Online Streaming: Makabagong paraan para magbigay ng mga donasyo Dahil sa modernisasiyon, nagkakaroon na ng iba’t ibang paraan upang makapagbigay ng mga donasyon. Kabilang na sa makabagong paraan na ito ay ang online streaming. Ito ay ang panonood ng mga bidyo gamit ang mga telepeno, laptop o kompyuter sa pamamagitan ng internet. Ilan lamang sa mga application na kung saan maaring mag-stream ay ang YouTube at Facebook (Heinzman, 2019). Ang paggawa ng mga bidyo sa YouTube ay patuloy na sumisikat sa Pilipinas. Dahil sa pandemya, mas lalong dumarami ang mga Pilipinong nanonood ng mga tinatawag na “vlogs” sa nasabing plataporma. Sa pamamagitan ng mga advertisement, kumikita ang mga tinatawag na “vloggers” o ang mga panauhin na gumagawa ng mga bidyo. Mas maraming manonood, mas malaki ang kikitain (Bigtas, 2020). Ngunit ayon kay Cooper (2019), may mga kinakailangan dami ng subscribers at dami ng mga bidyo bago mabayaran ng YouTube ang isang vlogger. Ayon sa PayMaya, maaring makatanggap ang isang vlogger ng Php.150 kada 1000 views na kaniyang matatanggap. Dagdag pa rito, sa pamamagitan naman ng Facebook, kumikita ang mga manlalaro ng iba’t ibang online games. Sa Facebook Live, puwede kumita ang isang manlalaro sa pamamagitan ng tinatawag na “Stars” at advertisement. Ang mga Stars ay maaring ibigay ng mga manonood sa isang streamer upang magpakita ng suporta. May kaakibat na halaga ng pera ang bawat “Stars” na matatanggap ng mga streamers. Ngunit kagaya ng YouTube, may bilang ng mga kinakailangang daming tagasunod at bidyo upang magkaroon ng tinatawag na “Star function” sa mga streams. Kung ang isang streamer ay makakatanggap ng 10,000 Stars nangangahulugan lamang ito na makakatanggap siya ng Php. 5,000 (Bantilan, 2020). Dahil sa iba’t ibang paraan kung paano kumikita sa paggawa ng mga bidyo, naging susi rin ito upang makatulong sa iba o lumikom ng pondo upang tugunan ang pangangailangan ng mga tao o para makatulong sa iba. Halimbawa, ayon kay Biong (2020), ang Team Payaman na isa sa mga kinikilalang vloggers sa YouTube ay nagkaroon ng tinatawag na “Content wars” upang makalaganap ng pondo para sa kanilang namayapang kaibigan na si Emman Nimedez. Dagdag pa rito, ayon naman kay Aseoche (2020), sa loob lamang ng isang oras ay umabot na sa isang milyon katao ang nakanood sa mga bidyong linikha ng Team Payaman. Lahat ng kinita sa mga bidyong ito ay binigay ng Team Payaman sa naulilang pamilya ni Emman. Sa pamamagitan lamang ng panonood at paglalaan ng oras, nakatulong na ang mga tagasubaybay ng Team Payaman dahil sa mga advertisement na kaakibat ng mga bidyo. Ngunit hindi lahat ng mga bidyo sa YouTube na nagna-nais makalikom ng pera sa pamamagitan ng mga advertisement ay nagtatagumpay. Ayon kay Spanggler (2020), nagtanggal ang YouTube ng ilang bidyo na nakalaan para lumikom ng pera sa kilusang “Black Lives Matter” sa Amerika. Ang dahilan kung bakit pinatanggal ito ng YouTube ay ilan sa mga bidyong ito ay hinihikayat ang mga manonood na paulit-ulit panoorin ang bidyo at ito ay labag sa patakaran ng nasabing plataporma. Ang panonood ng mga bidyo sa YouTube upang makatulong sa iba ay mayroon din hangganan. Ngunit sa pagsunod sa mga patakaran ng nasabing plataporma, puwede pa rin makapagbigay ng mga donasyon sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga bidyo. Ang sikat na artista na si Alden Richards ay nagkaroon naman ng isang online streaming sa Facebook sa pamamagitan ng paglaro ng iba’t ibang online games para sa mga biktima ng bayong Ulysses. Hinikayat niya ang kaniyang mga tagasunod na manood at magbigay ng kanikaniyang donasyon sa kaniyang stream (Cruz, 2020). Ayon naman kay Mendoza (2020), umabot ng Php 220, 000 ang nalaganap na pondo ni Alden sa kaniyang stream. Sa paraang ito, ang mga tagasuporta ni Alden ay nakakapagbigay ng mga donasyon sa paraang sila ay nagpapakita lamang ng suporta. Dahil sa makabagong paraan na ito, ayon kay Favis (2019), ang live streaming ay ang makabagong telethons. Noong 70s at 80s, naging sikat ang mga telethons kung saan ang mga sikat na panauhin ay nagtatanghal at sumasagot ng mga tawag upang makalikom ng pera para sa isang kawanggawang layunin. Ngunit kagaya lamang ng ilang donation drive na makikita sa internet, may mga online gamers din na ginagamit ang live streaming upang manloko ng mga nais tumulong. Sa isang pahayag ni Alden Richards, binalaan niya ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na paniguraduhin na ang mga streamers na sinusuportahan nila ay totoong nais makatulong sa iba (Mia, 2020). Kahit gaano pa kabilis ang teknolohiya, wala pa rin laban sa mga mapagsamantala. Kinakailangan ay maging maingat din ang mga tao upang hindi magamit ang kanilang mga tulong para sa personal na kaligayahan. Ang online streaming ay isang panibagong paraan upang makapagbigay ng mga donasyon. Maaring gamitin ang YouTube, kung saan oras lamang ang kailangan nating ilaan upang makatulong sa iba. Sa pamamagitan naman ng Facebook, puwedeng makatulong sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng suporta. Bagama’t may mga balakid at banta, sa pagsunod sa mga pakataran at pagiging maingat, makakarating ang mga tulong sa mga nangangailangan. Sa tulong ng teknolohiya at modernisasiyon, mas lalong nagkakaroon ng paraan ang mga gusting tumulong at umaksyon. Mga Sanggunian: Aseoche, T. (2020, September 1). WATCH: Cong TV and team Payaman create short films in honor of Emman Nimedez. Retrieved from https://www.wheninmanila.com/watch-congtv-and-team-payaman-create-short-films-in-honor-of-emman-nimedez/ Bantilan, E. (2020, June 16). How much are stars worth on Facebook for streamers. Retrieved from https://gamingph.com/2019/11/how-much-are-stars-worth-on-facebook-forstreamers/ Bigtas, J. (2020). 6 tips on how to earn money as a YouTube vlogger. Retrieved from https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/hobbiesandactivities/748032/macoy-dubsand-janina-vela-share-tips-on-how-earn-money-as-a-youtube-vlogger/story/ Biong, I. (2020, September 1). WATCH: Cong TV, team Payaman hold ‘content wars’ for Emman Nimedez. Retrieved from https://entertainment.inquirer.net/389104/watch-congtv-team-payaman-hold-content-wars-for-emman-nimedez Cruz, L. (2020, November 28). Alden Richards raises funds for typhoon victims with online game streaming. Retrieved from https://www.goodnewspilipinas.com/alden-richardsraises-funds-for-typhoon-victims-with-online-game-streaming/ Favis, E. (2019, December 24). Livestreams are the new telethons, and they’re raising millions for charities. Retrieved from https://www.washingtonpost.com/videogames/2019/12/24/livestreams-are-new-telethons-theyre-raising-millions-charities/ Heinzman, A. (2019, February 16). Internet streaming: What is it and how does it work?. Retrieved from https://www.howtogeek.com/404447/internet-streaming-what-is-it-andhow-does-it-work/ Mendoza, M. (2020, November 28). Alden Richards uses own money to match P200k from charity stream. Retrieved from https://www.candymag.com/all-access/alden-richardsgame-streaming-typhoon-ulysses-victims-a00306-20201128 PayMaya. (2020). How to Start a Vlog That Makes Money in the Philippines. Retrieved from https://www.paymaya.com/stories/how-to-start-a-vlog-that-makes-money-in-thephilippiness Report: Live-streaming in online mobile gaming on the rise. (2019, July 9). Retrieved from https://newsbytes.ph/2019/07/09/report-live-streaming-in-online-mobile-gaming-on-therise/ Spangler, T. (2020, June 12). YouTube pulls Black Lives Matter fundraising videos that encourage ‘Fake engagement’. Retrieved from https://variety.com/2020/digital/news/youtube-pulls-black-lives-matter-fundraising-fakeengagement-video-1234632086/