Uploaded by Mariel Maraquilla

Ang Maliksing Palaka sa Balon Story

advertisement
Ang Maliksing Palaka sa Balon
Noong unang panahon ay mayroong isang palaka na nakasanayan ng
manirahan sa loob ng isang malalim na balon. Mula pagkabata ay doon na siya
nabuhay at lumaki ng mag-isa. Si Palaka ay sobrang maliksi at palundag-lundag
lamang sa loob ng malalim na balon.
Ngunit habang siya ay palundag-lundag, biglang dumaan sa may bibig ng balon
ang mabagal kumilos na si Pagong.
Sa gulat ni Palaka sa pagdaan ni Pagong ay naisip niyang tawagan ito na parang
nais inggitin, “Hoy mabagal na pagong, nakikita mo ba kung gaano kasaya at kasarap
ang aking buhay dito sa ilalim ng balon? Ako ang hari dito, walang mga alimango at
mga isda ang nakikialam sa akin. Malaya pa akong nakakapaglaro dito sa tubig ng
balon at nakikita ko pa ang ganda ng langit na hugis bilog. Narito nang lahat ang
kailangan ko at wala na akong mahihiling pa, halika rito at dito ka na rin manirahan
kaibigang pagong.”
Dahil sa kagustuhang maranasan ni pagong ang mga nararanasan ng kanyang
kaibigang palaka ay naisip niya na doon na din manirahan.
Bababa na sana si Pagong sa ilalim ng balon ngunit nasabit ang kanyang paa sa
isang malaking bato na nakadikit sa may bibig ng balon kaya hindi siya nahulog at doon
niya naisip ang pagkakaiba ng pamumuhay nila ni Palaka.
Habang nakabitin siya sa ganoong kalagayan ay inilarawan naman niya kay
Palaka ang kanyang karanasan sa kaniyang daigdig na pinagmulan. “Tunay ngang
hindi ako ang naghahari sa tubigang aking nilalanguyan, ngunit ang tubigang iyon ay
isang napakalaki, napakalawak, napakalalim na dagat na may mga sari-saring uri ng
halaman at hayop akong nakakasama.”
Dagdag pa ni Pagong, “Kailanman ay hindi ko naranasang matuyuan ng tubig at
hindi umaapaw ang tubig tuwing tag-ulan hindi katulad dito sa lugar na iyong tinitirahan.
Ang langit na aking tinitingala ay hindi kasing lawak at kasinglaki ng bilog ng bibig ng
balon lamang dahil ito ay kasinglaki ng abot ng aking tanaw saan man ako magpunta.
Iyan ang dahilan kung bakit mas gusto ko na lamang manirahan sa dagat kaysa dito sa
balon.
Kaya hindi na bumaba pa si Pagong at umalis na lamang sa balon. Iniwan niya si
Palaka na napahiya sa sarili sa pag-aakalang mas maganda ang kanyang daigidig
kaysa sa ibang hayop.
Download