Katangian ng Akademikong Pagsusulat 1.) Kompleks - Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika. 2.) Pormal - Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita. 3.) Tumpak -Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang 4.) Obhetibo - Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa. 5.) Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words" 6.) Wasto - Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa pag gamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat 7.) Responsible - Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lao na sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable sa hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista. 8.) Malinaw na layunin - Ang layunin ng akademikong pag sukat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nag bibigay ng layunin. 9.) Malinaw na pananaw - Akademikong pag sulat ay di lamang listahan ng mga katotohanan o facts at pag lalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat ay nag lalahad ng ideya at saliksik ng iba, layunin ng kanyang papel na maipakita ang kanyang sariling pag iisip ‘’ Punto de bista ‘’ ng manunulat. 10.) May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangan iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon 11.) Lohikal na organisasyon- Akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihang akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata 12.) Matibay na suporta - Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon, ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations. 13.) Malinaw at kumpletong eksplanasyon - Bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat 14.) Epektibong pananaliksik- Kailangan gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pag sulat. Mahalangang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitqn ngbdokumentasyon ng datos. Ang dokumentasyon ay iminumungkahe gamit ang estilo A.P.A 15.) Iskolarling estilo sa pag sulat-Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't napakahalaaq na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas, at bukabolaryo. Pag nag kamali ay nag papahiwatig ng kawalan ng pag iingat o kakulangan sa kaalaman ng wika Mga Uri ng Akademikong Sulatin 1.akademikong sanaysay 2. Konseptong Papel 3. Abstrak 4. Ulat Aklat 5. Posisyong Papel 6.Lakbay Sanaysay 7.Replektibong Sanaysay Narito ang Mga Kahulugan at Halimbawa ng Mga Uri ng Akademikong Sulatin: Akademikong Sanaysay Ipinakakahuhulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw.ito ay isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa.Ito ay isang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may layuning maihatid ang nais maipabatid sa kapwa. Halimbawa;Argumentatibo,Repleksyong sanaysay at Lakbay sanaysay Konseptong Papel Isang kabuuang ideya na tumatalakay sa ibig patunayan,linawin o tukuyin.ito ay isang ideya na nabuo mula sa isang framework ng paksang tatalakayin. Halimbawa;Ang mga kadahilanan ng mga nangyayaring korapsyon sa ating gobyerno hangarin ng pagaaral na ito na matalakay ang kadahilanan ng mga nangyayaring korapsyon sa gobyerno at makapagbigay ng solusyon nito. Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/679310#readmore Abstrak ginagamit sa pagsusulat ng akademikong papel para sa papel siyantipiko,lektyur,tesis at report.layunin nitong mabigyan ng buod ang mga akademikong papel. Halimbawa;Pagsulat ng buod ng mga kwento na naglalaman ng mga pangyayare Ulat Aklat Isang sulating aklat komposisyon o oral na presentasyon na naglalarawan,nagbubuod at nagsusuri ng isang gawang katha o hindi katha. Halimbawa;Ang kwentong “Bata Bata pano ka ginawa?ito ay patungkol sa buhay ng anak at ng kanyang mga magulang. Posisyong Papel Detalyadong ,Isang pormal na pahayag sa isang patungkol na isyu na nagpapakita ng posisyon,pananaw o patakaran at nagpapahayag ng pagkilos. Halimbawa;”Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad” Lakbay Sanaysay uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang naranasan,gabay o damdamin sa pglalakbay. Halimbawa;Travel blog na nagsisilbing makabagong paraan at dokumentaryo ukol sa iyong paglalakbay. Replektibong Sanaysay Pagsulat ng mga ideya,konsepto at katotohanan mula sa pamamagitan ng pagiisip nang malalim pagninilay mula sa mga naranasang pagkakataon. Halimbawa;Replektibong sanaysay para sa Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan. Para sa Iba pang Impormasyon Maari rin Magpunta sa; •Pinag kaiba ng akademikong sulatin at hindi akademikong sulatin Pumunta sa link na ito; brainly.ph/question/664388 •Sanggunian ng Akademikong Sulatin? brainly.ph/question/776941 •Kalikasan ng Akademikong Sulatin? brainly.ph/question/463873 Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/679310#readmore .