Uploaded by Ronald Bernabe

Varyasyon o Barayti ng Wika Homogeneus a

advertisement
Varyasyon o Barayti ng Wika
Homogeneus at Heterogeneous na wika
A. Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito.
(Paz, et.al.2003).
B. Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng
paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibang
kontent o element heteros – nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos –
nangangahulugang uri o lahi.
Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kanikanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
C. Dayalek/Dayalekto – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang nalilikha ng
dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito rin ang wikang sinasalita ng isang
neyographical.
Halimbawa: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)
pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)
D. Idyolek - ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan o istilo sa pagsasalita.
Makikita rito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o ng isang pangkat
ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa). Ito rin ang Individwal na estilo ng paggamit ng
isang tao sa kanyang wika.
Halimbawa: Tagalog – Bakit?
Batangas – Bakit ga?
Bataan – Bakit ah?
Ang idyolek ni Marc Logan – paggamit ng salitang magkakatugma
Ang idyolek ni Mike Enriquez – hindi namin kayo tatantanan
Ang idyolek ni Kris Aquino - Aha!, ha, ha… okey! Darla!
E. Sosyolek - naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay
sa katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan. Tinatawag din itong
sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan,
paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito ay may kinalaman din sa katayuang
sosyo-ekonomiko ng nagsasalita.
Halimbawa: Wika ng mag-aaral - Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush ko!
Tapos nakasabay ko pa s'yang mag-lib! (estudyante)
Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa ang tatay n'yo diyan? Aba at saan na
naman napunta ang damuhong 'yon? Malilintekan 'yon sa akin! (matanda)
Iba’t Ibang Sosyolek
1. Gay Lingo – ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang
pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
1
Halimbawa: Churchill para sa sosyal, Indiana jones para sa hindi sumipot, begalou
para sa malaki, Givenchy para sa pahingi, Juli Andrews para sa mahuli.
2. Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na
hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng coede switching. Kadalasan din itong ginagamitan ng
pandiwang Ingles na make at dinugtong sa Filipino. Minsan kinakabitan pa ito ng ingklitik na pa, na,
lang at iba pa.
Halimbawa: Let’s make kain na… wait lang I’m calling ana pa… We’ll gonna make
pila pa…It’s so haba na naman for sure.
3. Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon
na pokemon. Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may
pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping. Madalas na nagagamit ang
mga titik H at Z.
Halimbawa: 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? - Hello po, kumusta po kayo?
aQcKuHh iT2h - Ako ito
iMiszqcHyuH - I miss you
4. Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon,
artikula na trabaho, o gawain ng tao.
Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant
guro – lesson plan, class record, Form 138
F. Etnolek – ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay
nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Halimbawa: Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulan
Bulanon – full moon
Kalipay – tuwa o ligaya
Palangga – mahal o minamahal
Shuwa – dalawa
Sadshak – kaligayahan
Peshen – Preshen
G. Register – ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasaita ang pormal na tono ng
pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan,
nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala. Pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong
nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa sino
ang nag-uusap.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at
sa panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa
mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.
2
Halimbawa: Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat
ng aklat pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay.
Paggamit ng di pormal na wika sa pagsulat ng komiks, talaarawan at liham
pangkaibigan o di pormal na paraan ng pagsasalita kung ang kausap ay
kaibigan, malalapit na kapamilya, kaklase o kasing-edad
H. Ekolek - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Taglay nito
ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito.
Halimbawa: Mamita
Lolagets
Papsy
I.
Pidgin - ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native
Language o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng
dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil
hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil
dito makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kanya-kanya nilang unang wika.
Halimbawa: Ang pagpunta ng mga Kastila noon sa Zamboanga nakabuo sila ng wikang
pinaghalong Espanyol at Katutubong Wika ng Zamboanga.
J. Creole - ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized) na
ng mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon hanggang sa
magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod na ng karamihan.
Halimbawa: ang wikang Chavacano
3
Download