Ang Prinsipyo ng Ekonomiks Ang Katuturan ng Ekonomiks Ekonomiks • Ito ay isang agham panlipunan na sumasalamin sa ginagawang pagsisikap ng mga tao na magkaroon ng ikabubuhay. Lahat ng tao ay naghahangad ng maayos na pamumuhay, kaya sila ay nagsusumikap sa buhay. MAIKLING KASAYSAYAN NG EKONOMIKS MGA MERKANTILISTA (Ika-17 at 18 siglo) - nagpasimula sa sistematikong kaisipan ng pangkabuhayan DAVID HUME Nagpahayag ng kanyang gold-flow mechanism GOLD-FLOW MECHANISM - naglalarawan kung paano ang gold-inflow ng mga merkantilista ay magwawakas sa pagtaas ng presyo PHYSIOCRATS - nagpahayag na ang agrikultura ang tanging pinagmumulan ng pangekonomikong kalabisan at nagtangka na tanggalin ang restriksyon ng kalakalan sa mais at iba pa FRANCOIS QUESNAY - nagpaliwanag na ang ibat-ibang elemento ng ekonomiya ay magkakaugnay at samasama tulad ng mga blood vessels ng katawan FRANCOIS QUESNAY - doctor ni Louis XIV ADAM SMITH - ama ng disiplina ng ekonomiks ADAM SMITH - sumulat ng “Wealth of Nations” na nagsusuri sa pagyaman at karalitaan ng bansa WEALTH OF NATIONS: 1. Paglalaan ng Puhunan o pag-iimpok 2. Pagtaas ng Produktibidad ng Paggawa - isang bahagi na nagbibigaydaan sa produktibidad ang espesyalisasyon FREE ENTERPRISE - isang pamilihan na may kompetisyon - ang pamahalaan ay hindi makikialam sa pamamahala ng negosyo ng indibidwal at anumang pakikipagkalakalan LIMITADONG PAPEL NG PAMAHALAAN - pagpapatupad ng batas at kaayusan - tanggulang pambansa - pampublikong kalusugan at kalinisan LASSAIZE FAIRE - hindi pakikialam ng pamahalaan sa pamilihan - bunga ng paniniwalang nakakaapekto ang panghihimasok ng pamahalaan sa negosyo DAVID RICARDO - sumulat sa “The Principles of Economy and Taxation” DAVID RICARDO Batas ng Lumiliit na Kapakinabangan - bumababa ang pakinabangan ng isang bagay sa produksyon DAVID RICARDO Comparative Advantage - ang isang bansa ay gagawa ng produkto kung saan higit na mababa ang gastos, habang ang produkto na magagawa sa higit na mataas na gastos ay aangkatin na lamang THOMAS MALTHUS - sumulat ng “The Principles of Population as it Affects the Future of the Society” THOMAS MALTHUS - mapagiiwanan ng paglaki ng populasyon ang paglaki ng produksyon THOMAS MALTHUS Antas ng Geometric - paglaki ng populasyon kapag hindi natsek sa loob ng 25 taon (1, 2, 4, 8, 16, 32, 64…) Antas ng Arithmetic - pagdami ng produksyon ng pagkain (1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8…) THOMAS MALTHUS - ang tao ay patungo sa kahirapan at pagdurusa maliban kung ang antas ng paglaki ng populasyon ay mapipigil ng paraang positibo o preventive. KARL MARX - sumulat ng Das Kapital kung saan masusi niyang pinag-aralan ang sistema ng kapitalismo KARL MARX - tinalakay niya ang labor theory of value Labor Theory of Value - ang halaga ng anumang produkto ay nakasalalay sa dami ng paggawa na kailangan upang magawa ito KARL MARX - isinulong ang sosyalismo at komunismo - dapat kompiskahin ang pribadong pag-aari na gamit sa produksyon, gawin itong pagaari ng buong lipunan at alisin ang sistema ng pasahod CLASSICAL ECONOMICS Leon Walras - ipinakilala ang general economic system Alfred Marshall - sumulat sa aklat na the Principles of Economics NEO-KLASIKO - nagpalawak ng konsepto ng ekonomiks - binubuo nina Bohm Bawerk, K. Wickell, Irving Foster at Alfred Marshall - sumunod sila sa programa nina Smith at Ricardo JOHN MAYNARD KEYNES - ama ng makabagong makroekono miks JOHN MAYNARD KEYNES - sumulat ng General Theory of Employment, Interest and Money na nagpalit ng pokus ng ekonomiks sa makroekonomiks JOHN MAYNARD KEYNES - hindi laging mabisa ang “nakakubling kamay” dahil maaari itong magdulot ng krisis pang-ekonomiya JOHN MAYNARD KEYNES - maiiwasan ang krisis kung aktibong makikialam ang pamahalaan PAKIKIALAM NG PAMAHALAAN: Patakarang Piskal - kapangyarihang gumastos at mangulekta ng buwis Patakarang Pansalapi - kapangyarihang gumawa, magpakalat at magpautang ng salapi Kasaysayan ng Ekonomiks Ang ekonomiks ay nakilala bilang political economy na sentral na paksa ng pag-aaral mga pilosopo (philosopher). Nang hindi pa ipinanganak ang disiplina, hindi malinaw ang kaisipan ng ekonomiks dahil ito ay nakatuon sa pag-aaral na kaugnay ng politika at ekonomiya ng mga bansa. Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na OIKONOMIA na ang ibig sabihin ay pamamahala o pamamalakad ng sambahayan (household). Kahulugan ng Ekonomiks Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na mayroong layunin na pag-aralan ang mga pagkilos at pagsisikap ng mga tao at paraan ng paggamit ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay dahil sa kailangang kailangan piliin ng mga tao/pamahalaan kung saan gagastusin ang kanilang likas yaman. Ang bawat tao ay gumagawa ng paraan upang makabahagi sa limitadong yaman ng bansa. Lahat ng tao ay patuloy na nagsisikao upang magkaroon ng ikabubuhay at mabuhay. Pag-aaral ng Ekonomiks Sa pag-aaral ng ekonomiks, matututuhan ng bawat indibidwal ang konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghahanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay, maging ang galaw ng pamahalaan ukol sa pamamalakad sa ekonomiya. Ang pagdedesisyon ng pamahalaan ay mahalaga rin sa paglutas ng mga suliraning pang-ekonomiya, tulad ng pagtaas ng antas ng employment, kakulangan sa supply ng bigas at iba pa. Ang pag-aaral ng ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan upang maging mapanuri, mapagmasid, mapagmatyag at kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan upang higit na maunawaan kung paanong ang mga pangyayari sa ekonomiya, tulad ng pagtaas at pagbaba ng presyo ng langis ay nakakaapekto sa ating buhay. Ang mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan at pangmoralidad na nalilinang sa pag-aaral ng ekonomiks ay nakakaapekto sa ating mga kilos, pananaw st gawi sa lipunan. Ang ekonomiya ay hindi lamang sumasalamin sa pagkilos ng tao sa lipunan, ngunit sinusuri rin nito ang ibubunga ng mga kilos na ayon sa buong ekonomiya.