1. Saan naganap ang nobelang Madame Bovary? Naganap ang nobelang Madame Bovary sa lugar malapit sa lungsod ng Rouen ng bansang Pransiya. 2. Ilarawan si Charles Bovary Batay sa mga sumusunod: Panlabas at panloob na kaanyuan Hindi nabanggit sa kwento ang panlabas o ang pisikal na kaanyuan ni Charles Bovary, ngunit siya ay dalawang beses nakapangasawa kaya maaaring siya ay may kagwapuhan at may angking katalinuhan dahil sya ay isang doktor. Bilang panloob na kaanyuan, siya ay isang mabuting tao at asawa dahil siya ay maunawain at mapagmahal. Kursong natapos Siya ay isang ganap na doktor kaya masasabing nakapagtapos siya sa pag-aaral ng kursong medisina. Unang napangasawa Si Charles Bovary ay naging isang mabuting asawa sa unang babae niyang napangasawa na si Heloise. Binanggit sa kuwento na kahit nagkaroon siya ng pagtingin kay Emma ay nilayuan niya ito dahil alam niyang mayroon siyang asawa at ito ay nagseselos. Hindi niya ito piniling saktan. 3. Sa tingin mo ba ay tama ang pagiging mabuti ni Charles sa kabila ng mga ginagawa ng kanyang asawa? Pangatwiranan ang iyong sagot. Para sa akin ay tama ang pagiging mabuti ni Charles kahit nagkaroon ng ibang karelasyon ng kaniyang asawa. Ito ay dahil namayapa na si Emma at wala na siyang ibang magagawa kung siya ay magagalit pa, ngunit hindi tama na pinili niyang mapag-isa at pabayaan ang kanilang anak. 4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Charles, ano ang gagawin mo kung malaman mong may lihim na relasyon ang iyong asawa? Kung malalaman ko na may lihim na karelasyon ang aking asawa habang ito ay nabubuhay pa, hihiwalayaan ko ito. Naniniwala ako na ang pag-aasawa ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi ito para sa mga taong naglolokohan lamang at nagpapadala sa tukso. Ngunit kung malalaman ko ito nang wala na ang aking asawa, wala nang magagawa ang aking galit kaya’t tatanggapin ko na lamang ito kahit masakit. 5. Sa kabila ng trahedyang naganap, kinakitaan mo ba ng tunay na pag-ibig ang nobela? Ipaliwanag ang iyong sagot. Sa kabila ng pagtataksil ni Emma, masasabi kong makikitaan pa rin ang nobelang ito ng tunay na pag-ibig sa katauhan ni Charles Bovary. Hindi siya naging mapusok hindi katulad ni Emma. Kahit siya ay nag-asawang muli pagkatapos ng kaniyang unang asawa, hindi siya gumagawa ng mga bagay na makakasira sa relasyon nila ni Heloise at maging ng relasyon nila ni Emma. Alam niya kung paano kontrolin ang sarili dahil nirerespeto niya ang asawa niya. Ito ang hindi kayang gawin ng karamihan kaya’t nawawasak ang maraming pamilya.