KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Modyul 1: Mga Batayang Kaalamang Metalinggwistika sa Pag-aaral ng Filipino Bb. Eleonor M. Docong, LPT Guro sa Filipino College of Engineering and Technology 2020 VISION A provide of relevant and quality education to a society where citizens are competent, skilled, dignified and community- oriented. MISSION An academic institution providing technological, professional, research and extension programs to form principled men and women of competencies and skills responsive to local and global development needs. QUALITY POLICY Northwest Samar State University commits to provide quality outcomes-based education, research, extension and production through continual improvement of all its programs, thereby producing world class professionals. CORE VALUES Resilience. Integrity. Service. Excellence. INSTITUTIONAL GRADUATE OUTCOMES Creative and critical thinkers Life-long learners Effective communicators Morally and socially upright individuals MODYUL 1 Pamagat ng Modyul: Mga Batayang Kaalamang Metalinggwistika sa Pag-aaral ng Filipino Deskripsiyon ng Modyul: Nilalaman ng modyul na ito ang pangkalahatang kaalaman at konseptong metalinggwistika sa pag-aaral sa Filipino. Tatalakayin ang mga konseptong pangwika at mga konseptong pangkomunikasyon na magsisilbing pondasyon sa pagkakatuto ng kurso. Layunin ng Modyul: Nilalayon ng modyul na ito na matukoy ang pangkalahatang batayang kaalaman sa metalinggwistikang pag-aaral sa Filipino upang malinang ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wika at pagkakaroon ng mabisa at makabuluhang komunikasyon. Giya ng Modyul: Kalakip ng modyul na ito ay ang inihandang hand-out para sa mga mag-aaral upang magsilbing gabay sa pagkatuto ng mga paksang tatalakayin sa mga aralin at gawain. May mga larawan at talahanayan ang modyul at naitala din ang mga sangguniang ginamit. Bungang Inaasahan ng Modyul: Inaasahan ang mga mag-aaral na matukoy ang pangkalahatang batayang kaalaman sa metalinggwistikang pag-aaral sa Filipino at malinang ang pagpapahalaga sa wika at sa mabisang komunikasyon. Pangangailangan ng Modyul Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan ang mga mag-aaral na: makabuo ng sariling pagpapakahulugan sa wika batay sa kanilang sariling karanasan at makabuo pakikipagkomunikasyon. itinakda. ng sariling modelo ng proseso sa Inaasahan na maipasa ang gawain sa petsang Plano ng Pagkatuto Bilang ng Leksiyon: 2 Pamagat ng Leksiyon: Mga Batayang Kaalamang Metalinggwistika sa Pag-aaral ng Filipino Tumbukin Natin: Nilalayon ng modyul na ito na matukoy ang pangkalahatang batayang kaalaman sa metalinggwistikang pag-aaral sa Filipino upang malinang ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wika at pagkakaroon ng mabisa at makabuluhang komunikasyon. Magsimula Tayo: Malaki ang ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng mga tao. Sa loob ng Diverging Radial, isulat ang kahalagahan ng wika sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa. Wika Simulan Natin: Inaasahan ang mga mag-aaral na matukoy ang pangkalahatang batayang kaalaman sa metalinggwistikang pag-aaral sa Filipino at malinang ang pagpapahalaga sa wika at sa mabisang komunikasyon. Magbasa/Manood Tayo: ARALIN 1: MGA KONSEPTONG PANGWIKA Kahulugan ng Wika Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Ito ang buhay ng tao. Ito ang pangunahing kasangkapan upang maipahayag ang iyong kaisipan at saloobin. Kung may impormasyong ka mang nais sabihin sa iba, o may anumang pagtutol o reklamong nais ipahayag, o may damdaming nais ipagtapat, o may pasalita o pasulat na pahayag na nais suriin, wika ang magsisilbi mong instrumento. Wika ang ginamit ng mga naunang henerasyon sa kodipikasyon ng mga kaalamang natuklasan nila at pagsasalin ng mga ito sa kasunod na salinlahi. Wika ang gamit ng tao sa pagbuo ng mga batas na kokontrol sa kilos at titiyak ng kaayusan. Wika ang gamit sa pakikipagkalakalan upang maisara ang mga transaksiyon; sa medisina, upang matukoy ng manggagamot ang sakit ng pasyente at maipaliwanag dito ang lunas; sa relihiyon, upang maipahayag ng mga sumasamba ang kanilang pananampalataya; at sa edukasyon, upang mabisang makapagtalastasan ang guro at estudyante. Wika ang nagtititik ng panitikan, kasaysayan, sining, at mga agham. Kung wala ang wika, masasabing marahil ay patay rin ang daigdig dahil magsasarili lamang ang mga tao at mawawalan ng paraan upang makipagkomunikasyon sa kaniyang kapwa. Nabigyang kahulugan na ang wika sa iba’t ibang paraan. Pinakatampok sa mga ito ang sinabi ni Gleason (1961) na ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.” – Webster 1990 “Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar para sa isang partikular na layunin na ginagamit ng mga berbala t biswal na signal para makapagpahayag.” - Bouman 1990. “Ang wika ay palantaan ng identidad ng isang bayan.”- Lumbera 2014. Ayon naman kay Constantino (1996), “ang wika ang siyang pangunahing instrument ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang kaniyang instrumental at sentimental na mga pangangailangan.” Ayon kay Salazar (1996), “ang wika ang ekspresiyon, mga imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian.” Katangian ng Wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas – sistematikong paraan ang pagsasaayos ng tunog o mga tunog upang bumuo ng makabuluhang yunit gaya ng salita, ng parirala, ng pangungusap o ng isang diskurso 2. Ang wika ay sinasalitang tunog – Ang wika ay sinasalita. Ang paraang pasulat ay representasyon lamang ng mga tunog na sinasalita 3. Ang wika ay komunikasyon – Ito ay behikulo ng pakikipagtalastasan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. 4. Ang wika ay pantao – Ang wika ay para sa, ukol sa, at gamit lamang ng tao. Iba ang wika sa ungol o huni ng hayop. 5. Ang wika ay kaugnay ng kultura – Ang wika at kultura ay palaging magkaugnay. May sapat na wika o mga salitang pantawag sa bawat gawain, pamumuhay at kultura ng tao. 6. Ang wika ay natatangi – Bawat wika ay may sariling set ng mga makabuluhang tunog, mga yunit panggramatika, at sariling sistema ng palabuuan ng mga salita at palaugnayan 7. Ang wika ay malikhain – May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap. Habang patuloy na ginagamit ng tao ang wika, patuloy na makakabuo ng bagong pahayag. 8. Ang wika ay patuloy na magbabago – Patuloy na nagbabago ang pamumuhay ng tao, tulad din ng wika. Kailangan ang pagbabagong ito para sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya. Barayti ng Wika DAYALEK –Ang dayalek o dialect ay uri ng pagsasalita na nabubuo ayon sa heograpikong kinabibilangan ng mga mamamayan. Karaniwang ang pagtanggap sa wikang dayalek ay ayon sa rehiyon, lalawigan, o bayan na kinaroroonan. Halimbawa: Ang pangungusap na “Anong pangalan mo?” ay maaaring sabihin sa iba’t ibanng dayalek. • Tagalog: Ano ang pangalan mo? • Kapampangan: Nanong lagyu mo? • Ilokano: Anya ti nagan mo? • Waray: Hino ang ngaran mo? IDYOLEK –nakaayon ito sa istilo sa pagpapahayag at pananalita. Karaniwang naririnig ito sa mga sikat na personalidad na nag-iiwan ng marka sa pagbitaw ng kanilang linya sa mga programa at pelikula nila. Halimbawa nito: • “May tama ka!” –Kris Aquino • “Walang Himala” –Nora Aunor • “Handa na ba kayo?” –Korina Sanchez SOSYOLEK –nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Ayon kay Rubrico (2009), “ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng isang istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Mga halimbawa: • Eow pfouh? Muztah nah? (jejemon) • Echoserang frog ka. Chinorva mo akez. (Beki/Gay) • OMG! So init naman here. (Conyo language) • BTW, JWU. Need something to do. BRB. (Millennial online language) EKOLEK –tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng tahanan at kadalasang tumatatak sa mga bata. Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-usap arawaraw. Mga halimbawa: • Mom, Dad/ Nanay, tatay/ Mommy, daddy • Pamingganan/ platuhan, lagayan ng kubyertos • Mamam/tubig ETNOLEK –batay ito sa mga etnolonggwistog pangkat sa Pilipinas. Ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa kanila ngunit naging tanyag na rin para sa ibang lahi o pangkat. Mga halimbawa nito: • Vakuul –pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o Ivatan • Palangga –mahal, iniirog, sinta • Kalipay –ligaya, saya, tuwa • Magayon –maganda, kaakit-akit CREOLE –pagkakahalo ng wika o salita ng mga indibidwal mula sa magkaibang lugar o bansa. Mga kataga at pangungusap sa wikang chavacano (Tagalog + Kastila): • “Adios!” – (Paalam) • “Buenas noches” – (Magandang Gabi) • “De donde lugar tu?” – (Taga saan ka?) PIDGIN –wikang ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa upang magkaintindihan. Tinagurian din ang pidgin bilang “nobody’s native language ng mga dayuhan. Itinuturing din itong bilang make-shift language o wikang pansamantala lamang. Mga halimbawa nito: 5 • I am… you know (English Carabao o pagsasalita ng English na hindi tuwid o wasto) • “Ikaw bili sa kin daming tikoy…” (Chinese na sumusubok mag-Filipino) • “What’s up, madrang piporrr…” (Koreanong si Ryan Bang sa Its Showtime) REGISTER –wikang ginagamit lamang sa isang particular o espisyalisadong domain. May tatlong uri ng dimensiyon ang barayting register. 1. Field o larangan –ito ay tumutukoy sa larangan o kabuhayan ng taong gumagamit nito. Masasabi ring ang ‘jargon’ ng mga larangan o field ay kasama sa dimensyong ito. 2. Mode o modo –nababatid kung paano isinagawa ang komunikasyon. 3. Tenor –nakaayon sa relasyon ng mga gumagawa ng komunikasyon o paguusap. Halimbawa: • ENT (ears, nose, and throat) –medical jargon • OOTD (oufit of the day) –internet jargon • Hu u? txtbak –paraan ng pagte-text ng mga Pilipino • Erpats, alaws na tayo makain. –mga salitang binabaligtad Tungkulin/Gampanin ng Wika Tungkulin/Gampanin Instrumental Regulatori Interaksyunal Personal Pang-imahinasyon Heuristiko Impormatibo Kahulugan Ang wikang ginagamit upang mabigyang tugon ang mga pangangailangan Ang kumokontrol/gumagabay sa kilos at usal ng iba Ang wikang nakapagpapanatili/nakapagpapatatag ng relasyong sosyal. Ang wikang ginagamit upang maipahayag ang sariling damdamin o opinyon Ang wikang ginagamit upang makapagpahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan Ang wikang ginagamit upang maghanap ng mga impormasyon o datos Ang wikang ginagamit upang makapagbihay ng impormasyon Halimbawa Pakikuha mo ako ng isang basong tubig Ipasok mo na sa garahe ang kotse Gusto mo bang sumabay sa akin sa pagpasok? Mas gusto ko ang pulang kamiseta kaysa sa asul. Ang trapiko ay simponiya. Ano ba ang kinakain ng mga tarsier? Binubuo ng sampung katao ang aming mag-anak Antas ng Wika A. Pormal - Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng nakararami lalo na ng nakapag-aral ng wika. 1 Pampanitikan - mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang malalalim, matatayog, makukulay, matalinhaga at masining. (Hal: ilaw ng tahanan, kabiak ng puso) 2. Pambansa - mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan (Hal: ina, asawa) 6 sa B. Impormal - Ito ang mga salitang karaniwan at pang-araw-araw na ginagamit pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa ating mga kaibigan at kakilala. 1. Kolokyal - Ito ang mga pang-araw-araw na salitang may kagaspangan at pagkabulgar bagamat may anyong repinado. (Hal: mama, misis/mister) 2. Lalawiganin - Ito ang mga bokabularyong pangdayalekto. Sinasalita ito sa isang partikular na lalawigan. Makikilala ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono o kilala sa tawag na ‘punto’. (Hal: iroy, esposo/a) 3. Balbal - Inimbento ito ng iba’t ibang grupo kaya’t naging parang ‘code’ na sila lamang ang nagkakaintindihan. Hindi nagtatagal ang wikang ito. Karaniwang tinatawag itong ‘salitang kanto’, ‘salitang kalsada’, gay lingo, at iba pa. (Hal: ermat, labidubs) Isagawa Natin Gawain 1: Pagbibigay Katuturan PANUTO: Bilang isang mag-aaral ng wika, marapat lamang na may taglay kang sariling pagpapakahulugan kung ano ang wika. Mula sa mga pagpapakahulugan ng mga dalubhasa ukol sa wika, gumawa ng sariling pagpapakahulugan nito at ipaliwanag. Dalubhasa ukol sa Wika 1. Gleason 2. Webster 3. Bouman 4. Constantino 5. Salazar Sariling Pagpapakahulugan/Paliwanag Magbasa/Manood Tayo: ARALIN 2: MGA KONSEPTONG PANGKOMUNIKASYON Panoorin sa Youtube ang mga kaalamang hatid ni Paulo Luis S. Zipagan na may pamagat na WikAlaMoBa Ep. 5: Komunikasyon sa link na ito – https://youtube.be/xyLBDQoVDEQ Pagkatapos ng panonood ay isagawa ang gawain 2. Isagawa Natin Gawain 2: Modelo ng Komunikasiyon PANUTO: Gumawa ng sariling modelo ng Proseso ng Komunikasyon sa pamamagitan ng dayagram. Maging malikhain at magbigay ng maikling paliwanag tungkol sa binuong proseso. Post-Test ng Modyul Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano kaya ang mangyayari kung mawawala ang wika? 2. Bakit mahalaga para sa iyo ang wika? Ipaliwanag. 3. Paano magiging mabisa ang komunikasyon? Ano-ano ang mga dapat ikonsidera? Sanngunian: Antonio L., Semorlan T., Mariño F. (2010). Retorika: Masining na Pagpapahayag. Quezon City: C & E Publishing, Inc Badayos P., Francisco C., Carreon M., Escoto M., Medellin J., Rosales G. (2011).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc Lorenzo C., San Juan G., de Leon Z., San Juan C., Mag-atas R.(2008) .Sining ng Pakikipagtalastasan, Panlipunan (Pangkolehiyo). Mandaluyong City: Cacho Hermanos Reyes A., Magahis H. (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Diwa Learning Systems Inc. https://wika101.ph/barayti-ng-wika/ https://youtube.be/xyLBDQoVDEQ