10 Unang Markahan-Modyul 1: Mitolohiya Filipino– Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan-Modyul 1:Mitolohiya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Ganunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat: Charline B. Apalis Marieta Torno Reyes Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons) Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS June D. Cunanan- ADM Coordinator June D. Cunanan, ADM Division Coordinator Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga Office Address: Telephone No: E-mail Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando, Pampanga (045) 435-2728 pampanga@deped.gov.ph Unang Markahan – Modyul 1: Mitolohiya Alamin Magandang araw! Kumusta ka ngayon kaibigan? Handa ka na ba sa panibagong kaalamang iyong matututunan sa modyul na ito? Alam kong kayang-kaya mong tapusin ang modyul na ito katulad sa mga nagdaang modyul na natutunan mo noong ika’y nasa ikasiyam na baitang. Tara na’t mamingwit tayo ng kaalaman sa dagat ng karunungan. Sa kahit anuman/kaninumang relasyon mayroon ang tao napakahalaga ang magtiwala sa isa’t isa. Isa ito sa dahilan kung bakit nagtatagal ang samahan o kaya nama’y masaya at matagumpay ang pagsasama. Kadalasan sa mga pangako natin ay napapako, kaya nga yata nabuo ang katagang “Promises are made to be broken.” Marahil ang ilan sa inyo ay may mga pagsintang parurot na o iyong mga umuusbong na pag-ibig at malamang naranasan mo na ring pangakuan ka, na hindi naman natupad. Masakit ba besh? Dahil diyan, tunghayan na natin ang isang Mito na pumapatungkol sa pagtitiwala at pagtupad ng pangako. Alam kong sabik na sabik ka nang mabasa ito kaya’t huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Simulan na natin ito. Sa modyul na ito ay matatalakay at matututunan natin ang tungkol sa: Panitikan: Cupid at Psyche (Mitolohiya ng Rome) Wika: Kayarian ng Salita Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito: 1. Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggan, mitolohiya. (F10PN-Ia-b-62) 2. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa (F10PB-Ia-b-62): a. Sariling karanasan b. Pamilya c. Pamayanan d. Lipunan e. Daigdig 3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. (F10PT-Ia-b-61) Subukin PILI NA BES! Piliin sa kahon ang mga salita o katagang may kaugnayan sa Mitolohiya at isulat ito sa Concept Web. Ipaliwanag sa isa hanggang dalawang pangungusap ang konseptong nabuo. Gawin ito sa sagutang papel. Kwentong-bayan Anito Kapangyarihan Pagkalikha ng mundo Sukat Tugma Kasaysayan Hindi paniwala Opinion Script diyos at diyosa kapani- Awitin Mitolohiya ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________. Lesson MITOLOHIYA Cupid at Psyche 1 Gawain 1- Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay Tama o Mali. Isulat sa patlang ang TUMPAK GANERN kung tama ang pahayag at LIGWAK GANERN kung mali. ______________1. Ang Mitolohiya ay isang kwento patungkol sa mga diyos at diyosa. ______________2. Ang Mitolohiya ay binubuo ng mga kabanata. ______________3. Ang Biag ni Lam Ang ay isang halimbawa ng Mito. ______________4. Ang Mito ay pumapatungkol din sa pagsisimula at pagkagunaw ng mundo. ______________5. Ang Mitolohiya ay ang pag-aaral ng Mito. MASINSINANG PAGBASA! Tunghayan ang mga karagdagang kaalaman patungkol sa mitolohiya na talaga namang makatutulong sa iyo sa pag-unawa mo sa akdang tatalakayin. Balikan Alam mo ba na… Sinasaliksik ng mga unang tao ang kanilang imahinasyon upang makakuha ng paliwanag sa mga pangyayari, kalikasan at kaugalian ng tao na nasa paligid niya? Bilang kasagutan sa mga katanungang iyon, sila’y lumilikha ng diyos at diyosa na kumakatawan sa talino, ganda at pag-ibig. Ang mga diyos at diyosa ay nagiging tao ngunit nagtataglay ng kapangyarihang mala-bathala. Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito at alamat. Ang salitang mito naman ay nagmula sa salitang Latin na mythos at salitang Greek na muthos, na nangangahulugang kwento Ang mitolohiya ay isang uri ng malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa. Ito ay halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito (Ingles: myth), mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa ay kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mitolohiya sa alamat at kuwentong-bayan. MITOLOHIYA NG MGA TAGA-ROME Ang Mitolohiyang Romano ang katawan ng mga kuwentong tradisyonal na nauukol sa mga maalamat na pinagmulan ng sinaunang Roma at paniniwalang panrelihiyon ng mga Sinaunang Romano. Ang mga kuwentong ito ay itinuring ng mga Sinaunang Romano na nangyari sa kasaysayan kahit naglalaman ng mga elementong mahimala at supernatural. Ang mga kuwento ay kadalasang nauukol sa politika at moralidad na naayon sa batas ng kanilang mga Diyos. Ang kabayanihan ay isang mahalagang tema sa mga kuwentong Romano. Ang mga mitolohiyang Romano ay lumitaw rin sa mga dibuhong nasa pader sa Roma, mga baryang Romano at mga iskultura partikular sa mga relief. Ang mitolohiya ng Rome ay hinalaw lamang sa mitolohiya ng Greece na kanilang sinakop. Nagustuhan nila ang mitolohiya ng bansang ito kaya’t inangkin nila na parang sa kanila na ito. Sa katunayan pinalitan nila ang mga pangalan ng karamihan sa mga diyos at diyosa at binihisan ng bagong katangian ang ilan sa kanila. Lumikha rin sila ng panibagong diyos at diyosa ayon sa kanilang kultura at paniniwala. Ang ilan sa mga sikat na diyos at diyosa ng Rome ay sina Jupiter, Juno, Venus, Neptune, Pluto, Mars, Apollo, Minerva, Diana, Vulcan, Mercury, at Vesta . Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Tuklasin Ang Cupid at Psyche ay isa sa mga Mitolohiya ng Rome. Basahin at unawain mo ito upang masagot mo nang tama ang mga gawaing kaugnay dito. Cupid at Psyche Isinalin sa Filipino ni: Vilma C. Ambat Binuod ni: Bb. Charline B. Apalis Noong unang panahon, mayroong hari na may tatlong naggagandahang anak na babae. Ang pinakamaganda sa kanila ay ang bunso na si Psyche. Sa sobrang ganda niya halos lahat ng mga kalalakihan ay humahanga sa kanya. Dahil dito galit na galit ang diyosa ng kagandahan na si Venus. Nakalimutan na siya ng mga kalalakihan mula ng dumating si Psyche, maging ang templo nito ay unti-unti ng nasisira. Dahil dito inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang. Agad namang tumalima si Cupid, at sa sobrang kagandahang taglay ni Psyche si Cupid mismo ang umibig sa kanya. Inilihim niya ito sa kanyang ina. Sa kabilang banda naman ay nababahala ang ama ni Psyche sa kalungkutan ng kanyang anak. Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Psyche ay nakapag-asawa na at nasa kani-kanilang palasyo na, samantalang si Psyche ay nag-iisa. Wari bang walang naglalakas ng loob na ibigin siya. Kontento na ang mga kalalakihan na pagmasdan ang kanyang kagandahan. Kung kaya’t naglakbay ang amang hari. Humingi siya ng tulong kay Apollo kung paano makakahanap ng mabuting asawa ang kanyang anak. Lingid sa kanyang kaalaman na nauna na palang humingi ng tulong si Cupid sa kanya. Pinayuhan naman siya ni Apollo kung anong gagawin niya. Labis na nalungkot ang hari sa naging payo ni Apollo sa kanya ngunit sumunod pa rin ito. Dali-dali nilang binihisan si Psyche ng kanyang pinakamagandang kasuotan at pagkatapos ay malungkot nila itong iniwan sa tuktok ng bundok. Takot na takot si Psyche sa kanyang pag-iisa sapagkat napakadilim sa kabundukan ng mga oras na iyon. Siya’y tumatangis at nanginginig sa takot ng bigla siyang inilipad ng ihip ng hangin ni Zephyr. Lumapag ito sa napakalambot na damuhan. Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siya sa tabi ng ilog at doon ay nakita niya ang isang napakagandang mansiyon na wari bang inaakit nito si Psyche na pumasok. Habang siya’y manghang-mangha, may tinig siyang narinig at pinapapasok siya sa mansiyong ito. Nalibang si Psyche sa mansiyon. Buong araw siyang inaliw ng musika. Magisa siya sa mansiyong iyon ngunit parang ramdam niyang darating ang kanyang mapapangasawa. Pagsapit ng gabi, nangyari nga ang kanyang inaasahan. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, naramdaman niyang ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay. Isang sabi ay kinausap siya ng kanyang asawa at binalaan siyang huwag magpapakita sa kanyang mga kapatid, sapagkat darating sila upang magluksa sa lugar kung saan siya nila iniwan. Pumayag naman si Psyche at nangako ito sa kanyang asawa. Kinabukasan ay narinig ni Psyche ang panangis ng kanyang mga kapatid. Naantig ang kanyang damdamin kaya’t maging siya ay umiiyak na rin. Danatnan siya ng kanyang asawa na umiiyak kaya’t pinayagan siya nito na makipagkita sa kanyang mga kapatid ngunit binalaan siya nito. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan.” Kinaumagahan, inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang dalawang kapatid ni Psyche. Labis na kasiyahan ang naramdaman nila sa oras na iyon. Nang pumasok sila sa mansiyon labis silang namangha, naisip nilang ni hindi ito papantay sa kani-kanilang mansiyon. Nang matapos na ang kanilang pagdalaw, dumakot si Psyche ng ginto at hiyas para sa kaniyang mga kapatid. At sila’y inihatid na ng ihip ng hangin ni Zephyr. Labis silang nangimbulo kaya’t sila’y nagplano ng ikapapahamak ng bunso nilang kapatid. Noong gabi ring iyon, nagmakaawa ang lalaki kay Psyche na huwag na muling patuluyin sa mansiyon ang kanyang mga kapatid. “Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong mga pangako.” wika ng lalaki. “Bawal na nga kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sagot ni Psyche. Dahil dito, muli siyang pinagbigyan ng kanyang asawa. Kinabukasan, muling dumalaw ang mga kapatid ni Psyche na mayroong ng masamang binabalak. Inusisa nila ng inusisa si Psyche hanggang sa malito ito. Napilitan siyang aminin na hindi pa niya nakikita ang kanyang asawa kailanman. Inamin ng kanyang mga kapatid na isang halimaw ang kanyang asawa kaya raw hindi pa nito nakikita ang kanyang mukha. Humingi sila ng pasensiya kung bakit hindi nila ito sinabi kaagad sa kanya. Binuyo nila si Psyche na tignan ang itsura ng kanyang asawa bago pa siya nito kainin. Takot ang namayani kay Psyche imbes na pagmamahal. Pinayuhan nila si Psyche na patayin ang kanyang asawa gamit ang punyal at lampara. Gawin niya raw ito habang natutulog ang kanyang asawa at saka siya tutulungang tumakas ng dalawa. Iniwan nila si Psyche na litong-lito. Mahal na mahal ni Psyche ang kanyang asawa ngunit hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang mga kapatid. Paano kung halimaw nga siya? Kaya’t nabuo ang kanyang desisyon. Kailangan na niyang makita ang itsura ng kaniyang asawa. Kinagabihan habang mahimbing na natutulog ang kaniyang asawa, isinagawa niya ang planong pagpatay sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa dala-dala ang lampara at punyal. Para siyang nabunutan ng tinik nang masilayan niya ang kagwapuhan ng kanyang asawa. Labis na kahihiyan ang kanyang naramdaman kaya’t nagtangka itong magpakamatay. Iniligtas lamang siya ng panginginig ng kanyang kamay. Ninais niyang masulyapan muli ang itsura ng kanyang asawa kaya’t nilapitan niya itong muli. Hindi sinasadyang natuluan niya ng kumukulong langis ang balikat nito. Nagising ang lalaki at nalaman niya ang kanyang pagtataksil. Bago pa man tuluyang umalis ang lalaki ay ipinaliwanag niya kung sino siya talaga. Labis na pagsisisi ang naramdaman ni Psyche. Si Cupid, ang diyos ng pagibig pala ang kanyang asawa. Napagtanto niyang napakaswerte niya sa kanyang asawa kaya’t gagawin niya ang lahat bumalik lang ito sa kanya. “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin, maipapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.” Sinimulan ni Psyche ang kanyang paglalakbay. Umuwi naman si Cupid sa kanyang ina at isinalaysay nito ang lahat ng nangyari. Lalong tumindi ang galit nito kay Psyche. Narating nga ni Psyche ang palasyo ni Venus. Nang makita siya ni Venus pinagtawanan siya nito at sinabing “Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka dadaan sa butas ng karayom.” Dahil dito, binigyan ni Venus ng iba’t ibang pagsubok si Psyche. Una ay kailangan niyang pagsamahin ang mga butong magkakauri. Tinitigan lamang ito ni Psyche. Sa pakiwari niya’y hindi niya ito magagawa. Nasa ganitong kalagayan si Psyche nang bigla siyang tinulungan ng mga langgam. Hindi nasiyahan ang diyosa kaya’t kinabukasan ay binigyan niya uli ito ng pagsubok. Kailangan niyang kumuha ng puting balahibo ng tupa. Mapanganib ang pagsubok na ito kaya’t ninais na lamang niyang magpakamatay. Bago pa ito mangyari, narinig niya ang tinig ng halaman. “Huwag kang magpakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang pinapagawa sa iyo. Kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon upang makakuha ng gintong balahibo ng tupa.” Sinunod ni Psyche ang payo ng halaman kaya’t nagawa niya ang ikalawang pagsubok. Galit na galit si Venus dahil hindi ginagawa mag-isa ni Psyche ang kanyang mga pagsubok. Dahil dito, binigyan niya ulit ito ng pagsubok. Sa ikatlong pagsubok, pinakukuha niya si Psyche ng itim na tubig sa talon. Bukod sa mapanganib, ay imposible rin itong magawa ni Psyche. Tanging may pakpak lang daw ang makagagawa nito. Tulad ng inaasahan, tinulungan ng agila si Psyche. Hindi matanggap ni Venus ang mga nangyayari kaya’t binigyan niya uli ito ng pagsubok. Gamit ang kahon, kailangang humingi ng kagandahan ni Psyche sa reyna sa ilalim ng lupa na si Proserpine. Sa tulong ni Tore nagawa ni Psyche ang ikaapat at huling pagsubok. Agad nakabalik si Psyche dala-dala ang kahon ng kagandahan. Sa kagustuhang madagdagan ang kanyang ganda upang mapaibig muli si Cupid sa kanya, natukso itong kumuha ng kagandahan sakahon. Dahil dito nakaramdam siya ng matinding panghihina at agad nakatulog. Sa kabilang banda ay magaling na ang sugat ni Cupid. Nais niyang makita ang kanyang asawa kaya’t gumawa ito ng paraan para makatakas mula sa pagkakakulong ng kanyang ina sa kanya. Nakita niyang bukas ang bintana at doon siya nakatakas. Sa kanyang paglalakad ay nahanap niya agad si Psyche. Natagpuan niya ito malapit sa palasyo. Bahagya niyang tinusok si Psyche upang magising. Pinagsabihan niya si Psyche sa kanyang pagiging mausisa na nagpahamak sa kaniya. Saka nito pinayuhan na magtungo sa kanyang ina at ibigay ang kahon ng kagandahan. Nagpunta naman si Cupid kay Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling nito na huwag na silang gambalain pa ng kanyang ina. Pumayag naman si Jupiter at dali-daling nagpatawag ng pulong sa mga diyos ay diyosa. Ipinahayag niyang pormal ng ikinasal si Cupid at Psyche kaya’t wala ng makagagambala sa kanila kahit pa ang diyosa ng kagandahan na si Venus. Pinakain din nila ng Ambrosia si Psyche upang maging isa ng ganap na diyosa. Naging panatag na ang kalooban ni Venus dahil titira na si Psyche sa kaharian ng mga diyos at ang mga tao ay manunumbalik ng pagsamba sa kanya. Sa kabila ng hirap na kanilang dinanas, ang pag-ibig (Cupid) at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo pa rin at hindi na kailanman mabubuwag Suriin A. Your dialogue sounds familiar! Tukuyin kung sino sa mga tauhan sa kwento ang nagsabi sa mga diyalogong ito. Pagkatapos ay ibigay ang inyong pananaw o reaksiyon mula sa diyalogong kanilang sinambit. Babasahin ito ng guro o ng iyong kaklase at malaya mong maibabahagi ang iyong kasagutan sa klase. 1. “Sige gawin mo ang iyong nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong kapahamakan. 2. “Bawal na nga kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?” 3. “ Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag binali mo ang iyong mga pangako 4. “Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka daraan sa butas ng karayom.” 5. “Ibubuhos ko ang bawat patak ng aking buhay upang hanapin siya.” 6. “Huwag kang magpakamatay. Hindi naman ganoon kahirap ang pinapagawa sa iyo. Kailangan mo lang maghintay ng tamang panahon para makakuha ng balahibo ng tupa.” A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kwentong iyong binasa. 1. Bakit gayun na lamang ang galit ni Venus kay Psyche? 2. Paano mo mailalarawan ang amang hari ni Psyche? 3. Ano ang malaking pagkakamali ni Psyche na talaga namang nagpahirap ng kanyang buhay? 4. Sa mga pagsubok ni Venus kay Psyche, ano ang iyong napuna? Ano ang pagkakatulad ng mga ito? 5. Ano ang nag-udyok sa mga kapatid ni Psyche para sulsulan nilang gumawa ng ‘di kanai-nais si Psyche? Tama ba ang kanilang ginawa? Pangatwiranan ang sagot. B. Pagbabahagi ng Opinyon 1. Kung ikaw si Psyche, pakikinggan mo ba ang iyong mga kapatid kahit alam mong masasaktan mo ang taong mahal mo/ si Cupid? Bakit? 2. Ibigay ang iyong sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala.” C. Pag-uugnay Batay sa nakuha mong aral o mensahe mula sa mitolohiyang Cupid at Psyche paano mo ito maiuugnay sa iyong sariling karanasan, pamilya, pamayanan, Sariling karanasan pamilya Pamayanan Lipunan daigidig Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Pamilyar ka ba sa mga kayarian ng salita? Alam mo bang mayroong apat na kayarian ang salita? Ito ay ang mga sumusunod: Mga Kayarian ng Salita at halimbawa 1) Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita. Halimbawa: Anim, dilim, presyo, langis, tubig 2) Maylapi – binunuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. May limang paraan ng paglalapi ng salita: a. Unlapi – ang panlapi ay nakakabit sa unahan ng salitang-ugat Halimbawa: Kasabay- paglikha, marami b. Gitlapi – ang panlapi ay nakasingit sa gitna ng salita Halimbawa: Sinabi, sumahod, tumugon c. Hulapi – ang panlapi ay nasa huulihan ng salita Halimbawa: Unahin, sabihin, linisan d. Kabilaan – ang panlapi nasa unahan at hulihan ng salita Halimbawa: Pag-isipan, pag-usapan, kalipunan e. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan, hulihan, at sa loob ng salita Halimbawa: Pagsumikapan, magdinuguan 3) Inuulit – ang kabuuan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit. May dalawang uri ng pag-uulit: a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salitang-ugat Halimbawa: Araw-araw, sabi-sabi, sama-sama b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit Halimbawa: Aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad 4) Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita. May dalawang uri ng Pagtatambal a. Malatambalan o Tambalang Parsyal – nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal. Ginagamitan ito ng gitling sa pagitan Halimbawa: Bahay-kalakal, habing-Ilok, balik-bayan b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa kahulugang iba kysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama Halimbawa: Hampaslupa, kapitbahay, bahaghari Kadalasang nagbabago ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito. Halimbawa: 1. Kapit ka lang para hindi ka mahulog. • ang salitang kapit ay nasa payak na kayarian na nangangahulugang “hawak” 2. Ang taling nakasabit ang pinagkapitan niya para hindi mahulog. • Ang salitang pinagkapitan ay nasa kayariang maylapi na nangangahulugang bagay na ginamit sa pagkapit. 3. Kakapit siya sa Mayor upang magkaroon ng trabaho. • Ang salitang kakapit ay nasa inuulit na kayarian ng salita na nangangahulugang gagawin o pinaplano pa lang gawin. 4. Kapitbahay niya ang tumulong sa kanyang maglinis. • Ang salitang kapitbahay ay tambalang salita na nangangahulugang taong malapit ang tirahan sa inyo. Pagyamanin Naunawaan mo na ba ang mga kayarian ng salita at kung paano nagbabago ang kahulugan nito batay sa pagkakayari sa salita? Kung gayon ay isagawa mo ang mga sumusunod na pagsasanay upang malinang ang iyong kasanayan sa kayarian ng salita. Pagsasanay 1 Tukuyin kung anong kayarian ng salita ang mga nakasalungguhit. Isulat lamang ang P kung Payak, I kung Inuulit, M kung Maylapi at T kung Tambalan. ____1. Umibig ang mga kalalakihan kay Psyche. ____2. Sisidhi talaga ang galit ni Venus kay Psyche lalo’t nahulog ang loob ni Cupid sa kanya. ____3. Balang araw mapapatawad din ni Venus si Psyche. ____4. Maging ang mga kapitbahay ni Psyche ay namangha sa kanyang kagandahan. ____5. Labis na nanibugho si Venus kay Psyche. ____6. Naranasan ni Psyche ang mahihirap na pagsubok ni Venus. ____7. Si Psyche ay sasabak sa mga matitinding pagsubok ni Venus. ____8. Paggising ni Cupid nasaksihan niya ang napakagandang bukangliwayway. ____9. Urung-sulong si Psyche sa pagkuha ng balahibo ng tupa. ____10. Tinanggap ni Venus si Psyche nang maging ganap na diyosa na siya. Pagsasanay II Gumawa ng isang HUGOT mula sa kwentong Cupid at Psyche gamit ang iba’t ibang kayarian ng salita. Halimbawa: Sana ikaw na lang ang Cupid ng buhay ko, para kahit ilang beses kitang sasaktan handa mo pa rin akong patawarin at tanggapin habambuhay. *ikaw- payak *patawarin- maylapi *sasaktan- inuulit *habambuhay- tambalan Pagsasanay 3 Magtala ng sampung salita mula sa binasang akdang Cupid at Psyche, isulat kung anong kayarian ito ng salita at ibigay ang kahulugan nito. Halimbawa: Umibig- maylapi- nagkagusto, nagmahal Isaisip Dugtungan ng sariling diyalogo ang mga sumusunod Ang tiwala ay… Huwag mangangako… Lahat ng pagsubok ay… Isagawa Napagtagumpayan mo ang mga pagsubok ng kahapon, tunay ngang taglay mo ang ugaling Pilipino na hindi matitinag kahit anumang pagsubok ang kaharapin. Magsagawa ng isang panayam sa isang lolo o lola sa inyong pamilya o kalapit-bahay. Magpakwento sa kanila ng isang mito na alam nila. Pagkatapos ay isulat mo ito base sa iyong pagkaunawa rito Tayahin Ang pagsuko ay nangangahulugang ika’y hindi magwawagi. Kaya, binabati kita sa iyong tagumpay na natamasa. Ang hakbang na ito’y ang pagkilala sa iyong potensyal bilang isang produktibo at mahusay umunawa sa tinalakay. Konting hinahon na lamang, matatapos ka na. Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. _______1. Isang uri ng maikling kwento na nauukol sa diyos at diyosa. A. Alamat C. Parabula B. Mitolohiya D. Tula _______2. Saang bansa ibinatay ng Rome ang kanilang Mitolohiya? A. Bangladesh C. Greece B. France D. Spain _______3. Sino ang tumulong kay Psyche para makakuha ng gintong balahibo ng tupa? A. Halaman C. Langgam B. Ibon D. Puno _______4. Siya ang ina ni Cupid. A. Hera C. Pluto B. Mars D. Venus _______5. Kanino humingi ng tulong ang ama ni Psyche? A. Apollo C. Venus B. Cupid D. Zephyr _______6. Mga ginamit ni Psyche nang pagtangkain niya ang buhay ni Cupid. A. karayom at tali C. Punyal at kandila B. Lubid at kandila D. Punyal at lampara ______7. Ang pinakain kay Psyche para maging ganap na diyosa na siya. A. Ambrosia C. Kanin B. Gulay D. Tinapay ______8. Kayarian ng salitang kung saan pinagsama ang dalawang salita. A. Inuulit C. Payak B. Maylapi D. Tambalan ______9. Uri ng panlapi na matatagpuan sa unahan at hulihan ng salita. A. Gitlapi C. Laguhan B. Kabilaan D. Unlapi ______10. Uri ng kayarian ng salita na binubuo ng salitang-ugat lamang. A. Inuulit C. Payak B. Maylapi D. Tambalan Karagdagang Gawain Pagbati sa iyo kaibigan, napakahusay mo! Sa tagpong ito, ikaw ay magtatala ng isang tauhang iyong nagustuhan sa kwentong Cupid at Psyche. Pangatwiranan ang iyong kasagutan. Salungguhitan ang mga salitang maylapi na iyong ginamit sa pagpapaliwanag. Tauhang nagustuhan Bakit? Naging matiwasay ba ang iyong pamimingwit sa ating mga gawain? Huwag isiping ito ang huli, sapagkat nag-uumpisa pa lamang ang nag-uumapaw na karunungan sa karagatan. Ngunit, heto muna ang wakas, hanggang sa muling pagkatuto. Pagbati, mahusay na manlalayag! Tayahin 1. B 2. C 3. A 4. D 5. A 6. D 7. A 8. D 9. C 10. C Balikan Gawain 1 1. Tumpak ganern 2. Ligwak ganern 3. Ligwak ganern 4. Tumpak ganern 5. Tumpak ganern 6. Halaman Pagyamanin- Pagsasanay 1 1. M 2. I 3. P 4. T 5. P 6. M 7. I 8. T 9. T 10. M Suriin A. 1. Cupid 2. Psyche 3. Cupid 4. Venus 5. Psyche Susi sa Sagot- Lesson 1 Sanggunian http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-psyche-mitolohiyapanitikang.html https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html#.Xrp9gGgzbIU https://tl.wikipedia.org/wiki/MitolohiyaRead more on Brainly.ph – https://brainly.ph/question/1501707#readmore https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-mythologies-mgamitolohiya-kaligirang-pangkasaysayan-ng-mitolohiya_1150.html https://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Pilipino https://www.google.com/search?q=concept+web&tbm=isch&chips=q:concept+web,g _1:blank:ApNWhnzlg%3D&hl=en&ved=2ahUKEwja06Gf1NrpAhWlxIsBHQH3CVUQ 4lYoAHoECAEQFQ&biw=1349&bih=657#imgrc=OW07JZvX-MBgXM