Sa ibat ibang krisis na patuloy parin nararanasan ng ating bansa. Di hamak sa gitna ng mga ito ay kinakailangan na tayong mga pilipino, kasama ang mga tagapangasiwa ng ekonomiya ay magbuklod upang makabangon tayo sa mga krisis na ito. Sa aking perspektiba nararapat lamang na ang mga propesyunal katulad ko ang manguna sa pangangasiwa ng mga organisasyon na naglalayon na mapagkaisa ang lahat. Para sa akin ang maging isang huwarang empleyado at isang mamamayan ng bansa na sumusunod sa mga patakaran na ay napakalaking bagay na. Sapagkat tayong mga propesyunal ang magsisilbing modelo ng ating bansa kung kayat dapat kakikitaan tayo ng isang magandang halimbawa upang sa gayon sila ay matuto na gumawa rin ng mabuti. Kaya't para sa aking mga kakabayan nais kung sabihin na hindi pa huli ang lahat upang makagawa tayo ng mabuti na magbibigay pag asa sa ating bansa.