7 Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III SANGAY NG ZAMBALES FILIPINO Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto Kahalagahan ng Paggamit ng Suprasegmental Ikatlong Markahan-Unang Linggo (Aralin 1) 1|Pahina Pagtalakay sa Paksa Magaling ang ginawa mong panimula. Ngayon ay may inihanda akong kuwento. Alam kong magugustuhan mo ito. Simulan mo na. Isang Himala ni Jaime G. Raguine EdD, Castillejos National High School May isang patimpalak tungkol sa pakikipagtalastasan, maaaring ito ay pasulat o pasalita na lalahukan ng mga mag-aaral sa lalawigan ng Zambales. Ito ay nakatakdang isagawa ngayong ikatlong markahan. Ang mga mag-aaral ay pinili ayon sa kanilang husay sa klase. Isa sa mga kalahok ay si Jaime. Kinagigiliwan siya ng mga guro dahil sa kaniyang husay sa pagsulat at pagiging magalang. “Jaime, ikaw ang isasali ko sa paligsahan sa pagsulat.” Ang sabi ng kanyang guro sa Filipino. Hindi nakatanggi si Jaime sa sinabi ng kanyang guro, subalit kinakabahan siya dahil sa siya ang kakatawan sa kanilang paaralan. Pag-uwi ni Jaime ay agad-agad niya itong ibinalita sa kaniyang magulang. “Itay, Inay alam niyo po bang sinabi sa akin ng aking guro na isasali raw niya ako sa isang paligsahan, pero kinakabahan po ako”. Ang nagagalak at may takot na salubong ni Jaime. “Anak, natutuwa kami ng pinagkatiwalaan ka ng iyong guro. iyong ina sa iyong ibinalita, sapagkat “Huwag kang matakot anak, ang mabisang solusyon diyan ay manalangin ka”. Ang pagpapayo ng kaniyang Itay. 2|Pahina Ganoon nga ang ginawa ni Jaime, nanalangin siya bago matulog. Sa kaniyang pagtulog ay napanaginipan niya na siya raw ay nakikinig ng panayam. Ang mga ito raw ay ipinakilala ng tagapagdaloy. “Ngayon ay ating pakinggan ang mga mahuhusay na tagapagsalita na sina Tono, Diin at Antala. Palakpakan po natin si Tono”. Ang bungad ng tagapagdaloy. “Ako po si Tono, kailangan ninyo po ako sa pagbigkas. Ang pagtaas at pagbaba ng tono sa pagbigkas ng pantig sa isang salita ay napakahalaga upang higit na maunawaan ang iyong sinasabi. Halimbawa na lamang ang salitang kahapon ay maaaring dalawa ang maging kahulugan. Subukin mong bigkasin ang kahapon na ang tono o pagpapataas ay nasa pon at ang isa naman ay nasa ha . Hindi ba’t ang kahulugan ng kahapon na ang pagtaas ay nasa pon ay pagtatanong o pagdududa? Samantalang ang kahapon na ang pagtaas ng tono ay nasa ha ay nagsasalaysay ng panahon na nagdaan. Maaari ninyo pang malaman ang tono, kung isusulat naman ay sa pamamagitan ng paglalagay ng bantas. Halimbawa ay matalino ako?, siya ay nagtatanong ,sapagkat may tandang pananong katunayang pataas ang bigkas. Samantalang ang matalino ako. ay nagsasalaysay sapagkat may tuldok ang hulihan, ang bigkas ay banayad lamang at kapag matalino ako!, ito naman ay nagpapahayag ng damdamin niya, maaaring ipinagmamalaki niya at mabilis ang bigkas na may puwersa ang tono.” Ang pagpapakilala at pagpapaliwanag ni Tono. “Ako naman si Diin, gaya ni Tono ay kailangan ninyo rin ako sa pagbigkas. Ako ang lakas ng bigkas sa isang pantig ng salita. Kung ang pinsang kong si Haba ay pagpapahaba ng bigkas ako naman ang magbibigay ng lakas sa bigkas, subalit di kami maaaring paghiwalayin nina Tono, at Haba. Halimbawa ang salitang hapon. Ang salitang hapon ay maaaring iba ang kahulugan ayon sa bigkas, kapag sinabi mong haPON na ang diin ay nasa hulihan o ang diin ay nasa pon ang ibigsabihin ay tao samantalang kung ang diin ay nasa ha ang magiging kahulugan ay panahon”. Ang pagpapakilala at pagpapaliwanag ni Diin. “Ako naman si Antala, kilala rin ako sa hinto.” Gaya nina Tono, Diin at pinsan niyang si Haba ay mahalaga rin ako sa pakikipagtalastasan. Ako lang naman ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas maging malinaw ang nais iparating ng mensaheng ipinapahayag. Maaari kang gumamit ng kuwit, tuldok, tuldok-kuwit o tutuldok sa pasulat na pakikipagtalastasan. Halimbawa na lamang ang “Hindi puti” ay nangangahulugan hindi talaga puti sapagkat walang antalang naganap subalit kung gaya ng “Hindi, puti” ay nangangahulugang puti nga ang sinasabi. Mapapansing may kuwit na ginamit, ibig sabihin may antala. 3|Pahina “Nawa’y marami kayong natutunan, Ikaw handa ka na baaaaaa?” Ang huling binanggit ng Tagapagdaloy. “Jaime, Jaime, anak gising na.” Ang pagkalabit ng ina ni Jaime. “Bakit ka nakangiti anak?”, ang usisa ng ina ni Jaime. “Inay handa na po ako sa paligsahan, ang husay po ng aking napanaginipan. Isang himala po,”tugon ni Jaime. At lumahok nga si Jaime sa paligsahan. Dahil sa panalangin ay nabigyan ng solusyon ang kanyang alalahanin. Nagtiwala siya sa magagawa ng panalangin. Oh nagustuhan mo ba ang kuwento? Ikaw ba ay nagtitiwala rin sa panalangin? Magaling ! Ngayon, sagutin mo nga ang mga sumusunod na gabay na tanong sa iyong kwaderno. Gabay na tanong. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 2. Ano ang ipinayo ng magulang ng pangunahing tauhan sa kaniyang alalahanin? 3. Sino-sino ang mga tagapagsalita na nagpakilala sa pangunahing tauhan sa pamamagitan ng panaginip? Ngayong nasagot mo na ang mga gabay na tanong, iyo pang palawakin ang iyong pag-aaral tungkol sa Suprasegmental. Ano ba ang ponemang Suprasegmental? Ang ponemang Suprasegmental ay ang pag-aaral sa tono, diin at antala. Ito ang mga sangkap na magbibigay linaw sa pakikipagtalastasan, at mas magiging maliwanag na maipararating ang tamang damdamin sa pagpapahayag. 1.Tono- ang pagtaas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig sa isang salita. Sa pamamagitan ng tono ay nalalaman natin kung nagtatanong, nagsasalaysay o nagpapahayag ng kasiyahan ang nagsasalita o sumusulat. Pansinin ang halimbawa. 4|Pahina ha a. pon? b. ka ka pon ha Ang kahapon (a) ay nagtatanong na may hudyat na tandang pananong samantalang ang kahapon (b) ay nagsasalaysay. Sa paraang pasulat, ang pagtatanong ay karaniwang inihuhudyat ng tandang pananong. 2.Diin- ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas o bahagyang pagtaas ng tinig sa isang pantig. Halimbawa: Ang salitang PIto na sa Ingles ay whistle at piTO na sa Ingles ay seven. Mapapansin na dahil sa diin ay nagbabago ang kahulugan. 3.Antala- ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas maging malinaw ang nais iparating ng mensaheng ipinapahayag. Ang antala ay inihuhudyat ng kuwit, tuldok, tuldok-kuwit o tutuldok. Halimbawa: 1.Guro ang tatay ko. (ipinakikilala mo ang tatay mo ay guro) 2.Guro, ang tatay ko.( ipinakikilala mo sa guro ang tatay mo) Iba pang halimbawa: pang-anay- (pamuksa Panganay – ( pinakamatandang anak) ng anay) Hayan, alam kong maliwanag na sa iyo ang suprasegmental. May mga inihanda akong pagsasanay para iyo, alam kong kayang-kaya mo ang mga ginawa ko. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel. Sige simulan mo na. Gawain Pinatnubayang Pagsasanay 1 A. Panuto: Bigkasing mabuti ang mga sumusunod na salita. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod ayon sa diin . Isulat ang salita at kahulugan sa iyong sagutang papel. Halimbawa: BUko1. BAba- 2.baBA- Sagot: BUko- uri ng prutas 3. PAla- 4. BAta- 5. TAla- 5|Pahina B. Panuto: Suriing mabuti ang bawat bilang ayon sa antala. Ibigay ang kahulugan ng mga ito ayon sa pagkakasulat. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Hal:Hindi, ako si Linda ---sagot: ipinagdidiinan niyang siya talaga si Linda 1. Kapitan ang tiyuhin ko . 2. Doktor, ang tatay ko. 3. Hindi, akin ang perang iyan. 4. Pang-aso 5. kapatid, siya ang ate ko. Pinatnubayang Pagsasanay 2 A. Panuto: Suriing mabuti ang bawat bilang. Piliin mula sa kahon ang tamang salitang angkop sa bawat patlang ayon sa diin nito upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Bu.kas, Bukas 1. ___________________ na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa. bu.hay, buhay 2. Ang wika ay _______________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon. sa.ya, saya 3. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng _________ sa panahong ito. 4. Pu.no, Puno ________ ang itanim upang pagbaha ay maiwasan. 5. sama.han , samahan Sabi ko sa iyo sumali tayo sa isang ____________. 6|Pahina B. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na bilang. Suriin ang sumusunod na pahayag ayon sa damdaming hinihingi nito. Isulat ang letra nang tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. “Jaime,ikaw ang isasali ko sa paligsahan sa pagsulat.” A. nagtatanong B. naglalahad C. nagsasalaysay 2. “H’wag kang matakot anak, ang mabisang solusyon diyan ay manalangin ka”. A. nagtatanong B. nagpapayo C. nagtataka 3. “Bakit ka nakangiti anak?” A. nagtatanong B. nagpapayo C. nagtataka 4. “Inay handa na po ako sa paligsahan, ang husay po ng aking napanaginipan. A. nagagalak B. nalulungkot C. naniniyak 5. “Jaime, Jaime, anak gising na.” A. pasigaw B. pabulong C. patanong Pang-isahang Pagsasanay A. Panuto: Piliin ang letra nang tamang kahulugan ayon sa diin ng bigkas ng sumusunod na banyagang wika. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. will go fishing A. ma.ngingis.da B. mangingis.da C. mangingisda 2. citizen A. ma.mamayan B. mama.mayan C. mamama.yan 3. vegetable vendor A. maggugu.lay B. maggugulay C. mag.gu.gulay 4. barber shop A. pagupi.tan B. pagu.pitan C. pa.gupitan 5. bathroom A. paliguan B. pali.guan C. pa.liguan B. Panuto: Isulat muli ang sumusunod na salita/pangungusap at lagyan ng angkop na bantas kung may antalang naganap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1.mag-alis ( nagtanggal ng gamit) 2.mangahas ( inagaw ang minamahal) 3.Hindi ako si Juan ( ipinagdidiinang siya talaga si Juan) 4.Hindi ako ang kumuha ( sinasabi na wala siyang kinalaman) 5.Pang-ahit ( ginagamit ng barbero) 7|Pahina Pagsusulit Malapit ka nang matapos sa araling ito. Mapapansin mo sa bandang ibaba may mababasa kang isang talata. Nais ko sanang tulungan mo akong matapos ito. Sundin mo ang panuto sa ibaba. Panuto: Tukuyin ang tamang salita o parirala na angkop sa talata. Piliin ang tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. Sundin ang pamantayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Ang Mabuting Bata ni Jaime G. Raguine EdD, Castillejos National High School Si Jaime ay masipag na 1. (BAta, baTA). Kinagigiliwan siya ng matatanda dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Ang nanay niya ay naglalako at ang tatay niya ay nag-aalaga ng mga hayop. Paggising sa umaga ay tumutulong siya sa pagpapastol ng 2. (BAka, baKA). Pag-uwi sa kanilang tahanan ay tutulong naman siya sa pagkayod ng 3. (buKO, BUko) na inihahalo sa panindang kakanin ng kanyang ina. 4. (PItong, piTONG) taong gulang lamang si Jaime ng mamulat sa gawaing bahay. Ngayon ay nasa baitang 5. (piTO, PIto) ng na siya at hindi pa rin nawawala ang pagiging masipag at matulunging 6. (baTA, BAta). 7. “( Hindi, palakaibigan, hindi palakaibigan) si Jaime,” ‘yan ang madalas na sinasabi ng mga tao sa kanya. Sa dami niyang kaibigan ay hindi pa rin niya nalilimutan ang pagtulong sa kanyang magulang. Mahilig sa gulay si Jaime lalo na sa 8. ( GAbi, gaBI) na hinaluan ng dilis. Pagkatapos kumain ililigpit niya ang pinagkainan at hindi niya nalilimutang pakainin ang alagang 9. ( aSo, Aso). 10. (kaYA, KAya) bago siya matulog ay nananalangin kalakip ang pasasalamat sa maghapon. Tanong: Ipaliwanag pakikipagtalastasan kung bakit mahalaga ang suprasegmental sa ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Pamantayan sa Pagpupuntos 1. Tatlo pataas ang pangungusap 2. Ayon sa pagkaunawa ang sagot 3. Nakapagbigay ng halimbawa 4. Malinis at organisado ang paliwanag Kabuoan Napakahusay -5 mahusay -4 medyo mahusay-3 8|Pahina Iskor 5 5 5 5 20 gumawa lang-2 Pangwakas Panuto: Bilang pangwakas na gawain, buoin ang diwa ng bawat pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang natutuhan ko sa araling ito ay_______________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________. 2. Mapagyayaman ko ang aking kaalaman sa mga suprasegmental sa pamamagitan ng __________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________. |Pahina Mga Sanggunian Baisa-Julian, Ailene Publishing House,Inc.2015 G.et.al. Pinagyamang Pluma (k-12).Phoenix Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store. 2003 9|Pahina 10 Paghahambing sa Katangian ng Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de gulong at Palaisipan Panimula Mahilig ka bang magpahayag ng iyong damdamin? Sa paanong paraan mo ito ginagawa? Maaaring marami ka nang narinig o nabasang mga pahayag na nakatutuwang basahin at dinggin. Ang ilan marahil ay may himig pabiro, naghahatid ng mensahe at maaaring pinagagana ang iyong isip. Alin sa mga ito ang kinagigiliwan mo? Sa araling ito, matututuhan mo ang iba’t ibang kaalamang-bayan na madalas mong mabasa at marinig. Makatutulong ang gawaing pampagkatuto na ito upang mas maunawaan mo ang iba’t ibang katangian ng mga kaalamang-bayan. Ihanda na ang iyong sarili sa mga bagong kaalamang iyong matututuhan at kasanayang malilinang. Kasanayang Pampagkatuto Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. (F7PB-IIIa-c-14) Sa nakalipas na aralin ay natutuhan mo ang mga angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda. Ngayon ay subukan mo ang iyong kakayahan sa pagkilatis ng mga angkop na pahayag sa pagbuo ng talata. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita o parirala upang mabuo ang kasipan ng talata. Piliin mula sa kahon ang wastong sagot. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. A. Sa simula pa lamang D. sa wakas B. Unang-una sa lahat C. Pagkatapos E. walang ano-ano’y (1) _______________ ay mulat na sa kahirapan ang pamilya ni Ben. Marami siyang hangarin sa buhay na nais niyang matupad. (2) _______________ ay ang pagpapauwi sa kaniyang inang OFW na matagal ng namamasukan sa ibang bansa ngunit tila isang dagok ang dumating sa kaniyang pamilya dahil sa pagpanaw ng kaniyang minamahal na Lola Maria. Si Lola Maria ang tumayong ina kay Ben at sa kaniyang dalawang kapatid. Buhat nang mawala siya, tila nawalan na rin ng buhay ang binata. Pilit niyang nilibang ang kaniyang sarili sa ibang bagay at nakalimutan na ang kaniyang mga hangarin sa buhay. Isang gabi, habang nagliligpit ng gamit si Ben, sa hindi sinasadyang pagkakataon, nalaglag ang isang kahon na naglalaman ng larawan ng kaniyang ina. Sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang ina na matagal na niyang nais makasama. (3) _______________ biglang humagulgol si Ben sa labis na pagsisisi. (4) ________________ ng pangyayaring iyon, nagsumikap si Ben na matupad ang kaniyang pangarap para sa ina. Muling nanariwa sa kaniyang kaisipan ang mga nais makamit at ang kanilang kasalukuyang kalagayan. Lumipas ang ilang taon ay nakapagtapos ng pag-aaral ang binata. Gamit ang kaniyang natapos sa pag-aaral, siya ay natanggap sa isang kilalang kumpanya. (5) ________________ ang matagal na niyang dalangin na mapauwi ang kaniyang ina ay nabigyang-katuparan dahil sa kaniyang pagsusumikap. Pagtalakay sa Paksa Panuto: Basahin ang mga pahayag na nakasulat sa loob ng kahon. 1 Ako May isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinatatakutan. 3 2 Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na. Si Mario ay may limang kapatid. pangalan nila umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril, at _____________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid? Sagot: Mario Mga Gabay na tanong Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang mapapansin sa mga binasang pahayag? 2. Ano ang layuning nais ipabatid ng pahayag sa unang kahon? 3. Saan madalas makita ang pahayag sa ikalawang kahon? 4. Paano makatutulong ang mga pahayag katulad ng nasa ikatlong kahon sa pagpapatalas ng kaisipan? Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain at makata. Kaya naman, maging sa pagbabahagi ng kaisipan at damdamin ay nailalahad ito sa malikhaing pamamaraan. Ayon kay Alejandro Abadilla (1971), ama ng Modernistang Pagtula sa Tagalog, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan”. Ito ang ipinalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan. Iyong kilalanin ang mga ito. Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de gulong at Palaisipan 1. Tula/Awiting Panudyo Ito ay karaniwang nasa anyong patula. Layunin nitong manlibak, manukso o manguyam. Ito ay binibigkas sa himig na may pagbibiro kaya kilala rin sa tawag na Pagbibirong Tula. Halimbawa: Ako ay isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinatatakutan. Kahulugan: Ito ay pangungutya sa isang taong duwag. 2. Tugmang de gulong Ito ay mga paalala o babala na makikita sa mga pampublikong sasakyan. Nakatutulong ito upang mapadali ang trabaho ng mga drayber sa pamamagitan ng malayang pagpaparating ng mensahe nitong may kinalaman sa pagbibiyahe ng mga pasahero. Maaari itong nasa anyo ng salawikain, kasabihan o maikling tula. Halimbawa: a. Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na. Kahulugan: Ito ay pangongonsensiya upang maiwasan ang pandaraya o hindi pagbabayad nang tama. 3. Palaisipan Ito ay nasa anyong tuluyan. Layunin nitong pasiglahin at pukawin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay nakatutulong sa pagpapatalas ng isip. Halimbawa: Si Mario ay may limang kapatid. Ang pangalan nila umpisa sa panganay ay sina Enero, Pebrero, Marso, Abril, at _____________. Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid? Sagot: Mario Kahulugan: Pinupukaw ang kaisipan ng mambabasa. Kung hindi nabigyang-pansin ang unang pangungusap, maaaring ang unang sagot na maiisip ay Mayo. Gawain Pinatnubayang Pagsasanay 1 Panuto: Kilalanin kung ang mga sumusunod na halimbawa ay tula/awiting panudyo, tugmang de gulong o palaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1 Aanhin ko pa ang gasolina kung ang dyip ko ay sira na? 6 Pinagpapala ang nagbabayad nang tama. 2 Ang mabuting tao nagbabayad nang husto. 7 8 3 4 Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka? (Letrang A) Ang hindi magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan. Bata batuta! Isang perang muta. Batang makulit Palaging Sumisitsit Sa kamay mapipitpit. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo hihinto. 5 9 10 Anong meron sa jeep, tricycle, at bus pero wala sa eroplano? (Side Mirror) Huwag dume-kuwatro sapagkat dyip ko’y ‘di mo kuwarto. Pinatnubayang Pagsasanay 2 Panuto: Sumipi mula sa Pinatnubayang Pagsasanay 1 ng halimbawang hinihingi sa bawat kahon. Pagkatapos, sagutin ang kasunod nitong mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Tula/Awiting Panudyo • Palaisipan Ano ang masasabi mo sa nilalaman ng bawat isa? ___________________________________________________________________. 2. Tugmang de gulong • Tula/Awiting Panudyo Ano ang mapapansin mo sa dalawang akda? Pareho ba sila ng mensahe? ____________________________________________________________________. 3. Palaisipan • Tugmang de gulong Ano ang mapapansin mo sa katangian ng dalawang akda? ___________________________________________________________________. Pagsusulit Panuto: Paghambingin ang katangian ng mga halimbawa ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan gamit ang venn diagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Tugmang de gulong Palaisipan Mahalagang maging tapat sa Si Anna ang nangunguna sa pagtakbo. Sinusundan naman siya perang ibabayad. ni Rosa. Pagdating sa dulo, naunahan na ni Edna si Rosa. Sino ang nanguna sa pagtakbo? Sagot: Si Anna 2. Tula/Awiting Panudyo Sa pagpikit ika’y nagiging marikit, Sa pagmulat hindi na kaakit-akit. Tugmang de gulong Maging magalang sa pag-abot ng bayad. Sa pagsabi ng para’y huwag maging tamad. 3. Tula/Awiting Panudyo Ang galawan mo’y nakabibilib, Akmang-akma sa lugar na liblib. Ang boses mo’y nakabibighani, Para akong nabibingi. Palaisipan Si Sally ay anak ni Aling Roda at Mang Kanor. Si Elsa ay anak ni Aling Roda at Mang Tonyo. Si Mang Tonyo at Mang Kanor ay magkapatid. Kaano-ano mo ang anak ng kapatid ng nanay mo? Sagot: pinsan Pangwakas Ilahad ang iyong natutuhan sa kasanayang pampagkatuto na ito. Punan ang mga patlang ayon sa hinihingi nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Tatlong bagong kaalaman na iyong natutuhan mula sa araling ito _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. Dalawang salitang tumatak sa iyong isipan at bigyan ito ng kahulugan _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. Susi sa Pagwawasto