MGA PARAAN UPANG MAIWASAN ANG PAGPUPUYAT AT MAGKAROON NG SAPAT NA TULOG Ang patuloy na kakulangan sa tulog o mahinang kalidad ng pagtulog ay maaaring magpapataas ng posibleng panganib sa kalusugan. Maaari ito magresulta ng mga sakit gaya na lamang ng cardiovascular disease, high blood pressure, diabetes, depression, at obesity. "Ang kakulangan rin sa pagtulog ay maaring magresulta sa pagkalimot ng mga simpleng detalye at bagay, iba't ibang klaseng problema sa memorya, at higit pang pagkahulog o aksidente." mga paraan upang mas makatulog ng maayos: "Matulog at gumising sa parehong oras araw-araw, kahit na sa katapusan ng linggo." "Iwasang tulugan o hayaang nakabukas ang mga gadyets o cellphone, iwasan rin ang paggamit nito bago matulog, ang mga kagamitang ito ay nagsisilbing sagabal sa pagkakaroon ng sapat na tulog sa gabi." "Mag-ehersisyo sa mga regular na oras bawat araw, huwag mag ehersisyo sa gabi o sa oras ng iyong pagtulog." "Ang pagbabasa bago matulog ay pwede ring makatulong sa pagkakaroon ng maayos na tulog, mas pinabababa nito ang possibleng pagkakaroon ng insomia at pagtaas ng lebel ng stress" "Iwasan ang pagkain ng marami o diya'y sobra sa gabi, iwasan din ang pag inom ng kape, paninigarilyo o pagiinom alkohol sa hapon." MA. NINA CAMILLE A RAMIREZ 1-BSA FILIPIN,477 BB. JOAN AMANDE SANGGUNIAN: https://www.nia.nih.gov/health/infographics/getting-good-nights-sleep