East I District DIGKILAAN CENTRAL SCHOOL Digkilaan, Iligan City School ID 128130 Pangalan: _____________________________________ Baitang at Seksyon:____________________ EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 KWARTER 1 – MODYUL 1 MAPANURING PAG-IISIP, GABAY TUNGO SA PAGTUKLAS NG KATOTOHANAN ARALIN 1: ANG MABUTING PAGSUSURI Kumusta ka na? Masaya ako na nakikita kang nagsusumikap pa ring mag-aral sa kabila ng mga di kanais-nais na bagay na maaaring nararanasan mo sa ngayon sa panahon ng Covid-19. Siguro ay marami ka pa ring natutunan tungkol sa iyong sarili at sa iyong kapuwa kahit na nananatili ka lang sa inyong bahay sa loob ng mahaba-habang panahon. Alam mo ba na kahit parang napakaraming naging hadlang sa iyong pag-aaral sa panahong ito, ay pwede ka pa rin palang matuto? Kaya, hayaan mo sana akong tulungan at gabayan ka sa pagkamit mo sa iyong tagumpay. Kaya tara na! I. TUKLASIN Radio: Freepik.com TV: Freepik.com Newspaper: Social Media: Freepik.com Gawain 1. Suriin mo ang mga larawan na nasa itaas at sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang makikita sa larawan? _________________________________________________________________________________ 2. Ano-anong mahahalagang bagay ang ibinibigay sa atin ng mga nasa larawan? _________________________________________________________________________________ 3. Dapat ba nating paniwalaan ang lahat ng mga impormasyong nababasa o napapanood natin? Bigyang katwiran ang iyong sagot. _________________________________________________________________________________ Gawain 2. Ngayon naman ay manood ka ng telebisyon o video sa youtube o makinig ng radyo o magbasa ng diyaryo at pumili ng isang patalastas o anunsiyo. Pag-aralan mo ito at sagutin ang mga sumusunod: 1. Tungkol saan ang commercial o patalastas na napanood o napakinggan mo? _________________________________________________________________________________ 2. Ano ang sinabi ng patalastas tungkol sa iyo? _________________________________________________________________________________ 3. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa sinabi ng patalastas na ito? Bakit? Bakit hindi? _________________________________________________________________________________ 4. Ano-ano ang gamit ng impormasyon mula sa iba’t ibang source o pinanggagalingan nito? _________________________________________________________________________________ 5. Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagsuri sa isang impormasyong nabasa, narinig, o napanood? _________________________________________________________________________________ II. SURIIN Sa mabilis ng pag-angat ng teknolohiya, marahil ay nasanay ka na sa pagkuha ng mabilisang impormasyon. Isang klik lang ay agad na mapupunta ka sa nais mong puntahan o agad mong makikita ang nais mong tingnan. Kaya lang hindi lahat ng lumalabas ngayon sa radio, diyaryo, at telebisyon o sa social media ay dapat paniwalaan. Sa mga panahong ito, marami na ang mga naging biktima ng fake news o maling impormasyon. Ngunit, paano mo ba masasabing fake news ang nakikita sa social media? Para maliwanagan ng husto, basahin mo ang artikulo na nasa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong. Paano masasabing 'fake news' ang nakikita sa social media? Published Dec 02 2019 03:33 PM Sa panahon ngayon, napakadali nang magpakalat sa social media ng "fake news" o maling impormasyon na ibinebenta bilang lehitimong balita at may layong manlinlang. Pero paano nga ba masasabing peke ang impormasyong nakikita online? Isa sa mga katangiang nagpapahiwatig na maaaring "fake news" ang binabasa ay kung "parang mahirap paniwalaan" ang impormasyon, ayon kay Danilo Arao, na nagtuturo ng journalism sa University of the Philippines-Diliman. Kaduda-duda rin daw ang istoryang nakikita kung walang mga detalye o impormasyong sumusuporta rito. "Walang iba pang mga impormasyon na magko-corroborate doon sa item na 'yon," ani Arao sa programang "Sakto" ng DZMM. Kadalasan daw ay kung mahalaga ang balita ay maraming media organization ang nag-uulat nito. "Halimbawa, sa isang website lang nakita tapos tiningnan mo sa ibang website tapos parang hindi mo makita 'yong same information. Usually kasi 'pag media, mahalagang impormasyon, mahalagang balita, pare-pareho," paliwanag ni Arao. Hindi rin gaya ng mga fake news account o website, maaari umanong panagutin ang mga lehitimong news organization kapag naglabas ang mga ito ng maling impormasyon dahil inilalagay kung kanino nanggagaling ang istoryang inilalathala ng mga ito. "Sa isang fake news site, kadalasan hindi malinaw kung kanino nanggagaling [ang impormasyon]," ani Arao. Kapag naglabas din ng maling impormasyon ang mga lehitimong news organization ay agad nila itong itinatama at humihingi ng public apology, ayon kay Arao. Ipinayo ni Arao sa mga social media user na maging mapanuri sa mga istoryang nakikita online. Mainam din umanong iwasan ang pag-share ng mga artikulo kung titulo lang ang binasa at hindi ang buong istorya. Ang palagay kasi ng iba ay kapag nag-share ng istorya ang isang tao sa social media ay pinaniniwalaan at pinaninindigan na niya ito, ayon kay Arao. "Basahin nang buo iyong isang bagay na ishe-share kasi hindi puwedeng sasabihin mo na, 'Totoo ba ito?' tapos shinare mo na lang," aniya. Source: https://news.abs-cbn.com/life/12/02/19/paano-masasabing-fake-news-ang-nakikita-sa-social-media Gawain 3. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa artikulong nabasa: 1. Tungkol saan ang artikulo? ______________________________________________________________________________ 2. Ano ang ibig sabihin ng fake news ayon kay Danilo Arao? ______________________________________________________________________________ 3. Batay sa balitang ito, anu-ano ang mga katangian ng isang fake news? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 4. Paano mo mapahinto ang pagkalat ng fake news ayon sa artikulo? ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ 5. Ano ang ibig sabihin sa linyang ito “…maging mapanuri sa mga istroyang nakikita online”? _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ 6. Paano mo maipapakita ang pagkakaroon ng isang mapanuring pag-iisip? Magbigay ng limang (5) kongkretong halimbawa. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ISAISIP Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw o opinyon tungkol sa balitang naririnig sa radio, nababasa sa pahayagan o internet. Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip. Ang mapanuring pag-iisip ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa suliranin, pagtitimbang ng mga maaaring gawin, at pagpili nang pinakamabuti bago bumuo ng isang pasya. III. ISAGAWA Gawain 4. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot o tugon sa mga sitwasyon gamit ang isang mapanuring pag-iisip. 1. Nakita mo ang kapitbahay ninyo habang pinapalo ang alaga niyang aso. Naobserbahan mo rin na madalas na hindi niya ito pinapakain at inaalagaan nang mabuti. Alam mong mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pananakit at pagpapabaya ng maraming uri ng hayop, kasama na ang mga inaalagaang hayop tulad ng aso. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 2. Nanawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan upang magkampanya para sa pag-recycle ng mga plastik. Alam mong kapaki-pakinabang ang gawaing ito at mayroon ka naming libreng oras. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 3. Sinabihan ka ng nanay mo na dumalo sa pulong ng barangay tungkol sa paglilinis sa inyong lugar. Nagdadalawang-isip ka dahil mas nais mong nasa bahay na lang at manood ng telebisyon. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ IV. TAYAHIN Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ano ang pinaka-angkop na tawag sa mga naririnig, napapanood, o nababasang impormasyon sa social media na mahirap paniwalaan dahil walang ibang detalye na sumusuporta nito? a. balita b. bulung-bulungan c. fake news d. tsismis 2. Bilang isang social media user, paano mo malalabanan ang paglaganap ng fake news? a. b. c. d. Maging mapanuri sa lahat ng mga istoryang nakikita online. Maniwala kaagad sa mga pahayag kahit hindi ito napatotohanan. Mag-share ng mga artikulo kahit hindi nababasa ang buong istorya. Ang mga impormasyong nakukuha mula sa titulo ng balita ay sapat na upang maniwala sa mga ito. 3. Tag-ulan na naman, nagbabala ang DOH na maari na namang kumalat ang sakit na dengue sa inyong lugar. Anong impormasyon ang kailangan mong malikom upang malabanan ng pamilya mo ang paglaganap ng sakit na ito? a. pagpapatibay ng mga bubong ng bahay b. pagsusuot ng face mask, gloves, at jacket c. pag-iimbak ng malinis na pagkain at maiinom na tubig d. paglilinis ng mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok 4. Saan mo maaaring makukuha ang pinaka-tama at totoong impormasyon tungkol sa pag-iwas sa sakit na Covid-19? a. kaibigan mong sikat na tiktoker b. pinsan na laging babad sa online games c. ninong mong doktor na mahusay sa twitter d. paboritong artista na may palabas sa youtube 5. Narinig mo sa radyo na may nagpositibo pala sa Covid-19 sa inyong barangay. Kilalang-kilala mo ang pasyente kahit na hindi pinangalanan ito dahil isa lang naman ang bagong nakauwing LSI (locally stranded individuals) sa inyong lugar. Ang pasyente ay ama ng iyong kaklaseng si Bing na galit na galit ka dahil sa pagpapakalat niya ng maling impormasyon tungkol sa iyo sa facebook noong nakaraang taon. Ano ang gagawin mo? a. Ipakalat ang balitang ito sa facebook upang malaman din ng iba. b. Iti-text sa iba pang mga kaklase ang nangyari sa pamilya ni Bing. c. Puntahan ang bahay ni Bing upang tiyakin kung tama ba ang balita. d. Gawin nang mas masinsinan pa ang mga hakbang sa pag-iwas sa sakit. 6. Dahil sa ipinatutupad na “new normal” ang ilan sa iyong mga kamag-aral sa ika-anim na baitang ay naisipang doon na lang muna sa kanilang bahay mag-aral sa kasalukuyan gamit ang Online Learning. Ang kanilang mga pamilya kasi ay may sariling kompyuter at internet sa bahay. Inaaya ka nila na ganun din ang gawin mo dahil sigurado na maging ligtas ka sa sakit at makapag-chat pa kayo ng madalas. Ngunit alam mo na mahihirapan ang mga magulang mo sa pagbibili ng mga gadyet at ng palagiang pagbabayad ng internet. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kamag-aral? a. Hihinto ka muna sa pag-aaral. b. Pipilitin mo ang iyong mga magulang na bumili ng kinakailangang gadyet. c. Pupunta ka ng probinsiya at doon mag-aaral kahit na hindi naman totoo. d. Pisikal na papasok sa pinakamalapit na paaralan kasabay ang mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan. 7. Pinapanatiling nasa ilalim ng GCQ ang inyong lugar kahit na bumababa na ang naitalang kaso ng Covid19. Pinadalhan ka ng text ng iyong kaibigan at inimbita ka na lumabas ng bahay upang sabay kayong pupunta sa isang nakatagong internet cafe at maglaro ng inyong kinagigiliwang video games. Ngunit mariin na ipinagbilin ng iyong ina bago pumasok ito sa trabaho, na kinakailangan mo talagang manatili sa loob ng iyong tahanan sa mga panahong ito. Ano ang gagawin mo? a. Lalabas ng bahay at samahan ang kaibigan, saglit lang naman ito. b. Huwag pansinin ang kaibigan dahil masama ang kanyang binabalak. c. Kukumbinsihin ang sarili na walang masama sa paglabas kasama ang kaibigan. d. Kakausapin siya tungkol sa kahalagahan ng pananatili sa loob ng bahay dahil sa banta ng Covid-19. 8. Natuklasan mo mula sa isang facebook post na ang prutas na saging pala ay isang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ayon sa ulat, nagkakaubusan na ng saging sa maraming pamilihan sa inyong lugar dahil sa impormasyong ito. Kaagad mong ibinahagi ito sa iyong mga magulang kaya lang sinabi nila sa iyo na ang balitang ito ay isang fake news. Ano ang gagawin mo? a. Iisipin na hindi ka pinaniniwalaan nila dahil ikaw ay bata pa. b. Magalit sa mga magulang dahil wala silang pakialam sa iyo. c. Magsaliksik pa mula sa mga maaasahang mapagkukunan ng balita. d. Dagliang lalabas ng bahay upang bumili ng maraming saging. 9. Isang kaibigan sa facebook ang nagpasa ng balita sa iyo na may isang taga-barangay na nag-positibo sa Covid-19. Sinabi niya sa iyo na hindi talaga sa kanya galing ang naturang balita kundi ito ay ipinasa rin sa kanya mula sa isang nababahalang netizen. Dagdag pa niya na kaya ipinasa niya ito sa iyo ay upang makaiwas ka at ng buo mong pamilya na mahawaan sa nasabing virus. Mariin din niyang sinabi sa iyo na kailangan mo ring ipasa ang impormasyon na ito sa iba pa upang sila rin ay makaiwas sa sakit. Ano ang gagawin mo sa kanyang panawagan? a. Madaliang ilagay sa iyong facebook wall ang balita. b. Ipasa kaagad sa mga kaibigan at kamag-anak ang impormasyon. c. Magtanong sa mga magulang kung totoo ang balita. d. Huwag pansinin ang balita ng kaibigan, natanto mo kasing nakahiligan na niya ang pagtsi-tsismis. 10. Narinig mo mula sa isang kaibigan na nahihirapan na ang kanyang pamilya sa paghahanap ng bigas dahil sa community quarantine. Hindi na nakapagtrabaho pa ang kanyang ama at kapos daw ang tulong na natanggap nila mula sa inyong barangay. Awang-awa ka sa iyong kaibigan. Nais mong makatulong sa kanyang pamilya lalo na na marami pa kayong bigas sa bahay. Gayunpaman, palaging ipinapaalala sa iyo ng iyong mga magulang na hindi ka pinahihintulutan nila na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo? a. Papuntahin ang kaibigan sa inyong bahay. b. Palihim na dalhan ng bigas ang kaibigan. c. Magpatulong sa magulang upang matulungan ang kaibigan. d. Magalit sa barangay dahil hindi nila lubos na natulongan ang kaibigan. Adviser: Devorah Grace C. Gargueña Facilitator: ________________________________________________________