Uploaded by Eleonor Docong

Isang Pananaliksik Sa Mga Suliranin Na K

advertisement
KABANATA III
METODOLOHIYA
Ang metodolohiya ay ginagamit ng mga mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin
ng kanilang pag-aaral o para malaman ang kasagutan sa kanilang suliranin. Ang halimbawa
nito ay ang survey, questionnaire, obserbasyon, pag-eeksperimento, panayam, at iba pa. Ito ay
ginagamit upang makapangalap ng mga datos o impormasyon na may kaugnay sa
pananaliksik.
Dahil sa tamang pagpili ng metodolohiya na gagamitin, makakatulong ito upang mahanap niyo
ang sagot sa inyong suliranin. Dahil rin dito mas magiging eksakto ang sagot na nais naming
malaman. Ang tamang pagpili ng metodolohiya sa pananaliksik ay makakatulong sa pag-aaral
sa pag-interpreta ng mga datos na nakalap upang makabuo ng angkop na rekomendasyon.
Metodolohiya sa Pananaliksik
Ang napili ng aming grupo para sa aming metodolohiya ay:
1. Questionnaire – Ang questionnaire ay isang isang instrumento sa pananaliksik na
binubuo ng kalipunan ng mga katanungan para sa layuning makakalap ng impormasyon
mula sa mga taga-tugon. Ang mga mananaliksik ay gagawa ng mga tanong ukol sa
suliranin ng aming grupo at ito’y papasagutan sa piling mga magulang, estudyante, at
mga guro sa Mataas na Antas ng Paaralan ng Esperanza. Ito ay binubuo ng apat na
tanong para sa mga estudyante at isang tanong para sa mga guro at magulang.
2. Panayam – Ang panayam ay pagkuha ng impormasyon o detalye sa pamamagitan ng
pagtatanong. Isa rin itong instrumento na maaaring gamitin sa pananaliksik upang
makuha ang sagot na nais mahanap ukol sa suliraning napili. Ang mga mananaliksik ay
magtatanong sa mga napiling magulang, estudyante, at guro sa Mataas na Antas ng
Paaralan ng Esperanza (sila rin ang napili na sumagot ng questionnaire). Ito ay
kanilang gagawin upang mas makakuha ng kongkretong sagot o opinyon ukol sa
suliranin na kanilang nais na masagot.
Kalahok sa Pag-aaral



Ang mga kalahok ay ang mga piling estudyante sa Mataas na Antas ng Paaralan
ng Esperanza.
Kalahok rin ang mga piling gurong nagturo sa Mataas na Antas ng Paaralan ng
Esperanza.
Kalahok rin ang mga magulang ng maga estudyanteng nag-aaral sa Mataas na
Antas ng Paaralan ng Esperanza.
Bahagi
A. Paghahanda ng
Pananaliksik
Gawain

B. Paghahanap ng
datos


Pag-iisip at Pagpili
ng suliranin
Paghingi ng oipnyon
sa aming guro at
mga kaklase sa
napili naming
suliranin
Questionnaire
Panayam
C. Pagsusuri



Nominal
Interval
Percentage
D. Enterpretasyon
E. Paghahanda at
Pagsusulat ng datos


Coding
Pagsasamahin ang
mga datos
Ie-enterpreta


Takdang Panahon
2 araw
3 linggo
3 araw
1
3 araw
linggo
- Talahanayan Ng Mga Naging Preparasyon Ng Mga Mananaliksik
Isang Pananaliksik Sa Mga Pangunahing Suliranin Na Kinakaharap Ng Paaralan
Sa Mga Estudyante
Isang pananaliksik na iniharap para kay
Gng. Marlyn Araneta
Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Filipino
Nina:
Aberon Syn C. Kasim
Alibai K. Gayao
Katherene G. Abogar
Aisa A. Adam
Evelyn C. Cabaya
Oktubre 2017
Dahon ng Pagtitibay
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang
“Isang Pananaliksik Sa Mga Pangunahing Suliranin Na Kinakaharap Ng Paaralan Sa
Mga Estudyante“
Ay inihanda ng grupo mula sa ikalabin-isang taon bilang bahagi ng katuparan sa proyekto sa
asignaturang Filipino.
Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng
asignaturang Filipino.
GNG. IMIE SOQUITA
GNG. MARLYN ARANETA
Guro
Guro
G. ESKAK M. DELNA
Punong Guro
Pasasalamat
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal at sa iba
pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong at
kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpay ang pag-aaral na ito.
Sa mga magulang na naglaan ng kanilang oras upang maibahagi ang mahahalagang
impormasyon at kaalaman na aming nagamit sa aming buong pananaliksik.
Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras at masigasig na nakilahok sa pagsagot
nang tapat sa kanilang mga kwestyuner at surbey.
Sa mga guro na hindi rin nag-atubiling magpartisipa sa aming ginawang pananaliksik. Ang
inyong pakikibahagi ay isa sa mga naging rason para malutas namin ng matiwasay ang aming
pananaliksik.
Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikalabin-isang taon na nagtulungan, nagbigay
inspirasyon at suporta upang matapos ang aming pananaliksik.
Kay Gng. Marlyn Araneta, ang aming minamahal na tagapayo sa asignaturang Filipino,
ipinapaabot po namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong walang sawang pagsuporta,
pagtulong, paggabay at pag-unawa sa amin habang isinasagawa namin ang aming
pananaliksik at lalong-lalo na sa pagbabahagi ng inyong kaalaman ukol dito.
Kay Gng. Imie Soquita na aming tagapayo at naging sandalan namin sa lahat ng oras. Naging
inspirasyon at nagbigay ng mga abiso sa ikalulutas nang suliranin ng aming papel.
Sa aming mga magulang na tumulong at umintindi samin sa mga panahong abala kami sa
paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta, pagmamahal,
at inspirasyon sa amin.
Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at
maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming
pananaliksik. Sa pagdinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong kami ay
pinanghihinaan na nang loob na matapos ito sa takdang panahon. Hindi po namin magagawa
ang lahat ng ito kung hindi dahil sa inyo.
Muli, maraming-maraming Salamat po sa inyong lahat.
-
Mga Mananaliksik
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Lagom
Ang ginamit na disenyo ng pangangalap ng impormasyon sa pag-aaral na ito ay deskriptibanalitik. Ito ay isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyong hinggil sa mga
salik na kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa mga
posibleng dahilan ng hindi magandang pang-akademikong pagganap ng mga estudyante sa
unang taon sa Mataas na Antas na Paaralan ng Esperanza. Mga piling mga estudyante lamang
ang napiling maging mga respondente.
Natukoy sa pananaliksik na ito ang mga pangunahing dahilan ng pagbagsak ng mga mgaaral sa Mataas na Paaralan ng Esperanza. Isa sa maraming problema na kinakaharap ng mga
estudyante sa kolehiyo ay ang kanilangh mga propesor. Pangalawa, ang pinanggalingang
paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kurso. Ikatlong maaaring maging suliranin ay ang
pagkuha ng hindi nais na kurso ng isang estudyante. Minsan kasi ay napipilitan lamang silang
kunin ito dahil sa kagustuhan ng magulang o kaya naman ay naiimpluwensyahan ng mga
kaibigan o kapwa kamag-aral. Ito ay nagdudulot naman sa ikaapat na problema – ang kawalan
ng estudyante ng interes sa kanyang kurso. Ang pagpili ng kurso ay napakaimportante sa
buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang magsasaad ng landas na iyong
tatahakin hanggang sa iyong pagtanda. Natukoy rin naman ang ibat-ibang paraan kung paano
nakakapili ng kurso ang isang mag-aaral. Mayroong mga mag-aaral na mga magulang ang
pumipili ng kanilang kurso, mayroon namang nakikisama lang sa kanilang mga kaibigan at
mayroon ding sila mismo ang pumili nito. Kadalasan namang nagbubunga ng katamaran ang
kawalan ng interes ng estudyante.
KONKLUSYON
Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na konklusyon:
a. Ang pangunahing dahilan na nararanasan ng mga respondente sa unang taon ay ang
kahirapan ng kanilang kurso. Maaaring naging resulta ito ng mga pumili ng kanilang
kurso na kanilang mga magulang at ang lugar na kanilang inuuwian marahil ay malayo
mula sa paaralan.
b. Sa asignaturang sipnayan nahihirapan ang mga respondente, sumunod naman dito ay
Agham. Ang resultang ito ay hindi nakakagulat dahil ang kursong kanilang kinuha ay
natural na may mahirap na asignaturang Sipnayan at Agham.
c. Ang kakulangan sa oras sa pag-aaral at katamaran ang pangunahing dahilan kung bakit
nakakaranas ng suliranin ang mga respondente. Masasabi ng mga mananaliksik na ang
katamaran ang kadahilanan kung bakit nagkukulang sa oras ng pag-aaral ang mga
respondente. Bukod sa tamad pa ang karamihan ng mga respondente – nahihirapan din
sila sa asignaturang Sipnayan na kinakailangan ng maraming oras ng pagpapraktis
upang maging magaling sila sa nasabing signatura.
d. Humantong sa mababang grado at pagbagsak sa nasabing asignatura ang mga naging
epekto nito sa pag-aaral ng mga respondente.
e. Maaaring maiwasan ang mga nasabing problema sa pamamagitan ng paglalaan pa ng
mas maraming oras sa pag-aaral, makinig ng mabuti sa guro habang nagkaklase at
pag-iwas sa paglalaro ng kompyuter.
REKOMENDASYON
Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga
mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong ang
mga sumusunod na rekomendasyon:
a. Para sa mga respondente, siguraduhing gusto nyo ang inyong napiling kurso.
Kinakailangan niyong linawin ang gusto niyong mangyari sa hinaharap. Matuto ding
ibalanse ang inyong oras sa pag-aaral at sa iba pang mga gawain.
b. Para sa mga estudyante, marapat na alamin ninyo ang inyong mga prayoridad
upang hindi masayang ang oras sa mga hindin importanteng bagay. Maaaring
gumawa ng sariling iskedyul at maglaan ng sapat na panahon sa pag-aaral.
c. Para sa mga magulang, gabayan lamang ang mga anak sa pagpili ng kurso. Huwag
pilitin ang mga anak sa kursong hindi naman talaga nila gusto dahil ito ay hahantong
sa matinding kahirapan sa kasalukuyan at maaaring maging dahilan pa ng matinding
kalungkutan.
d. Para sa mga guro, pag-aralan kung paano magiging mas interesado ang mga
estudyante sa asignaturang inyong itinuturo upang mas mapadaling makuha ang
atensyon ng mga estudyante sa pag-aaral.
e. Para sa mga sumusunod na mananaliksik tungkol sa paksang ito, pag-aralan ng
mabuti ang mga respondente at kumuha ng mas maraming impormasyon upang
makakuha narin ng mas maraming solusyon sa mga suliranin ng inyong papel.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA BABASAHIN AT LITERATURA
MANILA, Philippines - Ikinabahala ng Department of Education (DepEd) ang patuloy na pagdadrop out sa paaralan ng ilang mga estudyante.
Kinumpirma ni Education Secretary Armin Luistro na patuloy ang pagtigil sa pag-aaral ng ilang
estudyante bunsod ng maraming kadahilanan.
Ilan aniya sa mga ito ay ang pangangailangan ng mga bata na tumulong na sa gawain o
paghahanapbuhay ng magulang dala ng labis na kahirapan, habang ang iba naman ay
maagang nag-aasawa.
Ilan naman umano ang nagda-drop out dahil sa mahinang katawan sanhi ng malnutrition,
paghihikahos sa buhay, at maging matinding problema sa pamilya tulad ng paghihiwalay ng
magulang.
Iniulat rin ng DepEd na apat sa bawat 10 batang tumuntong sa Grade 1 ay hindi
nakapagtatapos sa high school dahil napipilitan silang tumigil sa pag-aaral bunsod ng maagang
naaatang sa kanila ang maraming obligasyon sa pamilya.
Tinayang mahigit sa anim na milyon ang out-of-school youth sa bansa. Kaugnay nito, ikinasa ng
National Youth Commission ang Abot Alam, katuwang ang DSWD at DILG kung saan
hahanapin ang mga out-of-school at aakayin na pumasok sa paaralan.
-
Nagda-drop out na estudyante dumarami
- Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon)
KUNG maghihigpit na ang HPG sa mga tricycle at pedicab na dumadaan sa EDSA, maghihigpit
na rin daw sila sa mga pumaparada sa Ortigas Ave. Ito ang mga sasakyan na sumusundo sa
mga mag-aaral sa La Salle Greenhills. Mistulang parking lot nga ang Ortigas kapag palapit na
ang labasan ng mga mag-aaral. At dahil hindi naman talaga ito paradahan ng sasakyan,
nagiging sanhi ng matinding trapik sa lugar sa mga oras na iyon.
Makikita natin kung talagang mapapatupad ng PNP-HPG ang bagong patakarang ito sa Ortigas
Ave. Karamihan sa mga nag-aaral sa La Salle ay anak ng mga maimpluwensiya at
mayayamang magulang. Kapag mahigpit na ipinatupad na ang paghuli at paghila sa mga
sasakyan na pasaway pa ring paparada sa Ortigas, sigurado may magagalit diyan, sigurado
may aangal diyan, sigurado lalabas ang mga padrino at kilala diyan.
Ito nga ang nagiging problema ngayon ng mga lugar kung saan may mga paaralan. Parami
nang parami taun-taon ang bilang ng mga mag-aaral, pero hindi naman lumalaki ang kanilang
campus, o hindi naman nadadagdagan ang mga paradahan nito. Hindi ko nga alam kung ano
ang gagawin ng La Salle kapag ipinatupad na ang “no parking” sa Ortigas. Hindi naman
puwedeng hindi masundo ang mga bata, lalo na kapag umuulan. Dapat may plano na ang La
Salle at HPG kung paano ang magiging daloy ng trapik ng mga sumusundong sasakyan.
Baka isa sa mga solusyon ay ang school service. Karaniwan ay isang mag-aaral lang ang
sakay ng bawat sasakyang sumusundo sa mga paaralan. Kumpara mo sa school service na
marami ang sakay. Kaya kung 16 na bata ang masasakay ng school service, 16 na sasakyan
ang nabawas na sa kalsada. Alam ko noong araw ay uso ang school bus. Ngayon, parang wala
na akong nakikita. Ang naging daing ng ilang mga kaibigan ko ay kapag malayo ang kanilang
tahanan sa paaralan, mga anak nila ang unang nasusundo papasok at huling nahahatid pauwi,
kaya laging pagod ang mga bata.
Ito ang mga perwisyong dulot ng trapik. Kaya lahat ng maaaring solusyon ay sinusubukan na ng
HPG. Sang-ayon ako sa pagbawal ng mga tricycle at pedicab, hindi lang sana sa EDSA kundi
sa iba pang mga pangunahing kalsada tulad ng Quezon Ave., Katipunan at Aurora. Sang-ayon
din ako na ipagbawal na ang pagparada ng mga sasakyan sa Ortigas, partikular ang pagsakop
nila ng tatlo o apat pa ngang lane ng kalsada. Pero kailangan may solusyon din para sa mga
sumusundo ng mga bata.
-
- Problema ng mga paaralan ngayon
K KA LANG? Ni Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon)
Pagliban… isang malaking suliraning kinakaharap ng mga kabataang mag-aaral sa
kasalukuyan. Ngunit paano nga ba natin ito masusulusyunan? Ano ang masasamang epekto
nito sa ating mga kabataan? Ano ang mga sanhi at bunga nito? At bilang isang mag-aaral,
paano nga ba ako makakatulong sa pagsugpo nito? Papaano maiiwasan ito? Sa papaanong
paraan ito masusulusyunan ng mga ahensya ng pamahalaan? Marahil, isa sa mga nalalaman
kong dahilan nito ay ang KAHIRAPAN.
Marami sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin man nilang
makapasok sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon upang makapasok. Ikalawa ay ang
PROBLEMA SA PAMILYA. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa mga mag-aaral ay
nakakaisip ng mag-cutting classes dahil sa sama ng loob sa mga magulang. Away siguro ng
away ang kanyang mga magulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang sa mga ito. At
ang panghuli ay ang IMPLUWENSIYA NG MASASAMANG BARKADA, ang masamang dulot ng
modernong kabataan na isa ring suliranin ng bayan. Maraming masasamang epekto ang
nakikita ko sa suliraning ito.
Una sa lahat, pag madalas na ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ng
kanyang tagapayo. Sumunod dito ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyang nasimulang pagaaral. Liliit ang pagkakataon nitong magkaroon ng maayos at marangal na pamumuhay sa
hinaharap. Maaari pa silang maging tambay lang sa tabi-tabi at malulong sa mga krimen. Dahil
naniniwala ako na ang pagkakaroon ng EDUKASYON pa rin ang ating magiging gabay sa pagunlad at ito lamang ang pamanang mananatiling taglay natin sa pagtahak natin sa panibagong
yugto ng ating buhay. Bilang isang mag-aaral, dapat siguro na ipagbigay-alam sa mga
magulang kung ano ang dahilan ng pagliban ng anak sa klase. Nararapat din na intindihin ng
guro ang kalagayan ng mag-aaral kung may kinakaharap man itong problema. Dapat din nating
kausapin ito ng maayos upang mailantad ng mga mag-aaral ang mga problemang kinakaharap
nito.
Sa aking palagay, nararapat siguro na magbigay ng mga scholarships ang pamahalaan para
sa mga deserving students. Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral
sa klase. Pero para sa akin, ang PAGMAMAHAL AT PAGGABAY pa rin ng mga magulang ang
mabisang paraan upang malunasan ito. Dahil kung pupunan ng mga magulang ng pagmamahal
ang kanilang mga anak ay hindi na nila maiisip na magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ay
PAGBUTIHIN pa ito.
-
PAGLIBAN, ISANG SULIRANIN NG KABATAAN
- Ni Paul Aries A. Estrella
Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga estudyante ang binabalewala nalang ang
pagpasok sa klase. Minsan ang kadahilanan nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada
o kung minsan naman ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral.
Sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pagasa ng bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo
ay tumutungo sa maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang
kinabukasan.
Alam natin na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa ating
kinabukasan. Marami silang nalilibanang mga paksa sa klase, at dahil dito, makakaapekto ito sa
kanilang mga grado at maari rin tong maging dahilan upang bumagsak sila at umulit nanaman
sa asignaturang iyon.
-
Filipino “Isang Kabataan”
“batang bata ka pa at marami ka pang
kailangang malaman at intindihin sa mundo,
…iyan ang totoo”.
Mga salita mula sa isang klasikong awitin ng grupong APO Hiking Society na tumatalakay sa
kakulangan pa sa kaalaman sa mga bagay bagay sa mundo ng mga kabataan. Subalit tila sa
panahon ngayon, sa dami ng maaaring panggalingan ng impormasyon at maging sa pananaw
na rin ng nakatatanda ay tila nawawala na ang kahulugan nito.
Sa internet maging sa social and traditional media araw araw tayong inuulanan ng iba’t ibang
impormasyon. Kadalasan sa hindi, walang kontrol ang mga impormasyon na nakukuha ng
kabataan kung kaya humahantong ito sa maling pag-aakala na alam na nila ang lahat ng
bagay.
Marami tayong makikita sa mga social networking sites na mga bata na may mga account na
kung hindi sila ang gumawa ay mismong mga magulang pa ang bumuo para sa kanila.
Puedeng ito ay para sa komunikasyon rin lalo na kung nasa malayong lugar ang magulang.
Wala sigurong problema kung nababantayan ng maigi ang mga kabataan sa paggamit ng mga
sites na ito. Pero mas madalas na hindi sila naoobserbahan.
Maraming bagay ang nakikita rito. Ang mga bagay na ito ay nagkakaroon ng iba't ibang epekto
sa isipan ng mga nasa menor de edad. Maaaring ito ay mabuti, pero maaari ring masama.
Makikita pa natin minsan na sa mga usapang pang-matanda ay may mga bata na “sumasali” na
sa usapan at kadalasan pa ay makikipagtalo sa mga higit na nakakatanda sa kanila. Wala na
yung panahon noon na pag sumasagot ang bata sa matanda o kaya ay sumasabat sa kanilang
usapan ay siguradong mapapagalitan o di kaya ay mapapalo.
At isa sa malalalang pangyayari na dahil sa kawalan ng pagantabay ay ilang beses na ring may
mga kabataang napahamak at napariwara sa walang disiplinang paggamit ng social networking
sites.
Malaki na ang pinagbago sa uri ng pagdidisiplina sa kabataan. Nakikitang “marahas” ng marami
kung paano dinidisiplina ang mga kabataan noon kumpara sa ngayon. May ilan pa na may
batayan pang mga pag-aaral sa psychology ang pagpuna sa pagdidisiplina sa kabataan at
kadalasan na ang pag-aaral na ito ay galing sa kanlurang bahagi ng mundo. Ang “child
spanking” bilang bahagi ng disiplina ay mas laganap rin sa silangang bahagi ng mundo tulad
dito sa tin sa Pilipinas maging sa malaking bansang tulad ng China. May mga aklat pang
naisulat patungkol sa ganitong uri ng pagdisiplina at paanong nahubog ang pagkatao ng
sumulat nito. Sa west naman,sa panahon ngayon ay maaaring ika-kulong pa ng mga magulang
kung pagbubuhatan ng kamay ang kanilang anak. Maaari pa itong mangyari kapag ang anak pa
mismo ang nagsumbong sa kinauukulan at pag naipasa pa ang isang sinusulong nilang batas,
maaari pa itong humantong sa "habambuhay na pagkakakulong" sa magulang.
Sabi sa ilang pag-aaral na nagbubunga raw ng “anxiety and aggression” sa kabataan ang
pagbubuhat ng kamay sa kanila. Sa paglaki raw ng kabataang napapalo ay mas malaki ang
tsansa na maging mas agresibo at bayolente sila kumpara sa hindi. Tulad ng nabanggit sa
itaas, hindi normal sa kanluraning mga bansa ang pamamalo ng anak bilang pagdisiplina. Pero
bakit tila mas marami tayong nalalamang mararahas na mga krimen na ginagawa ng
kabataan sa mga bansa tulad ng Amerika? May mga namamaril, nambubugbog at pumapatay
ng hindi lang iisang tao kadalasan at ang gumagawa ay mismong kanilang mga kabataan. Mas
nakikita rin natin ang pagiging mas agresibo at kadalasang pagsuway sa magulang kumpara sa
mga kabataan sa mga bansa sa silangan. Pero sa panahon ngayon, tila dun na rin papunta ang
ating bansa sa ganoong sitwasyon.
Dalawang bagay ang mainit na napaguusapan sa ating bansa ngayon na nauukol sa kabataan,
una ang “Juvenile Justice Law” at pangalawa ay ang ruling ng Dep Ed sa teachers na “Bawal
Sumimangot”. Sa Juvenile Justice law, maraming karapatan ng kabataan ang pinatibay sa
kabila ng kanilang maaaring pagkasangkot sa krimen. Hindi sila maaaring kasuhan at itrato na
tulad ng matatanda na nagkasala sa parehong krimen at kung sakali man na gumawa ng di
maganda ang biktima o kahit sino laban sa mga batang nagkasala ay maaari pa silang kasuhan
ng child abuse. Sa “bawal sumimangot rule" naman ng DepEd ay pinagbabawal na ang
pagsimangot ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Hindi ko lang alam kung kahit tipong
may dysmenorrhea, migraine sila o talagang may ginawang kabulastugan ang mga bata ay
bawal pa rin silang sumimangot.
Sa ngayon ay napakarami nang kabataang nasasangkot sa krimen. Gaya ng mga tinaguriang
“hamog boys” na nagnanakaw sa mga pumapasadang drivers at kadalasan ay nananakit pa.
Meron ding mga pumapatay at nanggagahasa pa. Talagang kalunos lunos ang sitwasyon ng
mga kabataang ito. Ang tanong ay nasan kaya ang kanilang mga magulang? Hindi ba nila
kayang kontrolin o disiplinahin ang kanilang mga anak hanggang humantong sila sa ganito?
Sa kabilang banda naman, ipinagbabawal na daw ang pagsimangot ng mga guro sa mga magaaral sa kadahilanang marami ang “nadidiscourage” na mga kabataan at nahahantong pa ito sa
kawalan ng gana na mag-aral. Pinakita pa sa isang balita na may isang kinse anyos na bata na
hindi na pumasok sa eskwela dahil palaging pinapagalitan ng guro at maging ng principal.
Grade 2 lang ang inabot ng batang ito. Ano kaya ang ginawa ng magulang at hinayaan na
ganito na lang ang abutin ng kanilang anak? Kung pinag-iinitan man ang kanilang anak, ano
kaya ang dahilan? At bakit hindi nila kinausap man lang ang guro at ang kanilang anak para
maayos ito?
Sa aking karanasan, marami akong mga naging guro na masasabi nating “terror”. May ilan na
matalim talaga ang mga salitang binibitawan at may ilan pa na may mga pisikal na
pagdidisiplina sa estudyanteng matigas talaga ang ulo tulad ng pagpalo sa kamay, pag pingot ,
pagpapalabas sa klase at iba pa. Subalit ang mga gurong ito ang siya ring mas tumatak at
nakapagbigay ng disiplina sa maraming mag-aaral na kanilang nahawakan.
Sa dalawang kautusang ito ay para nating ginapos ang kamay ng dalawang ahensya para
disiplinahin ang ating kabataan. Una ang kapulisan at pangalawa ay ang mga paaralan. Inalisan
natin ng ngipin ang mga ito para disiplinahin sana sa maling gawa ng ating mga kabataan. Ayos
sana ito kung sa mga tahanan pa lamang ay nadidisiplina nang maigi ng mga magulang ang
kanilang mga anak. Subalit ayon na rin sa ating mga nakikita sa paligid ay humahantong pa sa
mas malalang bagay ang dulot ng kawalan ng disiplina ng mga bata mula sa mga pabayang
magulang.
Kung hindi kayang disiplinahin ng maraming magulang ang kanilang mga anak, at aalisan pa
natin ng kakayahang disiplinahin ng lipunan ang ating mga kabataan, sino na lang ang
matitirang magdidisiplina at magtuturo ng tamang pamumuhay sa mga musmos na kaisipan?
-
Saan Patungo ang Lumalalang Disiplina ng Kabataan?
Sa Pilipinas, matapos magsimula ang pagbubukas ng klase sa mga eskuwelahan noong
nakaraang buwan ng Hunyo ay marami pa rin ang mga balakid sa pag-aaral ng mga estudyante
sa loob at labas ng eskuwelahan.
Maraming bagay na nakakatukso at nagiging dahilan ng pagbagsak sa klase ng isang
estudyante:
1. Ang paglalakwatsa, lumi-liban sa klase kahit mag-isa lang ay natututunan ang mamasyal at
maglibang sa mga Malls o kadalasan ay may kasama rin na mga kaklase at kabarkada.
Ginugugol nila ang kanilang oras sa pagtambay o panonood ng sine.
2. Pag-uwi ng bahay ang labis na panonood ng telebisyon at pagkagising sa umaga, bubuksan
ang cellular phone magti-text o gagamit ng internet para makapag-facebook. Gagamit ng
computer hindi upang magri-research ng kanilang assignment kundi maglaro ng DOTA.
3. Napupuwersa sa sobrang dami ng takdang-aralin na ibinibigay ng ilang paaralan, at ito ang
nagiging dahilan ng pagkawala ng interes ng isang estudyante sa pag-aaral lalo na kung
nauuwi sa wala ang kanilang pagsusumikap.
4. Ang pakikipagrelasyon ng maaga sa kapuwa estudyante ay nagbibigay ng kaguluhan o
kalituhan ng isipan lalo na kung ang kanilang karelasyon ay sobrang demanding sa oras para
magkasama sila. Nawawalan na ng oras sa pag-aaral at sa karelasyon na lang nabubuhos ang
panahon.
5. Problemang dumarating sa murang isipan ng isang estudyante na nakababagabag ng
kanyang isipan. Mga problema sa personal life n’ya, problema sa pera at sa magulang, mas
mahirap kapag pumasok ang problema sa kanyang karelasyon, madaling maapektuhan ang
pag-aaral ng isang estudyante kapag may problema s’ya sa puso.
6. Walang pokus sa pag-aaral lalo na at mas higit na binibigyan ng pansin ang mga materyal
na bagay o ibang pagkakaabalahan.
7. Kawalan ng pananagutan sa ginagawang pag-aaral. Walang pakialam sa magiging resulta
ng kanyang kapabayaan sa mga subjects n’ya. Mas gusto pa na kasama ang mga kabarkada
kaysa sa mag-aral.
-
MGA DAHILAN KUNG BAKIT BUMABAGSAK SA KLASE
Public school personnel, most especially teachers, are at the very forefront of the delivery of
education to millions of students, day in and day out. With large class sizes, multiple shifts each
day, and the heavier tasks they have to assume under K to 12, any one of them can attest that
instilling discipline in their classrooms has become increasingly difficult.
This heavy burden of teachers is aggravated by the lack of institutional support in the form of
standards in classroom management, training on these standards and the permissible and
effective methods of instilling discipline, guidance counselors to act as support personnel, and
legal assistance and representation.
While child protection is indispensable, teacher protection is also a must. To this end, this bill
seeks to lay down institutionalized support mechanisms for teachers and school personnel in
matters of classroom management and student discipline. The first is a mandate on DepEd to
issue and implement a student manual. DepEd is also proposed to provide pre-service and inservice training for DepEd personnel on child behavior and psychology, classroom management
techniques, positive discipline, and other related fields.
Also proposed are measures to protect teachers and school personnel in cases related to
student discipline and classroom management, including legal assistance and representation by
counsel and union or association representatives. Furthermore, confidentiality of proceedings
and the identity of all parties are directed.
-HOUSE BILL NO. 5735
Student Discipline and Teacher Protection Act
Introduced by
ACT Teachers Party-List Representative Antonio L. Tinio
https://www.teacherph.com/student-discipline-teacher-protection-acthouse-bill-no-5735/
-
http://filipinotheis102.blogspot.com/p/epekto-ng-madalas-na-paglibanngmag.html
http://cariazo.blogspot.com/
http://theignoredgenius.blogspot.com/2012/0
5/saan-patungo-ang-lumalalang-disiplina.html
Download