MGA MANUNULAT NG PROSA O TULUYAN SA KASTILA Kababakasan ng damdaming makabayan, pangungulila sa espanya at paghahangad ng kasarinlan. ENRIQUE LAYGO Naglathala ng katipunan ng maikling kuwento na pinamagatang Idolo Con Pies De Barro (Ang Diyus-Diyosang may mga paang luwad). Ito ay nagtamo ng premio zobel noong 1925. MACARIO ADRIATICO Batikang mananalumpati. Siya ang naging kinatawan ng unang Asemblea Filipina at naging patnugot ng aklatang pambansa. Ang kanyang pinakamasuhay na alay sa panitikang Filipino sa kastila ay ang Alamat ng Mindoro na may pamagat na La Punta de Salto (Ang pook na pinagmulan). EPIFANIO DE LOS SANTOS Mas kilala sa tawag na Don Panyong. Ang karunungan niya ang sinasabing parang ensayklopidya. Kinilalang pinakamahusay na mamumuna, mananalaysay, mananalambuhay at mananaliksik ukol sa bagay na Pilipino. TRINIDAD H. PARDO DE TAVERA Naging patnugot ng Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa. Utang natin sa kanya ang pagakakapasok ng mga titik na w at k sa ortograpiyang tagalog na ginagamit ngayon. Umabot sa 63 ang mga akdang naisulat ni Dr. de Tavera, na isinalin sa ibat-ibang wika, tulad ng Aleman, Pranses at Ingles. RAFAEL PALMA Kapatid ng ama ng pambansang awit ng Pilipinas na si Jose Palma. Siya ay sumulat sa mga pahayagang Revista Catolica noong 1894 sa La Independencia noong 1894 at sa El Nuevo Dia noong 1900. I Siya ay naging direktor ng Academia Filipina noong 1923, at naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang mga akda sa larangan ng panitikan ay ang Alma Mater, ang La Luneta, ang Historia de Filipinas , at ang Biografia de Rizal. Ang panitikang Filipino sa ibat-ibang wikain PANITIKANG ILOKANO Ayon kay Leopoldo Yabes, ang panitikan sa wikang Ilokano sa panahon ng mga Amerikano ay nahahati sa dalawang pangkat-makaluma at makabago. Ang mga makalumang manunulat ay aral sa kastila, kabilang dito sina Marcelino Crisologo na isang makat at nobelista at si Claro Caluya tinaguriang prinsipe ng makatang Ilokano. PANITIKANG BISAYA Ang lalong napabantog ay si Eriberto Gumban sa hiligaynon. Siya ay sumulat ng dula at sarswela na kinagigiliwan sa bisaya. Kilala rin bilang Ama ng moro-morong bisaya. Si Mariano Perfecto ang Ama ng panitikang bisaya ay natanyag sa kaniyang mga akdang nasulat sa hiligaynon. PANITIKANG KAPAMPANGAN Juan Crisostomo Sotto ang tinaguriang Ama ng panitikang kapampangan. Si Aurelio Tolentino ay tanyag ding mandudula sa mga kapampangan. Kung ang tagalog ay ay may balagtasan, ang Ilokano ay may bukanegan, ang Kapmpangan ay mayroon ding pagtatalong patula na kung tawagin ay crisotan. PANITIKANG PANGGASINAN Ayon kay Kalaw, marami sa panitikang panggasinan hanggang sa panahon ng mga Amerikano ay natutungkol sa relihiyon. Nitong mga huling panahon karamihan sa panitikang panggasinan ay salin lamang buhat sa Iloko o kaya ay tagalog. Si Pablo Mejia ay kilalang manunulat sa Pangasinan, sumulat ng dula na pinamagatang Ginmalet. PANITIKANG BIKOL Tulad din sa Panitikang Panggasinan, ang Panitikang Bikol ay pawang nauukol sa relihiyon. Si Mariano Perfecto bukod sa pagsulat ng panitikang bisaya ay sumulat din ng mga akdang panrelihiyon sa bikol. Mayroon siyang mga akdang nauukol sa kasaysayan ng mga santo at santa. Ang humalili sa kanya sa larangan ng panitikang bikol ay si Camisiro Perfecto. PANITIKANG FILIPINO Panitikang filipino sa wikang filipino (noon ay tagalog) ay higit na maunlad kaysa alinmang katutubong wika sa buong kapuluan. Ang lahat ng anyo ng panitikan ay pinasok ng mga tagalog- tula, dula, kwento, nobela, sanaysay, atbp. MGA DULANG LABAN SA AMERIKANO TANIKALANG GINTO Ito ay isinulat ni Juan K. Abad at unang itinanghal sa Batangas noong Mayo 10,1903. ang pagtatanghal ay pinigil ng mga Amerikano, at pinapanagot sa salang Sedisyon si Abad. Di umano ang dulang ito ay nakasisira sa magandang hangarin ng Amerikano sa mga Pilipino. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS Inilarawan ni Aurelio Tolentino sa dulang ito na muling maghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga Amerikano. Dahil sa unang pagtatanghal pa lamang ng dulang ito sa Teatro Libertad noong Mayo 14, 1903 si Tolentino ay dinakip at ibinalanggo ng mga Amerikano. WALANG SUGAT Ito ang kauna-unahang dulang isinulat ni Severino Reyes. Ang hangarin ng dulang ito ay maipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagbabagong-panlipunan sa Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano. MANDUDULA SA PANAHON NG AMERIKANO SEVERINO REYES Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang, ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. PINAG-UGATAN AT EDUKASYON Ipinaganak siya noong 11 Pebrero 1861 sa Santa Cruz,Maynilaat suplingnina Rufino Reyes, isang iskultor, at ni Andrea Rivera. Siya ay ikinasal kayMaria Paz Puato at biniyayaan ng 17 anak. Sinimulan niya ang kanyang pag-aaral sa Catalino Sanchez, tinapos ang kanyang hayskul at batsilyer sa siningsaColegio de San Juan de Letran, at kumuha rin ng kurso saUnibersidad ng Santo Tomas.Nang itinatag angLiwaywaynoong 1923, si Reyes ang naging unangpatnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawangkasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat. KARERA Sa edad na 41, si Reyes ay nagsimulang magsulat ng mga dula.Ang R.I.P., noong 1902 ang una niyang dula. Sa parehong taon, isinulat niyaang Walang Sugat (Not Wounded), na masasabing isa sa mga pinakakilalaniyang akda. Ang Walang Sugat din ay naging simula ng ginintuang panahonng sarsuwela sa bansa.Noong 1902 itinatag niya ang Gran Compañia de la Zarzuela Tagala upang maitanghal ang kanyang mga dula sa mga teatro sa Maynila patina rin sa mga entablado sa mga kalapit probinsiya.Ang mga dula ni Reyes ay naisapelikula rin, tulad ng Walang Sugat noong1939 at 1957; at Minda Mora noong 1929. AURELIO TOLENTINO Si Aurelio Tolentino (13 Oktubre 1867 – 5 Hulyo 1915)aymandudula,nobelista, atoradorsa wikang Espanyol, Tagalog, atPampango,bukod sa pagigingkatipunero. Si Tolentino ang nagtatag ng Filipinas, atEl Parnaso Filipino. Kasama ni Tolentino siAndres Bonifaciosa paghahanap ng kanilang mga lihim na kuta sa kabundukan ngMontalbanatSan Mateo, Rizal. Napili nilaangKuweba Pamitinanna maging himpilan, hanggang matuklasan ito ng mgaEspanyol noong 12 Abril 1895.Nadakip at ikinulong si Tolentino ng mga Espanyol, noong magsimula anghimagsikan saFilipinas. At nang dumating ang mga Amerikano, bumuo siya ngsamahan ng mga dating katipunero, na ang pangunahing layunin ay patalsikinang mga Amerikano. Tinawag niya ang samahan na Junta de Amigos. JUAN K. ABAD Si Juan K. Abad ay isang matalinong manlilimbag mula sa Sampaloc,Maynila. Taong 1875 nang siya ay isilang. Sa edad na labinganim (16) aynaisulat niya ang Senos de Mala Fortuna, isang komedia na may anim nayugto. Itinanghal ito sa Dulaang Arevalo sa Sampaloc noong taong 1895.Nagsulat siya ng mga aklat na naglalaman ng mga tuligsa sapamahalaan at mga prayleng Kastila. Sinunog niya ang mga ito bago siyasumanib sa Katipunan.Nakasama siya sa hukbong Pilipino na nakipaglaban sa mga hukbongAmerikano. Sa panahong iyon itinatag nila ni Emilio S. Reyes ang Republicang Tagalog, isang pahayagang nalathala sa San Fernando, Pampanga. Noong 1899 ay nagpalabas siyang muli ng isang pahayagan, ang Laon-Laan na naging dahilan upang siya ay dakipin at ikulong sa loob ng isangbuwan at pagreportin umaga't hapon sa military kasama ang pagbabanta nahuwag nang sumulat muli.Nang sumunod na taon, sinimulan niyang muli ang pagtatatag ng isangpahayagang para sa mga manggagawa. JULIAN CRUZ BALMASEDA Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikangPilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isangmakata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong Enero 28, 1895. Nag-aralsiya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay nagwagi nasa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang musikalna ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa kanyangmga dula ang pilosopiya ng sosyalismo, kagalingang-bayan atpangkasaysayan.Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating,tumutuligsa ito sa mga nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin sa kanyangpanitik ang Sangkwaltang Abaka, Dahil sa Anak, Budhi ng Manggagawa,Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at iba pa. Sa nobela aymababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at Tahanang Walang Ilaw. Angkatipunan ng mga tulang kanyang nasulat ay tinawag niyang PangarapLamang. Kasama sa katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa Bayan ni Plaridel,Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila, Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamitniya ang sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat. Ang huli niyang naisulat ayisang isang tula na ang pamagat ay Punungkahoy.Siya ay bawian ng buhay noong Setyembre 18, 1947 sa gulang na 52. ROLANDO S. TINIO Si Rolando Santos Tinio ay isang Pilipinong makata, dramatista, tagasalin, direktor, tagapuna, manunulatng sanaysay at guro. Isinilang si Tinio sa Gagalangin, Tundo,MaynilanoongMarso 5,1937nguni't may pinag-ugat mula saNueva Ecija, kung saan nagmula angkanyang mga magulang na sina Dominador Tinio at Marciana Santos. Noongbata pa lamang siya, nagkahilig si Tinio sa pagsasaayos at direksiyon sa mgakalaro para sa mga pagdiriwang nakakasuotan. Siya ay isang masigasig sapaglalahok sa mga industriya ng mgapelikulang Pilipinoat nawiwili sapagtatrabaho sa mga sikat na artistang Pilipino kung saan hinangaan siyanoong nasa kabataan niya. Siya ay naging aktor ng pelikula at manunulat ngdulang pampelikula. FLORENTINO COLLANTES Isinilang noong Oktubre 16, 1896 sa Pulilan, Bulakan. Tulad ni Jose Corazon De Jesus, si Collantes ay naging hari ng balagtasan. Siya ay naging guro sa paaralang-bayan at naging kawani sa kawanihan ng mga lupain. Sumulat din siya ng mga pahayagang tagalog. ANG LUMANG SIMBAHAN NI: FLORENTINO T. COLLANTES I. Sa isang maliit at ulilang bayan Pinagtampuhan na ng kaligayahan, Ay may isang munti at lumang simbahang Balot na ng lumot ng kapanahunan; Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang Ginubat ng damo't makahiyang-parang, Sa dami ng kurus doong nagbabantay Makikilala mong yaon ay libingan. II. Sa gawing silangan ng simbahang luma May isang simboryong hagdanan ma'y wala, Dito ibinitin yata ng tadhana Ang isang malaki't basag na kampana; Ito raw'y nabasag anang matatanda Noong panahon pa ng mga Kastila, Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa. III. Sa lumang simbaha't sa kampanang basag Ay may natatagong matandang alamat, May isang matanda akong nakausap Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat; Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat, Pinagkatakutan, kay daming nasindak Umano,kung gabi ay may namamalas, Na isang matandang doo'y naglalakad. IV. Ang suot ay puti may apoy sa bibig, Sa buong magdamag ay di matahimik, Ngunit ang hiwagang di sukat malirip, Kung bakit sa gabi lamang na mamasid Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik Ang matandang ito’y hindi raw masilip, Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit Ano't ang simbahan ay lumalangitngit? V. Magmula na noo'y pinagkatakutan, Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan; Saka ang isa psng baya'y gumimbal, Ang kampanang basag na bahaw na bahaw Kung ano't tumunog sa madaling araw, At ang tinutugtog agunyas ng patay; Saka nang dumating ang kinabukasan May puntod ng libing sa harap ng altar. VI. Lumaki ang ahas sa mga balita'y Lalong di pinasok ang Simbahang Luma, Kung kaya ang hindi mkurong hiwaga'y Nagkasalin-salin sa maraming dila, Hanggang may nagsabing sa gabing payapa May mgs hinaing doon nagmumula Tagpoy ng maysakit na napalubha. Himutok ng isang pananaw sa lupa. VII. Ngunit isang gabi ay may nagmatapang Nag-isang pumasok sa lumang Simbahan; Datapwa't hindi pa siya nagtatagal Karimot ng takbong nagbalik sa bahay, Saka namalitang nagkakandahingal: "Ako po'y mayroong multong natagpuan, Ang suot ay puti at nakabalabal, Gayong binaril ko'y ano't di tinablan." VIII. Lalo nang nag-ugat sa bayan ang lagim; Ang Lumang Simbaha'y ayaw nang pasukin; Taong naglalakad sa gabing madilim. Ni ayaw sumagi, ni ayaw tumingin. Pati nang naroong sakdal gandang Birhen, Wala ni sinumang pusong manalangin; Kaya't sa simbaha'y wala nang pumansin Tulad ng ulila't tiwangwang na libing. IX. Ngunit isang gabing kadilima'y sakdal, Ang simbahang Luma'y ano't nagkailaw May isang binata't isang paraluman Na nangakalunod sa harap ng altar. Ang dalawang ito ay magkasintahang Sa galit ng ama ay ayaw ipakasal, Kaya't ang dalawa'y dito nagtipanang Sa harap ng Birhen ay magpatiwakal. X. Ang ama raw nitong magandang dalaga Kung sa kayamana'y walang pangalawa. Ang binata nama'y isang magsasaka, Mahirap, kung kaya aayaw ng ama. Ngunit sa babaing tapat ang pagsinta Ang yaman sa mundo ay walang halaga, Kaya't nagkasundong magpatiwakal na Sa langit pakasal, doon na magsama. XI. Sa harap ng birhen ang magkasing-liyag Ay nagsidaling luha'y nalalaglag; Matapos ang dasal, dalawa'y nagkayakap Sa pagmamahala'y parang pahimakas. Dalawang sandatang kapwa kumikislap Ang sa dibdib nila'y kapwa itatarak; Yayamang sa lupa'y api ang mahirap. Sa langit na sila magiisang palad. XII. Ngunit ang binata ay may naisipan Bago nagkasundong dibdib ay tarakan, Ay humukay muna sa harap ng altar, Saka sa gagawing malalim na hukay Ay doon na sila magsamang mamatay; Kung mamatay silang wala sa libingan Baka kung ibaon ay magkahiwalay. XIII. Humanap ng palang panghukay sa lupa Itong sawing-palad na aping binata; Habang humuhukay ang kaawa-awa Sa habag sa sinta'y nanatak ang luha. Ngunit ano ito? Kaylaking hiwaga! Ang nadukal-dukal mga gusing luma, Saka nang iahon, oh! Laking himala Puno sa salapi at gintong Kastila! XIV. Ang magkasinggiliw ay nagitlahanan At nalimot tuloy ang magpatiwakal; Ang mutyang dalaga ang siyang nagbilang. Oh, daming salapi! laking kayamanan, Libo’t laksa-laksa itong natagpuan, Kaya’t sa malaki nilang kagalakan Lumuhod sa Birhen at nagsipagdasal. XV. At sila’y umuwi pasan ng binata, Nagkakayang-uuyad sa malaking tuwa … Ang Lumang Simabahan ay ipinagawa, At ipinabuo ang kampanang sira; At saka nagdaos ng pistang dakila, Tugtog ng musiko’y sampung araw yata Inalis ang takot sa puso ng madla Ang inihalili’y saying di-kawasa. XVI. Sa ginawang bago na Lumang Simabahan Ang magkasing ito ang unang nakasal; Nang sila’y lumuho sa harap ng altar Ang lahat ng tao’y nagsipagdiwang; Dito na nabatid ng takot na bayan Ang simbahan pala ay pinagtaguan Ng isang matandang puno ng Tulisan XVII. Na may ibinaon doong kayamanan. Ngayo’y din a takot kundi saya’t tuwa Ang madudulang mo sa Simabahang luma, At sa Birhen doong kay-amo ng mukha, Oh! Kayrami ngayong nagmamakaawa. Ito’y katunayan: Anu ano mang gawa, Dapat isangguni muna kay Bathala, Sa awa ng Diyos nagtatamong pala. LOPE K. SANTOS Isinilang noong Setyembre 25, 1897 sa Pasig, Rizal. Bukod sa pagiging makata, siya rin ay isang mamamahayag. Namatnugot siya sa mga pahayagang Muling Pagsilang, Ang Mithi, Ang Watawat at Mabuhay. Siya ay tinaguriang Ama ng Balarila at naging patnugot ng surian wikang pambansa. AKO’Y ISANG DANGAL Anong pakay ng marunong, anong nais ng mayaman, anong layon ng bayani’t anong hanap ng matapang?.. Ang iba man ay salapi ang iba’y kasiyahan, Ang lahat na ay saakin halos nagpapakamatay; Pagka’t akoy gantimpala sa tanino’t kagitingan Ako’y yamang namamana ng sang-angka’t sanlahian; Upang bukod na tanghali’t purihin ng karamihan Na sa ulo pagkaputong ay naging kabatugan Ang ngalan ko’y halimuyak, papawirin alingawngaw, Na kung minsa’y di magkasya sa buo mang santinakpan. Ngunit ako’y may paratig isang lihim na kaaway At may isang sakdal-samang tagapayo’t sanggunian, Kainggitan yaong una’t itong huli’y kahambugan Kapwa sila walang mithi kundi ako’y maihapay; Ang alin man sa dalawa ay talagang nangatawanan, Nakikitil ang buhay ko sa sangkip-mata lamang, Madalas na kahit sa langit na ako’y namamahay Bumagsak sa pusaling wala akong kamalaymalay. Kaya tao: hindi pagkat may putong kang puri’t dangal; Maghahambog at akala’y maranagl na habang buhay, Laking hirap sakdal-luwat mag-impok ng karangalan Anong gaan, kay-kadali kung mawaldas at maagaw! JOSE CORAZON DE JESUS Isinilang noong Nobyembre 22, 1894 sa Sta Cruz, Maynila. Ang kahusayan niya sa pagbigkas ng tula ay hindi na ipagtatanong pa noong kanilang kasikatan. Laging dagsa ang mga tao sa isang pista o pagdiriwang kung nagkataong si De Jesus ang magpuputong ng korona sa reyna. Siya ang kauna-unahang itinanghal na Hari ng Balagtasan. ANG BATO NI JOSE CORAZON DE JESUS I. Tapakan ng tao, sa gitna ng daan; Kung matisad mo’y iila-ilandang Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay, Bato ang tatapak sa bangkay mo naman II. Batong tuntungan mo sa pagkadakila, Batong tungtungan ko sa pamamayapa; Talagang ganito sa lapad ng lupa Ay hali-halili lamang ang kawawa III. Balot ng putik, marumi’t maitim Tinapyas at, aba! Brilyanteng maningning! Sa putik din pala ay may bituin din Na hinahangaan ng matang titingin IV. Maralitang tao’y batong itinatapon, Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy; Nag-aral at, aba! Noong makaahon, Sa mahirap pala nar’on ang marunong. V. Ang batong malaki’y kay daling mabungkal, Ang batong brilyante’y hirap matagpuan, Ubod laking tipak, mura nang matimbang. Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal. VI. Talagang ganito, madalas mamalas Sa alimasag man ang malaki’y payat; May malaking kahoy sy sukal sa gubat, May mumunting damo, ang ugat ay lunas. VII. Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba! Batong nasa agos, makinis, maganda, Batong nasa gilid, bahay ng talaba, Sadlakan ng dumi at nilulumot pa. VIII. O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos, Habang tumatanda’y lalong nilulumot. Kapag agos ng palad, ang takot sa agos. Malayong matutong lumangoy sa ilog IX. Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang Nang makaluto ka ng kanin sa kalan Mapurol mang gulok at kampit na batingaw, Mapapatalim din ng batong hasaan. X. Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya, Ang talim ng isip, tabak ang kapara; Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa, Bukas-makalawa’y magiging pantas ka. XI. Kapag, nagkapingki bato mang malamig, May talsk na apoy na sumasagitsit; Ang noo ng tao, kapag nagkiskis, Apoy ng katwiran ang tumitilamsik! XII. At saka ang bato ay may katarungan, Taong nilulunod na bato ang pataw, Kung taong masama’y di na lumulutang, Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw XIII. Bato ang korona ng hari sa trono Bato ang sabsaban na duyan niCristo Bato ang lapida sa hukay ng tao Itong mundo pala'y isang dakot na bato AMADO V. HERNANDEZ Tinawag na Makata ng Manggagawa at Bilanggong Makata. Isinilang noong Setyembre 13, 1903 sa Tondo, Maynila. Bukod sa pagiging makata, kuwentisata at nobelista, siya rin ay mamamahayag. Pinamatnugutan ang magasing Sampaguita, at ang mga pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay. BAYANI NI AMADO V. HERNANDEZ Ako'y manggagawa: butil ng buhangin sa daa'y panambak, sa templo'y gamit din; buhay ko'y sa Diyos utang nga marahil, ngunit ang palad ko'y utang din sa akin. Alam ko ang batas: "Tao, manggagaling sa sariling pawis ang iyong kakanin.“ Hubad ang daigdig nang ako'y sumilang at pikit ang mata ng sangkatauhan: dahilan sa aki'y kaharia't bayan ang nangapatayo sa bundok at ilang, aking pinasikat sa gabi ang araw at tinanlawan ko ang diwa't ang buhay. Ako ang nagbangon ng Gresya at Roma, ako ang nagbagsak sa palalong Troya; ang mga kamay ko'y martilyo't sandata – pambuo't panggiba ng anumang pita! Kung may kayamanan ngayong nakikita, paggawa ko'y siyang pinuhunan muna! Ako'y isang haring walang trono't putong, panginoong laging namamanginoon, daming pinagpalang binigyan ng milyon ay ako't ako ring itong pataygutom; sila ay sa aking balikat tumuntong, naging Mamo't Nabod ang dati kong ampon! Sambundok na ginto ang aking dinungkal, kahi't na kaputol, di binahagihan! ang aking inani'y sambukiring palay, nguni't wala akong isaing man lamang! ang buhay ng iba'y binibigyang-buhay habang nasa bingit ako ng libingan! Ang luha ko't dugo'y ibinubong pawa sa lupang sarili, nguni't nang lumaya, ako'y wala kahi't sandakot na lupa! Kung may tao't bayang nangaging dakila, karaniwang hagda'y akong Manggagawa, nasa putik ako't sila'y sa dambana! Kung kaya sumulong ang ating daigdig, sa gulong ng aking mga pagsasakit; nilagyan ang tao ng pakpak at bagwis, madaling nag-akyat-manaog sa langit; saliksik ang bundok, ang bangin at yungib, ang kailaliman ng dagat, saliksik! Ang mga gusali, daan at sasakyan, ay niyaring lahat ng bakal kong kamay; sa tuklas kong lakas – langis, uling, bakal, naghimala itong industria't kalakal; nguni't lumawak din naman ang pagitan ng buhay at ari... nasupil ang buhay! Ang mundo'y malupit: ngayo't ako'y ako, nakamihasnan nang dustain ng mundo gayon pa ma'y habang ang tao ay tao, gawa ang urian kung ano't kung sino; batong walang ganda'y sangkap ng palasyo, sanggol sa sabsaba'y naging isang Kristo. Tuwi na'y wal'in man ako ng halaga, iyan ay pakanang mapagsamantala; ang ginto, saan man, ay gintong talaga, ang bango, takpan man, ay di nagbabawa; itakwil man ako ng mga nanggaga, walang magagawang hadlang sa istorya! Kung di nga sa aki'y alin kayang bagay ang magkakasigla at magkakabuhay? Puhunan? Likha ko lamang ang Puhunan! Bayan? At hindi ba ako rin ang Bayan? Walang mangyayari pag ako ang ayaw, mangyayaring lahat, ibigin ko lamang! Sa wakas, dapat nang ngayo'y mabandila ang karapatan kong laong iniluha, ang aking katwiran ay bigyan ng laya at kung ayaw ninyo'y ako ang bahala sa aking panata sa pagkadakila... Taong walang saysay ang di Manggagawa! Ang tulang Bayani ay nagwagi sa 30 kalaban sa timpalak-panitik sa Malolos, Bulacan, sa pagdiriwang sa Unang Araw ng Mayo noong 1928. Inampalan: Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda at Iñigo Ed. Regalado. Ayon kay Senador Recto, ito ang "pinakamahusay na tulang Tagalog sa paksang paggawa." ILDEFONSO SANTOS tubong Malabon, Rizal na isinilang noong enero 23, 1897. Siya ay nagtapos ng pag-aaral sa Philippine Normal School, at nagtuturo sa Paaralang bayan ng Malabon. Sa national Teacher College niya tibnapos ang Batsilyer sa Edukasyon. Naging superbisor siya sa ibatibang purok ng Rizal, at naging superbisor maging ng Wikang pambansa sa Kagawaran ng pagtuturo. MGA MANGINGISDA NI ILDEFONSO SANTOS Tayo’y mangisda, tayo’y palalaot Ikaw ang umugi’t ako ang gagaod Utusan mo ako at ako’y susunod Pangusapan ako at ako’y di sasagot. Talagang sa dagat ay daig mo ako Kaya’t dapat na ngang ikaw ang piloto; Di ko kailangang mang-agaw sa iyo, Ng isang tungkuling di naman kaya ko! Lamang pagkat ako’y paris mo rin ; Marami ang mali sa gawang magaling Ang kamalian ko’y ipagpaumanhi’t Di ko sinasadya. Di ko sasadyain! Ako’y maralita ang tangi kong yaman Ang karanganlan ko’t ang aking pangalan Ang pagkatao ko bago mo yurakan Mag-atubili ka’t sandaling magnilay. Ako’y may dalawang matandang magulang Na kapwa saakin ay umaasa lamang Gutumin mo sila matiis naman, Apihin mo ako’t sila’y mamamatay. Marahil sa iyo’y may nagbabalita Na mahina ako’t napakapabaya, Sa balitang ako’y pabaya’t mahina Magmasid ka muna bago maniwala. Di ko sinasabing ako ay malakas, Ngunit sa lakas ko’y ikaw ang sumukat, Kung matapatan mong ako’y hindi dapat, Layuan mo ako’t ako ay papayag! Oh! Dito sa dagat ganap kong natarok Ang hindi malirip na dunong ng Diyos, Kung nais mo buhay na rito’t sumalok Ngunit mag-ingat ka baka ka malunod. Upang managana mutyang kaibigan Mangisda nga tayo sa dagat ng buhay, Datapwat mag-ingat huwag paparisan Ang sa labong tubig ibig makinabang. ANG GURYON Tanggapin mo anak, itong munting guryon, Na yari sa patpat at papel de Hapon Magandang laruang pula, puti, asul, Na may pangalan mong gitna naroroon. Ang hiling ko lamang bago paliparin, Ang guryong mong ito ay pakatimbangin; Ang solo't paulo'y sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling. Saka, pag humihip ang hangin, ilabas At sa papawiri'y bayaang lumipad; Datapwat ang pisi'y tibayan mo, anak At baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin ma't hindi, balang-araw; ikaw Ay mapapabuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawagi'y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo'y sakaling madaig, Matangay ng iba o kaya'y mapatid; Kung saka-sakaling di na mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ng guryon, marupok, malikot, Dagiti't dumagit saan man sumuot... O, paliparin mo't ibalik sa Diyos, Bago patuluyang sa lupa'y sumubsob! TEODORO E. GENER Isinilang sa Norzagaray, Bulacan noong Nobyembre 9, 1892. isang kuwentista, makata, manananggol. Si Gener ay naging guro sa Nationla Teachers Universitya at Far Eastern University. ANG BUHAY Ibig kong marating ang abot ng tanaw Ibig kong maabot ang langit ng bughaw, Upang malalwak sana ay malakbay Dagat na malalim ay mapaglanguyan. Ang nais ko’y aking mapagbigyan lahat, Ang mga pitang magdulot ng habag Ang nais ko’y aking masunod ang hangad Na makalinga ko ang kawawang anak. Datapwat.. Datapwat langit na marikit! Pag ako’y lilipad sa may himpapawid Na may pumapana sa pakpak ko’t bagwis’ Sadayang pinipigil ako’t ginigipit. Ang buhay ng tao ay talagang ganyan Kung dadakila ka ang iggiting kamay Ay nasa likod mo’t may batong pamatay Kung masasawi ka ay pagtatawanan! Sa bundok at parang ay lubhang madawag, Sadayang nanganganib ang nagsisilakad Subali’t sa bayang masaya’t magilas Ang subyang ay lalong maramit laganap. Kung sa paglusong mo sa ilug-ilugan Ay nadudulas ka sa lumot ng pampang Sa dagat pa kayang pating ay makapal Hindi mapalungi ang buhay na taglay.