KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA MGA LAYUNIN: 1. Natatalakay ang pinag-ugatan at pakikipagsapalaran ng Filipino bilang wikang pambansa. 2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang wikang global at intelektwalisado. 3. Nahihimay-himay ang mga usaping may kaugnayan sapaggamit ng wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik. • Saligang-batas ang pinakapananaligang batas ng bawat bansa. Makapangyarihan ito sapagkat ito ang nagdidikta ng mga prinsipyo at polisiyang kailangan para sa isang lipunang kaiga-igayang panahanan ninuman. PANIMULA Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan ng bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito. WIKANG FILIPINO Ang tanikalang nag-uugnay sa mga tao sa mahigit na pitong libong isla sa Pilipinas. Kinakatawan nito ang kultura at kabihasnan na minana natin sa mga ninuno at patuloy nating isasalin sa ating mga anak at sa mga ssunod pang salinlahi. • Konstitusyong 1987 • Artikulo XIV Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ag paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo ng sistemang pang edukasyon. SEK. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. SEK. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila. SEK. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. • Itinuring na isang pluricentric na wika ang Filipino sapagkat higit itong pinagyayaman at pinauunlad ng iba pang umiiral na mga wika sa Pilipinas batay na rin sa mandato ng Saligang Batas nang 1987. • Monocentric ay wika na may iisang istandardisadong bersyon katulad ng sa mga Ruso at Hapon. • Kilala ang Pilipinas bilang isang multilingual na estado na may isandaan at dalawampu (120) hanggang isandaan at walumpo’t pito (187) na mga wika na sinasalita ng iba’t ibang etnolingwistikong mga pangkat. • Ang apat na pangunahing mga wika ng kalakalan ay Bisaya, Kapampangan, Pangasinan at Ilokano. VOCABULARIO DE LA LENGUA TAGALA Unang diksyunaryong Tagalog na inilathala Isinulat ng isang Franciscano na si Pedro de San Buenaventura Inilathala noong 1613 ng kinikilalang “Ama ng Palimbagang Pilipino” na si Tomas Pinpin ng Pila, Laguna. SALIGANG BATAS NG BIAK NA BATO 1897 • Binalangkas nina Isabelo Artacho at Felix Ferrer • Ginawang opisyal na wika ng rebolusyon ang Tagalog. • Artikulo VIII “Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Republika” SALIGANG-BATAS 1935 • Inaatasan ang Kongreso na gumawa ng mga hakbang upang paunlarin at pagtibayin ang isang wikang pambansa na nakabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. • Ang Ingles at Kastila ang mananatiling opisyal na wika hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas. SALIGANG BATAS NG 1973 • Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. BATAS KOMONWELT BLG 184 • Norberto Romualdez ng Leyte, batikang mahistrado ang nagsatitik ng batas. • Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa – Tungkulin na pag-aralan ang mga diyalekto sa pangkalahatan upang mapaunlad at mapagtibay ang pambansang wikang ayon sa isa sa mga umiiral na wika. – TAGALOG ang pinili batay sa mga pamantayan. Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang napili. • “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.” • Naging patas ang pagpili sa TAGALOG batay na rin sa komposisyon na pinamunuan ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte) at kinabibilangan ng mga sumusunod na kasapi: – Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Filemon Sotto (Sebwano) – Casimiro F. Perfecto (Bikol) – Felix S. Salas Rodriguez (Panay) – Hadji Butu (Moro) – Cecilio Lopez (Tagalog) • Dalawa sa mga kagawad ang hindi nakaganap sa kanilang tungkulin: yumao agad si Hadji Butu at tumanggi naman si Filemon Sotto dahil sa kaniyang kapansanan. • • • • • Hinirang ang karagdagang mga kagawad sina: Lope K. Santos (Tagalog) Jose I. Zulueta (Pangasinense) Zoilo Hilario (Kapampangan) Isidro Abad (Cebuano)