Uploaded by Melvin Esplana

Thesis 2 .docx

advertisement
PHINMA- University of Pangasinan
re is
s
s
o
sh u tud
Co are rce y
ur d v wa
se ia s
H
er
EPEKTO NG PAGGAMIT NG KATUTUBONG WIKA
(PANGASINAN) SA PAGTUTURO SA MGA ESTUDYANTE
NG SENIOR HIGH SCHOOL SA PHINMA-UNIVERSITY
OF PANGASINAN
Submitted by:
Th
Angeleca O. Ventura
Precious Vejano
Angelica Terminez
Natasha Ugaban
Katherine Torres
Rhodalyn Quirimit
Audrey Tadeo
This study source was downloaded by 100000827919340 from CourseHero.com on 08-13-2021
Aira reyes
Charl ramos
Ayanesah Samboang
KABANATA 1
RASYUNALE NG PAG AARAL
Th
re is
s
s
o
sh u tud
Co are rce y
ur d v wa
se ia s
H
er
Ang kaalaman ay ang kakayahang nakukuha ngisang tao sa
pamamagitan ng karanasan o pag-aaral; ang pagkakaintindi sa
isang paksa, sa gawa man o sa kaisipan. Ito ay nagbibigay buhay sa
isang tao upang iayon ang sarili sa ibang bagay at kung papaano
gamitin ang isang bagay. Ito rin ang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng mga makabagong imbensyon tulad ng telepono at
iba pang mga bagay. Ang ating mundo ay lumalawak na sa mga
paraan upang mas mapadali ang buhay ng isang tao. Ang kaalaman
ay hindi lamang natutunan sa karanasan lamang, kung hindi ay sa
pagtuturo rin ng mga guro. Ang pagtuturo ay kinabibilangan ng
pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan at ilang bagay na hindi
masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbabahagi ng
kaalaman, mabuting paghusga at katanungan. Isa sa mga
pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa
mga susunod nasalinlahi. Ang edukasyon ay isang puhunan ng
bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging
produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya. Sa
pagtuturo ay gumagamit ng wika ang bawat isa. Sa araling ito,
Matatalakay ang kahalagahan ng paggamit ng Mother tongue
(Pangasinan) bilang midyum ng pagtuturo sa paaralan upang
This study source was downloaded by 100000827919340 from CourseHero.com on 08-13-2021
masanay at hindi makaligtaan ng bawat Pilipino ang kani-kanilang
mga katutubong wika tulad ng Pangasinan na kanilang kinagisnan.
SULIRANIN NG PAG AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tumalakay sa epekto ng
paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo sa mga estudyante ng
PHINMA-University of Pangasinan at magkaroon ng kaliwanagan
ukol sa epekto ng katutubong wika sa paaralan at naglalayong
magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga estudyante at guro. Sa
kabuuan ang pananaliksik na ito ay nagnanais na sumagot sa mga
susunod na katanungan:
1.) Pabor ka ba na wikang Pangasinan ang gagamitin bilang
midyum sa pagtuturo?
re is
s
s
o
sh u tud
Co are rce y
ur d v wa
se ia s
H
er
2.) Ano-ano ang mga epekto sayo ng paggamit ng midyum na
Pangasinan bilang panturo?
3.) Naiintindihan mo ba ang mga aralin kapag Pangasinan ang
ginagamit na wikang panturo?
Th
4.) Paano nakatutulong ang wikang Pangasinan sa pag-unawa ng
iyong nga aralin?
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIL
Ang paggamit ng ating unang wika (Pangasinan) sa pagtuturo sa
mga estudyante ng Senior High School ng PHINMA-University of
Pangasinan ay mahalaga upang masanay at mas matutunan ng mga
This study source was downloaded by 100000827919340 from CourseHero.com on 08-13-2021
kabataan ang ating unang wika dahil ang karamihan ay hindi na
matatas sa paggamit ng wikang Pangasinan at mas pinipili na
lamang nila pag-aralan ang salita ng mga dayuhan. Nakalahad sa
bahagi ng pag-aaral na ito ang kapakinabangang makukuha sa
isasagawang pananaliksik at kung para kanino ito makatutulong.
Sa mga estudyante. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga
estudyante ng Senior High School ng PHINMA-University of
Pangasinan upang malaman nila ang kahalagahan ng unang wika o
katutubong wika na kanilang kinagisnan.
re is
s
s
o
sh u tud
Co are rce y
ur d v wa
se ia s
H
er
Sa mga guro ng PHINMA-University of Pangasinan. Ito'y
magsisilbing gabay para makahanap ng angkop na paraan kung
paano nila mas maipauunawa ang kanilang mga leksyon. Sa
pagtuturo ng ating unang wika ay mas mahahasa ang kanilang
kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng ating katutubong wika.
Ang mga guro ang unang makakakuha ng benepisyo ng pag aaral
na ito, sapagkat mas madadagdagan pa ang mga estratehiya nila sa
pagtuturo at mababawasan ang pag-aalala ng guro sa kung papaano
gamitin ang katutubong wika (Pangasinan) sa pagtuturo.
Gayunpaman, mapagagaan at mapadadali ang kanilang pagtuturo.
Sa mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay makikinabang
din sa pag-aaral na ito sapagkat dito ay malalaman nila kung
papaano ang tamang paggamit ng wika sa pakikipag ugnayan sa
bawat taong nakakasalamuha
Input
Th
BATAYANG KONSEPTWAL
Nais ng mga mananaliksik na malaman ang mabisang epekto ng
paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo sa mga estudyante ng
senior high school sa Phinma- University of Pangasinan.
Magsasagawa ang mga mananaliksik ng paglilimbag ng
palatanungan na naglalaman ng mga katanungan hinggil sa
paksang pinag-aaralan.
This study source was downloaded by 100000827919340 from CourseHero.com on 08-13-2021
Proseso
Ang mga mananaliksik ay magtitipon ng mga makakapanayam
mula sa mga estudyante ng Senior High School ng PHINMAUniversity of Pangasinan at itatanong ang mga nasabing
katanungan upang makakalap ng mga impormasyon o datos
hinggil sa paksang pinag aaralan o tinatalakay.
Awtput
Inaaasahan ng mga mananaliksik sa pag aaral na ito na malaman
kung gaano karami ang gumagamit ng katutubong wika sa mga
estudyante ng Senior High School ng PHINMA-University of
Pangasinan at kung paano ito nakatutulong upang ilabas ang
kanilang saloobin.
re is
s
s
o
sh u tud
Co are rce y
ur d v wa
se ia s
H
er
BATAYANG TEORETIKAL
Th
Ayon kay Henry Gleason ang wika ay sinasalitang tunog na may
masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo
upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa iisang
kultura. Ang wika ay dinamiko na patuloy na nagbabago sa
paglipas ng panahon. Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong
gumagamit at kulturang nabuo sa lipunan. Lumalago ang
bokabularyo ng wika kapag may nadadagdag sa mga bagong salita
na dulot ng pagkamalikhain ng tao at pagsabay nito sa modernong
panahon. May mga salita ring namamatay dahil hindi na ginagamit
at itinuturing sa kasalukuyan na hindi na naaayon sa panahon o
luma na.
Mula sa teoryang cognitive, sa mga modernong pag aaral na
isinagawa, napag alaman na sa pagitan ng biswal na pagkilala
This study source was downloaded by 100000827919340 from CourseHero.com on 08-13-2021
(visual recognition) at pagsasalita (wika), ang nauna ang higit na
nadedebelop. Ito ay sapagkat unang nakakita ang mga bata kaysa
sa naririnig. Sa konsepto ni Lev Vygotsky (zone of proximal
development) malaki ang papel na ginagampanan ng kamalayang
bata sa kanyang kapaligiran, na siya namang nagtatakda sa
kanyang pagkatuto.
re is
s
s
o
sh u tud
Co are rce y
ur d v wa
se ia s
H
er
Sa ilang pag-aaral tulad ng kay Jessie Gace Rubrico, ang barayti ng
wika ay maihahalintulad sa tinalakay niyang barasyon ng wika.
Ipinagkat niya ang barasyon ng wika sa tatlo: diyalekto, sosyolek
at rehistro ng wika. Dito nakapaloob ang barasyon ng wika na
nilikha dulot ng dimensyong heograpikal at sosyal. Sa ilalim ng
rehistro ng wika, bawat pangkat ng tao ay may kanya-kanyang
code na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Ito ang nagsisilbing
rehistro ng wika nila na espesiyalisado lamang sa kanilang
pangkat. Ang tagumpay sa pakikipagtalastasan ay nababatsa
kaalamn ay kasanayan sa lawak ng wikang ginamit sa pagsasalita,
pakikinig, pagbabasa at pagsusulat. Nababatay rin ito sa lawsk ng
kaalaman sa paksa, at sa kakayahang pumili ng angkop na salitang
nababagay sa antas ng pagkatao ng tatanggap na mensahe.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL
Th
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus lamang sa epekto ng pagtuturo
ng katutubong wika sa mga estudyante ng Senior High School sa
PHINMA-University of Pangasinan. Hindi ito maaaring gamitin sa
ibang lugar dahil ito'y nakalaan lamang sa Pangasinan dahil sa
sariling wika na naka pokus lamang sa iisang lugar.
PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA
Katutubong wika- ito ay ang wikang kinagisnan ng isang tao. Ito
rin ay tinatawag na unang wika o L1.
Wika- ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa
pangaraw-araw na pamumuhay.
This study source was downloaded by 100000827919340 from CourseHero.com on 08-13-2021
Edukasyon- ito ay ang sistema ng pag-iipon ng mga kaalaman
tungkol sa iba't-ibang bagay na inaasahang makabubuti sa
pagkatao at kinabukasan ng isang indibidwal.
Mother tongue- wikang nakasanayan ng isang tao.
Midyum- ito ang komunikasyon na ginagamit sa pagtuturo sa
nasabing asignatura.
KABANATA 2
KAUGNAY NA LITERATURE
KAUGNAY NA PAG AARAL
KABANATA 3
DISENSYO NG PANANALIKSIK
RESPONDENTE
re is
s
s
o
sh u tud
Co are rce y
ur d v wa
se ia s
H
er
INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Th
TRITMENT NG MGA DATOS
This study source was downloaded by 100000827919340 from CourseHero.com on 08-13-2021
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)
Download
Study collections