Uploaded by Harmony Lianada

ARALIN 3 ANG KURIKULUM

advertisement
MODYUL SA PANSARILING PAGKATUTO
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON
(MC LIT 102)
ALFELOR SR. MEMORIAL COLLEGE, Inc.
PETSA: Marso 13, 2022
Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik
Ayon sa papel ni Dr. Galileo S. Zafra na may pamagat na Ang pagtuturo ng Wika at
Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12), sinabi niya na sa pagtuturo
ng wika, idinidiin ang oryentasyong linggwistiko. Saklaw ng pag-aaral nito ang
Palabaybayan, Mga Makrong Kasanayan (Pagbasa, Pagsulat, Pagsasalita, Pakikinig)
ponemiko at balarila gayundin bahagi rin ng/sa p ag-aaral ang panitikan at komposisyon.
Upang umayon sa pangangailangan ng mag-aaral at lipunan gayundin ay matugunan
ang mga pangunahing kasanayan na kinakailang bilang bahagi ng batayang edukasyon,
pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pareresitraktura at/o muling pagbalangkas
ng kurikulum sa batayang edukasyon sa sumusunod na dahilan:
(1) higit na magiging malikhain at/o inobatibo ang mga guro sa kanilang mga
estratehiya sa interdisiplinaring pagtuturo;
(2) higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang
mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay;
(3) Interaktibo ang pinaka-ideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto;
(4) Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t
ibang disiplina, s amga gagamiting kagamitang panturo at hanguang multimidya;
(5) kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at
interpersonal at ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.
Salalayan din sa mungkahing ito upang higit na matugunan ang kinakailangang mga
kasanayan ay nagsagawa rin ang kagawaran ng pagtataya sa mg anagdaang kurikulum ng
Filipino. At sa ginawang pagrerebyu lumabas ang sumusunod na obserbasyon:
(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuturo mula elementarya
hanggang tersyarya. Hindi panlinggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisa ang naisasagawa;
(2) hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang
kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo;
(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo
(kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang estratehiko, at kaalamanag sosyolinngwistik);
(4) hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang disiplina;
(5) hindi halos napagtutuunan ng mga mag-aaral ang iba pang asignatura na
ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo; at
(6) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT.
ARALIN 3: ANG KURIKULUM
LAYUNIN:
1. Nailalahad ang iba’t ibang kahulugan ng Kurikulum.
2. Nasusuri ang iba’t ibang kahulugan at bahagi ng Kurikulum.
3. Nakagagawa ng mga pagsusuri sa mga layunin ng mga pagbabago sa kurikulum.
4. Naiisa-isa ang mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum.
Address: Poblacion Zone II, Del Gallego, Camarines Sur
School ID: 403693
Propesor: Sonny C. Delos Santos
MODYUL SA PANSARILING PAGKATUTO
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON
(MC LIT 102)
ALFELOR SR. MEMORIAL COLLEGE, Inc.
Ang Aralin 3 ay nakatuon sa pagtalakay sa kabuuan ng paksa na kurikulum. Saklaw
nito ang mga sub-aralin na: (1) kahulugan ng Kurikulum (NESC); (2) Bahagi ng kurikulum;
(3) Paglinang ng Kurikulum; at (4) Mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum;
Sa pagpapakahulugan nina William B. Ragan at D.G. Sheperd, ang kurikulum ay isang
daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid,
pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng
kurikulum, integratibo ang karanasan at karanasang pang-edukasyonal sa pagpapaunlad ng
sitwasyong panlipunan ng mag-aaral.
Sa gayon, ang kurikulum ay isang plano na mga gawaing pampaaralan at kasama pa
rito ang sumusunod:
(1) ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral;
(2) pamamaraan sa pagtatasa at/o pagtataya ng/sa pagkatuto;
(3) krayterya at/o kuwalipikasyon upang mapabilang ang mag-aaral sa programa; at
(4) inobatibo at malikhaing mga kagamitan sa pampagtuturo. Ang curriculum ay
nagmula sa salitang Latin na curere ay nangangahulugang ito run the course of the race o
magtabakbo ng isang kurso sapagkat ang kurikulum ang nagsisilbing pundasyon ng mga
paaralan sa pagtuturo at pagkatuto.
Maliban sa nabanggit may limang basikong kahulugan pa ang kurikulum na maaaring
bigyang konsiderasyon. Ito ay ang sumusunod:
1. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang plano upang matamo
ang mga adhikain. Ang plano ay kinabibilangan ng mga magkakasunod na hakbangin.
Sinasalalayan ito ng sumusunod na pagpapakahulugan:
▪ J. Galen Saylor- defines curriculum as “a plan for providing sets of learning
opportunities for person to be educated.
▪ David Pratt - Curriculum is an organized set of formal education and/ortraining
intentions.
▪ John Wiles and Joseph Bondi - view curriculum as a four-step plan involving
purpose, design, implementation, and assessment.
2. Ang Kurikulum ay maaaring bigyan ng malawak nitong pagpapakahulugan na
sumasaklaw sa kabuuang karanasan ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng kahulugang ito
maituturing na anumang naisaplano sa loob at labas ng akademikong institusyon ay bahagi
ng kurikulum. Ang pagpapakahulugang ito ay sinasalalayan ng sumusunod na
pagpapakahulugan:
▪ Hollis Caswell and Doak Campbell - view curriculum as “all the experiences children
have under the guidance of teachers.
▪ Gene Shepherd and William Ragan - The curriculum consists of the ongoing
experiences of children under the guidance of the school.
▪ Collin Marsh and George Willis - views curriculum as all the “experiences in the
classroom that are planned and enacted.
3. Ang Kurikulum ay isang sistema ng/sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.
4. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang sangay ng pag-aaral na
nagtataglay ng sarili nitong mga pundasyon, domayn ng kaalaman, pananaliksik, teorya,
prinsipyo, at dalubhasa.
Address: Poblacion Zone II, Del Gallego, Camarines Sur
School ID: 403693
Propesor: Sonny C. Delos Santos
MODYUL SA PANSARILING PAGKATUTO
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON
(MC LIT 102)
ALFELOR SR. MEMORIAL COLLEGE, Inc.
5. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan batay sa paksa (matematika,
agham, Ingkles, Kasaysayan at iba pang katulad nito) o sa nilalaman (sa kung paani
isinasaayos at inaasimila ang mga impormasyon).
Bahagi ng Kurikulum
1. AIM - Balak o Pakay, Paglalahad o pagpapaliwanag ng pangkalahatang layunin ng
kurikulum. Napakaloob dito ang mga tagapakinig (audience) gayundin ang mga paksa.
2. RASYONALE - Makatwirang Paliwanag, Mapaghimok na pagtatalo, dahil dito
ipinaliliwanag kung bakit gustong magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at mga
pinagkukunan para sa kurikulum
3. HANGARIN AT LAYUNIN - Talaan ng mga maaaring bunga ng mga matutuhan ng
mga mag-aaral batay sa magiging partisipasyon sa kurikulum. Napakaloob din sa bahaging
ito ang pagpapaliwanag kung paano makatutulong ang kurikulum sa bansa at sa lipunan.
4. MAG-AARAL AT MGA PANGUNANG KAILANGAN - Nagpapaliwanag kung sino ang
makikinabang sa binu[bu]ong kurikulum at mga pangunang kaalaman at kakayahan para sa
mabisang kurikulum.
5. MGA KAGAMITAN - Tala ng mga kakailanganing kagamitan para sa matagumpay
na pagtuturo ng mga asignatura sa kurikulum. Nakapaloob dito ang mga aklat at ibang
babasahin kabilang ang mga artikulo at journal, mga pananaliksik at iba pang karaniwang
kagamitan kasama rin ang mga pangunahing website mula sa internet na maaaring maging
batayan sa talakayan.
6. PLANONG PAMPAGTUTURO - Nagsasaad ng/sa mga gawaing kukunin ng magaaral
at ang pagkasunod-sunod nito. Napakaloob din sa bahaging ito ang maaaring gawain ng guro
sa klase. Estratehiya, metodo,dulog istilo ng pagtuturo.
7. PLANO PARA SA PAGTATAYA AT EBALWASYON – bahagi na binubuo ng mga
kahingian at pagsusulit na nakabatay sa layunin upang makuha ang kinakailangang
pagpapaunlad sa kurikulum.
Mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum
1. Ang mga guro, magulang, tagapamahala ng paaralan (administrator) at maging ang
mga mag-aaral ay may kinalaman sa pagdesenyo ng kurikulum.
2. Ang mithiin, tunguhin, misyon at bisyon ng paaralan ay kailangang pag-aralang
mabutiat dapat maging batayan din ito sa pagdesenyo ng kurikulum.
3. Ang pangangailangan at interes ng mga mag-aaral sa pangkalahatan pati na rin sa
komunidad, sa kabuuan ay kailangan laging isaisip.
4. Ang mga alternatibong kagamitan sa pagdedesenyo ng kurikulum tulad ng gastos,
paghahati ng klase (class schedule), laki ng klase, pasilidad (facilities) pati na rin ang
personalidad ng mga tagapamahala ng paaralan ay kailangang malaman ang mabuti at dimabuting epekto nito.
5. Ang pagdedesenyo ng kurikulum ay kailangang nakaangkla sa kognitibo,
pandama,kakayahan, konsepto at kinalabasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral
Address: Poblacion Zone II, Del Gallego, Camarines Sur
School ID: 403693
Propesor: Sonny C. Delos Santos
Download