikilalang ina.
Ano ka ba? Sabi sa kanya ng kanyang mga kasamang kasambahay na
nagmamalasakit sa kanya ng lubos. Bakit kailangan mong itaya ang buhay mo?
Para lang sa halamang gamot na kailangan ng iyong madrasta. Lagi ka naman niyang
pinagmamalupitan.
Kasi kailangan niyang pumunta sa malayong kagubatan para hanapin ang
mahiwagang bulaklak na makagagamot sa kanyang madrasta.
Kahit pa delikado; kailangan ko makuha ang halamang gamot na iyon para kay ina.
Ang sabi ng bata na may mabuting puso.
Nakakatakot sa kagubatang iyon madilim, maraming mababangis na hayop na maaari
lumapa sa kanya. Pero di siya natatakot .
Para sa kanyang kinikilalang ina para ito ay gumaling na sa sakit niya. Sa wakas sa
pagtitiyaga niya nakita rin niya ang halamang bulaklak na makakagamot sa kanyang
ina.
Gumaling sa sakit ang kanyang ina dahil sa kanyang kabaitan. Magmula noon naging
mabait na sa kanya ang kanyang madrasta..
Namuhay sila ng masaya at nagtanim sila ng maraming halamang bulaklak sa kanilang
bakuran.
Week 17 Day 3
Ang Pambihirang Buhok ni Raquel
Bilib na bilib ako kay Raquel. Sa lahat ng aking mga pinsan, siya ang aking
hinahangaan. Ang kulay ng buhok niya ay iba-iba. May asul, dilaw, at saka pula.
Pambihira talaga!
Hindi alam ni Raquel na naiinggit ako sa kanya. Maganda kasi siya. Makinis ang
kanyang balat. Kay puti-puti. May dimpol siya kapag ngumingiti. Hindi galawgaw kung
kumilos. Kay galing-galing niyang mag-Ingles. At yun pa nga, mayroon siyang
kakaibang buhok. Bakit kaya wala ako ng meron siya? Tuloy, pag ikinukumpara ko ang
sarili ko kay Raquel, parang ang layo layo ko.
Madalas, gingaya ko siya. Ang kanyang pagngiti, pagdadamit, pagkandirit, at
pagkanta-kanta. Kapag sinabi niyang “Wow! Ang galing galing ,”ganon narin ang bigkas
ng aking bibig. Daldalhin ko ‘yon sa buong panahon na kami ay magkalayo. Buti nalang,
minsan sa isang taon, tuwing panahon ng mangga at duhat, daigdig namin ay
nagtatagpo- sa pamimitas ng sinigwelas, sa paglalaro ng piko, sa panghuhuli ng
alitaptap.
Hindi siya maselan kahit ang bango-bango niya, at ako’y amoy araw. Palagi niya
akong hinahalikan! Hindi siya isnabera kahit taga-Maynila siya at ako’y tagabaryo. Siya
pa nga ang nauunang pumansin sa akin. At, hindi niya ako pingtaatawanan kahit malimali ang Ingles ko.
Pero, napapansin ko, lagi niyang sinasabi sa akin, “Ana, Ana, mas mapalad ka.”
Aba’y bakit kaya?
Isang tag-araw, nainip ako sa kahihintay pero hindi siya dumating. Tinanong ko
si Tatay at Nanay kung magbabakasyon sa amin si Raquel. Hindi raw muna. Nasa
ospital daw kasi si Raquel.. sa aking isip noon, itinanong ko, “ Paanong dinalaw ng sakit
ang batang kay linis-linis?”
Kinabukasan, lumuwas kami ng Maynila para dalawin ang hinahangaan kong
pinsan. At doo’y napansin ko ang maraming pagbabago sa kaniyang hitsura.
Mas lalo ba siyang pumuti? Nagtampo naba ang kaniyang mga ngiti?
Pero nalimutan ko agad iyon. Bigla ko kasing napansin ang kaniyang buhok.
Noong huli ko siyang nakita. Pinaghalong dilaw at pula ang kulay nito. Ngayon ay kulay
asul. Talagang iba ang pinsan kong taga- Maynila. Ang dating buhok na itim, nag-iibaiba. Pambihira!
Naging madalas ang pagluwas namin para dalawin si Raquel. At hindi puwedeng
hindi kami maglaro kapag kami’y nagkikita. Pero, doon nalang kami sa bahay nila. Hindi
na raw pwedeng maglaro si Raquel sa mga parke’t karnabal. Baka raw kasi siya
mahawa ng sakit ng ibang mga bata.
Inip na inip ako sa Maynila. Buti sana kung may naliligaw na alitaptap sa bakuran
nina Raquel. O kaya’y may maaakyatang puno ng sinigwelas. Kaya hayun, ang buhok
ni Raquel ang aking napaglibangan.
“Raquel, gusto mo, itirintas ko ng buhok mo?” Tatango siya, ngunit may paalala.
“ dahan- dahan lang ha!”
At, nagsimula akong magtaka sa kakaibang hibla ng kaniyang buhok. Bakit kay
galas? Bakit hindi madulas? Bakit parang nakaalsa ang mga buhok na yon? Sinalat ko
pa ang aking buhok para ikumpara. Hindi ito katulad ng buhok ni Raquel. Mas kagaya
ng manikang basahan ang kanyang buhok. A, baka ganoon ang sosyal na buhok!
Minsan. Habang inililipad ng hangin ang kaniyang buhok, may nasilip akong
kakaiba sa kaniyang ulo. Itinanong ko tuloy kung ano ang makikita sa ilalim ng kaniyang
makulay na buhok. Sabi niya, doon daw ay---- may kahariang nakatago, may
bahaghari, may mga taong maliit na napakakulit.
Wiling-wili ako sa pakikinig at pangangarap ng sinasabi niyang pambihirang
daigdig. Hindi ko napansin ang pagtakas ng kulay sa kaniyang mukha.
Blag!
Raaqqqquueeellll!
Lumatag sa sahig ang maputlang katawan ni Raquel. Takot na takot ako.
Nanginginig. “Anong nangyari sa aking pinsan? Kagagawan kaya ito ng mga taong
maliliit na nagtatago sa ilalim ng kanyang buhok?” habang tumatakbo palapit sina Tito
at Tita, nasulyapan ko ang ulo ni Raquel. Natanggal ang kanyang pambihirang buhok.
Walang kaharian. Walang bahaghari. Walang taong malilit sa ilalim ng kaniyang
buhok. Kalbo si Raquel!.
Peluka lang pala ang buhok na kakaiba!
Noon ko lamang nalaman kung ano talaga ang sakit ni Raquel. LU-KIM-YA,
ganon ang bigkas ni tita. Nagmamadaling sinugod nila si Raquel sa ospital. Baka
kailangan na raw siyang salinan ng dugo at bigyan ng panibagong gamot. Umiyak ako
ng umiyak kay nanay. “ Bakit ganon?” tanong ko. “Talagang ganoon” sagot ni nanay.
Kahit ang mga bata ay hindi puwera sa kanser.”At pinahid niya ang aking mga luha.
Bigla kong naalaala ang madalas na sinasabi ni Raquel na mas mapalad daw
ako kaysa sa kanya. Noon ko lang yon naintindihan, hindi nga kami mayaman. Hindi
ako maganda o maputi. Pero , malusog ang aking katawan. “ ang kalusugan ay
kayamanan,” yan ang madalas na sabihin ni tatay.
Nang lumabas sa ospital si Raquel, mapula na naman ang kanyang mga pisngi.
May ngiti na ulit ang kaniyang mga labi.
“Tinakot ba kita?” biro niya
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Basta’t niyakap ko na lang siya nang
mahigpit. Mahigpit na mhigpit na para bang hindi ko na siya pakakawalan pa. hanggang
ngayon, sa lahat ng aking pinsan, si Raquel pa rin ang aking hinahangaan. Kasi, higit
sa pambihirang buhok, taglay niya ay pambihirang tapang.
Week 18 Day 2
Kung Dalawa Lang Kami
Noong ako pa lang ang anak, ang gusto ko’y naibibigay nilang lahat. Nang sumunod sa
akin si Mila, ang gusto nami’y naibibigay din nila.
Nang sumunod agad si Danilo, si Ama’y nagsimulang magkamot ng ulo. Nang
madagdag pa si Lucas, si Ina’y nagsimulang mangayayat.
Nang isilang pa si Norma, kumayod ng husto si Ama. Nang kabuntisan ni Ina kay
Carmen, naging problema ang pagkain.
Nang iluwal sa ospital si Perla, nahinto kami sa pag-aaral ni Mila. Nag-iba ang ugali ni
Ina. Nag-iba ang itsura ni Ina.
Kulang kami ng kasuotan. Kulang kami ng higaan. At akong pitong taong gulang ay
agad nasabak sa hanapbuhay.
“Kung dalawa lang kami,” naisip ko, “pamilya nami’y di magkakaganito.”
Week 18 Day 5
May Magic si Inay!
By: Segundo D. Matias
Isang umagang hindi makabangon, kasukasuan ko’y di mawari ang sakit.
Katawan ko’y nanghihina at sa ginaw ay nanginginig. Hininga ko naman ay mainit
parang inaapoy pati bibig.
Ang Ate ko’y natataranta, ako ay binuhat, agad akong dinala sa malapit na
klinika. nagbigay nag doktor ng gamot sa lagnat. payo nito’y uminom dawn g tubig
maya’t maya.
Tatlong araw ang nagdaan, katawan ko pa rin ay mainit. “Nasaan ka na ba,
Inay? Sana’y narito ka.”
Pero si Inay, sa Maynila naglalagi. Trabaho niy’y di maiwan, hindi raw pwedeng
lumiban. Gusto niya raw mahusto ang kaniyang sasahurin. Para din daw sa amin ang
perang kikitain.
Ngunit laking gulat ko nang si Inay ay dumating, may dala pang prutas para ako
raw ay gumaling. Pinainom niya ako ng gamot at ipinaghehele; sa masuyo niyang tinig,
ako’y nakatulog ng mahimbing. Sa kanyang mga yakap na napakahigpit, paggising ko
sa umaga, pagbangon ay walang sakit. Kirot ng kasukasuan agad ding nawala. Hindi ko
na nadama ang mainit na hininga.
Nagdaan ang ilang araw, ngipin naman ang sumakit. Aruuy, naku! Buong ulo
ko’y walang tigil sa pagpintig. “Inay! Inay! aking sinasambit. “Nasaan ka, Inay? Sana ay
narito ka at aking kapiling.”
Nataranta si tatay, sa dentista’y lumapit,upang ipabunot ngipin kong sumasakit.
Ngunit ang magang ngipin kailangan daw paghilumin. Dentista’y nagreseta lang upang
kirot ay pawiin. Hindi ko mapigilan ang iyak sa sakit; kaya si Inay niyakap na muli.
Hinaplus-haplos niya ang namamagang pisngi, ipinaghele-hele hanggang sa ako ay
mahimbing.
Aba! Parang magic! Nawala ang sakit! Kaya ako ay nagtanong, “Bakit mga
gamoot ay walang bisa, kapag si Inay ay wala pa?”
Nagdaan ang mga araw, naku, tigdas naman! Napuno ng pantal ang aking
katawan. Mga kasama ko sa bahay, lahat ay nabahala; tinawag uli si Inay sa Maynila.
Kahit nasa malayo, dumating si Inay, dahil kailangan ko uli ang magic nyang tangan.
Doktor na tinawag at gamot na ininom, hindi matanggal nakakapit na pantal.
Ilang araw lang, sa aking palagay; itong tigdas sa katawan ko’y mawawala. At
ako’y tumpak! ako ay gumaling. Sa yakap at haplos Inay na magaling. Siya ba’y may
magic wand? O di kaya’y anting-anting? Anong mayroon ka, Inay, mga sakit ko’y
gumagaling.
Kayo ay aking hahamunin na hanapin, magic wand ni Inay pati na anting-anting.
Kung iyon ang kaniyang lihim, ipakita sa akin. Dahil ang kaniyang magic ‘di ko alam
kung saan galling. At kung hindi niyo makita, pinanggalingan ng mahika; kung saan
man niya nakuha, hindi na siguro mahalaga. Basta hiling ko lang lagi huwag mawawala
si Inay, dahil ang makapiling lang siya ang kailangan kong tunay.
Week 18 Day 4
Papa's House, Mama's House
By: Jean Lee C. Patindol
Si Ana, si Bianca, at ako ay may dalawang bahay. Nariyan ang bahay ni Papa.
Nariyan din ang bahay ni Mama. Tuwing Lunes, Martes, Miyerkules at Huwebes,
nakatira kami sa bahay ni Mama. Tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo naman, nakatira
kami sa bahay ni Papa.
Gusto ko kapag nasa bahay ako ni Papa. Naglalaro kami ng mga tren at
eroplano ko. Kumakain kami ng pizza, hotdog, ice cream, at mami. Tinutulungan din
namin siyang kainin ang kaniyang kanin at pork chops. Gusto ko naman kapag nasa
bahay ako ni Mama. Nagdodrowing kami ng mga bulaklak at bahaghari. Kumakain pa
rin kami ng pizza, hotdog, ice cream, at mami. Tapos, tinutulungan namin siyang ubusin
ang kaniyang ensalada at pasta.
Sa bahay ni Papa, mayroon kaming oras para sa lahat - oras sa pagtulog, oras
ng paggising, oras ng pagkain, oras ng pag-aaral, at oras ng paglalaro. Marami kaming
dapat sundin sa bahay ni Papa. Hindi ko maalala lahat. Ang alam ko lang, dapat lahat
ay nasa tamang lugar. At saka lahat dapat gawin sa takdang oras. Sa bahay ni Mama,
may oras din kami para sa lahat. Pero bahala kami kung paano namin ito gagamitin.
Puwede kaming matulog nang maaga, puwede ring hindi. Puwede kaming kumain nang
marami o kaunti. Nag-aaral kami kung kailangan at naglalaro hangga't gusto namin.
Dalawa lang ang kailangang sundin sa bahay ni Mama:" Magsabi na totoo" at "Linisin
ang sariling kalat". Pero minsan,napapagod akong magpabalik -balik. naguguluhan din
ako. May mga damit at laruan ako sa bahay ni Papa, may mga damit at laruan ako sa
bahay ni Mama. Madalas makakalimot ako: nasa bahay ba ni mama ang pulang shirt at
tren ko? na kay Papa ba ang mga kahel kong medyas at gamit pampinta?
Minsan , nalulungkot din ako. Yung mga Papa at Mama ng mga kaibigan ko,
kasama nila sa iisang bahay. Bakit sina Papa at Mama ko hindi ganon? Isang araw,
tinanong ko si Papa, "Papa, bakit hindi tayo magkakasama nina Mama sa iisang
bahay?" ang sagot ni Papa, "Sa palagay mo ba, anak, maaaring maglakbay nang
magkasama ang mga tren at mga eroplano?" Ang sabi ko naman, "Umm . . . hindi
siguro. Sa lupa naglalakbay ang mga tren at sa langit naman ang mga eroplano."
Ngumiti si Papa at tinapik ako sa ulo.
Kinabukasan, tinanong ko naman si Mama. "Mama, bakit hindi tayo
magkakasama nina Papa sa iisang bahay?" Kinuha ni Mama ang mga pintura ko.
"Paghaluin natin ang puti at dilaw. Anong kulay kaya ang lalabas?" Yuck! Kakulay ng
poo-poo ni Bianca ang lumabas! Sunod naming ipinaghalo ang itim at ang luntian.
Yuck! Kakulay naman ng poo-poo ni Ana! Sabi ko, "Ma, may mga kulay pala na hindi
maganda pag ipinaghalo, 'no?" Niyakap ako ni Mama nang mahigpit.
Noong ika-anim kong kaarawan, pumunta si Papa sa bahay ni Mama. Gumawa
ng mga lobo at ng karatulang may nakasulat na "Maligayang Kaarawan!" sina Papa at
Ana. Ginawan ako nina Mama at Bianca ng paborito kong chocolate cake na may
strawberry sa ibabaw. Isa-isang dumating ang mga pinsan ko. Isa-isang dumating ang
mga kaibigan ko. Nang dumating na ang lahat ng mga bisita, nagsimula na ang salusalo. Pinaligiran nila ako at kinantahan ng "Maligayang Bati." Tinulungan ako ni Papa
na hatiin ang cake. Binigyan ni Mama ng cake ang lahat ng mga bisita ko. Naglaro kami
at nagsaya nang husto!
Si Ana, si Bianca, at ako ay may dalawang bahay. Nariyan ang bahay ni Papa.
Nariyan din ang bahay ni Mama.
Week 18 Day 3
Sandosenang Kuya
By Russell Molina
Hayun, nagalit na naman si tatay. Ang gulo-gulo kasi naming magkakapatid.
“Huwag kayong magtakbuhan dito sa loob,” yan ang lagi niyang saway. Mahirap talaga
pag kami’y nagkasabay-sabay. Alam mo ba kung ilan kaming lahat? Labing tatlo! Dami
no? Ako ang pinaka bunso.
Sandosena ang kuya ko. Iba-iba ang itsura iba-iba ang porma. May bilugan, may
malapad, meron din higante sa tangkad. May pormang artista, may pormang henyo, at
yung isa nama’y tinutukso naming isda( ang laki kasi ng mata niya). Pero kahit na ibaiba ang kanilang hugis at itsura, iisa lang ang tawag ko sa kanila… kuya.
Sandosenang ngiti ang bumabati sa akin tuwing umaga. Sandosenang kalaro ko
ng taguan sa plasa. Sandosenang tsinelas ang lumilipad sa tumbang preso.
Sandosenang nakabantay sa patintero.
Noon ako’y nagutom, sandosenang kalawit ang pumitas ng mangga sa
kapitbhay. Sandosena rin ang nagtakbuhan ng mahuli kami ng asong bantay.
Sandosena ang katulong ko sa pagwawalis ng kalat. Sandosenang titser ang
nagturo sa aking magbasa at magsulat. Sandosenang dokor din ang gumagamot kapag
ako’y my lagnat.
Sa harap ng tv, sandosenang “ha-ha-ha” at “hi-hi-hi” ang maririnig mo.
Sandosena ang kumakanta kasabay ng radyo( pero wala naming tumatama sa tono).
Sa bawat problema ko, sandosenang solusyon at payo. Pag malungkot naman,
sandosenang masasayang kwento. Ako na talaga ang pinaka swerte sa buong mundo!
Laking gulat ko nang isang araw, lumapit sa akin ang pinaka matanda kong
kuya. “Noy, aalis na ako sa makalawa,” ang bungad niya. “Magpakabait ka, wag mong
pahirapan ang mga kuya mo ha.” “Saan ka pupunta kuya?” “Kailangan ko nang umalis
ng bahay. Nasa tamang gulang na ako ay kaya ko nang mag-isa.” Hindi ako
makapaniwala. Bakit kailangan umalis ni Kuya?
“Ganyan talaga, iho”, ang paliwanag ni tatay. Pag nasa wastong edad na’y
kailangang umalis na rito. Hindi ka naman titira ng habang buhay rito sa Bahay Kalinga,
di ba?
Oo nga pala, hindi ko nasabi sayo, sa Bahay Kalinga kami lahat nakatira. Dito
napupunta ang mga batang ulila na kagaya ko wala nang magulang o kamag-anak na
makakapag-alaga.
Dito kami dinadala upang sa kalye ay hindi magpagala-gala. Swerte nga namin at
nandito si tatay. Siya ang aming kinikilalang ama. Siya at aking sandosenang kuya ang
nakagisnan kong pamilya.
Darating ang araw, sabi ni tatay, na may iba pang mga bata na mapupunta rito.
Mga bago kong kapatid. Mas bata nga lang sila sa akin. At sila na ang magiging bunso.
“Iba-iba ang kanilang itsura, iba-iba ang kanilang porma,” dugtong ni tatay, “pero lahat
sila ay tatawagin kang… Kuya”.
Nagkumpol-kumpol kami sa labas ng bahay para magpaalam sa aming
panganay.
Sandosenang kamay ang sabay-sabay na kumakaway. Sandosenang “Ingat ka!”
at “Babay!”. Sandosenang retrato ang aming pabaon. Kasama ang sandosenang
mangga sa loob ng karton.
Siguradong hindi kami makakalimutan ni Kuya. Lalo na ang mgagandang alaala
na hihigit pa sa sandosena.
Week 18 Day 1
Si Pilong Patago-Tago
Pilo! Pilo! Saan ka ba nagtatago? Pilo? Pilo? Pumasok ka na sa bahay. Maligo
ka na anak. Kanina ka pa naglalaro sa labas.
“Bulaga! Nay, di nyo alam nandito lang ako! Nakatayo ako ng tuwid sa poste.”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo! Pilo! Saan ka ba naroon?”
“Pilo! Pilo! Gutom na ang alagang isda mo. Halika Pilo pakainin mo na ito.
Papasok na ako sa opisina.”
“Bulaga! Tay, di nyo po ako nakita no? Nandito lang po ako sa tuktok na
aparador”.
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? Pilo! Saan ka na naman nagsuot? Pilo? Pilo! Lumabas ka na! Malamig na
ang tanghalian mo. Kanina pa ito nakahain sa mesa.”
“Bulaga! ate Bebeng, di mo ko nakita no? Narito lang ako s loob ng tambak na
labada.”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? pilo! Nasaan ka ba talaga? Pilo? Pilo! Kailangan na nating umalis. Nariyan
na ang traysikel sa baba. Sige ka, mahuhuli na naman tayo sa klase.”
“Bulaga! Kuya Rey, di mo ko nakita no? Nandito lang ako sa gilid ng kama!”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? Pilo! Aalis na tayo anak. Bibili pa tayo ng pantaloon mo.”
“Bulaga! di ninyo ko nakita no? Nakasiksik lang ako sa gitna ng aking mga
laruan!”
“Ahahahaha-hwahahahahaha!!!”
“Pilo? Pilo! Nakapili na ako ng damit mo.”
“Pilo? Pilo! Halika na, isukat mo kung kasya ito.”
“Pilo? Pilo! Nasaan ka ba talaga? “
“Pilo? Pilo! Nag-aalala na ako.”
“Bakit kaya di pa rin ako nakikita ni Inay? Ang tagal ko nang naghihintay.
Nakangangalay! Isang oras na yata akong nakayuko. sige na nga lalabas na ako.”
“Inaaayyy!!!”
“Bulaga! Pilo, nandito na si Inay. Akala mo, di kita makikita no?”
“Tahan na anak.”.
Week 19 Day 5
Ang bahay Kubo
Yeyey! Igagawa ako ni Lolo ng bahay-kubo. Ang dami-daming gamit sa ibabaw
ng mesa ni Lolo. May gunting, pandikit, pako, martilyo at mga pira-pirasong kahoy at
papel. May pintura rin! Mahirap gawin ang bahay-kubo. Pero agad din iyong natapos ni
lolo. Wow! Ang ganda-ganda. Ang bilin niya sa akin. “Huwag mo munang lalaruin ang
bahay-kubo, Rea. Basa pa ang pintura at hindi pa gaanong nakadikit ang mga
materyales.” Pero sabik na sabik na talaga akong laruin ang bahay-kubo. Hindi rin ako
nakatiis.
Naku, natanggal ang bintana! Pilit kong ibinalik ang bintana sa dati. Pero biglang
dumaan si Muning! Sa gulat ko, nasubsob ako sa bahay-kubo. Ay! Bumagsak sa sahig
ang bahay-kubo. Umiiyak ako nang umiyak. Ang aking kubo sira na! Noon dumating si
lolo. “Dahil sa katigasan ng iyong ulo, nasira tuloy ang bahay-kubo mo.” Pinulot ni Lolo
ang nagkapira-pirasong bahagi ng bahay-kubo. “Sorry po, Lolo” ang sabi ko. Pinahiran
niya ang luha sa aking pisngi. “Tatandaan mo, hindi sa lahat ng pagkakataon, puwede
natin gawin ang mga bagay na nais natin. kung minsan, kailangan natin maghintay.
“Opo, Lolo.” Ginawa uli dumikit ang mga materyales bago ko iyon pinaglaruan. Tama si
Lolo. Hindi dapat madaliin ang mga bagay. Dapat matuto tayong maghintay.
Week 19 Day 1
Ang Sapatos ni Mommy
By: Segundo D. Matias Jr.
Wow! Ang ganda ng T-shirt ng kalaro kong si Totet! Si Spider-man ang nakadikit
doon. Nagpabili nga ako kay Mommy. Siyempre, dahil mahal ako ni Mommy, ibinili niya
ako. At mas maganda pa dahil kumikinang iyon, hindi kagaya ng kay Totet.
Teka, Linggo na naman. It’s mall time! At siyempre sa Timezone muna kami.
Zoom…! Beng! Beng! Kung hindi iyong kotse na animo ako ang nakasakay ay iyong
baril na malaki ang gusto ko! Si ate naman, wala nang ginawa kundi magsayaw nang
magsayaw sa dance machine. At laging mataas ang score nya. At siyempre ako rin!
Nauubos namin ang perang binibigay ni Mommy, kasi sinusulit namin ang paglalaro
namin.
Siyempre, kakain kami pagkatapos sa Jollibee! Yehey! Chickenjoy ang paborito
namin ni ate. Kain kami nang kain hanggang sa mabusog kami. Pero bakit itong si
Mommy, hindi umoorder ng sarili niyang pagkain? “Sige lang, kumain lang kayo. Busog
pa ako,” lagi niyang katwiran sa amin. Pero teka, bakit pagtapos na kaming kumain ay
kinakain naman niya ang natira namin ni Ate Chie? Itong si Ate, kung ikukumpara sa
akin ay mas mausisa. “Bakit kinakain mo?” ‘Yong wings na puro buto pa?” tanong niya
minsan. “Ito kasi ang masarap,” sagot ni Mommy. Biglang tumawa itong si Ate Chie,
bumulong pa sa akin. “Masarap daw iyon, e puro buto naman. Walang lasa…” Hindi mo
naman maiwasan na pagtawanan din si Mommy.
Ewan ko ba, tuwing magtutungo kami sa mall, lagi na lang dumadaan si Mommy
sa isang tindahan. Kung anu-ano ang itnatanong. Hindi ko na maintindahan ang iba.
Minsan magsusukat, pero hindi naman pala bibili. Hay, at naiinis na yata ang saleslady
sa kaniya. Kaya hayun, kung di sa ukay-ukay ay sa Divisoria siya bumibili. Walang
aircon sa ukay-ukay;masikip ang mga daan at maraming tao sa Divisoria, kaya hindi na
niya kami isinasama roon. Magulo raw at maingay. Pero bakit nagtitiyagang ang
Mommy ko roon? Bakit hindi na lang siya sa mall mamili? Dahil napakapihikan ni
Mommy, naisip ko. Wala siyang nabibiling damit o sapatos. Kasi isang pares lang ang
saatos niya at tatlo lang yata ang blusa niya!
Linggo na naman! Siyempre, sa mall ang pasyal namin. Nagpabili ang ate ko ng
mga bagong damit ng Barbie doll niya. Ako naman, iyong helicopter na kagay ng sa
kaklase ko- de remote! Lipad dito! Lipad doon! Ang gara! Zoom! Beng! Beng! Timezone
uli! Chickenjoy uli! Itong si Mommy talaga, hindi na naman um-order at yong mga tira
lang namin ang kinain niya. Dumaan na naman kami sa tindahan ng mga sapatos. Hindi
na naman siya bumili. Hihintayin daw niyang mag-sale.
Wow! Tatlong araw na lang at birthday ko na! “Mommy, ang gusto ko sanang
iregalo mo sa akin para sa birthday ko, ‘yong PSP. Maraming-maraming games iyon,”
pakiusap ko kay Mommy. “Luigi, anak sobrang mahal yata no’n,” tugon niya. Siyempre,
nalungkot ako. Pero mahal na mahal talaga ako ni Mommy, dahil ibinigay niya ang
hiling ko! Yeheyy!! Nakangiting ibinigay sa akin ni Mommy ang PSP at niyakap pa niya
ako. Ang gara ng PSP ko. Bagung-bago. Ipinagyabang ko ito sa mga kalaro at kaklase
ko.
Isang araw, matutulog na sana kami ni Ate nang marinig naming kausap ni
Mommy si Tita Letty. “Bakit kasi hindi ka bumibili ng bagong blouse at sapatos?” lagi na
lang iyan ang suot mo. Baka akala ng mga tao, hindi ka nagpapalit,” sabi ni Tita Letty.
“Naku, Letty, hindi ka pa kasi nagkakaanak,” tugon ni Mommy. “Kapag Mommy ka na,
‘yong, ‘yong mga gusto at mga ipinabibili ng mga anak mo ang uunahin mo, hindi iyong
para sa sarili mo.” “Ha?” bulalas ni Tita Letty. Pareho kaming napanganga at nagulat ni
Ate Chie. “Minsan, kahit gustung-gusto ko nang kumain, sila na muna ang pinapauna
ko. Mas Masaya ako kapag nakikita kong masaya sila.”Di bale na ako. Sila ang
kaligayahan ko..” Hindi ako nakaimik. Hindi rin nakapagsalita si Ate Chie.
Linggo na naman. Timezone at Jollibee uli. Muli, dumaan kami sa nagtitinda ng
sapatos. Natuwa si Mommy nang makita niya nag karatulang “SALE” sa bintanang
salamin ng tindahan. Kaya kaagad siyang pumasok doon at iniwan kami sa labas.
“Naku, Misis wala na pong stock ‘yong lagi niyong isinusukat eh,” salubong ng saleslady
kay Mommy. Mula sa pinto, nakita kong nalungkot ang Mommy. Paglabas niya
sumalubong kami ni Ate Chie sa kanya. “Mommy, Mommy..” tawag ko sa kanya. Hindi
niya yata ako narinig. Humarap ako sa kanya. Marahan kong inabot ang isang kahon sa
kanya. “Mommy, happy birthday! “ nabigla ang mMommy ko. Ang hindi niya alam, hindi
naman kami naglaro sa Timezone. Binili namin ni Ate Chie ang sapatos na gustinggusto niya. “Birthday?” “Mommy,” sagot ni Ate Chie,” ‘di ba, birthday mo nagayon?”
napayakap sa amin si Mommy. Mahigpit. Ewam ko, pero narinig ko siyang suminghot.
Umiiyak siya. “Mommy, bakit?” tanong ko. “Nakalimutan ko, birthday ko nga pala..”
Ano? Nakalimutan ni Mommy ang birthday niya? “Salamat. Salamat, mga anak..” Noon
ko naisip, kami nga ang number one sa kaniya – kaming mga anak niya. Dahil kami ang
laging laman ng kanyang isipan. Minu-minuto, oras-oras, araw-araw.. sa lahat ng
panahon.
Week 19 Day 4
Araw sa Palengke
By: May Tobias – Papa
Ngayong araw na ito, maaga akong gumising. Inaantok pa ako nang binihisan
ako ni Nanay. Sasama ako sa kaniya. Araw ng palengke ngayon! "Makinig ka nang
mabuti," ang sabi ni Nanay. "Humawak ka sa akin ng mahigpit, ha? Para hindi ka
mawala. At hindi puwedeng magturo ng ipabibili." "Opo, Nanay, pangako po," ang sabi
ko.
Tig-isa kami ni Nanay ng bayong. Ang bayong ni Nanay ay malaki at makulay.
Ang bayong ko naman ay maliit at kulay dilaw. Maingay sa palengke. Nagsisigawan ang
mga tao. Pero hindi galit. Masaya. Parang lahat ay magkakakilala."SUKI! Suki! Bili kana
sa akin, suki!!!" Hindi ko gusto ang amoy sa palengke. Amoy karne, manok, at isda.
Ngunit bakit tila tuwang-tuwa naman si Nanay sa kaaamoy sa mga iyon?
Mainit sa palengke. At saka maputik. Kaya pala gusto ni Nanay na maaga kami.
Masikip ang palengke kapag magtatanghali. Mababait ang mga tindera sa palengke.
Pinatikim kami ni Nanay ng kanilang sari-saring tinda. Pakwan. Lansones .Bibingka.
Pinuno nila ang aking maliit na bayong ng ibat-ibang bagay. Maraming makikita sa
palengke. May nakakatawa, may nakakatakot, at may magagandang bagay.
Hay!.. At ang isang magandang pulang kalan na may munting palayok. Ang sarap
maglutu-lutuan! Pero may pangako ako kay Nanay.
Pagod na pagod kami ni Nanay. Mahirap palang mamalengke. Pagdating namin
sa bahay, tinulungan ko siyang iligpit ang aming ipinamili. Teka . . . ano iyong nakita
kong nakabalot sa diyaryo? Parang pamilyar ang hugis. Parang . . . Isang munting
kalan na may munting palayok! Salamat Nanay!
Week 19 Day 2
Bru-ha-ha-ha-ha-ha
Bru-hi-hi-hi-hi-hi
By: Ma. Corazon Remigio
Maniwala ka man o hindi, may kapitbahay ako na bruha. Ang pangalan niya ay
Mrs. Magalit. Patay ang buhok niya. Mala-alambre ito. Malaki ang butas ng kanyang
ilong. Matalas siyang tumingin. Pero maganda ang kanyang mga ngipin. Puting-puti at
kumikinang kung siya ay tumatawa…..
“Bru-ha-ha-ha-ha…..
“Bru-hi-hi-hi-hi…
Napabungisngis si Mrs. Magalit noong nagkwentuhan sila ni Aling Mila. Kapag
natuwa si Mrs. Magalit sa mga bata, naiipit ang tawa niya.
“Bru-ha-ha-ha-ha…..
“Bru-hi-hi-hi-hi…
Humahagikgik siya habang kinukurot ang mapintog kong pisngi.
Bakit ko nasabi na bruha si Mrs. Magalit? Hindi dahil mukha siyang bruha at
ibang klase tumawa kundi dahil hindi siya pumapasok sa bahay naming kapag may
walis sa may pintuan. Sabi ni lola ( sumalangit nawa ang kaluluwa niya) ang mga bruho
at bruha ay takot sa bahay na malinis. Panangga laban sa kanila ay walis tambo sa
may pinto.
Mayroon pang dahilan. Kaliwang kamay ang pansubo ni Mrs. Magalit. Ganyan
daw ang mga bruho’t bruha kung kuamain sabi ni lola.
Hindi ako talagang takot kay Mrs. Magalit, ayoko lang siyang makita sa gabi.
Kapag malalim na ang gabi at nanonood siya ng TV, nakakikilabot siyang tumawa.
“Bru-ho-ho-ho-ho-ho…..
“Bru-ho-ho-ho-ho-ho….
Dumadagundong ang malulutong niyang halakhak. Para tuloy naramdaman kong
nanginig ang lupa.
Noong minsan nadapa si Mrs. Magalit, lumipad ang mapuputi at makikinang
niyang ngipin.
Napadaan kami sa aming bahay at minabuti kong yayain siyang pumasok para
makapagpahinga. Nakalimutan kong kakalinis lang ni nanay at naiwan niya ang walis
sa may pintuhan. “Naku, hindi na ako papasok iha at marumi ang aking tsinelas.” Pinilit
ko pa rin siyang pumasok at pumayag naman siya. Laking gulat ko ng hindi siya natakot
sa walis. Inalok si Mrs. Magalit ng miryenda. Ginamit niya ang kaliwang kamay sa
pagsubo ng biskuwit. “ Alam mo iha nirarayuma itong kanang kamay ko kaya di ko
magamit”
Napahiya ako. Maling-mali ang aking akalang bruha si Mrs. Magalit. Tinitigan ko
siya ng husto at aking napuna na matanda na siya. Maputi na ang mukha at patay na
ang buhok. Malaki ang butas ng ilong niya dahil medyo hirap siyang huminga. Matalas
siyang tumingin dahil malabo na ang kaniyang mga bata.
“Hay naku iha. Mahirap tumandang mag-isa. Wala na akong asawa. Walang
anak. At walang apong tulad mo”
Week 19 day 3
Hindi na Ako Uulit
Si Melinda ay umiiyak na naglalakad patungo sa gubat. Nakagalitan siya ng kaniyang
Nanay. Lumayas siya. May natanaw siyang isang bahay. Lumapit siya at kumatok.
“Tao po! Tao po!” ang wika ni Melinda.
Walang sumagot. Kaya’t dahan-dahang binuksan ni Melinda ang pinto. Isang malinis at
maluwag na salas ang nakita niya. doon ay may maliit na pang-gitnang mesa. Mayroon
tatlong silyang tumba-tumba, malaki, katamtaman at maliit.
“Malaki at mataas ang silyang ito. Hindi ko kayang akyatin” sabi ni Melinda.
Lumapit si Melinda sa silyang katamtaman ang laki.
“Malaki pa rin ito. Hindi ko kayang uguyin” wika ni Melinda.
At muling lumipat si Melinda sa maliit na silya.
“Ito, ito ang tamang-tama sa akin. Salamat at nakapagpahinga ako. Pagod na pagod
ako sa kalalakad e.” dagdag pa ni Melinda. Habang nakaupong ugoy-ugoy ang silya.
Mayamaya’y inabot ng gutom si Melinda. Lumabas siya sa kusina. Doon ay nakita niya
sa mesang kainan ang tatlong tasa.
“Aba, at may sopas na makakain sa mesa, ang sabi ni Melinda.
Umupo si Melinda sa bangko sa tapat ng malaking tasa. “Naku! Hindi ko kayang
buhatin ang tasang ito” ang wika niya. At umusad si Melinda sa kasunod na tasa. ”Hindi
ko pa rin kaya, mabigat din”. At lumipat sa huling tasa si Melinda. “Ito, ito ang kayangkaya kong tasa”. at hinigop na lahat ni Melinda ang sopas sa munting tasa.
At nagtungo sa kabilang silid si Melinda.
“Ito pala ang tulugan. at may tatlo ring higaan dito. “Malaki at mataas naman ito. Hindi
ko kayang abutin.” ang sabi niya sa unang higaan.
“Ayoko rin dito. Malaki pa rin para sa akin ang ikalawang higaan” wika pa niya.
Kaya tinungo niya ang maliit na higaan. at ang sabi “Ito, ito ang tamang-tama sa akin”.
nahiga at nakatulog si Melinda sa pagod at busog.
Dumating ang mag-anak na Oso sa bahay.
“Bakit bukas ang pinto?”, sabi na Amang Oso.
“Sino ang maruming paa ang pumasok dito?”,ang sabi naman ng Inang Oso.
“May gumamit ng upuan ko!” ang galit na wika ng Munting Oso.
Pumasok ang mag-anak na Oso sa kainan.
“Sino ang umubos ng aking sopas ina?” umiiyak na sabi ng Munting Oso.
“May nakapasok sa ating bahay” wika ng Inang Oso.
“Sino kaya ang matapang na pumasok dito?’ sigaw ng Amang Oso.
Pumasok si Munting Oso sa silid-tulugan at sumigaw.
“Naririto siya Ama, Ina! Patayin natin siya!” sigaw ng munting oso.
Pinagtulungan ng mag-anak na Oso si Melinda. Nagsisigaw ito.
“Patawarin niyo ako! Hinding-hindi na po ako uulit!’, umiiyak na sabi ni Melinda.
“Melinda! Melinda! Gising na, bakit ba?” ang sabi ng nanay niya.
“Salamat. panaginip lang pala. Talagang hinding-hindi na ako maglalayas.
Week 20 Day 2
Ang Aking Pamilya
Ni: Genaro R. Gojo Cruz
Ako si Wali. Kasapi ako ng isang masayang pamilya.
Kahit wala kaming malaking bahay, at magagarang kasangkapan, ayos lang. Sabi ni
Tatay, ayos lang daw kahit maraming kulang, basta sama-sama lang kami nina Nanay,
Ate at Bunso. Hindi na raw mahalaga ang kulang, ang mahalaga ay kung anong
meron. Hindi ko gaanong maintindihan ang sinabing ito ni Tatay. Basta ang alam ko,
simple ang buhay namin.
Kapag wala akong pasok sa paaralan, tumutulong ako kay Nanay. Nag-aalaga ako kay
Bunso. Naghuhugas ako ng pinggan. Nagliligpit ako ng higaan. Nagwawalis ako ng
bakuran. Gumagawa rin ako ng iba pang Gawain sa bahay na kaya kong gawin.
Mahal na mahal ko sina Tatay at Nanay. Mahal ko rin si Ate at siyempre si Bunso.
Kaya nga nagsisipag ako sa aking pag-aaral. Gusto kong ako ay kanilang ipagmalaki.
Lagi akong gumagawa ng takdang-aralin. Gusto kong maging mataas ang aking
marka.
Isang araw, nagbigay si Titser ng gawaing-bahay. Tungkol ito sa pamilya. Ganito ang
nasa pisara na aking kinopya:
Takdang-aralin:
Humanap ng larawan ng iyong pamilya. Idikit ito sa notbuk.
Sa pamamagitan ng ilang pangungusap, ilarawan ang bawat kasapi ng iyong pamilya.
Pagdating ko sa aming bahay, agad kong hinanap ang photo album naming. Pinili ko
ang pinakamagandang litrato ng aming buong pamilya. Natuwa ako sa aking nakita:
isang larawan n gaming buong pamilya. Kasama pa sa larawan sina Lolo at Lola.
Kasama rin si Kuting na noon ay kay liit-liit pa! Espesyal ang gagawin kong gawaingbahay. Idinikit ko ang litrato sa aking notbuk. Naisip kong hindi ko lang ilalarawan ang
aking pamilya. Gagawa pa ako ng tula para sa bawat isa sa kanila.
Kauna-unahan ang espesyal kong tatay.
Si Tatay sa tuwing darating si Tatay sa hapon mula sa maghapong pagtatrabaho, agad
ko siyang sinasalubong at ako ay nagmamano.
Maruming-marumi sag rasa ang kaniyang kamiseta, litaw na ang malalaking ugat niya
sa braso, at halatang pagod na pagod siya. Maglilinis siya ng katawan at magpapalit ng
kamiseta. Naaawa ako kay Tatay kaya ayaw kong maging istorbo sa kaniyang
pamamahinga.
Minsan, may isang engkantada na biglang sumulpot sa aking panaginip.
Inalok niya ako ng isang bagong tatay: nag-oopisina at nakakurbata pa.
Hindi ko tinanggap ang tatay na iyon. Kailanman ay hindi ko ipagpapalit
ang aking mahal na tatay sa panaginip at maging sa totoong buhay man. Kasunod ang
idolo kong si Nanay.
Si Nanay, idolo ko si Nanay, mahusay siyang magluto; pantay-pantay at magkakasinlaki
ang hiwa ng mga gulay. Simpleng hapunan ay nagiging pambihira dahil masarap
magtimpla at magluto si Nanay.
At gaanuman karumi ang aming mga damit, kaniyang napapaputi na kasinlinis ng langit.
Lukot man ang damit ay plantsadong maisusuot. Ang kaniyang mga halamang gulay na
tanim ay hindi nauubusan ng bunga, kaya pansahog sa aming ulam ay hindi na
problema.
Idolo ko si Nanay.
Nakatutulog ako ng mahimbing dahil sa mga kuwento niyang parang oyayi sa aking
pagtulog sa gabi.
Narito naman ang para sa aking maganda at ubod ng sipag na ate.
Si Ate. Mabait si Ate. Lagi siyang katulong ni Nanay sa mga gawaing-bahay at sa pagaalaga ng aming mahal na bunso.
Maganda si Ate. Kayumanggi ang kaniyang balat. Mapuputi at pantay ang kaniyang
mga ngipin. At kapag siya ay ngumingiti, lumilitaw ang kaniyang mga biloy sa
magkabilang pisngi, tunay na nakabibighani.
Si Ate ay maliit na guro para sa akin. Kapag mahirap ang gawaing-bahay, tinutulungan
niya ako. Sabi niya, ayos lang kung minsan ay nagkakamali dahil sa pagkakamali,
matututo raw ako.
Sa pagpasok sa paaralan, si Ate ang lagi kong kasabay. At kapag tumatawid kami sa
kalsada, lagi niya akong inaakay. Idolo ko ang aking ate, ang ate kong bukod sa
maganda, ay ubod pa ng bait at sipag.
Ang kasunod siyempre, ako.
Ako, Si Kuya. Ako ang kuya ni Bunso. Kung araw na walang pasok sa paaralan,
isinasama ako ni Tatay sa pinagtatrabahuhan niya. Tinutulungan niya akong matutuhan
ang ilang gawain niya.
Masipag daw ako, sabi nila. Kahit sa mga gawain ni Nanay, tumutulong ako. Sabi ni
Nanay, hindi na uso na may gawaing pambabae o gawaing panlalaki. Kailangang lahat
daw ng gawaing-bahay ay matutuhan ko.Humahalili ako sa pag-aalaga kay Bunso.
Nagdidilig ako ng mga halaman ni Nanay. Kapag kami ni Bunso ang magkasama,
ipinakikita ko ang mga drowing ko sa kaniya.Nagmana raw ako kay Lolo na magaling
magdrowing at magpinta. Ang kay Lolong mga kamay, ako raw ang nakamana.
Siyempre, sunod ang aking mahal na bunsong kapatid na si Buknoy.
Si Bunso. Nasa kalikutan si Bunso kaya si Nanay ay laging nakasunod. Dahan-dahang
babaybayin ni Bunso ang gilid-gilid ng bahay at mga bangko. Kapag nakakapit na, saka
siya bibitaw at magsisimulang manulay. Nakatutuwang pagmasdan si Bunso lalo na
kapag nakarating na siya sa kabilang bangko nang hindi nabubuwal. Dahil sa sobrang
tuwa ni nanay, bubuhatain niya si Bunso at pupupugin ng halik. Kapag hindi pa tapos sa
gawaing-bahy si Nanay, ako ang nag-aalaga kay Bunso.
Mahal na mahal ko si Bunso dahil siya ang nagbibigay kulay sa aming tahanan, nagaalis ng pagod nina Nanay at Tatay. Sabi ng aming mga kapitbahay, kahawig ko raw si
Bunso. Natutuwa sila dahil kay Bunso na saya ng aming buong pamilya. Pati sina Lolo
at Lola ay iginawa ko rin ng tula. Mahal na mahal ko rin sila kahit matagal na silang
wala. Para sa alaala ng aking mahal na lolo at lola.
Si Lolo. Lagi kong itinutulad si Lolo sa kulay ng buhay dahil tinuruan niya akong
magkulay sa iba’t-ibang hugis o bagay sa paligid o anumang bagay na puwedeng
kulayan. Noong una, ginagabayan niya ang aking kamay. Dapat daw hindi lumampas
sa guhit at iisa lamang ang hagod sa pagkukulay.
Tinuruan din ako ni Lolo ng pagpili ng tamang kulay para sa katawan ng tao, sa mga
prutas, puno at kapaligiran. Kailangan daw ng tiyaga sa pagkukulay. Magaling si Lolong
magkulay dahil isa siyang mahusay na pintor. Alam kong nandoon si Lolo sa lahat ng
bagay na may kulay. Hindi ko siya makalilimutan kailanman dahil siya ang nagbigaykulay sa aking buhay.
Si Lola. Matagal nang wala si Lola ngunit ang kaniyang mga kuwento ay nananatiling
buhay sa aking alaala. Marami siyang ikinukuwento noon tungkol sa mga
kagandahang-asal at mga kababalaghan na nagpapatulog sa akin sa gabing ang mga
bituin ay kumukutikutitap at tila ngumingiti sa akin. Lagi kong naaalala si Lola, ang
kaniyang mahaba at puting buhok, ang kaniyang tinig na tila musika sa tainga, lalo na
ang kaniyang mga kuwentong nagpapaalala na may laang gantimpala ang mabait at
masunuring bata.
Huli si Kuting. Iginawa ko rin ng tula si Kuting dahil bahagi na rin siya ng aming pamilya.
Para sa aking mahal na si Kuting.
Si Kuting. Maliit lamang siya noong dumating sa aming bahay kaya pinangalanan
siyang Kuting ni Nanay, ibig sabihin, munti o katiting. Hindi ko nakalilimutang pakainin si
Kuting dahil siya ay nakatutuwa at mabait na alaga. Maliksi si Kuting. Laging
nagpapatalon-talon sa mga estante at pasemano. Gaanuman kataas ang bubungan,
kaniyang naaakyat. Mahilig siyang makipaglaro sa amin ni Bunso.
Habulan ang kaniyang gustung-gusto, kung minsan naman ay taguan. Saanman kami
magtago ni Bunso, agad niya kaming nakikita. Pambihira talaga ang kaniyang tila
Kristal na mga mata.
Tuwang-tuwa ako nang matapos ko ang mga tula kahit medyo mahirap. Tiyak na
matutuwa si Titser dahil kakaiba ang ginawa kong paglalarawan sa aking pamilya.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa paaralan. Sabik na sabik akong ipakita kay
Titser ang pinaghirapan kong gawaing-bahay.
Pinuri ni Titser ang aking mga tula. Hiniling pa niyang basahin ko ang mga ito sa harap
ng klase.
Nagpalakpakan ang aking mga kaklase nang matapos kong basahin ang mga tula.
“Totoo ba ang mga nasa tula mo?” tanong nila sa akin. Sagot ko ay, “Siyempre
naman!” Sabi nila, isa raw akong makata na magaling sumulat ng tula.
Ipinabasa ko rin kina Nanay at Tata yang aking mga tula. Tuwang-tuwa si Nanay.
Napabilib ko rin si Ate. Binasa nang malakas ni Tatay ang aking mga tula at pakumpaskumpas pa siya na parang tumutula sa entablado.
Nagtawanan kami nina Nanay, Ate, at Bunso. Alam kong natutuwa rin sina Lolo at Lola
kahit wala na sila. Pati si Kuting ay tuwang-tuwa, ngiyaw nang ngiyaw.
Tuwang-tuwa ako dahil napasaya ko ang aking pamilya ang nag-iisa at mahal na mahal
kong pamilya.
Week 20 Day 5
Sina Dosol at Mokopoy
Sa Paanan ng Bundok Pinatubo
by: ni Rene Villanueva
Sina Dosol at Mokopoy ay magkakaibigang Ayta sa paanan ng Bundok Pinatubo.
Noon, na tahimik na namumuhay ang mga Ayta. Lahat ay nagtutulong-tulong sa
paghahanap ng makakain. Hindi masagana ang buhay nila. Pero sapat ang pagkain sa
kanilang paligid para sa kanilang pangangailangan.
Isang umaga, niyaya ni Dosol si Mokopoy na maglaro. Pero mas gusto ni Mokopoy ang
maghanap ng makakain.
Una nilang pinuntahan ang bukid. Nakakita sila ng mga bumagsak na puno ng saging.
Umulan kasi kagabi kaya maraming puno ng saging ang natumba.
Nang angatin nila ang isang pun, nakita nila ang napakaraming kowat! Kowat ang
tawag ng mga Ayta sa kabute. Sariwang-sariwa at mukhang napakasarap ng kowat.
Sa gilid nito’y nangingislap pa ang mga patak ng hamog.
“Kowat! Kowat!” sigaw ni Dosol.Pinitas ni Dosol at Mokopoy ang mga kowat. Inilagay
nila ito sa basket na nakatali sa kanilang baywang.
Sa kakahuyan, nakakita sina Dosol at Mokopoy ng mga puno ng amokaw. Parang
puno ng saging ng amokaw, pero maliliit at maraming buto ang bunga. Hindi nila
kinakain ang bunga ng amokaw dahil maraming buto.Mas gusto nila itong pigain saka
haluan ng tubig ang katas para mainom.
Pinipitas pa lamang nila ang bunga ng amokaw ay parang nalalasap na nila ang katas
nito. Mamitas ng amokaw, nagyaya naman si Mokopoy sa ilog. Nahulaan ni Dosol ang
iniisip ni Mokopoy. Manghuhuli sila ng pahinga sa ilog!
Alam ba ninyo kung ano ang pahinga? Pahinga ang tawag sa maliliit na palaka na
nahuhuli sa ilog. Nakakain ang mga ito. Gustong - gusto rin ng mga Ayta ang pahinga.
Kailangang maging maingat sa paghuli ng pahinga. Kailangan ding maging tahimik at
maliksi. Nang may lumuksong pahinga malapit sa kanila, dinaklot agad ito ni Mokopoy.
Huling-huli ang pahinga! Biglang nanlaki ang mga mata nito sa gulat.
Marami silang nahuling pahinga. Tinuruan ni Mokopoy si Dosol na manghuli ng
pahinga pero isa lang ang nahuli ni Dosol. Nagkasundo ang magkaibigan na paghatian
ang lahat ng pagkaing nakuha nila. Mataas na mataas na noon ang araw at ang init
nito ay parang nanunuot sa kanilang balat.
Wala na ring perlas ng hamog na nakabudbod sa sapot ng gagamba sa pagitan ng mga
damo. Ang mga tuyong dahon sa lupa ay muli na naming nagkakulay katulad ng
mapusyaw na putik kapag nagtatampisaw sila sa ulan.
Naramdaman nila ang daloy ng lamig sa kanilang gulugod. Biglang gumaan ang
kanilang pakiramdam. Parang inanod ng matuling agos ang kanilang pagod.Lumangoy
sila at nagsabuyan ng tubig.Masayang-masaya sina Dosol at Mokopoy.
Nang umuwi sina Dosol at Mokopoy, tuwang-tuwa ang kanilang mga magulang dahil
may mailuluto sila.
Noon, ganoon ang buhay nina Dosol at Mokopoy. Ganoon ang buhay ng mga Ayta sa
paanan ng Bundok ng Pinatubo noong hindi pa ito nagbubuga ng payroklastik at lahar.
Pero isang araw, nagbago ang buhay nina Dosol at Mokopoy. Nagbago ang buhay ng
mga Ayta. Sumabog ang Bundok Pinatubo.Nagbuga ang bulkan ng payroklastik at
lahar.
Kasama ang kani-kanilang pamilya, lumikas sina Dosol at Mokopoy sa evacuation
center. Dito sila natutong kumain ng sardinas. Dito sila natutong umasa sa tulong ng
pamahalaan at mga kababayan.
Pagkaraan ng maraming buwan, lumipat sila sa isang bagong pook. Muli silang nagtayo
ng mga bahay. Nag-aral magsaka ang mga Ayta.Nag-aral sila ng bagong pamumuhay.
Kung gabi, madalas magkuwentuhan sina Dosol at Mokopoy.Lagi nilang naaalala ang
paghahanap nila ng kowat. Ang pamimitas ng amokaw.Ang panghuhuli ng pahinga.
Lagi nilang naaalala ang kanilang buhay noong hindi pa sumasabog ang Bundok
Pinatubo. Noong hindi pa ito nagbubuga ng payroklastik at lahar. Pero kahit sa mga
batang tulad nina Dosol at Mokopoy, kailangang umangkop sa anumang pagbabago.
Kailangang maigpawan ang anumang problema. Kailangang magpatuloy ang buhay....
Week 20 Day 1
Ang Pamilya Ismid
Ito ang pamilya Ismid. Si Tatay Ismid, si Nanay Ismid, si Obet Ismid at Olly Ismid.
Marami silang kapitbahay ngunit hindi sila namamansin, ang katwiran nila kakaiba sila
sa lahat ng baboy dahil kulot ang kanilang buntot. Araw- araw wala silang ginawa kundi
ang pagandahin ang kanilang mga buntot. At kapag sila ay naiimbita sa mga pagtitipon,
ang sagot nila ay “ Marami pa kaming gagawin. “ Pero ang kanila lamang gagawin ay
pagagandahin at kukulutin ang kanilang mga buntot.
Minsan, inanyayahan sila ng kanilang mga kapitbahay, may pag uusapan silang
mahalaga tungkol sa mga nakawan sa pamayanan nila, ngunit hindi dumalo ang
pamilya. Sila ay abala sa pagpapaganda ng mga kulot na buntot nila.
Isang gabi, maliwanag ang buwan, hindi alam ng pamilya Ismid, pumasok ang
magnanakaw sa bahay nila, hinakot ng magnanakaw ang lahat ng gamit ng pamilya
Ismid. Ang magnanakaw ay nagmamadali kaya ang malaking banga ay kanyang
nasagi. Nabasag ang malaking banga! Nagising ang pamilya Ismid. Silang lahat ay
umimik, “ Magnanakaw! Magnanakaw! “ ang sigaw ng pamilya Ismid. Mabilis na
sumaklolo ang mga kapitbahay. Ngunit nakatakasna ang mga magnanakaw.Nalungkot
ang pamilya Ismid.“ Wala na tayong gamit at pagkain, huhu.” Sabi ng pamliya Ismid.
Kinabukasan, ang pamilya Ismid ay dinalhan ng damit at pagkain ng kanilang
mga kapitbahay.“ Maraming salamat sa inyong lahat,” naiiyak na sabi ni Tatay Ismid. “
Tayo po ay magkakapitbahay, tayo ay dapat nagtutulungan, “ sagot ng kanilang mga
kapitbahay. At simula noon, ang Pamilya Ismid ay natuto nang makipag kapwa baboy.
Week 20 – Day 4
Sikat ang Mommy Ko!
ni: Segundo D. Matias, Jr.
Best in Math
Si AC na naman ang Best in Math. May kinuhang kuwadro ang mommy niya sa
cabinet. Inalis nito ang certificate na nakalagay roon at ang sa kanya ang ipinalit.
Itinago nito ang dating certificate sa kahon ng cabinet, pagkatapos ay isinabit sa
dingding ang certificate niya na nasa kuwadro na.
Pati ang unang sulat-kamay ni AC noong nasa nursery pa lamang siya ay makikitang
nakakuwadro at nakasabit sa dingding ng kanilang sala. Nasa pinakamalaking kuwadro
ang first honor certificate na natamo niya noong nakaraang taon. Halos puno na ang
dingding ng certificates at medalyang napanalunan niya. Pito lahat.
Sabi ng kanyang mommy, ipinagmamalaki raw nito ang lahat ng awards niya kaya
inilalagay raw nito ang mga iyon sa sala. Mababakas ang tuwa sa mukha nito tuwing
ipinapakita ang lahat ng mga gantimpalang nakamit niya sa mga kamag-anak at mga
kaibigan nila tuwing bumibisita ang mga ito sa condo unit na kanilang tinitirhan.
Pagdating ng daddy niya galing sa trabaho, sabay-sabay silang kumakain ng hapunan.
Pagkatapos linisin ng kanyang mommy ang pinagkainan nila at nahugasan na nito ang
mga pinggan at kubyertos ay ginagawa na nila ang kanyang mga takdang-aralin.
Math, English, Sibika... Lahat ng subjects, ang mommy niya ang kanyang tutor.
Ang mommy niya ang pinakamaagang nagigising sa kanila. Ipinagluluto sila nito ng
almusal, inihahanda ang kanyang baon at ipinagmamaneho para ihatid siya sa
paaralan. Hindi ito umaalis hangga’t hindi ito sigurado na nakapasok na siya sa loob ng
silid-aralan.
Pagdating ng tanghalian, bumabalik ang kanyang mommy para sabay silang kumain sa
kantina. Sa lahat sa kanilang magkakaklase, siya lamang ang naiiba. Lahat ay may
mga yaya maliban sa kanya.
“Yaya, please get my baon na. I’m so hungry.”
“Yaya, can you buy ice cream for me?”
“Yaya, kamutin mo naman ang likod ko.”
“Bakit kaya ako walang yaya?” Iyon ang laging tanong ni AC sa kanyang sarili.
Best in English
Inalis na muli ng kanyang mommy ang certificates sa isang kuwadro at ang sa kanya
ang ipinalit nito. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo.... Malapit nang maging
sampu. Sa pagbibilang ni AC, dalawa na lamang ang nasisilip niyang kuwadro ang
hindi napapalitan ng kanyang mommy ang certificate.
Minsan, sa paaralan, nagkukuwentuhan silang magkakaklase tungkol sa kani-kanilang
mga magulang.
“Ah, basta ako, I’m proud of my mommy. She is the manager of the biggest television
station in the country,” sabi ni Ericka na nakapamaywang pa.
“My Mom naman, she’s managing our restaurants. She will open another one, so that’s
ahmmm.....” nagmamayabang na sabi ni Jessica. inilagay pa nito ang hintuturo sa
sentido habang nag-iisip. “Ah, we have ten restaurants na!”
“AC, you mean your mom doesn’t have a job?” bulalas naman ni Chi. “Is she not a
college graduate?”
Hindi nakasagot si AC. Nagtawanan ang kanyang mga kaklase. Pakiramdam niya ay
para siyang matutunaw sa hiya.
Isang gabi bago sila matulog ay kinausap niya ang kanyang mommy.
“Mommy, why don’t you get me a yaya?”
“Anak, aanhin mo ang yaya? Ano ang gagawin ni Mommy?”
Hindi pa rin niya lubos na maintindihan iyon. Sinasabi niya sa sarili na dapat ay may
yaya siya.
First Honor
Tulad ng nakaraang taon, nakamit na naman ni Ac ang pinakamataas na karangalan
nang taon na iyon sa kanyang pag-aaral. Sa isang sikat na hotel sila nagdiwang ng
kanyang mommy at daddy, kasama ang kanilang kamag-anak at kaibigan. Panay ang
puri sa kanya ng mga bisita.
Pinalitan na naman ng kanyang mommy ang nakalagay na certificate sa isang kuwadro
at ang sa kanya ang ipinalit nito. Mapupuno na ng certificates niya ang dingding!
Nasa isang supermarket si Ac kasama ang kanyang mommy nang may kumalabit sa
kanya. nagulat siya nang makita niya ang kaklase niyang si Chi.
Lumapit sa kanila ang isang babaeng nakapustura.
“Mommy, this is AC, our topnotcher.”
Ngumiti ang mommy ni Chi. “Sino ang kasama mo, hija?”
Napatingin siya sa kanyang mommy na binabayaran na ang mga pinamili nila.
“Is that your yaya?” usisa ng mommy ni Chi.
Bahagyang napayukop si AC, napatango.
“AC, you’re lying! That’s your mommy! You don’t have a yaya!” singhal ni Chi sa
kanya.
Tumakbo siya papunta sa kanyang mommy. Hindi niya maintinduhan ang sarili. Sa
kagustuhan niyang magkayaya at para hindi mapintasan ay nasabi niyang yaya niya
ang kanyang mommy.
“Emily! Ikaw bay an?” tawag ng isang babae sa mommy niya nang sumunod na
enrolment. “Hindi kita nakilala. Ako ang bagong administrator ng school. “Lumuhod ito
at hinarap si Ac. “You know what? May pagmamanahan ka. Ang mommy mo.”
Isang mommy pa ng kaklase niya ang lumapit sa kanila. “Emily Vergel?”
Tumango ang mommy niya.
Nagulat si AC. May mga ilan pang lumapit sa kanila. At marami siyang nalaman
tungkol sa mommy niya sa mga narinig pa niya.
“Ikaw ang dating vice president ng pinakamalaking food company, hindi ba?” sabi ng
isang mommy.
“The first Filipino woman na nagging cover ng isang international magazine, dahil sa
iyong husay at galing.” wika ng isa pa.
“Anong dahilan at bakit ka nag-resign? Ikaw ang highest-paid woman executive sa
Pilipinas, hindi ba?”
Nakatingalang nilingon ni AC ang mga nagsasalitang nakapalibot sa kanila.
Tiningnan pa ng isang mommy si AC. “What a lucky child! You have to be proud of
your mom!”
Nang tumahimik ang lahat sa mga sinasabing papuri ay saka lamang sumagot ang
kanyang mommy.
“Gusto kong ibuhos ang buong panahon ko sa anak ko. Kaya pinili kong maging fulltime mom. Ako rin ang full-time yaya niya.”
Napanganga si Ac sa kanyang narinig. Sikat pala ang kanyang mommy!
Nang makabalik na sila sa condo, habang nasa kusina ang kanyang mommy at abala
sa pagluluto, kumuha si AC ng isang upuann. Tumuntong siya roon at dahan-dahang
binuksan niya ang kahon ng cabinet.
Best Manager, Best Employee, Best... Outstanding Woman of the Philippines...
Outstanding....
Tumambad ang sarisaring awards ng kanyang mommy. Hindi siya makapaniwala sa
kanyang mga nakita. May larawan pa ito na kasama ang Presidente ng Pilipinas
habang binibigyan ito ng award.
Hindi niya namalayan ang paglapit ng kanyang mommy.
“Narinig mo sila, may pinagmanahan ka raw. Itatago ko muna ang mga iyan dahil mas
gusto kong ikaw at ang mga achievements mo ang ipagmalaki ko. Nang ipinanganak
kita, nagbitiw na ako sa dati kong trabaho. Dadalhin pa sana ako sa Amerika ng dating
pinagtatrabahuhan ko upang maging manager doon. Inalok ako ng mas malaking
suweldo, pero tinaggihan ko iyon. Sinabi ko na gusto kong personal na alagaanka.”
Nanatiling nakatingin sa mga certificates at nakikinig sa kanyang mommy si AC.
Kinaumagahan, kinukuha ni Emily ang mga lulutuin sa ref para sa almusal nang
matigilan siya sa kanyang nakita. Dahan-dahang nagtungo siya sa sala. Doon ay
nakita niya ang pinakamalaking kuwadrong nakasabit sa dingding.
THE BEST MOMMY IN THE WORLD. YOU ARE THE REAL TOPNOTCHER. NOT
ME.
Paglingon niya sa likuran ay naroon si AC, bihis na bihis na at handa nang magtungo sa
paaralan.
“Mom...”
Ngumiti si Emily, may sumungaw na luha sa kanyang mga mata dahil sa kaligayahan.
Yumakap si AC sa kanyang mga hita. Mahigpit iyon na parang ayaw na nitong
pakawalan siya.
“Mom... I”m sorry...”
Naunawaan niya iyon at hindi niya maiwasan ang maiyak.
Week 20 Day 3
Yehey, Pista Na Naman
Abala ang lahat ng tao sa paaralan. Sinisiguro ng punong-guro na handa ang
lahat sa gagawing programa. Nakikipag-ugnayan din siya sa mga pinuno ng barangay
sa lahat ng mga kailangan mula sa parada hanggang sa pagtatanghal pagkatapos nito.
Inihahanda na ng mga guro ang mga batang kalahok sa pagsasayaw sa plaza.
Kinakabahan si Manolito sa mangyayari. Sasayaw kasi sila ng mga kapwa niya
mag-aaral sa preschool ng folkdance. Matagal din nilang inensayo ito. Alam na alam na
ni Manolito ang mga hakbang at alam niyang ganun din ang iba niyang kaklase.
“Halina kayo mga bata,” sabi ni Gng. Batara. “Tandaan ninyo iyong aking mga
bilin ha. Isipin ninyong kayo ang pinakamahusay na mananayaw sa lahat. Lumabas
kayo sa entablado ng nakangiti at tingnan ang mga nagmamahal sa inyo upang mas
lumakas ang inyong loob,” dagdag pa nito.
“Mga kaibigan, palakpakan natin, mula sa Paaralang Elementarya ng Sto. Nino,
mga mag-aaral sa preschool,” sabi ng tagapagpakilala. Kabang-kaba si Manolito. Hindi
niya alam ang gagawin. Hindi ito makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
“Nasaan si Manolito?,” wika ni Alma. Kapareha ni Manolito si Alma. Nakita nitong
naiwan ito sa loob na tila ba kinakabahan. Lumapit si Alma sa kanya at sinabing “Halika
Manolito, kaya mo iyan! Pinapanood ka ni Aling Magda at Mang Roni sa harapan.
Nakita ni Manolitong nakangiti ang mga magulang nito sa harap ng entablado.
Kasama pa nito ang mga guro nila. At sumayaw si Manolito at ang kanyang mga
kamag-aral. Pagkatapos ay napuno ng malakas na palakpakan ang buong paaralan.
Tuwang-tuwa ang lahat sa ipinakita ng mga bata.
Download
Study collections