Uploaded by arnold.baladjay

Final V2-AP3 qt4 mod6 Kahalagahan-ng-Imprastruktura-sa-Kabuhayan-ng-mga-Lalawigan (1)

advertisement
3
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Kahalagahan ng
Impraestruktura
sa Kabuhayan ng mga
Lalawigan
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Kahalagahan ng Imprastraktura sa Kabuhayan ng
mga Lalawigan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Haydee R. Olodin
Tagaguhit: Haydee R. Olodin
Editor: Chante C. Cabantog
Tagasuri: Maria Cristy F. Feria,
Tagalapat: Miguel Oliver B. Wamar,
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V - Schools Division Superintendent
Jasmin A. Isla - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Dr. Meilrose B. Peralta – CID Chief
Dr. Hazel G. Aparece - EPS In Charge of LRMS/ADM
Ronnie C. Cabaya – EPS, Araling Panlipunan
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon Dose
Office Address:
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax:
(083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address:
region12@deped.gov.ph
3
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ikaapat na Linggo: Kahalagahan
ng Imprastraktura sa Kabuhayan
ng mga Lalawigan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahalagahan ng Imprastraktura sa Kabuhayan ng mga Lalawigan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
2
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kahalagahan ng
Imprastraktura sa Kabuhayan ng mga Lalawigan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
Subukin
Balikan
Tuklasin
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balikaral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
3
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
4
Karagdagang
Gawain
Susi sa Pagwawasto
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
5
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
6
Alamin
Layunin:
Sa pagkatapos ng araling ito , inaasahang ikaw ay
makatutukoy ng imprastraktura ng mga lalawigan at
maipapaliwanag ang kahalagahan nito sa kabuhayan.
Subukin
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang isinasaad sa
pahayag at MALI naman kung hindi.
_____1. Mas mabilis ang pagdala ng mga produkto sa bayan
dahil sa lubak-lubak na kalsada.
_____2. Ang mga sira at hindi maayos na pantalan ay
nakatutulong sa mabilis na pagdaong ng mga barko.
_____3. Ang mga tao ay mahihirapang pumunta sa karatig
lalawigan kung walang tulay na nag-uugnay nito.
_____4. Magkakaroon ng mgandang ani ang mga magsasaka
kung maayos ang irigasyon.
_____5. Mas mabilis ang pagpunta sa mga malalayong lugar kung
may paliparan sa ating bayan.
Kahalagahan ng
Impraestruktura sa
Kabuhayan ng mga
Lalawigan sa Rehiyon
Aralin
51
Panimula
Ang impraestruktura ay mahalaga sa pag-unlad ng bansa,
Ito ay nagpapadali sa sistema ng transportasyon, komunikasyon
at kalakalan sa ating bansa. Halimbawa ng mga impraestruktura
ay kalsada, tulay at paaralan.
Sa aralin na ito ay matutunan natin ang kahalagahan ng
mga impraestruktura.
Balikan
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pamumuhay ng
mga tao sa mga bayan o lalawigang nabanggit.
Pagmimina
Pangingisda
Pagsasaka
1. Cotabato
-
2. South Cotabato
-
3. Lungsod ng Cotabato 4. Sarangani
-
5. Sultan Kudarat
-
Pangangalakal
Tuklasin
Sa puntong ito, basahin ang dayalogo ukol sa kapaligiran ng
mga lalawigan sa SOCCSKSARGEN.
Janno: Napakasipag talaga ng ating bagong halal na mayor,
ano? Sa maikling panahon ng kanyang panunungkulan ay
marami na siyang naipagawang proyekto rito sa ating bayan
kaya higit tayong umuunlad.
Trisha: Tama ka riyan. Katulad na lamang sa pagsemento ng
mapuputik at sira-sirang daan. Ito ang nagpapadali sa pagaangkat at pagdadala ng mga produkto mula sa ibang bayan
patungo rito sa atin.
Janno: Oo nga, at ang isa pa riyan, ang bagong itinayong
pamilihang bayan. Napakatagal na rin nating walang
sentralisadong pamilihan noon kaya naman nahihirapan ang
mga taong bumili ng mga produktong kailangan nila.
Trisha: Dahil sa bagong palengke natin ay mas dumami rin ang
nabigyan ng pagkakataong magnegosyo at makapagtinda.
Nakakakuha sila ng magandang puwesto sa pamilihan upang
doon ibagsak ang kanilang mga produkto.
Janno: Mabuti na lang at pinatibay na rin ang mga tulay sa mga
barangay. Madali nalang nilang dalhin sa pamilihan ang iba’t
ibang lokal na produkto papunta sa ating pamilihan. Kung dati ay
kinakailangan pa nilang isakay sa bangka ang kanilang produkto
upang maitawid sa ilog, ngayon ay puwede na nila itong idiretso
sa pamilihan.
Trisha: Ngayon nga ay may mga nakahanay pang proyekto para
sa bayan katulad ng mga irigasyon at kongkretong pantalan o
pier. Paano kaya kung walang mga impraestrukturang kagaya ng
mga ito ang naipatayo sa ating bayan? Siguro ay mabagal ang
pag-unlad ng kabuhayan ng mga tao rito sa atin. Ano sa palagay
mo?
Janno: Marahil ay ganoon na nga. Sana ay mas marami pang
impraestrukturang maipatayo rito sa atin upang mas lalong
umunlad ang ating kabuhayan at lalawigan.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Tungkol saan ang usapan nina Janno at Trisha?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Bakit nila naisip na mas umunlad ang kanilang bayan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Isa-isahin ang mga impraestrukturang nabangit sa usapan.
Sabihin ang kahalagahan ng bawat isa sa kabuhayan ng
mga tao.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Kung mawawala o masisira ang mga impraestruktura, ano
kaya ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng mga tao?
Magbigay ng kongkretong halimbawa.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
5. Gaano ba kahalaga ang mga impraestruktura sa ating
lalawigan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Suriin
Ang impraestraktura ay nagbibigay kaginhawaan sa
mga tao. Halimbawa ay napapadali nit ang pagdala ng kalakal
sa iba’t ibang lalawigan o lugar. Halimbawa ang mga tulay at
daanan upang madala ang mga produkto mula taniman sa bukid
hanggang sa palengke kung saan ang mga tao ay bumibili.
Kasama sa imprastraktura ang mga serbisyong panlipunan upang
matugunan ang pangangailangan ng lalawigan.
Pagyamanin
Panuto: Ayosin ang mga pinagbaliktad na mga titik upang
makabuo ng isang salita na may kaugnayan sa impraestruktura.
1. YALUT
4. NOYGIIRAS
2. ADASLAK
5. GENKELAP
3. ALARANAP
Isaisip
Panuto: Punan ng wastong mga salita ang bawat patlang. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
Ang ____________ay nagpapadali upang ang kalakal ay
madala sa iba’t ibang ___________. Ang mga ____________ at
____________ ay nakakatulong upang madala ang mga produkto
mula sa taniman sa bukid hanggang sa mga ___________ kung
saan ang mga tao ay bumibili. Nakakatulong din ang
____________ upang magkaroon ng magandang ani ang mga
magsasaka.
Isagawa
Panuto: Isulat ang magiging epekto ng mga sumusunod na
larawan sa kabuhayan ng mga mamamayan.
Paaralan
Tulay
Epekto
Epekto
Kalsada
Epekto
Irigasyon
Epekto
Palengke
Epekto
Tayahin
Panuto: Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay nag-uugnay sa karatig bayan upang mapabilis ang
pagdala ng mga produkto sa palengke.
A. Jeep
B. Trak
B. Patubig
C. Tulay
2. Bakit nakatutulong ang sementadong daan sa kabuhayan
natin?
A. Dahil sa mas magiging mabilis ang transportasyon.
B. Dahil maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto
dahil sa bako-bakong mga kalsada.
C. Dahil madaling napupuntahan ang mga sakahan at
lugar kung saan naroon ang mga kabuhayan.
D. Lahat nabanggit ay tama.
3. Ano ang resulta kung may bagong palengkeng itinayo sa
isang lugar?
A. Kakaunti na lamang ang mamimili.
B. Makakatulong ito upang magkaroon ng
pagkakataon na paunlarin ang kabuhayan at
mamamayan.
C. Walang magbabayad ng buwis.
D. Magiging marumi ang paligid.
4. Ano ang magiging resulta sa mga sementadong irigasyon?
A. Dadami ang mga isda.
B. Gaganda ang ani ng mga magsasaka dahil may
sapat na suplay ng tubig.
C. Liliit ang magiging ani.
D. Masisira ang mga pananim dahil sa labis na suplay ng
tubig.
5. Ano ang magiging epekto ng impraestruktura sa
kabuhayan ng mamamayan?
A. Wala itong maidudulot na mabuti.
B. Mas lalong mahihirapan ang mga mamamayan.
C. Pagkakaroon ng kompetisyon sa mga karatig bayan.
D. Nakakatulong ito upang mapabilis ang mga gawain
at mapaunlad ang isang lugar.
Karagdagang Gawain
Panuto: Maghanap sa mga lumang diyaryo o magasin ng mga
larawan ng impraestruktura. Gupitin ito at idikit sa isang short bond
paper.
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito!
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.
Suriin/Pagyamanin/Isagawa
Rubrik
Tayahin
D
D
B
B
D
Isaisip
imprastruktura
lugar
tulay
kalsada
palengke
irigasyon
Subukin
Tam
a
Mali
Mali
Tama
Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
-Amparado Jr., Antonio V, Agney C Taruc, Cesar Q Antolin, Ma.
Theresa P Yanson, Lovella M Atup, Zayra P Maguling, Charles
P Alegre, et al. 2019. Araling Panlipunan - Ikatlong Baitang:
Kagamitan ng Mag-aaral - Rehiyon XII - SOCCSKSARGEN.
Studio Graphics Corp.
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral
ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph
Download