MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO X I. Layunin Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral na nasa Ikalawang Baitang ay inaasahang: Nagagamit ang mga salitang kilos sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan. II. PAKSANG ARALIN Paksa: Paggamit ng mga Salitang kilos sa Iba’t ibang Gawain sa Tahanan, Paaralan at Pamayanan. Sanggunian : Gabay ng Guro pahina Kagamitan ng Mag-aaral pahina Iba Pang Kagamitang Panturo: Mga larawan, cartolina, manila paper, larawan ng puno at bola III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Panimulang Gawain a.) Panalangin Tumayo po ang lahat para sa ating panalangin. Hannah, maaari mo bang pamunuan ang ating panalangin? - (mananalangin ang mga bata) - Magandang umaga din po b.) Pagbati Magandang umaga mga bata! ma’am. (uupo ang mga mag- Maaari na kayong umupo. c.) Pagtsetsek ng liban at di liban aaral) Mayroon bang lumiban sa klase ngayong umaga? - Wala po ma’am. Natutuwa akong malaman na nandito ang lahat. B. Panlinang na Gawain a.) Balik Aral Mga bata magbigay kayo ng salitang kilos. - (Tataas ng kamay ang mga mag-aaral) Kurt maari ka bang magbigay ng salitang kilos? - Naglalakad po ma’am. - Nagtatahi po ma’am. - Mga bata po na nagwawalis. - Sa bahay o sa tahanan po. - Sa paaralan po. Tama, ano pa Coleen? Natutuwa ako at naalala pa ninyo ang ating nakaraang leksyon. b.) Pagganyak Mayroon ako ditong larawan. Ano ang inyong nakikita, Princess? Saan kaya nagwalis ang bata sa larawan, Clarence? Tama! Saan nyo pa ito ginawa, Akeesha? Magaling! A. Paglalahad Hahatiin ko kayo ngayon sa tatlong pangkat, tatawag lang ako ng isa sa bawat pangkat upang kumuha ng strips, hanapin ang larawan na kaugnay nito. Idikit sa pisara. (gagawin ng mga bata) Gawain sa Tahanan Gawain sa Paaralan Gawain sa Pamayanan B. Pagtatalakay Masdan ninyo ngayon ang mga larawan sa pisara. Tama ba ng pagkakadikit ng inyong mga kaklase? - Opo ma’am. Pansinin ninyo ang unang larawan na ginagawa sa tahanan. Ano ang inyong nakikita, Betina? - Nagliligpit po ng higaan ma’am. Tama, ano naman ang nasa ikalawang larawan, LJ? - Naghahain po ng pagkain ma’am. - Pagsunod po sa utos ng magulang. - May bata pong nag-uulat sa harap ng klase. - Mga bata po na nakikinig sa guro. - Gumagawa po ako ng aking takdang-aralin. Tama. Masdan ninyo ngayon ang mga larawan na ginagawa sa pamayanan. Ano ang inyong nakikita sa unang larawan, Cielo? - Nagtatanim po ng puno sa bundok. Tama, ano naman ang inyong nakikita sa ikalawang larawan, Ryzelle? - Pagtawid po ng tama sa daan. Magaling! Magbigay ka nga ng isang halimbawa na ginagawa sa pamayanan, Angel Lyka? - Pagpapanatili po na malinis ang isang lugar. Magaling! Magbigay ka nga ng isang halimbawa na ginagawa sa tahanan, Isabelle? Tama. Pansinin naman ninyo ang mga larawan na ginagawa sa paaralan. Ano ang inyong nakikita sa unang larawan, Cris? Tama, Ano naman ang nasa ikalawang larawan, Kiera? Magaling! Magbigay ka nga ng isang halimbawa na ginagawa sa paaralan, Keifer? Tama. E. Paglalapat a. Mayroon akong inihanda na puno ng mga salita. Mga salitang kilos sa tahanan, paaralan at pamayanan. Kakantahin natin ang ‘Ako ay may lobo’. Habang kumakanta ipapasa ang bola sa katabi at kapag sinabi kong ‘tigil’ titigil sa pagkanta ang lahat, kung sino ang may hawak ng bola siya ang pipitas ng isang bunga sa punong ito. Ang pinitas na kilos ay gagamitin sa pangungusap. Naintindihan ba ang gagawin mga bata? - Opo ma’am. - Opo ma’am. Simulan na natin! b. Ngayon naman, Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay gagawa ng isang pangungusap na may salitang kilos tungkol sa larawan. Bilugan ang salitang kilos na ginamit. Mayroon lamang kayong limang minuto upang gawin ito kasama ang inyong pangkatang ulat. Ngunit sa ating pangkatang gawain mayroon tayong dapat tandaan. Basahin nga natin. ‘Mga panuto sa pangkatang gawain’ 1. Sumunod sa panuto na ibinigay sa bawat pangkat. 2. Makipagtulungan sa bawat miyembro ng pangkat. 3. Makinig at igalang ang ideya ng bawat isa. 4. Iayos ang mga kagamitan pagkatapos gamitin. Bago magsimula tatawag ako ng isang bata sa bawat pangkat upang bumunot ng gagawin. Handa na ba kayo sa pangkatang gawain? Maaari na kayong pumunta sa inyong mga lugar. (gagawa ng isang pangungusap tungkol sa larawan.) Tingnan natin kong tama ang ginawa ng bawat pangkat. Naintindihan na ba ninyo mga bata? (iuulat ng bawat pangkat sa harap ng klase ang kanilang ginawa) - Opo ma’am. - Ang atin pong tinalakay ngayon ay tungkol sa paggamit ng mga salitang kilos. - Sa tahanan, paaralan at pamayanan po. - Gumagamit tayo ng mga salitang kilos sa tahanan, paaralan at pamayanan. - Opo. F. Paglalahat Ano ang ating tinalakay ngayon, LJ? Tama! Saan natin ginagamit ang salitang kilos, Betina? Magaling. Ngayon, basahin natin ang inyong mga sinabi (tatawag ng isang bata at pangkatan para sa pagbasa ng paglalahat) Naintindihan na ba ninyo mga bata? sKung gayon, may ibibigay akong papel para sa pagtataya. V. Pagtataya Basahin natin ang panuto. (tatawag ang guro para sa pagbasa ng panuto) Panuto: Gamitin ang mga salitang kilos sa iba’t-ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan na nasa Hanay B upang mabuo ang pangungusap sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Hanay A 1. Ang bata ay 2. Ako ay 3. Si Bob ay 4. Si nanay ay 5. Si CJ ay ng plato sa kusina ng aming bahay. ng halaman sa bukid. ng kanilang ginawa sa pangkatan sa silid aralan. sa likod ng aming bahay. sa kanyang kuwaderno sa loob ng silid aralan. Hanay B a. nagtatanim b. naghuhugas c. nag-uulat d. nagwawalis e. nagsusulat V. Takdang Aralin Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang kilos na nasa loob ng kahon. Iguhit ang ibig sabihin ng bawat pangungusap. Kulayan ang iginuhit. natutulog tumawid nagbabasa 1. 2. 3. Inihanda ni: ALTTEA MARIE P. TAROMA GURO SA FILIPINO