Kabanata V Paglalagom ng Natuklasan, Konklusyon, at Rekomendasyon Lagom ng Natuklasan Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang kabatiran at kaalaman sa Ortograpiyang Filipino 2014 ng mga mag-aaral ng Batsilyer sa Sekundaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Ikaapat na taon. Hangad ng mga mananaliksik na mabigyang kasugatan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Gaano kabatid ng mga mag-aaral ng ikaapat na taon ng BSED FL ang nilalaman ng Ortograpiyang Filipino 2014 kabilang ang mga sumusunod: 1.1 Grafema 54.32% ng respondente ang batid na batid ang Grafema, 44.27% ang may sapat na kabatiran at 1.19% naman ang walang sapat na kabatiran sa usaping grafema ng ortograpiyang 2014. 1.2 Pantig at Palapantigan 58.21% ng mga respondente ang nagsabing batid na batid nila ang Pantig at Palapantigan, 30.71% sa mga respondente ang mayroong sapat na kabatiran at 0.95% naman ang walang kabatiran. 1.3 Pagbaybay na Pasalita 44.94% ng respondente ang batid na batid ang pagbaybay na pasalita, 49.11% ang may sapat na kabatiran at 5.95% naman ang walang sapat na kabatiran sa usaping pagbaybay na pasalita sa Ortograpiyang Filipino 2014. 1.4 Pagbaybay na Pasulat 8.24% ng mga respondente ang nagsabing batid na batid nila ang pagbaybay na pasulat, 54.85% sa mga respondente ang mayroong sapat na kabatiran at 37.87% naman ang walang kabatiran. 1.5 Kasong Kambal-patinig 3.57% ng mga respondente ang nagsabing batid na batid nila ang Kambalpatinig, 25% sa mga respondente ang mayroong sapat na kabatiran at 73.43% naman ang walang kabatiran. 1.6 Kambal-katinig at digrapong SK, ST, SH, KT 8.93% ng respondente ang batid na batid ang kambal-katinig o digrapo, 50% ang may sapat na kabatiran at 41.07% naman ang walang sapat na kabatiran sa usaping kambal-katinig o digrapo sa Ortograpiyang Filipino 2014. 1.7 Palitang E/I at O/U Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, mula sa ikaapat na taon ng Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino na may kabuuang bilang na dalawampu’t walo (28), ang naging resulta sa kanilang kabatiran sa Ortograpiyang Filipino 2014 sa usaping pagpapalitan ng E/I at O/U ay nagpapakita ng 13.77% sa kanila ay may higit na kabatiran samantalang mayroong 69.38% ang may sapat na kabatiran at 16.83% naman ang walang kabatiran sa nasabing paksa. 1.8 Pagpapalit ng D tungo sa R Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik mula sa ikaapat na taon ng Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino na may kabuoang bilang na dalawampu’t walo (28), ang naging resulta sa kanilang kabatiran sa Ortograpiyang Filipino 2014 sa usapin ng pagpapalitan ng “D” at “R” ay nagpapakita ng 41.07% sa kanila ang may kabatiran, 53.57% naman ang may sapat na kabatiran at 5.36% ang nagsasabing wala silang sapat na kabatiran. 1.9 Kailan “ng” at kailan “nang” Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik mula sa ikaapat na taon ng Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino na may kabuuang bilang na dalawampu’t walo (28), ang naging resulta sa kanilang kabatiran sa Ortograpiyang Filioino 2014 sa usapin ng tamang paggamit ng “Ng” at “Nang” ay nagpapakita ng 32.14% sa kanila ay may higit na kabatiran, 67.86% naman ang may sapat na kabatiran at walang nagsabing (0) sila ay walang kabatiran. 1.10 Pagbabalik sa mga tuldik Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik mula sa ikaapat na taon ng Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino na may kabuuang bilang na dalawampu’t walo (28), ang naging resulta sa kanilang kabatiran sa Ortograpiyang Filipino 2014 sa usapin ng pagbabalik ng tuldik ay nagpapakita ng 7.14% ang nagsasabing sila ay may higit na kabatiran, 46.94% naman ang may sapat na kabatiran at 45.92% ang nagsasabing wala silang kabatiran. 1.11 Mga wastong gamit ng gitling Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik mula sa ikaapat na taon ng Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino na may kabuoang bilang na dalawampu’t walo (28), ang naging resulta sa kanilang kabatiran sa Ortograpiyang Filipino 2014 sa usapin ng wastong gamit ng gitling ay nagpapakita ng 26.19% sa kanila ang nagsasabing sila ay may higit na kabatiran, 65.18% naman ang may sapat na kabatiran at 8.63% ang nagsasabing wala silang kabatiran. Sa kabuoan, batay sa mga isinagawang pamamaraan ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos, masasabi natin na ang mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon na kumukuha ng programang Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino ay mayroong sapat na kabatiran na may kabuoang 51.53% sa Ortograpiyang Filipino 2014. 2. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa Ortograpiyang Filipino 2014? Matapos sagutan ng mga respondente ang ibinigay na pagsusulit ng mga mananaliksik na binubuo ng tatlumpong katanungan, nakakuha ng kabuoang 53.10% na tamang sagot ang mga mag-aaral na nasa ikaapat na taon ng programang Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Samantalang 47.17% naman ang nakuha nilang maling sagot sa mga katanungang may tatlong pagpipilian. 3. Ano ang naiisip na solusyon ng mga sumusunod upang mas maging maalam ang mga magaaral sa Ortograpiyang Filipino 2014? 2.1 Mga mag-aaral Magbasa ng mga diksyunaryo Dumalo sa mga palihan (seminars) Sariling Pag-aaral 2.2 Mga dalubguro Ayon sa mga dalubguro, ang madalas na kamalian ng mag-aaral sa paggamit ng wika ay hindi angkop ang salitang kanilang ginagamit sa pagbuo ng mga pangungusap; ang kasanayan nila ay hindi pa rin ganoon kahusay sa pagpapahayag at higit lalo silang nagkakamali sa ispeling; may dalubguro ring nagsabi na ‘wag alamin ang kamalian ng mga magaaral bagkus alamin kung alam ba nila ang ortograpiya. Ang naisip nilang dahilan kung bakit madalas nagkakamali ang mga mag-aaral ay dahil sa una, malayang mga ponema. Ikalawa, nagkukulang ang institusyong magbigay ng kopya ng ortograpiya. Ikatlo, nakasanayan na nila ang ganoong pagsulat kaya mahirap na itong baguhin. Ikaapat, hindi nila alam ang batas. At buhat sa suliraning ito, ilan sa naisip nilang solusyon upang mas maging maalam ang mga mag-aaral sa ortograpiyang Filipino ay bigyan sila ng iba’t ibang gawain upang malinang ang kanilang kasanayan sa pagsulat tulad ng pagpapasulat sa kanila sa pisara; pagwawasto sa mga isinulat ng mga bata; ituro sa klase ang ortograpiya; at magkaroon ng “intellectual revolution”. Konklusyon 1. Higit na mas maraming mag-aaral mula sa ikaapat na taong may programang Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon na nagpapakadalubhasa sa Filipino ang batid sa aspekto ng grafema at iilan lang ang may walang kabatiran. Mas lalo pang dumami ang bilang ng mga mag-aaral ang may kabatiran sa titik o letra sa ilalim ng grafema, subalit tumaas naman ng bahagya ang mga hindi ito batid. Samantala, sa ilalim pa rin ng grafema sa usaping di-titik mas dumami ang mga mag-aaral ang sapat lang ang kabatiran. Samakatuwid, ang mga mag-aaral ay may kabatiran sa grafema, subalit sapat lang ang alam kung ang pag-uusapan ay ang mga yunit ng salita na nakapaloob sa aspekto ng grafema. 2. Sa usaping pantig o palapantigan, higit namang mas maraming mag-aaral ang lumabas na batid nila ito. Lalo pang tumaas ang bilang ng mga may kabatiran sa yunit ng kayarian ng pantig, subalit hindi pa rin mawawaglit na may iilang mag-aaral ang umaming wala silang kabatiran. Samantala, pantay sa hati naman ang respondente na batid at may sapat lang na kabatiran kung ang pag-uusapan ay ang pagpapantig ng mga salita at pantig na inuulit. 3. Malinaw na tumaas ang bilang ng mga respondenteng mayroon lamang sapat na kabatiran kaugnay sa pagbaybay ng mga salita, at kumpara sa mga naunang bilang, tumaas ang porsyento ng mga respondenteng hindi ito batid. Samakatuwid, lumalabas na mahina ang mga respondente sa usaping pagbaybay na pasalita. Subalit pataas na porsyento ang inakyat ng mga repondenteng batid ang inisyals at nagsabing walang mag-aaral ang hindi ito batid o walang kabatiran. Ngunit sa huling yunit ng pagbaybay na pasalita, mas umangat ang bilang sa pinakamataas na antas na mayroon lang sapat na kabatiran ukol sa simbolong pang-agham at pangmatematika. 4. Sa usaping pagbaybay na pasulat naman maraming respondenteng mag-aaral ang naniniwalang sapat lang ang kanilang kabatiran habang marami rin ang sumagot na wala silang kabatiran ukol dito. Nakapaloob sa yunit na ito ang mga bihirang natatalakay na mga usapin gaya ng gamit ng J, problema sa C, N, Q, X, at sa isinagawang pananaliksik, lumabas na hindi batid ng mga mag-aaral ang usapin tungkol sa mga lumang salitang Espanyol. 5. Bumulusok sa pinakamababang antas ang kabatiran ng mga respondente ukol sa kambalpatinig. Aminadong halos lahat sila ay hindi batid ang usapin tungkol dito lalo na ang apat na batas tungkol sa kataliwasan at malakas na patinig. 6. Kalahati mula sa mga mag-aaral ang nakitang may sapat silang kabatiran sa kambal-katinig o digrapo. At makikitang mas dumami sa kanila ang lumabas na walang kabatiran sa usaping SH (Ibaloy) at may TH at KH (Meranao). Limitado ang naging bilang nila sa mga batid na batid ang mga yunit na nakapaloob sa yunit ng kambal katinig o digrapo ng Ortograpiyang Filipino 2014. 7. Gaya ng mas naunang bilang, higit sa kalahati ng respondente ang naniniwalang sapat lamang ang kanilang kaalaman tungkol sa palitang E/I at O/U base sa Ortograpiyang Filipino 2014 na pinag-aralan ng mga mananaliksik. At malinaw na wala ni isa sa kanila ang naniniwalang may kabatiran sila hinggil sa usaping dobleng O. 8. Halos lumagpas sa kalahati ang mga respondenteng sapat lang ang kanilang kabatiran sa usapin tungkol sa pagpapalit ng “D” tungo sa “R” sang-ayon sa Ortograpiyang Filipino 2014. Mas lalo pa itong tumaas sa yunit sa batas na “D” kahit kasunod ang patinig. 9. Samantala mas dumami ang bilang ng mga respondenteng mag-aaral ang sumagot na sapat lamang ang kanilang kabatiran ukol sa kailan dapat gamitin ang “ng” at kalian ang “nang”. Pero wala naman sa kanila ang lumabas na walang alam tungkol dito. 10. Halos pantay lamag ang bilang ng mga respondente ang lumabas na may sapat at walang kabatiran tungkol sa batas ng pagbabalik sa mga tuldik. Iilan lamang sa kanila ang nakakaalam dito. Habang malinaw na tumaas ang bilang ng mga mag-aaral ang walang kabatiran tungkol sa dagdag na gamit ng pahilis. Samakatuwid, maraming batas mula sa pagbabalik ng tuldik ang hindi batid ng mga respondente. 11. Mas marami sa mga respondente ang sapat lang ang kaalaman tungkol sa wastong gamit ng gitling na mula sa batas ng Ortograpiyang Filipino 2014. Malinaw na sa lahat ng uri ng pag-gigitling halos lahat ng mga respondente ay sapat ang kanilang kabatiran at wala sa kanila ang hindi ito batid. 12. Sa pangkalahatan, lumalabas na ang mga respondenteng mag-aaraal mula sa ikaapat na taon ng Kolehiyo ng Edukasyon na kasalukuyang kumukuha ng programang Batsilyer ng Pansekundaryag Edukasyon nagpapakadalubhasa sa Filipino ay mas maraming bilang sa kanila ang sapat lamang ang kabatiran ukol sa mga batas sa Balarilang Filipino sang-ayon sa Ortograpiyang Filipino 2014 sa ilalim ng pamumuno ni Virgilio Almario. 13. Sa isinagawang pagsusulit ng mga mananaliksik upang malaman ang higit pang kabatiran ng mga respondente sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan na nakabatay sa mga puntos sa loob ngb Ortograpiyang Filipino 2014. Mas marami sa mga respondente ang nahirapan sa pagsagot ng mga katanungang ibinigay, may mga kasong hindi nagtutugma sa sinagutan nilang tama-talaan kumpara sa mga tanong na nakabatay sa Ortgrapiyang Filipino 2014. 14. Mas marami sa mga respondenteng mag-aaral ang hindi nakasagot nang wasto sa mas maraming katanungan, lumalabas na karamihan sa kanila ay may sapat na kabatiran sa Ortograpiyang Filipino at lumalabas sa pamamagitan ng talatanungan, mas dumarami ang nahirapan sa kanila sa aktwal na pagbibigay ng katanungan na nakabatay sa tama-talaan na pinasagutan sa kanila. 15. Batid at may kaalaman ang mga respondente tungkol sa katanungan na ang ibang katawagan sa patinig ay vocablo na nakabatay sa Binagong Ortograpiyang Filipino 2014. Samantalang mas marami naman sa mga respondente ang batid na ang iba pang katawagan katinig ay consonante. Malinaw na sa aspektong ito, higit na may mataas na kabatiran ang mga respondente sa mga bagong katawagan na nabuo sa pagdaan ng panahon at naisakatuparan sa pamamagitan ng Ortograpiyang Filipino 2014. 16. Mas marami rin sa mga respondente ang tumpak ang kasagutan tungkol sa tanong kung ano ang tawag sa mga salitang hindi Espanyol at Ingles ang anyo—na malimit na bunga ng kamangmangan sa wastong anyo ng Espanyol ng mga edukadong nagnanais magtunog Espanyol ang pananalita. 17. Hati naman ang naging resulta ng pagsusulit sa mga mag-aaral tungkol sa katanungan ng tamang paggamit ng IS para sa Ingles at ES naman para sa Espanyol. Lumalabas sap agaaral na limitado lamang sa mga respondente ang nakakaalam kung paano ginagamit ang: ri, ra, raw o ray bilang pandugtong sa mga salita ganun din ang bilang ng mga nakakuha ng tamang sagot sa paggamit ng: din o daw. 18. Pinakanahirapan namang matukoy ng mga respondente ang tungkol sa isa sa mga bagong tuldik na pinasyang gamitin upang katawanin ang bigkas sa schwa na matatagpuan sa mga katutubong wika. Tila ang puntong ito ay hindi pa gaanong pamilyar sa mga respondente kayat nahirapan sila ng labis sa pagtukoy. 19. Sa mga salita naman na may kinalaman sa pagtipa ng kompyuter gaya ng tanong na paano tipahin ang titik “a” na pakopya, lumabas na halos kalahati sa mga respondente ang tumpak na nasagot ito. Alt+131 ang tamang tipahin upang ang inaasam na titik na may tuldik ay makuha. Samakatwid, ang mga respondente ay may kabatiran at mataas na kaalaman sa paggamit ng mga salitang may tuldik sa kompyuter. 20. Sa pangkalahatang konklusyon ukol sa mga natuklasan ng mga mananaliksik, halos hindi nagkakalayo o talagang nagtutugma ang inilaang tseklist ng mga mananaliksik at ng talatanungan para sa mga respondente. Naglalaro lamang ang mga resulta nang hindi nalalayo sa kung ano ang nakalagay sa kanilang tama-talaan. Makikitang, kahit na inilagay rin nilang batid sila, paminsan-minsan ay nawawala ang kanilang kabatiran sa talatanungan kapag niiba na ang istruktura ng pagtatanong. Malaking bagay ito para sa mga respondente na dapat alam ang tamang sagot sa iisang tanong na naka-angkla sa Ortograpiyang Filipino maging ano pa man ang istruktura o paraan ng talatanungang inilahad sapagkat iyon ang kanilang magiging giya at reperensya sa pagpapakalat ng tama at tumpak na ideyal na wika na nakabatay sa Ortograpiyang Filipino na inilunsad ng KWF. 21. Nakakadagdag ng kalituhan ang talatanungang multiple choice sa mga mag-aaral upang matukoy ang tamang sagot sa bawat tanong. Rekomendasyon Ang mga sumusunod ay iminungkahi batay sa natuklasan: Sa mga mag-aaral: Para sa mga mag-aaral, dahil sila ay magiging guro sa Filipino sa darating na panahon, mas magandang balikan at namnamin nila ang mga batas na nakasaad sa Ortograpiyang Filipino 2014 upang maging mas maalam o dili kaya ay magkaroon ng kabatiran ukol dito. Ito ay isang kahingian sapagkat iyon ang kanilang magiging mga sandata sa oras na sila ay magtuturo na. Sapagkat kalimitan sa mga guro, kung hindi man madalas liban ay hindi nagtuturo nang mas malawak at mas hinihimay ang bawat paksain sa mga aspektong nakapaloob sa Ortograpiya. Pahalagahan at pag-aralan ang Ortograpiyang Filipino sapagkat ito ang magsasabi sa kanilang husay sa kanilang sariling wika. Sa mga guro/dalubguro: Para sa mga guro, partikular na ang mga nagtuturo sa asignaturang Filipino, nararapat lamang na pagtuonan pa ng pansin ang pagtuturo ng Ortograpiyang Filipino upang magkaroon ng higit pang kaalaman ang mga mag-aaral dito. Batay sa natuklasan ng mga mananaliksik, mahina ang mga mag-aaral sa ilang aspekto ng mga batas sang-ayon sa Ortograpiyang Filipino 2014 sa pangunguna ni Virgilio Almario. Samakatwid, iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga Dalubguro ang pagbibigay pokus sa pagtuturo lalo na sa kursong Kayarian ng Wikang Filipino ang mga yunit na hindi gaanong napapansin o pinahahalagahan ng mga mag-aaral lalo na sa usaping kambalpatinig at pagbabalik ng tuldik. Sa mga guro sa Filipino, marapat lamang na ituro nila ang nilalaman ng Ortograpiyang Filipino sapagkat responsibilidad nila na humubog ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga sa sariling wika. Sa mga paaralan: Mabatid ang kahalagahan ng Ortograpiyang Filipino lalo pa’t ginagamit ito bilang basehan ng kurikulum sa Filipino. Pasimulan ang pagbibigay halaga at pagtuturo ng Ortograpiyang Filipino sapagkat ang mga paaralan ang siyang nangunguna sa aspektong akademiko ng mga mag-aaral. Sa ahensiya ng gobyerno: Mas pagtibayin ang mga batas na nagpapahalaga at nagpapatupad ng pagtuturo ng Ortograpiyang Filipino. Pasimulan ang pagkakaroon ng mga palihan na mag-uudyok sa mga guro at mag-aaral na magbigay ng halaga sa Ortograpiyang Filipino, tungkol sa paggamit ng ating sariling wika sa tamang paraan sang-ayon sa tamang balarila na itinakda ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).