Kabanata l Sanligan ng Pag-aaral Sa panahon ngayon, marami pa rin ang naguguluhan sa bagong sistema ng edukasyon, ang K-12 kurikulum. Nagnanais ihanda ang mga mag-aaral sa karagdagang dalawang taon sa sekundaryo upang mas maging handa para sa kolehiyo. Ang k-12 ay ang kinikilalang pandaigdigang pamantayan ng edukasyon na sinusunod ng halos lahat ng mga it at papaunlad pa lamang na mga bansa. Nangangahulugan lamang ito na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay napag-iwanan na ngunit patuloy pa rin itong sumusugal upang agarang matugunan at bigyang solusyon ang kritikal na kalagayan ng kalidad ng edukasyon ng bansa (Nual, J. M. at Elogano, G., walang petsa hahaha) Mataas ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho at isa sa mga dahilan nito ay ang hindi tugmang kakayahan ng mga tao sa kanilang trabaho. Kung kaya ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang pagpili ng strand bilang paghahanda sa kolehiyo. Nararapat na ayon sa kagustuhan at kakayahan ng mag-aaral ang pagpili ng kuluning strand upang tiyak na magiging mataas ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral. Sa pagpili ng Strand o Track sa Senior high School (SHS), maraming mga salik na nakakaapekto sa desisyon ng mga mag-aaral. Ang mga salik na ito ay maaaring nag-udyok sa mga mag-aaral na magkaroon ng interes sa pag-aaral onagresulta sa pagbaba ng kalidad ng kanilang pakikilahok sa paaralan. Nararapat na matukoy kung