“BAKIT TIYA?” By: Marielle Celine T. Luis “Ma?dito ba talaga kami titira”? tanong na galing sa kapatid kong si Ela. Andito kasi kami sa probinsya. Nagdisisyon ang aming mga magulang na sa bahay muna kami ni lola titira. Naghiwalay kasi ang aming mga magulang dahil sa personal na problemang mag-asawa. Dinala kami ni mama sa lola namin upang mailayo at wag na munang makisali o kaya’y baka maapektuhan pa sa suliranin nila ni papa. Habang inaayos nila ang mga papeles sa kanilang hiwalayan ay dito daw muna kami sa poder ni lola. “Oo anak, wag nang maraming tanong pa at pumasok na kayo sa loob” ganti naman ni mama habang binababa ang maleta sa likod ng kotse. “Mukhang nakakatakot naman dito ate” Palinga-palingang sambit ni bunso sa akin habang nakakapit ang mga kamay nito sa braso ko. Tumingin ako sa kabuoan ng bahay. Medyo may kalumaan nanga ito at, tama si si bunso nakakatakot ang lugar na ito. Bukod sa nagbibitak-bitak na ang mga pintura nito ay sira-sira narin ang bubong nito.Nakakangilo sa pandinig ang bintanang bukas sara dahil sa hangin Matirik ang sikat ng araw pero madilim ang bahay na ito. Mapapansin mo rin sa paligid nito ang matataas na talahib atmga punong tumatabon sa bubong ng bahay.Makaluma narin ang disenyo ng gate nito na naging kulay itim na nasa tagal ng hindi nalinis. Nakakapagtaka lang dahil sa wala manlang itong kapit bahay. Bago ka makakita ng bahay mula dito ay siguro maglalakad kapa ng ilang minuto. “Dito na pala kayo. Hali kayo pasok lang. Aba! Ang lalaki na ng mga anak mo Agnes ah” Galing naman iyon sa babaeng edad kuwarenta pataas. Siguro ito yung pinsan ni mama na nag-aalaga kay lola. Wala daw itong asawa`t anak kaya sa kanya nalang binilin si lola. Ang mga anak nito sa abroad at sila mama nalang ang gumagastos sa pangangailangan ni lola sa araw-araw. Nilibot ko pa ang aking paningin sa bahay. Meron itong chandelier na ang ibang ilaw nito ay hindi na gumagana, katabi naman nito ang isang maliit na na ceiling fan. Meron din itong pangalawang palapag na may kahoy na hagdan na medyo paliko. Tuwang-tuwa naman ang tiyahin namin sa bunsong kapatid kong si Marcus. Tila bang gigil na gigil ito sa kakyutan ng kapatid ko. “Linda? Ikaw na sana ang bahala sa mga anak ko. Hindi na ako magtatagal, kailangan ko ng bumalik sa Maynila.” yumakap nuon si mama sa amin na hudyat na siya ay tutuloy na. Ngumiti naman ang tiyahin namin at nagpaalam kay mama. “Oh, sabihin lang ninyo kapag nagugutom na kayo at gagawan kayo ni tita ng makakain” Ngiti namang saad nito nuong maihatid na niya kami sa kwarto namin sa taas. Merong dalawang Double deck at may isang malaking bintana na nakasara. Isang Electric fan na sira at ilaw na maliwanag pa ang sikat ng buwan kung umilaw. Merong maliit na kabinet na lagayan ng mga damit. “Marcus bunso? wag kang masyadong maglilikot. Mag-ingat ka sa mga maapakan mo at marupok na ang ibang bahagi ng sahig” pagpaalala ko sa kapitid kong nag-iikot habang nilalaro nito ang laruang eroplano. “San ka punta ate?” tanong naman ni Ela habang hawak-hawak ang isang pocket book na kanyang binabasa. “Dito lang sa kusina, pupuntahan ko lang si tiya” sagot ko naman at agad binuksan ang pinto. Pagkadating ko sa kusina ay sinalubong agad ako ng malansang amoy. Nilalangaw din ang lamesa nito. Dahil sa hindi ko makita si tiya ay lumabas ako sa pintuang bukas sa kusina. Isang kwarto na parang bodega ang aking nakita duon. Dahil sa naintriga ako ay lumapit pa ako doon. Kahit ubod ng lansa ang paligid naiyon ay hindi ko alintana. “tiya? t-tiya?” tawag ko ngunit walang sumasagot sa akin. Noong makarating ako sa harapan ng bodegang iyon ay dahan-dahan kong inabot ang door knob ng pintuang iyon. Hindi ko alam pero nagsitayuan ang aking mga palahibo. Ang pawis ko sa noo ay tumutulo narin. Habang palapit ng palapit ang aking mga kamay doon sa door knob ay pabilis ng pabilis naman ang kalbog ng dibdib ko. Hanggang sa mahawakan ko na nga ang door knob. Aakmang pipihitinko na sana ng kamay ko iyon ay nagulat ako sa boses na galing sa likod ko. “Jesha!?Anong ginagawa mo d’yan?” boses yun ni tiya. “Uhm, wala po tiya. Hinahanap kasi kita” ganti kong sagot sa kanya. “Pwede bang wag mong pakialaman ang kwartong iyon ha?” medyo pagalit nitong saad sakin. Agad naman akong humingi ng paumanhin at bumalik ng kwarto sa taas. Ano kaya ang kuwartong iyon? May kutob talaga akong may kakaiba sa silid na iyon. Lumapit ako sa bintana. Gusto ko sanang buksan iyon upang dumagdag naman ang liwanag sa loob ng kwarto namin. Ngunit nakita kong nakapako ang mga iyon at parang sinadyang isarado. “Mga bata? Hali na at maghapunan na tayo” Tawag mula sa baba galing kay tiya. Agad naman kaming pumunta at umupo sa lamesa habang hinahanda ni tiya ang hapunan. “Si lola po?”tanong kong hindi nito pinansin. “Oo nga po, saan po siya tiya?” dugtong naman ni Ela. “Wag na kayong maraming tanong!” Nagulat kaming lahat dahil sa lumaki ang boses na iyon ni tiya. Para bang ayaw nitong pag-usapan si lola. “Ah ang ibig kong sabihin ay kumain nalang kayo ng marami, para nang sa ganun ay tumaba naman kayo ng kaunti.” Biglang malumanay na tinig nito sabay lagay sa potahe sa bawat pinggan namin. “Wag niyo nalang alalahanin si lola niyo matanda na iyon” muling saad nito sa kakaibang tono. Nakangiti ito sa amin na parang may ibig sabihin. Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming nagsipilyo at bumalik sa higaan namin. Habang nakahiga ako ay kung ano-ano nalang ang pumasok sa isip ko. Hindi talaga ako mapakali sa silid na yun. Dahil sa hindi ako makatulog ay nagpasya akong lumabas ng kuwarto at nagpahangin nalang muna. Pagkababa ko sa hagdan ay nakita kong bukas ang pintuan ng kwarto ni tiya. Maya-maya pa ay may naririnig akong parang may kumikiskis ng isang bagay doon sa bandang kusina. Madilim doon kaya gamit ang ilaw ng Cellphone ko ay inilarawan ko ang bahaging iyon. Hindi ko masyadong maaninag pero sigurado akong si tiya ang taong nakikita ko sa kusina. May hawak itong itak na parang ginagasa niya. Sa tulong ng liwanag ng buwan na pumaok sa bintana ay na kumpirma kong si tiya nga iyon. “Tiya? Tiya?” tawag ko sakaniya pero hindi ata ako narinig. “T-tiya? Tiya?” ano pong ginagawa niyo?” muling tawag ko sakaniya na hindi ito pinapansin. Doon ay nanginginig narin ang mga tuhod ko habang lumalapit kay tiya. Nagulat ako noong tumingin ito sa akin. “Bumalik kana sa taas at matulog muli Jesha” ang tonong iyon ay nakakatakot isipin. Wala na akong magawa kundi bumalik sa taas. Alam kong may nangyayari sa loob ng bahay na ito. Bumalik ako sa paghiga at hindi ko na muna iyon pinansin. Pagkagising ko kinabukasan ay nagulat nalang akong nakatiwangwang ang pintuan ng kuwarto namin. Noong tumingin ako sa katabi kong deck at nagulat akong wala na si Marcus. Agad akong napabangon at kumaripas pababa. Hindi ko makita ito at wala rin akong nakitang tiyahin sa baba. Sinubukan kong buksan ang kuwarto kung saan si lola. Ngunit duon ay lalo akong natakot at kinabahan noong nalaman kong walang lola ang laman ng kuwartong iyon at puno ng sapot ng gagamba. Doon ay pumasok na ako sa isip ko ang bodegang malapit sa kusina. Mabilis kong tinungo iyon at marahang buksan at tumambad sa akin ang putol-putol na katawan at mga iilang buto. Napasigaw nalang ako sa putol na ulong nakita ko. At ang ulong iyon ay kay Bunso. Napatakbo nalang ako pabalik at tinungo si Elang tulong pa sa taas. “San ka pupunta Jesh?” lalo akong natakot marinig ko ang boses ni tiya. May hawak itong itak na may tumutulong dugo. “T-tiya?” nauutal kong sambit habang umiiyak. “Diba sabi ko wag na wag mong pakialaman ang silid na yun?” “Si lola nasaan? bakit mo nagawa to sa amin tiya?” tanong ko habang umaatras paakyat sa hagdan. Tumawa lang ito at dinilaan ang dugo sa itak. “Kinain ko na” Mabilis na sagot nito. “Dalawang taong ng wala ang lola ninyo.” dugtong muli nito habang dahan-dahang lumalapit sa akin. “E-Ela! Ela!?” sigaw ko na nanginginig sa takot. Noong walang Ela akong marinig ay tumakbo na ako papasok sa kwarto. Nilock ko iyon at hinarangan ko pa ng mabigat na bagay ginising ko na rin si Ela. Dinig na dinig ko ang bawat hakbang ng mga paa ni tiya paakyat sa hagdan. Habang papalapit ang mga yapak na iyoon ay lalong tumitindi ang takot ko. “Ate anong nangyayari?” Tanong na may pagtataka ni Ela sa akon. “Si bunso? na saan?” dugtong nito sa akin. Ang sabi ko ay tsaka ko na ikukwento. Ang mahalagang isipin namin ngayon ay kung paano makakatakas kay tiya. Isang kalabog ang tanging nagpatahimik sa alin ni Ela, kasunod ‘non ng pagtagos ng itak ni tiya sa pinto. Walang sawa nitong pinag-iitak ang pintuan. Nanlilisik ang mga paningin nito at naglalaway pa. Ipinasok nito ang kamay sa butas na gawa ng itak niya at isinunod naman ang ulo. Nagyayakapan lang kami ni Ela sa takot habang nagsisigaw hanggang sa tuluyan ng makapasok si tiya sa loob at pinagapang ang dulo ng itak nito sa ding-ding habang dahan-dahang papalapit sa kinaruruonan namin. Napapikit nalang kami habang nagyayakapan ni Ela, noong nakataas na ang kamay ni tiya upang hatawin kami ng itak na hawak niya. Isang putok ng baril nalang ang aming narinig ni Ela mula sa likod ni tiya. Bumagsak ito sa harapan namin at tumumbad si papa na may hawak na baril. Napagkaalaman din naming si tiya pala ay isang cannibal. Si mama at si papa namann ay nagkabalikan na. Napagtanto kasi nilang walang mabuting maidudulot ang plano ilang hiwalayan. Sa kabilang banda ay masakit lang dahil kailangan pang mamatay bago marealize nila na dapat pala ay pinaglalaban ang pag-iibigan nila. END.