Uploaded by zenitsu kun

Evanchez - Lesson Plan (7)

advertisement
BILANG PAMILYA NG DIYOS, TAYO’Y
MAGDIWANG KASAMA NI JESUS KAISA NG
ESPIRITU SANTO
III.
Objectives:
A. Ilarawan sa mga pangunahing termino kung ano ang
Sakramento
B. Naintindihan, nalaman at nabibigyang pansin ang mga
Sakramento at kung gaano ito ka-importante sa ating buhay.
C. Alalahanin ang kanilang mga karanasan sa mga sakramento
na isinagawa sa kanila.
IV.
Procedure:
A. Panalangin
1. Sa pagsisimula ng klase natin ngayon. Tayo’y
manalangin. Hingin natin sa presensya ng Banal na
Espiritu na tayo’y gabayan sa buong oras ng ating
klase ngayong hapon.
“Come Holy Spirit”
ARALIN 7: SAKRAMENTO, TANDA NG
PAGMAMAHAL NG DIYOS
I.
II.
Bible Verse: 19 Kaya't humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang
mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa
pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan
ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan
ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng
panahon.” Mateo 28: 19-20.
A. References: Bible Gateway Passage, CCC, CFC
B. Materials: Visual Aids - Powerpoint
Focus Values: Sa pagdiriwang ng mga Sakramento, si Hesus ang
ating kapiling. Sa mga Sakramento, ating natagpuan si Hesus na
nagbigay sa atin ng lakas at ating natutunan ang iba't-ibang aral na
ating natatanggap mula sa kanyang mga salita. Natutunan at mas
pinili natin ang kagandahang loob at natutunan nating mahalin si
Hesus kagaya ng pagmamahal niya sa atin simula pa lamang ng
tayo'y yumabong sa mundong ito.
B. Pagbati at Pagbibigay Motibasyon
1. Good Day and Good Afternoon to everyone. Ako’y
nagagalak na muli ko kayong nakita sa aking klase.
Nawa’y maging maayos, maganda at patuloy tayong
gabayan at huwag pabayaan sa araw-araw nating
pamumuhay at pagpasok sa mundong ito.
C. Pagbabalik Tanaw
1. Ating balikan kung ano nga ba ang pinag-aralan natin
noong nakaraang araw.
a) Tungkol saan ba ang ating pinag-aralan?
b) Anu-ano ba ang mga sakramento ng ating
pinag-aralan?
Ikinagagalak ko na naalala ninyo kung ano ang ating pinag
aralan noong araw. Talaga nga namang naintindihan ninyo
ang bawat bagsak ng aking sinasabi tuwing tinatalakay natin
ang mga aralin
D. Gawain
1. Ngayon, ako ay magbibigay ng isang gawain.
a) Gumamit ng anumang uri ng papel sa paggawa
ng aktibidad na ito: Ano ang alam ko tungkol sa
paksang ito?
Ang salitang Sakramento ay talaga nga naman pamilyar na
sa atin sa kadahilanang ito ay ating naririnig o pinag-aaralan
na natin kahit mula bata pa tayo.
b) Ano ang naalala mo kapag naririnig mo ang
salitang "sakramento"? Sa mga bilog ng
concept map sa ibaba, isulat ang lahat ng
termino o konsepto na maaaring nauugnay sa
salitang "sakramento"
E. Pagbabahagi
1. Sa mga konsepto o concept na iyong nilagay sa isang
concept map. Ibahagi mo ito sa klase nang sa gayon
ay magkaroon din sila ng panibagong kaalaman
tungkol sa salitang Sakramento.
F. Talakayan
1. Tungkol sa Sakramento
2. Anu-ano ang pitong sakramento;
a) Binyag (Baptism)
b) Kumpil (Confirmation)
c) Eukaristiya - Komunyon (Eucharist - Holy
Communion)
d) Kumpisal (Penance and Reconciliation)
e) Pagpapahid ng banal na langis sa may sakit
(Anointing of the Sick)
f) Pag-aasawa (Matrimony)
g) Pagpapari (Holy Orders)
3. Gaano ka importante at paano ito nakakaapekto sa
ating buhay?
V.
VI.
Pagsasaulo
A. Ang mga sakramento ay higit pa sa mga simbolo,
gayunpaman, dahil ang mga sakramento ay nagbibigay ng
biyaya. Ito ay tumutulong upang gawing banal ang mga tao
kagaya ni Hesus. Tinutulungan nila tayong magbigay ng
papuri at pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng
pagpapahintulot sa atin na magkaugnay sa Kanya sa buong
pagbabago ng buhay. Tumutulong sila sa mga
pangangailangan, pagpapalakas, at pagpapahayag ng ating
pananampalataya.
Mungkahing Gawain
Sa pagtatapos ng ating talakayan, inyo nang naintindihan,
naliwanagan kung ano nga ba ang sakramento, ang pitong
nakapaloob dito at anong kahalagahan nito. Kung kaya’t ngayon,
inyong sasagutan ang dalawang tanong na ito base sa iyong
sariling karanasan at pang unawa.
A. Inyong alalahanin ang mga karanasan habang isinasagawa
bawat sa inyo ang sakramento, ilista ang mga sakramento na
inyo nang naranasan. Ipaliwanag at ibahagi kung paano ito
isinagawa.
B. Bilang estudyante, bakit mahalaga sa atin ang sakramento?
VII.
Pagtatapos
A. Prayer; “GLORY BE”
B. Pasasalamat.
Download