SALIK SA PAGKAKAROON NG KORUPSIYON SALIK SA PAGKAKAROON NG KORUPSIYON 1. KAHIRAPAN/KAGIPITAN 2. GANID O SAKIM SA KAPANGYARIHAN 3. PAGTANAW NG "UTANG NA LOOB" AT PAGBIBIGAY NG MGA REGALO NA MAY INAASAHANG KAPALIT KAUGNAYAN/BAHAGING GINAGAMPANAN SA PAGKAKAROON NG KORUPSIYON Makikitang ang kahirapan ang isa sa mga dahilan ng korapsyon. Sabi nga ng kasabihang, “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”, napipilitang magnakaw ang mga tao. Ngunit masasabi rin nating, paano naman ang mga mayayaman na patuloy paring nagnanakaw? Sadyang hindi nga makuntento ang tao sa kung anong mayroon sila. Ang mga kadalasang kurap any iyong mga politico o empleyado ng gobyerno na hindi makuntento sa kung ano ang kinikita nila sa pagtatrabaho, kung minsan ay dala ng matinding pangagailangan. Minsan ay may mga opisyal o empleyado ng goberno ang gumagawa ng anomaly o korupsiyon upang pagbigyan ang mga taong pinagkaka utangan ng loon. Hindi sila makatanggi kahit na ito man ay labag sa batas at nakasasama. LEGAL O ILLEGAL BA ANG DINASTIYANG POLITIKAL? Sa mundong ating kinalalagyan, may mga lugar o bansa na ang dinastiya ay nananatili at nangunguna sa larangan ng politika na kung saan isang pamilya ang tumatayong lider sa kagustuhan nilang magkaroon ng kapangyarihan o sa mas malalim na dahilan. Ano nga ba ang dinastiyang politikal o mas kilalang political dynasty sa ingles? Ito ba’y may mabuting maidudulot o hindi mainam na sistema sa sambayanan? Ang dinastiyang politikal ay ang pamumuno ng isang pamilya sa isang lugar o sa isang bansa at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulan ginagampanan sa pamahalaan. Ang sistemang ito ay matagal ng laganap sa bansang Pilipinas at iba pang parte ng Asya. Bakit nga ba gusto ng buong pamilya ang manatili sa mundo ng politika? Isa na siguro dito ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan upang makontrol ang isang pook. Marahil, ang angkan na ito ay naghahangad na matawag na isa sila sa mga elite ng bansa. Pwede rin na gusto nilang tratuhin ang isang lugar bilang baluarte. Ngunit meron din mga pamilyang pinapanatili ang kanilang posisyon dahil alam nila na may kakayahan silang pamunuhan ang sambayanan sa pamamagitan ng paglilingkod na may kabutihan at katotohanan. At isa pang pwedeng rason ay may napatunayan na sila sa mga tao o sa masa na kaya nilang mamuno. Sa bansang Pilipinas, unti-unting sinasakop ng mga dominanteng pamilya ang bawat lugar upang pagharian o pamunuhan. Ang mga prominenteng pamilya noon at hanggang ngayon ay ang mga Binay, Ejercito-Estrada, Revilla, Duterte at Marcos. Mayroon bang pagbabawal sa Saligang Batas laban sa mga political dynasty, o ang paghahalal at pag-upo sa mga posisyon ng gobyerno ng magkakamag-anak? Bagaman ginagarantiya ng Saligang Batas ang pantay-pantay na pagkakataong tumakbo ang bawat indibidwal, nakasalalay lamang sa mga mambabatas ang pagbibigay-depinisyon sa political dynasty, at ang pagbabawal nito sa batas. Bagama't tahasang ipinagbabawal ng Konstitusyon ang mga political dynasties, walang batas na naipasa para ipatupad ito, kahit na matapos ang tatlong dekada. Sinabi ng mga kritiko na ito ay dahil maraming mambabatas mismo ang nagmula sa mga political dynasties. Sinasabi ng Artikulo II, Seksyon 26 ng Konstitusyon ng 1987, "Ang Estado ay dapat maggarantiya ng pantay na pag-access sa mga pagkakataon para sa serbisyo publiko, at ipagbawal ang mga political dynasties na maaaring itakda ng batas.” Pagkalipas ng tatlong dekada at sa kabila ng maraming pagtatangka na magpatibay ng naturang batas, wala pa ring nagpapagana na batas na nagbabawal sa mga political dynasties sa bansa. Kaya, ang pagkakaroon nito ay nagpapahina sa checks and balance sa gobyerno, nagpapahina sa kompetisyon sa sistemang pampulitika, na nagresulta sa mas kaunting access para sa mga alternatibong lider na maging bahagi ng political arena, at ipagpatuloy ang personality-based na pulitika sa pamamagitan ng pagudyok sa mga pulitiko na mamuhunan sa kanilang mga kamag-anak.