Sarah G. Reyes BSE 2C FILIPINO Prof. Jay-Ar Cipcon, LPT CHED Memorandum Order No. 20 2013 Ang nilalaman ng CHED Memorandum Order No. 20 2013 ay ang pinamagatang “General Education Curriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.” Ito ay inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o ang Commission on Higher on Education (CHED) sa Ingles noong Hunyo 28, 2013. Batay sa nasabing memorandum na ito, ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila ng kolehiyo kapag naipatupad na ang K-12 na programa. Nasa memorandum din na ang mga General Education courses ang ipapatupad sa pagtuturo ng mga Grade 11 at Grade 12 na mga estudyante. Kabilang ang asignaturang Filipino sa nasabing General Education courses na ito. MGA BAGONG ASIGNATURANG FILIPINO AT MAKAFILIPINO SA KOLEHIYO I. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL) II. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS) III. Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan (SOSLIT) V. Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Dalumat Ng/Sa Filipino (DALUMATFIL) IV. Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinesosyedad/Pelikulang Panlipunan (SINESOS) Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. KAHALAGAHAN NG WIKANG PAMBANSA SA PAGBUBUO NG MAKABULUHANG DISKURSO SA IBA’T IBANG LARANGAN NG KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba't ibang aspeto sa ibang bansa. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya. Malaki ang ginagampanan ng wika sa pambansang kaunlaran.Isang mahalagang instrumento ang wika sa komunikasyon, nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspeto ng pag-aaral at sa ating pang- araw araw ng pamumuhay. Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. Mahalaga ang wikang Filipino sa pagkaunawa ng mag-aaral sapagkat mas malaki ang naitutulong nito sa intelektwalisasyon at ang anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Mas naipapahayag nila ang kanilang sariling opinyon, damdamin sa isang isyu o usapin sa kanilang pinag-aaralan. Nakatutulong ang paggamit ng wikang Filipino tungo sa mabilis na pagkaunawa ng mag-aaral.