Uploaded by Macky Cometa

ESP 2nd Quarter test

advertisement
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office of Urdaneta City
PALINA EAST NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City Pangasinan
Pangalan ________________________________ grade/section ______________ Score ________________
I PANUTO. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang lahat ng nakasulat ay mahahalagang sangkap ng tao maliban sa _______________?
a. Isip
b. puso
c. paa
d. kamay at katawan
2. Ito ay ang maliit na sangkap ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao?
a. Isip
b. puso
c. paa
d. kamay at katawan
3. Sangkap ng tao may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, magalaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
a. Isip
b. puso
c. paa
d. kamay at katawan
4. Sangkap ng katawan na sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o pagsusulat)
a. Isip
b. puso
c. paa
d. kamay at katawan
5. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag _____________?
a. Isip at loob
b. kilos at loob
c. kamay at katawan
d. isip at puso
6. Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na?
a. Konsensya
b. katapatan
c. kamalayan
d. kapangyarihan
7. Ang salitang konsensiya ay mula sa salitang Latin na _________ na ang ibig sabihin ay with o mayroon at ____ na ang ibig
sabihin ay knowledge o kaalaman.
a. Cum scientia b. cun scientia
c. comscientia
d. cum scien
8. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
a. Likas na Batas na Moral
b. Likas na Batas c. Batas ng Kalikasan
d. Saligang Batas
9. Siya ang natatanging nilalang na nararapat tumanggap ng batas mula sa Diyos?
a. Halaman
b. hayop c. tao
d. lahat ng nabanggit
10. Likas na Batas Moral na nakabatay sa katotohanan.
a. Unibersal
b. Obhetibo
c. Walang hanggan
d. di nagbabago
11. Likas na Batas Moral na sinasaklaw ang lahat ng tao?
a. Unibersal
b. Obhetibo
c. Walang Hanggan
d. di nagbabago
12. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man.
a. Unibersal
b. Obhetibo
c. Walang hanggan
d. di nagbabago
13. Ang kalikasan ng tao ay permanente kaya’t ang batas na sumasaklaw sa kanya ay permanente rin
a. Unibersal
b. Obhetibo
c. Walang hanggan
d. di nagbabago
14. Uri ng konsensya kung saan ang lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay
naisakatuparan nang walang pagkakamali.
a. Tama
b. mali
c. wala
d. wala sa nabanggit
15. Uri ng konsensya kung saan nakabatay sa mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan
a. Tama
b. mali
c. wala
d. wala sa nabanggit
16. Ang ________ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
a. Konsensya
b. kalayaan
c. dignidad
d. kilos at loob
17. Ang dignidad ay galing sa salitang latin na _______________?
a. Dignidad
b. dignitas
c. dignitos
d. wala sa nabanggit
18. Ano ang ibig sabihin ng salitang latin na dignus?
a. Karapatdapat b. kabutihan
c. kahalagahan d. wala sa nabanggit
19. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao d. Wala sa nabanggit
20. Nangingibabaw ang paggalang at respeto sa kapwa tao o kahit kanino
a. Dignidad
b. kilos at loob
c. konsensya
d. likas na batas moral
21. Ang mga sumusunod ay mga nilikhang may buhay sa mundo: maliban sa
a. Tao
b. hayop
c. halaman
d. bahay
22. Sa pamamagitan ng nito, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at
gumawa nang naaayon sa katotohanang natuklasan
a. Isip
b. kilos
c. katawan
d. buhay
23. ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto (rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti
at lumalayo sa masama. Ito ay ayon sa paglalarawan ni ______?
a. Santo Tomas
b. Santo Tomas de Aquino c. Aquino
d. duterte
24. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na________?
a. Isip
b. kilos-loob
c. puso
d. lahat ng nabanggit
25. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon.
a. Isip
b. kilos – loob
c. puso
d. lahat ng nabanggit
II. PANUTO: ANG TUNAY NA KALAYAAN AY ANG PAGGAWA NG KABUTIHAN. Pag-aralan ang mga situwasyon na
karaniwang ginagawa ng ilang nagdadalaga at nagbibinatang katulad mo. Lagyan ng check (/) kung may kalayaan at ekis (x) kung
walang kalayaan ang bawat sitwasyon.
____26. Pagbibisyo (pagsugal, pagsigarilyo, pag-inom ng alak, pagkalulong sa droga)
____27. Maagang pag-aasawa o pagbubuntis
____28. Pagsunod sa magulang.
____29. Paggalang sa nakatatanda
____30. Paggawa ng gawaing bahay
____31. . Pagpapabaya sa pag-aaral (hindi gumagawa ng project, o naghahanda ng takdang-aralin, etc.)
____32. Pagrebelde sa magulang
____33. Pagsama sa maling barkada.
____34. Pag-aaral ng mabuti
____35. Umiiwas sa masamang bisyo at barkada
III. PANUTO: Suriin ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
36. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ___________
a. kapangyarihang magnilay, sumagguni, magpasya at kumilos b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
37. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
38. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
39. Maaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
40. Nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi
makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing
na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang _________________.
a. Karapatang pantao
b. Dignidad bilang tao c. Panloob na kalayaan
d. Panlabas na kalayaan
41. ”Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama
42. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob
43. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral
c. Hindi ganap na malaya ng tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais
d. Lahat ng nabanggit
44. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.
45. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya
c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
46- 50.
Kung ang lahat ng mga ito ay nangyayari sa isang lipunan, anong paglalarawan ang maaari mong maibigay ukol sa lipunan na ito?
Download