MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG KABANATA 2: ANG BALARILA LAYUNIN: 1. Matalakay ang kahulugan ng retorika, mabisang pagpapahayag at mga salik sa pagbuo ng isang sulatin/ komposisyon. 2. Maiuugnay ang balarila sa retorika. 3. Magagamit ang mga matatalinhagang salita sa pagpapahayag ng damdamin. ANG BALARILA AT RETORIKA Ano ba ang balarila? Balarila ang tawag sa agham na tumatalakay sa mga salita at sa kanilang pagkakaugnay-ugnay. Mahalagang alam ng isang tagapagsalita at manunulat ang mga tuntuning nakapaloob dito. Ano ba ang retorika? Retorika naman ang tawag sa mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat. Ano ang kaugnayanan ng balarila sa retorika? Hindi maaaring paghiwalayin ang retorika at balarila. Ibinibigay kasi ng balarila ang wastong gamit ng mga salita at ipinagkakaloob naman ng retorika ang kasiningan sa pagpapahayag. Page 1 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG PAGPILI NG WASTONG SALITA Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipahahayag. May mga pagkakataon na ang salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na gamitin. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa: 1. Tanaw na tanaw na namin ang maluwag na bibig ng bulkan. 2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na bunganga. 3. Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita. 4. Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba. 1. Tanaw na tanaw na namin ang maluwag na bunganga ng bulkan. 2. Bagay kay Ara ang kanyang makipot na bibig. 3. Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita. 4. Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba. TANDAAN Sa ating wika ay maraming salita na maaaring pare-pareho ang kahulugan subalit may kani-kanyang tiyak na gamit sa pahayag. Halimbawa: bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak, kawangis, kamukha, kahawig samahan, sabayan, saliwan, lahukan daanan, pasadahan aalis, yayao, lilisan Page 2 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG WASTONG GAMIT NG MGA SALITA 1. Kailangang taglaying ng mga pahayag ang kawastuhang pambalarila 2. May mga salita kasi tayong ginagamit na ang akala natin ay maaaring malayang nagkakapalitan, ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa istriktong tuntuning pambalarila. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Nang at Ng a. Ang nang ay karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay. Halimbawa: Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam. Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin. Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay. b. Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito. Halimbawa: Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga. Nangaral nang mahinahon si G. Ordoña. Nagdasal nang taimtim ang mga devoto. c. Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit. Halimbawa: suklay nang suklay mag-ipon nang mag-ipon nagdasal nang nagdasal Page 3 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG d. Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. Halimbawa: Nag-aaral siya ng liksyon Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak. Nagtanim ng palay ang mga magsasaka. e. Ang ng ay ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Halimbawa: Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral. Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid. Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa liksyon. f. Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. Halimbawa: Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang pulitiko. Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis. Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iwan ng mapapait na alaala sa mga Ita. Page 4 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG 2. Kung at Kong a. Ang kung ay pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap. Halimbawa: Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga pulitiko ang kanilang pamumulitika. Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang. Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nagaway ng iyong kaibigan. b. Ang kong ay nanggaling sa panghalip na pananong ko at inaangkupan lamang ng ng. Halimbawa: Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili. Maaasahan sa mga Gawain ang mga matalik kong kaibigan. Ang tangi kong inaasahan sa iyo ay ang maging tapat sa ating pag-iibigan. 3. May ay Mayroon a. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pangngalan. Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito. May virus ang nahiram niyang disket. Habang may buhay ay may pag-asa. Page 5 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG b. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pandiwa. Halimbawa: May pupuntahan ka ba mamaya? May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi. May nakita siyang nakakapanghilakbot na pangitain kagabi. c. Ginagamit ang may kapag sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: May mahabang buhok si Olga. May bagong cellphone si Aldrin. Ang magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan. d. Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari. Halimbawa: Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay. Ang mga anak ni Aling Lucia ay may kani-kanila nang kabuhayan. Masayang ipinagdiriwang ang pista doon sa may amin. e. Ang mayroon ay ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito. Halimbawa: Mayroon pa bang natiramg ulam? Mayroon po kaming isusumbong sa inyo. Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph. Page 6 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG f. Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari. Halimbawa: Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay. Ang mga anak ni Aling Lucia ay may kani-kanila nang kabuhayan. Masayang ipinagdiriwang ang pista doon sa may amin. g. Ang mayroon ay ginagamit na panagot sa tanong. Halimbawa: May pasok ba tayo?-Mayroon. May maaasahan ba akong tulong sa kanya?- Mayroon naman. May takdang-aralin ka ba?- Mayroon po. h. Ang mayroon ay ginagamit kung nangangahulugan ng pagkamaykaya sa buhay. Halimbawa: Ang mga Ordoña ang mayroon sa bayan ng Dolores. Si Jayson ay nagpapanggap na mayroon sa kanilang lalawigan. Iniiwasan kong makibarkada sa mga mayroon sa aming paaralan dahil ako ay isang mahirap lamang. Page 7 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG 4. Subukin at Subukan a. Ang subukin ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay. Halimbawa: Subukin mong gamitin ang sabong ito baka hiyang sa iyo. Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka. Subukin ng mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod. b. Ang subukan ay nangangahulugan sa pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao. Halimbawa: Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto. Ani Erap noon, “ Wag n’yo akong subukan!” Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan. 5. Pahirin at Pahiran a. Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang bagay. Halimbawa: Pahirin mo ang iyong pawis sa noo. Pahirin mo ang iyong uling sa mukha. Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi. Page 8 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG b. Ang pahiran ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay. Halimbawa: Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata. Pahiran mo ng biton ang sapatosmo upang magmukha iyong bago. Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran ng mantekilya. 6. Operahin at Operehan a. Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitiis. Halimbawa: Ooperahin bukas ang mga mata ni Angelita. Kailan nakatakldang operahin ang bukol sa iyong dibdib? Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan. b. Tinutukoy ng operahan ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan. Halimbawa: Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na bulag. Inoperahan na si Olive kahapon. Kasalukuyang inooperahan si Jane sa Ospital ng Makati. Page 9 MODULE 7. MASINING NA PAGPAPAHAYAG Napakasal at Nagpakasal a. Ginagamit ang napakasal kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na nagmamahalan. Halimbawa: Napakasal na ang malaon nang magkasintahang Bernadette at Marvin. Si Janet ay napakasal sa sarili niyang kapasyahan. Napakasal na nga ba kayo ng kasintahan mo? b. Ang nagpakasal ay tumutukoy sa taong naging punongabala o siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae. Halimbawa: Ang mag-asawa ay nagpakasal ng kanilang panganay na anak. Ang mga kapitbahay na matulungin ang nagpakasal sa maralitang sina Norina at Ronnie. Si Aling Auring ang nagpakasal sa pamangkin niyang naulila na sa mga magulang. Page 10 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG 8. Din at Rin, Daw at Raw a. Ang mga katagang rin at raw ay ginagamit kung ang siunusundang salita ay nagtapos sa patinig at sa malapatinig na w at y. Halimbawa: Si Stanley ay katulad mo ring masipag mag-aral. Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan. May bahay rin sa Antipolo sina Mr. Acopra. b. Ang din at daw ay ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y. Halimbawa: Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siya nakapasok sa klase. Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino. Nakapagsulat din ng aklat si Judith. 9. Sila at Sina, Kina at Sila a. Ang sila ay panghalip panao samantalang ang sina ay panandang pangkayarian sa pangalan. Karaniwang kamalian Tama – at Olive ay sa timpalak. naSina angHershey sila ay ginagamit nananalo panandang pangkayarian. Tama – Sila ay mabubuting anak NanaloHalimbawa: sila sa timpalak. Mali – Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak. Tama – Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak. Mali - Sila Hershey at Olive ay nanalo sa timpalak. Page 11 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG b. Ang kina ay panandang pankayarian sa pangngalan katulad ng sina. Walang salitang kila sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali. Halimbawa: Papunta na kami kina Ms. Candelario. Kina Divine gaganapin ang pagdiriwang. Malayo ba rito ang kina Onie at Peter? 10. Pinto at Pintuan a. Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan. b. Ang pintuan ( doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto. Halimbawa: Isinara niya ang pinto upanmg hindi makapasok ang lamok. Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pinto. 11. Hagdan at Hagdanan a. Ang hagdan (stairs) ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay/gusali. b. Ang hagdanan kinalalagyan ng hagdan. Halimbawa: Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika. Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol. Page 12 MODULE 12. MASINING NA PAGPAPAHAYAG Iwan at Iwanan a. Ang iwan (to leave something) ay nangangahulugang huewag isama/daldin. b. Ang iwanan ( to leave something to somebaody) ay nangangahulugan bibigyan ng kung ano ang isang tao. Halimbawa: Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo. Iwan na lang niya ang bag sa kotse ko. Iwanan mo’ko ng pera pambili ng pananghalian. Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero. 13. Sundin at Sundan a. Ang sundin (follow an advice) ay nangangahuluhang sumunod sa payo o pangaral. b. Ang sundan (follow where one is going, follow what one does) ay nangangahulugan gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinunmtahan ng iba. Halimbawa: Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas. Sundan mo ang demonstrasyon sa televisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng Paella. Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo. Page 13 MODULE 14. MASINING NA PAGPAPAHAYAG Tungtong, Tuntong at Tunton a. b. c. Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali. Ang tuntong ay pagyapak sa ano mang bagay. Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay. Halimbawa: Hindi makita ni Aling Nenita ang tungtong na palayok sa kusina. Tumuntong siya sa mesa upang maabot niya ang bumbilya. Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta. 15. Dahil sa at Dahilan sa a. b. Dahil sa ang wasto. Sinisundan ito ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari. Mali ang dahilan sa. Ang dahilan ay pangngalan mismo. Halimbawa: Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto. Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ni Jayson. Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating magkakaibigan. 16. Kung ‘di, Kungdi at Kundi a. b. c. Ang kung ‘di (if not) ay pinaikling kung hindi. Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito. Ang kundi ay kolokyalismo ng kung ‘di. Halimbawa: Kung di’ ka sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Bernie. Hindi ka sana nakapagtrabaho kung ‘di dahil sa iyong kaibigang pinagtaksilan mo ngayon. Walang makakapasok sas gusali kundi ang mga empleyado lamang. Page 14 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG PAGBUO NG PANGUNGUSAP Kailangan ang kaisahan sa pangungusap para maging efektibo ito. Kung bawat bahagi ng pangungusap ay tumutulong para maihayag nang malinaw ang pangunahing diwa nito. Narito ang ilang paalala upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap: 1. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Di-Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater. Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang mga napaalis na iskwater. Di-Parallel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan. Parallel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan. 2. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspeto ng pandiwa sa pangungusap. Halimbawa: Di-Nagkakaisa: Nagkakaisa: 3. Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hondi magkakaugnay na kaisipan. Halimbawa: Di- Magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit at nahilig tayo sa kalayawan. Wasto: Hindi uunlad ang ating wika kapag hindi natin ito ginamit 4. Iwasan ang pagsama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap. Halimbawa: Di-Mabisa: Mabisa: Ang pagsasayaw gaya rin paglalaro ng mga bata ng taguan kung gabing walang buwan at ng pagdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw. Ang pagsasayaw, gaya rin paglalaro ng taguan ng mga bata, ay tunay na nakalilibang. Page 15 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG 5. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang panulong na sugnay. Halimbawa: Hindi Malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili, ang aklat. Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa aklat, hindi ko iyon binili. 6. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang gumaganap ng kilos. Halimbawa: Mali: Si Joel ay binili ang relo para kay Bernie. Tama: Ang relo ay binili ni Joel para kay Bernie. Binili ni Joel ang relo para kay Bernie. Mali: Tama: 7. Si Marie ai kinuha ang hinog na papaya sa puno. Ang hinog na papaya sa puno ay kinuha ni Marie. Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita. Halimbawa: Malayo: Maganda ang kwentong binasa ko talaga. Malapit: Maganda talaga ang kwentong binasa ko. Malayo: Malapit: 8. Tinawag ni Ron ang Tao nang malakas. Malakas na tinawag ni Roy ang tao. Ilapit ang panghalip na pamanggit sa pangngalang kinkatawan nito. Halimbawa: Malayo: Ipinanhik ni Jun ang televisyon sa bahay na binili ng tatay niya. Malapit: Ipinanhik ni Jun ang televisyong binili ng tatay niya. 9. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa sa simuno sa karaniwang ayos ng pangungusap. Halimbawa: Minamahal at ginagamit niya ang sariling wika. Mabait na bata si Marvin. Kaysa: Ang sariling wika ay minamahal at ginagamit niya. Si Marvin ay mabait na bata. Page 16 MODULE MASINING NA PAGPAPAHAYAG MGA SANGGUNIAN AKLAT Abad, Marietta.(2003).Retorika.Mandaluyong City; Cacho Hermanos, Inc Badayos, Paquito B.et.al.(2010).Masining ng Pagpapahayag; Aklat sa Filipino 3-Antas Tersyarya.Malabon City: Mutya Publishing House Inc Bernales, Rolando.et.al.(2009).Retorika:Ang Sining ng Pagpapahayag.Malabon City:Mutya Publishing House Inc. Buensuceso, Teresita S.et.al.(2005). Retorika (Filipino 3: Para sa antas tersarya).Manila:UST Publishing House Pangkalinawan.et.al.(2004).Filipino3 Retorikang Filipino. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc. ONLINE http://www.angelfire.com/journal2/retorika_filip13/ http://www.scribd.com/doc/49727685/Retorika-at-Balarila https://www.coursehero.com/file/p5vlu8qb/Relasyon-ng-Balarila-at-Retorika-Ang-isangpahayag-upang-maging-mabisa-ay-dapat/ Page 17