EMMANUEL QUISEO DAGATAN Presenter Ano nga ba ang mga bagay na humahadlang sayo upang hindi ka makapag-ipon ng Pera? Sa pamamagitan ng vlog na ito malalaman mo na may 10 bagay o gawain pala ang tao na nagging dahilan upang hindi ka makapag-ipon araw-araw, linggo-linggo o maski buwan buwan na pag-iipon ng pera. Ating isa-isahin ang mga balakid sa ating pag-iipon ng pera. ISANG LETRA LANG ANG PAGAKKAIBA NG LUHO AT LUHA AT KAPAG INUNA NATIN ANG MGA LUHO SA ATING BUHAY SIGURADONG LULUHA TAYO BALANG ARAW. ANG LUHO AY ANG MGA BAGAY NA HINDI NAMAN TALAGA NATIN KAILANGAN PERO ATING PINAGKAKAGASTUSAN HALIMBAWA BIBILI KA NG IPHONE-13 PERO LAST WEEK KAKABILI MO PA LANG NG IPHONE-12. GUSTO MO BUWAN BUWAN KUNG ANONG BAGO SA IPHONE IKAW DAPAT ANG NAUNANG BUMILI SA BARANGAY NIYO ALAM MO BA, NA SA TUWING NAIINGGIT KA SA IYONG KAPWA AY PINUPUNO MO NG HINANAKIT ANG IYONG PUSO? AT SA TUWING NAKAKARAMDAM KA NG INGGIT NADADAMAY DIN PATI ANG PERANG NANANAHIMIK SA LOOB NG IYONG PITAKA? HALIMBAWA KATABI NG BAHAY NIYO AY ANG TAONG HATE NA HATE MO. NAKITA MO SIYA NGAYON NA BUMILI NG 60 INCHES FLAT SCREEN TV KAYA NAMAN WALA PANG ISANG ORAS UMALIS KA NG BAHAY PARA MAKABILI NG 70 INCHES NA FLAT SCREEN TV IWASAN NATIN ANG KAYABANGAN SA ATING KATAWAN DAHIL WALA ITONG MAIDUDULOT NA MABUTI SA ATIN. TANDAAN NATIN NA HINDI NATIN KAILANGAN E-PLEASE ANG LAHAT NG TAO PARA LAMANG GUMANDA TAYO SA PANINGIN NILA DAHIL KAPALIT NITO MASASAID ANG LAMAN NG IYONG PITAKA. HALIMBAWA ARAW-ARAW BUMIBILI KA NG BAGONG TSHIRTS, RUBBER SHOES AT PANTALON NA SIYA NAMANG ARAW-ARAW MONG EPOPOST SA LAHAT NG IYONG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS. FEELING MAYAMAN KA PERO PAG-UWI SA BAHAY HALOS WALA KA NANG MAIUULAM PA SA KAKAYABANG MO. ANG ISA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI TAYO NAKAKAPAG-IPON AY DAHIL PURO TAYO, “BUKAS KO NA UUMPISAHAN ANG PAGIIPON”. SANA AY IWASAN NATIN ANG GANITONG UGALI DAHIL GAANO MAN KAGANDA ANG ATING PLANO SA BUHAY KUNG DI MO ITO NAUUMPISAHAN DAHIL SA PALAGIANG PAGPAPABUKAS WALANG MANGYAYARI NATURAL NA PAG WALDAS ANG ISANG TAO, LAGI ITONG WALANG PERA AT LAGING FINANCIALLY BROKE. HALIMBAWA FEB 14 ANG VALENTINES DAY SO NGAYON BINILI MO ANG FAVORITE CHOCOLATES AT FAVORITE TEDDY BEAR NG KARELASYON MO GAYONG ALAM MO NA KAPAG BINILI MO ANG CHOCOLATES AT TEDDY BEAR NG KARELASYON MO AY WALA KAYONG UULAMIN SA BAHAY PERO ANG NANGYARI BINILI MO PARIN ANG CHOCOLATES AT TEDDY BEAR PARA SA KARELASYON MO WORTH 1900 LAHAT PAK NGANGA. SIKAPIN NATING MAGKAROON NG MALINIS NA PAMUMUHAY NA MALAYO SA BISYO NA MAGNGUNGUDNGOD SATIN SA PUTIK NG BUHAY PARA MAKASIGURO NA MAKAKAPAG-IPON KA NGA BUWAN BUWAN KADA TANGGAP MO NG SAHOD MO. HALIMBAWA ARAW-ARAW AT GABI-GABI KA BUMIBILI NG RED HORSE AT IBA PANG ALAK NAKAKALASING KASI UGALI MO NANG MAGPAINOM SA MG BARKADA MO NA MAGBIBIGAY NAMAN NG MGA BABAE SAYO TUWING INUMAN SESSIONS. BUKOD PA DOON CHAIN SMOKER KA PA NA HALOS KADA ORAS HALOS TIG SASAMPUNG STICK NG SIGARILYO ANG NAUUBOS MO PARA LANG SABIHIN NA ASTIG KA, MATINIK KA SA CHIX AT MAPERA KA. GAMITIN ANG ANGKING TALENTO AT LIBRENG ORAS SA MGA BAGAY NA MAKAPAGBIBIGAY SA IYO NG EXTRA INCOME. TANDAAN, NA KAPAG MAS MADAMI ANG IYONG INCOME BUKOD PA SA BUWAN BUWAN MONG SINASAHOD AY MAS MALAKI DIN ANG IYONG BUWAN BUWAN NA MAIIPON. UGALIIN LAGI ANG BUWAN BUWAN NA PAG-IIPON KISA ARAW-ARAW NA PAGWAWALDAS NG PERANG NAIIPON.