Uploaded by arnold.baladjay

Final AP3 q4 mod1 Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga Lalawigan ng Kinabibilangang Rehiyon

advertisement
3
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kapaligiran at Ikinabubuhay
sa mga Lalawigan ng
Kinabibilangang Rehiyon
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga Lalawigan
ng Kinabibilangang Rehiyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Miguel Oliver B. Wamar
Tagaguhit: Miguel Oliver B. Wamar
Editor: Emmanuel F. Gabriel/ Lanie B. Aguirre
Tagasuri: Maria Cristy F. Feria, Chante C. Cabantog
Tagalapat:
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores, CESO V - Schools Division Superintendent
Dr. Natividad G. Ocon, CESO VI – Assist. Schools Division Supt.
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Dr. Meilrose B. Peralta – CID Chief
Dr. Hazel G. Aparece - EPS In Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr. – PSDS, ADM Division Coordinator
Ronnie C. Cabaya – EPS, Araling Panlipunan
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon Dose
Office Address:
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax:
(083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address:
region12@deped.gov.ph
3
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kapaligiran at Ikinabubuhay
sa mga Lalawigan ng
Kinabibilangang Rehiyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kapaligiran
at
Ikinabubuhay
sa
mga
Lalawigan
ng
Kinabibilangang Rehiyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
2
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kapaligiran at Ikinabubuhay
sa mga Lalawigan ng Kinabibilangang Rehiyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pagaaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
Subukin
Balikan
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balikaral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
3
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
4
Isagawa
Tayahin
Karagdagang
Gawain
Susi sa Pagwawasto
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
5
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
6
Alamin
Layunin:
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang naipapaliwanag ang
kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng mamamayan
sa lalawigan ng kinabibilangang rehiyon at sa mga lalawigan ng
ibang rehiyon.
Subukin
Panuto: Batay sa iyong obserbasyon, punan ng impormasyon ang
sumusunod:
Ang ikinabubuhay ng mga tao sa aming lugar ay
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
Ito ang kanilang kabuhayan dahil
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
7
Aralin
45
Kapaligiran at
Ikinabubuhay sa mga
Lalawigan ng
Kinabibilangang Rehiyon
Panimula
Malaki ang ugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay
ng mga tao sa lalawigan. Sa kapaligiran nagmumula ang mga
ikinabubuhay ng mga tao sa isang lugar. Iniuugnay rin ng mga
tao ang uri ng kasuotan, pananim, at gawain sa kanilang
kapaligiran.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang kaugnayan ng
kapaligiran at ang ikinabubuhay ng mga tao sa rehiyon ng
SOCCSKSARGEN.
Balikan
Sa nakaraang pag-aaral ay natalakay ang mapang kultural
ng Rehiyon XII. Muling balikan ang mga mahahalagang konsepto.
⮚ Ang Fort Pikit ay nagsilbing tanggulan ng mga sundalo sa
panahon ng digmaan.
⮚ Ipinatayo ng mga Jesuits noong 1872 ang simbahan ng
Tamontaka.
⮚ Ginawang kuta sa panahon ng digmaan ang kuweba ng
Kutang Batu.
⮚ Nahukay ang mga sinaunang artifacts (garapon, banga,
atpb. na gawa sa luwad) sa kuweba ng Ayub sa Maitum,
Sarangani.
⮚ Ang bantayog ni Sultan Kudarat ay isa sa mga katutubong
bayani sa rehiyon sa kapitolyo ng lalawigan.
8
Tuklasin
Sa puntong ito, basahin ang mga sumusunod na Fact Sheets
ukol sa kapaligiran ng mga lalawigan sa SOCCSKSARGEN.
Fact Sheet 1: Kapaligiran ng Cotabato
Ang lalawigan ng Cotabato ang pinakamalaki sa lahat
ng mga lalawigan at lungsod sa rehiyon. Ito ay umaabot
sa 9,000 kilometro kwadrado.
Higit sa mga kapatagan nagtatanim ng mga
produktong agrikultural ang marami sa mga tao rito.
Ginagawang taniman ng mga gulay at prutas ang
mga ito at pastulan din ng mga alagang hayop tulad ng
baka at kambing sa mga bulubunduking bahagi.
Ang lungsod ng Kidapawan ay ang kabisera nito na
tinaguriang City of Fruits and Highland Springs. Malamig
ang klima dito dahil ito ay matatagpuan sa paanan ng
Bundok Apo. Dahil sa marami ring magagandang likas na
tanawin ang makikita rito, ang ecotourism ang isa rin sa
nagbibigay ng kabuhayan sa mga tagarito.
Karamihan sa mga nakatira sa lalawigan ng Cotabato
ay pagsasaka ang ikinabubuhay.
9
Fact Sheet 2: Kapaligiran ng Sultan Kudarat
Pumapangalawa ang Sultan Kudarat sa laki at lawak
ng sakop na lupain na umaabot sa mahigit 4,400 kilometro
kwadrado. Ang malaking bahagi nito ay binubuo ng
malawak na kapatagan ngunit may mga bahagi itong
bulubundukin at mayroon ding mahabang baybayingdagat.
Mainam ang klima ng lalawigan sa mga gawaing
pang-agrikultura.
Ang mga mamamayan ng Lebak, Palembang, at
Kalamansig ay pangingisda ang pangunahing
ikinabubuhay.
Ang sentro ng kalakalan ay ang Lungsod ng Tacurong
at Bayan ng Isulan. Ang mga nakatira rito ay
nagtatrabaho sa iba’t ibang opisina, pagawaan, at
pamilihan kung ikukumpara sa ibang bayan.
Fact Sheet 3: Kapaligiran ng South Cotabato
Ang Lungsod ng Koronadal ang nagsisilbing sentrong
administratibo sa rehiyon. Marami sa mga panrehiyong
Karamihan
ay galling
saprogresibo
Carmen, ang
Cotabato
at
tanggapan
ay dito
makikita
rito. Dahil
lungsod,
Lungsod ng Kidapawan.
nagsulputan
ang mga industriya at inaangkop ng mga
tao ang kanilang kasuotan sa pinapasukang trabaho.
Subalit, higit na nakararami pa rin ang umaasa sa
pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay tulad ng
asparagus, at mga prutas tulad ng pinya at papaya.
Sa bulubunduking bahagi ng lalawigang ito tulad ng
Lake Sebu ay makikita rin ang mga lawa na
pinangingisdaan.
Ang mga lumad ng South Cotabato tulad ng mga
T’boli at B’laan ay naghahabi at nagsusuot pa rin ng
kanilang tradisyunal na damit na karaniwang gawa sa
abaka lalo na kapag may pagdiriwang.
10
Fact Sheet 4: Kapaligiran ng Sarangani
Ang Lalawigan ng Sarangani ay nahahati sa dalawa,
ang kanluran at silangang bahagi.
Ito ay pinaghiwalay ng Lungsod ng General Santos
pero maituturing na ang kalakhan nito ay bulubunduking
nakaharap sa baybaying-dagat lalo na ang kanlurang
bahagi. Ito ay may malawak na baybaying-dagat kung
kaya ang marami sa tagarito, pangingisda ang
ikinabubuhay. May mga ilan ding nagtatanim ng palay,
mais, at niyog ngunit marami rin dito ang may mga
palaisdaan ng bangus, hipon at alimango.
Dinarayo ito dahil sa mga white sand beaches at mga
diving spots kung kaya masasabing isa sa mga
pangunahing pinagkakakitaan dito ay turismo.
Fact Sheet 5: Kapaligiran ng Lungsod ng General Santos)
Ang lungsod ng General Santos ay sentro ng kalakalan
at nakaharap sa baybaying-dagat.
Sa lungsod na ito makikita ang mga paliparan sa
buong rehiyon at maging daungan kung kaya mabilis ang
pag-unlad ng mga ito.
Higit na matao kung ihahambing sa ibang lugar. Kung
kaya, karamihan ay nagtatrabaho sa mga pagawaan,
pamilihan, mga bahay-kalakal, at iba pang mga
industriya. Iba’t ibang damit- pantrabaho ang
mapapansin mong isinusuot ng mga trabahante dito.
Karamihan sa mga kabahayan ay gawa sa semento at
yero. Marami na ring mga subdibisyong makikita rito.
Pangisdaan rin ang isa sa ikinabubuhay ng mga
tagarito. Ang industriya ng pagproseso ng mga huling isda
at ang pagluluwas ng tuna ng General Santos ang
sandigan din ng pag-angat ng ekonomiya nito.
11
Suriin
Matapos mong basahin ang mga Fact Sheets ukol sa iba’t
ibang kapaligiran at kabuhayan sa Rehiyon XII sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
1. Anong uri ng kapaligiran mayroon ang Lalawigan ng Sultan
Kudarat? Paano nila iniaangkop ang kanilang tirahan at
kasuotan sa kanilang kapaligiran?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Paano iniaangkop ng mga tao sa Lalawigan ng Sarangani
ang kanilang hanapbuhay sa kanilang kapaligiran?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Anong uri ng kapaligiran mayroon ang dalawang lungsod
ng Cotabato at General Santos? Anong trabaho kaya
mayroon ang karamihan dito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga lalawigan
ng Cotabato at Sultan Kudarat sa uri ng pamumuhay?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
12
Pagyamanin
Panuto: Gamit ang talahanayan, isulat ang uri ng kapaligiran ng
bawat lalawigan at lungsod ng rehiyon at ang mga ikinabubuhay
ng mga tao rito.
LALAWIGAN/LUNGSO
D
1. Cotabato
KAPALIGIRAN
2. Sultan Kudarat
3. South Cotabato
4. Sarangani
5. Lungsod ng General
Santos
13
HANAPBUHAY
Isaisip
Panuto: Isulat ang lalawigang tinutukoy ng mga sumusunod na
pahayag.
____________1. Ito ay nahahati sa Kanluran at Silangang bahagi na
napapagitnaan ng Lungsod ng General Santos.
____________2. Ito ang pinakamalaki sa mga lalawigan na may
malawak na kapatagan at bulubunduking bahagi.
____________3. Ito ang tanging lalawigan sa rehiyon na may
malawak na kapatagan, mga kabundukan, at mayroon ding
baybaying-dagat.
____________4. Ito ay lungsod na may malawak na baybayingdagat na pinagmumulan ng malaking suplay ng isda sa rehiyon.
____________5. Ang lalawigang ito ay napapaligiran ng
kabundukan at sa gitna nito ay malawak na kapatagan. Marami
rin itong mga lawang pinapangisdaan ng mga isdang – tabang.
Dito rin makikita ang sentrong administratibo ng rehiyon.
Isagawa
Panuto: Sa loob ng kahon, iguhit ang kapaligiran ng iyong
lalawigan. Ipakita rin ang uri ng tirahan, kasuotan, at hanapbuhay
ng mga tao rito. Gawing makulay ang iginuhit.
Rubrik sa Pgguhit
14
4
MGA
KRAYTERYA
3
2
1
Puntos
Kaangkupan Angkop na
sa Paksa
angkop
ang iginuhit
sa paksa
Angkop
Hindi
ang iginuhit gaanonga
sa paksa
ngkop ang
iginuhit sa
paksa
Hindi
angkop
ang
iginuhit sa
paksa
Pagkamalikhain
Naging
malikhain
sa paghahanda
Walang
ipinamalsa
paghahanda
Lubos na
nagpapamalas ng
pagkamalikhain sa
paghahanda
Hindi
gaanong
naging
malikhain
sa paghahanda
Gawain A
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na pamumuhay ng
mga tao sa mga bayan o lalawigang nabanggit.
Pagmimina
Pagsasaka
Pangangalakal
1. South Cotabato
-
2. Cotabato
-
3. Sultan Kudarat
-
4. Sarangani
-
5. General Santos
-
Pangingisda
Gawain B
Panuto: Sa kabuuan, paano iniuugnay ng mga tao ang uri ng
pamumuhay sa kapaligiran ng lalawigan o lungsod na kanilang
kinabibilangan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
15
Karagdagang Gawain
Sa loob ng kahon, gumawa ng collage hinggil sa uri ng
tirahan, kasuotan, at hanapbuhay ng mga tao sa mga lalawigan
ng SOCCSKSARGEN. Maaring kumuha ng mga larawan sa
diyaryo, magasin, at iba pa.
Rubrik sa Paggawa ng Collage
Mga
Krayter
ya
4
3
2
1
Pagka
kaayos
Ang mga
kagamitan ay
malinis at ang
collage ay
madaling
maintindihan
Halos ang mga
kagamitan ay
malinis at halos
sa impormasyon
sa collage ay
madaling
maintindihan
Ilan sa mga
kagamitan ay
malinis at ilan sa
mga
impormasyon sa
collage ay
madaling
maintindihan
Ang mga
kagamitan ay
hindi malinis
at ang
collage ay
mahirap
maintindihan
Nilala
man
Angkop na
angkop ang
nilalaman sa
paksa
Angkop ang
nilalaman sa
paksa
Hindi gaanong
angkop ang
nilalaman sa
paksa
Hindi angkop
ang nilalaman
sa paksa
Puntos
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang
modyul na ito!
Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na
modyul.
16
17
Isaisip
Isagawa
Sultan Kudarat
Cotabato
Sultan Kudarat
General Santos
Sultan Kudarat
Pagkamalikhain
Nilalaman
Kalinisan
Kabuuang Impresyon
KABUUAN
40%
30%
20%
10%
100%
Tayahin
Karagdagang Gawain
Pangingisda,
Pagsasaka, Pamimina
Pagsasaka
Pangingisda,
Pagsasaka, Pamimina
Pangingisda,
Pagsasaka
Pangingisda
Pangingisda
Pagkamalikhain
Nilalaman
Kalinisan
Kabuuang Impresyon
KABUUAN
40%
30%
20%
10%
100%
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
-Amparado Jr., Antonio V, Agney C Taruc, Cesar Q Antolin, Ma.
Theresa P Yanson, Lovella M Atup, Zayra P Maguling, Charles
P Alegre, et al. 2019. Araling Panlipunan - Ikatlong Baitang:
Kagamitan ng Mag aaral Rehiyon XII SOCCSKSARGEN.
Studio Graphics Corp.
-
-
-
18
Download