Mga Uri ng Pagsulat 1. 2. 3. 4. 5. 6. Akademik Teknikal Journalistic Referensyal Profesyonal Malikhain Akademik • Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon. • Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Teknikal • Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. • Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigaysolusyon sa isang komplikadong suliranin. Teknikal • Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal • Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology • Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa Journalistic • Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist • Saklaw nito ng pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin Referensyal • Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. • Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes. Referensyal • Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon • Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards. Profesyonal • Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. police report – blotter investigative report – imbestigasyon / dokyumentaryo legal forms, briefs at pleadings – abogado patient’s journal – doktor at nurse Malikhain • Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura • Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat • Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa • Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.