Uploaded by Janel Mendoza

ibat-ibang-disiplina-sa-filipino-converted

advertisement
Filipino Bilang
Wikang Pambansa,
Wika ng Bayan,
at Wika ng
Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan
Kahulugan at Kalikasan ng Wika:
 Ang wika ay buhay ng tao. Ito ang pangunahin mong kasangkapan upang
maipahayag ang iyong kaisipan at saloobin. Kung may impormasyon ka
mang nais sabihin sa iba, o may anumang pagtutol o reklamong nais
ipahayag, o may damdaming nais ipagtapat, o may pasalita o pasulat na
pahayag na nais suriin, wika ang magsisilbi mong instrumento.
 Ang wika ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan;
sa
pamamagitan
instrumental
at
nito
ay
maaaring
sentimental
niyang
matamo
ng
tao
pangangailangan
ang
mga
(Constantino,
1996).
 Ayon kay Salazar (1996), ang wika ang ekspresyon, ang imabakanhanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o
Malaki, na may sarili at likas na katangian.
 Wika ang ginamit ng mga naunang henerasyon sa kodipikasyon ng mga
kaalamang natuklasan nila at sa pagsasalin ng mga ito sa kasunod na
salinlahi. Wika ang gamit ng tao sa pagbuo ng mga batas na kokontrol sa
kilos at titiyak ng kaayusan. Wika
ang gamit sa pakikipagkalakalan
upang maisara ang mga transaksyon; sa medisina, upang matukoy ng
manggagamot ang sakit ng pasyente at maipaliwanag dito ang lunas; sa
relihiyon,
upang
maipahayag
ng
mga
sumasamba
ang
kanilang
pananampalataya; at sa edukasyon, upang mabisang makapagtalastasan
ang guro at estudyante. Wika ang nagtititik ng panitikan, kasaysayan,
sining, at mga agham. Kung wala ang wika, masasabing marahil ay patay
na rin ang daigdig dahil magsasarili lamang ang mga tao at mawawalan
ng paraan upang makipagkomunikasyon sa kaniyang kapwa.
 Ito’y
isang
verbal,
komunikasyon.
natututunang
bayolohikal
Ipinahayag
beheybyor
ng
na
at
mga
basikong
kagamitan
beheybyorist
nagagawa
dahil
sa
na
mga
para
sa
wika
ay
istimulus
at
ang
katugunan (Omrod, 1995)
 Mas madalas, ito ay isang verbal na beheybyor na naipamamalas sa
pamamagitan
ng
gestura,
pagkilos
ng
katawan
at
salitang
binibigkas/ginagamit (Pierce at Eplin, 1999).
 Isang Italyano (Giambattista Vico) ang nagwikang “lumitaw ang wika
bilang tugon ng tao sa mga naririnig sa kalikasan partikular ang mga
malalakas at nakayayanig na mga pangyayari sa kapaligiran. Nalikha ang
wika mula sa mga ekspresib na gestura kung saan ang mga basikong
salita ay nabuo dahil ito’y nagging tugon ng mga tao sa mga natural na
pangyayari sa kanyang kapaligiran.
 Katulad din ni Vico ang pananaw ni Johann Gottfield Herder na
nagpapahayag na, “ang wika ng tao ay nakatali sa resonansa ng
kalikasan.”
 Si David Abram, isang Pilosopo ay nagsabing, “may koneksyon ang wika
sa kalikasan na kaakibat ang gestura, emosyon o damdamin ng tao. May
malalim na pag-unawa sa koneksyon ng katawan sa pag-iisip ng tao.”
 Ayon kay Abram, natututunan daw ang wika hindi sa pamamagiyan ng
mental kundi pisikal. Tinawag niya itong “kahulugang gestural.” ang
tekstura at tono ng salita, ang nararamdaman habang nasa dulo pa lang
ng dila ang salitang sasabihin at kung paanong naiimpluwensyahan nito
ang katawan, ang nagbibigay ng mayamang depinisyon sa salita para sa
taong gumagamit nito.
 Si Merleau-Ponty ay nagsabing, “ang wika ang pinakaboses ng mga
puno, alon, at kagubatan” sa kanyang akdang, The Body as Expression
and Speech. Para sa kanya, ang kahulugang komunikatibo ay agarang
naihahayag ng gestura kaalinsabay ng pagkilos ng katawan ng tao na
nagpapakita ng damdamin at tumutugon sa nagaganap sa kapaligiran.
 Si Jean Jacques Rousseau ay nagsabing ang gestura/kumpas at pagbulalas
ng damdamin ang kauna-unahang wika.
 Para kina Steven Pinker, Noam Chomsky at Immanuel Kant may
“language instinct” ang tao sa kanilang pagsilang, isang network sa utak
na naglalaman ng unibersal grammar na nadebelop sa proseso ng
pakikipagtalastasan ng tao.
 Ang
linggwistang
si
Noam
Chomsky
ay
nagdebelop
ng
teoryang
“Unibersal Gramar” na nagsaad na ang tao ay nakaprograma para sa
abilidad na magsalita ng wika at batid niya kung anong gramar ang
katanggap-tanggap.
 Ayon kay Chomsky, ang pundamental na pagkakaiba ng lenggwahe ng
tao sa vocalisasyon ng mga hayop ay ang pagiging kreeytib, maluwag na
pagdaloy at ang hindi limitadong pagpapahayag ng ideya; samantalang,
ang komunikasyon ng mga hayop ay binubuo ng mga “fixed” na signal na
tugon para sa eksternal na istimulus.
 Sa aklat ni Werner Girt na “The Wonder of Man” sinabi niya ang ganito,
“tanging ang tao ang may taglay na regalo – ang wika ang naghihiwalay
sa atin sa iba pang hayop. Bukod pa sa kinakailangang “software” para
sa wika, binigyan pa rin tayo ng “hardware” para rito.
 Ganito rin halos ang paniwala ni Sternberg (1999) na nagwikang, “dahil
sa ispesipikong pag-aari ng wika, ito ang ikinaiba ng tao sa hayop at iba
pang
“specie.”
ang
“pag-aaring”
ito
ay
kinabibilangan
ng
:
komunikasyon, arbitraryong simbolo, regular na istruktura, istruktura sa
mas maraming lebel, pag-usbong ng salita at pagiging dinamiko.
 Noong 1930, si Benjamin Lee Whorf ay nagdebelop ng isang haypotesis
kasama ng kanyang guro na si Edward Sapir, ang kanyang ideya: ang
lenggwahe/wika ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pag-iisip,
hinuhulma ang kanyang iniisip at nagdedetermina kung ano pa ang
maaaring maisip.
 Si Charlemagne, isang kilalang tao sa kasaysayan ay nagwikang, “ang
pagkatuto ng ibang wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa.”
 Samantala, sinabi ni Ludwig Wittgenstein and ganito, “kung tayo ay
nag-uusap sa ibang lenggwahe, magkakaroon tayo ng iba’t ibang
persepsyon/pananaw sa mundo.” Idinugtong pa niya ang pagsasabing,
“ang limitasyon ko sa wika ay limitasyon ng aking mundo.”
 Sabi naman nina Sampson et al., “ang wika ay isang obra maestra ni
Picasso, isang komposisyon ni Beethoven o di kaya’y ang kahangahangang pagtatanghal ng mga gymnast sa Olympic. Ito ay isang sining.
Lumilikha ito ng kagandahan, pasalita o pasulat man.”
 Para sa Pilipinohistang si Zeus Salazar, “naipahahayag sa wika ang mga
kaugalian, isipan at damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa
larangan ng kaisipan, ang wika rin ang impukan – kuhanan ng isang
kultura.”
 Tinuran ni Dr. Virgilio S. Almario sa kanyang sinulat na Nasyonalisasyon
ng Filipino (2003) na “ang wika mismo ang patunay na tayo’y may
katutubong kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila ng
mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa
ating lahi.
Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon
sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang simbulo .
•
Ang wika ay maaaring tumutukoy sa ispesipikong kapasidad ng tao sa
pagkakamit
at
komunikasyon,
paggamit
o
sa
ng
mga
ispesipikong
komplikadong
pagkakataon
ng
sistema
ng
komplikadong
sistema ng komunikasyon (Wikipedia).
•
Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel
na What is Language?, wika ang pinakaelaboreyt na anyo ng
simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa
mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na
istraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang
arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
•
Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason (sa Tumangan, et
al., 2000) sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
•
Mula sa dalawang kahulugang nabanggit, mahahango natin ang mga
pangunahin at unibersal na katangian ng wika na tatalakayin sa mga
sumusunod na talataan:
a. Ang wika ay masistemang balangkas.
b. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika
sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayo’y
kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man
lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Samakatwid,
ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita
na
nagmumula
sa
hanging
nanggagaling
sa
baga
o
ang
pinanggagalingang lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na
bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at mino-modify ng
resonador.
c. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
d. Ang wika ay
arbitraryo. Ayon kay Archibald A. Hill (sa
Tumangan, et al., 2000), just that the sounds of speech and
their connection with entities of experience are passed on to all
members of
any
community
by
community.
e. Ang wika ay ginagamit.
f. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
older
members of
that
g. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring
tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari
ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago
ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga
bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao,
maaaring
sila
ay
nakalilikha
ng
mga
bagong
salita.
Ang
pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal o
pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga
katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at
siyensya. Bunga nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga
bagong salita na hindi umiiral noon. May mga salita ring
maaaring
nawawala
na
sapagkat
hindi
na
ginagamit.
Samantala, may mga salita namang nagkakaroon ng bagong
kahulugan. Halimbawa, ano ang mga orihinal na kahulugan ng
salitang bata? Sa ngayon, ano-ano ang iba pa niyong bagong
kahulugan? Ang mga iyan ay mga patunay na ang wika ay
nagbabago.
Paglalagom
Ang kalikasan, katuturan, at gamit ng wika ay maaaring lagumin sa
mga sumusunod:
•
Sistema ng komunikasyon ang wika. Batay sa pangangailangang
mailagay sa ayos ang ugnayan ng komunidad, may napaunlad na
sistema ng pakikipag-ugnayan na makatutugon sa pangangailangang
ito. Sistemang tinatawag ang wika dahil binubuo ito ng serye ng mga
pananagisag at pagpapakahulugan na nilikha ng mga gumagamit nito
upang mapadaloy ang pag-unawa nila sa mga ideya at karanasan.
Isang masalimuot na proseso ng pag-uugnay ng karanasan at
konsepto ang kinakatawan ng wika na patuloy na pinagyayaman ng
bagong karanasan, bagong ideya sa loob ng isang panahon. Dahil
sistema ng pananagisag at pagpapakahulugan ang wika kaya’t ang
pag-iral nito ay makikita sa mga gawi at pamamahayag sa arawaraw na buhay. Ito rin ang batayan ng paglikha ng wikang pakilos,
pasalita, at pasulat.
•
Kultural ang wika. Dahil ang wika ay sistema ng pananagisag at
pagpapakahulugan,
mahigpit
na
nakabatay
ito
sa
sistema
ng
pagpapakahulugang nililinang sa loob ng isang pamayanan o grupo ng
mamamayan. Halimbawa, may mga kilos na ikinatutuwa ng ilang
komunidad ngunit maaaring hindi inaayunan ng ilan. Halimbawa, sa
Pilipinas, ang pagkuha ng bayarin sa mga restaurant ay karaniwang
iminumuwestra gamit ang hintuturo at hinlalaki sa isang kilalang kilos
ng pagguhit sa hangin ng kuwadradong hugis ng papel. Kung minsan
ay may kasabay pa itong tunog ng sutsot sa waiter o di kaya’y
ang
tunog na likha ng paghigop sa hangin sa pagitan ng labing hugis-halik.
Tanggap ang ganitong wikang pakilos sa Pilipinas ngunit sa ibang
bansa ay itinuturing itong labag sa batas ng wastong pag-uugali.
•
Sa wikang pasalita, may mga tunog na angkin ang ating alpabeto na
hindi ginagamit ng iba. Halimbawa nito ay ang ng na isang palasak na
titik na gamit sa simula, gitna, at huling bahagi ng wikang Filipino.
Palasak ito sa atin ngunit hindi ginagamit sa ibang wika. Mayroon
ding
mga
salitang
karaniwan
sa
atin
ngunit
hindi
bahagi
ng
bagaman
pareho
ang
baybay
ay
bokabularyo ng ibang bayan.
•
Mayroon
ding
mga
salitang
nagbabago ang pakahulugan sa ibang lugar. Halimbawa nito ay ang
salitang bitaw na sa Tagalog ay nangangahulugang pakawalan sa
pagkakahawak, samantalang sa wikang Cebuano ay nangangahulugan
ng oo o isang malugod na pagsang-ayon. Maiuugat ito sa mga
pagpapahalaga at paraan ng pagkilalang mayroon ang isang grupo ng
tao at isang komunidad kaya’t ang pag-unawa ay nangyayaring
maging magkaiba.
•
Likha
ang
wika.
Napauunlad
ang
sistema
ng
wika
bunga
ng
pangangailangang magkaunawaan. Nalilinang ito sa iba’t ibang antas
ng buhay sa kalikasan. May sistema ng pagkakaunawan ang kalikasan
tulad ng mga hayop, halaman, at kalupaan. Ang mga tao, bilang
pinakamatas na uri ng hayop sa mundo, ay nakalilikha rin ng kanikanilang sariling wika upang mapadaloy ang komunikasyon. Dahil sa
likha ang wika, arbitraryo ito at maaring magbago ayon sa daloy ng
panahon., pangyayari, at mga taong gumagamit ng wikang ito.
•
Ang pag-aaral ng wika bilang isang sistema ng pagpapahayag na
pinakatiyak na nakikita sa mga salitang binibigkas at sinusulat ay
mahalagang masapol sapagkat ito ang batayang sangkap sa malinaw
na
pakikipag-ugnayan
ng
tao
sa
pang-araw-araw
na
buhay.
Mahalagang maging bihasa at maalam ang bawat isa sa kabuuang
Sistema ng paglikha at pag-iral ng wika. Tulad ng dugong dumadaloy
sa katawan ng tao, ang pagsapol sa sa wika kasi ang daluyan ng
malinaw naa ugnayan ng mga tao.
YUNIT 2
Filipino sa humanidades, agham panlipunan at iba pang kaugnay na
larangan
Kilala ang Pilipinas bilang isang multilingguwal na bansa na dumanas
ng kolonyalisasyon mula sa mga makapangyarihang kontinente tulad ng
Europa,
Hilagang
Amerika
at
Asya
na
nagdulot
ng
malawakang
impluwensya hindi lamang sa kabihasnan at kultura ng mga Pilipino kung
hindi maging sa sinasalitang wika na pundasyon ng ating pagka-Pilipino.
Lumipas na ang isang siglo mula noong matamo ng bansa ang
kalayaan mula sa kolonyalisasyon subalit buhay na buhay at damangdamang pa rin ang anino ng kawalan ng kalayaan - sa paraan ng
pamumuhay, sistema ng edukasyon lalo’t higit sa wikang ginagamit bilang
panturo sa iba’t ibang larangan
Higit mang matagal na napasailalim sa kapangyarihan ng Espanya
ang bansa kaysa sa Estados Unidos, kapansin-pansin ang napakalakas na
kapit ng wikang Ingles sa mga Pilipino.
Ito ay sa kadahilanang hindi ipinagkait ng Estados Unidos ang
kanilang wika at sa halip, ginamit nila itong estratehiya upang ipakita ang
kanilang pagmamalasakit sa mga Pilipino, sa bansa. Puspusan ang ginawa
nilang pagtuturo, pagpapatanggap at pagpapagamit ng wikang Ingles sa
mga Pilipino noong panahong nasa ilalim ng kanilang pamumuno ang bansa
taliwas sa ginawa ng Espansya na tahasang ipinagdamot ang kanilang wika
sa mga Pilipino.
Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit naging napakatanyag ng Ingles
sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad.
Sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, kung saan ipinatutupad ang
mother tongue-based/multilingual education, nakasilip ng pagkakataon ang
Filipino na ipagamit bilang wikang panturo sapagkat simula sa paggamit ng
wika ng komunidad bilang pangunahing wikang panturo sa primaryang
antas, unti-unting pagpasok ang paggamit ng wikang Filipino at Ingles sa
sekondarya at tersiyarya. Batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, sa
antas tersiyarya, gagamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga kurso
sa agham, matematika at teknolohiya.
Samantala, Filipino naman ang gagamiting wikang panturo sa mga
kursong nasa agham panlipunan at humanidades. Subalit, may ganito mang
probisyon, marami pa ring mga kolehiyo at unibersidad ang hindi sumunod
dito. Hindi naging mahigpit ang implementasyon nito sa lahat ng paaralan
kaya’t kapansin-pansin pa rin ang pagiging makiling sa paggamit ng Ingles
sa malaking bilang ng mga kolehiyo at unibersidad sa bansa. Ito ay isang
malaking suliranin na noon pa man ay hinahanapan na ng katugunan
SITWASYONG PANGWIKA SA HUMANIDADES AT AGHAM PANLIPUNAN
Sa pagtuturo sa larangan ng humanidades at agham panlipunan,
batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwal, dapat gamitin ang wikang
Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito. Subalit, dahil sa
pagiging
maluwag
sa
implementasyon
nito,
maraming
kolehiyo
at
unibersidad ang hindi sumunod sa polisiya bukod pa sa katotohanang
napakalakas ng kapit ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Nabanggit nina San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006),
na ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo
na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyoekonomiko. Naniniwala ang marami na sa pamamagitan ng pagiging
matatas sa paggamit ng Ingles, pasalita o pasulat, ay magbibigay ng
malaking oportunidad na magkaroon ng maayos na trabaho na magaangat sa kanilang kalagayang ekonomiko na maaaring maging daan upang
magkaroon sila ng malawak na impluwensya sa lipunan at politika
Ang ganitong ilusyon ng mga Pilipino ang pumipigil sa marami upang
higit na pagyamanin at paghusayin ang pag-aaral at paggamit ng wikang
Filipino bilang wikang panturo o wika ng komunikasyon. Magkaganoon pa
man, may ilan pa ring malalaking unibersidad ang hindi sumusuko sa
pagpapayaman ng wikang Filipino at marubrob na sumusunod sa probisyon
ng patakarang bilinggwal. Ang De La Salle, Ateneo, Unibersidad ng Sto.
Tomas, UP at iba pa ay ilan lamang sa malalaking pamantasan at
unibersidad na patuloy na gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo sa
mga kurso sa pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas,
kasaysayan at pantikan. Patuloy rin ang mga iskolar sa mga pamantasan at
unibersidad na ito sa pagsasagawa ng mga pananaliksik na tumatalakay sa
iba’t ibang paksa sa larangang ito. Masigla rin ang publikasyong sa mga
scholarly journal tulad ng Malay, Daluyan, Lagda, Hasaan, Kritika at iba
pang bago at umuusbong na journal sa kasalukuyan.
Higit na nauna ang larangan ng Humanidades kaysa sa Agham
Panlipunan subalit madalas na nagkakasalimbayan ang dalawang larangang
sapagkat maraming paksa at isyu na kapwa tinatalakay ng mga ito, tao at
lipunan. Marami sa mga teoretiko at pilosopikong pundasyon ng agham
panlipunan ay nagmumula sa humanidades.
Registers:
o Bawat larangan ay may tiyak na set ng mga teminong ginagamit na
tinatawag
na
REGISTER.
Ang
mga
salitang
ito
ay
maaaring
magkaroon ng:
o Isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak
na disiplina.
o Dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o
mahigit pang disiplina.
o Isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng
pagkakaroon ng ugnayan ng mga disiplinang ito.
LARANGAN NG HUMANIDADES
1. Ang pangunahaing layunin ng Humanidades ay “hindi kung ano ang
gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao”. Ang kaisipan,
kalagayan at kultura ng tao ang binibigyang-tuon sa pag-aaral ng
larangang ito.
Ang layuning ito ay sinugsugan ni J. Irwin Miller, na nagsabi na “ang
layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa
pinakamataas na kahulugan nito” na dinagdagan ni Newton Lee sa
pagsasabi na “sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang
Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga
isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng
karera sa hinaharap”.
Ang larangang ito ay binubuo ng Panitikan (Wika teatro), Pilosopiya
(Relihiyon), Singing (Biswal; pelikula, teatro at sayaw, Applied;
graphics,
Industriya
(fashion,
Interior)
at
Malayang
Sining
(calligraphy, studio arts, art history, print making at mied media).
2. Ang larangan ng Humanidades ay umusbong bilang reaksiyon sa
iskolastisismo sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan
inihahanda ang tao na maging doktor, abogado at sa mga kursong
praktikal, propesyonal at siyentipiko.
Inilunsad ito upang bumuo ng mamamayang mahusay sa pakikipagugnayan sa kapwa at makabuluhan at aktibong miyembro ng lipunan.
Kadalasang lapit analitkal, kritikal at ispekulatibo ang metodolohiya
at estratehiyang ginagamit sa larangan ito upang mabigyan ng
pagkakataong suriin ang isang teksto sa paraang sistematiko at
organisado.
Ang analitikal na lapit ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga
impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga paguugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa.
Ang
kritikal
na
lapit
ang
ginagamit
kung
ginagawan
ng
interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling
opinyon sa ideya.
Samantala, ang ispekulatibong lapit ay kadalasang ginagamit sa
pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng
pagsusuri, pag-iisip at pagsulat.
halimbawa ng mga pamamaraan at estratehiyang ginagamit sa mga lapit
deskripsiyon o paglalarawan,
paglilista,
kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari,
sanhi at bunga,
pagkokompara at epekto
tatlong (3) anyo ang pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin
ayon kina Quinn at Irvings (1991)
1. Impormasyonal - maaaring isagawa batay sa sumusunod:
a. paktwal
ang
mga
impormasyon
bilang
background
gaya
ng
talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa
b. paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye
sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na
karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng
kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa
c. proseso
-
binubuo
ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano
isinagawa at ang naging result na kadalasan ay ginagawa sa sining
at musika
2. Imahinatibo - binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon
(nobela, dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin
ang pagsusuri dito
3. Pangungumbinse - pangganyak upang mapaniwala o di-mapaniwala
ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito
kaya’t
ang
mahalagang
opinyon
ay
kaakibat
ng
ebidensya
at
katuwiran o argumento.
LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
Ang Agham Panlipunan ay isang larangang akademiko na pumapaksa
sa tao - kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga
implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan.
Tulad ng Humanidades, tao at kultura ang sakop nito subalit
itinuturing itong isang uri ng siyensiya o agham. Lapit siyentipiko ang gamit
bagamat iba-iba ito depende sa disiplina. Ito ay gumagamit ng sarbey,
obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondarya.
Ang pagsusuri o metodolohiya dito ay dayakroniko (historikal) at
sinkroniko (deskriptibo). Malaki ang naging impluwensya ng Rebolusyong
Pranses
(1789-1799)
at
Rebolusyong
Industriya
(1760-1840)
sa
pagkabuo ng larangan sa Agham Panlipunan.
Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan
1. Sosyolohiya - pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan
at
gumagamit
ng
emperikal
na
obserbasyon,
kuwalitatibo
at
kuwantitatibong metodo.
2. Sikolohiya
-
pag-aaral
mga
kilos,
pag-iisip
at
gawi
ng
tao,
gumagamit ng empirikal na obserbasyon.
3. Lingguwistika - pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng
kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito. Bahagi ng pag-aaral
ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at gramatika at
gumagamit ng lapit na deskriptibo o pagpapaliwanag sa pag-aaral ng
katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o pinagdaanang
pagbabago ng wika.
4. Antropolohiya - pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong ng
pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at
gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon
sa pananaliksik.
5. Kasaysayan - pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng
mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang
maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapit-naratibo upang
mailahad ang mga pangyayaring ito.
6. Heograpiya - pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang
maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian,
kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao,
metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga
pananaliksik dito.
7. Agham Pampolitika - pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga
patakaran, proseso at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilospolitikal ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirikal
na pag-aaral.
8. Ekonomiks - pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng
produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa
ekonomiya ng isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga kalagayang
pang-ekonomiya
edukasyon,
ng
isang
bansa
ay
may
epekto
sa
krimen,
pamilya, batas, relihiyon, kaguluhan at mga institusyong panlipunan,
empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pag-aaral dito.
9. Area Studies - interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa,
rehiyon,
at
heyograpikong
lugar,
kuwalitatibo,
kuwalitatibo,
at
empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik
dito.
10.
Arkeolohiya - pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at
monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao.
11.
Relihiyon - pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga
paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay
ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng
isang superyor at superhuman na kaayusan.
Pagsulat sa Agham Panlipunan
Kaiba sa Humanidades, ang maga sulatin sa Agham Panlipunan ay
simple,
impersoal,
direkta,
tiyak
ang
tinutukoy,
argumentatibo,
nanghihikayat at naglalahad. Di-piksyon ang anyo ng mga sulatin sa
larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga
ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis.
Mga Anyo ng Sulatin
Karaniwang mga anyo ng sulatin sa Agham Panlipunan ang report,
sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo, rebyu ng libro o artikulo,
niyograpiya,
balita,
editorial,
talumpati,
adbertisment,
proposal
sa
pananaliksik, komersiyal sa telebisyon, testimonyal at iba pa.
Mahalagang maunawaan muna ang iba’t ibang katangian ng bawat
anyo, pormat, layunin, wika, nilalaman at inaasahang mambabasa. Kung
gayon, mahalaga ang pananaliksik sa datos sa bwat anyo, anomang paraan
ito.
Proseso sa pagsulat sa Agham Panlipunan:
a. Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas.
b. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapgatatalakay nito?
Kung mayroon na, ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay
sa paksa? Paano ito maiiba?
c. Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula
inilalagay ito ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang
pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit nalilinaw sa takbo ng
pagtalakay.
d. Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang
interbyu, mass media, internet, social media at new media, aklatan,
sarbey, focus-group discussion, obserbasyon at iba pa.
e. Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis.
f. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo,
kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko.
g. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula,
gitna at wakas), angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat.
h. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng
ibang may-akda.
KASAYSAYAN AT TUNGKULIN NG PAGSASALIN SA PAGSULONG NG
FILIPINO
Napakahalaga ng papel na ginampanan ng pagsasalin sa patuloy na
pagsulong ng wikang Filipino sa akademya. Kung muling babalikan ang
kasaysayan, noon pa mang panahon ng mga Español, nagkaroon na ng
pagsasalin sa ilang dokumentong panrelihiyon at pampanitikan. Lalo itong
naging masigla noong panahong ng mga Amerikano at maging noong
panahon ng mga Hapon at lalong lumalakas sa kasalukuyang panahon
bilang paraan ng patuloy na intelektuwalisasyon sa wikang Filipino.
Ang pagsasalin ay nagmula sa salitang Latin na translatio na
translation naman sa wikang Ingles. Metafora o metaphrasis ito sa wikang
Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang-sasalitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay Batnag 2009). Ito ang dahilan
kung
bakit
palaging
inaakala
na
ang
pagsasalin
ay
isang
simpleng
pagtatapatan lamang ng mga salita ng dalawang wika o rehiyong na wika.
Ang pagsasalin ay isang sining at agham na nangangailangan ng
malawak at malalim na kaalaman sa larangan ng lingguwistika at
gramtika.
Nagkaroon
ng
magkakaibang
pananaw
ang
mga
kilalang
dalubhasa sa pagsasalin bunga marahil ng iba’t ibang estilo at layuning
kakabit ng pagsasalin. Ito ay nagresulta rin ng magkakaibang pakahulugan
sa gawaing ito.
Mga pakahulugan sa pagsasalin ay mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petra
(2009)
o 1. Translation consists in producing in the receptor language the
closest, natural equivalent of the message of the source language, first
in meaning and secondary in style (Nida, 1964).
Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit
at likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa
kahulugan at ikalawa ay sa estilo.
o 2. Translation is made possible by an equivalent of though that lies
behind its verbal epressions (Savory, 1968). Ang pagsasalin ay
maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang
nasa likod ng pananalita.
o 3. Translation is reproducing in the receptor language a text which
communicates the same message as the source language but using the
natural grammatical and leical choices of the receptor language
(Larson, 1984). Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap
na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa
simulaing
wika
subalit
gumagamit
ng
mga
piling
tuntuning
gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika.
o 4. Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a
written message in one language by the same message in another
language (Newmark, 1988).
Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang
palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding
mensahe sa ibang wika. Bilang kabuuan, sinabi ni Santos (1996), hango kay
Batnag (2009), ang pagsasalin ay: “...ang malikhain at mahabang proseso
ng pagkilala at pag-unawa ng mga kahulugan sa isang wika at ang
malikhain at mahabang proseso ng paglilipat ng mga ito sa kinilala at
inunawang mga kahulugan ng isa pang wika.”
Napakalaki ng naitulong ng pagsasalin sa pagtataguyod ng kaisipang
maka-Pilipino kaya hindi napigilan ng malakas na pwersa ng Ingles ang
ilang mga batikang propesor sa ilang malalaking pamantasan at unibersidad
sa Kamaynilaan na gamitin ang Filipino sa pagtuturo ng pilosopiya, agham
pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayn at panitikan.
Layunin ng Pagsasalin
1. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat
ng mga kaisipan mula sa ibang wika.
2. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong
kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa
bansa.
3. Mapagyaman ang
kamalayan sa
iba’t
ibang
kultura mula sa
pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin.
Uri ng Pagsasalin
1. Pagsasaling Pampanitikan - nilalayon na makalikha g obra maestra
batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika
2. Pagsasaling siyentipiko-teknikal - komunikasyon ang pangunahing
layon
Maikling Kasaysayan ng Pagsasalin
Nagsimula ang kasaysayan ng pagsasalin sa bansa noong dumating ang
mga Español at ipayakap ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Naging
napakalaking suliranin para sa mga Español ng wikang umiiral sa bansa
sapagkat lubhang magkalayo ang pamilya ng mga wika sa bansa at sa
España. Ang Pilipinas ay mula sa Austronesia at ang Espanya ay kabilang sa
Indo-European.
Napakihirap magkaunawaan kung dalawang magkaibang wika ang
gamit. Bilang tugon sa suliraning ito, nagsagawa ng pagsasalin ang mga
Español ng mga aklat, karamihan ay aklat ukol sa katesismo, na orihinal na
nasusulat
sa
kanilang
pagpapalaganap
ng
wika
kakambal
Kristiyanismo
sa
nito
ang
layuning
kapuluan.
mabilis
Maraming
na
aklat
pampanitikan na nasulat ang mga paring misyonero na kadalasang tungkol
sa moralidad at wastong pagkilos lalo na sa kababaihan ang paksa bukod sa
katesismo.
Sumulat din sila ng ilang aklat sa gramtika at bokabularyo gamit ang
wikang katutubo na malaki ang naitulong sa pag-aaral ng wika sa bansa.
Ayon kay Tanawan et al., (2007) malaking tulong din sa mabilis na
paglaganap ng Kristiyanismo at pag-aaral sa gramatika at bokabularyo ang
pagpangkat sa mga prayle sa apat na orden na naitalaga sa iba’t ibang
bahagi sa bansa.
Ang mga Dominican ay naitalaga sa Pangasinan at Cagayan, ang mga
Franciscan ay sa Camarines, ang mga Heswita ay sa kalahati ng Bisaya at
ang mga Agustinian naman ay sa isa pang kalahati ng Bisya, Ilocos at
Pampanga. Nagkaroon ng sariling imprentahan ang mga lugar na ito upang
higit na maging mabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagsulat
ng mga aklat at babasahin tungkol sa pag-aaral ng wika at gramatika.
Samantala,
naging
hudyat
ng
pagsisimula
ng
kasaysayan
ng
imperyalismong Amerikano sa bansa noong pumirma ang Estados Unidos at
Espanya sa Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898 na
simula
naman ng pagwawakas ng kasaysayan ng pananakop ng España. Batay sa
kasunduan, ang pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas ay may layuning:
1) ekspansyong ekonomiko;
2) pagtatayo
ng
depensang
militar
at pandagat
sa
Asya-
pasipiko; at
3) pagpapalaganap ng protestantismo (San Juan et al., 2019).
Tulad ng nabanggit sa kasaysayan, nabigyan ng halaga ang edukasyon sa
bansa
noong
panahon
ng
mga
Amerikano.
Kapwa
nabigyan
ng
pagkakataong makapag-aral ang mahihirap at mayayaman kung saan mga
sundalong Amerikano ang nagsilbing mga guro na higit na kilala sa tawag
na Thomasites. Buong-laya nilang itinuro ang wikang Ingles sa mga Pilipino
na naging daan upang yumabong at yumaman ang panitikang Filipino sa
wikang Ingles. Kasabay nito ang pag-usbong ng pagsasalin upang higit na
maunawaan ng mga Pilipino ang mga panitikang ito.
Hindi mabilang ang mga tula, dula, maikling kwento, nobela at sanaysay
na
naisalin
sa
Filipino.
Kadalasang
pag-ibig,
kabiguan,
pag-asa,
nasyonalismo at iba pa ang paksa ng mga akdang-pampanitikan lalo na
ang mga
tula. Ang mga
maikling kwento
at
nobela
ang higit
na
nagpayabong sa edukasyong hatid ng Estados Unidos sa bansa sapagkat
sumasalamin ito sa mga pangyayari sa buhay ng mga bansang pinagmulan
nito.
Naghatid
ito
ng
iba’t
ibang
kaalaman,
kultura,
karanasan
at
kasaysayan ng iba’t ibang lahi sa mundo.
Iba naman ang estratehiyang ginamit ng mga Hapon upang mapaniwala
ang mga Pilipino sa kanilang adhikain sa bansa. Ayon pa rin kina San Juan
et al., ang Greater East Co-Prosperity Sphere na may slogang Asyano para
sa mga Asyano ang propagandang inilahad ng mga Hapon sa mga Pilipino.
Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil
sa paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino (Filipino ngayon) sa pagsulat at
pilit na pag-aalis sa sistema ng mga Pilipino ng wikang Ingles. Ilang mga
akdang pampanitikan din ang naisalin noong panahong ito. Kadalasang may
paksang politikal at panlipunan ang mga dula noon samantalang ang mga
maiikling kwento naman ay nasa anyong panitikang pambata.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasalin, hindi lamang ng iba’t
ibang akdang pampanitikan kung hindi maging mga teknikal na akda.
Naging
napakalaking
pangangailangan
ng
pagsasalin
sa
kasalukuyang
panahon dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ng kompyuter at
komunikasyon. Dahil dito, lalong lumakas ang pagkakakapit ng wikang
Ingles sa mga Pilipino dahil sa paniniwalang ito ang wika ng globalisasyon.
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng bawat
mamamayan, subalit mawawalan ito ng saysay o kabuluhan kung hindi ito
maiintindihan ng mga taong nakikinig o makababasa nito.
Dito pumasok ang pagsasalin, kung saan kailangan ang puspusang
pagpapayabong at pagtataguyod sa gawaing ito. Ang mga dalubhasa ay
puspusan ang ginawa/ginagawang pagsasalin sa mga pinakamahuhusay na
akda, lokal man o banyaga upang lubos na maipabatid sa mga Pilipino ang
diwa at ganda ng iba’t ibang kultura at kahusayan ng iba’t ibang kaalaman.
Nakilala sa gawaing ito sina Rufino Alejandro, Belvez Paz, Virgilio
Almario, Buenvinido Lumbera at marami pang iba.
Nakikipagtulungan naman ang KWF, bilang isang konstitusyonal na
ahensya, sa gawaing ito. Patuloy ang isinasagawa nilang pagsasalin ng mga
klasiko at pinakamahuhusay na akdang pampanitikan sa daigdig.
Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino
1. Sa naipamamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan
lamang
magagamit
ang
Filipino
kundi
kaya
nitong
magamit
sa
pagpapahayag ng mga intelektuwal na diskuro na makikita sa mga
naisaling akda sa agham, teknolohiya, agham panlipunan, panitikan at
marami pang iba.
2. Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing
pagsasalin. Sa mga katulad na inisyatiba, nabibigyang katumbas sa ating
wika ang mga konsepto na tanging sa Ingles o ibang wika natin
nababasa.
Maaaring
pagsakatutubo,
ang
adaptasyon,
pagtutumbas
o
lumikha
na
ito
man,
ay
ang
dumaan
sa
mahalaga
ay
magkakaroon ang mga konsepto ng mga tiyak na katumbas sa Filipino.
3. Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa
pamamagitan ng Filipino. Dahil dito, mas naitatampok ng Filipino ang
kakayahan nitong maging imbakan ng karunungan na tinatayang
mahalaga sa pag-unlad at lalong pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.
4. Nagtutulay ang pagsasalin, gamit ang mga naisaling akda, upang
puspusang magamit ang Filipino sa akademya partikular sa mga kolehiyo
at unibersidad. Kung mga aklat at materyales na panturo o sanggunian
ang mga naisalin magiging mas madali na ang pagtuturo at hindi na
magiging dahilan ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang
Filipino sa mga kursong wala pang nalilimbag na aklat sa Filipino.
5. Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagamat
pagpapaunlad din ito sa korpus ng Filipino, partikular na tinutukoy nito
ang mga salita na magagamit para maituro nang mabilis at episyente
ang isang kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling akda, untiunti itong
lOMoAR cPSD| 11798610
mabubuo ng mga gagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang
larangan.
lOMoAR cPSD| 11798610
lOMoAR cPSD| 11798610
Download