Uploaded by Niña Fagandoy

TEKSTONG NARATIBO

advertisement
TEKSTONG NARATIBO
Inihanda ni: Bb. Jessa B. Abonales
Ang tekstong naratibo ay
naglalayong magkuwento sa
pamamagitan ng salaysay na naguugnay ng mga pangyayari.
Inilalahad ito sa
KRONOLOHIKAL na
paraan, na tiyak ang
simula, gitna, at wakas.
Sinasabing ito ang pinakamatandang
anyo ng pagpapahayag dahil nagmula
pa ito sa oral na tradisyon ng
pagsasalin ng mga alamat, epiko, at
mga kuwentong-bayan mula sa ating
mga ninuno.
Karaniwang paksa ng pagsasalaysay
ang sariling karanasan, mga bagay o
pangyayaring narinig, nasaksihan,
nabalitaan, at maging mga
kathang-isip.
URI NG TEKSTONG
NARATIBO
PIKSYON
Nakatuon sa mga tauhan at
pangyayaring likhang isip gaya ng
maikling kuwento na may iisang
banghay.
Kabilang din dito ang nobela na
nahahati sa mga kabanata,
drama, pabula, parabola, alamat,
mito, at kuwentong pambata.
DI-PIKSIYON
Mga tekstong nagsasalaysay ng
mga kaisipang hango sa tunay na
buhay ng tao, at mga totoong lugar,
bagay, o pangyayari.
Ilan dito ang sariling
talambuhay, dyornal o
talaarawan.
ELEMENTO NG
TEKSTONG
NARATIBO
BANGHAY
Ito ang nagsisilbing balangkas ng
kuwento. Makikita dito ang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
TUNGGALIAN
Maaaring panloob o panlabas gaya ng tao
laban sa sarili, tao laban sa kapwa, tao
laban sa lipunan, tao laban sa kalikasan, at
tao laban sa teknolohiya at/o
kapangyarihan.
TAUHAN
Bida o kontrabida
LUNAN at PANAHON
Oras, lugar
TEMA, SIMBOLO, IMAHEN
Nagtataglay ng iba-ibang
kahulugan at kabuluhan para sa
isang salaysay.
ANG KOMIK ISTRIP
AT GRAPIKONG
NOBLELA: MGA
HALIMBAWA AT
TEKSTONG
NARATIBO
Ang komik istrip ay binubuo ng
mga guhit na sunud-sunod na
isinaayos sa pamamagitan ng
magkakaugnay na panel para
maglahad ng maikling salaysay.
Karaniwang katatawanan at
pakikipagsapalaran ang tema ng kuwento
sa mga lokal na komik istrip, tuluyan ang
naratibo, at gumagamit ng lobo o
balloon para ipakita ang diyalogo ng mga
tauhan at kapsiyon.
Kadalasang natutunghayan ang mga ito sa
mga pahayagan bilang bahagi ng seksiyong
panglibangan. Sa pilipinas, ilan sa mga
popular na komiks ay sina Kenkoy na kaunaunahang karakter na nilikha ni Tony
Velasquez, ang Slice of Life ni Larry Alcala,
at ang Pugad Baboy ni Pol Medina.
Kabilang naman sa mga
umuusbong na panitikang popular
sa bansa ay ang grapikong nobela.
Ito ay isang naratibong akdang
inihahayag sa pamamagitan ng
anyong komiks.
Ang babasahing nabibilang sa
ganitong uri ay itinuturing na
komiks na nasa anyong kalat na
lumalabas ayon sa bilang ng
serye.
Nagmula sa Amerika at Britanya
ang nasabing uri at bahagi ng
muling pagbuhay sa anyong
komiks noong Dekada ‘90 sa
hangaring maiangat ang estado
nito bilang isang anyo ng panitikan.
Bukod sa paghango ng kuwento mula sa tunay
na buhay, karaniwan ding itinatampok sa
komiks at grapikong nobela ang kagila-gilalas at
kamangha-manghang kuwento ng
pakikipagsapalaran ng mga karakter na
binabalutan ng di-pangkaraniwang katangian at
kapangyarihan at itinuturing na superhero.
Ang pagbabasa ng grapikong nobela ay
hindi lamang nakatuon sa teksto o ang
daloy ng kuwento. Binibigyang-pansin
din ang mga biswal na imaheng nilikha
mula sa pantasya at ang samot-saring
kaisipan na maaaring bigyang-kahulugan.
Isa mga popular na grapikong
nobela sa bansa ay ang “Ang
Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran
ni Zsazsa Zaturnab” na isinulat ni
Carlo Vergara.
Download