5 Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan Industrial Arts Activity Sheets (1st Quarter) Department of Education June 2016 1 Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na materyales sa pamayanan. (EPP5IA-0a-1) Activity Sheet # 1 Mga Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Kahoy, Metal, Kawayan, atbp. Ang pagkakaroon ng tamang kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang klase ng gawain na may kinalaman sa mga materyal tulad ng kahoy, metal, kawayan, atbp ay mahalaga upang maging matagumpay ang isang mangagawa upang makabuo ng mga kasiya-siyang proyekto. Gawain A. 1 - kung ang salita ay nabibilang sa mga mahahalagang kaalaman sa mga gawaing kahoy, metal, kawayan, at iba pa., at 2 - kung ang salita Panuto: Isulat sa mga patlang ang ay nabibilang sa mga mahahalagang kasanayan sa mga gawaing kahoy, metal, kawayan, at iba pa. _____ A. Mga gawaing pangkaligtasan sa lugar kung saan gumagawa (Safety Practices in the Shop) _____ B. Pagpipintura (Painting) _____ C. Pag-uuri ng mga kagamitan (Classification of Tools and Equipment) _____ D. Pagliliha (Sanding) _____ E. Pag-aalaga ng mga kagamitan (Maintenance of Tools) _____ F. Pagpili ng gagamiting turnilyo (Choosing Screws) _____G. Gamit ng Iba’t ibang Kagamitan (Uses of Different tools) _____ H. Pagbubutas (Drilling Holes) _____ I. Kailangang Materyales (Materials Needed ) _____ J. Pagpuputol / Paglalagari (Cutting Materials) _____ K. Tamang Pagsusukat (Accurate Measurements) _____ L. Uri at Gamit ng mga Dugtungan (Types and Functions of Joints) _____ M. Plano ng Paggawa (Project Plan-Sheet) Gawain B. Sagutin : Magbigay ng ilang proyekto na maaaring mabuo ng isang manggagawa na may sapat na kaalaman at kasanayan sa mga gawaing kahoy, metal, kawayan, atbp. _____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ______________________________________________________________ . 2 Nasusunod ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa (EPP5IA-0b-2, 2.1.3) Activity Sheet # 2 Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paggawa Ang pagsasagawa ng iba’t ibang proyekto ay isang gawaing kawili-wili, nakalilibang, at higit sa lahat, kapaki-pakinabang na gawain lalo na kung isasaalang-alang ang pagsunod sa mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan habang gumagawa. Gawain A. Gumawa ng isang panayam sa isang karpintero/manggagawa sa kasalukuyang ginagawa na workshop room tungkol sa mga sumusunod na impormasyon. Mga Panuntunang Pangkaligtasan sa Paggawa Mga Panuntunang Pangkalusugan sa Paggawa Gawain B. Kausapin ang ilang kamag-aaral na gumawa rin ng panayam sa ibang karpintero/ manggagawa. Gamit ang parehong talaan na nasa Gawain A, paghambingin at bumuo ng isang bagong listahan ng mga nakuha ninyong impormasyon. Tandaan Mo Ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan ay dapat sundin habang gumagawa upang maiwasan ang anumang sakuna o disgrasya. 3 Nakagagawa ng mga malikhaing proyekto na gawa sa kahoy, metal, kawayan at iba pang materyales na makikita sa komunidad. (EPP5IA0b-2, 2.1) Activity Sheet # 3 Malikhaing Proyekto na Gawa sa Kahoy Gawain: Bumuo ng isang cookbook stand na yari sa ¾ sumusunod na sukat: “ kapal na plyboard gamit ang mga Tanawing itaas 3 3/4 inches 7 inches 5 inches Back support 8 inches 10 3/4 inches 3 inches Tanawing harap Tanawing pantagiliran Gamit ang isang lagari, putulin ang plyboard sa mga sumusunod na sukat: isang piraso - 8" lapad x 10" taas (likod) dalawang piraso - 8" lapad x 3" taas (harap at ilalim) isang piraso - 5" lapag x 7" taas (suporta sa likod) Paalala: Sundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa. 1. 2. 3. 4. 5. Siyasatin kung ang mga kagamitan ay maaayos bago gamitin. Maging maingat at maayos sa paggamit ng mga kasangkapan. Gamitin ang angkop na kagamitan sa bawat gawain. Pagkatapos ng paggawa, itabi nang maayos ang mga kagamitan. Kung kinakailangan, lagyan ng langis ang mga kagamitang metal upang hindi kalawangin. 4 Natutukoy at natatalakay ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal, kawayan, atbp. (EPP5IA-0b-2, 2.1.1-2.1.2) Activity Sheet # 4 Mga Uri ng Kagamitan at Kasangkapan sa Gawaing Kahoy, Metal, Kawayan, atbp. Gawain A. Sa loob ng kahong parihaba ay may mga salita. Isulat ang lahat ng salita na dapat mapabilang sa loob ng oblong 1. Isulat ang lahat ng salita na dapat mapabilang sa loob ng oblong 2. martilyo barena turnilyo hand tools power tools pait katam boltametro(voltmeter) lagari testing tools machinery sharpening tools liha cutting tools gato(vise) mulihan(grindestone) distornilyador(screwdriver) kasingay (clamp) holding tools medida driving tools marking tools boring tools measuring tools plais ruler 1. Mga Uri ng Kagamitan sa Gawaing Kahoy, Metal Kawayan, atbp. 2. Mga Kasangkapan sa Gawaing Kahoy, Metal, Kawayan atbp. Gawain B. Humanap ng mga kasama at magbuo ng isang grupo na may 5-6 na kasapi. Talakayin ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa iba’t ibang klase ng gawain. 5 Nakagagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad (EPP5IA-0c-3, 3.1) Activity Sheet # 5 Paggawa ng Proyekto na Ginagamitan ng Elektrisidad Gawain: Humanap ng mga kasama at magbuo ng isang grupo na may 2-3 na kasapi. Gumawa ng isang dagdag na saksakan (extension cord) gamit ang mga sumusnod: Kagamitan o 1 piraso - double outlet o 4m plat kawad # 18 or # 16 o 2 piraso turnilyo o 1 piraso – plug na yari sa goma o 1 maliit na piraso ng tabla, 2 sentimetro pasobra sa laki ng outlet Kasangkapan o o o o lagari lapis ruler distornilyador o o o o pamutol (cutter) cord stripper maliit na barena katam Pamamaraan: (Maaaring talakayin at ipakita ng Guro ang bawat hakbang habang ginagawa ng mga mag-aaral ang proyekto) 1. Maghanda ng plano ng paggawa. 2. Ihanda ang mga kagamitan at kasangkapan. 3. Putulin ang cord sa gustong haba. 4. Paghiwalayin ang 2 kawad 10 sentimetro ang pagitan. 5. Talupan ang magkabilang dulo ng kawad hanggang 2 sentimetro. 6. Pilipitin nang maayos ang 2 kawad. 7. Isuot ang isang kawad sa gomang plug at gumawa ng “underwriter’s knot”. 8. Luwagan ang turnilyo at ipulupot ang pinilipit na kawad. 9. Higpitan ang turnilyo sa dulo. 10. Buksan ang takip ng “double outlet at luwagan ang turnilyo. 11. Ipulupot ang kabilang dulo ng pangalawang kawad sa turnilyo at pagkatapos ay higpitan. 12. Siguruhin na hindi magkadikit ang dalawang kawad lalu na yung talop na bahagi. 13. Ibalik ang takip ng outlet. 14. Iuka o idikit ang outlet sa kapirasong tabla sa pamamagitan ng turnilyo. Reflection: Naging madali ba ang paggawa ng extension cord ? Nakatulong ba ang mga hakbang sa iyong paggawa ng proyekto ? 6 Natatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing elektrisidad. (EPP5IA-0c-3, 3.1.1) Activity Sheet # 6 Mga Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad Gawain A. Sa ibaba ay may mga larawan na may kinalaman sa mga kagamitang pangelektrisidad. Magbigay ng reaksiyon o komento sa bawat larawan. Larawan Obserbasyon/Reaksiyon/Komento 7 Gawain B. Bumuo ng grupo kasama ang ibang kamag-aaral. Mula sa mga reaksiyon o komento sa Gawain A, magbuo ng ilang paalala o mga bagay na dapat isaalang-alang na maaaring magsilbing kaalaman at kasanayan na may kinalaman sa gawaing elektrisidad. Mga Kaalaman sa Gawaing Elektrisidad Mga Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad Sumali sa talakayan upang mabatid kung angkop ang mga nabuong kaisipan tungkol sa mga kaalaman at kasanayan sa gawaing elektrisidad. 8 Natutukoy ang mga materyales at kagamitan sa ginagamit sa gawaing eletrisidad. (EPP5IA-0c-3, 3.1.2) Activity Sheet # 7 Mga Materyales at Kagamitan na Ginagamit sa Gawaing Elektrisidad Gawain A. Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A at mga pangalan na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng sagot sa linya na nasa unahan ng bilang. Hanay A Hanay B ____ 1. A. Fish Tape _____ 2. B. Tape Measure _____ 3. C. Voltmeter _____ 4. D. Hammer _____ 5. E. Channel Lock Pliers _____ 6. F. Wire Strippers _____ 7. G. Non-Contact Voltage detector _____ 8. H. Side Cutter Diagonal Pliers _____ 9. I. Linesman Pliers 9 _____ 10. J. Torpedo Level _____ 11. K. Flashlight _____ 12. L. Allen Wrench (Hex Set) _____ 13. M. Razor Blade Knife (Utility Knife) _____ 14. N. Phillips Screwdriver _____ 15. O. Straight-Blade Screwdriver _____ 16. P. Wire Crimpers Gawain B. Sagutin : Anong kabutihan ang magagawa ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga kagamitan na ginagamit sa mga gawaing elektrisidad ? _____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ _______________________________________________________________ . 10 Nakabubuo ng plano ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan. (EPP5IA-0d-4) Activity Sheet # 8 Pagbuo ng Plano ng Proyekto Gawain A. Humanap ng mga kasama at magbuo ng isang grupo na may 3-5 na kasapi. Gumawa ng isang plano ng isang proyekto na ginagamitan ng elektrisidad at maaaring pagkakitaan. Ipakita ang mga sumusunod: Pangalan ng proyekto : Layunin sa paggawa ng proyekto : Sketch at sukat ng proyekto : Talaan at halaga ng mga materyales na gagamitin : Talaan ng kasangkapan : Mga hakbang sa paggawa : Gawain B. Ipasuri sa tatlong (3) kamag-aaral ang inyong nagawang plano. Lagyan ng tsek () ang hanay ayon sa antas ng kahusayan ng pagkakagawa. Limang (5) puntos ang pinakamataas, Isang (1) puntos ang pinakamababa. Antas ng Kahusayan 5 4 3 2 1 Kriterya 1. Maayos ba ang pagkakagawa ng plano ng proyekto ayon sa layunin nito? 2. Nakakaakit ba ang naisip na pangalan ng proyekto? 3. Naisa-isa ba ng maayos ang mga kakailanganing kagamitan? 4. Napag-usapan ba kung saan mangagaling ang mga kasangkapan sa paggawa ng proyekto ? 5. Ayon sa nagawang sketch, maaari bang mabenta ang proyekto sa magandang halaga? Total _______________________________ Pangalan ng Nagsuri Batayan: 21- 25 16- 20 11- 15 6-10 5–pababa (Napakahusay) (Mas mahusay) (Mahusay) (Mahusay-husay) (Di –mahusay) 11 90% 85% 80% 75% 70% Total Naisasagawa ang payak na pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan at kasangkapan sa tahanan o sa paaralan. (EPP5IA-0i-9) Activity Sheet # 9 Pagkukumpuni ng mga Sirang Kasangkapan Gawain A. Kasama ang iba pang kamag-aral, bumuo ng isang grupo na may 3-5 kasapi. Pumili ng gamit na aayusin mula sa mga sumusunod na sirang bagay. 1. Upuan 2. Pisara 3. Mesa Ilista ang mga sumusunod: Mga kagamitan na gagamitin sa pag-aayos ng sirang bagay na napiling ayusin. Ipaliwanang ang mga paraan na gagawin sa pag-aayos ng sirang bagay na napili. o Itanong sa Guro kung tama ang paliwanag na ibinigay o Gawin ang pagwawasto na ibinigay ng Guro Gumawa ng pamantayan sa paggawa na susundin. Pumili ng isang kamag-aaral na magsisilbing tagamasid habang nagkukumpuni. Gawain B. Ipagamit ang tseklist sa kamag-aaral na nagsilbing tagamasid. Lagyan ng tsek ang sagot ayon sa ginawang pagmamasid. 1. 2. 3. 4. 5. Tanong Pinag-aralan ba ng magkakasama sa grupo ang dapat kumpunihin sa sirang kagamitan ? Sinunod ba nila ang wastong pamantayan sa pagkukumpuni ? Ginamit ba nila ang angkop na kagamitan sa pagkukumpuni ? Sinunod ba nila ang tamang hakbang sa pagkukumpuni ? Magagamit ba ng mga kasapi sa grupo ang natutuhan sa pagkukumpuni ? 12 Oo Hindi