Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Kuwarter – Modyul 2 Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino – Senior High School Alternative Delivery Mode Unang Kuwarter – Modyul 2: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing, Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato Content Editor: Dolores A.Tacbas Language Editor: Desiree E. Mesias Proofreader: Desiree E. Mesias Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas Naglayout: Mary Jane P. Fabre Mga Tagapamahala: Chairperson: Co-Chairpersons: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Regional Director Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V Assistant Regional Director Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V Schools Division Superintendent Rowena H. Para-on, PhD Assistant Schools Division Superintendent Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Members: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, PhD, EPS Filipino; Celieto B. Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II Inilimbag sa Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Oriental Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000 Telephone Nos: (088) 856-4524 E-mail Address depedmor@gmail.com Senior High School Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Kwarter – Modyul 2 Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas TALAAN NG NILALAMAN Pahina Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1 Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1 Mga Layunin ------------------------------------------------- 2 Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2 Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 3 Yugto ng Pagkatuto ------------------------------------------------- 4 Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 15 Susi sa Pagwawasto ------------------------------------------------- 18 Sanggunian ------------------------------------------------- 19 MODYUL 2 Mga Sitwasyong Pangwika ALAMIN Panimulang Ideya Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal o di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay laging nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang matamo ng tao ang isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot. Ang isang salita ay may tiyak na tungkuling ginagampanan sa pahayag. Ang mga salitang bumubuo sa daloy ng diskurso ay kumakatawan sa kalagayan ng wika sa kulturang Pilipino o larangang pinaggagamitan nito. Ang bawat larangan ay may kani-kaniyang mga terminolohiyang tumutugon sa pangangailangan ng mga taong gumagamit nito. May mga salita sa larangan ng medisina na hindi ginagamit sa abogasya gayundin sa pamilihan at paaralan. May mga terminolohiyang naiiba ang kahulugan depende sa larangang kinabibilangan nito. 1 Sa modyul na ito, mailalarawan ang sitwasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyang panahon. Mga Layunin Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ng mga mag-aaral ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto: 1. Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood. 2. F11PD – IIb – 88 Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. F11PS – IIb – 89 PANGKALAHATANG PANUTO Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin. Tinatasa sa isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin. 1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong dating kaalaman. 2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na nakapaloob dito. 3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk. 2 SUBUKIN PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Salungguhitan ang titik ng iyong tamang sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay kilala rin bilang pinilakang-tabing. a. Nobela b. Pelikula c. Dula d. Aklat 2. Isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. a. Dula b. Social Media c. Pelikula d. Nobela 3. Isang teknik sa pagpapakahulugan na pinag-uugnay-ugnay ang salita o mga pahayag upang makabuo ng isang makahulugang ideya sa salita o pahayag na binibigyang kahulugan. a. Nobela b. Paggamit ng Simbolismo c. Word Association d. Aklat 4. Isang kasanayang pampanitikan na nagiging aspeto upang maging masining ang pagkakabuo ng isang akda. a. Paggamit ng Simbolismo b. Pelikula c. Word Association d. Nobela 5. Ito ay tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa heograpikong kalagayan ng isang lugar. a. Lingguwistiko b. Kultural c. Sosyo-kultural d. Etnograpiko 6. Ito ay isang katangian ng wika na nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon at ugali, paraan ng pamumuhay, relihiyon at wika. a. Etnograpiko b. Sosyo-kultural c. Lingguwistiko d. Kultural 7. “Lights, camera, action” gamit ng wika sa anong sitwasyon? a. Nobela b. Dula c. Social Media Pelikula d. 8. “Right stage” ay gamit ng wika sa anong sitwasyon? a. Dula b. Nobela c. Pelikula d. Social Media 9. Ang mga sumusunod ay gamit ng wika sa sitwasyong pampelikula maliban sa isa. a. Mensahe b. iskrip c. direktor d. focus 3 10. Ang mga sumusunod ay gamit ng wika sa sitwasyong dula maliban sa isa. a. Galaw ng tauhan b. left stage c. sinematograpiya d. iskrip ARALIN 2 Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas YUGTO NG PAGKATUTO A.TUKLASIN https://www.google.com/search?q=sitwasyong+pangwika+sa+pilipinas&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk034P5MfsU h_n9SBOyqhPNCSZLC2Bw:1593011376264&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjI_NHp3ZrqAhVBMd4KHUHUA10Q_A UoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=RjUn2cIh1Dl29M Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang paghahanda sa gawaing may kinalaman sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas. Suriin ang larawan na nasa itaas sa tuklasing bahagi. 4 Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo habang pinag-aaralan ang araling ito. Sinasabi na malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng Wikang Filipino sa ika-21 siglo sa iba’t ibang larangan? Ating alamin. Gawain 1 Panuto: Sa pamamagitan ng listing, magtala ng pamagat ng mga pelikula at dulang Pilipino na napag-aralan,napanood o nabasa mo na. Mula rito, pumili ng isang naibigang pelikula at dulang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit naibigan ang mga ito. Gayahin ang kasunod na pormat sa kuwaderno. Pamagat ng Pelikula: Mga Tauhan at Tagpuan Mahahalagang Pangyayari: Mga Nakuhang Aral: Nagustuhan ko ang pelikula dahil ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______ Pamagat ng Naibigang Pelikula : ________________________________________ Paliwanag: ________________________________________________________ 5 ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________. B. SURIIN May partikular na gamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Tinatawag itong register na isang panlipunang salik na isinaaalang-alang kaugnay ng baryasyon ayon sa gumagamit ng wika. Isa pang pinanggalingan ng baryasyon ng pananalita ng idibiduwal ay depende sa mga sitwasyong paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung anong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Isa ang pelikula at dula na may sariling register o mga salitang pampelikula o pandula. PELIKULA Lights, camera,action Focus Sinematograpiya Iskrip direktor DULA Dulang isang yugto Right stage Left stage Mensahe Galaw ng tauhan Sa pagsusuri ng pelikula ang bigyang pansin ay ang mga elemento nito, gaya ng iskrip, sinematograpiya, direksiyon, pagganap ng artista, produksiyon, musika at mensahe. Sequence o Iskrip - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. Sinematograpiya - Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. Disenyong Pamproduksyon- Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. Tunog at Musika - Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood. Sa pagsusuri ng dulang nakasulat, bigyang-pansin ang mga elemento nito gaya ng tagpuan, uri ng mga tauhan (bilog at lapad), mga diyalogo, tunggalian, wakas, aral, implikasyon ng mga pangyayari sa kasalukuyang lipunan, at estilo ng simula ng dula. Mga Elemento ng Dula 6 Iskrip o Banghay - Ito ang pinakakaluluwa ngisang dula. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Aktor o Karakter - ang nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Dayalogo - ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upangmaipakita at maipadama ang mga emosyon. Tanghalan - ang anumang pook napinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula. Tagadirehe o direktor - siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan Pagsusuri sa mga Lingguwistiko at Kultural na gamit ng wika sa Lipunang Pilipino Gaya nga ng natalakay na iba’t ibang sitwasyon, ginagamit ang wika batay rin kung sino ang gagamit, saan gagamitin, at paano ito gagamitin. Isang dapat suriin at asaalang-alang ang lingguwistikong aspeto lalo na sa larangan ng pelikula at dula, May sariling sitwasyon, kaya’t may sariling register ng mga salita ang mga ito. Wika nga pampelikula o pandula lamang. Lingguwistiko Ito ang tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa heograpikong kalagayan ng isang lugar. Maaaring bigyang pansin ang antas na gamit ng wika. Ang mga sumusunod: Sa isang banda, Kultural ay isang katangian ng wika na nagsisilbing pagkakkailanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon at ugali, paraan ng pamumuhay, relihiyon at wika. Mahalagang hindi maisantabi ang panglipunang aspeto ng wika dahil sa maraming paraan. Ang pananalita ay isang uri ng panglipunang identidad at ginagamit para tukuyin ang pagiging kabilang sa iba’t ibang panlipunang pangkat o iba’t ibang komunidad ng pananalita. Gawain 2 Panuto: Suriin ang mga sumusunod na salita kung saan ginagamit ang mga ito. Lagyan ng tsek sa ibinigay na espasyo. Pagkatapos, ay bigyang ng kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawang sitwasyon. Sundin ang pormat at isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Kritiko Dula: ___ Pelikula: ____ 7 Dula at Pelikula: ______ Kahulugan sa pamamagitan ng halimbawang sitwasyon: ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. 2. Komersyalismo: Dula: _____ Pelikula: ___ Dula at Pelikula: ______ Kahulugan sa pamamagitan ng halimbawang sitwasyon: ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. 3. Eksena: Dula: _____ Pelikula: ___ Dula at Pelikula: ______ Kahulugan sa pamamagitan ng halimbawang sitwasyon: ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. 4. Yugto: Dula: _____ Pelikula: ___ Dula at Pelikula: ______ Kahulugan sa pamamagitan ng halimbawang sitwasyon: ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. 5. Direktor: Dula: _____ Pelikula: ___ Dula at Pelikula: ______ Kahulugan sa pamamagitan ng halimbawang sitwasyon: ___________________________________________________________________ __________________________________________________________________. C. PAGYAMANIN Panuto: Basahing maigi ang buod ng pelikulang Maynila sa Kuko ng Liwanag na isinulat ni Edgardo Reyes. Panoorin rin ito sa youtube na may url na: https://www.youtube.com/watch?v=ij0q5HvRbgo upang mas masuri mong maigi ang pelikula. Si Julio ay isang maralitang mangingisda na may kasintahan na ang pangalan ay Ligaya.Isang araw, umalis si Ligaya kasama ang isang Ginang Cruz na pinangakuang makakapag-aral at makapaghanapbuhay sa Maynila si Ligaya.Pumunta si Julio sa Maynila para makita si Ligaya. Noong nasa Maynila na, naging biktima si Julio ng mga mapanlamang na mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon at pagbebenta ng sariling katawan para lang kumita ng pera.Unti-unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit nagbago ang lahat nang muli niyang makita si Ligaya. Nalaman niyang si Ligaya ay naging biktima ng prostitusyon.Nagbalak na tumakas ang dalawa ngunit gaya ng sabi ni Ligaya ay kayang-kaya siyang patayin ng kinakasama kapag ito ay nahuling tumatakas. Dumaan ang gabi at sa paggising ni8Julio ay patay na si Ligaya.Ipinaghiganti ni Julio si Ligaya at pinaslang ang kinakasama nitong lalaki subalit maraming nakasaksi at pinagmalupitan si Julio hanggang sa ito ay mawalan din ng hininga. Gawain 3 Panuto: A. Bigyang interpretasyon ang gamit ng Maynila, kuko, Tsino, mga manggagawa at Chinatown sa Pelikula. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. Hal: Tondo= hindi natutulog ang mga tao dahil abala 1. MAYNILA _______________________________________________________ 2. KUKO _______________________________________________________ 3. TSINO _______________________________________________________ 4. MANGGAGAWA__________________________________________________ 5. CHINATOWN ____________________________________________________ B. Panuto: Batay sa napanood na pelikula, suriin ang lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong. 1. Paano ginamit ang mga saliang pampelikula. Isinaalang-alang baa ang antas ng wika? 2. Nababakas ba ang kulturang Pilipino sa sinuring pelikula? 3. Nakaapekto baa ng gamit ng wika (Lingguwistiko) sa paraan ng pamumuhay ng ila sa lipunang Pilipino (Kultural) na ipinakita sa ilang bahagi o pangyayari sa pinanood na pelikula. D. ISAGAWA Panuto: Basahin at unawain ang dulang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio S. Salazar Pagkatapos ay suriin ito ayon sa gamit ng wika sa mga tauhan at ang ilang ipinakitang sitwasyong lingguwistiko gayundin ang kultural na aspeto sa lipunang Pilipino. 9 https://www.marvicrm.com/2017/10/sinag-sa-karimlan-buod Sa isang panig ng pagamutan ng Muntinlupa ay naroroon sina Tony, isang binatang bilanggo dahil sa pagnanakaw. Si Ernan na isang manunulat at professor sa Maynila na nakulong dahil sa pagsunog sa maraming aklat na nagpapakalat ng maling impormasyon. Si Doming na nakulong dahil sa pagbaril sa kalaguyo ng misis at si Bok na labas masok na ng kulungan. Nahospital si Tony matapos syang masaksak sa kadahilanang ayaw nyang sumama sa pagtakas sa kulungan, kasama nya sa kwarto si Ernan na inoperahan dahil almoranas, si Doming naman ay may plaster ang paa at si Bok ay may trangkaso. Dito ay nakilala nila ang isa't isa. Lubos na humanga si Tony kay Ernan sapagkat nabasa na ng binata ang kanyang mga akda. Tinanung din ni Bok kung anung Gang kabilang si Tony ngunit sinabi nitong sawa na sa mga Gang o barkada sapagkat ayun ang naging dahilan ng kanyang pagkakakulong. Kinilalang mabuti ni Ernan si Tony at humanga din sa angking talino ng binata at inakalang ito ay nag-aaral ng batas. Subalit nabanggit ni Tony na elementarya lamang ang kanyang natapos ngunit sya ay valedictorian. Ikinuwento ni Tony na ang kanyang ama ay empleyado at maraming bisyo. Ang kanyang ina ay napakabait kahit di kasya ang sahod na binibigay ng kanyang ama. Nagkaproblema ang pamilya ni Tony ng malaman ng kanyang ina na may babae ang kanyang ama. Naghiwalay ang mga ito at di lumaon ay nagkasakit. Ang kanyang kapatid na babae naman ay namatay. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina ay di kinaya ni Tony ang mga gastusin kaya't natuto itong bumarkada at magnakaw. Sinisi ni Tony ang lahat sa kanyang ama. Matalinong bata si Tony at nais syang tulungan ni Ernan at ni Padre Abena at nangakong pag-aaralin ang binata. 10 Isang araw, sa hindi inaasahan pagkakataon ay dumalaw ang kanyang amang si Luis sa bilanguan. Nagkita si Tony at ang kanyang ama. Dito nabanggit ng kanyang ama na limang bwan na nyang pinaghahanap ang anak at nang malamang nakakulong ay nilakad nito ang paglaya ni Tony. Humingi ng tulong ang kanyang ama sa isang senador para mabigyan ng parole ang binata. Nakipag-ayos din ang ama ni Luis sa kanyang ina na inakala ni Tony na patay na ngunit ito pala'y magaling na. Sa kabila ng paliwanag ay masama pa rin ang loob ni Tony at nang malaman ito ng ilang kasamahan at nang kanyang nurse na si Ms. Reyes, si Tony ay pinangaralan at pinaalala ang kahalagahan ng isang ama. Nang dumalaw muli ang kanyang ama ay napatawad na nya ito at sila'y nagyakap. A.Paano ipinakita ng tauhang si Bok at Doming ang aspetong lingguwistiko sa lipunang ginagalaw: n 11