AMA NAMIN Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para na ding sa langit. Bigyan mo po kami ng aming kakanin sa araw. Patawarin sa aming mga kasalanan, kapara ng pagpapatawad namin sa nakakasala sa amin at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso at iadya kami sa lahat ng masama. ABA GINOONG MARIA Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus. Santa Maria ina ng Diyos, ipanalagin mo kaming mga makasalanan ngayon at sa oras na kami ay mamamatay amen. Luwalhati sa Ama sa Anak sa Diyos Espirito Santo. Kapara ng sa unang una ngayon magpakailanman at magpasa walang hanggan Amen. ANG TANGING ALAY KO Salamat sa iyo,aking Panginoong Hesus, Ako’y inibig mo at inangking lubos. (koro) Ang tanging alay ko sayo aking Ama, Ay buong buhay ko puso at kaluluwa, Hindi makayanang makapagkaloob, Mamahaling hiyas ni gintong tinubog, Ang aking dalangin O Diyos ay tanggapin, Ang tanging alay ko nawa ay gamitin, Ito lamang ama wala ng iba pa akong maihiling. Di ko akalain na ako ay binigyang pansin, Ang taong tulad ko di dapat mahalin, Aking hinihintay ang iyong pagbabalik , Hesus ang makapiling mo’y kagalakang lubos. BUKSAN ANG AMING PUSO Buksan ang aming puso turuan mong mag-alab, Sa bawat pagkukuro lahat ay makayakap, Buksan ang aming isip sikatan ng liwanag, Nang kusang matangkilik tungkuling mabanaag. Buksan ang aming palad sarili’y maialay, Tulungan mong ihanap kami ng bagong malay. Halina Espiritu Santo, kinakailangan kita, sigla at lakas ng mahina, Pag-asa ka naming lahat, Lunas sa hirap ng buhay, Ang tuyo ay diligan, Ang mahina alalayan, Ang may sakit lunasan. ‘ALLELUIA’3X PURIHIN ANG DIYOS ‘ALLELUIA’2X Alleluia 2x Wikain mo Poon nakikinig ako sa iyong mga salita, Alleluia 2x PAGHAHANDOG NG SARILI Kunin mo O Diyos at tanggapin mo, Ang aking kalayaan ang aking kalooban isp at gunita ko, Lahat ng hawak ko ng loob ko ay aking alay sa’yo. Nagmula sa’yo ang lahat ng ito muli kung handog. Patnubayan mo’t paghariang lahat ayon sa kalooban mo. ‘Mag-utos ka Panginoon ko dagling tatalima ako, Ipagkaloob mo lamang ang pag-ibig mo, Ang lahat ay tatalikdan ko PAGMAMAHAL SA PANGINOON Pagmamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan, Ang kanyang kapurihan manatili magpakailanman. Purihin ang Panginoon,Siya’y ating pasalamatan Sa pagsasama at pagtitipon ng kanyang mga anak. Dakilang gawain ng Diyos, karapat dapat parangalan, ng tanang mga taong sumasamba sa kanya. Kahanga-hanga ang gawa ng Diyos ng kaluwalhatian, Handog ay kaligtasan sa atin binigay. PURIHIN ANG PANGINOON (KORO) Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan, At tugtugin ang gitara at ang kaayayang lira, Hipan ninyo ang trumpeta. Sa ating pagkabagabag sa Diyos tayo’y tumawag, sa ating mga kaaway,tayo ay kanyang iniligtas. (koro) Ang pasaning mabigat sa’ting mga balikat pinagaang lubusan ng Diyos na tagapagligtas. (koro) Kaya Panginoo’y dinggin, ang landas niya’y tahakin Habambuhay ay purihin kagandahang loob niya sa atin. (koro) Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Sya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay namang muli. Umakyat sa langit naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon nagmumula ang paririto`t, huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, Sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal; Sa kapatawaran ng nga kasalanan, sa pagkabuhay na mang muli ng nagamatay na tao, At sa buhay na walang hanggan. Amen. (KORO) Kunin at tanggapin ang alay na ito, Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo, Tanda ng bawat puso pagkat inibig mo, Ngayo’y nananalig nagmamahal sa’yo. Tinapay na nagmula sa butil ng trigo, pagkaing nagbibigay ng buhay mo, At ang alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas, inuming nagbibigay lakas. (koro) Lahat ng mga lungkot ligaya’t pagsubok, lahat ng lakas at kahinaan ko, Inaalay kong lahat buong pagkatao ito ay isusunod sa’yo. (koro) Ang bayang inibig mo ngayo’y umaawit sa’yo ay sumamba’t nananalig. Umaasang diringgin ang bawat dalangin sa alay na ito’y nakalakip. (koro) Ngayo’y nananalig nagmamahal sa’yo.