Pangangatwiran – isang anyo ng pagpapahayag na naiiba sa paglalahad, paglalarawan at pagsasalaysay Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig/tagabasa na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng isang paninindigan o di kaya’y maimpluwensyahan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pahayag. Ito’y isang paraan ng paglalahad na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala. Ang pangangatwiran ay pagpapakahulugan. ( Alejandro,1970 ) Mahalaga sa pangangatwiran ang mga argumento na siyang bumubuo dito Argumento – isang lohikal na paraan ng pagpapasang-ayon Lohika – agham na nagtuturo na makaalam at makaunawa LOHIKA – AGHAM PANGANGATWIRAN – SINING Uri ng Pangangatwiran 1. Pangangatwirang Pabuod Nagsisimula sa mga halimbawa o maliliit na kaisipan at nagwawakas sa isang panlahat na simulain A. Pangangatwirang nagwawakas sa konklusyong panlahat o paglalahat B. Pangangatwirang gumagamit ng pagkakaugnayan ng sanhi Ayon kay Alejandro , ang konklusyon ay isang pagpapahayag na sa dalawang magkaugnay na pangyayari, ang isa sa kanila ay siyang sanhi ng pangalawa C. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad 2. Pangangatwirang Pasaklaw Ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa isang tiyak na pangyayari Ang ganitong uri ng pangangatwiran ay naipapahayag sa pamamagitan ng silohismo Silohismo – isang payak na balangkas ng pangangatwiran na malaki ang naitutulong sa pagtiyak ng kabisaan ng pagmamatuwid - ito ay dapat na maging totoo at mabisa Binubuo ito ng : Pangunahing Batayan Pangalawang Batayan Konklusyon Halimbawa : Pangunahing Batayan : Pangalawang Batayan : Konklusyon : Pararangalan ang lahat ng tumulong sa mga nasunugan Tumulong si Andrew sa mga nasunugan Samakatwid, pararangalan si Andrew. Pagmamatuwid at Pagtatalo Pagmamatuwid – ay isang anyo ng diskors na may layuning makahikayat ng iba sa pamamagitan ng pangangatwiran upang paniwalaan o gawin ng mga tagapakinig o mambabasa ang nais niyang paniwalaan o gawin nila. - maaaring pasalita o pasulat mahalagang sangkap nito ang paggamit ng katwiran at ang layuning mapaniwala o mapakilos ang iba ayon sa ibig nating mangyari Pagtatalo – ay binubuo ng pagbibigay-matwid ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang paksang pinagtatalunan Mahalaga sa isang pagtatalo ang mga sumusunod : iba’t ibang ayos ng pagmamatuwid at pagpapabulaan at pagharap ng ganting matuwid Pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) – isang sining ng gantihang katwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa Isinasagawa ito sa isang pagpapahayag na ang mga katwiran ay naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat. Pagtatalo at Pakikipagtalo Pagtatalo - Debate Pakikipagtalo - Argumentation Pakikipagtalo – isang pang-araw –araw na gawain ng tao sa pakikisalamuha niya sa kapwa - ito’y karaniwang pagpapalitan ng kuru-kuro o palagay at iba pang mga personal na pangangatwiran tungkol sa isang paksa Pakikipagtalo - impormal Puno’t dulo ay madalas na hindi namamalayan Pagtatalo - pormal Binubuo ng dalawang panig ( sang-ayon at di sang-ayon ) Bawat panig ay binubuo ng dalawa o tatlong kasapi Pinaghahandaang mabuti Dapat Tandaan sa Pagdaraos ng Isang Pagtatalo : 1. Pumili ng napapanahong paksa at kawili-wiling pagtalunan Kailangang ilahad sa anyong proposisyon. Ang isang proposisyon ay maaaring may layuning magpalaganap o magpatotoo 2. Ang paksang pagtatalunan ay kailangang talakayin sa pamamagitan ng tatlong buod : A. kabutihan ( kapakinabangan ) B. Pangangailangan C. Pagsasakatuparan ( praktikalidad ) 3. Ang paksa ay kailangang tiyak at malinaw sa mga kalahok 4. Ang paglikom ng mga kaalaman, impormasyon o materyales sa pagtatalo ay mahalaga. 5. Malaki ang magagawa isang talumpating maayos na binuo o isinulat upang ang paglalahad ng mga ideya ay may kaisahan. 6. Mahalaga ang wastong pagbigkas sa pagtatalo. Uri ng Debate Debateng Oxford Debateng Oregon Debateng Oxford – Oregon Debateng Oxford ( Rufino Alejandro ) Unang Tagapagsalita Sang-ayon - maikling panimula Paglalahad, patotoo sa unang isyu Pagtatapos – lagom ng kanyang napatunayan Babanggitin ang gagawin ng susunod na kasama Unang Salungat – maikling panimula Patotoo sa unang isyu Lalagumin ang mga matwid ng panig ng Salungat Pangalawang Sang-ayon – maglalahad ng patotoo Nilalagom ang pangunahing matwid ng panig ng sang-ayon Pangalawang Salungat – maghaharap ng isang tuligsa sa balak ng panig ng sang-ayon o naghaharap ng pamalit ng pangunahing matwid ng panig ng salungat Pangatlong Salungat – talumpati ng ganting matwid-sinusuri niya ang mga hindi pinagkakaisahan ng panig ng sangayon at panig ng salungat at pinabubulaanan ang pangunahing matwid ng sang-ayon - sa pagwawakas , maaaring gumawa siya ng isang nakahihikayat na panawagan Pangatlong Sang-ayon – pagsusuri ng mga pangunahing puntos ng ipinagkakaibang kuro ng dalawang panig - maghaharap ng isang pagpapabulaan - magwawakas sa isang mapanghikayat na panawagan Debateng Oregon Unang Tagapagsalita ng dalawang panig – maghaharap ng pagmamatwid ng kani-kanilang panig Pangalawang Tagapagsalita – magtatanong upang maipakilala ang karupukan ng mg matwid na panig ng katalo Pangatlong Tagapagsalita – maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig Mga Paalala : 1. Ang ibibigay na tanong ay masasagot sa ilang pananalita lamang. 2. Isipin na agad ang maaaring isagot sa mga itatanong upang mapaghandaan 3. Sa pagtatanong , sikaping maipakilala ang kawalan ng awtoridad at ang karupukan ng matwid o ang pagkakasalungatan ng mga matwid ng kalaban 4. Magsimula sa tiyak patungong masaklaw 5. Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid, walang kaugnayan o walang gaanong halaga 6. Huwag gelatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit na siya’y sumagot ng “oo” o “hindi” Debateng Oregon – Oxford A. Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mga tuntunin ) B. Paglalahad ng proposisyon C. Pagbibigay ng katuturan D. Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran E. Pagtatalo Unang Tagapagsalita ( Sang-ayon ) talumpati maglalahad ng buod ng Unang Tagapagsalita ( Salungat ) Magtatanong sa buod ng talumpati unang tagapagsalita ( sang-ayon) Maglalahad ng buod ng talumpati Ikalawang Tagapagsalita ( Sang-ayon )- magtatanong sa buod ng talumpati Maglalahad ng buod ng talumpati ………………. ( Lima – sampung minutong pagitan ) Unang Tagapagsalita ( salungat ) unang tagapagsalita ( sang-ayon ) tutuligsain ang buod ng Unang Tagapagsalita ( sang-ayon ) ikalawang tagapagsalita ( salungat ) tutuligsain ang buod ng ………………. Lider ng panig ng sang-ayon ng pangkat magbubuklod ng katwiran Lider ng panig ng salungat ng pangkat magbubuklod ng katwiran F. Paghahatol ng Lupon Sa sandali ng panunuligsa, tukuyin ang sumusunod : 1. mga maling katwiran 2. walang katotohanang batayan 3. kahinaan ng katibayan 4. mga pahayag na labas sa buod na pinagkasunduan Sa oras ng paghatol , ang panig ng sang-ayon ang siyang may bigat ng pagpapatibay at ang panig ng salungat ang siyang may bigat ng pagtuligsa.