GNED 11 IKALAWANG LINGGO ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA JOSEPH R. DULATAS, LPT INSTRUKTOR Ang Pakikipaglaban para sa Wikang Filipino sa Kasalikuyang Panahon: TANGGOL WIKA- Tagapagtanggol ng Wikang Filipino PSLLF- Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino Taong 2013, naglabas ang CHED ng bagong General Education Curriculum - wala na ang Filipino bilang bahagi ng GE subjects sa antas ng Kolehiyo, ito ay sa bisa ng CHED Memorandum Order(CMO) Bilang 20, Serye 2013, nilagdaan ni Punong Komisyoner na si Kom. Patricia Licuanan. Mga Asignaturang Mananatili sa Kolehiyo Pag- unawa sa Sarili/ Understanding the Self Pagpapahalaga sa Sining/ Art Appreciation Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas/ Readings in Philippine History Siyensya, Teknolohiya at Lipunan/ Science Technology and Society Ang Kasalukuyang Daigdig/ The Contemporary World Malayuning Komunikasyon/ Purposive Communication Matematika sa Bagong Daigdig/ Mathematics in the Modern World Etika/ Ethics Dahil sa desisyon na ito ng CHED, iba’t ibang resolusyon at posisyong papel ang inilabas ng mga organisasyong pangwika, pangkultura, makabayang party list group at unibersidad Resolusyong inilabas ng PSLLF, Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino bilang Asignatura sa Antas Tersyarya, akda ni Dr. Lakandupil Garcia Noong Hunyo 21, 2014, nabuo ang alyansa ng Tanggol Wika - DLSU, UP-D, ADMU, UST, PUP MGA NAGING PANAWAGAN NG TANGGOL WIKA: 1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo; 2. Rebisahin ang CHED Memorandum Order 20, series of 2013 3. Gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at 4. Isulong ang makabayang edukasyon. Sa kabila ng lahat ng posisyong papel at resolusyon sa ipinasa ng naturang alyansa, hindi pa rin sila pinakinggan ng CHED Abril 15, 2015- nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Kataas- taasang Hukuman o Korte Suprema, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera at ng mahigit na 100 propesor at iskolar Unang Pahina ng Panukalang Batas bilang 8954 Sa kabila ng lahat ng ito, noong Marso 05, 2019, ay pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon nitong tanggalin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa antas- kolehiyo UNANG GAWAIN PANUTO: Lumikha ng isang larawan/ poster na sasalamin sa nais ipahayag ng Tanggol Wika sa isa nilang Facebook post. Isumite ang inyong likha sa ating Google Classroom.