DAHON NG PAGPAPATIBAY Ang Aksiyong Pananaliksik na pinamagatang “Pagtahak sa Makabagong Normal: Kabisaan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral na Grade 10 Gamit ang Pleyigong Gawain” na inihanda at isinumite ni Wilfredo, Jr. S. Cavan ay dumaan sa pagsusuri at naritong itinagubilin sa pagrerekomenda para sa karampatang pagsusuri, pag-apruba at pagtanggap ng Pampurok na Komite ng Pananaliksik. IRIS F. ESPIJA Pinuno ng Paaralan PAMPUROK NA KOMITE NG PANANALIKSIK Ang Panukalang Aksiyong Pananaliksik na ito ay sinuri, tinaya, at inirerekomenda para sa pag-apruba at pagtanggap. ELIZABETH T. MALIMBOG ANALIE B. TAMPIPI Kasapi, Pampurok na Komite ng Pananaliksik Kasapi, Pampurok na Komite ng Pananaliksik SHIELA L. FLORENTINO NOVIE C. COMPRA Kasapi, Pampurok na Komite ng Pananaliksik Kasapi, Pampurok na Komite ng Pananaliksik ANGELITO D. CARREON Pangulo, PSDS/DPIC PANSANGAY NA PAMPAARALANG KOMITE NG PANANALIKSIK Inirekomenda sa Pag-apruba: Inaprubahan: RAQUEL J. CARBOS, EdD SEPS, Pagpaplano at Pananaliksik JANETTE G. VELOSO OIC, Kawaksing Pansangay na Tagapamanihala ng Paaralan PAGTAHAK SA MAKABAGONG NORMAL: KABISAAN NG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL NA GRADE 10 GAMIT ANG PLEYIGONG GAWAIN Isang Panukalang Aksiyong Pananaliksik na Iniharap sa mga Komite ng Pananaliksik ng Kiblawan North District WILFREDO, JR. S. CAVAN Teacher II Molopolo National High School SANGAY NG DAVAO DEL SUR Oktubre 2021 I. KONTEKSTO AT RASYUNAL Pangunahing layunin ng bawat guro ang mapaunlad ang pagkatuto ng bawat mag-aaral lalo na sa Alternative Distance Delivery Mode (ADM) na uri ng pagkatuto. Sa ADM na pag-aaral nangunguna dito ang modular na paraan sa paghatid ng mga leksyon sa mga mag-aaral lalong-lalo na dito sa Sangay ng Davao del Sur na kung saan pahirapan ang pagsasagawa ng mga online na pag-aaral. Sa paaralan ng Molopolo National High School, sinsero ang bawat guro sa paghatid ng mga modyul sa bawat mag-aaral. Ito din ang pangunahing paraan sa pagkatuto ng mga kabataang nag-aaral dito simula noong nakaraang taong panuruan 2020-2021. Ang mga modyul na ipinamudmod ng pansangay, rehiyon at sentral na opisina ang pangunahing ginagamit ng mga guro upang matuto ang mga mag-aaral sa Molopolo NHS. Ayon sa isang pag-aaral, mabisa ang paggamit ng modyul bilang dulog sa pagkatuto. Base sa resulta ng isang pag-aaral, pumapabor sa modular na dulog ng pagkatuto ang pagkatuto ng mga kabataan kaysa sa tradisyunal na pagtuturo at kanilang inirekomenda pa nga ang paggamit nito sa lahat ng mga mag-aaral (Zadik at Zamir 2014). Subalit, base sa obserbasyon ng guro sa Molopolo NHS at base sa resulta ng pagganap ng mga mag-aaral, medyo nahihirapan ang mga kabataang sagutan o gawin ang mga panukalang gawain o pagsusulit sa mga modyul dahil diumano sa dami ng mga leksyon na nakapaloob dito na maari lang nilang gawin sa loob ng isang linggo o dalawang linggo lamang. Ayon sa mga magulang nila na siyang kumukuha ng kanilang mga modyul, nahihirapan ang kanilang mga anak sa dami at haba ng mga babasahin lalo pa at walong (8) asignatura ang kailangan nilang aralin. Dahil dito, nakikita ng guro ang mahinang pagganap ng mga mag-aaral lalo na ang mga magaaral na nasa mahihina na lebel sa pagbabasa. Lalong bumaba ang mga grado sa mga mag-aaral na nabanggit, dahil hindi nila sinasagot o ginagawa ang ibang mga gawain sa modyul. Ang sitwasyon ding ito ay pinatutuhanan ng isang pag-aaral na ang pangunahing problema ng mga mag-aaral sa modular na pagkatuto ay nahihirapang mag-aral nang mag-isa, kakulangan ng akademikong kaalaman ng mga magulang upang magabayan ang kanilang mga anak, mahinang koneksyon sa internet at maging kakulangan sa pagtulog dahil sa dami at haba ng kanilang mga modules na dapat aralin (Dangle at Sumaoang, 2020). Bilang tugon sa mga hamon sa modular learning, ninanais ng guro na matulungan ang mga mag-aaral sa grade 10 sa asignaturang Filipino na maiangat ang kanilang marka sa pamamagitan ng pagkatuto gamit ang worksheets. ang mga worksheets o pliyegong gawain ay mahalagang instrumento, kabilang sa mga hakbang ng prosesong ito kung ano ang mga gagawin ng mga mag-aaral, ano ang dapat gawin sa susunod, tutulungan ang mga mag-aaral na mailahad ang kanilang kaalaman sa kanilang sariling pag-unawa at sa parehong oras na ibibigay sa buong klase (Celikler at Aksan, 2012; Yildirim et al., 2011). Dagdag pa rito, na ang pliyegong gawain ay maaaring makatulong bilang paraan o alternatibo para sa hamon na hinaharap sa modular na modalidad. Ito ay isang paraan ng paggabay na maaaring gamitin bilang scaffold sa proseso ng worksheet (van Merrie¨nboer 1997). Ang mga nasabing worksheet ay nagbibigay ng mga pahiwatig o paglalarawan ng mga bahagi na dapat dumaan sa paglutas ng suliranin (Choo, et al., 2011). Ang pliyegong gawain o worksheet ang maging tulay sa pag-aaral na ito sa pagalam sa epekto ng pliyegong papel sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ikasampung Baitang ng Molopolo National High School. Naging daan ang inobasyong ito sa pag-angat ng kanilang akademikong pagganap sa Filipino 10 sa gitna ng kinakaharap nating pandemya. II. PANUKALANG INOBASYON, INTERBENSYON, AT ESTRATEHIYA Mula sa hamon sa pamamaraang modular, magiging alternatibong interbensyon ang paggamit ng pliyegong gawain para sa mga mag-aaral. Ang mga gawaing ito ay ibabase sa napagkasunduang worksheet format sa SLAC ng paaralan sa paggawa at mga mahahalagang bahagi nito. Ang mga bahagi nito ay alinsunod sa pamantayan ng banghay-aralin na kung saan may gawaing pagganyak (motivation); eksploratoryong gawain (exploring activity); pagpapaliwanag sa paksa (content explanation), gawain para sa pagdebelop ng kanilang kakayahang sumuri (analysis); gawain para sa paglalahat o pagbubuod; gawain para sa aplikasyon ng kanilang natutunan(application); ebalwasyon na nakasunod sa Revised Bloom’s Taxonomy; at takdang-aralin na kung saan magagamit niya ang kanyang natutunan sa leksyon na nakapaloob sa paksa. Bawat bahagi sa pleyigong gawain na ito ay may isang (1) gawain or task lamang upang mas madali nilang matapos ang kanilang mga gawain sa asignaturang Filipino. Ang guro ay gagawa ng mga pliyegong gawain na nakatuon pa rin sa bawat kasanayang pampagkatuto na may kaugnayan din sa modyul na matatanggap ng kanilang mga kaklase. Mariin at iaangkop din ang pagpili ng mga gawain upang maging tulay para mapagaan ang kanilang pagsagot sa mga gawain. Makikipagugnayan sa kanilang mga magulang at tagapayo upang maisakatuparan ang ikakatatagumpay at ikatatamo ng layunin sa pag-aaral na ito. III. MGA TANONG SA AKSIYONG PANANALIKSIK Ang sumusunod ay ang mga katanungan na lulutasin sa pag-aaral na ito: 1: Ano ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino 10 bago ginamit ang pliyegong papel? 2. Ano ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino 10 pagkatapos ginamit ang inobasyong pliyegong papel? 3. May makabuluhang pagkakaiba ba sa paggamit ng pliyegong papel sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino 10? Haypotesis: H0: Walang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng pliyegong papel sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino 10. IV. MGA PAMAMARAAN SA AKSIYONG PANANALIKSIK Mga Kalahok at/o Mga Kakailanganing Datos at Impormasyon Ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang na kumukuha ng asignaturang Filipino ay sumailalim sa inobasyong pliyegong gawain ang inilakip sa pag-aaral. Nakasentro lang din sa mga mag-aaral na mababa ang mga marka at nangangailangan ng suportang akademiko. Isasagawa ang pag-aaral mula Nobyembre hanggang Enero sa taong 2022 parte ng ikalawang bahagi ng markahan sa taunang klase ng 2021-2022. Ang marka sa unang kwarter ang gagawing basehan sa pagpili ng mga kalahok sa aksiyong pananaliksik na ito. Gagawa ang guro ng pretest na siyang ibibigay sa mga kalahok bago bigyan ng interbensyon at gagawa naman ang guro ng post-test na siyang ibibigay pagkatapos ng interbensyon sa loob ng ikalawang kwarter. Gagawin ding basehan sa pag-aanalisa ng resulta ang marka ng mga kalahok sa ikalawang kwarter kung may epekto ba ang pliyegong gawain sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino 10. Mga Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos Hihingi ng liham pahintulot ang mananaliksik sa kanilang punungguro na ang mga mag-aaral sa Filipino 10 ng Molopolo National High School ang kalahok ng pagaaral, ito naman ay ipa-apruba ng Schools Division Superintendent ng dibisyon ng Davao del Sur. Pagkatapos, hihingi ng pahintulot sa mga magulang ng mga mag-aaral na sila ang gagawing kalahok sa pag-aaral na ito. Plano sa Pag-aanalisa ng Datos Ang gagamiting tritment ng pag-aaral ay single group experimental design upang malaman ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Filipino 10 gamit ang inobasyong pliyegong gawain. Ang metodolohiyang ginamit ng mananaliksik ay kwantitabo na pamamaraan. Kwantitatibo ang maging batayan sa pag-alam sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na kung saan kukunin ang mean average ng mga kalahok bago at pagkatapos ng interbensyon. Gagamitin din ang grado nila sa ikalawang kwarter sa pag-aanalisa ng resulta. V. PLANO NG PAGSASAGAWA SA AKSIYONG PANANALIKSIK Tema/ Disiplina Layunin Pisikal na Target Inaprubahang Panukalang pananaliksik Mga Gawain Panahon ng Pagsasagawa Mga Kasangkot Pagsulat ng Panukalang Pag-aaral AgostoSetyembre 2021 Mananaliksik Pag-aapruba ng Panukalang Pananaliksik sa paaralan, distrito, at dibisyon OktubreNobyembre 2021 Mananaliksik Opisyales ng DepEd Pagsasagawa ng Pananaliksik at Pagkalap ng Datos Oktubre-Enero 2022 Punung-guro Guro at Mananaliksik Interpretasyon sa Nakalap na Datos Enero-Marso 2022 Mananaliksik Pagsulat ng Pinal na Manuskrito April 2022 Mananaliksik Mayo 2022 Mga Opisyales ng DepEd Mananaliksik June 2022 Mga Opisyales ng DepEd Mananaliksik at mga Guro Mga kakailanganin Plano ng Pagsasagawa Pagtatantiya ng pondo Mga Paraan sa Pagkalap ng Datos, Metodo at Instrumento Pagkalap ng Datos Pagtuturo at Pagkatuto Mapalakas ang Ksanayan ng mga Guro sa ika-21 siglo Mga Inisyal na Ulat sa Nakalap at Analisis Interpretasyon ng Datos Pinal na Ulat sa Pananaliksik Pagtanggap ng Ulat sa Pananaliksik ng Komite Pagkuhang Gwad ng Pagtanggap sa Komite ng Pananaliksik mula sa Dibisyon Aksyon Plan Pagbabahagi ng mga Resulta sa estasyon Mga papel, kompyuter, ink, pagkain, meryenda, transportasyon, allowance, pagpaimprinta, expenses sa pagpa-bind, internet VI. PAGTATANTIYA NG GAGASTAHIN Kakailanganing Pondo Mga Gawain 1. Bago Isasagawa ang Pananaliksi k Pisikal na Target Pagpapa-apruba ng Panukalang Pananaliksik Plano ng Pagsasagawa Gawad ng Pagtanggap Kopya ng MOA Pagkalap ng Datos 2. Aktuwal na Pagsasaga wa ng Pananaliksi k 3. Pagkatapos Maisagawa ang Pananaliksi k 4. Pagbabahagi ng Pananaliksik Mga Inisyal na Ulat sa Nakalap at Analisis Interpretasyon ng Datos Pinal na Ulat sa Pananaliksik Pagtanggap ng Ulat sa Pananaliksik ng Komite Pagbabahagi ng Pananaliksik sa SLAC o Kongreso ng Pananaliksik ng Distrito o Dibisyon Mga Aytem na Gagastahin Tantiyang Halaga Mga papel, kompyuter, ink, pagkain, meryenda, transportasyon, allowance, pagpaimprinta, expenses sa pagpa-bind, internet PhP 500.00 Mga papel, kompyuter, ink, pagkain, meryenda, transportasyon, allowance, pagpaimprinta, expenses sa pagpa-bind, internet PhP 2,500.00 Mga papel, kompyuter, ink, pagkain, meryenda, transportasyon, allowance, pagpaimprinta, expenses sa pagpa-bind, internet Mga papel, kompyuter, ink, pagkain, meryenda, transportasyon, allowance, pagpaimprinta, expenses sa pagpa-bind, internet Pagkuk unan ng Pondo Mga Taong Kasangkot Opisyales ng DepEd Mananaliksik Person al na pondo Punungguro, Mga Guro, Mananaliksik Opisyales ng DepEd Mananaliksik PhP 2,000.00 Person al na pondo Opisyales ng DepEd, mga Guro, Mananaliksik VII. MGA PLANO SA PAGPAPALAGANAP AT PAGGAMIT Ang resulta ng aksiyong pananaliksik na ito ay ipapalaganap sa pamamagitan ng mga umiiral na mekanismo ng Kagawaran ng Edukasyon gaya ng School Learning Action Cell Session, In-Service Trainings, School Improvement Plan (SIP) ng paaralan, maaari ding ilahad ito sa distrito o dibisyon na colloquium ng pananaliksik. Sa paggamit nito, ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro na mapalakas at mapatatag ang pamamaraan sa pagtuturo. Makatutulong din ito sa mga kaugnay na mga personahe sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Maari rin itong magamit bilang bahagi sa pagpapaunlad ng pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga guro partikular ang Kagawaran ng Edukasyon o sa alinmang sektor ng edukasyon. VIII. MGA SANGGUNIAN Alvarez, A. Jr. (2020). The phenomenon of learning at a distance through emergency remote teaching amidst the pandemic crisis. Asian Journal of Distance Education, 15(1), 144-153. https://doi.org/10.5281/zenodo.3881529 Choo, S.S.Y et al. (2011). Effect of worksheet scaffolds on student learning in problem-based learning. Adv in Health Sci Educ 16, 517. https://doi.org/10.1007/s10459-011-9288-1 Celikler, D. and Aksan, Z. (2012). The Effect of the Use of Worksheets About Aqueous Solution Reactions on Pre-service Elementary Science Teachers’ Academic Success,Procedia - Social and Behavioral Sciences, Volume 46,https://doi.org/10.1016/j.sbspro.2012.06.306. Dangle, Y. and Sumaoang, J. (2020). The Implementation of Modular Distance Learning in the Philippine Secondary Public Schools. https://www.doi.org/10.33422/3rd.icate.2020.11.132 Guiamalon, Tarhata & Alon, Sittie & Camsa, Sofia. (2021). TEACHERS ISSUES AND CONCERNS ON THE USE OF MODULAR LEARNING MODALITY. 10.46529/socioint.202115. Karsenti, T. and Collin, S. (2012). ICT and Migration: A Conceptual Framework of ICT Use by Migrants. In T. Amiel & B. Wilson (Eds.), Proceedings of EdMedia 2012--World Conference on Educational Media and Technology (pp. 14921497). Denver, Colorado, USA: Association for the Advancement of Computing in Education (AACE). Retrieved October 21, 2021 from https://www.learntechlib.org/primary/p/40945/. Lepaen, L. (2021) Encountered of secondary school teachers in modular distance learning (mdl) in district ii-e: a literature review. GSJ: Volume 9, Issue 8, August 2021, Online: ISSN 2320-9186 www.globalscientificjournal.com van Merrienboer, J. J. G., & Dijkstra, S. (1997). The four-component instructional design model for training complex cognitive skills. In S. Dijkstra, F. Schott, N. Seel, & R.D. Tennyson (Eds.), Instructional design: International perspectives (Vol. 1) (pp. 427-445). Lawrence Erlbaum. Yıldırım, Nagana & Kurt, Sevil & Ayas, Alipaşa. (2011). The effect of the worksheets on students' achievement in chemical equilibrium. Journal of Turkish Science Education. 8. Annex 1. RESEARCH PROPOSAL APPLICATION FORM AND ENDORSEMENT OF IMMEDIATE SUPERVISOR A. RESEARCH INFORMATION RESEARCH TITLE: PAGTAHAK SA MAKABAGONG NORMAL: KABISAAN NG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL NA GRADE 10 GAMIT ANG PLEYIGONG GAWAIN SHORT DESCRIPTION OF THE RESEARCH Sa pamamagitan ng single group experimental na desinyo ng pananaliksik, ang pagaaral na ito ay naglalayon na malaman ang kabisaan ng mga pliyegong gawain sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na maaring matukoy ang kahalagahan nito sa mga kalagayang pangklasrum lalo na sa panahon ng pandemya. Ang pagsasagawa ng pagaaral na ito ay magbibigay ng mga datos para sa mga pangulo ng departamento, punungguro at mga opisyal ng DepEd na maaring makatulong sa pagpapaunlad ng mga polisiya at pamamaraan sa pagtuturo ng mga guro. RESEARCH CATEGORY (Check only RESEARCH AGENDA CATEGORY (Check one) only one main research theme) o National Teaching and Learning o Region o Child Protection o Schools Division o Human Resource Development o District o Governance School (Check up to one cross-cutting theme, if applicable) (Check only one) o DRRM Action Research o Gender and Development o Basic Research o Inclusive Education o Others (please specify): ______________ FUND SOURCE (e.g. BERF, SEF, Others)* Personal Funds *Indicate also if proponent will use personal funds AMOUNT PhP 5,000.00 B. PROPONENT INFORMATION LEAD PROPONENT/INDIVIDUAL PROPONENT LAST NAME: FIRST NAME: CAVAN MIDDLE NAME: WILFREDO, JR. BIRTHDATE (mm/dd/yyyy): 08/02/1991 SENARILLOS SEX: POSITION/DESIGNATION: MALE TEACHER II REGION/DIVISION/SCHOOL (whichever is applicable) MOLOPOLO NATIONAL HIGH SCHOOL, DIVISION OF DAVAO DEL SUR CONTACT NUMBER 1: CONTACT NUMBER 2: 0912-437-3358 EMAIL ADDRESS: 0926-860-7812 wilfredo.cavan@deped.gov.ph EDUCATIONAL ATTAINMENT (DEGREE TITLE) Enumerate from bachelor’s degree up to doctorate degree TITLE OF THESIS/RELATED RESEARCH PROJECT Pananaw ng mga Mag-aaral sa Gramatikang Filipino ng Bachelor of Secondary mga Mag-aaral ng University of Mindanao Digos Education major in Filipino Campus Ang Tagapamagitang Epekto ng Teknolohiya sa Master of Arts in Education- Pagtuturo at Pagkatuto sa Ugnayan sa Pagitan ng Teaching Filipino Kahandaan sa Pagsanib ng ICT at Kognitibong Pagganap ng mga Guro SIGNATURE OF PROPONENT: IMMEDIATE SUPERVISOR’S CONFORME I hereby endorse the attached research proposal. I certify that the proponents have the capacity to implement a research study without compromising his/her office functions. IRIS F. ESPIJA Name and Signature of Immediate Supervisor Position/Designation: Date: School In-Charge ______________ Annex 2. DECLARATION OF ANTI-PLAGIARISM 1. I, WILFREDO, JR. S. CAVAN, understand that plagiarism is the act of taking and using another’s ideas and works and passing them off as one’s own. This includes explicitly copying the whole work of another person and/or using some parts of their work without proper acknowledgement and referencing. 2. I hereby attest to the originality of this research proposal and has cited properly all the references used. I further commit that all deliverables and the final research study emanating from this proposal shall be of original content. I shall use appropriate citations in referencing other works from various sources. 3. I understand that violation from this declaration and commitment shall be subject to consequences and shall be dealt with accordingly by the Department of Education and the Basic Education Research Fund grant mechanism. PROPONENT: WILFREDO, JR. S. CAVAN SIGNATURE: DATE: _______________ Annex 3. DECLARATION OF ABSENCE OF CONFLICT OF INTEREST 1. I, WILFREDO, JR. S. CAVAN, understand that conflict of interest refers to situations in which financial or other personal considerations may compromise my judgment in evaluating, conducting, or reporting research.1 2. I hereby declare that I do not have any personal conflict of interest that may arise from my application and submission of my research proposal. I understand that my research proposal may be returned to me if found out that there is conflict of interest during the initial screening as per provision in the Research Management Guidelines. 3. Further, in case of any form of conflict of interest (possible or actual) which may inadvertently emerge during the conduct of my research, I will duly report it to the research committee for immediate action. 4. I understand that may be held accountable by the Department of Education and the Basic Education Research Fund for any conflict of interest which I have intentionally concealed. PROPONENT: WILFREDO, JR. S. CAVAN SIGNATURE: DATE: ______________