Uploaded by balicag.amy

GALAK SA DUMAGUETE

advertisement
GALAK SA DUMAGUETE
Pebrero 15-20 2018, napadpad ako sa kakaibang siyudad ng Dumaguete na tinaguriang
“City of Smiles”. Napunta ako dito sa intensyong irepresinta ang rehiyong Cordillera
Administrative Region (CAR) sa 2018 National School’s Press Conference (NSPC).
Pebrero 15-16, ang pawang walang katapusang biyahe para lang makatapak sa nasabing
lugar. Sampung oras bago marating ang airport, isang oras sa eroplano at huling limang oras ulit
para masilayan ang lugar na ngayon ko lang narinig sa tanang buhay ko, ang Dumaguete City.
Gabi ng ika-17 ng Pebrero, sinalubong kami ng isang magarbong handaan at programa ng
paaralan kung saan kami tumuloy. Mayaman sila sa kultura lalo na sa sayaw kaya bilang isang
paanyaya ay nagpalabas sila ng ilang katutubong sayaw ng kanilang lugar. Isa din sa maganda
nilang kultura ay ang walang humpay nilang pagbati at pag-aanyaya samin na kung saan ay
tunay nga naming nakakataba ng puso.
Ika-labing walo ng umaga, eto na! Ang araw na pinakadahilan kung bakit kami naririto
ngayon. Isang maiging paghahanda nag aming ginawa para sa bakbakan ng papel at panulat
mamaya. Sa kabila ng init ay patuloy ang masinsinang dasal para sa magandang resulta.
Kinahapunan ay napagpasyahan naming maglibot sa mga pang-akit turista nila dito. May
mga lugar na mahahalata mong mahirap ang buhay pero dahil sa ingat nila sa yamang taglay ng
lugar na iyon ay nakakaraos sila. Tunay din naming nakakamangha ang mga ito sapagkat
nakakabighani ang mga ito hindi lang sa ganda pero dahil na din sa pakikitungo samin ng mga
tao doon na wari bang kapamilya nila kami.
Ika-labing siyam nang kontrtahin naming ang isang sasakyan para makapunta sa
makasaysayng lugar ng Cebu. Ang mga dating nasisilayan lang namin sa telebisyon ay
napuntahan na nmain sa totoong buhay. Ramdam mo din ang pag-aalaga nila sa mga ito dahil
makikita mo padin ang mga bakas ng matinding naranasan neto nung panahon ng pananakop.
Kinabukasan, ang huling araw na din namin dito sa Dumaguete. Hindi na kami dumalo sa
parangal ng mga nanalo bagkus at bumiyahe na kami papuntang airport at baka daw mahuli kami
sa flight. Muli kong nilingon ang paliit na paliit na siyudad ng Dumaguete habang binabaybay
nmain ang daan palayo dito. Hindi ko maikakaila na isa ito sa pinaka hindi ko makakalimutang
karanasan.
Download