ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE Tagudin Campus ALONZO,CHANEL S. TAYAHIN NATIN: Sa susunod na gawain, tatayahin natin kung ano ang alam mo tungkol sa paksa? Sa pamamagitan ng isang akrostik bigyang-kahulugan ang salitang deskriminasyon. Diskriminasyong Iniiwasan Sa Komunidad Realidad na Inilalahad na Mayroong pagkakaiba Iba sa Normal na mamamayan. Ayan ang Sampal na nararamdaman habang Yinuyurakan ng Oposisyon, Normal sila, pare-pareho tayo. Course Code: LIT 101 Descriptive Title: SOSYEDAD AT LITERATURA Instructor:CLAIRE ANTONETTE V. SANTISTEBAN ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE Tagudin Campus ISAGAWA SARILI KO, IPAGTATANGGOL KO! Paano mo malalabanan ang deskriminasyon? Ilahad ito sa malikhaing paraan. (TULA, PICK-UP LINES, HUGOT at iba pa). Kung ang boses ko ay may kakayahang mapatahimik sila Sa bawat lait at panghuhusga Bakit wala akong magawa? Dahil ba totoo ang sinasabi nila Dahil sa katayuan naming di magkatugma O dahil sa kulay na magkaiba Diskriminasyong di mawala-wala Magkaibang paniniwala Nagkakaisa ba talaga at magkakakonekta Kung may hadlang na diskriminasyon at panghuhusga. SUBUKIN 1. Ano-ano ang mga pagpapahirap na ginagawa ng mga pulis sa mga bilanggo? -Brutality,pangigipit at panggagahasa 2. Makatarungan ba ang ginawa ng mga pulis sa mga bilanggo?Ipaliwanag. -Hindi, sapagkat kailanma`y hindi karapat-dapat na maranasan ito ng isang tao 3. Ibigay ang karanasan ng madre sa kamay ng mga pulis? -Hindi pinakain at ginahasa 4. May paninindigan ba ang madre? Ipaliwanag -Meron, sapagkat hindi niya naisipang sumuko at mas nanalig pa siya sa Diyos 5. Bakit pinamagatang “Narating ko ang Impiyerno”? -Sapagkat kung iisipin natin, dapat kakampi natin ang mga pulis at officials, ngunit imbes na serbisyo halos pangaabuso lang. Sa pagiging madre, hindi lamang nila iniingatan ang kanilang paniniwala ngunit pati ang katawan bilang isang banal na ginawa ng Diyos at kung sa akin, mas gugustuhin ko na lamang mamatay kaysa magahasa na hanggang kamatayan ay ramdam pa din ang trauma at karumihang ginawa. SUBUKIN Mga Tanong: 1. Sino si Honorio Bartolome De Dios? Isalaysay ang kanyang pagkatao. Si Honorio Bartolome de Dios ay ang awtor ng Geyluv. Course Code: LIT 101 Descriptive Title: SOSYEDAD AT LITERATURA Instructor:CLAIRE ANTONETTE V. SANTISTEBAN ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE Tagudin Campus 2. Isa-isahin ang mga tauhan at ilarawang ang kanilang pagkatao base sa kwento. Gumamit ng isang character web sa paglalahad ng tauhan. Benjie – Mike (matalik na kaibigang (isang mamamahayag ng diyaryo bakla ni Mike) na napalapit ng husto kay Benjie) / | \ Inay Joana Carmi (nanay ni (kaibigan (dating syota ni Mike) Benjie) at katrabaho ni Benjie) 3. Isa-isahin ang mga tagpuan/setting ng kwento. Ilarawan ang mga ito. Baguio- kung saan nagseminar Los Banos- puntod ng nanay Bar- kung saan umamin ang isa sa kanila ng nararamdaman Apartment- kung saan sila nagpalipas ng gabi. 4. Ano ang mensahe ng kwentong ito sa ating lipunan? Ipaliwanag. Panghuhusga ng Lipunan sa relasyon nilang magkaibigan (na baka isiping bakla si Benjie) 5. ANO-ANO ang mga realidad sa kwento ang nangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag. Rejections na nararanasan ng mga LGBTQ+A… Winawalang bahala ang kanilang nararamdaman 6. Ano ang mensahe ng kwentong binasa? May pagmamahal sa pagkakaibigan, at minsan mas lumalalim iyon habang ang iba na hanggang kaibigan lang talaga. 7. Ibuod ang kwento sa isang komprehensibong pamamaraan. Unang nakilala ni MIke si Benjie sa media party ng kumpanya nito. Pagkatapos ng proyekto nila sa Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil ayaw na niyang masaktan pang muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa panahong naging malapit si Mike kay Benjie, kakatapos lang nilang maghiwalay ng gerlpren niyang si Carmi.Madalas magkasama sina Mike at Benjie. MInsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine o kaya ay simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses, habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike na mahal niya ito. Hindi sila halos nag-usap buong gabi pagkatapos noon. Naisipan nilang pareho na tumira magkasama sa apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nila mangyari sa relasyon. � Tahayin Natin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag na ito ni Mike? ”Yun bang pouring out of emotions na walang kakaba-kabang sabihan kang bakla o mahina. At pagkaraan ay ang gaan-gaan ng pakiramdam mo. Sa barkada Course Code: LIT 101 Descriptive Title: SOSYEDAD AT LITERATURA Instructor:CLAIRE ANTONETTE V. SANTISTEBAN ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE Tagudin Campus kasi, parang di nabibigyan ng pansin ‘yang mga emotions-emotions. Nakakasawa na rin ang competition. Pataasan ng ihi, patibayan ng sikmura sa mga problema sa buhay, patigasan ng titi”. -May mga kaibigang payabangan lang, may kwentuhan man o sabihan ng problema ngunit malimit lang sapagkat tiyak kakantsawan ka lang pag nakatalikod. Iba pa din yung kaibigang mapagsasabihan mo ng problema at dadamayan ka. 2. Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag na ito ni Mike? “Buong magdamag nag-iiyak si Benjie sa kuwarto nang gabing iyon bago ilibing ang nanay niya. Hinayaan ko siyang yumakap sa akin. Hinayaan ko siyang pagsusuntukin ang dibdib ko. Yakap, suntok, iyak. Hanggang sa makatulog sa dibdib ko”. - Minsan kailangan nating pabyaan ang isang tao na may mabigat na nararamdaman, gaya ng ibang taong nangangailangan ng tagapakinig, hindi na kinakailangang magsalita o magisip ng sasabihin sapagkat yung pakikinig, pakikisama at paglalaan ng panahon at oras na kasama mo siya ay ayos na. ISAGAWA � Karagdagang Gawain Panuto: Ibigay ang hinihiling ng bawat pahayag. 1. Walang malinaw na wakas ang kwentong ito. Bigyan ng sariling wakas ang kwentong ito base sa inyong kagustuhan - Kung bibigyan ko man ito ng wakas, bibigyan ko ito ng parang Happily Ever After gaya ng prinsipe at prinsesa, sa paraang iyon, maipapakita natin sa ibang tao na karapat dapat din nila maramdaman ang pagmamahal, importansya at pag-aalaga. 2. Ang pagmamahalan ba ay para lamang sa babae at lalaki? Ipaliwanag ang sagot. -Kailanma`y hindi, sapagkat hayop ay minamahal, ano pa kaya ang kapwa nating tao, mas karapat- dapat silang mahalin, at bigyang importansya. Magkaroon ng batas para sa lahat ng nilalang. Walang diskriminasyon, pagaabuso at panlilinlang. Ibidyo Mo Ako! Course Code: LIT 101 Descriptive Title: SOSYEDAD AT LITERATURA Instructor:CLAIRE ANTONETTE V. SANTISTEBAN ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE Tagudin Campus Kumuha ng mga pahayag mula sa kwento na pumukaw sa inyong atensiyon at damdamin. Gumawa ng sariling monologo (video)sa mga pahayag na ito. Course Code: LIT 101 Descriptive Title: SOSYEDAD AT LITERATURA Instructor:CLAIRE ANTONETTE V. SANTISTEBAN